You are on page 1of 25

5

Filipino
Unang Markahan – Modyul 4:
Pagsagot sa mga Tanong mula sa
Binasa, Napakinggan, o
Napanood na Sawikain,
Talaarawan, o Journal
Filipino – Ikalimang na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Pagsagot sa mga Tanong mula sa Binasa, Napakinggan,
o Napanood na Sawikain, Talaarawan, o Journal
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jennelyn D. Dela Cruz
Editor: Name
Tagasuri: Name
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, Ph.D., CESO V
Librada M. Rubio, EPS/OIC
Name of Regional EPS In Charge of LRMS
Nestor P. Nuesca, Ed.D.
Name of CID Chief
Ruby M. Jimenez, Ph.D.
Name of Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region III

Office Address: ____________________________________________


____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
5

Filipino
Unang Markahan – Modyul 4:
Pagsagot sa mga Tanong mula sa
Binasa, Napakinggan, o
Napanood na Sawikain,
Talaarawan, o Journal
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 5 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Pagsagot sa mga Tanong mula sa Binasa,
Napakinggan, o Napanood na Sawikain, Talaarawan, o Journal.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul


ukol sa Pagsagot sa mga Tanong mula sa Binasa, Napakinggan, o Napanood na
Sawikain, Talaarawan, o Journal!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay Gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay dinesenyo para sa iyo. Ito ay binuo upang matulangan kang
maunawan at maintindihan ang wastong paggamit sa iba’t-ibang pangngalan at
panghalip sa pamamagitan ng pagtalakay tungkol sa iyong sarili, sa ibang tao, mga
hayop, lugar, bagay, at mga pangyayari sa paligid, maging sa pakikipag-usap at
paglalahad tungkol sa iyong sariling mga karanasan. Ang module na ito ay
maaaring magamit sa iba’t-ibang sitawasyon sa pagkatuto. Ang wikang ginamit ay
isinasaalang-alang ang pagkakaiba-iba ng lengwahe at lebel ng bokabularyo ng
mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos batay sa pagkakasunud-sunod ng kurso.

Matapos mong gawin ang modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


1. masagot ang mga tanong sa binasa, napakinggan, o napanood na sawikain,
talaarawan o binasang journal.
Subukin

Mayroon ka bang talaarawan? Subukin natin ang iyong kaalaman tungkol


dito. Isulat sa sagutang papel ang titik ng salitang bubuo sa pangungusap.

1. Ang talaarawan ay galing sa salitang tala at araw, ang pinaikling salita ng


pagtatala ng mga pangyayari ____________.
A. kapag may araw. C. lingguhan.
B. araw-araw. D. buwanan.

2. Sa pagsulat ng talaarawan ay mahalagang mapagsunud-sunod ang mga


__________________.
A. tauhan. C. pangyayari.
B. tagpuan. D. usapan.

3. Sa bawat pagsulat ng mga pangyayari ay mahalaga ang pagtatala ng


_________________.
A. bagay. C. pangalan.
B. kulay. D. petsa.

4. Epektibo ang pagsusulat ng talaarawan sa _______________.


A. madaling-araw. C. tanghali.
B. umaga. D. gabi.

5. Ang mga pangyayaring isinusulat sa talaarawan ay dapat na maging


____________________.
A. pamalagian. C. di-kapani-paniwala.
B. pansamantala. D. makatotohanan.

6. Sa pagsulat ng talaarawan ay kailangang maayos ang mga


___________________________.
A. pananaw. C. detalye.
B. panimula. D. wakas.

7. Ang pagsulat ng talaarawan ay higit na _____________.


A. personal. C. makabayan.
B. interpersonal. D. masaklaw.

8. Tulad ng pagtatala ng petsa, dapat ding maging tiyak sa pagsulat ng


A. panimula. C. tauhan.
B. tagpuan. D. oras.

9. Madalas na ang susulating talaarawan ay __________________.


A. inililihim. C. pinagtatalunan.
B. ipinababasa sa iba. D. binabasa nang malakas.

10. Personal ang talaarawan kaya __________________.


A. dapat ipabasa sa iba. C. huwag ipabasa sa iba.
B. ilihim sa iba. D. sa gabi lang sulatan.
Aralin
Talaarawan, Journal,
1 Sawikain
Ang talaarawan ay ang araw-araw na pagtatala ng mga karanasan o
pagmamasid ng isnag tao.

Ang pagsulat ng mga pang-araw-araw na karanasan ay nakatutulong nang


malaki sa paglinang ng kakayahan sa malikhaing pagsulat. Karaniwan ding ang
taong nagsusulat ng talaarawan o journal ay nagiging mapagmasid sa mga
pangyayari sa kanyang paligid. Isa rin itong mabisang paraan upang mailabas ang
damdamin ng may-akda.

Balikan

Alamin natin kung kailangan mo pa ang modyul na ito. Bibigyan kita ng


panimulang pagsusulit. Isulat ang () kung tama at (x) kung mali ang pahayag
ukol sa tamang pagsulat ng talaarawan.

_____1. Ang isang talaarawan ay kailangang meron lagi ng bating panimula.


_____2. Mahalagang isulat ang petsa ng pangyayari sa bawat pahina ng
talaarawan.
_____3. Ang mga impormasyong isinusulat sa talaarawan ay likhang-isip lamang ng
may-akda at hindi kailangang naganap sa araw na nakasaad.
_____4. Ang teksto ang pinakamahalagang bahagi ng talaarawan dahil dito
nakasaad ang ginawa, karanasan, o obserbasyon ng may-akda sa bawat
petsang binanggit.
_____5. Maaaring basahin ng sinuman ang anumang nakatala sa talaarawan
anumang oras nila naisin kahit hindi nila ito pagmamay-ari.
_____6. Kailangang pakaingatan ng may-akda ang kanyang talaarawan upang
walang ibang taong makabasa nito.
_____7. Ang sulat-kamay o lagda ng sumulat ay opsiyonal lamang dahil hindi ito
kasing-halaga ng bating panimula.
_____8. Ang pagsasalaysay sa talaarawan ay isang tapat na paglalahad ng mga
ginawa o kaisipan ng may-akda.
_____9. Mahalaga ang pagsulat sa talaarawan dahil maaari ring mahasa ng may-
akda ang kanyang angking galing sa pagsulat.
_____10. Hindi gaanong mahalaga ang pagsulat sa talaarawan dahil maaaring
mabuking ng ibang tao ang mga sekreto mo sa buhay na nakapaloob sa
talaarawan.
Tuklasin

Basahin ang isinulat ni Maria sa kanyang talaarawan sa loob ng limang


araw.

Linggo, Marso 8
Walang pasok sa paaralan ngunit kaming mga nasa ikalimang baitang
ay hiniling na magtungo sa Paaralan para magtanim. Bawat isa sa amin ay
nagdala ng punla.

Lunes, Marso 9
May panauhin kamki mula sa DepEd. Pinulong niya ang lahat ng nasa
ikalimang baitang. Pinapili kami ng aklat na gusto naming mabasa. Sinabi
niya na may programa ang DepEd at sila ay namimigay ng libreng aklat sa
lahat ng mga estudyante.

Martes, Marso 10
Nagpulong ang lahat ng manunulat ng pahayagang pampaaralan.
Pinagsusumite na kami ng mga orihinal naming balita at akda para mailagay
sa pahayagan.

Miyerkules, Marso 11
Ipinatawag ako ng punong-guro. Sa harap niya at ng lahat ng mga guro
ay binati nila ako at sinabing nanalo ang aking isinulat na Balitang Editoryal
sa pangrehiyong paligsahan ng gintong parangal. Labis-labis ang tuwa na
aking naramdaman.
Huwebes, Marso 12
Nagsulat ako ng lathalain na nagtatampok sa aking pagkapanalo. Upang
mabigyan ng inspirasyon ang mga tulad kong estudyante. Isasama ito sa
publikasyon ng pahayagang pampaaralan sa pagtatapos ng klase.

Suriin

Napuna mo ba ang pagkakaugnay ng petsa at mga pangyayari? Itinala ng


nagsasalaysay ang petsa ng araw kung kalian siya nagsulat. Sa ilalim ng petsang
ito ay inilahad niya ang mga pangyayaring naganapsa araw niya. Alam mo ba ang
tawag sa isinulat ng nagsasalaysay?

Ang tawag dito ay talaarawan. Pansinin mo ang salitang talaarawan.


Napuna mo ba ang pagtatambal ng mga salitang tala at araw? Kasi, ang
talaarawan ay tala ng mga pangyayaring nagaganap araw-araw.

Malinaw na sa iyo ang kahulugan at mga elemento sa pagsulat ng


talaarawan May mga hakbang sa pagsulat ng iyong sariling talaarawan. Ito ay ang:

1. Kumuha ng isang notbuk na gagamitin sa pagtatala.


2. Isipin ang mahahalagang petsa at itala ayon sa pagkakasunudsunod.
3. Itala ang mahahalagang pangyayaring naganap sa ilalim ng mga petsa
ayon sa pagkakasunud-sunod.

Pagyamanin

Balikan ang mga isinulat sa talaarawan sa tuklasin at sagutin ang mga


tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Sino ang tagapagsalaysay sa talaarawan?


A. Maria B. Ana C. Luna D. Maribel

2. Ayon sa talaarawan nasa anong baitang ang tagapagsalaysay?


A. ika-3 B. ika-4 C. ika-5 D. ika-6

3. Anong ginawa ng tagapagsalaysay sa araw ng lingo?


A. nagsimba B. namasyal C. nag-aral D. nagtanim

4. Kailan nabalitaan ng tagapagsalaysay na siya ay nanalo sa isang kompetisyon?


A. Marso 12 B. Marso 11 C. Marso 10 D. Marso 9
5. Ayon sa tagapagsalaysay ano ang kanyang nakamit na parangal?
A. ikalawang puwesto C. pilak na parangal
B. gintong parangal D. ikatlong puwesto

6. Batay sa talaarawan, anong uri ng estudyante ang tagapagsalaysay?


A. tamad B. matalino C. maasahan D. malikhain

7. Anong sangay ng gobyerno ang dumalaw sa paaralan noong ika-9 ng Marso?


A. DOH B. DPWH C. DepEd D. DSWD

8. Anong programa ang ginawa ng DepEd para sa paaralan ng tagapagsalaysay?


A. libreng edukasyon C. libreng notbuk at bolpen
B. libreng aklat D. libreng bag

9. Anong parte ng pahayagang pampaaralan ang isusulat ng tagapagsalaysay


upang makapagbigay inspirasyon sa mga tulad niya?
A. editoryal B. isports C. lathalain D. panlibangan

10. Alin ang hindi mahalagang elemento sa pagsulat ng talaarawan?


A. oras B. sasakyan C. petsa D. tao

Isaisip

Sa pagsusulat ng talaarawan maaaring gumamit ng mga patalinhagang


salita, isa na rito ang sawikain.

Ang sawikain ay mga salitang patalinhaga na karaniwang ginagamit sa


araw-araw. Ito ay nagbibigay ng di-tiyakang kahulugan ng salitang isinasaad nito.

Halimbawa: itaga sa bato (tandaan)


mababa ang loob (maawain)

Ibigay nag kahulugan ng sumusunod na mga sawikain. Isulat ang iyong


sagot sa sagutang papel.

1. balitang-kutsero - ______________________________________________
2. tulak ng bibig - ______________________________________________
3. magaan ang dugo - ______________________________________________
4. mababaw ang luha - ______________________________________________
5. pantay ang mga paa - ______________________________________________
6. bukal sa loob - ______________________________________________
7. magdilang anghel - ______________________________________________
8. namuti ang mata - ______________________________________________
9. namamangka sa
dalawang ilog - _______________________________________________
10. mataas ang ulo - _______________________________________________

Isagawa

Basahin ang pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang maaaring maganap


na mga pangyayari sa pangalawang araw para makabuo ng isang journal.

1. Nobyembre 23
Nagsusungit ang panahon. Nagliliparan ang mga bubong ng bahay dahil
sa lakas ng hangin. Idineklara nang calamity area ang buong lalawigan ng
Pampanga at ilang bayan sa Bataan, Zambales, Bulacan, Pangasinan at
Nueva Ecija.

Nobyemre 24
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.

2. Disyembre 12
Hindi makatulog si Donna. Gabi-gabi na lang, pinipilit niyang makatulog
ngunit talagang ayaw siyang dalawin ng antok. May sakit siya na dapat
maipakunsulta sa doktor.

Disyembre 13
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.

3. Mayo 25
Bukas pa ang pista sa Sto Cristo pero ngayon pa lang ay pupunta na
kami sa probinsya. Tanghali na nang makasakay kami ng bus. Nainis ako
kasi hindi air-con bus ang sinakyan namin. Ang bagal pa ng biyahe. Mag-
aala-singko na ng hapon nang dumating kami sa Sto Cristo. Abala sa
pagluluto ang mga kamag- anak namin.

Mayo 26
_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________.
4. Hulyo 21
Bertdey ko. Maaga akong nagsimba. Naghanda si nanay ng pansit, puto
at spaghetti kaya inimbita ko ang ilan sa aking mga kaklase. Binigyan ako ni
nanay ng P500 bilang regalo sa akin.

Hulyo 22
_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________.

5. Agosto 11
Lumabas na ang huling resulta ng mga pagsusuri sa aking mga anak.
Laking tuwa nang magnegatibo na lahat ng ito sa impeksyon sa dugo. Maari
na kaming lumabas bukas. Inihahanda ko na ang aming mga gamit.

Agosto 12
_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________.

Tayahin

Suriin ang talaarawan sa ibaba at sagutin ang mga tanong sa sagutang


papel.
Pebrero 29, 2020

Mahal kong Talaarawan,


Maganda at maayos naman ang aking umaga ngayon dahil maaga
akong nakapunta sa paaralan. Pero bago ako pumasok sa paaralan,
naligo muna ako, nagbihis ng maayos, nagsuklay ng buhok, kumain at
nagsipilyo ng ngipin. Pagkatapos kong magsipilyo ng ngipin, ay hinatid
ako ng papa ko sa paaralan. Pagdating ko sa paaralan ay bigla nalang
sumakit ang ngipin ko. Kaya uminom agad ako ng gamot upang mawala
agad ang sakit ko sa ngipin. Sa tanghalian naman ay masaya kaming
nagkainan sa “BBQ-han” at pagkatapos ng kainan namin ay dumiretso
agad kami sa silid-aralan namin. Nag-aaral din ako sa paksa namin sa
Ingles dahil magkakaroon kami ng pagsubok o pagsasanay. At iyan ang
mga ginagawa ko sa araw na ito.
Mahal kong Talaarawan,

Maganda at maayos naman ang aking umaga ngayon dahil maaga akong
nakapunta sa paaralan. Pero bago ako pumasok sa paaralan, naligo muna
ako, nagbihis ng maayos, nagsuklay ng buhok, kumain at nagsipilyo ng
ngipin. Pagkatapos kong magsipilyo ng ngipin, ay hinatid ako ng papa ko sa
paaralan. Pagdating ko sa paaralan ay bigla nalang sumakit ang ngipin ko.
Kaya uminom agad ako ng gamot upang mawala agad ang sakit ko sa ngipin.
Sa tanghalian naman ay masaya kaming agad kami sa silid-aralan namin.
Nag-aaral din ako sa paksa namin sa Ingles dahil magkakaroon kami ng
pagsubok o pagsasanay. At iyan ang mga ginagawa ko sa araw na ito.

Nagmamahal,
Thea

Hunyo 29,2011
Mahal kong Talaarawan,
Maganda at maayos naman
ang aking umaga ngayon dahil
maaga
akong nakapunta sa paaralan.
Pero bago ako pumasok sa
paaralan,
naligo muna ako, nagbihis ng
maayos, nagsuklay ng buhok,
kumain at
nagsipilyo ng ngipin.
Pagkatapos kong magsipilyo
ng ngipin, ay hinatid
ako ng papa ko sa paaralan.
Pagdating ko sa paaralan ay
bigla nalang
sumakit ang ngipin ko. Kaya
uminom agad ako ng gamot
upang mawala
agad ang sakit ko sa ngipin. Sa
tanghalian naman ay masaya
kaming
nagkainan sa “BBQ-han” at
pagkatapos ng kainan namin
ay dumiretso
agad kami sa silid-aralan
namin. Nag-aaral din ako sa
paksa namin sa
Ingles dahil magkakaroon
kami ng pagsubok o
pagsasanay. At iyan ang
mga ginagawa ko sa araw na
ito.
Nagmamahal,
Thea
Hunyo 29,2011
Mahal kong Talaarawan,
Maganda at maayos naman
ang aking umaga ngayon dahil
maaga
akong nakapunta sa paaralan.
Pero bago ako pumasok sa
paaralan,
naligo muna ako, nagbihis ng
maayos, nagsuklay ng buhok,
kumain at
nagsipilyo ng ngipin.
Pagkatapos kong magsipilyo
ng ngipin, ay hinatid
ako ng papa ko sa paaralan.
Pagdating ko sa paaralan ay
bigla nalang
sumakit ang ngipin ko. Kaya
uminom agad ako ng gamot
upang mawala
agad ang sakit ko sa ngipin. Sa
tanghalian naman ay masaya
kaming
nagkainan sa “BBQ-han” at
pagkatapos ng kainan namin
ay dumiretso
agad kami sa silid-aralan
namin. Nag-aaral din ako sa
paksa namin sa
Ingles dahil magkakaroon
kami ng pagsubok o
pagsasanay. At iyan ang
mga ginagawa ko sa araw na
ito.
Nagmamahal,
Thea
1. Ano ang petsa kung kailan isinulat ang talaarawan?
____________________________
2. Tungkol saan ang nakasulat sa talaraawan?
___________________________________
3. Ano ang ginawa ng sumulat sa umaga bago pumasok ng paaralan?
_____________
______________________________________________________________________________
4. Sino ang sumulat ng talaarawan? _____________________________________________
5. Bakit kailangan natin gumawa ng talaarawan?
_________________________________
Marso 29, 2020

Mahal kong Talaarawan,


Maganda at maayos naman ang aking umaga ngayon dahil maaga
akong nakapunta sa paaralan. Pero bago ako pumasok sa paaralan,
naligo muna ako, nagbihis ng maayos, nagsuklay ng buhok, kumain at
nagsipilyo ng ngipin. Pagkatapos kong magsipilyo ng ngipin, ay hinatid
ako ng papa ko sa paaralan. Pagdating ko sa paaralan ay bigla nalang
sumakit ang ngipin ko. Kaya uminom agad ako ng gamot upang mawala
agad ang sakit ko sa ngipin. Sa tanghalian naman ay masaya kaming
nagkainan sa “BBQ-han” at pagkatapos ng kainan namin ay dumiretso
agad kami sa silid-aralan namin. Nag-aaral din ako sa paksa namin sa
Ingles dahil magkakaroon kami ng pagsubok o pagsasanay. At iyan ang
mga ginagawa ko sa araw na ito.
Mahal kong Talaarawan,

Nananabik na ako sa aking pagtatapos. Paglipas ng mahahabang anim na


taon ay isang hakbang na lang at aakyat na ako sa entablado para tanggapin
ang pinakahihintay kong diploma. Ibang-iba ang pakirmadam ko ngayon!
Napakaligaya ko! Siguro sina Nanay at Tatay din ay masaya. Sila kaya ang
naghihirap para sa akin, di ba?

Nagmamahal,
Lando

6. Ano ang petsa kung kailan isinulat ang talaarawan?


____________________________
7. Tungkol saan ang nakasulat sa talaraawan?
___________________________________
8. Nasa anong baitang ang tagapagsalaysay ng talaarawan?
_______________________
9. Sino ang sumulat ng talaarawan? _____________________________________________
5. Bakit nasabi ng tagapagsalaysay na ang kanyang nanay at tatay ang naghihirap
para sa kanya? _______________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Karagdagang Gawain

Itala sa sagutang papel ang mga pangyayaring naganap sa iyong


buhay noong nakaraang pitong araw. Sundin ang porma sa ibaba:

Petsa Pangyayari
Susi sa Pagwawasto
Subukin
Tayahin Isagawa
1. B 6. C
1. Pebrero 29, 2020 1. Naglinis ng bakuran at
paligid. Nag-ayos ng 2. C 7. A
mga nasiragbbubong at
2. pagpasok sa paaralan
bahay.
3. D 8. B
3. naligo, nagbihis,
2. Nagpakunsulta siya sa
nagsuklay, kumain, at 4. D 9. A
doctor at nalaman ang
nagsipilyo
kanyang sakit.
5. D 10. C
4. Thea
3. NApakasaya ng pista.
Nanood kami ng
5. Upang maisulat at di palabras sa plasa at
makalimutan ang mga nagkainan.
mahahalagang Balikan
pangyayari sa buhay.
4. Nagpunta ako sa mall
at namili. Niyaya ko
ang aking mga 1. x 6. 
6. Marso 29, 2020
kaibigan at nilibre ko
sila sa kainan. 2.  7. x
7. pagtatapos sa
elementarya
5. Nakalabas at nakauwi 3. x 8. 
na kami sa bahay.
8. ika-anim Magpapahinga muna
kami at patuloy na 4.  9. 
9. Lando babantayan ang
kundisyon ng aking
5. x 10. x
anak.
10. Dahil sila ang
nagbibigay ng lahat ng
pangangailangan niya
hindi lang sa Pagyamanin
eskwelahan.
1. A 6. B

2. C 7. C
Karagdagang
Gawain 3. D 8. B

Maaaring magkakaiba ng 4. B 9. C
sagot.
5. B 10. B

Sanggunian

Ikalawang Edisyon, Pluma 6, Wika at Pagbasa Para sa Batang Pilipino, pp. 115-
116
Ikalawang Edisyon, Pluma 4, Wika at Pagbasa Para sa Batang Pilipino, pp. 256-
257

Landas sa Wika, Batayang Aklat, Filipino, Ikaanim na Baitang, pp. 64-65

Pinagyamang Pluma 6, Wika at Pagbasa para sa Elementarya, pp. 425-426

https://kapitolyohs.files.wordpress.com/2011/09/modyul-20.pdf

http://lessons.ph/studyaids/allschools/grade5/wika5/f5i0010a.htm

https://vdocuments.net/filipino-6-sagot-rex-inter-6rtpyunit-viansweraa-paksa-67-
pagsulat.html

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like