You are on page 1of 20

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 4:
Dignidad ng Tao
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Dignidad ng Tao
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Remedios A. Loque
Editor: Jeannie Pearl Y. Ninonuevo
Tagasuri: Jeannie Pearl Y. Niñonuevo
Tagaguhit: Efren S. Hoyla at Lovely Delos Santos
Tagalapat:
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena, CESO V
Emma A. Camporedondo, CESE
Basilio P. Mana-ay Jr., CESE
Alma C. Cifra, EdD
Aris B. Juanillo, PhD
Lydia V. Ampo, PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Davao City (Region XI)


Office Address: F. Torres St. Davao City
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 4:
Dignidad ng Tao
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Dignidad ng Tao!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Dignidad ng Tao!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sa modyul na ito ay pagtuonan ng pansin ang tungkol sa dignidad ng tao. Taas-noo


mo bang ipinagmamalaki ang iyong sarili dahil sa taglay mong isip at kilos-loob?
Laging tandaan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap
ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal. Napakasuwerte mo kung ginamit
mo ito nang wasto. Naging mapanagutan ka na ba ngayon sa paggamit ng iyong
kalayaan? Minsan ba ay nakokonsensiya ka dahil di mo ito nagawa? Nahihirapan
ka pa rin ba?

Subukan mong sagutin ang Mahalagang Tanong na: Ano ang batayan ng dignidad
ng tao? Halina’t ating linawin ang kahulugan ng dignidad ng tao at mga paglabag
sa dignidad lalong-lalo na sa mga mahihirap at indigenous groups.

Sa modyul na ito, inaasahan mong maipamamalas ang sumusunod na kaalaman,


kakayahan, at pag-unawa:
1. Nakapagpapaliwanag ng kahulugan ng dignidad ng tao; (EsP10MP-lf-4.1)

2. Nakapagsusuri kung bakit ang kahirapan ay paglabag sa dignidad ng mga


mahihirap at indigenous groups; (EsP10MP-lf-4.2)
3. Napatutunayan na nakabatay ang dignidad ng tao sa kaniyang pagkabukod-
tangi (hindi siya nauulit sa kasaysayan) at sa pagkakawangis niya sa Diyos
(may isip at kalooban); at (EsP10MP-lg-4.3)

4. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita sa kapuwang


itinuturing na mababa ang sarili na siya ay bukod-tangi dahil sa kaniyang
taglay na dignidad bilang tao. (EsP10MP-lg-4.4)

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Piliin ang pinakawastong


sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito? “Ang dangal at dignidad ng tao ay
matatamo kung ginagawa ang mabuting kilos.”
a. May sapat at wastong kaalaman
b. May dedikasyon at may malasakit
c. May kasiyahan at walang problema sa buhay
d. May pakialam o concern sa lipunan dahil may kaakibat na kabayaran

2. Bakit ang kahirapan ay paglabag sa dignidad ng mga mahihirap?


a. Dahil hindi sila nakapag-aral
b. Dahil hindi sila nagsikap sa buhay
c. Dahil hindi natugunan ang kanilang mga pangangailangan
d. Dahil hindi sila nabigyang karangalan ang kanilang pamumuhay

3. Saan nakabatay ang dignidad ng tao?


a. Sa pagkakaroon ng mabuting kilos
b. Sa pagbubuo ng kanyang pagkatao
c. Sa pagkawangis niya sa Diyos (may isip at kalooban)
d. Sa pagbibigay galang sa lahat ng nilikha ng Diyos

4. Bilang mag-aaral na nakararanas ng pandemya, paano mo


mapangangalagaan ang iyong dignidad?
a. Pagprotekta sa sarili lamang
b. Paggalang at maging makatarungan
c. Pagiging simple ang pamumuhay
d. Pagpapakumbaba sa lahat ng pagkakataon

5. Alin ang pinakamainam na paraan upang mabigyan ng dignidad ang mga


indigenous people ng pamahalaan?
a. Sa pamamagitan ng libreng pabahay
b. Sa pamamagitan ng libreng edukasyon
c. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng 4 P’s ng DSWD
d. Sa pamamagitan ng batas na Republic Act 8293 for Indigenous People

2
Aralin

1 Dignidad ng Tao

Bawat tao ay may taglay na dignidad anuman ang kanyang kulay, kalagayang
panlipunan, lahi at relihiyon. Ito ay binigyang-linaw ng guro mo sa Baitang 7 na
dapat igalang ang dignidad ng tao sa pamamagitan ng pagmamahal at pagiging
pantay dahil tayo ay tao.

Ngayong nasa Baitang 10 ka na, mas palalimin mo pa ang pag-unawa tungkol sa


dignidad ng tao.

Balikan

Panuto: Balikan mo ang mga kaisipan at konsepto tungkol sa dignidad. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel gamit ang pormat sa ibaba.

___ ____ Paggalang

Tao Dignidad
___

__ _____ Kapuwa

Ngayon, ipaliwanag mo ang kahulugan ng dignidad ng tao batay sa mga


konseptong isinulat mo sa loob ng kahon.

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

3
Mga Tala para sa Guro
Hinihikayat namin ang mga magulang na gabayan ang anak sa
pagbuo ng konsepto gamit ang larawang suri. Maaring magkaroon
ng talakayan sa mga nakikitang pangyayari sa panahon ng
pandemya.

Tuklasin

Gawain 1- Larawang Suri:


Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Ilagay ang sagot sa iyong sagutang papel.

Mga Tanong:
1. Ano ang nais ipahiwatig ng mga larawan?
2. Ano ang naramdaman mo habang pinagmamasdan ang mga larawan?
Bakit?
3. Ano-anong pangkat ng lipunan ang madalas na nakararanas ng ganitong
situwasyon?
4. Bakit ang kahirapan ay paglabag sa dignidad ng mga mahihirap at indigenous
groups?

4
Suriin

Gising ka na ba ngayon sa mga nangyayari sa ating paligid? Masasabi mo bang ikaw


ay may paggalang na sa dignidad ng tao? Higit nating palalimin ang pag-unawa sa
ating tungkulin na igalang at mahalin ang ating kapuwa na tulad din ng
pagmamahal natin sa ating sarili.

Dignidad

Ito ay galing sa salitang Latin na “dignitas” mula sa “dignus”, na ang ibig sabihin ay
karapat-dapat. Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao
sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapuwa. Lahat ng tao, ano man
ang kaniyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at kakayahan ay may dignidad. Ito
ay binigyang-linaw ng inyong guro sa Baitang 7.

Tayo ay may kaniya-kaniyang katayuan sa buhay. Mayaman man o mahirap, may


pinag-aralan man o wala, anuman ang kulay o relihiyon, wala tayong karapatan na
husgahan ang bawat tao.

Ang dignidad ng tao ay wala sa kung anong mayroon siya (having) kundi kung ano
siya (being). Dahil sa taglay nating dignidad, lahat tayo ay may karapatan na
umunlad sa paraang hindi makasasakit o makasasama sa ibang tao.

Sa puntong ito, dapat mangibabaw ang paggalang at pakikipagkapatiran dahil sa


mata ng Diyos, pantay-pantay ang lahat. Kailangang tuparin natin ang tungkulin na
ituring ang ating kapuwa bilang natatanging anak ng Diyos na may dignidad.

Batayan ng Dignidad ng Tao

1. Ang tao ay bukod-tangi dahil hindi siya nauulit sa kasaysayan.


2. Ang tao ay may isip at kalooban at ang pagkakawangis niya sa Diyos.
Ayon kay Patrick Lee, may obligasyon ang tao batay sa dignidad. Una, igalang ang
sariling buhay at buhay ng kapuwa. Pangalawa, isaalang-alang ang kapakanan ng
kapuwa bago kumilos. Pangatlo, pakitunguhan ang kapuwa ayon sa nais na gawin
nilang pakikitungo sa iyo.

Ngayong panahon ng pandemya, ang daming tao ang nakararanas ng kahirapan at


mas lalong dumami ang mahihirap na tao. Higit na kawawa ang mga indigenous
people dahil naapektuhan ang kanilang pamumuhay. Nakakalimutan na kung
paano pahalagahan ang dignidad ng tao.

Sumasang-ayon ka ba sa prinsipyo ni Patrick Lee? Bakit?


Pangatwiranan

5
Kahirapan

Ito ay nangangahulugang may kakulangan sa mga pangunahing pangangailangan


ng tao tulad ng pagkain, pananamit at tahanan. Tumutukoy ito sa kalagayan ng tao
na walang halaga ang mga pag-aaring materyal o salapi tulad ng nasa larawan ng
pamilyang nakatira sa kariton.

Ayon kay Karl Marx, ang ugat ng kahirapan ay ang pag-iral ng pansariling interes
sa loob ng pagkatao na mag-ipon ng mga bagay upang matugunan ang pansariling
pangangailangan at kagustuhan na humahantong sa Kapitalismo.

Halimbawa: Labis na pagpapayaman

Naniniwala ka ba sa prinsipyo ni Karl Marx?


Paano kaya natin mabibigyang solusyon ang kahirapang
kinahaharap ng ating mga kababayan lalo na sa panahon ng
pandemya?

Ayon naman kay Pope Francis, ang kahirapan ay hindi sanhi ang malaking bilang
ng pamilya kundi sa maling sistema ng ekonomiya na mas higit na pinapahalagahan
ang pera kaysa sa dignidad ng tao.

Halimbawa: Negosyo na walang ibang iniisip kundi kumita nang malaki

Ayon sa United Nations, ang kahirapan ang pagtanggi sa mga pagpipilian at


oportunidad na isang paglabag sa dignidad na pantao. Ito ay nangangahulugang
kawalan ng basikong kapasidad na epektibong makilahok sa lipunan.

Ito ay nangangahulugang kawalang kaseguraduhan, kawalang kapangyarihan at


hindi pagsasama ng mga indibiduwal, mga sambahayan at mga pamayanan.

Ang kahirapan ang kadalasang nag-uudyok sa tao na tapakan ang kaniyang


dignidad at gumawa ng masama gaya ng pagnanakaw, pagbebenta ng droga at
pagpatay para sa pera.

Dahil sa kahirapan, ang dignidad ng tao ay natatapakan ng ibang tao lalong-lalo na


ng mga may kapangyahiran dahil maliit ang pagtingin nila rito. Kadalasan, ang mga
mahihirap ang siyang naaabuso at napagkakaitan ng oportunidad sa maraming
bagay gaya ng pagkakaroon ng tamang hanapbuhay at pagtanggap ng mga
nararapat na benepisyo galing sa gobyerno.
Ang kahirapan ay hadlang kung bakit hindi matatamasa ang mga karapatan na
nararapat para sa iyo bilang tao.

Nalalabag ang dignidad ng mga mahihirap at indigenous people dahil sa kahirapan


at nawawala rin ang equal sharing. Katulad na lamang ng lupa ng mga indigenous
people na sapilitang kinukuha sa kanila kaya marami sa kanila ang naitaboy sa
sariling lupain. Marami rin ang nagsilikas nang dahil sa takot at karahasang
dinanas.

6
Habang tumataas ang presyo ng mga bilihin, mas higit na naaapektuhan ang mga
mahihirap na may kakarampot na kita. Ito ay kulang at hindi sapat na pambili ng
kanilang pangunahing pangangailangan o basic needs.

Napapansin mo ba na mas naging mahirap ang buhay ngayon sa


panahon ng pandemya?

Ano-ano ang mga hakbang ang ginawa ng iyong pamilya upang ito
ay mabigyan ng solusyon?

Pagyamanin

Gawain 2: Dignidad Ko, Igalang Mo!

Panuto: Sumulat ng mga pamamaraan upang maipakikita ang paggalang sa iyong


dignidad at sa iyong kapuwa lalong-lalo na ang iba’t ibang tribo ng indigenous
peoples.
Mga Pamamaraan:

1. ___________________________

2. ___________________________

3. ___________________________

4. _____________________________

5. ___________________________

1. Naging madali ba sa iyo ang pag-isip ng mga pamamaraan kung paano


igalang ang iyong dignidad at kapuwa mo? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Bakit mahalagang igalang ang dignidad ng tao?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

7
Isaisip

Gawain 3: KAALAMAN KO, I-AKROSTIK KO!

Panuto: Bumuo ng mga salita na nagpapahayag ng konsepto tungkol sa dignidad


ng tao.

D- ________________________

I- ________________________
G- ________________________

N- ________________________

I- ________________________
D- ________________________

A- _______________________

D- ________________________
Rubriks

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula


(10) (9) (8) (7)
Kalidad ng Napakahusay Mabuti ang Matatanggap Kailangang
Paggawa ang paggawa paggawa ang gawain isaayos
(buo at (katamtamang (may kaunting (Malaki ang
maliwanag) ang kamalian ang kakulangan,
kahusayan) gawain nagpapakita
ng kaunting
kaalaman)

8
Isagawa

Narinig mo na ba ang awiting LUPA ni Rico J. Puno? Subukan mong awitin at


pagnilayan ang bawat linya nito.
Panuto: Kopyahin ang linya ng awiting Lupa at salungguhitan ang salita o mga salita
sa bawat linya nito na nagpaantig ng iyong damdamin. Sumulat ng maikling
pagninilay sa bawat saknong ng awiting ito. Sundan ang halimbawa sa ibaba.
HALIMBAWA:
Linya Nagmula sa lupa
Saknong Magbabalik na kusa
Ang buhay mong sa lupa nagmula
Linya: __________________________________________________________________
Saknong: ______________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Rubriks:

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula


(10) (9) (8) (7)
Kalidad ng Napakahusay Mabuti ang Matatanggap Kailangang
Paggawa ang paggawa paggawa ang gawain isaayos
(buo at (katamtam (may kaunting (Malaki ang
maliwanag) ang kamalian ang kakulangan,
kahusayan) gawain nagpapakita
ng kaunting
kaalaman)

9
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Piliin ang pinakawastong


sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.
1. Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
a. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.
b. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapuwa kahit hindi pa ito kakilala.
c. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapuwa at sa pakikitungo sa
mga ito.
d. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapuwa ang
pagmamahal at pagpapahalaga.

2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI pananagutan ng tao batay sa kaniyang


dignidad?
a. Isa-isip ang kapakanan ng kapuwa bago kumilos.
b. Respetohin ang sariling buhay at buhay ng kapuwa.
c. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon.
d. Pakitunguhan ang kapuwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo
sa iyo.

3. Sino ang HINDI tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kaniyang


kapuwa?
a. Isang negosyante na nagbigay ng malaking pera bilang puhunan sa isang
empleyado na tumatanda na.
b. Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapuwa na
nangangailangan.
c. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa
pamahalaan.
d. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng kapuwa.

4. Ang mga sumusunod ay mga hakbangin tungo sa panghabambuhay na


proseso ng pagpapatibay ng katagang moral tungo sa ultimong kabutihan
MALIBAN sa isa. Alin dito?
a. Pagtanggap sa sariling limitasyon.
b. Pagtawag sa isang moral na tagapayo.
c. Pagtanggap sa anumang puna ng ibang tao.
d. Pagsasabuhay ng panghabambuhay na paninindigan sa kabutihan.

5. Ang mga pahayag ay mga obligasyon ng bawat tao upang mapangalagaan ang
dignidad MALIBAN sa isa. Alin dito?
a. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapuwa.
b. Gamitin ang kapuwa para sa sariling pakinabang.
c. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapuwa bago kumilos.
d. Pakitunguhan ang kapuwa ayon sa iyong nais gawin nilang pakikitungo
sa iyo.

10
Karagdagang Gawain

Balikan mo ang mga larawan na nasa TUKLASIN. May naisip ka bang mga hakbang
kung paano mo sila matutulungan upang maipakita ang paggalang sa dignidad ng
tao? Inaasahan na naging malinaw na sa ‘yo ang pag-unawa tungkol sa kahalagahan
ng dignidad ng tao.
Panuto: Gumawa ng talaan ng mga hakbang upang maiwasan ang mga paglabag
sa dignidad ng mga mahihirap at Indigenous Groups. Gawing pormat ang nasa
ibaba at ilagay sa iyong sagutang papel.

Mga Hakbang: Paano ko maiwasan ang paglabag sa dignidad ng tao?

Mahihirap na Tao Indigenous People

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

11
12
Subukin Tayahin
1. B 1. C
2. D 2. D
3. C 3. A
4. B 4. C
5. D 5. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Modyul ng Mag-aaral Gabay sa Pagtuturo sa EsP Baitang 10


Inputs mula sa lectures ng mga tagapagsalita.
Lee Patrick. Human Dignity (n.d.). Retrieved May 6, 2019 from
http:www2.franciscan.edu/plee/human_dignity.html
https://tl.wikipedia.org/wiki/Kahirapan
https://www.slideshare.net/ApHUB2013/iba-t-ibang -anyo-at-epekto-ng paglabag-
sa-karapatan-report-4th-grading-3rd-year
https://tl.wikipedia.org/wiki/Kahirapan
https//phedukasyonsapagpapakataogr7.weebly.com/modyul-8.html
http://balita.net.ph/2017/12/06/nananatiling-seryoso-ang-problema-sa-
kahirapan/

13
For inquiries or feedback, please write or call:

Davao City Division Learning Resources Management


Development System (LRMDS)

Elpidio Quirino Ave., Poblacion District, Davao City, 8000 Davao del Sur

Telefax: (082) 224-3274, (082) 222-1672

Email Address: davao.city@deped.gov.ph

You might also like