You are on page 1of 24

7

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 4
MGA PANINIWALA AT KAISIPANG
ASYANO
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Mga Paniniwala at Kaisipang Asyano
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Cherry Del C. Morales
Tagasuri: Jean M. Estomo at Angel Rose Suansng
Tagapamahala: SDS Reynaldo M. Guillena, CESO V
ASDS Basilio P. Mana-ay Jr., CESE
ASDS Emma A. Camporedondo, CESE
CID Chief Alma C. Cifra, EdD
LRMS EPS Aries B. Juanillo, PhD
AP EPS Amelia S. Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education


Department of Education – Region Region XI Davao City Division
Elpidio Quirino Avenue, Davao City, Philippines
Telephone: (082) 224 0100 / 228 3970
E-mail Address: info@deped-davaocity.ph / lrmds.davaocity@deped.gov.ph
7

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
MGA PANINIWALA AT KAISIPANG
ASYANO
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan Baitang 7 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Paniniwala at Kaisipang
Asyano.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

iii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan Baitang 7 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga Paniniwala at Kaisipang Asyano
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o

iv
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay Gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Kumusta? Binabati kita sa matagumpay mong pagkamit ng mahahalagang


kaalaman tungkol sa Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya. Ngayon ay mas
mapauunlad mo pa ang iyong pag-unawa hinggil sa Mga Kaisipang Asyano na may
kauganayan sa mga pagbabago ng lipuanang Asya. Nais mo bang matuto ng
panibagong paksa hingil sa kasaysayan ng Asya?. Sa panibagong araling ito ay
malalaman mo ang mga impluwensiyang dulot ng mga kaisipang Asyano sa mga
pagbabago ng ating lipunan.

Mag-aaral, ang sumusunod ay ang mga layuning nararapat mong maisagawa


pagkatapos mong mabasa at masagutan ang mga gawain sa modyul na ito:

Napapahalagahan ang mga Kaisipang Asyano na nagbigay-daan sa paghubog ng


sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano.
(AP7KSA-IIf- 1.9

1. Natutukoy ang iba’t ibang Kaisipang Asyano na nagbigay-daan sa


paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng
pagkakilanlang Asyano.
2. Nasusuri ang mga kaisipang Asyano na nagbigay-daan sa paghubog
ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang
Asyano
3. Napapahalagahan ang mga kaisipang Asyano na nagbigay-daan sa
paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng
pagkakilanlang Asyano.
Kapag natapos mo ang mga layuning ito, mas madali mo nang maintindihan
ang impluwensiya ng mga kaisipang Asyano kalagayang panlipunan sa kultura ng
Asya.

6
Subukin

Pagpipilian. Piliin ang titik para sa tamang kasagutan. Isulat ang sagot sa papel
1. Gaano kahalaga ang isang pinuno sa isang Sentralisadong Pamahalaan?
A. Ang pinuno lamang ang bumubuo ng mga batas at desisyon para sa buong
kaharian.
B. Ang pinuno ang siyang may karapatan na labanan ang mga mananakop.
C. Ang pinuno ang bumubuo sa isang kaharian.
D. Wala sa nabanggit
2. Bakit mahalaga para sa mga Tsino ang kanilang mga Emperador?
A. Ang kanilang emperador ay pinaniniwalaang bumuo sa kanilang kaharian.
B. Ang kanilang mga emperador ay pinaniniwalaang Anak ng Langit.
C. Ang kanilang emperador ay pinaniniwalaang Diyos.
D. Wala sa nabanggit
3. Bakit mahalaga sa mga Hapones ang “The Chronicles of Japan”?
A. Talaan ito ng sinaunang kasaysayan ng Japan.
B. Ito ay nagsilbing banal na aklat ng kanilang relihiyon.
C. Nakasulat dito ang lahat ng batas na ginawa ng mga emperador.
D. Naglalaman ito ng mga awit at tula ng mga sinaunang manunulat.
4. Bakit mahalaga sa kasaysayan ng Japan si Ninigi?
A. Siya ang kauna-unahang emperador ng Japan.
B. Siya ang pinaniniwalaang diyos ng mga Hapones.
C. Ayon sa alamat siya ang lumikha sa kapuluan ng Japan.
D. Isa siya sa pinakadakilang emperador sa kasaysyan ng Japan.
5. Ayon sa paniniwala ng Korea, anong hayop ang napangasawa ni Hwanong na
naging isang magandang dilag?
A. Oso C. Usa
B. Aso D. Tigre
6. Bakit napakataas ng tingin ng mga Tsino sa sa kanilang Kabihasnan?
A. Dahil sila ay naniniwala na ang kanilang kaharian ay nasa gitna ng
daigdig.
B. Dahil sa sa kanilang mga pinuno na Mandato ng Langit.
C. Dahil sa pagiging mayaman ng Kabihasnang Tsino.
D. Dahil sa pamumuno ng mga Feudal Lords.
7. Sa Sentralisadong pamahalaan sa Asya, Alin sa mga smusunod ang bumubuo
ng mga batas at desisyon para sa buong kaharian?
A. Feudal Lords C. Pinuno
B. Mga Diyos D. Gobernador
8. Sa Mandate of Heaven, paano nalalaman na ang mandato ng isang pinuno ay
inalis na nang langit?
A. Kapag namayapa na nag pinuno.
B. Kapag nagkaroon nang kalamidad sa kaharian.
C. Kapag hindi na nila kayang protektahan ang mga Feudal Lords.
D. Kapag umabot na sa samputong taon ang pumumuno ng mga hari.

7
9. Alin sa mga sumusunopd ang nagpapahiwatig ng konseptong politikal, sa
kaisipang Devaraja sa Cambodia sa isang hari?
A. Ang isang hari ay maaaring palitan ng mga mamayan.
B. Ang isang hari ay maaaring mgakaroon ng isa o hanggang limang asawa.
C. Ang isang hari hari ay isang makapangyarihang pinuno na sinusunod ng
lahat.
D. Ang hari o “God King” ay nagtataglay ng malaharing kapangyarihan at
buhay na diyos sa daigdig.
10. Paano nagbalik loob sa aral ng Buddhismo si Asoka?
A. Noong pumanaw ang kanyang mga magulang.
B. Noong panahong siya ang naging pinuno ng India.
C. Noong panahong nakarating ang Buddhismo sa Tsina.
D. Dahil sa marami ang nasawi at nasugatan sa digmaang kanyang
nasimulan.
11. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahiwatig ng paniniwalang Dhamma ng
India?
A. Ang pamumunong mapayapa at walang karahasan.
B. Ang matagumpay na pananakop sa ibang kaharian.
C. Pagpaparusa sa lahat ng mga nagkasala sa kaharian.
D. Ang pagiging dakilang kaharian na may halong dahas.
12. Bakit tinaguriang Dakilang Tagapagpalaganap ng Buddhism si Asoka?.
A. Itinakwil niya ang lahat ng mamamayang India na hindi sumunod sa aral
ng Buddhismo.
B. Ginawa niyang banal ang kanyang sarili bilang simbolo sa pagyakap niya
sa Buddhismo.
C. Dahil sinunod niya ang mga aral ng Buddhismo sa kanyang pamumuno.
D. Nakidigma siya dala dala ang mga aral ng Buddhismo.
13. Gaano kahalaga ang Mandate of Heaven para sa mga Tsino?
A. Dahil sentro ng kaharian ang Tsina sa sa daigdig.
B. Dahil ito ay pinagmulan ng mga namumuno sa Tsina.
C. Dahil lahat ng namumuno sa Tsina ay dadaan sa isang pagsubok.
D. Dahil ito ay naging batayan na pananaw ng mga Tsino sa pamamahala.
14. Sa sinaunang Japan, bakit banal ang tingin ng mga Hapones sa kanilang
emperador?
A. Dahil ang kanilang emperador ay pinaniniwalaang diyos.
B. Dahil ang kanilang emperador ay pinaniniwalaang lumikha ng Japan.
C. Dahil ang kanilang emperador ay lubos na makapangyarihan sa lahat.
D. Dahil ang kanilang emperador ay nanggaling sa kanilang diyos na si
Amaterasu.
15. Gaano kahalaga ang kaisipang Asyano sa pag usbong ng sinaunang Kabihasnan
sa Asya?
A. Ito ay naging gabay ng mga Asyano sa paglinang ng kanilang pamahalaan,
kabuhayan, teknolohiya, lipunan at Kultura.
B. Ito ay naging dahilan para matuklasan ang lupaing Asyano ng mga
dayuhang Europeo.
C. Ito ay naging dahilan kung bakit tinuring nilang diyos ang kanilang mga
emperor o mga pinuno.
D. Ito ay naging dahilan kung bakit naging mas makapangyarihan ang mga
bansang Asyano.
8
Mga Paniniwala at Kaisipang Asyano

Sa napag aralan natin sa ebolusyong biyolohikal ng Asya, Napag alaman natin


na isa ang asya kung saan namuhay ang mga sinaunang tao at nagkaroon ng
pamayanan. Nalaman din natin na sa Asya nagsimula ang mga kaunaunahang
kabihasnan o sibilisasyon sa mundo. Ang nabuong Kabihasnan ng mga Asyano ay
bunga ng kanilang mga tradisyon, kaisipan at sinaunang pananaw. Ang mga
kaisipan at pananaw na ito ay naging gabay ng mga sinaunang asyano para mabuo
ang kanilang lipunan. Ito rin ang naging dahilan kung bakit naging mataas ang
pagtingin nila sa kanilang kabihasnan na naayon sa moralidad at makatarungang
paniniwala.

Balikan

Gawain 1: Balik aral sa Sinaunang Kabihasnang Asyano.


Magbalik-aral sa iyong mga natutuhan tungkol sa Mga Relihiyong Asyano sa
pamamagitan nang pagsagot sa sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot
sa papel.
1. Ano ang relihiyon na sinusunod ng mga Muslim.____________________
2. Ayon sa Buddhismo, Ano ang ugat ng kahirapan sa mundo? ______________.
3. Anong relihiyon na naniniwala na si Hesu Kristo ang Mesiah?_____________.
4. Ano ang tawag sa lipunan ng mga Hindu? ____________________
5. Saang bansa nagmula ang Taoismo?. ____________________

Ang mga wastong kasagutan sa isinasagawang pagbabalik-aral ay sapat na


upang magpatuloy sa susunod na bahagi ng pagtuklas na kung saan ay aalamin
mo ang iyong kakayahang tukuyin ang mga kaisipang Asyano.

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay tumatalakay sa mga kaisispang Asyano
na naging batayan ng pag-usbong ng mga Kabihasnan.
Basahin at unawain ang nakapalaoob sa tuklasin parsa mas
madali mong masugatan ang mga Gawain.

9
Tuklasin

Kumusta mag-aaral? Handa ka na ba para sa bagong aralin na ating


tatalakayin? Bago ang talakayan subukin mo muna ang iyong nakatagong kaalaman
sa pamamagitan ng pag-bigay ng iyong ideya tungkol sa kahulugan ng isang Pinuno.

Gawain 1: Ideya Ko!


Ibigay ang iyong sariling kahulugan sa salitang pinuno. Isulat ang iyong sagot
sa mga kahon.

Pinuno

Suriin

Mga Paniniwala at Kaisipang Asyano

Ang pamahalaan ay tumutukoy sa isang pangkat ng tao na may


kapangyarihang gumawa at magpatupad ng batas sa isang nasasakupang lugar o
teritoryo. Ang pagkakatuklas ng mga lungsod-estado sa sinaunang kabihasnan ay
nagpahiwatig na may uri ng pamahalaang namumuno sa mga tao simula pa noong
sinaunang kabihasnan. Monarkiya ang karaniwang uri ng pamahalaan ng mga
sinaunang kabihasanan. Ang pamahalang monarkiya ay pinamumunuan ng mga
Hari at Reyna.

Malaki ang impluwensiya ng mga kaisipang Asyano sa paglinang ng mga


sinaunang kabihasnan. Ang mga kaisipang ito ang nagsilbing gabay ng mga Asyano
sa pamamahala sa kanilang lipunan.

10
Sinaunang Pamahalaan ng Asya

Sa sentralisadong pamahalaan, tanging ang pinuno lamang ang bumubuo ng


mga batas at desisyon para sa buong kaharian. Ang mga gobernador at iba pang
opisyal ay nagsisilbing katulong lamang niya sa pagpapatupad ng mga batas.
Samantala, sa desentralisadong pamahalaan, binibigyan ng pagkakataon ang ilang
pinuno na pangasiwaan ang iba’t-ibang kaharian bilang feudal lords. Sa
pagkakataong ito, ang mga feudal lords ay maaaring gumawa ng sarili nilang
desisyon para sa kanilang nasasakupan. Gayunpaman, ang feudal lords ay
nagbabayad ng buwis bilang kabayaran sa proteksiyon na ipinagkaloob sa kanila ng
mga hari.

Bilang pinakamakapangyarihan, tinuturing din ang mga hari ng sinaunang


India, China at Timog-silangan Asya ang kanilang sarili na mayroong kakayahan at
kapangyarihan tulad ng isang diyos. Kaisipang Divine ang tawag dito. Ibig sabhin,
Itinuturing nila ang kanilang sarili na nagtataglay ng kapangyarihan ng isang diyos.

Ang Mandate of Heaven at Sinocentrism ng China

Ipinagmamalaki ng mga Tsino ang Kanilang Nasyon. Nag-uugat ito Sa


katotohanan na ang kanilang kabihasnan ay umusbong sa ilog ng Huang Ho at Yang
tze na pinananiniwalaang isa sa mga sinaunang kabihasnan na umusbong sa
daigdig. Ang pagiging mayaman ng Kabihasnang Tsino ay nagbunga ng mga dakilang
kontribusyon sa daigdig sa larangan ng pilosopiya at imbensiyon. Ito ay nagdulot ng
mataas na pagtingin nila sa kanilang kabihasnan. Zhanguo ang tawag sa sinaunang
China na nangangahulugang “Gitnang Kaharian”. Naninawala ang mga Tsino na ang
kanilang bansa ay sentro ng daigdig bunga ng paniniwalanag ito ang kanilang
kabihasnan ay natatangi sa lahat. Dahil sa ganitong paniniwala, ang mga Europeo
at ibang pang lahi ay barbaro para sa mga Tsino. Ang pananaw na ito ng mga Tsino
ay tinaguriang Sinocentrism.

Bahagi ng paniniwala ng Sinocentrism, naniniwala ang mga Tsino na ang


kanilang mga emperador ay Anak ng Langit o Son of Heaven na pinili ng langit. Ang
pamumuno nang emperor ay pinaniniwalang may “Mandate of Heaven” o Basbas ng
Langit. Sa paniniwalang ito, ang pamumuno ng emperador ng Tsina ay nag mula sa
diyos ng kalangitan. Bunga nito, Ang “Mandate of Heaven ay ay naging batayang
pananaw ng mga Tsino sa pamamahala. Ayon sa kanila, ang maayos na
pamamahala ay nagbibigay ng mapayapang panahon ng pagsang-ayon ng mga
ninunong spiritwal sa pamamalakad ng mga pinuno. Samantala ang mga kalamidad
naman tulad ng pagbaha, pag-aalsa o rebelyon, at pagbagsak ng pinuno o hari ay

11
tanda ng di pagsang-ayon ng mga ninunong espiritwal sa pamamalakad ng hari at
kailangan na ang pagpapalit ng dinastiya.

Ang Divine Origin ng Japan at Korea

Ang pinagmulan ng Japan ay nababanggit lamang sa mga awit at


alamat hanggang sa ito ay maisulat sa Kojiki, ang talaan ng sinaunang kasaysayan
ng Japan at Nihonji o “The Chronicles of Japan”. Pinaniniwalaan ng mga Hapones
na ang kapuluan ng Japan ay lupa ng mga diyos sa kadahilanang anak ito kanilang
diyos na si Izanagi at Izanami. Si Amaterazu o Mi-Kami na kinilala ng mga Hapones
bilang kanilang diyosa ng Araw.

Ayon, sa tradisyon, Ipanadala ni Ametarasu ang kanyang apo na si Ninigi sa


pulo ng Kyushu upang doon mamuhay. Binigyan niya ito ng tatlong kayamanan:
alahas, salamin at espada. Ayon sa alamat, ang ka apo-apohan naman ni Ninigi na
si Jimmu ang naging kauna unahang emperador ng Japan. Siya ay binigyang
pangalan Tenno na ang ibig sabihin ay “Son of Heaven”. Ayon sa alamat, itinalaga
ng mga lahing Yamato ang kanilang lahi bilang pangunahing pamilya ng bansa.

Taliwas paniniwalang Tsino, hindi naniniwala ang mga Hapones sa Mandate


of Heaven, dahil dito ang kanilang emperador ay hindi maaaring palitan bilang
emperador. Sa kasalukuyang panahon, hindi na tinuturing na diyos ng mga
Hapones ang kanilang Emperador, ngunit sila ay may mataas pagtingin dito. Ang
mga emperaodor ay simbolo ng pagkakaisa ng mga Hapones.

Naniniwala ang Korea na banal ang pinagmulan ng kanilamg Emperador. Ito


ipinahayag sa Alamat ni Tangun Wanggeon. Sa alamat na ito, pinaniniwalan na si
Prinsipe Hwanung, anak ng diyos ng kalangitan na si Hwanin. Siya ay nagnais na
bumaba mula sa langit at manirahan sa daigdig ng tao. Nang malaman ang ninanais
ng anak ay naghanap si Hwanin ng mataas na kabundukan at natagpuan ang Mount
T’aebaek na nagsilbing panirahan ng nasabing prinsipe. Nang makapanirahan na sa
lupa ang prinsipe, itinatag niya ang lungsod ng diyos. Tinuruan niya ang kaniyang
mga nasasakupan ng kaalaman sa agrikultura at iba’t-ibang gawain tulad ng
paghahabi at pagkakarpintero. Bumuo rin siya ng mga batas upang maging gabay
sa pagtukoy ng mabuti at masama at sa pagpataw ng kaparusahan sa mga lumabag
sa batas. Siya ay sinasabing nakapangasawa ng isang oso na naging isang
magandang babae. Sila ay nagkaanak at pinangalanan nila itong Tangun Wanggeon
na nagtatag ng kaharian ng Gojoseon ang unang kaharian ng Korea. Namuno siya
rito sa loob ng 1500 taon.

12
Ang Japan at Korea ay kapwa naniniwala sa banal na pinagmuan ng kanilang
emperador at kaharian. Ayon sa ilang iskolar, maaring ito ay impluwensiya na rin
ng China. Kapwa humiram ng kultura ang dalawang bansang ito sa China at hindi
malayong isipin na naimpluwensiyahan nito ang kanilang paniniwala o kaisipan.

Ang Kaisipang Devaraja ng Cambodia

Pagkatapos na maging malaya ang mga Khmer sa mga Javanese, pinruklama


ni Jayavarman II ang sarili bilang bagong hari at itinatag ang kultung Devaraja sa
Cambodia. Ipinangaral sa kultung Devaraja na ang hari ay manipestasyon ng diyos
na si Shiva sa relihiyong Hinduismo. Sa kaisipang Ito, ang mga hari ng Khmer ay
tinaguriang “God King” na nagtataglay ng malaharing kapangyarihan ng hari at
buhay na diyos sa daigdig. Sa konseptong politikal, ito ay pagbibigay katuwiran sa
kalagayan ng isang hari bilang isang makapangyarihang pinuno.

Bungan ng kaisipang ito, ang mga hari sa Asya ay sumampalataya bilang mga
diyos ng kanilang nasasakupan. Ang lahat ng kapangyarihan may kinalaman sa
pananampalataya o lipunan ay pawing nagmumula sa hari. Ang kapangyarihan ng
mga “God King” ay malinaw na inilalarawan ng mga naglalakihang templong
karaniwang matatagpuan sa liblib na pook na kabundukan ng Timog Silangang
Asya. Patunay na nailalarawan ang kaisipang ito ang monumentong tulad ng Angkor
Wat na itinatag upang ipagdiwang ang mala-diyos at diyosa sa mga templong ito ay
nagpapahiwatig ng tunay na kapangyarihan ng mga hari na nagmula sa diyos. Ang
mga eskulturang ito ay naglalarawan din ng kapangyarihan ng mga haring
magkaloob ng katatagan, kapayapaan at tagumpay sa kanyang kaharian.

Ang Kaisipang Dhamma sa India

Si Asoka ang nag dala sa Imperyong Maurya sa tagumpay at kadakilaan.


Nakidigma siya sa mga malapait na lupain upang ito ay kanyang masakop at
mapalawak pa ang kanyang Imperyo. Sa digmaang ito marami ang namatay at
nagdusang mga sibilyan. Sa pangyayaring ito labis na pinagsisisihan ni Asoka ang
kanyang nagawa kaya siya ay bumaling sa paniniwalang Buddhism. Itinakwil ni
Asoka ang pakikidigma at pananakop. Pinamunuan niya ang kanyang imperyo na
naayon sa makataong pamamaraan.

Pinaunlad ni Asoka ang Buddhismo mula sa isang maliit na sekta hanggang


sa ito ay naging dakilang relihiyon. Binuo niya ang Dhamma-mahamat-tas na
binubuo ng mga opisyal na may tungkuling ipalaganap ang Dhamma. Ang Dhamma
ay binubuo ng mga patakaran ni Asoka na nakabatay sa Dharma, ang mga aral at
pangaral ni Buddha. Sa paniniwalang Dhamma, pinapahalagahan nito ang

13
prinsipyong walang karahasan at kapayapaan para sa lahat. Pinalaganap ni Asoka
ang paniniwalang Dhamma sa iba’t-ibang bahagai ng Timog Silangang Asya na
naging dahilan na pagkilala sa kanya bilang “Dakilang Tagapagpalaganap ng
Buddhismo”.

Gawain 2: Tama o Mali

Tukuyin ang bawat salaysay kung ito ba ay Tama O Mali. Isulat ang Salitang
TAMA kung ito ay tama, MALI naman Kung ito ay Mali.

__________1. Sa paniniwalang Mandate of Heaven, ang pamumuno ng emperador ng


Tsina ay nag mula sa diyos ng kalangitan.

__________2. Si Asoka ang nagpalaganap ng paniniwalang Dhamma sa Timog


Silangang Asya.

__________3. Sa kasalukuyang panahon, naniniwala ang mga hapones na ang


kanilang emperador ay isang diyos.

__________4. Ang paniniwalang Dhamma ay nakabatay sa aral ng Buddhismo.

__________5. Sinocentrism ang tawag sa paniniwalang Tsino na ang kanilang bansa


ay sentro ng daigdig.

__________6. Taliwas sa paniniwalang Tsino, hindi naniniwala ang mga Hapones sa


Mandate of Heaven.

__________7. Sa kasipang “Divine” tinuturing bilang diyos ang mga hari o emperador
ng sinaunang bansang Asyano.

__________8. Sa kaisipang Devaraja, ang mga hari ng Khmer ay tinaguriang “God


King” na nagtataglay ng malaharing kapangyarihan na nag hari bilang buhay na
diyos sa daigdig .

__________9. Sa paniniwalang Dhamma, pinapahalagahan nito ang prinsipyong


walang karahasan at kapayapaan para sa lahat.

__________10. Si Jimmu ang naging kauna unahang emperador ng Tsina. Siya ay


binigyang pangalan Tenno na ang ibig sabihin ay “Son of Heaven”.

14
Pagyamanin

Gawain 3: Teksto-Suri

Ngayon natapos munang basahin at iyo nang na unawaan ang mga kaisipang
Asyano inaasahang masasagutan mo na ang sumusunod na katanungan .
Mula sa mga nabasa mong teksto tungkol sa Paninilwa at Kaisipang Asyano, sagutan
mo ang mga sumusunod na katanungan sa pamamagitan ng pagpapaliwanag. Ang
batayan ng pagpupuntos sa iyong pagpapaliwanag ay sa pamamagitan ng pagibigay
mo ng tamang nilalaman at organisasyon.

1. Paano na impluwensiyahan ng paniniwalang divine origin ang pamumuno ng


mga Asyano?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Gaano kahalaga ang mga kaisipang Asyano sa pag-usbong ng Kabihasnan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Bakit mahalaga ang kaisipang Asyano sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa
Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Rubriks/Pamantayan
Pamantayan 5 4 3 2 1
Nilalaman Wasto at Wasto at Wasto at Wasto at Mali at hindi
makatotohanan ang makatotohanan ang makatotohanan ang makatotohanan ang makatotohanan ang
imporamsyon. Lahat imporamasyon. Isa o imporamasyon. imporamasyon. lima impormasyon.
ng impormasyon ay dalawang Tatlo o apat na o anim na
nakabatay sa pinag- impormasyon ay imporamsyon ay imporamsyon ay
aralang paksa hindi nakabatay sa hindi nakabatay sa hindi nakabatay sa
pinag-aralang paksa pinag-aralang paksa pinag-aralang paksa

Organisasyon Kumprehinsibo at Malinaw ang daloy Kakikitaan ng Kakikitaan ng apat o Hindi


malinaw ang daloy nang pagkakasulat dalawa o tatlong limang kamalian kumprehensibo at
nang pagkakasulat subalit kakikitaan kamalian ang sagot. ang sagot hindi malinaw ang
sa mga sagot. ng isang mali sa daloy ng pagkasulat
pagkakasulat sa ng mga sagot.
mga sagot.

15
Isaisip

Magandang umaga! Sa pagkakataong ito, maaari mong isa isip ag mga


konsepto para sa mas madali mong maintindihan at maunawan ang mga Kaisipang
Asyano.

Tandaan mo ang mga konseptong ito:

• Ang mga kaisipang Asyano ay naging gabay sa paglinang ng kanilang


pamahalaan, kabuhayan, teknolohiya, lipunan, edukasyon, paniniwala,
pagpapahalaga, sining at kultura.
• Bilang pinakamakapangyarihan, tinuturing din ng mga hari ng sinaunang
India, China at Timohg-silangan Asya ang kanilang sarili na mayroong
kakayahan at kapangyarihan tulad ng isang diyos
• Naninawala ang mga Tsino na ang kanilang bansa ay sentro ng daigdig
bunga ng paniniwalanag ito ang kanilang kabihasnan ay natatangi sa lahat
• Ang “Mandate of Heaven” o Basbas ng Langit. Ay ang paniniwalang Tsino,
na ang mga emperador ng Tsina ay nag mula sa diyos ng kalangitan.
• Naninawala ang mga Tsino sa Sinocentrism na kung saan ang kanilang
bansa ay sentro ng daigdig bunga ng paniniwalanag ito ang kanilang
kabihasnan ay natatangi sa lahat.
• Si Jimmu ang naging kauna unahang emperador ng Japan. Siya ay
binigyang pangalan Tenno na ang ibig sabihin ay “Son of Heaven”.
• Sa kaisipang Devaraja, ang mga hari ng Khmer ay tinaguriang “God King”
na nagtataglay ng malaharing kapangyarihan na nag hari ay buhay na diyos
sa daigdig
• Ang Dhamma ay binubuo ng mga patakaran ni Asoka na nakabatay sa
Dharma, ang mga aral at pangaral ni Buddha.
• Sa paniniwalang Dhamma, pinapahalagahan nito ang prinsipyong walang
karahasan at kapayapaan para sa lahat.

16
Isagawa

Gawain 4: Paggawa ng Sanaysay (Essay)

Binabati kita kaibigan dahil matagumpay mong natapos ang dalawang gawain
para. Sa puntong ito, gagawa ka ng isang sanaysay. Sinasabi na ang mga Kasipang
Asyano ang naging batayan nang pag-usbong ng sinaunang kabihasnang Asyano.
Subalit ang mga paniniwalang ito ay hindi na sinusunod ng kasalukuyang panahon.
Bilang mag-aaral, Gumawa ng isang sanaysay kung paano mo mapapahalagan ang
iyong pinuno (Presidente/Mayor).

Panuto: Maaaring pagbatayan ang kaisipang Divine Origin para sa iyong sagot.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Rubriks/Pamantayan

Pamantayan 5 4 3 2 1
Nilalaman Wasto at Wasto at Wasto at Wasto at Mali at hindi
makatotohanan makatotohanan makatotohanan makatotohanan makatotohanan
ang ang ang ang ang
imporamsyon. imporamasyon. imporamasyon. imporamasyon. impormasyon.
Lahat ng Isa o dalawang Tatlo o apat na lima o anim na
impormasyon impormasyon imporamsyon imporamsyon
ay nakabatay ay hindi ay hindi ay hindi
sa pinag- nakabatay sa nakabatay sa nakabatay sa
aralang paksa pinag-aralang pinag-aralang pinag-aralang
paksa paksa paksa
Organisasyon Kumprehinsibo Malinaw ang Kakikitaan ng Kakikitaan ng Hindi
at malinaw ang daloy nang dalawa o apat o limang kumprehensibo
daloy nang pagkakasulat tatlong kamalian ang at hindi
pagkakasulat subalit kamalian ang sagot malinaw ang
sa mga sagot. kakikitaan ng sagot. daloy ng
isang mali sa pagkasulat ng
pagkakasulat mga sagot.
sa mga sagot.

17
Tayahin

Pagpipilian. Piliin ang titik para sa tamang kasagutan. Isulat ang sagot sa papel.
1. Gaano kahalaga ang isang pinuno sa isang Sentralisadong Pamahalaan?
A. Ang pinuno lamang ang bumubuo ng mga batas at desisyon para sa buong
kaharian.
B. Ang pinuno ang siyang may karapatann na labanan ang mga mananakop.
C. Ang pinuno ang bumubuo sa isang kaharian.
D. Wala sa nabanggit
2. Bakit mahalaga sa mga Hapones ang “The Chronicles of Japan”?
A. Talaan ito ng sinaunang kasaysayan ng Japan.
B. Ito ay nagsilbing banal na aklat ng kanilang relihiyon.
C. Nakasulat dito ang lahat ng batas na ginawa ng mga emperador.
D. Naglalaman ito ng mga awit at tula ng mga sinaunang manunulat.
3. Bakit mahalaga sa kasaysayan ng Japan si Ninigi?
A. Siya ang kauna-unahang emperador ng Japan.
B. Siya ang pinaniniwalaang diyos ng mga Hapones.
C. Ayon sa alamat siya ang lumikha sa kapuluan ng Japan.
D. Isa siya sa pinakadakilang emperador sa kasaysyan ng Japan.
4. Bakit banal ang tingin ng mga Hapones sa kanilang emperador?
A. Dahil ang kanilang emperador ay pinaniniwalaang diyos.
B. Dahil ang kanilang emperador ay pinaniniwalaang lumikha ng Japan.
C. Dahil ang kanilang emperador ay lubos na makapangyarihan sa lahat.
D. Dahil ang kanilang emperador ay nanggaling sa kanilang diyos na si
Amaterasu.
5. Bakit mahalaga para sa mga Tsino ang kanilang mga Emperador?
A. Ang kanilang emperador ay pinaniniwalaang bumuo sa kanilang kaharian.
B. Ang kanilang mga emperador ay pinaniniwalaang Anak ng Langit.
C. Ang kanilang emperador ay pinaniniwalaang diyos.
D. Wala sa nabanggit
6. Sa Sentralisadong pamhalaan sa Asya, Alin sa mga sumusunod ang bumubuo
sa mga batas at desisyon para sa buong kaharian?
A. Feudal Lords C. Pinuno
B. Mga Diyos D. Gobernador
7. Ayon sa paniniwala ng Korea, sa anong hayop ang napangasawa ni Hwanong
na nanging isang magandang dilag?
A. Usa C. Oso
B. Aso D. Tigre
8. Alin sa mga sumusunopd ang nagpapahiwatig ng konseptong politikal, sa
kaisipang Devaraja sa Cambodia sa isang hari?
A. Ang isang hari ay maaaring mgakaroon ng isa hangang limang asawa.
B. Ang isang hari ay isang makapangyarihang pinuno na sinusunod ng lahat.
C. Ang isang hari ay maaaring palitan kung ayaw na sa knya ng mga
mamayan.

18
D. Ang hari o “God King” ay nagtataglay ng malaharing kapangyarihan na
nag hari ay buhay na diyos sa daigdig.
9. Bakit napakataas ng tingin ng mga Tsino sa sa kanilang Kabihasnan?
A. Dahil sila ay naniniwala nan kanlang kaharian ay nasa gitna ng daigdidg

B. Dahil sa sa kanilang mga pununo na Mandato ng Langit.


C. Dahil sa pagiging mayaman ng Kabihasnang Tsino.
D. Dahil sa pamumuno ng mga Feudal Lords.
10. Sa Mandate of Heaven, Paano nalalaman na ang mandato ng isang pinuno ay
inalis na nang langit?
A. Kapag namayapa na nag pinuno.
B. Kapag nagkaraoon ng kalamidad sa kaharian.
C. Kapag hindi na nila kayang protektahan ang mga Feudal Lords.
D. Kapag umabot na s samputong taon ang pumumuno ng mga hari
11. Bakit tinaguriang Dakilang Tagapagpalaganap ng Buddhism si Asoka?
A. Itinakwil nia ang lahat ng mamamayang India na hindi sumunods sa aral
ng Buddhismo.
B. Ginawa niyang banal ang kanyang sarili bilang simbolo ng pagyakap niya
sa Buddhismo.
C. Dahil sinunod niya ang mga aral ng Buddhismo sa kanyang pamumuno.
D. Nakidigma siya dala dala ang mga aral ng Buddhismo.
12. Paano nagbalik loob sa aral ng Buddhismo si Asoka?
A. Noong panahong siya ang naging pinuno ng India.
B. Noong pumanaw ang kanyang mga magulang.
C. Dahil sa ito ang paniniwala ng kanyang mga magulang.
D. Dahil sa marami ang nasawi at nasugatan sa digmaang kanyang
nasimulan.
13. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahiwatig ng paniniwlang Dhamma ng
India?
A. Ang pamumunong mapayapa at walang karahasan.
B. Ang matagumpay na pananakop sa ibang kaharian.
C. Pagpaparusa sa lahat ng mga nagkasala sa kaharian.
D. Ang pagiging dakilang kaharian na may halong dahas
14. Gaano kahalaga ang Mandate of Heaven para sa mga Tsino?
A. Dahil sentro ng kaharian ng Tsina sa daigdig.
B. Dahil ito ay pinagmulan ng mga namumuno sa Tsina.
C. Dahil lahat ng namumuno sa Tsina ay dadaan sa isang pagsubok.
D. Dahil ito ay naging batayang pananaw ng mga Tsino sa pamamahala
15. Gaano kahalaga ang kaisipang Asyano sa pag usbong na sinaunang
Kabihasnan sa Asya?
A. Ito ang dahilan kung bakit nanakop sa Asya ng mga dayuhang Europeo.
B. Ito ay naging dahilan kung bakit tinuring nilang diyos ang kanilang mga
emperor o mga pinuno.
C. Ito ay naging dahilan kung bakit naging mas makapangyarihan ang mga
bansang Asyano.
D. Ito ay naging gabay ng mga Asyano sa paglinang ng kanilang pamahalaan,
kabuhayan, teknolohiya, lipunan at Kultura.

19
Karagdagang Gawain

Gawain 5: Pagguhit

Sa kasalukuyang panahon, hindi na sinusunod ng lipunan ang mga kaisipang


Asyano dahil na rin sa mga pagbabagong dulot ng panahon. Bilang mag-aaral,
ilarawan mo sa pamamagitan ng pagguhit ang mga kilos at gawi ng tao na
nagpapakita ng paniniwalang “Dhamma” ng India.

Iguhit dito ang iyong sagot sa kahon na makikita sa ibaba. Mamarkahan ng


iyong guro o tagapagdaloy ang iyong gawa sa mga sumusunod na pamantayan.

Pamantayan Napakahusay (5) Mahusay (4) Hindi Mahusay (3)


Paksa Angkop sa paksa May maliit Walang ka
sa iginuhit kaugnayan sa ugnayan sa paksa
paksa ang iginuhit ang iginuhit
Mensahe Wasto ang detalye May kulang sa Mali ang mensahe
ng mensahe ng mensahe na a iginuhit
mga iginuhit. iginuhit.
Kalinisan Maganda at Malinis ang pagka Marumi ang
malinis at ka guhit pagkagawa
hanga hanga ang
pagguhit

20
21
Gabay na sagot:
1. Paano na imluwensiayhan ng paniniwalng divine origin ang pamumuno ng mga
Asyano?
Sagot: Sa sentralisadong pamahalaan, tanging ang pinuno lamang ang bumubuo ng
mga batas at desisyon para sa buong kaharian. Ang mga gobernador at iba pang opisyal
ay nagsisilbing katulong lamang niya sa pagpapatupad ng mga batas. Bilang
pinakamakapangyarihan, tinuturing din ng mga hari ng sinaunang India, China at
Timohg-silangan Asya ang kanilang sarili na mayroong kakayahan at kapangyarihan
tulad ng isang diyos. Kaisipang Divine ang tawag dito. Ibig sabhin, Itinuturing nila ang
kanilang sarili na nagtataglay ng kapangyarihan ng diyos.
1. Gaano kahalaga ang mga kaisipang Asyano sa pag-usbong ng Kabihasnan??
Sagot: Ang nabuong Kabihasnan ng mga Asyano ay bunga ng kanilang mga
tradisyon, kaisipan at sinaunang pananaw. Ang mga kaisipan at pananaw na ito ay naging
gabay ng mga sinauanang asyano para mabuo ang kanilang lipuanan. Ito rin ang naging
dahilan kung bakit naging mataas ang pagtingin nila sa kanilang kabihasnan na naayon
sa moralidad at makatarunagnag paniniwala.
Isagawa
Bilang pinakamakapangyarihan, tinuturing din ng mga hari ng sinaunang India,
China at Timog-silangan Asya ang kanilang sarili na mayroong kakayahan at
kapangyarihan tulad ng isang diyos. Kaisipang Divine ang tawag dito. Ibig sabhin,
Itinuturing nila ang kanilang sarili na nagtataglay ng kapangyarihan ng diyos. Bilang
pagpapahalaga sa mga pinuno, dapat natin silang igalang bilang lider ng ating bansa.
Susundin natin bawat batas ma kanilang ginawa para sa ikabubuti ng lahat.
Gawain 2: Tama Balikan Subukin
o MAli 1. Islam 1. A
2. Pagnanasa 2. B
1. Tama
3. Kristiyanismo 3. A
2. Tama 4. Sistemang Caste 4. A
5. ChinaTsina 5. A
3. Mali
6. A
4. Tama 7. C
8. B
5. Tama
9. C
6. Tama 10.D
11.A
7. Tama
12.C
8. Tama 13.D
14.A
9. Tama
15.D
10. Mali
Susi sa Pagwawasto
15. D
14. A
13. A
12. A
11. C
10. B
9. A
8. B
7. C
6. C
5. B
4. A
3. A
2. A
1. A
Tayahin

Sanggunian
Cruz, R. et al. (2013). Araling Asyano: Tungo sa Pagkakakilanlan (Espesyal ed.).
Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc

Rosemarie C. Blando et al. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba.Department


of Education Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) 5th
Floor, Mabini Building, DepEd Complex, Meralco Avenue, Pasig City
Philippines.40-42

Samson, M.B, et al (2017). Kayamanan: Araling Asyano: Batayan at Sanayang Aklat


sa Araling Panlipuan. Quezon City, Philippines, Rex Bookstore

22
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division

Elpidio Quirino Avenue


Davao City, Philippines

Telephone: (082) 224 – 0100 / 228 – 3970

Email Address: info@deped-davaocity.ph /


lrmds.davaocity@deped.gov.ph

You might also like