You are on page 1of 23

Senior High School

Filipino sa Piling Larang


(Akademik)
Unang Markahan – Modyul 3:
Sulating Akademik
(Kahulugan, Kalikasan, at Katangian)
Filipino sa Piling Larang (Akademik) – Baitang 12
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Sulating Akademik (Kahulugan, Kalikasan, Katangian)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Joseph S. Soriano
Editor: Rodolfo F. De Jesus, PhD
Tagasuri: Jenevieve S. Palattao
Tagaguhit: Remearson J. Araza
Tagapamahala: Jenilyn Rose B. Corpuz, CESO VI
Juan C. Obierna
Heidee F. Ferrer, EdD
Rodolfo F. De Jesus, PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Schools Division Office, Quezon City


Office Address: 43 Nueva Ecija Street, Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
Filipino sa Piling Larang
(Akademik)

Unang Markahan – Modyul 3:


Sulating Akademik
(Kahulugan, Kalikasan, at Katangian)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Baitang 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sulating
Akademik (Kahulugan, Kalikasan, Katangian)!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Piling Larang (Akademik) Baitang 12 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sulating Akademik
(Kahulugan, Kalikasan, Katangian)!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksiyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang
marka o sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa katulad mong


mag-aaral na mabigyang-kahulugan ang iba’t ibang uri ng sulating
akademiko at panimulang pananaliksik.

Nagtataglay ang modyul na ito ng mga gawain na lilinang sa iyong


kasanayan upang higit na maunawaan ang iba’t ibang sulating akademiko at
panimulang pananaliksik ukol dito.

Naririto ang Most Essential Learning Competencies na lilinangin sa


modyul na ito:
1. nabibigyang kahulugan ang akademikong pagsulat
(CS_FA11/12PB-Oa-c101);
2. nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:
(a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian (d) Anyo)
(CS_FA11/12PN-Oa-c-90); at
3. nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng
kahulugan, kalikasan, katangian, at iba’t ibang anyo ng sulating
akademiko (CS_FA11/12EP-Oa-c-39).

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. natutukoy ang mga kahulugan ng iba’t ibang sulating akademiko


at konsepto ng pananaliksik;
2. nasusuri ang kahulugan, katangian, at layunin ng iba’t ibang
sulating akademiko;
3. naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa panimulang
pananaliksik;
4. nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik sa halimbawang
akademikong sulatin.
Ngayong nabatid mo na ang mga layuning kailangang matamo sa
modyul na ito, mahalagang malaman din natin ang taglay mong kaalaman sa
paksa na iyong pag-aaralan. Sagutan ang susunod na gawain dahil ito ang
magiging batayan ng iyong guro kung paano ka niya tutulungan na
pagyamanin ang iyong kaalaman. Halika! Subukin mong sagutan ang
kasunod na gawain.

1
Subukin

Mahalagang malaman natin ang taglay mong kaalaman sa Akademikong


Sulatin at Panimulang Pananaliksik. Magiging batayan ito kung paano ka
tutulungan at higit na pagyayamanin ang iyong kaalaman at karunungan. Subukin
mong isagawa ang kasunod na gawain.

PANUTO: Basahin at unawain ang katanungan sa bawat aytem at isulat


ang wastong sagot sa hiwalay na papel.
A. Hanapin ang tinutukoy na konsepto ng sumusunod na bilang.
Gawing gabay ang talaan ng mga konsepto sa kahon.

Abstrak Malikhaing Pagsulat Posisyong Papel


Adyenda Memorandum Lakbay Sanaysay
Akademikong Sulatin Katitikan ng Pulong Replektibong Sanaysay
Bionote Pananaliksik Talumpati
Buod/Sintesis Panukalang Proyekto Teknikal na Pagsulat

1. Ang intelektuwal na pagsulat na nakatutulong sa pagpapataas


ng kaalaman at karunungan ng indibidwal sa iba’t ibang larangan.
2. Ang sistematikong proseso ng mga hakbang na ginagamit sa pagkalap
ng datos, impormasiyon upang madagdagan ang pagkaunawa sa
isang paksa.
3. Ang sulatin na ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel
tulad ng tesis, lektura, papel na siyentipiko, at mga ulat na
naglalaman ng pinakabuod ng akademiko papel.
4. Ang sulatin na ginagamit sa tekstong naratibo tulad ng kuwento,
nobela, dula, parabula, pabula, talumpati, at iba pang anyo ng
panitikan.
5. Ang sulatin na inilalahad ang tala ng buhay ng isang tao na
naglalaman ng buod ng kanyang academic career, na mababasa
sa mga journal, aklat, websayt at iba pa.
6. Ang detalyadong kasulatan na deskripsyon ng mga mungkahi o
suhesiyon na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa
isang komunidad o samahan.
7. Ang sulatin na naglalahad ng opinyon na naninindigan hinggil sa
isang mahalagang isyu ukol sa batas, akademiya, politika, at iba
pang mga larangan.
8. Ang uri ng sanaysay na may kinalaman sa pagbabahagi ng mga
bagay na naiisip, nararamdaman, pananaw, at damdamin hinggil sa
isang paksa.
9. Ang uri ng lathalaing pangunahing layunin ay maitala ang mga naging
mahalagang karanasan sa paglalakbay.
10. Ang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa
paraang pasalitang tumatalakay sa isang mahalaga at napapanahong
paksa.

2
B. Iklasipika ang sumusunod na gawain sa angkop na bahagi nito sa
pananaliksik. Isulat ang letra ng sagot sa hiwalay na papel.
A. Pagbabahagi ng pananaliksik sa paaralan, lokal, pambansa o
pandaigdigang komperensiya.
B. Ang pagrebisa o pagwawasto sa ilang kamalian, pagkakaayos ng estilo
ng nilalaman, kaisahan at kaugnayan ng mga ideya ng pananaliksik

C. Ang konsiderasyon ukol sa sariling interes ng mananaliksik,


pagkakaroon ng sapat na mapagkukunan ng datos, at maging ang
sakop na oras at panahon ng pananaliksik.

D. Ang masusing panimulang pag-aaral sa rasyonal, layunin,


metodolohiya, at inaasahang bunga ng pananaliksik.

E. Ang paghahanda ng bibliograpiya o talaan ng mga aklat, journal,


pahayagan, magasin, hanguan eletroniko na pinaghanguan ng
kaalaman sa pananaliksik

Hakbang sa Pananaliksik

Pagpili at Paglilimita ng Paksa Pagbuo ng Konseptong Papel

Pangangalap ng Datos

Pagsulat ng Borador Presentasyon ng Pananaliksik

Balikan

Mahalagang maunawaan natin ang iyong natutuhanang kaalaman sa


kasanayang pagsulat at iba’t ibang uri nito. Halika magbalik-aral tayo!

Basahin ang sumusunod na tanong at itala mo sa hiwalay na papel ang iyong sagot.

I. Ano ang kahulugan ng Pagsulat para sa iyo? Isulat mo sa hiwalay na papel ang
iyong sariling pagpapakahulugan sa salitang Pagsulat (maaaring isang salita
lamang o parirala ang isulat). Gamit ang mga ibinigay na salita o parirala bumuo
ng sariling kahulugan ng Pagsulat.

3
Pagsulat

Sariling Kahulugan ng Pagsulat

II. Tukuyin sa Hanay A ang mga katangian ng akademikong sulatin sa Hanay B.


Isulat ang letra at salita ng wastong sagot sa hiwalay na papel.
Hanay A Hanay B

1. Ang mga kaisipan at datos sa akademikong sulatin ay A. Obhetibo


nakabatay sa resulta ng isinagawang pananaliksik.
B. Organisado
2. Ang mga kaisipan at datos sa akademikong sulatin ay C. Pananagutan
maayos ang paglalahad gamit ang wikang opisyal.
D. Paninindigan
3. Ang mga kaisipan at datos sa akademikong sulatin ay E. Pormal
nagtataglay ng kaisahan at pagkakaugnay-ugnay ng talata.
F. Subhetibo
4.Ang mga inilahad na kaisipan at datos ay nagtataglay ng
integridad dahil nakabatay sa masusing pananaliksik.

5. Ang mga nakalap na kaisipan at datos mula sa mga


sanggunian ay sapat ang pagkikilala bilang pagpapakita ng
paggalang at etika.

Mga Tala para sa Guro


Matapos maibigay ng guro sa mga mag-aaral ang mga
kasanayang dapat nilang matamo at malaman ng guro ang dating
kaalaman ng mga mag-aaral ay tutungo na sa pagtalakay sa
kahulugan ng iba’t ibang uri ng sulatin at panimulang
pananaliksik. Sa pamamagitan nito ay mas madaling maiuugnay
ng guro ang dating kaalaman at bagong kaalaman mula sa aralin.

4
Tuklasin

Sa kasalukuyang taglay mo na ang kaalaman tungkol sa kasanayang pagsulat


at mga konsepto ukol dito. Ngayon naman ay magkakaroon ka ng bagong kaalaman
ukol sa kahulugan ng mga uri ng akademikong sulatin at panimulang pananaliksik.
Halina’t iyong basahin at unawain ang sumusunod na paksa.
Ano-ano kaya ang mga sulating akademiko na ginagamit sa iba’t ibang lugar o
tanggapan? Halina at subuking ilista ang mga uri ng akademikong sulatin na
maaaring ginagamit sa iba’t ibang lugar o tanggapan.

Lugar o Tanggapan Akademikong Sulatin

Paaralan Abstrak, Buod/Sintesis,


Replektibong Sanaysay, Talumpati

Barangay Hall

Opisina / Tanggapan

Quezon City Hall

Ninoy Aquino Parks &


Wildlife Center

Suriin

Akademikong Pagsulat
Ang Akademikong Pagsulat ay tumutukoy sa pagsulat na isinasagawa sa
isang akademikong institusyon na nangangailangan ng mataas na antas ng
kasanayan sa pagbasa at pagsulat, mahigpit na tuntunin sa kombensiyonal na
pagsulat, at pagtataglay ng isang paksang may magkakaugna-ugnay na mensahe o
impormasyon.
Ito ay maituturing na intelektuwal kasanayang nakatutulong sa paglinang at
pagpapataas ng kaalaman at karunungan ng isang indibidwal sa iba’t ibang
larangan.

5
Iba’t ibang Uri ng Akademikong Sulatin
Ang Akademikong Pagsulat ay may iba’t ibang uri na maaaring matukoy batay sa
kahulugan, kalikasan, at katangian nito. (Baisa-Julian at Loctoc 2017, 160-161).
Halika, tuklasin ang iba’t ibang uri ng akademikong sulatin.

Abstrak
Ang sulatin na ginagamit sa akademikong papel tulad ng tesis,
lektura, papel na siyentipiko, at mga report na naglalaman ng pinakabuod
ng buong akdang akademiko. Ito ay naglalaman ng mga mahahalagang
elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksiyon, mga
kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta, kongklusiyon.

Buod
Ang sulatin na ginagamit sa mga tekstong naratibo o nagsasalaysay
tulad ng maikling kuwento, nobela, dula, parabula, pabula, talumpati, at
iba pang anyo ng panitikan. Mahalagang maibuod ang nilalaman ng
binasang akda gamit ang sariling salita.

Bionote
Ang sulatin na tala ng buhay ng isang tao na naglalaman ng buod
ng kanyang academic career, na mababasa sa mga journal, aklat, abstrak
ng mga sulatin, websayt at iba pa. Pagpapakilala sa sarili sa propesyonal
na layunin o paglalahad ng mahahalagang personal na detalye o
impormasyon at maging mga nagawa o ginagawa sa buhay.

Posisyong Papel
Ang sulatin na naglalahad ng opinyon na naninindigan hinggil sa
isang mahalagang isyu ukol sa batas, akademiya, politika, at iba pang mga
larangan.

Katitikan ng Pulong
Ang opisyal na tala ng isang pulong na nagsisilbing opisyal at legal na
kasulatan ng samahan, kompanya, o organisasyong maaaring magamit
bilang prima facie evidence sa mga legal na usapin o sanggunian para sa
susunod na mga pagpaplano at pagkilos.

Replektibong Sanaysay

Ang sulatin na may kinalaman sa pagbabahagi ng mga bagay na


naiisip, nararamdaman, pananaw, at damdamin hinggil sa isang paksa.
Nakaugnay dito ang pagpapakita ng mga personal na paglago at pagtatala
ng mga mahahalagang kaisipan at damdamin sa isang paksa.

Panukalang Proyekto
Ang detalyadong kasulatan na deskripsyon ng mga mungkahi
o suhesiyon na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa
isang komunidad o samahan.

6
Lakbay Sanaysay
Ang lathalaing na naglalahad ng mahalaga at makabuluhang karanasan sa
paglalakbay. Ito rin ay nagbibigay ng mga mahahalagang impormasiyon at
datos ukol sa kultura at kaugalin ng lugar na makatutulong sa mambabasa
nais maglakbay.

Talumpati
Ang pagpapahayag ng kaisipan at damdamin sa paraang pasalitang
na tumatalakay sa isang mahalaga at napapanahong paksa

Nalaman mo na ang kahulugan ng akademikong sulatin gayundin ang


naunawaan ang kahulugan ng iba’t ibang uri ng akademikong sulatin. Ngayon
naman tutungo tayo sa pagtalakay sa Panimulang Pananaliksik na makatutulong sa
iyo sa pagsasagawa ng pagsusuri sa iba’t ibang uri ng akademikong sulatin.

Panimulang Pananaliksik
Kahulugan ng Pananaliksik
Batay sa Pambansang Alagad ng Sining na si Virgilio
S. Almario ang pananaliksik o saliksik ay isang
katutubo o sinaunang salita na matatagpuan sa
Vocabulario ni Noceda ay nangangahulugang “hanapin
sa lahat ng sulok” na nagpapahiwatig ng isang gawin
na may tindi at sigasig sa paulit-ulit na paghahanap
dahil kailangan isagawa sa lahat ng sulok. Ayon pa kay
Almario ang pinakakahulugan, kabuluhan at
pangwakas na tungkulin ng saliksik ay ang pagtatamo
ng karunungan. (Almario 2016, 1-2 )

Ang mga dalubhasa at eksperto sa iba’t ibang larangan ay nagbigay ng pakahulugan


sa Pananaliksik:

Binigyan pakahulugan ng mga dalubwika na sila Constatino at Zafra ang


pananaliksik bilang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto,
bagay, tao, isyu, at iba pang ibig bigyang-linaw, patunayan o pasubalian.

Ayon naman sa ekspertong si Spalding, ang pananaliksik ay malalimang pagtalakay


sa isang tiyak at naiibang paksa at taglay nito ang obhektibong interpretasyon ng
manunulat sa mga impormasyon nakalap. (Dayag at Del Rosario 2016, 121)

Itinuturing naman ng edukador na si Susan


Neuman ang pananaliksik bilang paraan ng pagtuklas
ng mga kasagutan sa mga partikular na katanungan ng
tao tungkol sa kaniyang lipunan o kapaligiran.
Sa kabuoang ang pananaliksik ay isang sistematikong
proseso ng mga hakbang na ginagamit sa pagkalap ng
datos, impormasiyon upang madagdagan ang
pagkaunawa sa isang paksa.
Ngayon nalaman mo na ang kahulugan ng
pananaliksik bilang sistematikong proseso sa pagtuklas
(https://bit.ly/SusanNeumann)

7
pagtuklas ng bagong kaalaman mahalagang matalakay ang mga hakbang sa
pagsasagawa ng pananaliksik upang makatulong sa pagsasagawa mo ng pagsusuri
sa iba’t ibang akademikong sulatin.
Hakbang sa Panimulang Pananaliksik
Narito ang ilan sa mga hakbang sa pagsasagawa ng panimulang
pananaliksik. (Jocson 2016, 279-281)

1. Pagpili at Paglilimita ng Paksa

Ang paksa ang itinuturing na pinakasentro ng sulating pananaliksik


at ang pagpili nito ang isa sa mapanghamong bahagi sa pagsasagawa ng
pananaliksik. Mahalagang maging gabay sa pagpili ng paksa ang sariling
interes, bago o naiiba, may sapat na mapagkukunan ng impormasiyon
at oras at panahon ng pananaliksik.

2. Pagbuo ng Balangkas
Ang balangkas o outline ng pananaliksik ang
magsisilbing gabay upang maging maayos at sistematiko ang
pananaliksik.

3. Pagbuo ng Konseptong Papel

Ang konseptong papel isang pagbubuod ng kabuong ideya o


kaisipan ng pananaliksik na tumatalakay sa pananaliksik at
nagsisilbing panukala o proposal ng pananaliksik. Ang mga bahagi
nito ay Rasyonal, Layunin, Metodolohiya, Inaasahang Bunga.

4. Pagkuha, Paggamit, Pagsasaayos ng mga Datos


Ang pangangalap ng mga datos at impormasyon mula sa
iba;t ibang hanguan ay kinakailangan ng pag-iingat gayundin
ang maayos na dokumentasyon sa tulong ng bibliograpiya,
sistemang parentetikal, talababa, at iba pa.

5. Pagsulat ng Borador

Ang borador o draft ay ang pagsasama-sama at pag-uugnay-


ugnay ng mga tala na kaakibat ang puna, paliwanag, at
interpretasyon ng datos na nakabatay sa balangkas ng pananaliksik.
Mahalaga ang pagiging malinaw at lohikal sa pagsulat nito.

6. Pagsulat ng Pinal na Sipi

Ang pinal na sipi ang kabuoang ng isinagawang pananaliksik


na batay sa wastong pormat, kawastuhan ng pamamaraan at
dokumentasyon. Ang mga bahagi nito ay Introduksiyon, Katawan,
Kongklusyon.

7. Presentasyon ng Pananaliksik

Ang presentasyon at pagbabahagi ng sulating pananaliksik ang


pinakahuling bahagi sa proseso ng pananaliksik. Maaring ipakita ito
sa isang paaralan, lokal, pambansang o pandaigdigang
komperensiya.

8
Halimbawa ng Pananaliksik ng Akademikong Sulatin
Abstrak: Buod ng Akademikong Sulatin
Kasaysayan at Kahulugan
Ang salitang abstrak ay mula sa wikang Latin na abstractus na nangangahulugang
drawn away, extract from na nangangahulugang nagmula o galing sa mismong
kabuoan. (Garcia 2017, 15)
Sa kasalukuyang panahon, ang abstrak ay itinuturing na buod ng mga akademikong
papel na kalimitan makikita sa introduksiyon ng pag-aaral o pananaliksik.
Ito ay ginagamit sa mga akademikong papel tulad ng tesis, lektura, papel na siyentipiko,
at mga ulat na naglalaman ng pinakabuod ng buong akdang akademiko.
Tinataglay nito ang mga mahahalagang elemento o bahagi ng akademikong papel tulad
ng Introduksiyon, Mga Kaugnay na Literatura, Metodolohiya, Resulta, at Kongklusiyon
na nakatutulong sa mambabasa maunawaan ang kabuoang ng teksto. (Baisa-Julian at
Lontoc 2017, 19)
Deskriptibo at Impormatibo: Pangunahing Uri ng Abstrak
Sa pangangalap ng datos at impormasiyon mayroon dalawang pangunahing uri ang
Abstrak; Deskriptibo at Impormatibo.
Sa Deskriptibong Abstrak, inilalarawan nito sa mambabasa ang mga pangunahing
ideya o kaisipan ng teksto. Binibigyang tuon nito ang kaligiran kasaysayan, layunin,
at paksa ng papel. Ito ay nabibilang sa kuwalitatibong pananaliksik na ginagamit sa
mga disiplinang agham panlipunan, mga sanaysay sa sikolohiya, at humanidades.
Sa Impormatibong Abstrak, inilalahad nito sa mambabasa ang mahahalagang
kaisipan at punto ng teksto, nilalagom dito ang kaligiran, layunin, paksa,
metodolohiya, resulta, kongklusiyon ng papel. Ito ay nabibilang sa kuwantitatibong
pananaliksik na ginagamit sa mga larangan ng inhenyeriya, ulat sa sikolohiya, at
agham. Narito ang ilan gabay o hakbang sa pagsulat ng Abstrak. (Garcia 2017, 16)

Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak

1. Humanap ng papel pananaliksik o akemikong papel sa silid-aklatan, Internet


ukol sa paksa ng sariling interes o kawilihan.
2. Lubusang unawain ang papel pananaliksik o akademikong papel. Hanapin
ang pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi mula sa Introduksiyon,
Kaugnay na Literatura, Metodolohiya, Resulta, at Kongklusiyon.

3. Isulat ang mga pangunahing kaisipan ng bawat bahagi ng papel


pananaliksik. Mahalaga ang malinaw at lohikal na pagsasaayos sa
pagsulat ng mga pangunahing kaisipan o ideya sa kabuoang papel.
4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasiyon, graph, table, at iba pang
maliban kung kinakailangan. Gayundin binubuo lamang ng 200
hanggang 500 salita.

5. Sundin ang proseso sa pagsulat sa paggawa ng abstrak.

6. Basahin muli ang ginawang abstrak at suriin kung may


nakalimutan mahahalagang kaisipan.
7. Isulat ang pinal na sipi ng abstrak.

9
Ngayon nalaman mo na ang kahulugan ng iba’t ibang uri ng akademikong sulatin
at naunawaan ang mahahalagang hakbang sa pagsasagawa ng panimulang
pananaliksik. Subukin natin ang natutuhan mo sa nabanggit na paksa.

Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa tinalakay na paksa.


Isulat ang iyong mga sagot sa hiwalay na papel.

1. Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na Uri ng Akademikong Sulatin


batay sa iyong binasa:
a. Abstrak

b. Bionote

c. Katitikan ng Pulong

d. Panukalang Proyekto

e. Posisyong Papel

2. Ano-ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kasanayan sa pagsulat ng


mga Akademikong Sulatin sa isang indibidwal? Ipaliwanag.

3. Ibigay ang pakahulugan ng mga eksperto at dalubwika sa PANANALIKSIK.

Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario

Prop. Pamela Constantino at Prop. Galileo Zafra

Prop. Susan Neuman

10
4. Talakayin ang mga mahahalagang hakbang sa pagsasagawa ng Panimulang
Pananaliksik. Isulat sa hiwalay na papel ang sagot.

Mga Hakbang sa Pananaliksik 7


6

3
2

5. Gamit ang Venn Diagram Paghambingin ang Deskriptibo at Impormatibong


Abstrak. Isulat sa hiwalay na papel ang sagot.

Deskriptibo Impormatibo
Abstrak Abstrak

Pagyamanin

Naunawaan mo na ang kahulugan ng iba’t ibang uri ng akademikong sulatin


gaya ng buod o sintesis, replektibong sanaysay, lakbay sanaysay, talumpati atbp.
Ngayon naman ang pagkakataon upang higit na mapalalim ang iyong pag-unawa
hinggil sa mga nabanggit na uri ng akademikong sulatin.
Sagutan sa hiwalay na papel ang mga tanong sa sumusunod na aytem.

1. Ang makrong kasanayan sa pagsulat partikular sa akademikong sulatin ay


mahalagang instrumento sa personal man o propesyonal na pag-unlad ng
isang indidibwal. Gamit ang talahanayan sa ibaba, itala ang mga maaaring
sulating akademikong ginagamit sa partikular na lugar at magbigay ng
halimbawa.
URI NG AKADEMIKONG
LUGAR SULATIN HALIMBAWA
Paaralan Abstrak Papel Pananaliksik
Tahanan
Barangay
La Mesa Eco Park
Quezon Memorial Circle

11
2. Mahalaga ang pananaliksik upang makakuha at makatuklas ng mga bagong
impormasyon makatutulong sa ating pamumuhay. Bilang isang mag-aaral sa
SHS magsagawa ng pananaliksik ukol sa nais na kunin na kurso at pangarap
na kolehiyo.

Isaisip

Ngayong tapos mo nang sagutan ang mga pagsasanay sa modyul na ito, nais
ko namang ibahagi mo ang mga kaalaman na iyong napulot sa pag-aaral nito.
A. Ano-ano ang mga gagawin mo upang mapaunlad ang kakanyahan sa pagsulat
ng akademikong sulatin?

B. Sa pagsasagawa ng pananaliksik, mahalaga ang pagkakaroon ng


sistematikong proseso at lohikal na plano upang maging makamit ang nais
na resulta. Itala ang mga hakbang o plano na nakabatay sa pananaliksik
upang makapasa sa iba’t ibang pagsusulit pangkolehiyo gaya ng UPCAT,
PUPCET, PNUAT, PLMAT, atbp.

Plano sa pagkuha ng Pagsusulit Pangkolehiyo

1
2
3
4
5
6
7

12
Isagawa

Ikaw ay isang student assistant sa inyong paaralan at naatasan ka ng library


teacher o tagapamahala ng silid-aklatan na magsagawa ng panimulang pananaliksik
ukol sa isang uri ng akademikong sulatin na maaaring mo ibahagi sa mga kamag-
aral mo na kabilang sa Young Writer’s Club. Gawing mong gabay ang Pamantayan
sa Pagmamarka sa Akademikong Sulatin

Pamantayan sa Pagmamarka sa Akademikong Sulatin


Mabuti Magaling Mahusay Napakahusay
Pamantayan Iskor
(1-2 puntos) (3 puntos) (4puntos) (5 puntos)
Kaunti lamang Kalahati ang Halos taglay Kompleto ang
sa mahahalagang taglay na ang lahat ng mahahalagang
nilalaman ng mahahalagang mahahalagang nilalaman ng
sulatin ang nilalaman ng nilalaman ng sulatin mula sa
natalakay gaya sulatin mula sa sulatin mula sa mahahalagang
Nilalaman
ng kahulugan, kahulugan, kahulugan, kahulugan,
kasaysayan, kasaysayan, kasaysayan, kasaysayan,
katangian, katangian, katangian, katangian,
layunin, gamit layunin, gamit layunin, gamit layunin, gamit
nito. nito. nito. nito.
Kaunti lamang Kalahati ang Halos taglay Nasusunod ang
ang taglay na taglay na ang lahat ng lahat ng
mahahalagang mahahalagang mahahalagang mahahalagang
Pagsunod sa
proseso o proseso o proseso o proseso o
Proseso ng
hakbang sa hakbang sa hakbang sa hakbang sa
Pananaliksik
pananaliksik pananaliksik pananaliksik pananaliksik
ukol sa sulatin ukol sa sulatin ukol sa sulatin ukol sa sulatin
Kaunti lamang Kalahati ng mga Halos lahat ng
Ang lahat ng
sa mga ideya at ideya at ideya at
nilalaman at
nilalaman ng nilalaman ng nilalaman ng
Organisasyon ideya ng sulatin
sulatin ang sulatin ang sulatin ay
ng mga ideya ay nagtataglay ng
nagtataglay ng nagtataglay ng nagtataglay ng
kaisahan at
kaisahan at kaisahan at kaisahan at
kaugnayan
kaugnayan. kaugnayan. kaugnayan.
Halos
Kalahati ang
Kaunti lamang nakasusunod Nakasusunod sa
nakasusunod
ang nasusunod sa lahat ng lahat ng mga
sa tuntunin
Pagsunod sa sa tuntunin tuntunin tuntunin
gramatikal gaya
Tuntunin ng gramatikal gaya gramatikal gaya gramatikal gaya
ng
Gramatika ng pagbabantas, ng ng pagbabantas,
pagbabantas,
kapitalisasyon, pagbabantas, kapitalisasyon,
kapitalisasyon,
atbp. kapitalisasyon, atbp.
atbp. atbp.
Kabuoang
Iskor

13
Tayahin

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang hinihingi ng bawat aytem at isulat ang
tamang sagot sa hiwalay na papel.
A. Isulat sa hiwalay na papel ang salitang tinutukoy sa bawat bilang.

Abstrak Malikhaing Pagsulat Posisyong Papel


Adyenda Memorandum Lakbay Sanaysay
Akademikong Sulatin Katitikan ng Pulong Replektibong Sanaysay
Bionote Pananaliksik Talumpati
Buod / Sintesis Panukalang Proyekto Teknikal na Pagsulat

Ang 1.) ay intelektuwal na pagsulat na nakatutulong sa pagpapataas


ng kaalaman at karunungan ng indibidwal sa iba’t ibang larangan.
Ito ay may iba’t ibang uri gaya ng 2.) o sulatin na ginagamit sa
pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, lektura, papel na siyentipiko, at
mga ulat na naglalaman ng pinakabuod ng akademiko papel.
Ang isa pang uri ng lagom ay 3.) na ginagamit sa tekstong naratibo
tulad ng kuwento, nobela, dula, parabula, pabula, talumpati, at iba pang anyo ng
panitikan
Ang uri naman ng lagom na 4.) ay inilalahad ang tala ng buhay ng isang
tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career, na mababasa sa mga
journal, aklat, websayt at iba pa.
Mayroon rin akademikong sulatin na ginagamit sa mga propesyonal na gawain
gaya ng 5.) na detalyadong kasulatan na deskripsyon ng mga mungkahi o
suhesiyon na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad
o samahan.
Karagdagan ang 6.) na naglalahad naman ng opinyon na
naninindigan hinggil sa isang mahalagang isyu ukol sa batas, akademiya, politika,
at iba pang mga larangan.
Ang iba pang uri ng akademikong sulatin ay 7.) na isang uri ng
sanaysay na may kinalaman sa pagbabahagi ng mga bagay na naiisip,
nararamdaman, pananaw, at damdamin hinggil sa isang paksa.
Ang 8.) ay uri ng lathalaing pangunahing layunin ay maitala ang
mga naging mahalagang karanasan sa paglalakbay.
Ang 9.) ay proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan
sa paraang pasalitang tumatalakay sa isang mahalaga at napapanahong paksa.
Ang pagsulat ng akademikong sulatin ay mas magiging mahusay kung
isasagawa sa tulong ng 10.) o ang sistematikong proseso ng mga hakbang
na ginagamit sa pagkalap ng datos, impormasiyon upang madagdagan ang
pagkaunawa sa isang paksa.
B. Talakayin ang mga hakbang sa pagsasagawa ng Panimulang Pananaliksik.
Isulat ang sagot sa hiwalay na papel. (para sa bilang 11-25).

14
Pamantayan sa Pagmamarka Sanaysay sa Pananaliksik

Pamantayan Puntos Iskor

Nilalaman 5

Organisasyon ng mga ideya 5

Pagsunod sa Tuntunin ng Gramatika 5

Kabuoang Iskor

Karagdagang Gawain
Isulat sa hiwalay na papel ang sagot sa tanong.
Ikaw ang nahalal na Sekretarya o Kalihim ng Supreme Student Government ng
inyong paaralan. Naatasan ka ng inyong tagapayo na talakayin ang isa sa mga
katungkulan mo na pagsusulat ng Katitikan ng Pulong upang maging malinaw sa
inyong samahan ang kahalagahan nito. Nagbigay ang inyong tagapayo ng ilang
paalala na dapat nakabatay sa pananaliksik ang gagawin mong pagbabahagi ukol
sa akademikong sulatin na Katitikan ng Pulong.

15
Sanggunian
Almario, Virgilio S, ed. 2016.Introduksiyon sa Saliksik. Metro Manila: Aklat ng
Bayan.
Baesa-Julian, Ailene. at Nestor S. Lontoc. 2017. Pinagyamang Pluma: Filipino
sa Piling Larang (Akademik). Lungsod Quezon: Phoenix Publishing.

Barnales, Rolando et al. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino. Lungsod Valenzuela: JO-ES Publishing House, Inc.

Dayag, Alma M. at Mary Grace Del Rosario. 2016. Pinagyamang Pluma:


Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto tungo sa Pananaliksik. Lungsod Quezon:
Phoenix Publishing.

Garcia, Florante C. 2017. Pintig Senior High SchooL: Filipino sa Piling Larang
(Akademik). Lungsod Quezon: Sibs Publishing House Inc.

https://bit.ly/SusanNeumann

https://bit.ly/RioAlmaManunulat

Jocson, Magdalena O. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino. Lungsod Quezon: Vibal Group Inc.

Sicat-De Laza, Crizel. 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto tungo sa


Pananaliksik. Lungsod Maynila: Rex Book Store.

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office-Quezon City

43 Nueva Ecija Street, Bago Bantay, Lungsod Quezon, Kalakhang


Maynila

Telephone No.: 8352-6806/6809 Telefax: 3456-0343

Email Address: sdoqcactioncenter@gmail.com

You might also like