You are on page 1of 27

8 Edukasyon

10 sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan-Modyul 4.2
Pagpapaunlad ngsa
Pakikipagkaibigan
EsP8PIId-6.4
Pagpapakatao
Unang Markahan
Dignidad
EsP10MP-If-4
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Pagpapaunlad ng Pakikipagkaibigan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaringmagkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, at iba pa.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng
mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat : Ronald N. Cruz
Editor : Ronald N. Cruz
Tagasuri : Marnick S. Gutierrez
Tagaguhit : Marra A. Eugenio
Dibuhista : Jerick B. De Jesus

Tagapamahala
Gregorio C. Quinto, Jr., EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Rainelda M. Blanco, PhD
Education Program Supervisor - LRMDS
Agnes R. Bernardo, PhD
EPS-Division ADM Coordinator
Glenda S. Constantino
Project Development Officer II
Agnes R. Bernardo, PhD
EPS – EsP
Joannarie C. Garcia
Librarian II

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
8
Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan-Modyul 4.2
Pagpapaunlad ng Pakikipagkaibigan
EsP8PIId-6.4
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8
ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagpapaunlad ng
Pakikipagkaibigan.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng
mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang
gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-
aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-
aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala Para sa Guro


Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagpapaunlad ng Pakikipagkaibigan.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.
Sapamamagitan ng atingmgakamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag- aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay
ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

1
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa
iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay
sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
Pagyamanin
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

2
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Susi sa Pagwawasto gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1 . Gamitin ang modyul nang may pagiingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi: Kaya mo ito!

3
Alamin

Mahalagang aspeto ng pakikipagkapwa ang pagkakaroon ng mga kaibigan.


Ang pakikipagkaibigan ay isang mahalagang desisyon na kadalasan ay nagagawa ng
padalos-dalos. Gayon din ang maaaring mangyari kapag may kaibigan ka na. Kung
magtatagal kayo bilang magkaibigan ay nakadepende sa kakayahan mong paunlarin
ang mahalagang ugnayang pantao na ito.

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,


kakayahan at pag-unawa:
a. Natutukoy ang mga paraan ng pagpapaunlad ng pakikipagkaibigan.
b. Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin.
c. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang
pakikipagkaibigan (hal. pagpapatawad) at makipagkaibigan sa mga
nangangailangan nito. (EsP8PIId-6.4)

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng
pinakatamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang sumusunod ay mga uri ng kaibigan ayon kay Aristotle maliban sa:
a. kaibigan sa pangangailangan
b. kaibigan sa saya
c. kaibigan sa kabutihan
d. kaibigang nagpapatawad

2. Mahalaga sa pagpapaunlad ng pakikipagkaibigan ang mga sumusunod maliban


sa__
a. katapatan
b. paggawa ng magkakasama
c. kompetisyon
d. pagtutulungan

3. Ayon kay George Washington, malalaman mo lamang daw kung totoo at


magtatagal ang inyong pagkakaibigan kung ito ay magdaraan sa isang__
a. pagsubok
b. tukso
c. kalamidad
d. krisis

4
4. Mahalaga sa pagkakaibigan ang harmony. Ito ay pagkakaisa ng magkakaibigan
sa___
a. tono ng boses
b. ambisyon
c. isip at damdamin
d. wika at lahi

5. Ang reciprocity ay tumutukoy sa kakayahan ng magkaibigan na __


a. ibalik sa kapwa ang kabutihang tinanggap
b. gumawa ng mabuti kapag mayroong kapalit
c. tumbasan ng kabutihan ang kasamaan ng iba
d. umasa na may gantimpala ang kabutihan

6. Para kay Mahatma Gandhi, ang pagpapatawad ay patunay na ikaw ay__


a. magalang
b. malakas
c. mapag-paubaya
d. mapagtiis

7. Ayon kay Ric Warren, mauunang magpatawad o humingi ng tawad ang kaibigan na
__ sa pagkakaibigan.
a. mas nanghihinayang
b. mas nangangailangan
c. mas marupok
d. mas nagpapahalaga

Para sa bilang 8-10. Basahin at suriin ang sitwasyon sa ibaba:


Grade 7 pa lang ay magkaibigan na sina Zeny at Cely dahil pareho sila ng
section sa pinapasukang paaralan. Nagustuhan ni Cely ang pagkamasayahin,
makuwento, at maalalahanin ni Zeny. Masaya bilang magkaibigan at magkaklase.
Habang tumatagal mas nakilala ng dalawa ang isa’t isa; ang mabubuting katangian
pati na rin ang ilang kapintasan. Para kay Cely, lubos at walang kondisyon ang
kaniyang pagmamalasakit sa kaibigan at sa palagay niya, ganun din si Zeny.

Napabilang sila sa magkaibang section ng grade 8. Pinipilit pa din nilang


magkasama, lalo na pag recess at uwian ngunit napapansin ni Cely na marami nang
maliliit na kasinungalingan at lihim si Zeny. Halimbawa nito ay ang pagtanggi ni Zeny
na sumama sa kanya sa mall dahil mag-aaral daw siya. Nabalitaan na lamang niya na
namiyesta si Zeny ng araw na iyon kasama ang mga bagong kaibigan.

8. Kung ikaw si Cely, ano ang pinakamakatwirang hakbang na magagawa mo upang


maging malinaw ang katayuan ng iyong pakikipagkaibigan kay Zeny?

5
a. Makipagkaibigan sa iba at balewalain na lang si Zeny.
b. Ipagpatuloy ang pananahimik hanggang kaya pang tiisin.
c. Siraan si Zeny sa mga bago nitong kaibigan.
d. Makipag-usap ng tapat at aminin ang nararamdaman sa sitwasyon.

9. Ito ang ilan sa posibleng mga dahilan ng di pagsasabi ni Zeny ng totoo sa kanyang
kaibigan maliban sa__
a. Iniiwasan niyang magtampo ang kanyang kaibigan.
b. Mas masaya siya sa mga bago niyang kaibigan.
c. Isa lang sa kanila ang pwedeng manaig sa kumpetisyon.
d. Nagsasawa na siya sa kabaitang ipinakikita ng kaibigan.

10. Mula sa kuwento ng pagkakaibigan nina Zeny at Cely, alin sa sumusunod na


konsepto ang angkop dito?
a. Katapatan
b. Pagmamalasakit
c. Pagpapatawad
d. Simpatiya

11. Matagal nang inuunawa ni Lito ang pagiging palaasa ni Joel. Madalas,
siya ang kinokopyahan ng mga takdang aralin ng kaibigan. Minsan,
sinabi niya kay Joel na mas makabubuting pag-aralan niya na gawing mag-isa
ang mga proyekto at iba pang gawain sa klase ngunit hindi pa rin tumigil sa
pangongopya. Kaya, nagpasiya si Lito na hindi na siya magpapakopya sa
kaibigan. Mula noon, hindi na siya binabati ni Joel. Anong uri ng pagkakaibigan
angipinakita ni Joel?
a. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan
b. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
c. Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan
d. Pagkakaibigang nakabatay sa kakayahang interpersonal

12. Ito ay sinadyang desisyon na palayain ang sarili mula sa damdamin ng sama ng
loob o paghihiganti sa isang tao o pangkat na nanakit sa iyo ng hindi alintana kung
talagang karapat-dapat silang mapatawad.
a. pag-unawa
b. pakikisimpatiya
c. pagpapatawad
d. pakikialam

13. Nag-away kayo ng iyong matalik na kaibigan dahil ikinuwento niya sa iba ang isang
bagay na ibinilin mong ilihim niya. Siya ay nagkulang sa___
a. pang-unawa
b. pakikisama
c. kabutihan
d. katapatan

6
14. Ang mga sumusunod na kondisyon ay tutoo sa pagpapatawad maliban sa __
a. ang pagpapatawad ay isang pagpapasya
b. ang pagpapatawad ay bunga ng pagmamahal
c. ang pagpapatawad ay kusang loob
d. ang pagpapatawad ay hindi mahalaga
15. Ang mga sumusunod ay payo ni Rick Warren sa pagpapatawad maliban __
a. inihihingi ito ng tulong sa Diyos
b. aminin ninyo ang bahagi ninyo sa di pagkakaunawaan
c. mahalagang malaman kung sino ang mali
d. pakinggan ninyo ang isa’t isa

Balikan

SINO ANG IYONG MGA KAIBIGAN


“Ipakilala mo sa akin ang iyong mga kaibigan at sasabihin ko sa iyo kung sino
ka.” (Kawikaan 4:23). Mahalaga ang mga kaibigan bilang kasangga sa mga di
magagandang pangyayari sa ating buhay. Sila’y kasama din natin sa panahon ng
saya. Malamang, naging kaibigan natin sila dahil may mga katangian tayo na nasa
kanila din. May pagkakataon din na may katangian sila na gusto natin bagaman di
natin taglay ang mga ito.

AKING MGA KAIBIGAN


Panuto: Suriin natin ang mga katangiang mayroon ka at ang iyong mga kaibigan sa
pamamagitan ng isang Venn Diagram.

7
1. Sa isang bondpaper o intermediate pad paper, gumuhit ng mga bilog batay sa dami
ng iyong mga kaibigan na malalapit sa iyo at lagi mong kasama. Isasama mo ang
iyong sarili sa bilang ng bilog, kaya kung halimbawa, mayroon kang dalawang
malalapit na kaibigan, tatlong bilog ang iyong iguguhit gaya ng ilustrasyon sa ibaba.

2. Ang Venn Diagram ay isang representasyon ng pagkakaiba at pagkakatulad ng


mga bagay. Gagamitin natin ito sa pagpapakita ng pagkakaiba at pagkakatulad
ninyong magkakaibigan.

3. Pangalanan mo ang bawat bilog, isa para sa bawat kaibigan, at isa para sa iyo.

4. Sa bahagi na nagdadaop ang tatlong bilog (A), isulat mo ang mga katangian na
taglay ninyong tatlo. Sa mga bahagi na dalawang bilog lamang ang nagdadaop (B),
isulat mo ang mga katangiang taglay lamang ng mga kaibigan mo na nagmamay-
ari ng bilog na iyon. Sa mga bahagi na walang kadaop (C), isusulat mo ang mga
katangian na bukod tanging taglay lamang ng may-ari ng bilog na iyon.

5. Higit pa sa pisikal na mga katangian, isama mo rin dito ang inyong mga pag-uugali,
hilig o talento ng iyong mga kaibigan.

6. Matapos isagawa ang gawain ay sagutin ang sumusunod na tanong:


a. Ano ang epekto ng pagkakaiba ng inyong mga katangian ninyo sa inyong
magkakaibigan?
b. Ano ang epekto ng pagkakatulad ng inyong mga katangian sa inyong
pagkakaibigan?
c. Alin ang mas mahalaga ang inyong mga pagkakatulad o pagkakaiba?
Ipaliwanag.

AKO BILANG ISANG KAIBIGAN

Simula na naman ng klase at gaya ng nakagawian


na, kailangan ninyong magpakilala sa inyong mga
kaklase. Pinaghanda kayo ng inyong gurong tagapayo
ng isang talata ng pagkilala na babasahin ninhyo sa
harap. Pagkakataon na para magpakilala at makahanap
ng bagong mga kaibigan. Paano mo ipakikilala ang iyong
sarili? Sumulat ng isang “paragraph” o talata ng
pagpapakilala na di kukulangin o sosobra sa limang
pangungusap. Tiyakin na ito ay makagaganyak sa
potensyal na kaibigan na kapareho mo ng mga hilig,
ugali, at talento.

8
Tuklasin

Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga kasunod na tanong.

Isang Kwento ng Pagkakaibigan

PAALAM SA AKING MATALIK NA KAIBIGAN


http://ateneo.edu/soss/history/news/jose-rizal-and-ferdinand-blumentritt-chronology-
friendship

Ang kanilang pagkakaibigan na umabot ng 10 taon


ay nagsimula sa isang liham. Noong 1886, habang si Jose
Rizal nag-aaral ng medisina sa Madrid, Espanya
nabalitaan niya ang tungkol sa isang Austrianong
dalubhasang guro na interesado at naglalathala ng mga
pag-aaral tungkol sa Pilipinas. Ito ay walang iba kundi si
G. Ferdinand Blumetritt.

Isang guro at iskolar si Blumentritt, may asawa at


mga anak. Binata at tutok sa gawaing makabayan si Rizal.
Pinagtagpo sila ng kanilang interes sa kalagayan at
kapalaran ng Pilipinas.

Kadalasan, laman ng kanilang mga liham ang mga kaganapan sa kanilang


propesyonal at personal na buhay at kalakip nito ay mga libro at iba pang babasahin
at mga likhang sining. Umabot sa 200 ang kanilang mga liham. Tanda ng paglalim ng
kanilang pagkakilala sa isa’t-isa ang kanilang bating panimula. Nagsimula sa
“Ginagalang kong Ginoo” unti-unti itong nagbago. Sa dakong huli, ang kanilang batian
ay “Mahal kong Kapatid.”

Minsan lang silang nagkita, noong Mayo, 1887 ng magkaroon ng pagkakataong


bumisita ng Austria sina Jose Rizal at Maximo Viola at mamalagi doon ng apat na
araw. Ito ay lalo pang nagpatibay sa kanilang pagkakaibigan. Isa sa huling mga liham
ni Rizal ay para kay Blumentritt. Sa kanyang huling liham, nagpaalam at
nagpasalamat si Rizal sa kanyang “pinakamatalik na kaibigan.”

Kahit sa pagpanaw ng kanyang kaibigan hindi nagmaliw ang interes ni


Blumentritt sa Pilipinas. Sa kabaliktaran, lalong umigting ang kanyang sigasig sa
pagsusulat ng mga pag-aaral tungkol dito at kasama ang pagpapahayag ng
pagsuporta sa kanyang “Kalayaan.” Namatay siya noong 1913.

Pamprosesong Tanong:
1. Paano naging matalik na magkaibigan sina Rizal at Blumentritt?
2. Maaari pa bang makabuo ng ganitong uri pagkakaibigan sa ngayon? Ipaliwanag.

9
AKO, BILANG KAIBIGAN

Naisasabuhay mo ba ang pagkakaibigan batay sa tunay na layon nito. Ang mga


aytem na nasa gawaing ito ay hango sa aklat na Character Building ni David Isaacs,
2001.
Ito ay tseklist ng mga palatandaan na nagpapatunay ng pagsasabuhay ng
pakikipagkaibigan. Lagyan ng tsek (/) sa tapat ng bawat aytem kung ito ay iyong taglay
at lagyan naman ng ekis (×) kung hindi.

Mga Palatandaan, Ako ba ito o Hindi Ako ito

1. Lahat ng bagong kakilala ay pinaniniwalaan kong maaari kong maging kaibigan sa


hinaharap.
2. Upang mabuo ang pagkakaibigan kailangang may pagkakatulad at iisang interes o
hilig.
3. Interesado ako sa aking kaibigan sa kabuuan ng kaniyang pagkatao at hindi lamang
sa mga bagay na kami ay may pagkakatulad.
4. Naniniwala akong mahalaga na mayroong regular na pakikipag-ugnayan sa mga
pinipiling maging kaibigan.
5. Nauunawaan ko na ang kalidad ng pagkakaibigan ay tataas batay sa dami ng
pagpapalitan ng mga tanong na maglalapit sa isa’t isa at magbubukas sa kanilang
sarili at maging sa kanilang magkaparehong interes na makilala ang isa’t isa.
6. Mulat ako na ang pakikipagkaibigan lalo na sa katapat na kasarian ay mayroong
limitasyon.
7. Nauunawaan ko na upang maging mabuting kaibigan ako sa aking kaibigan at
upang maging mabuting kaibigan din sila sa akin, kailangan naming magsikap na
mapagyaman ang ilang mga birtud.
8. Nagpapakita ako ng pagmamalasakit sa aking kaibigan sa maraming mga paraan.

Pagmamarka
Bilangin ang mga aytem na nilagyan mo ng tsek (/). Tingnan sa ibaba ang
paglalarawan o interpretasyon sa bilang ng iskor upang matukoy ang antas ng iyong
pagsasabuhay ng tunay na pakikipagkaibigan.

Paglalarawan o Interpretasyon ng Iskor


0 – 2 - Hindi mo pa naisasabuhay ang tunay na pakikipagkaibigan
3 – 4 – Nangangailangan mo ng paglinang sa kakayahan sa pagsasabuhay ng tunay
na pakikipagkaibigan
5 – 6 – Mayron ka ng kasanayan sa pagsasabuhay ng tunay na pakikipagkaibigan
7 – 8 - Napakabuti mo sa pagsasabuhay ng tunay na pakikipagkaibigan

10
Suriin

Pagpapaunlad ng Pakikipagkaibigan
Kung iyo pang natatandaan, para kay Aristotle, tatlo ang mga uri ng kaibigan,
at lahat tayo ay mayroon ng ganitong uri ng mga kaibigan o di kaya ay naging kagaya
nito sa ating mga kaibigan: Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan,
Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan, Pagkakaibigan na
nakabatay sa kabutihan.

Ang Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan ay pagkakaibigan na


nabubuo kapag may mabuti kang hangarin sa kapwa bilang kaibigan bukod sa
makuha ang iyong pangangailangan sa kanila o maging masaya kasama sila.

Maaaring nagsimula ang


inyong pagkakaibigan sa
“pangangailangan” o sa “saya” ngunit
bunga ng nabuong paghanga at
paggalang, lumalim ito. May
paghanga kayo sa mga katangian na
gusto ninyo sa isa’t-isa at paggalang
sa mga pinagkakaiba-iba ninyo.

Ang paglalim ng pakikipagkaibigan ay mangyayari lamang kung ito ay ating


aalagaan sa pamamagitan ng mainit na pagtanggap, pag-aaruga at pagtulong sa
kapwa upang siya ay lumago sa kaganapan ng kanyang pagkatao nang hindi nagiging
palaasa sa iba.

Bukod sa pag-aalaga, mahalaga din sa pakikipagkaibigan ang iyong


presensiya, paggawa ng mga bagay ng magkakasama, katapatan, kakayahang
magtago ng lihim (confidentiality), katapatan, pag-unawa, at paglagay sa sarili sa
sitwasyon ng kapwa (empathy).

Sabi ni George Washington, “Ang tunay na pagkakaibigan ay dumadaan muna


sa ilang matitinding pagsubok bago ito ganap na malinang sa malalim na antas ng
pakikipag-ugnayan.”

Masusukat ng husto ang lalim at tatag ng inyong pagkakaibigan kapag, sadya


man o hindi, may nagawa kang “mali” o itinuturing na “mali” ng iyong kaibigan at ito
ay pinagmulan ng hindi ninyo pagkakaunwaan. Maaari din namang ikaw ang
nagawan ng “mali” o itinuturing mong “mali” kaya kayo nagkaroon ng di
pagkakaunawaan.

11
Samakatwid, ang “mali” ay maaaring maging mababaw lang gaya ng pagpalya
mong samahan ang iyong kaibigan para magtungo sa canteen o malubha gaya ng
nahuli mo siya na nagsinungaling sa iyo. Sa ganitong sitwasyon malalagay sa
panganib ang inyong pagkakaibigan.

Maisalba man ninyo ang inyong pagkakaibigan o hindi, kailangan ninyo ng


pagpapatawad.

PAGPAPATAWAD

Para sa mga sikologo ang kapatawaran ay isang may malay, sinadyang


desisyon na palayain ang sarili mula sa damdamin ng sama ng loob o paghihiganti sa
isang tao o pangkat na nanakit sa iyo ng hindi alintana kung talagang karapat-dapat
silang mapatawad.

Nililinaw din ng mga dalubhasa na kapag nagpatawad ka, hindi mo itinatanggi


ang kabigatan ng pagkakasala laban sa iyo. Hindi ito nangangahulugan ng
pagkalimot, o pagdadahilan para sa pagkakasala. Bagaman maaaring makatulong
ang kapatawaran sa pag-aayos ng isang nasirang relasyon, hindi ka obligado na
makipagkasundo sa taong nanakit sa iyo, o pakawalan sila mula sa legal na
pananagutan.

Pinapatawad Ang paghingi ng kapatawaran ay hindi


kana namin. kahinaan kundi kalakasan ng isang tao.
Kailangan ang lakas ng loob sa pag-amin ng
kamalian. Gayon din sa pagpapatawad. Ayon kay
Mahatma Gandhi, “tanging ang mga malalakas
lamang ang may kakayahang magpatawad.”

Mahalaga sa magkakaibigan ang kaisahan (harmony) ng pag-iisp at


kakayahang maibalik sa kapwa ang kabutihang ibinibigay nito (reciprocity). Mahalaga
din sa pagkakaibigan ang pagmamahal ng walang iniintay na kapalit. Ito ang
pagmamahal na walang kondisyon o unconditional love na gusto ng Diyos na
matutunan ng tao.
Ang unconditional love ay pagmamahal na nakapagtitiis, di nawawalan ng pag-
asa, hindi nagtatanim ng galit, umuunawa ngunit di nito pinagtatakpan o natutuwa sa
kamalian. (1 Corinto 13) Dahil sa pagmamahal na walang kondisyon o unconditional
love, maaari kayong magpatawaran at magtatagal ang inyong pagkakaibigan.

12
Paano aayusin ulit ang pagkakaibigan na nagulo ng di pagkakaunawaan? May
ilang mga payo si Rick Warren, may-akda ng The Purpose Driven Life.

1. Kausapin ang Diyos at hingin ang kanyang tulong.


2. Magpauna. Hindi mahalaga kung ikaw ang nakapanakit o nasaktan. Mauna ka sa
pagsasaayos ng relasyon sapagkat sa ganyang paraan mo maipapakita kung
gaano kalaki ang pagpapahalaga mo sa inyong pagkakaibigan. Iyan din ang gusto
ng Diyos na gawin mo.
3. Makiramay sa nararamdaman ng kapwa. Pakinggan ninyo ang bawat isa at iwasan
ninyong balewalain sa salita ang damdamin ng kaibigan.
4. Aminin mo ang naging bahagi mo sa di pagkakaunawaan. Nakapanakit ka man o
nasaktan, bahagi ka ng isang di magandang pangyayari at maaari ka ding maging
bahagi ng solusyon.
5. Mas pahalagahan ang “pagkakabati” higit sa paniniyak kung sino ang mali; mas
mahalaga ang relasyon kaysa sa resolusyon.

Pitong Hakbang sa Pagpapatawad


1. Kilalanin mo kung ano o sino ang nakapanakit, ano ang konteksto ng
pangyayari.
2. Isaalang-alang ang naging epekto sa iyo ng nangyari upang masukat mo kung
handa ka nang magpatawad o hindi pa.
3. Tanggapin mo na hindi mo na maibabalik o mababago ang nakaraan.
4. Magpasyang magpatawad. Dito magsisimula o magtatapos ang proseso ng
pagpapatawad.
5. Ayusin mo ang relasyon mo sa taong nagkasala sa iyo. Ang pakikipag-ayos ay
maaaring magsimula sa simpleng pagbati o mga kilos gaya ng pagtango o hindi
pag-iwas na siya ay makita at makasalubong.
6. Tiyakin mo sa iyong sarili ang magiging kahulugan para sa iyo ng
pagpapatawad. Malamang, hindi mo na malilimutan ang mga nangyari pero
kapag nakapagpatawad ka na, hindi mo na din ito dapat isumbat sa hinaharap.
7. Magpatawad.

Handa ka na bang maglakbay patungo sa mas malalim at makabuluhang


pagkakaibigan?

13
Pagyamanin

Pang-isahang Pagsusulit 1: Magpatawaran Tayo


Panuto: Paano ba magpatawad? Punan ng angkop na mga salita ang bawat patlang
mula sa ibinigay na pamilimilian upang mabuo ang talatang ito.

Mga Pamimilian: solusyon, Diyos, pagkakaibigan, damdamin, pagpapatawad

Una at higit sa lahat, hihingin ko ang tulong ng ______. Kung mahalaga para
sa akin ang aming ________, maaari akong maunang magpasimula ng proseso ng
_______ kahit na ako ang nasaktan. Mahalaga para sa amin ang makinig sa isa’t isa
at pahalagahan ang _______ naming dalawa. Alin man ang aking panig, nakapanakit
o nasaktan, bahagi ako ng ___________. Mas mahalaga ang pagkakabati at
pagkakaunawaan kaysa tukuyin sino at gaano ang pagkakamali ng isa’t isa.

Pang-isahang Gawain 1: Wanted: Best Friend


Panuto:
1. Gumawa ng isang Wanted: Best friend Poster sa isang short bond paper o oslo
paper.

2. Maaari itong lagyan ng mga larawang ginupit o ginuhit upang ipakita ang mga
pangyayari na nais mong maranasan kasama ang isang kaibigan (hal. nagbabasa
sa library, naglalaro ng chess. mahilig sa party, palasimba, atbp.)

3. Ilista ang mga mabubuting katangian na iyong hinahanap sa isang kaibigan.

4. Sumulat ng “panawagan” at “alok”


para sa magiging kaibigan. Isulat sa
“panawagan” ang isang madamdaming
panghikayat na ikaw ay kaibiganin sa
isang pangungusap lamang.
Halimbawa, “Kailangan mo ba ng isang
kaibigang mabait at tapat?” Sa “alok”
ang mga kabutihang maidudulot ng
pakikipagkaibigan sa iyo. Maaaring
simulant sa mga katagang “Kung tayo’y
magiging magkaibigan…”

5. Maging malikhain sa paggawa.

14
Pamantayan sa Paggawa ng Poster

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nagsisimula


(5) (3) (1)
Nilalaman Naipakikita at May kakulangan Hindi
naipaliliwanag ng sa maayos na naipaliliwanag ng
maayos ang pagpapaliwanag maayos ang
ugnayan ng lahat sa ugnayan ng ugnayan ng lahat
ng konsepto lahat ng konsepto ng konsepto

Kaangkupan ng Maliwanag at May kakulangan Hindi maliwanag at


Konsepto angkop ang sa mensahe sa hindi angkop ang
mensahe sa paglalarawan ng mensahe sa
paglalarawan ng konsepto paglalarawan ng
konsepto konsepto

Orihinalidad Orihinal ang May kakulangan Walang


konsepto sa orihinal na orihinalidad sa
konsepto konsepto

Kabuuang Malinis at maayos May bahaging may Hindi malinis at


Presentasyon ang kabuuang kakulangan sa maayos ang
presentasyon aspeto ng kabuuang
kalinisan at presentasyon
kaayusan

Pagkamalikhain Gumamit ng Hindi gaanong Hindi gumamit ng


tamang gumamit ng tamang
kombinasyon ng tamang kombinasyon ng
kulay upang kombinasyon ng kulay upang
maipahayag ang kulay upang maipahayag ang
nilalaman at maipahayag ang nilalaman at
mensahe ng nilalaman at mensahe ng
poster mensahe ng poster
poster

Kabuuang
Puntos

15
Pang-isahang Pagsusulit 2: Unconditional Love

Panuto: Mahalaga sa pagkakaibigan ang pagkakaroon para sa isa’t isa ng


unconditional love o pagmamahal na walang kondisyon. Tukuyin at lagyan ng salitang
“LOVE” kung unconditional love ang tinutukoy, “NOT LOVE” kung hindi.

________1. Pinagtatakpan ang mga kamalian


________2. Hindi nagtatanim ng galit
________3. Nawawalan ng pag-asa
________4. Marunong umunawa
________5. Nagpapatawad.

Pang-isahang Gawain 2: Pagpapatawad, Ikampanya Natin

Panuto: Sumulat ng isang islogan na may 15 salita na maglalarawan ng


kahalagahan ng pagpapatawad sa pagpapaunlad ng isang pagkakaibigang
magtatagal. Gawin ito sa isang short bond paper.

Pamatayan sa Paggawa ng Islogan


5 puntos 3-4 na puntos 1-2 puntos
Pagkakasulat Malinis at maayos
ang pagkakasulat
Pagkakabuo Malinaw at wasto May bahaging di Nabigo sa
ang pagkakabuo malinaw at wasto pagbubuo ng
malinaw at wasto
Nilalaman Mabisa ang May bahaging di Nabigo sa
pagpapahayag ng naging mabisa ang pagpapahayag ng
saloobin at ideya pagpapahayag ng saloobin at ideya
saloobin at ideya

16
Isaisip

Paghinuha ng Batayang Konsepto


Ano ang natutunan mo? Kumpletuhin ang mga pangungusap sa ibaba.

Ang pagpapatawad ay
_________________________________________________________________

Mapapatawad ko ang aking kaibigan dahil


_____________________________________________________________

Kaya kong humingi ng tawad sa aking kaibigan sapagkat


__________________________________________________________

Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa Pag-unlad ko Bilang Tao

1. Ano ang kabuluhan ng batayang konsepto sa aking pag-unlad bilang tao?


2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto
sa modyul na ito?

Isagawa

Pinapatawad na Kita
Mag-isip ng isang sitwasyon kung saan kinailangan o kakailanganin mong
magpatawad, maaaring tutoong nangyari na sa iyo o baka mangyari sa inyo ng iyong
mga kaibigan at ikwento mo ang iyong gagawin, gamit ang sequence chart ng mga
hakbang sa pagpapatawad.

Pamprosesong mga Tanong:


1. Gaano kahirap ang magpatawad? Ipaliwanag.
2. Ano ang natutunan mo sa gawaing ito?

17
Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng
pinakatamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Mahalaga sa pagkakaibigan ang harmony. Ito ay pagkakaisa ng magkakaibigan


sa___
a. tono ng boses
b. ambisyon
c. isip at damdamin
d. wika at lahi

2. Ang reciprocity ay tumutukoy sa kakayahan ng magkaibigan na __


a. ibalik sa kapwa ang kabutihang tinanggap
b. gumawa ng mabuti kapag mayroong kapalit
c. tumbasan ng kabutihan ang kasamaan ng iba
d. umasa na may gantimpala ang kabutihan

3. Para kay Mahatma Gandhi, ang pagpapatawad ay patunay na ikaw ay__


a. magalang
b. malakas
c. mapag-paubaya
d. mapagtiis

4. Ang sumusunod ay mga uri ng kaibigan ayon kay Aristotle maliban sa:
a. kaibigan sa pangangailangan
b. kaibigan sa saya
c. kaibigan sa kabutihan
d. kaibigang nagpapatawad

5. Mahalaga sa pagpapaunlad ng pakikipagkaibigan ang mga sumusunod maliban


sa__
a. katapatan
b. paggawa ng magkakasama
c. kompetisyon
d. pagtutulungan
6. Ayon kay George Washington, malalaman mo lamang daw kung totoo at
magtatagal ang inyong pagkakaibigan kung ito ay magdaraan sa isang__
a. pagsubok
b. tukso
c. kalamidad
d. krisis

18
7. Ayon kay Ric Warren, mauunang magpatawad o humingi ng tawad ang kaibigan na
__ sa pagkakaibigan.
a. mas nanghihinayang
b. mas nangangailangan
c. mas marupok
d. mas nagpapahalaga

8. Matagal nang inuunawa ni Lito ang pagiging palaasa ni Joel. Madalas,


siya ang kinokopyahan ng mga takdang aralin ng kaibigan. Minsan,
sinabi niya kay Joel na mas makabubuting pag-aralan niya na gawing mag-isa
ang mga proyekto at iba pang gawain sa klase ngunit hindi pa rin tumigil sa
pangongopya. Kaya, nagpasiya si Lito na hindi na siya magpapakopya sa kaibigan.
Mula noon, hindi na siya binabati ni Joel. Anong uri ng pagkakaibigan ang
ipinakita ni Joel?
a. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan
b. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
c. Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan
d. Pagkakaibigang nakabatay sa kakayahang interpersonal

9. Ito ay sinadyang desisyon na palayain ang sarili mula sa damdamin ng sama ng


loob o paghihiganti sa isang tao o pangkat na nanakit sa iyo ng hindi alintana kung
talagang karapat-dapat silang mapatawad.
a. pag-unawa
b. pakikisimpatiya
c. pagpapatawad
d. pakikialam

10. Nag-away kayo ng iyong matalik na kaibigan dahil ikinuwento niya sa iba ang isang
bagay na ibinilin mong ilihim niya. Siya ay nagkulang sa_
a. pang-unawa
b. pakikisama
c. kabutihan
d. katapatan

11. Ang mga sumusunod na kondisyon ay totoo sa pagpapatawad maliban sa __


a. ang pagpapatawad ay isang pagpapasya
b. ang pagpapatawad ay bunga ng pagmamahal
c. ang pagpapatawad ay kusang loob
d. ang pagpapatawad ay hindi mahalaga

12. Ang mga sumusunod ay payo ni Rick Warren sa pagpapatawad maliban __


a. inihihingi ito ng tulong sa Diyos
b. aminin ninyo ang bahagi ninyo sa di pagkakaunawaan
c. mahalagang malaman kung sino ang mali
d. pakinggan ninyo ang isa’t isa

19
Para sa bilang 13-15. Basahin at suriin ang sitwasyon sa ibaba:
Grade 7 pa lang ay magkaibigan na sina Zeny at Cely dahil pareho sila ng
section sa pinapasukang paaralan. Nagustuhan ni Cely ang pagkamasayahin,
makuwento, at maalalahanin ni Zeny. Masaya bilang magkaibigan at magkaklase.
Habang tumatagal mas nakilala ng dalawa ang isa’t isa; ang mabubuting katangian
pati na rin ang ilang kapintasan. Para kay Cely, lubos at walang kondisyon ang
kaniyang pagmamalasakit sa kaibigan at sa palagay niya, ganun din si Zeny.

Napabilang sila sa magkaibang section ng grade 8. Pinipilit pa din nilang


magkasama, lalo na pag recess at uwian ngunit napapansin ni Cely na marami nang
maliliit na kasinungalingan at lihim si Zeny. Halimbawa nito ay ang pagtanggi ni Zeny
na sumama sa kanya sa mall dahil mag-aaral daw siya. Nabalitaan na lamang niya na
namiyesta si Zeny ng araw na iyon kasama ang mga bagong kaibigan.

13. Kung ikaw si Cely, ano ang pinakamakatwirang hakbang na magagawa mo upang
maging malinaw ang katayuan ng iyong pakikipagkaibigan kay Zeny?
a. Makipagkaibigan sa iba at balewalain na lang si Zeny.
b. Ipagpatuloy ang pananahimik hanggang kaya pang tiisin.
c. Siraan si Zeny sa mga bago nitong kaibigan.
d. Makipag-usap ng tapat at aminin ang nararamdaman sa sitwasyon.

14. Ang mga sumusunod ay posibleng dahilan ng di pagsasabi ng tutoo ni Zeny sa


kanyang kaibigan maliban sa___
a. Hindi na niya mahal ang kaniyang kaibigan.
b. Mas masaya siya sa mga bago niyang kaibigan.
c. Isa lang sa kanila ang sumisikat at napapansin sa klase.
d. Nagsasawa na siya sa kabaitang ipinakikita ng kaibigan.

15. Mula sa kuwento ng pagkakaibigan nina Zeny at Cely, alin sa sumusunod na


konsepto ang angkop dito?
a. Katapatan
b. Pagmamalasakit
c. Pagpapatawad
d. Simpatiya

20
Karagdagang Gawain

I Am Sorry

Kung mahirap magpatawad, mahirap din ang humingi ng tawad ng hindi


pinapangatwiranan ang iyong pagkakamali, imbes ay nakapokus lang sa tunay na
mga nangyari. Isa sa pinakamainam na paraan ng paghingi ng tawad ay sa
pamamagitan ng liham. Mag-isip ka ng isang sitwasyon at sumulat ka ng isang
apology letter na maglalaman ng mga sumusunod na bahagi, isang talata bawat
bahagi…
1. paghingi ng tawad at pag-ako ng pananagutan
2. pagkukwento ng mga pangyayari na humantong sa di magandand
sitwasyon
3. pagbibigay ng “plano” kung papaano mo susubukang makabawi sa
nagawa mong mali
4. paghingi muli ng tawad sa iyong nagawang mali.

21
22
Tayahin Subukin
1. c 1. d
2. a 2. c
3. b 3. a
4. d 4. c
5. c 5. a
6. a 6. b
7. d 7. d
8. a 8. d
9. c 9. c
10. d 10. a
11. a 11. a
12. c 12. c
13. d 13. d
14. d 14. d
15. c 15. c
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Kagamitan ng mga Mag-aaral (Unang Bahagi)


Unang Edisyon, 2012

Warren, Rick, The Purpose Driven Life, OMF Literature Inc, MM, 2002
https://thriveworks.com/blog/7-steps-to-true-forgiveness/

https://greatergood.berkeley.edu/topic/forgiveness/definition

http://ateneo.edu/soss/history/news/jose-rizal-and-ferdinand-blumentritt-chronology-
friendship

https://www.storyboardthat.com/storyboards/5f96f6d9/122/edit

23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan

Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

24

You might also like