You are on page 1of 26

8

FILIPINO 8
Unang Markahan – Modyul 6:
Aralin 1.3 - Panitikan:
Pananaliksik: Pangwakas na Gawain
Gramatika: Mga Pahayag sa Pag-aayos ng Datos
Filipino – Baitang 8
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Pananaliksik: Pangwakas na Gawain
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda o tekstong ginamit sa modyul na ito at nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng
materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: HAZEL N. DELA CRUZ
Editor:
Tagasuri: PATROCINIA T. ARIATE
Tagaguhit: Leilanie S. Yutiampo
Tagalapat: Brian Spencer Reyes,
Tagapamahala: JENILYN ROSE B. CORPUZ, CESO VI, Tagapamanihala
FREDIE V. AVENDAÑO, Pangalawang Tagapamanihala
JUAN C. OBIERNA, Puno, CID
HEIDEE F. FERRER, Tagamasid Pansangay – LRMS
RODOLFO F. DE JESUS, Tagamasid Pansangay – FILIPINO

Inilimbag sa Pilipinas ng Schools Division Office – Quezon City

Department of Education – National Capital Region


Office Address: 43 Nueva Ecija St. Bago Bantay, Quezon City
Telephone No. : 8352-6806/6809
Telefax: 3456-03-43
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
8

FILIPINO
Unang Markahan – Modyul 6:

Pananaliksik:
Pangwakas na Gawain
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO 8 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Mga Karunungang-Bayan: Salamin ng Katutubo.

Ang modyul na ito ay idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa


pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para saGuro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa FILIPINO 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul


ukol sa Pananaliksik: Pangwakas na Gawain!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi saPagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng pahina/modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan/sagot.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Ibalik ang modyul sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutan
lahat ng mga pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
mang kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang
hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang iyong maisaisip. Ito ay narito
upang matulungan ka na maging mahusay at maalam sa akdang pampanitikan na
mula sa Mindanao. Ang saklaw ng modyul ay nagbibigay pahintulot na magamit sa
iba’t ibang pagkakataon sa iyong pagkatuto. Ang wikang ginamit sa modyul ay
kinikilala ang iba’t ibang antas ng wikang alam ng mga mag-aaral. Ang mga aralin
ay inihanay upang makasunod sa pamantayang daloy ng mga paksa sa aralin ng
bawat baitang. Ngunit ang ayos ng modyul kung saan mo mababasa ay maaaring
mabago batay sa batayang aklat na iyong ginagamit.

Ang Nilalaman ng Modyul na ito ay:


• Aralin 6 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo
Pananaliksik: Pangwakas na Gawain/ Mga Pahayag sa Pag-aayos ng Datos

Matapos mong maisagawa ang mga gawain sa Modyul na ito, inaasahang ikaw ay:
1. Naipaliliwanag ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik ayon sa
binasang datos.
2. Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa pag-aayos ng datos (una, isa
pa, iba pa).
3. Nagagamit sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik ang awtentikong datos na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino.

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Isang proseso nang matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri at kritikal na


pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian,
problema, isyu o aspekto ng kultura at lipunan.
A. Pananaliksik C. Pagsulat
B. Pagbasa D. Sarbey
2. Alin sa mga nabanggit ang hindi katangian ng pananaliksik?
A. Sistematiko C. Subhektibo
B. Kontrolado D. Emperikal

3. Sa bahaging ito malalaman ang tiyak na problema na nais masolusyunan ng


mananaliksik sa kabuuan ng pag-aaral.
A. Panimula C. Layunin at Kahalagahan
B. Paglalahad ng suliranin D. Batayang Konseptwal

4. Ginagamitan ito ng paglalahad na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari


na may tiyak na baryabol.
A. Prosidyural C. Sekwensyal
B. Kronolohikal D. Flashback

5. Ang pagsunod sa manwal na nagpapakita ng hakbang sa pagbuo o paggawa


ay kabilang sa uri ng pagsusunod-sunod na;
A. Sekwensiyal C. Kronolohikal
B. Flashback D. Prosidyural

2
Aralin
Pananaliksik:
6 Pangwakas na Gawain

Balikan

Panuto: HANAPSALITA: Bilang pagbabalik-aral sa paksang ating tinalakay sa


nagdaang modyul ay hanapin mula sa puzzle ang mga salitang tumutukoy sa
katangian ng Epiko. Isulat ang sagot sa sagutang papel sa ibaba.

B U S I R R P U K

S A L A Y S A Y E

I W T L A K A P I

N S Z H U S O N A

A D V C A W I T Y

Y P A T U L A N U

A E G J L M A O P

B F N A N A B A L

Mga Katangian ng Epiko

_______________________________

_______________________________

_______________________________

_______________________________

_______________________________

_______________________________

3
Tuklasin
Basahin ang datos na ito. Pagkatapos ay sagutin ang mga
katanungan.

Batay sa datos na nakalap ng WHO, UN, American Heart Association, Centers


for Disease Control and Prevention, natuklasan ng The National Research
Council (USA) na sa pangkalahatan, mas maikli ang buhay ng lalaki kaysa
babae. Narito ang life expectancy figures sa pagitan ng mga lalaki at babae
mula sa pitong kontinente sa buong mundo:

North America Lalaki: 75.0 years; Babae: 78.0 years

South America Lalaki: 73.0 years; Babae: 79.0 years

Europe Lalaki :77.0 years; Babae: 83.0 years

Australia Lalaki :78.9 years; Babae: 81.0 years

Antarctica Lalaki: 76.0 years; Babae: 81.0 years

Asia Lalaki: 75.0 years; Babae: 87.0 years

Africa Lalaki: 56.0 years; Babae: 58.0 years

Ang mga dahilan kung bakit mas maikli ang buhay ng mga lalaki:

1. Poor eating habits. Ang mga babae ay nagsisikap na kumain ng


tatlong beses araw-araw samantalang ang mga lalaki ay madalas
na lumalaktaw ng isang “meal” per day. Ang pagkain ng 3
balanced meals per day sa tamang oras ay nakakadagdag din ng
ilang taon sa buhay ng isang tao.

2. Poor dietary habits. Mga pagkaing hindi nakakapagbigay ng


tamang nutrisyon ang madalas kainin. Kapag nakasanayan sa
matagal na panahon ang “poor dietary habits” ito ay nagbubunga
ng maraming sakit.

3. Sobrang pag-inom ng nakalalasing na inumin. Nakakatuyo ng


katawan ang alak, idagdag pa rito na nakakawalang gana sa
pagkain ang sobrang pag-inom.

4. Paninigarilyo. Mga ilang oras ng iyong buhay ang nababawas sa


bawat isang stick ng sigarilyo na mahihithit.

5. Mas malakas ang loob ng mga lalaki na gumawa ng mga


delikadong stunts, (pagsakay sa motor nang nakatiwarik,
pagpapatakbo ng kotse nang paikot ang direksiyon, etc.) upang
maipakita ang pagiging macho.

6. Limitado lang ang kanilang partisipasyon sa mga gawaing bahay o


wala talagang ginagawa. Ang tendency, mga babae ang nae-
exercise ang katawan sa pag-aasikaso ng pamilya.

4
7. May extra-marital affairs. Siyempre kapag may dalawa o higit pang
inaasawa, may karagdagang din pinapalamon at ginagastusan.
Dagdag gastos, dagdag kaba na baka mabuko ng original misis,
dagdag stress, kaya bawas life expectancy.

8. Kulang sa tulog. Sila ang madalas mapuyat at hindi mahilig


umidlip.

9. Hindi umiiyak kaya kinikimkim na lang ang sama ng loob.

10. Hindi paladasal at palasimba. Nakakahaba rin ng buhay ang


paghiling sa Diyos na pahabain ang iyong buhay.

Mga katanungan:

1. Bakit sinasabing mas tumatagal ang buhay ng babae sa


lalaki? Ano ang mga kadahilanan?
2. Ilang porsyente ng life expectancy ng mga lalaki sa
kakabaihan sa mga Asyano kumpara sa mga kalalakihan na
dayuhan o mga kanluranin?

Gawain1:
Panuto: Itala sa tulong ng web ang mga katutubong kulturang Pilipino na
iyong nalalaman.

Katutubong
Kulturang
Pilipino

Pokus na Tanong

1. Paano nakatutulong ang pananaliksik sa pagpapanatili ng katutubong


kulturang Pilipino?

2. Bakit mahalaga ang paggamit ng mga pahayag sa pagsasaayos ng mga datos


sa pananaliksik?

5
Suriin

Tatandaan na ang Kasingkahulugan ay tumutukoy sa kapareho, katulad o


kawangis na kahulugan ng isang salita.

Talasalitaan
Panuto: Basahin ang pangungusap. Mula rito, hanapin at isulat ang salita sa
loob ng pahayag na magbibigay ng kasingkahulugan ng may salungguhit.
Pagkatapos ay gamitin ito sa makabuluang pangungusap.

1. Upang makagawa nang mabisa at sistematikong pananaliksik, maaaring


maayos na isulat ang mga ideya ng paksang pag-aaralan sa pamamagitan
ng balangkas.
Pangungusap:__________________________________________________________
2. Sa pangangalap ng impormasyong gagamitin sa pagsasagawa ng
pananaliksik, siguraduhing may totoong batayan ang nakolektang datos.
Pangungusap:_________________________________________________________
3. Mahalaga ang pananaliksik sa buhay ng tao dahilan sa nagagamit ang
resulta ng pag-aaral upang mapabuti ang pamumuhay ng nakararami.
Pangungusap:_________________________________________________________
4. Dapat taglay ng mananaliksik ang katangian ng pagiging obhektibo
sapagkat kahit ano pa man ang resulta ng pag-aaral ay dapat itong
manatili at walang kinikilingan.
Pangungusap:_________________________________________________________
5. Huwag kalimutang itala ang mga ginamit na sanggunian at iba pang mga
mahahalagang detalye upang walang maging problema sa pagbuo ng
bibliyograpiya.
Pangungusap:_________________________________________________________

Unawain
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto.

Pananaliksik
Malaki ang ginagampanang tungkulin ng pananaliksik sa buhay ng tao. Dahil
sa mga naisulat at naisagawang pag-aaral ay nakatutuklas ng mga imbensyon,
nasosolosyunan ang mga suliranin at nakatutulong upang mapaunlad ang
pamumuhay ng mga tao sa lipunan.

6
Ayon kay Vizcarra (2003), ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado,
empiriko, at kritikal na pag-imbestiga sa haypotetikal na pahayag tungkol sa
inaakalang relasyon o ugnayan ng mga natural na phenomenon. Idinagdag nina
Atienza (1996), ang pananaliksik ay matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri at
kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian,
problema, isyu o aspekto ng kultura at lipunan.
Ipinahayag naman ni Sevilla (1998), na ang pananaliksik ay paraan ng
paghahanap ng teorya, pagsubok sa teorya o paglutas sa isang suliranin.
Layunin ng Pananaliksik
1. Makadiskubre ng mga bagong kaalaman na batid na
2. Makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalutas
3. Higit na mapabuti ang pamumuhay ng nakararami
4. Madagdagan, mapalawak at mapatunayan ang mga kasalukuyang kaalaman

Kahalagahan ng Pananaliksik
1. Benepisyong Propesyunal
Ang mga mag-aaral ay nakapaghahanda para sa kanyang napiling
karera sapagkat nahahasa ang kanyang kasanayan sa pagbabasa at pag-
aanalisa ng mga datos na nagreresulta sa pagkakarooon niya ng bago at
malawak na kaalaman.

2. Benepisyong Personal
Sa proseso ng pananaliksik, napauunlad ng isang mag-aaral ang
kanyang kritikal at analitikal na pag-iisip na magbubunga ng kanyang
pagiging matatag sa buhay.

3. Benepisyong Pambansa
Natatamo ng bansa ang pag-unlad at nakatutulong ito sa pagkakaroon
ng matatag na lipunan tungo sa mabuting pamumuhay para sa lahat. Maging
ang lider o pinuno ng bansa ay maaaring magdesisyon nang nakabatay sa
resulta ng pananaliksik.
Katangian ng Pananaliksik
1. Sistematiko – naaayon ang proseso sa maayos at makabuluhang
pamamaraan upang matuklasan ang makatotohanang solusyon sa suliranin.
2. Empirikal – ang mga nakalap na datos ang magsisilbing batayan sa pagbuo
ng kongklusyon
3. Obhektibo – hindi naglalahad ng sariling opinyon ng mananaliksik sapagkat
ang resulta ay batay sa mga datos
4. Haypotesis – tumutukoy sa tiyak na pahayag ng suliranin sa isinagawang pag-
aaral

7
5. Kontrolado – dapat ay planado ang isasagawang pag-aaral at pinag-iisipang
mabuti ang bawat hakbang. Walang lugar dito para sa panghuhula.
Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik
1. Magkaroon ng panimulang kaalaman sa pagsasagawa ng isang pananaliksik.
2. Pumili ng napapanahong paksa.
3. Bigyang kahulugan ang suliraning pananaliksik.
4. Pumili ng mahahalagang datos/ impormasyon.
5. Kumilala ng mga palagay o hinuhang nagpapalinaw sa suliranin ng
pananaliksik.
6. Kakayahang lumikha ng makabuluhang kongklusyon, palagay o hinuha.
7. Katumpakan sa paghusga ng mga ginamit na pamamaraan.

Estratehiya ng Pananaliksik
1. Pasundang pag-aaral (follow-up studies) – isinasagawa ito upang subukan
ang resulta ng interbensyon para sa ebalwasyon ng tagumpay ng isang
programa.
2. Pag-aaral na kalakaran (trend studies) – inilalarawan ang bilis at direksyon
ng mga pagbabago upang mahulaan ang mga sitwasyon.
3. Pangkasaysayang pananaliksik (historical) –pangunahing layunin ay ang
pagbuo ng nakaraan upang subukan ang isang hipotesis kaugnay nito
4. Pagpapaunlad ng pag-aaral (developmental studies) – inilalarawan ang anyo
ng pag-unlad o pagbabago
5. Sarbey (survey) – isa itong malapitang pagsusuri ng phenomenon na
karaniwang batay sa instrumentong pampananaliksik na talatanungan.
6. Pangkalagayang pag-aaral (case study) – layunin nitong magbigay ng mahigpit
na paglalarawan ng partikular na yunit ng lipunan.
7. Panlabas na pag-aaral (field study) – inilalarawan dito ang isang phenomenon
sa kanyang natural na kapaligiran kung saan ito nagaganap.

Mga Bahagi ng Pananaliksik

Kabanata I
Ang Suliranin at Kaligiran Nito

1. Panimula – sa bahaging ito inilalahad ang kaligirang pangkasaysayan ng


paksa/ suliraning nais pag-aralan
2. Paglalahad ng Suliranin – ito ang paksa ng pananaliksik. Buhat sa
pangkalahatang suliranin ay mag-uugat ang mga kasangay na problema
upang lalong matiyak na mabibigyan ng solusyon ang suliraning nakaugnay
sa paksa ng pananaliksik.
3. Layunin at Kahalagahan Nito – tinatalakay kung bakit mahalaga ang pag-
aaral at kung ano kapaki-pakinabang nito sa kapaligiran gayundin ang
implikasyon sa mga taong makikinabang.
4. Batayang Konseptwal at Teoretikal – maaaring magpakita ng modelo,
dayagram o balangkas na sistematikong nagpapaliwanag ng ugnayan ng
konsepto at teorya. Ito ang magiging gabay ng mananaliksik sa paggawa ng
kabuoang pag-aaral.
5. Saklaw at Limitasyon – tinutukoy sa bahaging ito kung sino ang respondente,
saan at kailan ito gagawin. Dito makikita ang hangganan ng paksang pag-
aaralan.
6. Kahulugan ng mga Termino – pagbibigay ng kahulugan ng salita batay sa
pagkakagamit nito sa pananaliksik.

8
Kabanata II
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Sa bahaging ito mababasa ang mga impormasyon o akda na may kaugnayan
sa paksang pinag-aaralan na mula sa ibang sangguniang binasa tulad ng aklat,
internet, dyornal, magasin, tesis/pampamanahunang papel at pamphlet.

Kabanata III
Pamamaraan
Ipinaliliwanag ang mga disenyo o metodolohiyang gagamitin ng mga
mananaliksik sa pagkalap ng mga datos. Maaaring gumamit ng historikal,
eksperimental o paglalarawan na estratehiya.

Kabanata IV
Pagsusuri, Paglalahad at Interpretasyon ng Datos
Tinatalakay ang resulta ng pananaliksik, inilalahad ang mga datos at
binibigyan ng interpretasyon na maaaring ipakita sa pamamagitan ng mga
talahanayan o anomang uri ng grap.

Kabanata V
Paglalagom, Konklusyon at Rekomendasyon
Sa bahaging ito inilalahad ang resulta ng pagsasaliksik at naging obserbasyon
sa pag-aaral na sumasagot sa binigay na haypotesis. Gayundin ay nagbibigay ng
mga mungkahi o rekomendasyon para sa mga taong kasangkot sa pag-aaral at mga
mananaliksik sa hinaharap.

Mga Hakbang sa Pananaliksik

1. Pumili at maglimita ng paksa


• Ang pagpili sa paksa ay napapanahon at kapaki-pakinabang.
• Dapat siguraduhing may sapat na pagkukuhanan ng mga
impormasyon at datos.
• Tiyakin din na ito ay hindi magiging malawak at masaklaw.
2. Magsagawa ng pansamantalang balangkas.
3. Magtala ng mga sanggunian o bibliyograpiya.
4. Mangalap o mangolekta ng mga datos.
5. Bumuo ng konseptong papel.
6. Pagsasaayos ng dokumentasyon.
7. Pagsulat ng burador o draft.
8. Pagpapahayag ng resulta ng pananaliksik.
9. Pagrebisa at pagwawasto ng burador.
10. Pagsulat ng pinal na papel.

Halimbawa ng pananaliksik sa katutubong kulturang Pilipino

Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang iyong sagot
sa nakalaang patlang.

1. Ano ang pananaliksik?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

9
2. Bakit mahalagang malaman ang tungkulin at responsibilidad bilang
mananaliksik bago isagawa ang pag-aaral?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

3. Itala sa tulong ng dayagram ang pagkakasunod-sunod na bahagi ng sulating


pananaliksik.

4. Sa iyong palagay, paano makatutulong ang pananaliksik sa pandemyang


kinahaharap natin ngayon?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

5. Ikaw bilang kabataan, ano-ano ang maaari mong maging paksa sa


isasagawang pag-aaral na may kaugnayan sa kasalukuyang sitwasyon.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Pagyamanin

GRAMATIKA / WIKA
Mga Pahayag sa Pagsasaayos ng Datos (Mga Uri ng Pagsusunod-sunod)
Ang pagsulat ay bahagi na ng buhay ng mga mag-aaral at mga taong may
tiyak na propesyon o larangan. Magiging epektibo lamang ang kasanayan na ito kung
mailalahad nang maayos ng manunulat ang kaniyang mga ideya na lubusang
mauunawaan ng mga mambabasa. Ang tatlong uri ng pagsusunod-sunod ng
pagpapahayag ay magagamit sa pagsasaayos ng mga impormasyon at datos sa
pananaliksik.

1. Sekwensyal – kinapapalooban ng mga serye ng pangyayaring magkakaugnay


sa isa’t isa na humahantong sa isang pangyayari na pinapaksa ng teksto. Ito
ay maaaring magamit sa mga kuwento, pangyayari at iba pa.
2.

10
Halimbawa:

Isang araw, habang naglalakad akong papunta sa eskwelahan, may narinig


akong nagsisigaw ng “Snatcher! Snatcher!”. At bigla na lamang na may bumangga
sa akin. Isang batang lalaki, mga 13 taong gulang at mahigpit ang hawak sa tangan-
tangang bag. Hinawakan ko sa dalawang balikat habang nagpupumiglas. Bigla
akong napatitig sa kanyang mga mata, natigilan ako dahil bigla kong naalaala ang
batang si Nicolas.
Noong una kong nakilala ang batang si Nicolas ay 10 taon lamang siya.
Nag-aaral, masunurin at masayahin. Subalit nang huli ko siyang makita ay
nalaman kong may tatlong taon na palang patay ang kanyang ama. Huminto
sa pag-aaral dahil hindi raw kaya ng kanyang ina na pag-aralin sya.

3. Kronolohikal – pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa paraang may tiyak


na baryabol tulad ng petsa na may tiyak na araw at taon.

Halimbawa:
Mga Nakamamatay na Pandemya sa Kasaysayan

The Black Death – 1346-1353


Third Cholera Pandemic – 1852-1862
1918 Flu Pandemic o Spanish Flu – 1918-1920
Asian Flu Pandemic – 1956-1958
Novel Corona Virus – 2020-Kasalukuyan

4. Prosidyural – pagbibigay ng impormasyon o panuto sa mga mambabasa


upang matagumpay na maisagawa ang gawain.

Halimbawa:

Mga hakbang sa paghuhugas ng kamay upang maiwasan ang pagkalat ng


mikrobyo

1. Una, basain ang mga kamay gamit ang malinis na tubig


2. Pangalawa ay maglagay ng sabon at kuskusin ang mga palad, likod at pagitan
ng mga daliri. Gawin ito sa loob ng 20 segundo o di kaya ay kantahin ang
buong “Happy Birthday” habang isinasagawa ito.
3. Pangatlo, banlawan nang mabuti ang mga kamay.
4. At ang panghuli ay patuyuin ang kamay gamit ang malinis na tuwalya o tisyu.

Pagsasanay 1
Panuto: Suriin ang mga paksa sa bawat bilang. Tukuyin kung SEKWENSYAL,
KRONOLOHIKAL o PROSIDYURAL na uri ng pagsunod-sunod kabilang ang mga
ito.Isulat sa sagutang papel ang kasagutan.

____________________ 1. Manwal sa paggamit ng smartphone


____________________ 2. Talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal
____________________ 3. Parabula ng “ Mabuting Samartino”
____________________ 4. Ang alamat ng “Mina ng Ginto”
____________________ 5. Proseso ng pagluluto ng ulam na adobo

11
Pagsasanay 2

Panuto: Gamit ang kronolohikal na uri ng pagsunod-sunod ng pahayag, sumulat ka


ng maikling talambuhay tungkol sa iyong sarili.

__________________________

_______________________________________________________________

_____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

Gawain 1:
Panuto: Tukuyin kung saang bahagi ng pananaliksik ang inilalarawan sa bawat
aytem. Isulat lamang ang bilang na I, II, III, IV, V sa sagutang papel.

_____1.Paglalahad ng resulta at nagbibigay ng interpretasyon.

_____2.Naglalaman ng gagamiting pamamaraan, disenyo, o metodolohiya sa


pagsasagawa.

_____3.Bahaging naglalahad ng panimula, suliranin at kaligirang


pangkasaysayan.

_____4.Tinatalakay ang resulta ng pananaliksik at pagbibigay ng


interpretasyon.

_____5.Mga kaugnay na pag-aaral at literatura.

12
Gawain 2:
Sagutin ang Pokus na Tanong!
1. Paano nakatutulong ang pananaliksik sa pagpapanatili ng katutubong
kulturang Pilipino?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Bakit mahalaga ang paggamit ng mga pahayag sa pagsasaayos ng mga


datos sa pananaliksik?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Isaisip

Panuto: Pagtibayin ang iyong natutuhang mahahalagang konsepto sa aralin


sa pamamagitan ng pagdurugtong sa mga pahayag.

Mahalaga ang pagsasagawa ng pananaliksik dahil_____________________


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Nakatutulong ang pagsusunod-sunod ng mga pangyayari upang ______


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

13
Isagaw

Gawain
Sumulat ng isang pananaliksik na tumatalakay sa pagpapahalaga ng mga
Pilipino sa katutubong kultura na mula pa sa ating mga ninuno.
Sitwasyon
Ang inyong paaralan ay magkakaroon ng paligsahan sa pagsulat ng
pananaliksik. Ang isasagawang pag-aaral ay tumutukoy sa malaking pagbabagong
nangyari sa katutubong kulturang Pilipino. Ikaw bilang mag-aaral na may kaalaman
na sa paggawa ng pananaliksik at may mapanuring pag-iisip ay makikiisa sa
nasabing paligsahan. Ang magwawaging pananaliksik ay itatampok sa buong
paaralan. Gagamiting kraytirya sa pagpili ng mgawawagi ang pamantauan sa
ibaba.

Pamantayan sa Pagsulat ng Pananaliksik

Nilalaman 20%

Bahagi ng Pananaliksik 50%

Paggamit ng mga pahayag 20%


sa pag-aayos ng datos

Gramatika at Retorika 10%

Kabuoang puntos : 100%

Pamagat ng Pananaliksik:
________________________________________________________________________________

Mananaliksik:
________________________________________________________________________________

Paaralan:
________________________________________________________________________________
14
Petsa ng Pagkakasulat:
________________________________________________________________________________

Panimula:
__________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Maikling Paglalarawan ng Pag-aaral:


__________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Buod ng Natuklasan:
__________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

15
Tayahin

PANUTO: Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

_____1. Isa itong malapitang pagsusuri ng phenomenon na karaniwang batay sa


instrumentong pampananaliksik na talatanungan.

A. Panayam B. Sarbey C. Pagsulat D. Pagbasa

_____2. Pagbibigay ng prediksyon sa maaaring tugon sa mga katanungan na


nakapaloob sa pananaliksik.

A. Suliranin B. Balangkas C. hypotesis D. Metodolohiya

_____3. Gabay sa kabuoan ng pananaliksik na naglalaman ng pangunahin at


pantulong na kaisipan.
A. Sanggunian C. Pinal na papel
B. Balangkas D. Burador

_____4. Ilang kabanata ang binubuo sa papel pananaliksik?

A. 4 C. 6
B. 5 D. 7

_____5. Kabanata na naglalahad ng mga datos at nagbibigay ng interpretasyon sa


resulta.

A. Kabanata II C. Kabanata IV
B. Kabanata III D. Kabanata V

_____ 6. Hakbang sa pananaliksik na isasaalang-alang ang mga kagamitan at pormat


sa paggawa tulad ng kompyuter, font, spacing at iba pa.

A. Balangkas C. Dokumentasyon
B. Burador D. Pinal na papel

______7. Ginamit sa pagtatala ng sanggunian bilang pagkilala sa pinagkukunan;

A. Sumulat ng balangkas C. Paggawa ng burador


B. Paggawa ng dokumentasyon D. Pagbuo ng konseptong papel

16
_______8. Kinapapalooban ng mga serye ng pangyayaring magkakaugnay sa isa’t
isa na humahantong sa isang pangyayari.

A. Sekwensyal C. Prosidyural
B. Kronolohikal D. Flashback

________9. Nagbibigay ng impormasyon o panuto upang matagumpay na


maisasagawa ang gawain.

A. Sekwensyal C. Prosidyural
B. Kronolohikal D. Flashback

________10. Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa paraang may tiyak na


baryabol na ginagamit na pietas.

A. Sekwensyal C. Prosidyural
B. Kronolohikal D. Flashback

Karagdagang Gawain

Panuto: Magsaliksik, gumupit at magdikit ng ilang larawan na nagpapakita


ng katutubong kulturang Pilipino na nananatili hanggang sa kasalukuyan.

17
18
Pag-unawa sa Binasa
1. Ang pananaliksik ay
sistematiko, kontrolado,
empiriko at kritikal na pag-
iimbestiga.
2. Dahil ang mananaliksik ay
responsible sa kaniyang
Gawain 1 Pagsasanay 1 isinasagawang pag-aaral.
1. IV 1. Prosidyunal 3.
• Ang suliranin at kaligiran
2. III 2. Kronolohikal nito.
3. I 3. Sekwensyal
• Mga kaugnayan sa
4. V 4. Sekwensyal literature at pag-aaral.
5. II 5. Prosidyural • Pamamaraan
Tayahin
Pagsasanay 2 • Pagsusuri, paglalahad at
1. B
Interpretasyon ng datos.
2. C Nakabatay sa sagot ng
3. B • Paglalagon, Konklusyon at
mag-aaral. Rekomendasyon.
4. B
5. D 4. Makatutulong ito upang
mabatid ng karamihan ang
6. D problemang kinakaharap
7. B natin.
8. A
5. Pagbibisyo ng mga
9. C kabataan, adiksyon sa
10. B online games, online
classes, nawawalang
katutubong kaugalian.
Talasalitaan Tuklasin Subukin
1. Sistematiko -
1. Harana 1. A
Maayos
2. Pagmamano 2. C
3. Po at Opo 3. B
2. Pangagalap – 4. Bayanihan 4. B
Nakolekta 5. D
3. Pananaliksik – Balikan
Pag-aaral • Bayani
• Patula
4. Obhektibo – • Salaysay
Walang • Awit
kinikilingan • Bathala
• Labanan
5. Sanggunian –
Bibliyographiya
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
1. https://www.slideshare.net/aliciamargaretjavelosa/pananaliksik-
filipino?fbclid=IwAR1bAtpmzDR69f83EPBvbv5he0ja4zQqSXoYr78NWzWGlk7s9
gPnBXAxmLI
2. https://dokumen.tips/vembed/kahalagahan-ng-
pananaliksik?fbclid=IwAR2TZAOf0Aw2Xb5KyhbTsgerm2KdQidyAA99eWJmG5v
vv95IPev7kv9jXzQ
3. https://www.slideshare.net/christopheregetigan/mga-hakbang-sa-
pananaliksik?fbclid=IwAR075lP6u_X-
ZCgyFtRxn0Gm6P6MX5yIC8KyQuqKr1NjRwmACGnRKznLEsw
4. https://www.youtube.com/watch?v=Y7mtUUWcNTo&feature=share&fbclid=IwAR2
P9v3fIpiW3sJFSorpUsoY0KSF3oLRGW3ytKEq7iRy4WZgAY0JYM_bhjg
5. https://thesilentlearner2014.blogspot.com/2014/06/filipino-2-pagsusunod-
sunod.html?m=1&fbclid=IwAR3C-9xHW1i_f-
BlwkQM5FpAV5OmU_mEOxcYbw9RZd_Dq1cAHlWfWxoCE9c
6. https://www.slideshare.net/RainierAmparado/tekstong-
prosijural?fbclid=IwAR1FoqPNouR0Ma57EBL8S58Hnozdnjtsr8XzBpF4OvmR2YP
LPH-L9-F7PaU

19

You might also like