You are on page 1of 24

7

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Mga Kontribusyon ng mga
Sinaunang Lipunan at
Komunidad sa Asya
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Mga Kontribusyon ng mga Sinaunang Lipunan at
Komunidad sa Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Lovela O. Caabay
Editor: Loida C. Dela Cruz, Rodolfo F. De Jesus
Tagasuri: Mary Ann S. Ang, Vernida G. Pitos, Jun S. Nicolas
Tagaguhit: Ryan Christopher Villalon
Tagalapat: Brian Spencer B. Reyes, Heidee F. Ferrer
Tagapamahala: Jenilyn Rose B. Corpuz, CESO VI, SDS
Fredie V. Avendaño, ASDS,
Ebenezer A. Beloy, OIC-CID Chief
Heidee F. Ferrer, EPS – LRMS
Ederlina D. Baleṅa, EPS - AP

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon


Kagawaran ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
7

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Mga Kontribusyon ng mga
Sinaunang Lipunan at
Komunidad sa Asya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Kontribusyon ng mga Sinaunang
Lipunan at Komunidad sa Asya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Mga Kontribusyon ng mga Sinaunang Lipunan at Komunidad sa
Asya!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

ii
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: (Content Standard)
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa mga kaisipang
Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigay daan sa paghubog ng
sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: (Performance Standard)
Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano,
pilosopiya at relihiyon na nagbigay daan sa paghubog ng sinaunang
kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.
Pamantayan sa Pagkatuto:
Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang lipunan at komunidad
sa Asya
MGA TIYAK NA LAYUNIN:
1. Natutukoy ang mga mahahalagang ambag o kontribusyon ng mga sinaunang
Asyano sa daigdig.
2. Nasusuri ang iba’t ibang kontribusyon ng sinaunang Asyano sa daigdig.
3. Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang lipunan at komunidad
sa Asya.

PAKSANG ARALIN
❖ Mga mahahalagang ambag/kontribusyon ng mga kabihasnang sumibol sa
Kanlurang Asya sa iba’t ibang larangan
❖ Mga mahahalagang ambag/kontribusyon ng mga kabihasnang sumibol sa Timog
Asya sa iba’t ibang larangan
❖ Mga mahahalagang ambag/kontribusyon ng mga kabihasnang sumibol sa
Silangang Asya sa iba’t ibang larangan

Sa, araling ito, pag-aaralan natin ang


mga kontribusyon sa daigdig ng mga
sinaunang sibilisasyon sa Asya.

Ano ang kahalagahan sa daigdig ng mga


kontribusyon ng mga sinaunang sibilisasyon sa
Asya?

1
SUBUKIN (Paunang Pagtataya)

Layon ng bahaging ito na mataya ang iyong paunang kaalaman tungkol sa paksang
tatalakayin. Huwag mangamba kung hindi mo masagot ng tama ang mga katanungan
sapagkat ang mga pang-unawang inilahad ay lilinangin mo pa lamang sa pamamagitan
ng pagsasagawa ng mga gawaing nakapaloob sa modyul na ito.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Sagutin ang mga tanong at isulat sa
sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
1. Isang batayan sa pagbuo ng kabihasnan ay ang pagkakaroon nito ng sistema ng
pagsulat. Ano ang tawag sa sistema ng pagsulat ng mga Sumerians?
a. Sanskrit c. Cuneiform
b. Calligraphy d. Hieroglypics
2. Ang mga sinaunang Asyano ay nakapagsulat ng mga akda na ang nilalaman ay
kadalasang may kaugnayan sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Ano ang
itinuturing na kaunaunahang akdang pampanitikan sa daigdig?
a. Code of Hammurabi c. Mahabharata at Ramayana
b. Vedas d. Epic of Gilgamesh
3. Ang pagkakasulat ng mga batas noong sinaunang panahon ay naging gabay ng
mga sinaunang Asyano upang higit na kilalanin ang kapangyarihan ng kanilang
pinuno. Ano ang itinuturing na isang malupit na batas na may prinsipyong ”Mata
sa mata, ngipin sa ngipin”?
a. Kodigo ni Hammurabi c. Batas ng Tao at kasaysayan
b. Epiko ng Gilgamesh d. Seppuko
4. Ang imperyong Babylonia sa Kanlurang Asya ay nag-iwan ng malaking
kontribusyon sa kasaysayan ng Asya. Sino ang nagpagawa ng Hanging Gardens
of Babylon?
a. Alexander the Great c. Nebuchadnezzar
b. Haring Sargon d. Shi Huang-Ti
5. Makikita sa mga sinaunang Asyano ang husay sa paglikha ng mga estruktura na
nagsisilbi na rin nilang bahay-sambahan. Ano ang estrukturang itinayo na nasa
sentro ng pamayanang Sumerian na nagsilbing pook sambahan at dausan ng mga
ritwal?
a. Hanging Garden c. Ziggurat
b. Taj Mahal d. Great Wall of China
6. Isa sa relihiyong pinaniniwalaang nagbigay daan sa kaliwanagan ng tao ay itinatag
ng mga tagasunod ni Siddharta Gautama. Anong relihiyon ito?
a. Buddism c. Hinduism
b. Confucianism d. Taoism
7. Ang mga Indo-Aryan ay nagpatupad ng diskriminasyon laban sa mga Dravidian
upang patatagin ang kanilang kapangyarihan. Ano ang tawag sa sistemang
pagpapangkat ng mga tao sa sinaunang lipunan ng India?
a. Sistemang Caste c. Sistemang pampamilya
b. Khastriya d. Vaisyas
8. Anong imperyo ang unang gumamit ng sistemang barter na isang paraan ng
pakikipagpalitan ng kalakal o produkto?
a. Assyrians c. Akkadians
b. Hebreo d. Lydians

2
9. Ang tinaguriang “Ginintuang Panahon” o Golden Age ng India ay naganap sa
panahon ng pamumuno ni Chandragupta. Anong imperyo ito?
a. Imperyong Maurya c. Imperyong Chaldean
b. Imperyong Gupta d. Imperyong Sumer
10. Ano ang tawag sa sistema ng pagsulat na naglalarawan ng mga bagay at mga
pahayag ng ibat ibang pangyayari?
a. Sanskrit c. Cuneiform
b. Pictograph d. Calligraphy
11. Anong imbensyong ang nagpabilis ng paggawa ng mga kopya ng mga sulatin at
isang napakahalagang ambag sa kabihasnan?
a. Woodblock printing c. Makinilya
b. Woodwork printing d. Makinarya
12. Ang bansang nagbigay ng kayamanan sa kasaysayan at kinilala sa tawag na
“ Natutulog na higante” ay ang _______.
a. India c. Tsina
b. Mesopotamia d. Japan
13. Ano ang tawag sa sistema ng pagsulat ng Hapon?
a. Katakana at Hiragana c. Hiragana
b. Katakana d. Bushido
14. Sino ang ang kinilalang Diyos ng araw ng sinaunang kabihasnan sa Japan?
a. Amaterasu c. Lungshan
b. Amytis d. Sunito
15. Ano ang tawag sa alituntunin ng karangalan sa pagtupad ng tungkulin sa
sinaunang lipunan ng Japan?
a. Kamikaze c. Nirvana
b. Bushido d. Seppuko

BALIKAN
Sa simula pa lamang ng pagtalakay ukol sa kasaysayan ng Asya, nalaman na
natin kung gaano ito kayaman. Tunay na napuno ng mga hamon upang patuloy na
makamtan ang hinahangad na kalayaan. Lubhang maraming kontribusyon o ambag ang
naibahagi ng mga kabihasnang Asyano sa daigdig. Nakatulong ang mga ito sa paghubog
ng ating pagkatao at kasanayan.
Bago natin isaisahin ang naging ambag ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya,
magbalik tanaw muna tayo sa ilang pangkalahatang kontribusyon ng Asya sa mundo. Isa
na rito ang tinatawag na proseso ng ebolusyon ng tao at kapaligiran. Nagsimula sa Asya
ang mga sinaunang kabihasnan.
Isa pang malaking pagbabago ng ating mundo ang pagsisimula at pag-unlad ng
kaalaman sa agrikultura na nagsimula sa mga lambak ilog. Mula sa payak na uri ng
pamumuhay hanggang sa komplikadong pamamaraan ay unti unting umunlad ang mga
sinaunang kabihasnan sa Asya. Lumaki ang populasyon at nabuo ang mga
organisasyong panlipunan, pang-ekonomiya, at pampolitika. Ang mabilis na pagbabago
ay bunga ng pag-unlad ng kaisipan at paglinang ng mga kaalaman.

3
TUKLASIN

Gawain 1: Larawan ko Hula mo!

Panuto: Punan ng wastong letra ang bawat patlang upang mabuo ang salitang tinutukoy
ng mga pahayag sa bawat bilang. Pagkatapos ay isulat kung saan ito matatagpuan
(SUMER, INDUS, o TSINA). Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Ito ang bantayog na ipinatayo ng 6. Ito ay nangangahulugang “Daan ng
emperador ng Mughal na si Shah Jahan Naliwanagan”. Ito ang relihiyong itinatag
upang magsilbing libingan ng kaniyang ni Siddharta Gautama Buddha.
mahal na asawa. ________________ ________

T ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___


B __ __ __ __ __ __ __
7. Siya ang dakilang pilosopo sa
2. Ito ang pader na ipinatayo ni panahon ng Dinastiyang Chou. Siya ang
Emperador Shih Huang Ti sa panahon natagtag ng relihiyong Confucianismo.
ng Dinastiyang Chin na nagsilbing ___________
harang laban sa mga mananakop.
_________

C__ __ __ __ __ __ __ _
8. Ito ang sistema ng pagpapangkat-
G ___ ___ ___ ___ W ___ ___ ___
pangkat ng mga tao sa sinaunang
3. Ito ang estrukturang itinayo na nasa lipunan ng India. ________________
sentro ng pamayanang Sumerian upang
magsilbing pook sambahan at dausan
ng kanilang ritwal. ________
C __ __ __ __ S __ __ __ __ __

9. Ito ang ritwal ng panghuhula ng


Dinastiyang Shang na ginamitan ng mga
Z ___ ___ G ___ ___ ___ ____
buto at talukap ng pagong.__________
4.Ito ang sistema ng pagsulat na
ginamitan ng tabletang luwad at stylus
_____________
O __ __ __ __ __ B __ __ __
10. Siya ang pinunong nagtatag ng
lungsod ng Ur noong 2100 B.C.E. at
C ___ ___ ___ ___F___ ___ ___ nagpatayo ng pook sambahan sa gitna
5. Pinaniniwalaan na ang mga eskultura ng lungsod. ________________
ito ay magsisilbing tagabantay ng
Emperador. _________

U ___ N ___ ___ ___ __


T ___ ___ ___ ___ C ___ ___ ___ ___

4
SURIIN

MGA MAHAHALAGANG KONTRIBUSYON NG MGA KABIHASNANG SUMIBOL SA


KANLURANG ASYA
Sa mga nagdaang kabanata ay tinalakay ang ukol sa pagsibol at pag-unlad ng
mga sinaunang sibilisasyon. Dahil sa mayamang lupa sa Kanlurang Asya, naging
maunlad ang mga kabihasnang sumibol dito. Maraming pagbabago ang naganap sa mga
sibilisasyong ito sa paglipas ng panahon. Ang mga pagbabagong ito sa larangan ng
lipunan, politika, ekonomiya at teknolohiya ay nagbigay buhay sa lalo pang pagpapaunlad
ng sibilisasyon.
Mga Sumerian
Ang mga Sumerian ang itinuturing na pinakamatandang kabihasnan sa mundo.
Sila ang nagsimula ng pagtatatag ng mga pamayanan sa mayamang lupa ng dalawang
mahalagang ilog na matatagpuan sa Mesopotamia - ang Tigris at Euphrates. Ang
pinakamahalagang ambag ng mga Sumerian sa kabihasnang Asyano ay ang sistema ng
pagsulat na tinatawag na Cuneiform. Ito ay isang sistemang naglalarawan ng mga bagay
na ginagamitan ng 600 na pananda para makabuo ng isang salita o ideya. Ito ay
ginagamitan ng stylus bilang panulat na gawa sa isang matulis na kahoy o metal. Dahil
sa kaalaman sa pagsulat, nabuo ang pinakamatandang epiko, ang Epiko ni Gilgamesh.
Ilan pa sa mga naging ambag kabihasnang Sumer ay gaya ng mga sumusunod:
ang pagkakatuklas ng gulong na ginamit bilang unang karwahe, mga kaalaman sa
matematika gaya ng sistema ng panukat ng timbang, laki o dami at haba, at ang
sistemang sexagesimal na nakabatay sa pagsasabi ng oras, pagpapatayo ng
organisadong dike/irigasyon para sa agrikultura, kalendaryong Lunar, at karwaheng
pandigma. Ang lahat ng ito ang sinasabing pinakamahusay at pinakadakilang
imbensiyong nagpasulong sa pagbabago ng kasaysayan ng daigdig.
Mga Akkadian
Sa kabila ng mga di-matatawarang kontribusyon ng mga Sumerian sa
kasaysayan, hindi rin ito nakaligtas sa ilang ulit na pananalakay at pananakop ng ibat’
ibang tribong nomadiko. Ang pagsakop ng mga Akkadians, sa pamumuno ni Haring
Sargon, ay lumawak ang teritoryo ng Akkad at naitatag ang lungsod-estado para
magkaisa ang mga mamamayan at pinaunlad din ang sistemang panulat.
Mga Babylonian
Si Hammurrabi ang tinaguriang pinakamalupit na pinuno, napalawak nya ang
kanyang imperyo na umabot sa Gulpo ng Persia.
Isa sa pinakakilalang ambag/pamana sa sibilisasyon ay ang Kodigo ni Hammurabi
na binubuo ng 282 na batas na nagsisilbing pamantayan ng kabihasnang Babylonian.
Saklaw ng batas na ito ay ang mga kaparusahan, katarungan, kapakanan ng mga
kababaihan at karapatan ng mamamayan sa mga ari-arian.
Mga Assyrian
Ang mga Assyrian ay gumamit ng dahas sa pananakop. Subalit sa kabila nito ay
nagmula sa Assyria ang mainam na istratehiya at epektibong sistema ng pamumuno sa
isang imperyo. Nagpamalas din sila ng pagkakaroon ng matatag na sandatahan.
Maraming mga magagandang ambag sa kabihasnan ang mga Assyrian katulad
ng epektibong serbisyong postal, epektibong pangongolekta ng buwis, at pagkakaroon
ng maaayos na kalsada.

2
Mga Chaldean
Sa pamumuno ni Haring Nebuchadnezzar II, naitatag ang isa sa mga bantog na
Hanging Garden na itinuturing na isang kamanghamanghang obra na naipatayo para
sa kanyang asawang si Amytis.
Ang iba pang mahahalagang ambag/kontribusyon sa kabihasnan ng mga
Chaldeans ay gaya ng sumusunod: sa astronomiya at astrolohiya - konsepto ng Zodiac
o Horoscope, at ziggurat na umaabot ng 300 talampakan ang taas
Mga Lydian
Ang Lydians ang unang gumamit ng sistemang barter ng isang uri ng
pakikipagpalitan ng produkto sa produkto. Ito ay nasundan ng paggamit ng barya bilang
simbolo ng bagong sistema ng kalakalan.
Mga Phoenician
Sa kanila nagsimula ang konsepto ng kolonyalismo. Ang konsepto ng kolonya sa
panahong ito ay bilang isang istasyon o bagsakan ng mga kalakal at hindi kolonyang
politikal. Sila ang unang gumawa ng mga malalaking sasakyang pandagat o barko na
yari sa puno ng Cedar mula sa bundok ng Lebanon.
Ang alpabeto ay isa sa kinilalang pinakamahalagang ambag ng mga Phoenician
sa kasaysayan ng daigdig. Sinasabing ang alpabetong ito ay binubuo ng 22 titik.
Kinilala din silang “Tagapagdala ng Kabihasnan o Traders of Antiquity” hindi
lamang mga produkto ang kanilang naiambag kundi pati na rin ang uri ng pamumuhay
ng mga tao sa iba’t ibang larangan na nagbigay ng pagbabago.
Mga Hebreo
Ang Bibliya ang pangunahing ambag ng mga Hebreo, na naging pundasyon ng
Kristiyanismo at Judaismo. Gayundin ang paniniwala sa iisang Diyos na tinatawag na
Monoteismo. Pinairal din ng mga Hebreo ang pagbabawal ng pagsamba at pag-aalay ng
mga sakripisyo sa mga diyus-diyosan.
Mga Hittite
Ang mga Hittite ay magagaling at malulupit na mandirigma. Ito ay bunga ng
kanilang kasanayan at pagiging bihasa sa pakikipaglaban. Kinilala sila bilang kauna-
unahang nagtunaw ng bakal upang makabuo ng sandata. Ang kaalamang ito ay
itinuturing na pinakamahalagang kontribusyon nila sa kasaysayan ng daigdig.
Mga Persiano
Napatanyag ng mga Persiano ang relihiyong Zoroastrianismo. Nagpagawa din sila
ng isang Royal Road na tinatayang may habang 1677 milya 0 2699 na kilometro mula
Sardis hanggang Susa.
Ilan pa sa kanilang naging ambag sa kabihasnan ng daigdig ay ang: paggamit ng
pilak at gintong barya sa pakikipagkalan, pagkakaroon ng mga Satraphy (lalawigan) na
pinamumunuan ng Satrap (Lider) na nagsilbing mata at tenga ng hari na nagbigay daan
sa paglinang ng sentralisadong pamahalaan, pagmamay-ari ng isang tituladong lupa,
kauna-unahang silid aklatan, at pagdala ng sulat o balita sa tulong ng kabayo (pony
express).

Mga Arabe
Ang relihiyong Islam ang maituturing na pinakamahalagang ambag ng mga Arabe
sa kabihasnan.
Ilan pa sa kinilalang ambag nila ay ang mga sumusunod:
1. sila ang nakatuklas ng mga gamot sa bulutong, tigdas, scarlet fever;
2. pagkakatuklas ng mga bagong chemical compound, tulad ng nutric acid
at sulfuric acid, at gamot sa lagnat;
3. sa larangan ng panitikan, ang Qur’an (Koran) ang kanilang banal na
aklat, The Arabian Nights (1001 nights) ito ay kalipunan ng mga kwento ng
3
mga Arabe: The Rubaiyat na isang koleksiyon ng mga tulang isinulat ni
Omar Khayyam, isang manunulat mula sa Persia;
4. sa larangan naman ng sining makikita ang disenyo ng Sarimanok at
Geometrical paintings na matatagpuan sa loob ng mosque na kanilang
pook sambahan.
GAWAIN 2 : Talahanayan
Panuto : Punan ang talahanayan ng mga mahahalagang kontribusyon sa kabihasnan
ng mga sibilisasyong umusbong sa Kanlurang Asya. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.
Mga Mahahalagang ambag /kontribusyon sa sibilisasyon
Kabihasnan Ambag/Kontribusyon Kahalagahan ng
Kontribusyon
Sumerian
Akkadian
Babylonian
Assyrian
Chaldean
Lydian
Phoenician
Hebreo
Hittite
Persian
Arabe

MGA MAHAHALAGANG KONTRIBUSYON NG MGA KABIHASNANG SUMIBOL SA


TIMOG ASYA SA IBAT IBANG LARANGAN
Malaki ang epekto ng lokasyon ng Timog Asya sa mga sinaunang mamamayan
na nanirahan dito. Ilan sa mga kinaharap nilang suliranin ay ang pag-apaw ng tubig at
matinding tagtuyot at tag-ulan.
Ang perwisyo at pinsala ng pag apaw ng tubig sa Indus River ay nagbigay daan
upang makalikha sila ng detalyadong plumbing system.
Sa kabihasnang Indus, mapapansin ang planadong mga imprastruktura gaya ng
mga palikuran sa kaniya-kaniyang mga tirahan gamit ang Grid system.
Ang Sanskrit ang wika ng sinaunang Hindu na hango sa wikang Indo-European.
Ang kanilang panitikan ay nasusulat sa wikang klasikal at ginagamit ito sa mga ritwal at
seremonya.
Sa larangan ng panitikan, ang pinakamatandang epiko sa daigdig ay ang Mahabharata
at Ramayana. Nakabuo din sila ng Panchatantra o kalipunan ng mga pabula at Vedas ang
sagradong aklat.
Maalam din sa matematika ang sinaunang kabihasnang Indus. Sila ay marunong
sa larangan ng Geometry, trigonometry, halagang Pi, number symbols, sistemang
decimal at zero, at number symbols, hugis sphere at agham gravitation, astronomy,
physics, metallurgy, navigation, arkitektura, engineering at shipbuilding.
Mohenjo-Daro at Harappa: Ang kambal na lungsod ng Indus
 Mayaman ang lungsod, may malawak na kalakalan at may pagkakaisa ang mga
tao
 Gawa sa bloke ang mga kabahayan
 Malalawak ang kalsada
 Mayroong sewerage system o maayos na patubig
 May tanggulan at imbakan ng mga pagkain
 Bihasa sa pottery o paggawa ng palayok
 Mga selyo na ginagamit
4
 May Pictograph bilang sistema ng pagsulat
 Pinagmulan ng mga relihiyong: Hinduismo, Budhismo, Sikhismo, at Jainismo
GAWAIN 3: Itala Mo!
Panuto: Punan ang mga kahon sa ibaba ng tig-limang mahahalagang kontribusyon ng
sinaunang kabihasnang sumibol sa Timog Asya. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Panitikan Arkitektura
Teknolohiya
1. 1.
1.
2. 2.
2.
3. 3.
3.
4. 4.
4.
5. 5.
5.

Relihiyon Agham at matematika


1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

MGA MAHAHALAGANG KONTRIBUSYON NG MGA KABIHASNANG SUMIBOL


SA SILANGANG ASYA SA IBAT IBANG LARANGAN
CHINA
Tinagurian ang China bilang isang “Natutulog na Higante”.

Mga Pamana ng Dinastiyang Tsina sa ibat ibang larangan


Shang

 Paggamit ng tanso
 Paggamit ng elepante at karwaheng hila ng kabayo bilang sasakyang pandigma
 Sistema ng irigasyon
 Kalendaryong lunar
Chou o Zhou
 Pilosopiyang Confucianismo at Taoismo
 Pilosopiya nina Confucius, Lao Tzu at Mencius
 Nagpakilala sa daigdig ng Five Classical at Four Books
 Pagkakaroon ng dike at irigasyon
 Bakal na araro
 Nagpagawa ng mga kalsada at pagsulong ng kalakalan
 Pag-imbento ng crossbow
 Pagsusulit ng Serbisyo sibil
Ch’in/Qin
 Pinamunuan ni Shi Huangdi o Shi Huang Ti
 Nagkaroon ng konsolidasyon sa China
 Great wall of China
 Sistemang Legalismo
Han
 Pinamunuan ni Lui Bang
 Ginintuang panahon ng Tsina
 Paglitaw ng mga manunulat na sina Li Po at To Fu
 Pilosopiyang Confucianismo
5
 Napatanyag ang Silk Road, isang ruta ng kalakalan
 Pagkaimbento ng papel, porselana at water-powered mill
Sui
 itinatag ni Yang Jian
 Nakilala ang relihiyong Budismo
 Sistemang pamamahala
 Pagpapatayo ng Grand Canal
Tang
 Pinamunuan ni Li Yuan
 Tinaguriang pangalawa sa dakilang dinastiya
 Pagpapalaganap ng Budhismo
 Woodblock o movable printing na siyang nagpabilis ng paglimbag ng mga kopya
ng mga sulatin
 Pagkakaimbento ng Wheelbarrow
Sung
 Itinatag ito ni Heneral Zhao Kuangyin
 Tinaguriang ikatlo sa dakilang Dinastiya
 Naimbento ang Gun powder
 Tradisyong foot binding o kilala sa tawag na Lotus feet
 Lumitaw ang Neo-Confucianism
Yuan
 Unang banyagang dinastiya na pinamunuan ni Kublai Khan
 Pinairal ang pilosopiyang Confucianismo
 Marco Polo isang mangangalakal at manunulat mula sa Venice, Italy at naging
katuwang sa pamamahala ng Dinastiya
Ming
 Ikaapat sa mga dakilang dinastiya
 Napalawak ang kalakalang pandagat
 Nalinang ang kalakalan, sining at industriya
 Pag-unlad ng kalakalang seramik na pangunahing kalakal sa daigdig

JAPAN

 Amaterasu o ang diyos ng araw


 Ang panahon ng Yamato ay
 panahon ng paglaganap ng impluwensyang Tsino at Japan
 Repormang Taika binuo ang isang sentralisadong pamahalaang halaw sa
Tsina
 Lungsod ng Nara - pinakaunang lungsod sa Japan
 Ang Fujiwara
 Paghiram ng kulturang Tsino at sentralisasyon ng estado
 Regent – siyang namamahala sa ngalan ng emperador
 Sa larangan ng kultural, nakilala ang kulturang aristokratiko
 Naisulat ang dakilang nobela na The Tale of Genji
Panahon ng Heian
 Lumitaw ang grupong Bushi (Mandirigma), Samurai (ang mga naglilingkod),
Bushido (Alituntunin ng Karangalan)
 Seppuku o hara-kiri – nangangahulugang marangal na pagpapatiwakal
 Shogun o dakilang heneral – ang namumuno sa pamahalaan kaya kinilala
ito sa tawag na Shogunato.

6
Tatlong Shogunato
1.Shogunato ng Minamoto
 Itinayo ang lungsod ng Kamakura bilang sentro ng pamahalaan
 Nangibabaw ang Aristokratikong bushi at samurai
 Namayani ang sistemang pyudal
 Kamikaze o banal na hangin – ang mga bagyong ito ay simbolo ng proteksyon ng
mga kami o espiritu
2. Shogunato ng Ashikaga
 Muromachi ang naging sentro ng pamahalaan
3. Shogunato ng Tokugawa
 Nagkaroon ng pagkakaisa ang Japan at nagkaroon ng tatlong magigiting na
mandirigma na sina Oda Nobunaga, Toyotomi Hideyoshi at Tokugawa Ieyasu
 Direktang pagbubuwis sa mga magsasaka ang ipinag-utos ni Hideyoshi
 Sentralisadong pamahalaang militar batay sa sistemang pyudal ang itinatag ni
Ieyasu
 Napagyaman ang Zen Buddhism
 Paglitaw ng Kabuki – isang uri ng teatro
 Haiku – isang uri ng tula
Apat na uri ng Lipunan
1. Samurai
2. Magsasaka
3. Artisano
4. Mangangalakal
Katakana at Hiragana – tawag sa kanilang sistema ng pagsulat
Gawain 4: e-Kahon Mo!
Panuto: Punan ang kahon ng tamang sagot. Gawin ito sa sagutang papel.
Ang Lipunang Hapones sa Panahon ng Tokugawa

7
Gawain 5: Kontribusyon Ko, Kilalanin Mo!
Panuto: Isulat ang dinastiyang pinagmulan ng mga ambag na nasa Hanay A. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

A B A B
Kalendaryong Woodblock o
movable printing
Lunar

Great wall of Pag imbento ng


China Crossbow

Pagpapatayo
Naimbento ang
ng ng Grand Gun powder
Canal

Napalawak ang Pagkaimbento ng


papel, porselana at
kalakang water-powered
pandagat mill

Tradisyong Foot
Naimbento ang binding o kilala sa
wheel barrow tawag na Lotus
feet

PAGYAMANIN
Gawain 6: TATAK-ASYANO
Panuto: Isa-isahin ang kahalagahan ng mga kontribusyon ng mga sumusunod na
sibilisasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Kanlurang
Asya

Timog
Asya

Silangang
Asya

8
Gawain 7: Tatlo’Sakto
Panuto: Sagutin ang tanong na: “Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng matatag na
pamahalaan, maayos na lipunan at matibay na pananampalataya sa pagkakaroon ng
mayamang kultura, pag-unlad at pagbabago ng sibilisasyon?” Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

Politika

Ano ang kahalagahan ng


pagkakaroon ng matatag
na pamahalaan , maayos
na lipunan at matibay na
pananampalataya sa Lipunan
pagkakaroon ng
mayamang kultura,
pagunlad at pagbabago
ng sibilisasyon?

Pananampalataya

Narito ang mga


mahahalagang bagay na
dapat mong tandaan
tungkol sa aralin

ISAISIP
 Ang mga mahahalagang kontribusyon ng mga kabihasnang sumibol sa kanlurang
Asya ay ang Ziggurat, Cuneiform, Hanging Garden, Kodigo ni Hammurabi, Epiko
ni Gilgamesh at sistemang barter.
o Ang Sumerian ang itinuturing na pinakamatandang kabihasnan sa buong
mundo.
o May mahalagang anyong tubig na nagbigay ng pagbabago sa sibilisasyon,
ang Tigris at Euphrates - ang tinaguriang kambal na ilog
 Ang mga kontribusyon sa kabihasnan ng Timog Asya ay gaya ng Sewerage
system, wikang Sanskrit, Vedas, Mahabharata at Ramayana, Hinduismo at
Budismo, mga arkitektura ng templo katulad ng Taj Mahal, sa larangan ng
matematika at agham, algebra, decimal system pagpapalano ng lungsod
o Paggamit ng selyo, sistemang pictograph, pagiging bihasa sa paggawa ng
palayok
 Mga kontribusyong mahahalaga na nagmula sa Silangang Asya
o Ang mga mahahalagang dinastiya at pagkakakilanlan nito
o Great wall of China, calligraphy, pilosopiyang Confucianismo at Taoismo,
kalendaryong lunar ,woodblock printing, wheelbarrow, gun powder,
kalakalang pandagat

9
 Ang mga kayamang naibahagi sa atin ng mga ibat ibang kontribusyon ay isang
kasaysayan na naglalarawan ng malaking pagbabago sa iba’t ibang larangan na
nagbigay pag-unlad mula noon hanggang sa kasalukuyan

ISAGAWA
Panuto: Pumili ng isa bilang output sa modyul na ito: Pagguhit, Picture Collage,
Pagsulat ng Tula
Sa isang malinis na papel, ilarawan ang ang mga kontribusyon na nagbigay ng
pagbabago sa pag-unlad ng sibilisasyon na napapakinabangan ng mga tao sa
kasalukuyan.

Gabay na tanong:
1. Anong pahiwatig ang nais mong maiparating sa iyong
output?
2. Paano mo mabibigyang katarungan na ang kontribusyon ng
sinaunang kabihasnan ay naging sagot sa pagbabago ng
sibilisasyon ngayon?
3. Anong aspeto sa iba’t ibang larangan ang nagbigay hudyat ng
pag-unlad.

Pamantayan ng pagbibigay puntos

A. Kawastuhan ng datos 10
B. Pagkamalikhain/ organisasyon ng malikhaing ideya 10
C. Kabuuang kalinisan at kalidad ng output 10
Kabuuan na marka 30

TAYAHIN (Post-Test)
Paunang Pagtataya: Basahin ang bawat pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.
1. Isang batayan sa pagbuo ng kabihasnan ay ang pagkakaroon nito ng sistema ng
pagsulat. Ano ang tawag sa sistema ng pagsulat ng mga Sumerians?
a. Sanskrit c. Cuneiform
b. Calligraphy d. Hieroglypics
2. Anong imperyo ang unang gumamit ng sistemang barter na isang paraan ng
pakikipagpalitan ng produkto?
a. Lydians c. Assyrians
b. Akkadians d. Hebreo
3. Ano ang tawag sa sistema ng pagsulat ng mga Hapon?
a. Bushido c.Katakana at Hiragana
b. Hiragana d. Katakana
4. Anong imperyo ang tinaguriang “Ginintuang Panahon” o Golden Age na pinamunuan
ni Chandragupta?
a. Imperyong Sumer c. Imperyong Gupta
b. Imperyong Maurya d. Imperyong Chaldean
5. Ano ang istrukturang nasa sentro ng pamayanang Sumerian na nagsilbing pook
sambahan at dausan ng mga ritwal?
a. Hanging Garden c. Ziggurat
b. Great Wall of China d. Taj Mahal

10
6. Ano ang tawag sa sistema ng pagpapangkat ng mga tao sa sinaunang lipunan ng India
na ipinatupad ng mga Aryan?
a. Sistemang pampamilya c. Sistemang Caste
b. Khastriya d. Vaisyas
7. Ano ang itinuturing na malupit na batas na may prinsipyong “Mata sa mata, ngipin sa
ngipin”?
a. Epiko ng Gilgamesh c. Batas ng tao at kasaysayan
b. Kodigo ni Hammurabi d. Seppuko

8. Sino ang kinilalang Diyos ng Araw ng sinaunang lipunan ng Hapon?


a. Amytis c. Lungshan
b. Ameterasu d. Sunito
9. Ano ang relihiyong itinatag ng mga tagasunod ni Siddharta Gautama na nagtuturo
ng Four Noble Truth at Eight-fold Path?
a. Confucianismo c. Hinduismo
b. Taoismo d. Budhisismo
10. Ano ang tawag sa sistema ng pagsulat na naglalarawan ng mga bagay at mga
pahayag ng iba’t ibang pangyayari?
a. Sanskrit c. Cuneiform
b. Pictograph d. Calligraphy
11. Ano ang itinuturing na kaunaunahang akdang pampanitikan ng daigdig?
a. Kodigo ni Hammurabi c. Mahabharata at Ramayana
b. Epiko ng Gilgamesh d. Vedas
12. Anong bansa ang nagbigay ng kayamanan sa kasaysayan at kinilala sa tawag na
“Natutulog na higante”?
a. India c. Tsina
b. Mesopotamia d. Japan
13. Ano ang imbensyon na nagpapabilis ng paggawa ng mga kopya ng mga sulatin
ay isang napakahalagang ambag sa kabihasnan?
a. Makinilya c. Woodwork printing
b. Woodblock printing d. Makinarya
14. Sino ang nagpagawa ng Hanging Garden ng Babylon?
a. Alexander the Great c. Shi Huang-Ti
b. Nebuchadnezzar d. Haring sargon
15. Ano ang alituntunin ng karangalan sa pagtupad ng inaatang na tungkulin na
ipinatupad noon sa bansang Japan?
a. Kamikaze c. Nirvana
b. Seppuko d. Bushido

11
KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Panoorin ang mga sumusunod na video sa Youtube/Slide share. Pumili ng
sinaunang kabihasnan na sa iyong palagay ay siyang nagbigay ng malawakang pag-
unlad sa kasalukuyan.
Kabihasnang Mesopotamia
https://www.youtube.com/watch?v=V1HDwXHUoEk
https://www.youtube.com/watch?v=eHfUF-7ck8w

Kontribusyon ng Kabihasnang sumibol sa Kanlurang Asya


https://www.slideshare.net/JoanAngcual/mga-ambag-ng-kanlurang-asya
https://www.slideshare.net/yaj_espina/pamana-ng-kanlurang-asya

Kontribusyon ng Kabihasnang sumibol sa Timog Asya


https://prezi.com/zzzh0gsh8tp_/mga-kontribusyon-ng-timog-at-kanlurang-asya/
https://www.slideshare.net/SMAPHope/aralin-12-mga-kontribusyon-ng-timog-at-kanlurang-asya
https://www.youtube.com/watch?v=HXTw6rd9WGA

Kontribusyon ng Kabihasbnan sumibol sa Silangang Asya


https://www.slideshare.net/ABL05/pamana-ng-silangang-asya-32085837
https://www.youtube.com/watch?v=We5Aagw5D9Y

12
13
Gawain 4 : Pagpunan ng kahon ayon sa sagot ng mga mag aaral
GAWAIN 5
1. Shang 6. Tang
2. Qin 7. Zhou
3. Sui 8. Sung
4. Ming 9. Han
5. Tang 10. Sung
GAWAIN 6
Ito ay sasagutan ayon sa pag-unawa ng bawat mag-aaral
GAWAIN 3
Teknolohiya Panitikan Arkitektura Relihiyon Agham at
Matematika
Plumbing Wikang Gawa sa Hinduism Trigonometry,
System Sanskrit bloke ang Number
mga symbols Pi,
kabahayan Gravitation
Sewerage Mahabharata at Templo Buddhism Physics
system Ramayana
Ship Building Vedas Sikhism Geometry
Rig Veda Jainism Astronomy
Panchatantra Engineering
GAWAIN 2
Sumerian Araro, gulong, Epiko ng Gilgamesh, Kahalagahan ng kontribusyon
cuneiform, ziggurat, Hanging Gardens
Akkadian Sistemang Pagsulat
Babylonian Code of Hammurabi
Assyrian Matatag na sandatahan, serbisyong
postal, pangongolekta ng buwis
Chaldean Hanging Gardens
Lydian Sistemang Barter
Phoenician Konseptong kolonyalismo
Hebreo Kristiyanismo at Judaismo
Hittite Metal na sandata
Persian Paggamit na pilak at gintong barya
Arabe Chemical compound, nutric acid, gamut
sa lagnat
GAWAIN 1
1. TAJ MAHAL 6. BUDDHISM
2. GREAT WALL OF CHINA 7. CONFUCIUS
3. ZIGGURAT 8. SISTEMANG CASTE
4. CUNEIFORM 9. ORACLE BONE
5. TERRA COTTA 10. UR NAMMU
PRE-TEST
1. C 6. A 11. A
2. D 7. A 12. C
3. A 8. D 13. A
4. C 9. B 14. A
5. C 10. B 15. B
Susi sa Pagwawasto:
15 D 10 B 5C

14 B 9D 4C

13 B 8B 3C

12 C 7B 2A

11 B 6C 1C

POST-TEST

Ito ay sasagutan ayon sa pag-unawa ng bawat mag-aaral

GAWAIN 7

SANGGUNIANG AKLAT
1. Kasaysayan ng Kabihasnang Asyano
Phoenix Publishing House pp 79-131
2. Padayon: Araling Asyano
Phoenix Publishing House pp 135- 273
3. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
4. Araling Asyano pp111-181
Educational Resource Corporation pp.68-79
ELEKTRONIKONG SANGGUNIAN
https://www.youtube.com/watch?v=V1HDwXHUoEk
https://www.youtube.com/watch?v=eHfUF-7ck8w
https://www.slideshare.net/JoanAngcual/mga-ambag-ng-kanlurang-asya
https://www.slideshare.net/yaj_espina/pamana-ng-kanlurang-asya

https://prezi.com/zzzh0gsh8tp_/mga-kontribusyon-ng-timog-at-kanlurang-asya/
https://www.slideshare.net/SMAPHope/aralin-12-mga-kontribusyon-ng-timog-at-kanlurang-asya
https://www.youtube.com/watch?v=HXTw6rd9WGA

https://www.slideshare.net/ABL05/pamana-ng-silangang-asya-32085837
https://www.youtube.com/watch?v=We5Aagw5D9Y

MGA LARAWAN
www.google.com
www.freepik.com

14
15

You might also like