You are on page 1of 22

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 1
Karapatan at Tungkulin
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Karapatan at Tungkulin
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa ano mang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon paman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang
sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang ano mang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.Walang ano mang parte ng materyales na ito ang
maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ngKagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Ms. Jessica C. Casilan

Editor: Ms. Eliza V. Regualos

Tagasuri: Dr. Ruth G. Yap, PSDS at Dr. Corazon P. Zinampan, PSDS

Dr. Rodolfo de Jesus, EPS-Filipino

Tagalapat: Ms. Eliza V. Regualos


Tagapamahaa: Dr. Jenilyn Rose Corpuz, CESO VI, SDS

Dr. Fredie Avendaño, ASDS

Dr. Ebenezer A. Beloy, OIC Chief - CID

Dr. Heidee Ferrer, EPS-LRMS

Dr. Marietta S. Caballero, EPS-ESP

Dr.Inilimbag
Haidee F.saFerrer
Pilipinas ng Sangay
Tagamasid ng mga Paaralang
Pansangay - LRMS Panlungsod, Lungsod Quezon
Kagawaran ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon
Dr. Marietta S. Caballero, EPS- Edukasyon sa Pagpapakatao
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
ii 9
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan

Modyul 1:
Karapatan At Tungkulin

iii
i
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Karapatan at
Tungkulin.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambulikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinaka-katawan ng modyul:

Mga Tala para saGuro

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga


karapatan at tungkulin.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo nahigit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

iv
ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa (Edukasyon Sa Pagpapakatao 9) ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Karapatan at tungkulin.
Ang kamay ay madalas gamit ng simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan
ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang
kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking
kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-
akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul naito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka saloob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


Subukin ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


Tuklasin sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul naito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba


pang gawaing napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng
mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.


6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

vi
iv
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mgagawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa
iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

vi
iv
Alamin
Kapamilya ka ba? O Kapuso? Kung wala sa dalawa, siguro,Kapatid ka.
Kadalasan sila ang nag-aagawan sa pagiging una sa rating pagdating sa mga
programang kanilang ibinabahagi sa buong mundo. Pero sandali. Bago natin
pagtalunan ito, matanong kita. Sino ang dapat? Kanino dapat? Sino ang karapat-
dapat? Ito ay usapang pantelebisyon lamang ngunit may pagkakatulad ang mga
kapamilya, kapuso at kapatid. Ano kaya iyon? Tao ang pinag-uusapan natin sa mga
tawag na iyon sa mga masusugid na tagasubaybay ng iba’t ibang television network.
Kapamilya, kapuso o kapatid man lahat sila ay may K. Sa Modyul 4, binigyang tuon
ang Lipunang Sibil, Media, at Simbahan . Naunawaan mo ang mga pagpapahalagang
isinusulong ng lipunang sibil upang makamit ang kabutihang panlahat.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamalas mo ang mga sumusunod na
kaalaman, kakayahan at pag-unawa.
a. Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao (EsP9TT-IIa-5.1)

b. Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya,


paaralan,baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa (EsP9TT-IIa-5.2)
c. Napaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin

1
Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at piliin ang pinakaangkop na
sagot sa bawat bilang. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ang mga ito sa iyong
kwaderno.
1. Ano ang katumbas ng bawat karapatan na tinatamasa ng mga tao?
A. kalayaan B. layunin C. halaga D. tungkulin
2. Ano ang totoo para sa karapatan, kasunduan, kabutihan at kawanggawa?
A. Ito ay mga bagay na pansarili lamang.
B. Ito ay mahahalagang bagay para sa lahat ng nilalang.
C. Ito ay mahalagang bagay na nararapat na mayroon ang bawat tao.
D. Ito ay magdudulot ng pagkakapantay-pantay sa tao.
3. Ang pagiging may pananagutan, mapagpalaya at may pagpapahalaga sa dignidad
ay _______.
A. inaasahang magawa at maisakatuparan ng tao para sa sarili at sa
lipunang kanyang kinagagalawan.
B. maaaring maging hadlang upang maging isang mabuting
mamamayan.
C. magpapatunay na ikaw ay karapat-dapat na mabuhay.
D. ang magdadala nang isang masaganang pamumuhay.
4. Ang sinumang tao ay hindi nararapat na alisan ng ikabubuhay, ari-arian o kalayaan
nang walang makatarungang_____________.
A. pag-aaral B. pagpapahalaga C. pagsasagawa D. paglilitis
5. Nakita mo ang iyong nakatatandang kapitbahay na pinapalo ang kanilang pusa sa
kadahilanang itinakbo nito ang pagkain nila na nasa hapag-kainan. Ano ang
gagawin mo?
A. Kukuhanin ko ang pusa at kakalingain ko ito sa aming tahanan.
B. Kukuhanan ko nang video ang pangyayari at ia-upload sa Youtube.
C. Aawatin ko ang aming kapitbahay bago pa niya lalo pang masaktan
ang pusa.
D. Papanoorin ko na lang ang pananakit ng matanda dahil maysala ang
pusa.

2
6. Isang lalaking de-kotse, pinagagalitan ang isang matandang drayber dahil sa hindi
pagparada nang tama ng kanyang dyip. Habang pinagsasalitaan nang hindi
maganda ang matandang drayber ay naroon sa tabi niya ang kaniyang paslit na
apo.
A. Panonoorin ko ang nangyayaring kaganapan.
B. Tatawag ako ng kinauukulan tulad ng barangay tanod o pulis para
mamagitan sa kanila.
C. Pupuntahan ko ang lalaki at ang matandang drayber. Pagsasabihan
ko sila na tumigil na.
D. Tatawagin ko ang paslit na apo para lumayo kami sa kaganapan.
7. Ito ang pinakamataas sa antas ng mga katapatan dahil kung wala ito, hindi
mapakikinabangan ng tao ang ibang karapatan.
A. Karapatan sa pribadong ari-arian
B. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay
C. Karapatan sa buhay
D. Karapatang pumunta sa ibang lugar
8. Alin sa mga sumusunod na karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng taong magsuot
ng face mask sa panahon ngayong lumalaganap ang sakit na Coranavirus 2019?
A. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay
B. Karapatan sa pribadong ari-arian
C. Karapatan sa buhay
D. Karapatang pumunta sa ibang lugar
9. Alin ang nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karapatan sa buhay?
A. Sumasali si Manny sa mga isport na mapanganib tulad ng
car racing.
B. Kumakain si Daphnie ng matatabang karne at matatamis na
pagkain.
C. Nagpamigay ng mga pagkaing de lata at bigas si Mayor Joy
Belmonte nitong panahong nalagay sa lockdown ang buong
Metro Manila sanhi ng Coronavirus2019 at inatasan ang mga
puno ng barangay sa Lungsod Quezon na madaliin ang
pagbibigay ng ayuda sa kanilang nasasakupan.
D. Nagbukas ng isang pabrika si G. Lopez upang mabigyan ng
disenteng hanapbuhay ang kanyang mga kababayan.
10. Ang pagkakaroon ng pribilehiyo o kapangyarihan ng isang mamamayang
maipagkaloob sa kanya ang mga bagay na dapat niyang matamasa.
A. karapatan B. tungkulin C. kalayaan D. dignidad

3
11. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapwa na igalang
ito. Ano ang magiging damdamin ng tao kapag nilabag ang karapatang ito?
A. pagwawalang bahala C. pagkalungkot
B. pagsisisi D. pangungutya
12. Aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy na pagsisinop sa pag-aaral
upang maiangat ang estado ng pamumuhay at magkaroon ng magandang
hanapbuhay?
A. karapatan sa buhay
B. karapatang maghanapbuhay
C. karapatang pumunta sa ibang lugar
D. Karapatan sa pribadong ari-arian
13. Anong karapatan ang ipinahahayag sa talatang nasa loob ng kahon na kaakibat
ng tungkulin na ipinapakita ni Mang Joshua?

Si Mang Joshua ang presidente ng unyon ng mga manggagawa sa pabrika ng tsinelas sa


Laguna. Nagkaroon ng pag-aaklas sa pabrikang kanyang pinapasukan dahil sa inhustisya
sa pagpapasweldo at di tamang pagbibigay ng mga benepisyo. Bilang presidente ng unyon
si Mang Joshua ang pumagitna sa mga manggagawa at pamunuan ng pabrika

A.karapatang pumunta sa ibang lugar


B.karapatang sumamba
C. karapatang magtrabaho o maghanapbuhay
D. karapatan sa buhay

14. Anong karapatan na batay sa encyclical na”Kapayapaan sa Katotohanan”


(Pacem in Terris) ang ipinapakita ni Kaylle?
Si kaylle ay isang driver ng dyip na may rutang Dapitan at Quiapo. Siya ay
naninirahan sa Mindoro at buwanan lamang kung umuwi sa kanyang pamilya.
Nagkaroon ng lockdown sanhi ng pandemyang Coronavirus2019 kaya’t siya ay di na
nakapasada at nakapagpadala ng pera sa kanyang asawa. Humingi siya ng tulong sa
gobyerno na maisama ang pangalan niya bilang isang benepisyaryo ng Social
Amelioration Program (SAP).

A. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinyon at impormasyon


B. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang
manirahan(migrasyon)
C. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng
maayos na pamumuhay
D. Karapatan sa pagpili ng propesyon

4
15. Alin sa mga karapatan na batay sa encyclinical na “Kapayapaan sa Katotohanan”
(Pacem Terris) ang kaakibat ng tungkuling ipaglaban ang mga naging biktima ng (EJK)
Extrajudicial Killings.
A. Karapatang mabuhay at kalayaan sa pangkatawang panganib
B. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinyon at impormasyon
C. Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon at pagsunod sa konsensya
D. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas laban sa mga paglabag ng
mga karapatan

5
Balikan
Gawain 1 : Pagsibol

Ang tao ay tulad ng isang binhi. Mula sa pagiging binhi, magkakaroon ng ugat
at may sisibol na mga munting dahon. Sa bawat pagsibol ng mga dahon nito,
nagpapahiwatig ito na may buhay at karapatan ito sa mundong kanyang gagalawan. Panuto:
Magbalik- tanaw kung ano ang kahulugan para sa iyo ng karapatan. Isulat sa dahon ang
pagkakaunawa mo sa karapatan.

6
Aralin 5 Karapatan At Tungkulin

Mga Tala para sa


Mag -aaral
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod:
1. Karapatan
2. Tungkuling Moral
Tuklasin

Panuto: Sa isang salita, bigyan ng kahulugan ang salitang karapatan.


Isulat ang
Sa kuwaderno ang iyong sagot.

Magbigay ng limang karapatan ng tao.


1._______________________________________________________________________________
______________

2._______________________________________________________________________________
______________

3._______________________________________________________________________________

7
______________

4.
_________________________________________________________________________________
____________

5.
_________________________________________________________________________________
____________

Suriin
Ang kalapati o anumang uri ng ibon ay may taglay na katangian. Taglay nito ang
pagiging malaya at may karapatang makalipad at makadapo sa kung saang sanga
niya ibig. Ikaw din ay may angking karapatan bilang tao. Ngayon naman ay tukuyin
mo ang mga karapatang pantao.
Panuto: Isulat mo sa bawat laso na nakakabit sa kalapati ang mga pantaong
karapatan.

Sagutin mo ang mga tanong na sumusunod:


1. Ano-anong mga karapatan ang natukoy mo?
2. Alin sa mga natukoy na karapatan ang maituturing mong mahalaga?
Bakit?
3. Saan kaya patutungo ang pagtukoy mo sa mga karapatang pantao?

Pagyamanin
8
Ang deklarasyong ito ay naglalayong mapaigting sa pamamagitan ng
edukasyon ang karapatan at kalayaan ng bawat nilalang. Narito ang mga
nakapaloob
sa Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao ng mga
Nagkakaisang
Bansa (Universal Declaration of Human Rights) :
Ibigay ang iyong opinyon sa patungkol sa mga artikulo.

Artikulo 1
Ang lahat ng tao'y isinilang na malaya at pantay-pantay sa karangalan at mga
karapatan. Sila'y pinagkalooban ng katwiran at budhi at dapat magpalagayan
ang isa't isa sa diwa ng pagkakapatiran.

______________________________________
____
______________________________________
____
______________________________________
____

Artikulo 5
Walang sino mang pahihirapan o lalapatan ng malupit,di-makatao o nakalalait na
pakikitungo sa
parusa.

__________________________________________

__________________________________________

___________________________________________

9
Isaisip

Tunghayan ang pangyayaring ito na naganap dito sa ating bansa.

Naging laman ng pahayag sa taong 2010 ang Manila hostage crisis


o mas matatandaan bilang Rizal Park hostage-taking incident. Ito ay
nagsimula nang bihagin ni Rolando Mendoza, isang napatalsik na police
officer ng Philippine National Police, ang isang tourist bus sa Intramuros,
Maynila. Ang bus ay naglalaman ng dalawampu’t-limang turista na galing
sa Hongkong at isang tourist guide. Ang nais niya lamang ay makabalik sa
kanyang trabaho. Ayon sa kanya siya daw ay hindi makatwirang inalis sa
tungkulin. Gusto niyang magkaroon ng karapatang dinggin muli ang
kanyang kaso sa hukuman at maipagtanggol ang sarili. Nagkaroon ng
negosasyon sa gabi ng Agosto 23 sa taong nabanggit sa mismong Quirino
Grandstand. Ngunit hindi naging matagumpay ang lahat. Nauwi sa
pagkasawi ni Mendoza at ng walong Hongkong nationals na ikinasugat ng
iba pa ang pangyayari yaon. Ayon sa imbestigasyong ginawa, may
kahinaan ang kapulisan sa pagpapangasiwa ng sitwasyon. May nilabag
bang karapatang pantao sa sitwasyong nabanggit? Balikan mo at suriin.

Gabay na tanong:
1. Ano ang karapatan? Magbigay ng halimbawa at ipaliwanag.

2. Sa paanong paraan ang tungkulin o pananagutan ay bahagi ng


karapatan?

3. Anong mga pagpapahalaga (values) ang nakapaloob sa karapatan at


tungkulin?

10
Isagawa

Panuto: Narito ang isang KAPAMILYA, KAPUSO at KAPATID tsart.

1. Kopyahin mo ito sa iyong kuwaderno.

2. Magmasid sa iyong pamilya, sa paaralan, sa barangay/pamayanan at sa lipunan/


bansa ng mga paglabag sa karapatan ng tao.

3. Itala sa tuwing makadalawang linggo kung ano ang pangyayari at ang nilabag na
karapatang pantao. Maaari kang magbasa ng mga pahayagan upang ikaw ay
mulat sa kaganapan.

4. Bago matapos ang isang araw, balikan mo ang iyong tsart.

5. Suriin kung ikaw ay may nagawa para sa mga pangyayaring iyon. .

Kapamilya, Kapuso, Kapatid Tsart


Petsa Sitwasyon Nilabag na Maaari Gawin
Karapatang Upang Maituwid
Pantao ang Paglabag
1.

2.

3.

11
Tayahin

Panuto: Para sa bilang 1-5, basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Piliin ang
letra ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang totoo para sa karapatan, kasunduan, kabutihan at kawanggawa?


a. Ito ay mga bagay na pansarili lamang.
b. Ito ay mahahalagang bagay para sa lahat ng nilalang.
c. Ito ay mahalagang bagay na nararapat na mayroon ang bawat tao.
d. Ito ay magdudulot ng pagkakapantay-pantay sa tao.
2. Ang pagiging may pananagutan, mapagpalaya at may pagpapahalaga sa dignidad ay
_______.
a. inaasahang magawa at maisakatuparan ng tao para sa sarili at sa lipunang
kanyang kinagagalawan.
b. maaaring maging hadlang upang maging isang mabuting mamamayan.
c. magpapatunay na ikaw ay karapat-dapat na mabuhay.
d. ang magdadala nang isang masaganang pamumuhay.
3. Nakita mo ang iyong nakatatandang kapitbahay na pinapalo ang kanilang pusa sa
kadahilanang itinakbo nito ang pagkain nila na nasa hapag-kainan.
a. Kukuhanin ko ang pusa at kakalingain ko ito sa aming tahanan.
b. Kukuhanan ko nang video ang pangyayari at ia-upload sa Youtube.
c. Aawatin ko ang aming kapitbahay bago pa niya lalo pang masaktan ang pusa.
d. Papanoorin ko na lang ang pananakit ng matanda dahil maysala ang pusa.
4. Isang lalaking de-kotse, pinagagalitan ang isang matandang drayber dahil sa hindi
pagparada nang tama ng kanyang dyip. Habang pinagsasalitaan nang hindi maganda
ang matandang drayber ay naroon sa tabi niya ang kaniyang paslit na apo.
a. Panonoorin ko ang nangyayaring kaganapan.
b. Tatawag ako ng kinauukulan tulad ng barangay tanod o pulis para mamagitan
sa kanila.
c. Pupuntahan ko ang lalaki at ang matandang drayber. Pagsasabihan ko sila na
tumigil na.
d. Tatawagin ko ang paslit na apo para lumayo kami sa kaganapan.

12
5. Kayong magkaka-eskuwela ay nasa paborito ninyong kainan. May pumasok na
binatilyona hindi maikakailang ay may kapansanan sa paglalakad. Napansin mong
walang bakanteng lamesa at upuan para sa binatilyo na tila uhaw at gutom na.
A. Tatawagin ko siya para umupo nang sandali sa aming lamesa habang
naghihintay siya ng malulugaran.
B. Hahayaan ko siya at patuloy akong makikipagkwentuhan at tawanan sa aking
mga kaeskwela.
C. Tatawagin ko ang pansin ang isa sa mga service crew para maglaan ng lugar
para sa mga taong may kapansanan.
D. Pabayaan siya at pagmasdan kung makakakuha siya ng kanyang mauupuan.
.
Para sa bilang 6-10, basahin at tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay tama
o mali.
___________ 6. Ang pagkakaroon ng karapatan at kalayaan ay likas sa tao.

___________ 7. Ang karapatan ng tao ang palaging mangangalaga sa kanya bilang tao.

___________ 8. Sa isip lamang nakaugat ang kalayaan at katwiran ng tao.

___________ 9. May kaugnayan ang kalayaan at katwiran sa karapatan at tungkulin ng tao


sa lipunan.

___________ 10. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang Kapwa
na igalang ito.

13
Karagdagang Gawain

Tungkulin Mo Sa Karapatan Mo,


,
Mulat ka ba sa mga pangyayaring umiiral sa pamilya, paaralan,
barangay, o lipunan/bansang iyong kinalalagyan?

Panoorin mo ang balita mula sa


https://news.abscbn.com/video/news/03/28/20/karapatang-
pantao-ng-mga-residente-respetuhin-kahit-may-covid-19-
lockdown
Suriin mo at isa-isahin kung anu-anong paglabag sa karapatang
pantao ang ipinahahayag sa balita. Ano ang tungkuling dapat na ginawa
ng mga tauhan sa balita upang ang karapatan nila ay hindi nalabag.

Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.IsIlatat

14
Susi sa Pagwawasto
11. B

10. A 10. TAMA


9. C 9. TAMA
8. C 8. MALI
7. C 7. TAMA
6. C 6. TAMA
5. C 5. C
4. D 4. C
3. A 3. C
2. D 2. A
1. D 1. D
Subukin Tayain
Mga Sagot sa Mga Sagot sa

Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao, Modyul para sa Mag-aaral
https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fc8.alamy.com
https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fdeansforimpact.org

https://www.google.com/imgres?imgurl=http%3A%2F%2Ftmcgill.sunycreate.clo
ud

https://news.abscbn.com/video/news/03/28/20/karapatang-pantao-ng-mga-
residente-respetuhin-kahit-may-covid-19-lockdown

15

You might also like