You are on page 1of 29

7

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5:
Kalagayang Ekolohikal ng Asya
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Kalagayang Ekolohikal ng Asya
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Cristine S. Tuto
Tagasuri: Anecita D. Casiple at Alberto, Jr. S. Quibol
Tagaguhit: Marcel B. Imperial
Tagapamahala: SDS Reynaldo M. Guillena, CESO V
ASDS Basilio P. Mana-ay Jr., CESE
ASDS Emma A. Camporenondo, CESE
Name of Regional ADM Coordinator
CID Chief Alma C. Cifra, EdD
LRMS EPS Aries B. Juanillo, PhD
AP EPS Amelia S. Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Region XI Davao City Division


Office Address: Elpidio Quirino Avenue, Davao City, Philippines
Telephone: (082) 224 0100 / 228 3970

E-mail Address: info@deped-davaocity.ph / lrmds.davaocity@deped.gov.ph


7

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5:
Kalagayang Ekolohikal ng Asya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kalagayang Ekolohikal ng Asya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul .

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Kalagayang Ekolohikal ng Asya!

Sa araling ito tatalakayin mo ang tungkol sa mga isyung pangkapaligiran na


kinakaharap ng mga Asyano sa pang-araw-araw. Marami sa mga suliraning ito ang
iyong nakikita, nararanasan at naoobserbahan. Ikaw bilang asyano ay may malaking
papel na ginagampanan upang matugunan at makapagbigay ng solusyon sa mga
suliraning ito. Sa pag-aaral ng araling ito ay mas higit mong mauunawaan ang
kahalagahan at importansya ng bawat nilalang at elemento na mayroon sa ating
kapaligiran. Bilang isang mag-aaral inaaasahan sa iyo na makakagawa ka ng mga
hakabang upang makatulong sa pagtugon sa mga hamong ito.

Handa ka na ba? Bago ka magsimula basahing maiigi ang mga nakapaloob


sa bahagi ng modyul na magsisilbi mong gabay sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
Pagwawasto ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Kumusta ka mag-aaral? Handa ka na ba para sa panibagong aralin na iyong


sasanayin sa bahaging ito? Matapos mong mapag-aralan at masuri sa nakaraang
aralin ang tungkol sa iba’t ibang likas na yaman ng Asya maging ang implikasyon
ng kapaligirang pisikal sa pamumuhay ng mga Asyano mula noon hanggang ngayon.
Ngayon ay tatalakayin naman natin ang kahalagahan sa pangangalaga natin sa
kalagayang ekolohikal sa rehiyon ng Asya.

Mag-aaral, alam mo ba ang kasalukuyang kalagayan ng ating kapaligiran?


Anu-ano ang iba’t ibang isyung pangkalapaligiran ang ating nararanasan? Sa anong
paraan mo pinapangalagaan ito? At paano natin ito maiiwasan? Ito ang ilan sa mga
katanungan na nais nating masagot sa araling ito. Sa modyul 5 ang araling ito ay
nakabatay sa Most Essential Learning Competency para sa Baitang 7 na:
Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na
kalagayang ekolohiko ng rehiyon (APHAS-Ig-1.7).

Mula sa nabanggit na kasanayan ay pag-aaralin mo ang sumusunod na paksa:

• Ang Biodiversity sa Asya


• Mga suliraning pangkapaligiran; at
• Ang kahalagahan ng Ecological Balance

Pagkatapos mong pag-aralan ang mga nabanggit na aralin, ikaw ay inaasahang:


1. natutukoy ang biodiversity, mga isyung pangkapaligiran at kahalagahan ng
timbang na kalagayang ekolohiko o ecological balance sa rehiyon ng Asya;
2. naipaliliwanag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na kalagayang
ekolohiko ng rehiyon at;
3. nakapaglalahad ng mga solusyon o hakbang sa paglutas ng mga suliranin sa
kalagayang ekolohiko ng rehiyong Asya;

5
Subukin

Magandang araw mag-aaral, Bago mo simulan ang pag-aaral sa aralin


subukan mo munang sagutan ang gawaing ito upang malaman kung gaano kalawak
ang iyong kalaaman tungkol sa paksa na iyong pag-aaralan sa susunod na pahina.
Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang tanong sa bawat bilang. Bilugan ang titik
ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod na konsepto ang nagpapakita ng interaksiyon ng tao sa


kanyang kapaligiran para umunlad ang kanyang kabuhayan?

A. Ang pagkontrol sa paglaki ng populasyon para maiwasan ang kakapusan at


kakulangan sa mga pangangailangan.
B. Ang pagpapalawak ng urbanisasyon, pagpapatayo at pagpapa-unlad ng
ilang industriya sa pamamagitan ng reclamation.
C. Ang paggamit ng programang sustainable development o gawaing
pangkabuhayan na kung saan ay hindi isinasakripisyo at inaalagaan ang
ating inang kalikasan.
D. Ang patuloy na paggamit natin sa likas na yaman para sa pagpapabuti at
pagpapa-unlad ng kabuhayan sa pamamagitan ng paggamit ng mga
modernong makinarya at ang kapakinabangan nito.

2. Isa sa mga isyung pangkapaligiran ang kinakaharap ng mga Asyano ay ang


pagkakalbo ng kabundukan dulot ng pagsusunog o kaingin, bakit
kinakailangan nilang gawin ang pagsusunog sa ilang bahagi ng bundok?

A. Para mag tayo ng mga bagong bahay.


B. Paghahanda para sa darating na kalamidad.
C. Para magamit ang lupa sa gawaing agrikultural.
D. Para mawala ang mga insektong magdudulot ng problema sa mga
magsasaka.

3. Alin sa sumusunod na pangungusap ang pinaka-akma na konsepto na pwede


mong mabuo tungkol sa kahalagahan ng ecological balance?

A. Ang kinabukasan ng mga tao ay nakasalalay sa kapaligiran.


B. Sa loob ng bahay nagsisimula ang pagtuturo at pagpapalaganap sa wastong
paggamit ng likas na yaman.
C. Anuman ang maging estado at kalagayang ekolohikal ay may tiyak itong
epekto sa ating pangkalahatang kalidad na kapaligiran.
D. Ang pagkakaroon ng wastong laki ng populasyon ay nagreresulta sa
mababang antas ng suliraning pangkapaligiran at ekolohikal.

6
4. Ang climate change ay tumutukoy sa kapansin-pansing pagbabago sa
kondisyon ng kapaligiran. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng SANHI ng
pagkakaroon ng climate change?

A. Pagpuputol ng puno
B. Pagtatapon ng basura sa ilog
C. Pag-ulan ng yelo sa Pilipinas
D. Pagkakaroon ng bagyo tuwing buwan ng Agosto

5. Ano ang kahalagahan ng pagpapanatili sa mga tao ng maayos na paggamit ng


likas na yaman sa pagkakaroon ng balanseng ekolohikal ng bansa?

A. Nagpapalakas ng turismo sa isang bansa.


B. Naaalagaan nito ang kapaligiran ng bansa.
C. Napananatili nito ang mataas na antas ng kabuhayan
D. Natutuklasan ang mga bagong species ng hayop na mayroon sa isang bansa

6. Sa kasalukuyan ang ilang bahagi ng Himalayan glaciers ay unti-unting


natutunaw dahil na rin sa pagbabago ng temperatura. Ano ang tawag sa
ganitong uri kondisyon?

A. Deforestation B. Desertification C. Global warming D.Greenhouse gases


7. Alin sa sumusunod ang magiging epekto kung ating pangangalagaan ang
kalagayang ekolohikal sa Asya?

A. Kakaunti ang populasyon ng tao.


B. Magkakaroon ng katiwasayan sa buong rehiyon.
C. Madaragdagan ang mga gastusin ng pamahalaan.
D. Maaari nating maiwasan ang pagkaubos ng likas na yaman.

8. Ang mga sumusunod ay epekto ng climate change MALIBAN sa isa.


A. Tagtuyot C. Pagdami ng mga hayop
B. Pagtaas ng lebel ng tubig D. Pagtaas ng temperatura sa mundo

9. Ang sumusunod ay nagpapakita ng pagka gambala sa ating balanseng


ekolohiya MALIBAN sa isa.

A. Pagkakaroon ng bagong specie


B. Pagdami ng mga namamatay na ilang specie
C. Pagsasa-ayos at pangangalaga sa ating kapaligiran
D. Pagkakaroon ng natural na panganib o di kaya’y likha ng tao

10. Ang mga usok mula sa sasakyan, pabrika, at produksiyon ng kuryente ay


maaaring magdulot ng anong isyung pangkapaligiran?

7
A. Greenhouse gases C. Deforestation
B. Desertification D. Salinization
11. Bilang isang mag-aaral, paaano mo pinapanatili ang malinis ang loob ng iyong
silid aralan?
A. Paggawa ng sariling gawain.
B. Pagtulong ng buong araw sa paglilinis.
C. Pagtulong sa mga naka assigned na tagalinis.
D. Pagsasabi sa mga kaklase na itapon sa tamang basurahan ang mga trabaho.

11. Ito ay tumutukoy sa pagkasira ng lupain sa ibang rehiyon na bahagyang tuyo


o lubhang tuyo na hahantong sa permanenteng pagkawala ng productivity
nito.

A. Desertification C. Hinterlands
B. Deforestation D. Siltation
13. Ano ang nagiging direktang epekto ng pagbabago ng temperatura ng daigdig sa
ecological balance?
A. Maraming hayop ang maililigtas natin
B. Magkakaroon ang mga hayop ng bagong tirahan
C. Magkakaroon ang mga tao at hayop ng mas maraming pagkain
D. Tuluyan itong masisira at mawawalan ng mapagkukunan ng pagkain ang
mga tao at hayop

14. Ito ay isang proseso na kung saan lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin o kaya
naman ay inaanod ng tubig papunta sa lupa, anong isyung pangkapaligiran ito?

A. Climate change B. Salinization C. Red Tide D. Siltation


15. Ano ang pinakamainam na solusyon upang mawala ang mga suliraning
pangkapaligiran na kinakaharap natin sa kasalukyan?
A. Itapon ang mga basura kahit saan
B. Hayaan na lang mga basura sa tabing daan
C. Ang pangangalaga ay dapat magsimula sa ating mga sarili at tahanan.
D. Pagsabihan ang iba tungkol sa mga mali nilang nagawa sa araw-araw

8
Aralin
Kalagayang Ekolohikal ng Asya
1
Magandang araw mag-aaral handa ka na ba para sa ating talakayan ngayong
umaga? Halina’t tuklasin natin ang kalagayang ekolohikal ng Asya.

Ang pagkakaroon ng malawak na lupain at teritoryo ng Asya ang nagbunsod


sa pagkakahati-hati nito sa limang rehiyon. Sa kasalukuyan, dahil na rin sa ating
mga nararanasang kalamidad ay nagsusumikap tayong mga Asyano na mapanatili
at mapangalagaan natin ang kalagayang ekolohikal ng Asya. Ito ay upang patuloy
natin na magamit ang mga biyayang hatid nito sa pagpapa-unlad ng mga bansang
ating kinabibilangan sa susunod na mga henerasyon. Ang maayos na pangangalaga
sa yamang-lupa, yamang tubig, yamang mineral at yamang tao ang siyang
nagbibigay balanse sa kalagayang ekolohikal ng Asya. Kaya mag-aaral, handa kana
ba uli?

Balikan

Sa nakaraang araling nasuri mo ang tungkol sa mga yamang likas ng Asya at


implikasyon nito sa pamumuhay ng Asyano noon at ngayon. Iyong natutunan na
ang uri ng pamumuhay at gawain ng tao ay nakaangkop sa kaniyang kapaligiran.
Ang ugnayan ng tao at kapaligiran ay isang natural na prosesong ipinagkaloob ng
kalikasan upang ang lahat ay mabuhay. Ang likas na yaman at katangiang-pisikal
ay mayroong mahalagang implikasyon sa agrikultura, pananahanan, at ekonomiya
ng lipunang Asyano.

Ang pagbabago ng mga yamang likas at implikasyon ng pisikal na katangian


ay maiuugnay sa usapin ng kalagayan ekolohikal at suliraning pangkapaligiran na
kinakaharap ng Asya. Sa kadahilanang, ang pagbabagong topograpikal o
katangiang-pisikay ay nag-uudyok ng pagbabago rin ng mga yamang likas. Bukod
pa rito, nagbabago rin ang mga yamang likas sa isang lugar dahil na rin sa gawain
ng mga tao. Ang pagbabagong ito ay maaaring mga-uwi sa isang suliraning
ekolohikal o pangkapaligiran. Halimbawa, sa nakaraang Aralin, naunawaang ang
Banaue Rice Terraces ay kasakulukuyang nahaharap sa isang hamon na ang mga
tao ay hindi na nagsasaka. Ang kritikal na sitwasyon ng nasabing tanawin ay
maaaring mag-ugat sa isang suliraning pangkapaligiran dahil ang ibang bahagi nito
ay napabayaan na.

9
Kung iyong iisipin, malaki rin ang papel ng mga Asyano na siguraduhing hindi
masira ang likas na yaman at hindi mauwi sa isang suliraning pangkapaligiran.
Subalit, sa panahon ngayon ay patuloy parin ang pag-usbong ng mga suliraning ito,
hindi lamang sa Pilipinas, kundi pati na rin sa iba pang rehiyon sa Asya.

Tuklasin

Kumusta mag-aaral! Handa ka na ba para sa bagong aralin na ating


tatalakayin? Kung gayon ay simulan natin ang araw ng isang awitin. Mahilig ka bang
kumanta? Pamilyar ka ba sa kantang Masdan Mo Ang Kapaligiran ng bandang
Asin? Kung hindi ay ating pakinggan ang mensahe ng nasabing awitin para sa lahat.

Paalala: Maaari kang makinig sa Youtube o mag download ng kantang ito mula sa
internet. Pwede ring magpatulong sa iyong magulang o kapatid na nakakaalam ng
kantang ito.

Masdan Mo Ang Kapaligiran


by: Asin

INTRO
Wala ka bang napapansin? Sa iyong Ang mga batang ngayon lang isinilang
mga kapaligiran May hangin pa kayang matitikman
Kay dumi na ng hangin, pati na ang May mga puno pa kaya silang
mga ilog natin. aakyatin
May mga ilog pa kayang lalanguyan.
REFRAIN 1
Hindi nga masama ang pag-unlad REFRAIN 3
At malayu-layo na rin ang ating Baki’t di natin pag-isipan
narating Ang nangyayari sa ating kapaligiran
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat Hindi nga masama ang pag-unlad
Dati’y kulay asul, ngayo’y naging itim. Kung hindi ka nakakasira ng
kalikasan.
Ang mga duming ating ikinalat sa Darating ang panahon, mga ibong
hangin gala
Sa langit, wag na nating paabutin; Ay wala ng madadapuan
Upang kung tayo’y pumanaw man Masdan mo ang mga punong dati ay
Sariwang hangin, sa langit natin kay tatag
matitikman Ngayon’y namamatay dahil sa ating
kalokohan.
REFRAIN 2
Mayro’n lang akong hinihiling REFRAIN 4
Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan Lahat ng bagay na narito sa lupa
Gitara ko ay aking dadalhin Biyayang galing sa diyos kahit nu’ng
Upang sa ulap na lang tayo ika’y wala pa
magkantahan. Ingatan natin at ‘wag nang sirain pa

10
Pagkat pag kanyang binawi, tayo’y Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
mawawala na Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo
Mayro’n lang akong hinihiling magkantahan.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang mensahe na nais ipahiwatig ng awitin? (5 Puntos)


________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

2. Bilang isang mag-aaral o miyembro ng lipunang iyong ginagalawan sa paanong


paraan ka makakatulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa kabila ng ating
kaunlaran? (5 Puntos)
________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

RUBRIK SA PAGMAMARKA
Kailangan pang
Napakagaling Magaling
Kategorya Pagbutihin
(5) (4)
(3)
Wasto ang Wasto ang Kulang ang
nilalaman at nilalaman ngunit nilalaman at hindi
Nilalaman naibigay ang lahat medyo kakaunti angkop ang
ng impormasyong lamang ang impormasyong
hinihingi naibigay na ibinigay.
impormasyon
Maayos na Maayos na Hindi naipakita ng
Presentasyon naipakita at naipakita ngunit maayos at hindi
naipaliwanag ng hindi rin naipaliwnaga
lubusan ang naipaliwanag ng ng maayos ang
paksa maayos ang paksa paksa

11
Suriin

Ngayon ay ating tuklasin ang tungkol sa biodiversity at ang mga suliraning


pangkapaligiran na kinakaharap ng mga Asyano.

Ang Biodiversity ng Asya

Ang Asya, bilang pinakamalaking kontinente sa buong daigdig ang siyang


itinuturing na pinagmumulan ng global biodiversity. Ang biodiversity ay tumutukoy
sa pagkakaiba-iba at katangi-tanging anyo ng lahat ng buhay na siyang bumubuo
sa natural na kalikasan. Ang habitat naman ang nagsisilbing tirahan ng mga hayop
at iba pang mga nilalang sa daigdig. Dahil na rin sa mga pag-unlad ng ekonomiya
na nagaganap sa bawat bansa sa Asya ay kaakibat din nito ang pagsulpot ng iba’t
ibang suliraning ekolohikal at pangkapaligiran. Nagsilbi itong isang malaking hamon
para sa mga Asyano kung papaano makapagpapatupad ng angkop na solusyon sa
mga suliraning ito.

Suliraning Pangkapaligiran

Ang larawan na nasa ibaba ay nagpapakita ng iba’t ibang suliraning


pangkapaligiran na kinakaharap ng mga Asyano sa kasalukuyan. Ang mga ito ay
nagdudulot ng iba’t ibang klase ng polusyon na nakakasira sa kalusugan ng mga
tao maging sa mga hayop.

12
Malimit nating napakinggan sa radyo, napapanood sa telebisyon o nababasa
sa pahayagan o social media ang mga balitang may kinalaman sa nangyayari sa ating
kapaligiran tulad na lamang ng forest fire, matinding pagbaha at landslide na dulot
ng malakas na pag-ulan at bagyo. Ipinapakita sa talahanayan 1 ang mga isyung
pangkapaligiran na ating kadalasang kinahaharap ng Asya bawat taon.

Talahanayan 1. Mga Isyung Pangkapaligiran

Isyung Pangkapaligiran Kahulugan/Sanhi


Deforestation Ito ay ang paraan ng paghahawan sa
kagubatan sa pamamagitan ng
pagpuputol ng mga puno.
Pagkakaingin Ito ay tumutukoy sa pagsunog sa
bahagi ng gubat upang magamit ang
lupa nito sa gawaing agrikultural.
Polusyon Ito ay tumutukoy sa maruming
elemento sa ating kapaligiran na siyang
nagdudulot ng pagkasira ng daloy ng
ating ecosystem
Climate Change Ito ay tumutukoy sa pagbabago sa
kondisyon ng ating kapaligiran (hal.
temperatura, presipitasyon at wind
pattern)
Global warming Ang tawag sa pagtaas ng temperatura
sa ating mga kalupaan at karagatan ng
daigdig.
Greenhouse gases Ito ay nagmumula sa mga sasakyan,
pabrika at produksiyon ng mga
kuryente
Desertification Ito ay tumutukoy sa pagkasira ng lupa
sa mga rehiyong bahagya o malubhang
tuyo na paglumaon ay magreresulta sa
permanenteng pagkawala ng
productivity.
Salinization Ito ay isang proseso na kung saan
lumilitaw ang asin sa ibabaw ng lupa o
kaya naman ay inaaanod ng tubig
papunta sa lupain.

13
Paano ba nakakaapekto sa mga tao ang ganitong mga suliranin? Hindi na
bago dito sa Pilipinas na halos bawat taon ay nakakaranas tayo ng mga bagyo na
nagdudulot ng malaking pinsala sa mga ari-arian. Narito ang isang balita na may
kinalaman sa suliraning pangkapaligiran.

Basurang dala ng habagat hinakot sa Manila Bay clean-up


Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News
Posted at Jul 20 2019, 12:03 PM

Las Piñas-Parañaque -- Daan-daang mga volunteer mula sa gobyerno at


pribadong sektor ang nagtulong-tulong para maghakot ng sako-sakong mga
basura mula sa dalampasigan ng Manila Bay sa tinaguriang Las Pinas-
Parañaque Critical Habitat Ecotourism Area malapit sa Coastal Road, Sabado
ng umaga.

Nagkalat ang plastic at iba pang mga basura sa ilang kilometrong haba
ng baybayin sa habitat bago magsimula ang paglilinis alas-6 ng umaga.

Lingguhan ang paglilinis sa lugar mula nang magsimula ang Manila Bay
Cleanup project. Pero ngayong araw, mas malaking volume ng basura ang
kailangang pulutin na naipon sa ilang araw na pag-ulan at malakas na alon dala
ng bagyo at habagat.

Kuwento ng mga empleyado ng Parañaque City Environment and Natural


Resources Office, wala ang mga naturang basura noong nakaraang Sabado
matapos ang huling sama-samang clean-up sa lugar.

Panawagan naman ni Sen. Cynthia Villar na dumalo sa clean-up na


hinigpitan sana ng mga lokal na pamahalaan ang pagsunod sa Solid Waste
Management Law para masigurong hindi tinatapon sa tubig ang mga basura
mula sa kani-kanilang mga lugar.

Sumama rin sa clean-up ang mga tauhan ng Maynilad at Manila Water.


Panawagan ni Villar na pagandahin ang waste water recycling facilities nila para
hindi napupunta sa dagat ang mga gamit na tubig.

Kahalagahan ng Ecological Balance


Ang ecological balance ay tumutukoy sa pagkakaroon ng balanseng
kalagayan ng pamayanan sa mga species na umaaayon sa isa’t isa. Kabilang sa
ecological balance ang natural na interaksyon at pakikisalamuha ng mga species sa
bawat isa at maging sa kanilang kapaligiran upang mapanatili ang kanilang dami ng
lahi.

Sa kasalukuyan, ang usapin tungkol sa ecological balance ay isa ng


pandaigdigan na usapin na naglalayon na mapanatili ang kagandahan ng ating
kapaligiran sa kabila ng kaunlaran na ating tinatamasa.

14
Ilan sa mga sanhi ng pagkasira ng ecological balance sa ating daigdig ay ang
mga sumusunod:

• Ang mabilis na paglaki ng ating populasyon sa buong daigdig


• Kalabisan sa paggamit ng mga likas na yaman; at
• Mga gawain na may kinalaman sa pangkaunlaran ng tao kabilang dito ang
sektor ng agrikultural, at industriyal.

Papaano natin malulutas ang mga suliraning pangkapaligiran? Naglunsad ang


mga bansa na may ugnayang pandaigidg ng iba’t ibang uri ng kampanya para
matugunan ang mga lumalalang suliraning pangkapaligiran.

Isa sa mga kampanya para matuguan ang suliraning pangkalikasan ay ang


Kyoto Protocol na naglalayon na ipatigil ang paggamit ng mga kemikal na maaaring
nakakasira sa ozone layer, ang Earth Summit na napagkasunduan noong 1992
naglalayong mapangalagaan ang lahat ng mga kagubatan, yamang lupa, yamang
tubig at ang kalusugan ng mga mamamayan; at ang panghuli ay ang Earth Summit
on Climate Change 2005 na ginanap sa Copenhagen, Denmark para talakayin ang
mga importanteng bagay na may kinalaman sa global warming na siyang nagdudulot
ng climate change.

Maliban sa mga nabanggit na programa mula sa iba’t ibang panig ng mundo na


naglalayong malutas ang mga suliraning pangkapaligiran, dito sa Pilipinas ang
Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ito ay nagsasaad
ng mga patakaran at alituntunin tungkol sa tama at wastong pamamahala ng ating
mga basura. Ito ay naglalayon na magkaroon ng responsibilidad ang bawat ahensya
ng pamahalaan maging ang mga nasa komunidad sa tamang pagtatapon ng mga
basura.

Layunin din nasabing batas na maipaliwanag ang benepisyo at kahalagahan sa


pagkakaroon ng pasilidad sa bawat lugar na siyang mamamahala at magsisilbing
imbakan ng balik-materyales na kung saan ito ipo-proseso. Sa pamamagitan ng
nasabing batas mababawasan nito ang dami ng mga basura na basta na lamang
itinatapon kahit saan na magdudulot ng polusyon sa ating kapaligiran.

15
Pagyamanin

Ngayon ay magsisimula na tayo sa unang gawain. Handa ka na ba? Simulan


natin.

Gawain 4: KAPAhalagahan

Panuto: Gawing gabay ang rubrik sa pagsagot ng gawain. Inaasahan na


maipapahayag mo kung gaano kahalaga ang pangangalaga sa timbang na
kalagayang ekolohiko ng Asya sa pamamagitan ng pagsagot sa gawain.

1. Paano mo mailalarawan ang kalagayang ekolohikal sa Asya? (Ilarawan mo ang

mga suliraning pangkapaligirang kinakaharap ng kontinente)

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

2. Bilang isang mag-aaral, paano ka makakatulong sa paglutas sa mga isyung

pangkapaligiran na kinakaharap sa iyong paaralan? Ilagay ang iyong sagot sa

ibaba.

______________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

RUBRIK SA PAGMAMARKA SA GAWAIN 3


Needs
Improvement (2)
Pamantayan Excellent (5) Very Good (4) Fair (3)
Mahusay ang Maayos ang May lohikal na Hindi maayos ang
Organisasyon pagkakasunod- organisasyon organisayon ngunit organisasyon ng
sunod ng mga ideya pagkakabuo ng hindi masyadong mga ideya at walang
sa kabuuan ng talata na may mabisa ang panimula at
talata. angkop na panimula at kongklusyon
panimula at kongklusyon
kongklusyon
Napakalalim na Malalim na nakikita Mababaw at hindi Napakababaw na
nakikita ang pag- ang pag-uugnayan gaanong nakikita walang pag-uugnay
Lalim ng uugnayan ng dating ng dati sa bagong ang pag-uugnayan ang dati at bagong
repleksyon kaalaman at kaalaman ng dati sa bagong kaalaman at
karanasan sa kaalaman makikita lamang
bagong kaalaman kung ano ang
tinalakay sa klase

16
Isaisip

Kumusta ang iyong naging pag-aaral sa araling ito? Nakikita mo rin ba sa


inyung komunidad ang mga nasabing suliranin? Bilang pangkalahatan tandaan mo
ang mga mahahalagang konseptong ito:

• Ang pagkakaiba-iba at katangi-tanging anyo ng lahat ng buhay na bumubuo sa


natural na kalikasan ay tinatawag na biodiversity.
• Ang deforestation ay tumutukoy sa paghahawan ng kagubatan sa pamamagitan
ng pagputol ng mga puno.
• Isa mga sanhi ng deforestation ay ang pagtotroso na kinakailangan sa
industriya ng paggawa ng mga kagamitang kahoy at papel. Dahil hindi nito
nasusunod ang mga patakaran ipinapatupad ng pamahalaan para
mapangalagaan ang ating kalikasan.
• Ang pagkakaingin ay ang proseso ng pagsusunog sa ibang bahagi ng gubat
upang magamit ang lupa nito sa gawaing agrikultural.
• Ang polusyon ay tumutukoy sa maruming elemento ng kapaligiran na
nagdudulot ng pagkasira sa likas na daloy ng ecosystem.
• Ilan sa mga sanhi ng polusyon sa lupa ay ang urbanisasyon, hindi wastong
pagtatapon ng domestic waste, at ang mga gawaing industriyal at agrikultural.
• Ang hindi wastong pagtatapon ng basura ng mga komunidad at mga kemikal
na nagmumula sa mga pabrika ang nagiging sanhi ng polusyon sa tubig.
• Isa sa mga patunay ng mapaminsalang polusyon sa hangin ay ang smog o ulap-
usok na makikita sa alapaap.
• Ang carbon dioxide ang pangunahing pollutant na nakapagdudulot din ng
global warming.
• Ang climate change ay tumutukoy sa kapansin-pansing pagbabago sa
kondisyon ng kapaligiran.
• Ang global warming ay tumutukoy sa pagtaas ng temperatura ng kalupaan at
karagatan ng daigidg.
• Ang greenhouse gases na nagmumula sa mga sasakyan, pabrika at
produksiyon ng kuryente ang pangunahing sanhi ng pag-init ng daigdig.

17
Isagawa

Kumusta mag – aaral? Matapos mong mapag-aralan ang tungkol sa


kalagayang ekolohikal ng asya at ang mga suliraning kinakaharap ng mga Asyano,
ano ang iyong naramdaman? Ang mga ito ba ay nakakabuti o nakakasama sa atin?
Nasaksihan mo kung gaano kalaki ang problema ng Asya tungkol sa usapin ng
pangkapaligiran. Sa susunod na gawain ikaw ay inaasahan na makakagawa ng mga
hakbang sa paglutas ng mga suliranin sa kalagayang ekolohiko ng Asya.

Gawain 3: Noon, Ngayon, at Hinaharap

Panuto: Pumili ng isang suliraning pangkapaligiran na kinahaharap ng Asya


noon at ngayon at ihambing ang mga ito. Pagkatapos, ilahad din ang solusyong
maaaring isakatuparan upang malunasan ang suliranin, at ilarawan ang magiging
kalagayan ng kapaligiran batay sa inilahad na solusyon. Gamitin ang rubriks na
nasa ibaba na magsisilbi mong gabay sa paggawa ng nasabing gawain.

RUBRIK SA PAGMAMARKA SA GAWAIN 3


Needs
Improvement
Pamantayan Excellent (5) Very Good (4) Fair (3)
(2)
Malinis at Malinis ngunit May Mahirap
Presentasyon maayos ang hindi lahat ay kahirapang basahin dahil
pagkakasulat maayos ang unawain ang hindi maayos
ng talata pagkakasulat pagkakasulat at malinis na
ng mga ng pagkakasulat
pangungusap pangungusap
Napakalalim Malalim na Mababaw at Napakababaw
na nakikita nakikita ang hindi gaanong na walang pag-
Lalim ng ang pag- pag-uugnayan nakikita ang uugnay ang
repleksyon uugnayan ng ng dati sa pag-uugnayan dati at bagong
dating bagong ng dati sa kaalaman at
kaalaman at kaalaman bagong makikita
karanasan sa kaalaman lamang kung
bagong ano ang
kaalaman tinalakay sa
klase

18
Mga Tala para sa Guro
Sa pagsagot ng gawaing ito, gumamit ng isang malinis na papel at
gamitin ang modyul na may pag-iingat. Huwag lagyan ng anumang
marka o sulat ang alin man sa bahagi ng modyul.

Pangalan: _______________________________________ Petsa: ___________________________


Guro: ___________________________________________ Baitang/Seksyon: _______________

SULIRANING PANGKAPALIGIRAN
__________________________________________________________
(Dito mo isulat ang iyong napiling suliranin)

Magiging
Kalagayan ng
Noon Ngayon Solusyon
Kapaligiran

19
Tayahin

Para sa gawaing ito susukatin ang iyong mga naging kaalaman sa buong
aralin sa pamamagitan ng pagsagot nito sa isang malinis na papel laging tandaan
na huwag maglalagay ng anumang marka sa modyul na ito. Isulat ang iyong sagot
sa iyong sagutang papel. Goodluck!

Gawain 4: Tukuyin Mo

Panuto: Basahin mong mabuti ang mga pangungusap. Isulat sa patlang ang salitang
inilalarawan ng bawat pangungusap.

1.Alin sa sumusunod na isyung pangkapaligiran ang tumutukoy sa pagsusunog sa


bahagi ng gubat para sa gawaing agrikultural?

A. Deforestation
B. Pagkakaingin
C. Desertification
D. Global Warming
2. Ito ay tumutukoy sa paghahawan ng kagubatan sa pamamagitan ng pagputol
ng mga puno, anong isyung pangkapaligiran ito?

A. Salinization C. Biodiversity
B. Deforestation D. Greenhouse gases
3. Bilang kabataan, gaano kahalaga na mapangalagaan ang ating inang kalikasan
sa pagkakaroon ng konseptong ecological balance?

A. Upang magkaroon ito ng silbi sa mga tao.


B. Upang magsilbing palamuti sa ating paligid
C. Upang ito ay mapakinabangan at magamit pa sa susunod na henerasyon.
D. Upang magsisilbing lugar kung saan puwedeng maglaro ang mga kabataan.

4. Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng pagkakaiba-iba at katangi-tanging


anyo ng lahat ng buhay na bumubuo sa kalikasan?

A. Siltation
B. Red tide
C. Biodiversity
D. Hinterlands

20
5. Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng balanseng kalagayan ng pamayanan sa
mga species na umaaayon sa isa’t isa.

A. Habitat
B. Climate change
C. Global warming
D. Ecological balance
6. Ito ay isang isyung pangkapaligiran na kung saan mayroong pagtaas ng
temperatura ng kalupaan at karagatan ng daigdig.

A. Ozone layer
B. Global warming
C. Climate change
D. Ecological balance
7. Ang mga sumusunod ay sanhi ng pagkasira ng ecological balance sa ating
daigidig MALIBAN sa isa?

A. Ang mabilis na paglaki ng populasyon sa buong daigdig


B. Ang kalabisan na paggamit sa ating mga likas na yaman
C. Ang pagkakaroon ng balanseng interaksiyon sa pagitan ng tao at mga hayop
sa kapaligiran
D. Ang pagkakaroon ng mga gawain na may kinalaman sa kaunlaran ng tao
tulad ng sa agrikultural at industriyal
8. Anong isyung pangkapaligiran ito na kung saan nagkakaroon ng kapansin-
pansing pagbabago sa kondisyon ng kapaligiran

A. Ozone layer
B. Climate change
C. Global warming
D. Ecological balance
9. Ito ay tumutukoy sa maruming elemento ng kapaligiran na siyang nagdudulot
ng pagkasira sa likas na daloy ng ecosystem.

A. Habitat
B. Red tide
C. Polusyon
D. Hinterlands

21
10. Ito ang nagsisilbing tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay sa mundo na
may buhay.

A. Habitat C. Ecological balance


B. Biodiversity D. Greenhouse gases
11. Bilang isang mag-aaral, paaano mo pinapanatili na malinis ang loob ng iyong
silid aralan?

A. Paggawa ng sariling gawain


B. Pagtulog ng buong araw sa paglilinis
C. Pagtulong sa mga naka assigned na tagalinis.
D. Pagsasabi sa mga kaklase na itapon sa tamang basurahan ang mga trabaho
12. Ito ay isang uri ng isyung pangkapaligiran na tumutukoy sa pagkasira ng lupain
sa ibang rehiyon na bahagyang tuyo o lubhang tuyo na hahantong sa
permanenteng pagkawala ng productivity nito.

A. Siltation C. Deforestation
B. Hinterlands D. Desertification
13. Ano ang nagiging direktang epekto ng pagbabago ng temperature ng daigdig nito
sa ecological balance sa hindi natin pag-aalaga ng maayos dito?

A. Maraming hayop ang maililigtas natin


B. Magkakaroon ang mga hayop ng bagong tirahan
C. Magkakaroon ang mga tao at hayop ng mas maraming pagkain
D. Tuluyan itong masisira at mawawalan ng mapagkukunan ng pagkain ang
mga tao at hayop
14. Sa Pakistan halos 13% ng kanilang lupaing sakahan ay nakakaranas ng ganitong
uri ng isyung pangkapaligiran, Ano ang tawag sa proseso na kung saan lumilitaw
sa ibabaw ng lupa ang asin o kaya naman ay inaanod ng tubig papunta sa lupa?

A. Red tide
B. Siltation
C. Salinization
D. Climate change
15. Ano ang pinakamainam na solusyon upang mawala ang mga suliraning
pangkapaligiran na kinakaharap natin sa kasalukyan?
A. Itapon ang mga basura kahit saan
B. Hayaan na lang mga basura sa tabing daan
C. Dapat ito ay magsimula sa ating mga sarili at tahanan.
D. Pagsabihan ang iba tungkol sa mga mali nilang nagawa sa araw-araw.

22
Karagdagang Gawain

Kumusta ang pagsagot mo sa tayahin? Para sa iyo, ito ba ay naging mahirap


o madali? Malugod kitang binabati sa iyong naging marka.

GAWAIN 1: HAPPY O SAD FACE

Panuto: Basahin ang pahayag sa bawat bilang. Ikahon ang masayang mukha
(Happy) kung mabuti para sa mga Asyano ang nasabing pahayag. Kung hindi,
ikahon ang malungkot na mukha (Sad).

1. Paglulunsad ng clean – up drive sa bawat barangay.

2. Pagsusunog sa bahagi ng gubat para sa gawaing agrikultural.

3. Marami sa mga kagubatan ang nawala dahil sa urbanisasyon

4. Maraming mga lungsod sa Asya ang nakikitaan ng ulap-usok.

5. Maraming basura ang nagkalat sa Manila Bay matapos ang bagyo.

6. Dumami ang produksiyon ng mga sasakyan sa ilang bansa sa Asya

7. Marami sa mga hayop ang nawalan ng kanilang tirahan dahil sa


pagtatayo ng mga subdibisyon.

8. Labis na naaapektuhan ang ecosystem ng Asya dahil sa mga


gawaing agrikultural at industriyal.

9. Kailangang mapanatili ang ecological balance hindi lamang sa Asya


kung hindi maging sa buong daigdig.

10. Ang paghihiwalay ng mga basura sa loob ng bahay ay isa mga


paraan para maiwasan ang maling pagtatapon sa basura.

23
24
Karagdagang Gawain
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
Tayahin Subukin
1. B 12. D 1. C
2. C
2. B 13. D
3. C
3. C 14. C 4. C
5. B
4. C 15. C
6. C
5. D 7. D
8. B
6. B
9. C
7. C 10.A
11.D
8. B
12.A
9. C 13.D
14.B
10. A
15.C
11. D
Susi sa Pagwawasto
Gawain 3: Mga posibleng sagot (Isagawa)

Pangalan: _______________________________________ Petsa: ___________________________


Guro: ___________________________________________ Baitang/Seksyon: _______________
SULIRANING PANGKAPALIGIRAN
Madalas na pagtatapon ng basura sa dagat
(Dito mo isulat ang iyong napiling suliranin)

Magiging
Kalagayan ng
Noon Ngayon Solusyon
Kapaligiran

Ang dagat ay malinis Napakarami ng Dapat magkaroon Mas darami na


at ligtas pang maligo mga basura na ng mga programa ang mga yamang
dito halos walang naglipana na para maiwasan dagat partikular
basura na makikita nakakapurwesiyo ang labis na pag ang mga isda na
sa mga sa mga yamang gamit ng mga pangunahing
dalampasigan. dagat na nakakain single use plastic, pinagkukunan ng
ang mga ito at maglagay ng kabuhayan ng
kadalasang maraming garbage mga Asyano.
nagiging sanhi ng bins sa mga lugar
pagkamatay nila. na kadalasang
maraming tao at
higit sa lahat ay
ang disiplina sa
sarili tungkol sa
tamang
pagtatapon ng
basura.
Pagyamanin

1. Dahil sa urbanisasyon na nagaganap sa Asya maraming mga pagbabago ang


nangyayari sa lipunan na nakakaapekto sa kapaligiran. Isa sa mga suliraning
pangkapaligiran na kinakaharap ng Asya sa kasalukuyan ay ang polusyon na
galing sa mga pabrika at usok ng sasakyan na labis na nakakaapekto sa
kalusugan ng mga tao at sa balanseng ekolohikal bilang pangkalahatan.
2. Bilang isang mag-aaral, mahalaga ang aking magiging papel sa paglutas sa mga
isyung pangkapaligiran na kinakaharap sa aming paaralan. Makakatulong ako
sa pamamagitan ng pagsisimula ng pagbabago sa aking sarili kung saan ay
ipapakita ko sa aking mga kamag-aral ang mga nararapat na gawin sa mga
basura na kadalasang nakikita sa loob ng silid-aralan. Importante na ilagay ang
mga basura sa tamang lalagyan, at iwasan na rin ang pagkakalat dahil ito ay
maaaring magdulot ng iba’t ibang sakit.

25
Sanggunian
Asin. (1978). Masdan Mo ang Kapaligiran. Retrieved June 24, 2020. Retrieved from
https://bit.ly/2B4bP4K.

Bagaoisan, A. (2019, July 20). Basurang dala ng habagat hinakot sa Manila Bay
clean- up. Abs-Cbn News, Retrieved from https://bit.ly/2NtbDhX. Retrieved
July 20, 2020.

Blando, R. et al. (2014). Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Unang ed.).


Pasig City, Philippines: Eduresources Publishing Inc.

Cruz, R. et al. (2013). Araling Asyano: Tungo sa Pagkakakilanlan (Espesyal ed.).


Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc.

National Solid Waste Management Commission. (n.d.). Retrieved from


https://bit.ly/3hakfHs on July 17, 2020.

Santiago, A. et al. (2012). Araling Asyano. Valenzuela City, Philippines: -ES


Publishing House, Inc.

26
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division

Elpidio Quirino Avenue,


Davao City, Philippines

Telefax: (082) 224 0100 / 228 3970

Email Address: info@deped-davao city.ph /


lrmds.davaocity@deped.gov.ph

27

You might also like