You are on page 1of 20

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 2:
Ang Tatlong Mahahalagang Misyon
ng Pamilya
(Pagbibigay Edukasyon,
Paggabay sa Mabuting
Pagpapasya at Paghubog sa
Pananampalataya)
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong
Baitang Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Ang Tatlong Mahalagang Misyon ng Pamilya
(Pagbibigay Edukasyon, Paggabay sa Mabuting Pagpapasya at Paghubog sa
Pananampalataya)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jasmin O. Hadjirol
Editor: Name
Tagasuri: Jeannie Pearl Y. Niñonuevo
Tagaguhit: Efren S. Hoyla
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena, CESO V
Emma A. Camporedondo, CESE
Basilio P. Mana-ay Jr., CESE
Alma C. Cifra, EdD
Aris B. Juanillo, PhD
Lydia V. Ampo, PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Davao City (Region XI)


Office Address: F. Torres St. Davao City
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
8
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 2:
Ang Tatlong Mahahalagang
Misyon ng Pamilya
(Pagbibigay Edukasyon, Paggabay
sa mabuting Pagpapasya at
Paghubog sa Pananampalataya)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa aralin Ang Tatlong Mahalagang
Misyon ng Pamilya (Pagbibigay Edukasyon, Paggabay sa Mabuting Pagpapasya at
Paghubog sa Pananampalataya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Tatlong Mahahalagang Misyon ng Pamilya
(Pagbibigay Edukasyon, Paggabay sa mabuting Pagpapasya at Paghubog sa
Pananampalataya!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
Isagawa talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
Tayahin o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Karagdagang Gawain masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
Susi sa Pagwawasto iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kaalaman,


kakayahan at pag-unawa.

A. Nakilala ang mga gawi o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng pagbibigay ng


edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasiya at paghubog ng pananamplataya;
B. Nasusuri ang mga banta sa pamilyang Pilipino sa pagbibigay ng edukasyon,
paggabay sa mabuting pagpapasya at paghubog ng pananampalataya;
C. Naipapaliwanag na bukod sa paggalang, may pananagutan ang mga magulang na
bigyan ng maayos na edukasyon ang kanilang anak, gabayan sa pagpapasiya at
hubugin sa pananampalataya. Ang karapatan at tungkulin ng mga magulang na
magbigay ng edukasyon ang bukod – tangi at pinakamahalagang gampanin ng mga
magulang;
D. Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga gawi sa pag
– aaral at pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya.

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem sa bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ano ang pangunahing orihinal at karapatan ng mga bata?
a. Kalusugan
b. Buhay
c. Pagkain at Tirahan
d. Edukasyon
2. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaring magbunga ng
sumusunod na pagpapahalaga maliban sa:
a. Pagtanggap
b. Katarungan
c. Pagtitimpi
d. Pagmamahal
3. Ang mga sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting
pagpapasiya maliban sa:
a. Pagtitiwala sa pamilya
b. Pagsunod sa mga pangaral ng mga magulang
c. Pagsunod ng sariling kaligayahan at ganap na kalayaan
d. Paggalang sa tamang desisyon

1
4. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagpapahalaga na kung saan may
kakayahang tanggapin ang tao bilang siya at hindi siya susukatin batay sa kung ano
ang maaring niyang maibigay?
a. Pagtanggap
b. Pagmamahal
c. Pangaral
d. Katarungan
5. Anong misyon ng pamilya ito na kung saan tinuturuan ang mga anak na maging
madasalin?
a. Pagbibigay importansiya sa edukasyon
b. Pagkakaroon ng gusto sa pagsimba
c. Pagpapatatag ng pagpapasiya
d. Paghubog ng pananampalataya

Aralin
Ang Tatlong Mahalagang Misyon
2 ng Pamilya

Mission: Impossible… Pamilyar ba sa iyo ang katagang ito? Marahil napanood mo


na rin minsan ang pelikulang ito. Sa pagkakataong ito maaring gamiting gabay ito sa
pagpapakilala sa iyo ng susunod na aralin.

Dahil sa pagmamahalan ng iyong mga magulang ikaw ay nabuo. Sa kanilang


pagpapasiya na magkaroon ng pamilya at magsilang ng anak ay may kaakibat na misyon.
Kaya, ang mga magulang ay binigyan na napakahalagang misyon na mahalin, alagaan at
punuin ng magagandang pangaral ang kanilang mga anak. Bawat magulang ay gustong
mapabuti ang kalagayan ng anak kaya sila ay gumagawa ng paraan nang sa ganon ay may
maipagmalaki sila balang araw. Kaakibat ng misyon na ito ang mga balakid at pagsubok na
kung saan ito ay parte ng misyon na nais maisakatuparan ng mga magulang para sa iyo.
Kung pwede lang na maging super hero sila at gagawin ang lahat para sa anak. Kung ikaw
ay mahilig manood ng palabas, isa sa patok na palabas sa Netflix ang Girl from Nowhere
Episode 4 na kung saan makikita mo ang pagmamahal ng magulang sa anak kahit gaano pa
kasakit ang ginawa ng anak sa kaniyang mga magulang. Sa huli ikaw ay tatanggapin at
papatawarin. Ika nga, “The love of parents to his/her children is unconditional.”.

Sa araling ito, titingnan natin kung paano magiging Mission: Possible… ang
pagganap ng pamilya sa napakahalagang misyon na ito at masasagutan ang katanungan
na, “Ano ang pinakamahalagang gampanin ng magulang sa kanilang mga anak?”

2
Balikan

Sa modyul 1 ay napag – aralan ninyo ang kahalagahan ng pamilya sa lipunan.


Nalaman din natin na ang pamilya ang una at pinakamahalagang institusyon ng lipunan
dahil siya ang tumatangkilik nito at ikaw bilang isang anak ay may malaking parte din sa
lipunan. Ang parteng ito ay ang magulang ang siyang may malaking gampanin, mga misyon
na kung saan magdadala sa iyo sa mas malaking hamon ng pagbabago ng lipunan.

Tuklasin

Gawain 1: Mission Possible…

Unawaing mabuti ang mga katagang parati mong naririnig sa iyong magulang. At sabihin
kung anong misyon ang nais ipahiwatig ng bawat kataga.

2) “Unahin ninyo
ang pagsimba sa
araw ng Linggo.
Bukod sa pagsimba, araw yan dapat sa pamilya”.

3
Mga Misyon ng Pamilya:

1. ____________________________________________________
2. ____________________________________________________
3. ____________________________________________________

Batay sa mga sagot mo sa kataga sa itataas. Ano sa tingin mo ang pinag –


aaralan natin ngayon? Ano – ano ang mahahalagang misyon ng iyong mga
magulang para sa iyo?
______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

Tama ka!

Suriin

Sa unang aralin, pinag – aralan mo ang pitong dahilan kung bakit likas na institusyon ang
pamilya. Naalala mo pa ba? Ano ang ikapito? Tama! Ito ay ang pagbibigay edukasyon,
mabuting pagpapasiya at paghubog ng pananampalataya.

1. Pagbibigay ng Edukasyon

Sinasabing isa sa mga maipapamana ng iyong mga magulang sa kaniyang anak na kailan
man na hindi mapapalitan at hindi maagaw ay makapagtapos ng pag – aaral ang anak.
Kaya nga, ang karapatan para sa edukasyon ng mga bata ay orihinal at pangunahing
karapatan. Mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano ang mayroon siya.
Mahalagang maturuan ang mga bata na mamuhay nang simple. Maaring isiping simpleng
turo ito ngunit ang turong ito ay magbubunga ng iba pang mga pagpapahalaga tulad ng:

a. Pagtanggap – dahil sa paghubog sa kakayahang tangagapin ang tao bilang siya at


hindi siya susukatin batay sa kung ano ang maari niyang maibigay, ang pagiging ikaw
bilang tao at kung anong meron ka o wala ay kailan man ay di kawalan ng iba.
b. Pagmamahal – dahil sa paghubog sa kakayahang tanggapin ang isang tao na
hindi tutimingin sa kaniyang kakayahan at katangian ay tanda ng malalim na
pagmamahal at;
c. Katarungan – dahil nagbubunsod ito upang kilalanin at igalang ang dignidad ng tao.

4
Ang mga magulang ang kauna – unahang modelo ng kanilang mga anak. Kung ano
ang nakikita at naituturo ng magulang sa anak ay madadala niya ito. Kung naalala mo
sa modyul 1 sinasabing ang pamilya ang una at hindi napapalitang paaralan.

Sabi nga:

Kung ang isang bata ay namumuhay sa


pamumuna o pamimintas, natututo
siyang maging mapanghusga.

Kung ang isang bata ay namumuhay sa


katiwasayan, natututo siyang maniwala sa
kanyang sarili.

Kung ang isang bata ay namumuhay sa


poot, natututo siyang lumaban

Kung ang isang bata ay namumuhay sa


pagtanggap, natututo siyang magmahal. Kung
ang isang bata ay namumuhay sa takot,
natututo siyang mababalot ng pag – aalala.
Kung ang isang bata ay namumuhay sa
pagkilala, natututo siyang bumuo sa layunin
sa buhay

Kung ang isang bata ay namumuhay sa


awa, palaging may awa sa kaniyang sarili.

Kung ang isang bata ay namumuhay sa papuri,


natutuhan niyang magustuhan ang kaniyang
sarili.

Kung ang isang bata ay namumuhay sa


selos, natututo siyang palaging
makaramdam ng pagkakasala

Kung ang isang bata ay namumuhay sa


pakikipagkaibigan, natutuhan niya na
masarap mabuhay sa napakagandang mundo.

5
2. Paggabay sa Mabuting Pagpapasiya
Bilang isang magulang nararapat lang na gabayan ang anak sa tamang desisyon kahit na ang
anak ay malaya nang pumili ng kanyang gusto. Kailangan pa rin ng patnubay at gabay ng
magulang. Ang tamang pagpapasiya ay makatutulong sa isang tao na maging matagumpay,
masaya, at magkaroon ng kakayahan na makapag – ambag para sa kaunlaran ng lipunan.
Mahalaga na sa murang edad pa lamang ay binibigyang laya ang bata na magpasiya para sa
kanyang sarili tulad ng damit na isusuot, at ano ang kanyang gustong kainin at inumin.

Sa paglipas ng panahon, mahaharap na ang isang kabataan sa mas mabibigat na suliranin.


May mga pagpapasiya siya na pipiliin na hindi naiisalang-alang ang magiging epekto nito.
Halimbawa ay ang mga kabataan sumasali sa isang gang, may mga dalagang maagang
nagbubuntis, may mga nalululong sa droga at may mga kabataan na nakagagawa ng
krimen. Ito ang mga bunga ng maling pagpapasiya. Kaya mahalagang ang isang kabataan
ay magabayan sa paggawa ng mabuting pagpapasiya.

Ang pagsisisi ay bunga ng maling pagpili. Kung minsan hindi makokontrol ang emosyon na
nararamdaman. May mga pagpili na hindi natin namamalayan at ito ay nagdudulot ng hindi
mabuti sa huli. Ngunit itong mga pagpiling ito ay maaaring may rason kaya bago magdesisyon sa
isang bagay o sitwasyon maaaring kausapin ang mga taong pinagkatitiwalaan mo kagaya ng
iyong mga magulang dahil sila ang mas nakaaalam kung ano ang mas makabubuti sa iyo. Ika
nga, ang pagsisisi ay laging nasa huli. Sa pagpili, dapat iisipin mo rin ang kaakibat na bunga
nang sa ganon ay maliwanagan ka. Kung ikaw ay magiging makasarili, sariling kaligayahan ang
sinusunod, maaaring pagdusahan mo ito sa huli.

Kaya may malaking papel na ginagampanan ang magulang sa kakayahan ng anak tungo sa
mabuting pagpapasiya. Ang mga pangaral ng magulang at pagpapahalagang naitanim sa
mga anak ang magsisilbing gabay upang magsagawa ng pagpapasiya na ginagabayan ng
maingat na paghuhusga

3. Paghubog ng Pananampalataya

Mahalaga na maglaan ng oras para sa pagsamba. Ito ang oras upang magpasalamat sa
mga biyayang natatanggap maliit man o malaki. Ang mga aral o salita na nanggagaling sa
Bibliya para sa mga Kristiyano o Qu’ran para sa mga Muslim ay magsisilbing gabay para sa
mga pagpapasiyang maisagagawa nang mabuti.

6
May mga pamamaraan upang masanay ang sarili kasama ang pamilya para maisagawa ang
mga ganitong gawain.

1. Tanggapin na ang Diyos ang dapat maging sentro ng buhay-pampamilya.


2. Ituon ang pansin sa pag-unawa.
3. Hayaang maranasan ang tunay at malalim nitong mensahe.
4. Gamitin ang mga pagkakataon na handa ang bawat kasapi ng pamilya
na makinig at matuto.
5. Tulungan ang bawat kasapi upang maitanim sa kanilang isipan ang mga
itinuturo tungkol sa pananampalataya.
6. Iwasan ang pag-aalok ng “suhol”.
7. Ipadanas ang pananampalataya nang may kagalakan.

Mission: Impossible? Katulad ng misyon ng bida sa pelikula, maaaring isipin na imposibleng


maisagagawa ang lahat ng ito nang buong husay. Ngunit ito ay maaaring maging Mission:
Possible kung ang lahat ay isagagawa nang may pagmamahal at malalim na
pananampalataya.

7
Pagyamanin

Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem sa bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa kuwaderno.
1. Ang mga sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting
pagpapasiya maliban sa:
a. Pagtitiwala sa pamilya
b. Pagsunod sa mga pangaral ng mga magulang
c. Pagsunod ng sariling kaligayahan at ganap na kalayaan
d. Paggalang sa tamang desisyon

2. Ano ang pangunahing orihinal at karapatan ng mga bata?


a. Kalusugan
b. Buhay
c. Pagkain at Tirahan
d. Edukasyon

3. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng


sumusunod na pagpapahalaga maliban sa:
a. Pagtanggap
b. Katarungan
c. Pagtitimpi
d. Pagmamahal

4. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagpapahalaga na kung saan may


kakayahang tanggapin ang tao bilang siya at hindi siya susukatin batay sa kung ano
ang maaring niyang maibigay?
a. Pagtanggap
b. Pagmamahal
c. Pangaral
d. Katarungan

5. Anong misyon ng pamilya ito na kung saan tinuturuan ang mga anak na maging
madasalin?
a. Pagbibigay importansiya sa edukasyon
b. Pagkakaroon ng gusto sa pagsimba
c. Pagpapatatag ng pagpapasiya
d. Paghubog ng pananampalataya

8
Isaisip

Panuto: Punan ng tamang sagot ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa konsepto ng
pamilya. Isulat ang tamang sagot sa iyong kwaderno.

1. Ang tatlong mahahalagang misyon ng pamilya ay Pagbibigay


2)_________________, Paggabay sa Mabuting Pagpapasiya at 3) Paghubog sa
__________________.
4. Ang ______________ ay ang orihinal na karapatan ng mga bata.
5. Ang pamana ng iyong mga magulang na kalain man ay di maagaw ay ang
makapagtapos ng __________________.
6. Ang pagpili ay may kaakibat na __________________.
7. Ang pagsisisi ay nasa ___________.

Sa paghubog ng Pananampalataya, may mga pamamaraan upang masanay ang


sarili kasama ang pamilya para maisagawa ang ganitong. Magbigay ng tatlong (3)
halimbawa ng pamamaraan:
8. _______________________________________________
9. ___________________________________________________
10. ____________________________________________________

Isagawa

Gawain 2: Ipaliwanag Mo

Matapos mong mapag-aralan ang mga misyon ng pamilya, ngayon naman ay sagutin
mo ang mga sumusunod na mga tanong. Ilagay ang sagot sa kwaderno.
1. Ano-ano ang tatlong misyon ng pamilya? Ipaliwanag ang bawat misyon.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Bakit mahalagang maturuan ng magulang o pamilya ang mga anak sa
mabuting pagpapasiya? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

9
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Sa panahon ngayon ng pandemya at nasa bahay ka lang, sa paanong paraan


mahuhubog ng pamilya ang pananampalataya ng mga kasapi nito? Magbibigay
ng mga kaganapan sa inyong tahanan na may koneksyon sa pananampalataya.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Tayahin

Gawain 3: Ipares Mo

Basahin nang mabuti ang mga kataga sa hanay A pagkatapos ay hanapin ang tamang
sagot sa hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong kwaderno.

HANAY A HANAY B

A. Pagtanggap
_____ 1. Paglalaan ng oras para sa araw ng pagsamba.
B. Paghubog ng
_____ 2. Ito ay pamana sa inyong mga magulang na hindi Pananampalataya
maaagaw ninoman.
C. Pagmamahal
_____ 3. Ano ang magiging bunga ng maling pagpili?
D. Edukasyon
_____ 4. Ang pagpapahalagang ito ay naglalayon na
tanggapin ang tao at sa kung ano ang maari
niyang maibigay.
E. Pagsisi
____ 5. Sa pagpapahalagang ito ay masusukat ang
malalim na pag – aaruga ng hindi tumitingin sa
kaniyang kakayahan at katangian.
F. Katarungan

10
Karagdagang Gawain

Gawain 4: Pagsasabuhay

Magkakaroon lamang ng kabuluhan ang lahat ng mga aralin kung unti-unting mailalapat sa
buhay ang mga ito.
PANUTO:

1. Sumulat ng mga tiyak na hakbang kung paano mo:


a. Mapauunlad ang gawi sa pag-aaral
b. Matitiyak ang mabuting pagpapasiya
c. Mapauunlad ang pananampalataya
2. Isulat ang tamang sagot sa kwaderno gamit ang tsart sa ibaba.

HAKBANG
PAGBIBIGAY NG EDUKASYON
Halimbawa: Nakapasa ng gawain sa guro sa klase.
1.
2.
3.
PAGGABAY SA PAGGAWA NG MABUTING PAGPAPASIYA
Halimbawa: Hihingi ng opinyon sa kapamilya hinggil sa nababagay na damit para
sa kaarawan ng kaibigan.
1.
2.
3.
PAGHUBOG NG PANANAMPALATAYA
Halimbawa: Nagdasal kasama ang pamilya bago kumain
1.
2
3.
Sanggunian

Department of Education. (2017). Edukasyon sa Pagpapakatao Module: Ang


Tatlong
Mahahalagang Misyon ng Pamilya. 29–50.

https://www.google.com/search?q=children+learn+what+they+live&tbm=isch&hl=en-
GB&chips=q:children+learn+what+they+live,g_1:dorothy+law:HVqHeIvvrbI%3D&client=ms-
android-samsung-gj-rev1&prmd=isvn&hl=en-GB&ve
https://www.google.com/search?q=mission+impossible+clipart+family&tbm=isch&ved=2ah
UKEwj_6dCz2djqAhUQCpQKHZ_bBkkQ2-
cCegQIABAC&oq=mission+impossible+clipart+family&gs_lcp=ChJtb2JpbGUtZ3dzLXdpei1pb
WcQAzoECAAQHjoGCAAQBRAeOgYIABAIEB46BAgeEAo6BAghEApQmxlYjTRgsT9oAnAAeACA
AfEBiAH5CpIBBTAuNC4zmAEAoAEBwAEB&sclient=mobile-gws-wiz-
img&ei=jekTX7_vAZCU0ASft5vIBA&bih=718&biw=412&client=ms-android-samsung-gj-
rev1&prmd=isvn&hl=en-GB&hl=en-
GB#imgrc=Z4bVXRuvgCUoUMd=2ahUKEwjN5crD2NjqAhXIAaYKHXInCHIQ4lYoAXoECAEQDA
&biw=412&bih=718
https://www.google.com/search?q=family+hero&tbm=isch&ved=2ahUKEwiC7ZX-
2djqAhUQCpQKHZ_bBkkQ2-
cCegQIABAC&oq=family+hero&gs_lcp=ChJtb2JpbGUtZ3dzLXdpei1pbWcQDFAAWABg4zFoAH
AAeACAAQCIAQCSAQCYAQA&sclient=mobile-gws-wiz-
img&ei=KeoTX8K0FZCU0ASft5vIBA&bih=718&biw=412&client=ms-android-samsung-gj-
rev1&prmd=isvn&hl=en-GB&hl=en-GB#imgrc=Syef-V

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph


14

You might also like