You are on page 1of 2

KWARTER 1 – IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA

ARALING PANLIPUNAN 6

Pangalan ng Mag-aaral: __________________________________________ Puntos:


_________________
Baitang at Seksiyon: ______________________________ Petsa ng Pagsusulit: __________________

A. Basahin ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa patlang
bago ang numero.

_____1. Saan sa Pugad Lawin nagpulong ang mga katipunero?


A. Sa bahay ni Andres Bonifacio B. Sa bahay ni Emilio Aguinaldo
C. Sa bahay ni Emilio Jacinto D. Sa bahay ni Melchora Aquino
_____2. Ano ang napag-usapan o napagkayarian ng mga katipunero sa ginawang pagpupulong sa Pugad Lawin?
A. Para makianib sa mga Espanyol B. Para patayin si Padre Mariano Gil
C. Para simulan o ilunsad na ang himagsikan D. Para humingi ng tulong kay Emilio
_____3. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang nagbibigay daan tungo sa Sigaw sa Pugad Lawin at naging sanhi
ng pagsiklab ng himagsikan?
A. Pagdakip at pagkulong kay Rizal sa Fort Santiago.
B. Pagbubunyag ng samahang KKK sa mga Espanyol.
C. Paglimbag at paglathala ng pahayagang Kalayaan.
D. Pakikipagkasundo ng mga katipunero sa mga Espanyol.
_____4. Bakit pinunit ng mga katipunero ang kanilang sedula?
A. Ito ay simbolo ng pagsanib kay Emilio Aguinaldo.
B. Ito ay simbolo ng pagtanggap ng kanilang pagkatalo.
C. Ito ay simbolo ng pagsang-ayon sa utos ng pamahalaang Espanyol.
D. Ito ay simbolo ng hindi pagkilala at paghiwalay nila sa pamahalaan ng Espanya.
_____5. Bakit sa palagay mo natalo ang mga katipunero sa labanan sa San Juan Del Monte?
A. Hindi sila nagkaisa.
B. Hindi sila sumunod sa habilin ni Andres Bonifacio.
C. Dahil hindi sila marunong humawak ng mga armas.
D. Dahil kulang sila sa armas at kulang sa karanasan sa pakikipagdigma.
_____6. Dalawang pangkat ang humati sa katipunan. Ano ang mga ito?
A. Magdalo at Magsaya B. Magdalo at Magsilang
C. Magdiwang at Manalo D. Magdiwang at Magdalo
_____7. Layunin ng pagpupulong ito na pag-isahing muli ang katipunan.
A. Kawit Convention B. Naic Convention
C. Tejeros Convention D. Talang Convention
_____8. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng Tejeros Convention?
A. Makipagkasundo sa Espanya
B. Magdaos ng isang pagdiriwang
C. Maghalal at tangkaing mapag-isang muli ang katipunan
D. Magbayad ng bayad-pinsala sa mga hukbong Espanyol
_____9. Ang mga sumusunod ay mga pangyayari sa Tejeros Convention maliban sa isa, alin ito?
A. Naihalal na pangulo si Aguinaldo.
B. Napigilan ng mga Espanyol ang halalan.
C. Tumutol si Daniel Tirona sa pagkahalal kay Bonifacio.
D. Naihalal si Bonifacio bilang Direktor ng Gawaing Panloob.
_____10. Alin sa mga sumusunod ang naging dahilan sa pagpatay sa magkapatid na Bonifacio?
A. Kumampi sila sa mga Espanyol.
B. Nagtago sila sa mga simbahan.
C. Umatras sila sa mga labanan sa Cavite.
D. Pinangambahang magtatayo sila ng hiwalay na pamahalaan.
_____11. Sino ang nahirang na pangulo ng pamahalaang rebolusyonaryo?
A. Andres Bonifacio B. Emilio Aguinaldo
C. Emilio Jacinto D. Mariano Alvarez
_____12. Umatras ang mga rebolusyonaryo at nagtungo sila sa Bulacan. Saang yungib pansamantalang namalagi
ang mga rebolusyonaryo?
A. Biak-na-Bato B. Palawan C. Pamintinan D. Tabon
_____13. Ito ang kasunduang pangkapayapaan na nilagdaan sa pagitan ng mga rebolusyonaryo at ng pwersang
Espanyol.
A. Kasunduan sa Biak-na-Bato B. Kasunduan sa Maynila
C. Kasunduan sa Paris D. Kasunduan sa Vienna
_____14. Siya ang namagitan sa mga rebolusyonaryo at ng pwersang Espanyol upang mapagtibay ang kasunduan.
A. Gregorio del Pilar B. Mariano Noriel
C. Mariano Trias D. Pedro Paterno
_____15. Ang mga sumusunod ay nilalaman ng Kasunduan sa Biak-na-Bato maliban sa isa, alin ito?
A. Isusuko ng mga kawal Pilipino ang kanilang armas.
B. Titigil ang kawal Pilipino sa pakikipaglaban sa mga Espanyol.
C. Kusang nagpatapon si Aguinaldo at iba pang lider sa Hong Kong.
D. Huhulihin at bibitayin si Aguinaldo at iba pang kasamahan sa Pilipinas.
_____16. Siya ay naglingkod bilang pangulo ng lupon ng kababaihan.
A. Josefa Rizal B. Melchora Aquino
C. Gregoria de Jesus D. Trinidad Tecson
_____17. Kinikilalang “Lakambini ng Himagsikan” at asawa ni Andres Bonifacio.
A. Trinidad Tecson B. Marcela Agoncillo
C. Gregoria de Jesus D. Marina Santiago
_____18. Siya ay binansagang “Joan of Arc ng Kabisayaan”.
A. Gregoria de Jesus B. Marina Santiago
C. Melchora Aquino D. Teresa Magbanua
_____19. Noong Setyembre 16, 1894 ay nagpakasal siya kay Jose Turiano Santiago sa Simbahan ng Binondo. Si
Jose ay isa ring Katipunero ng Trozo, Maynila.
A. Trinidad Tecson B. Gregoria de Jesus
C.Marina Santiago D.Melchora Aquino
_____20. Siya ay kilala sa tawag na “Tandang Sora”.
A. Melchora Aquino B. Trinidad Tecson
C. Marcela Agoncillo D. Gregoria de Jesus

B. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay wasto at MALI kung hindi wasto. Isulat ang sagot sa
patlang.

_______21. Naihalal si Andres Bonifacio bilang pangulo sa Tejeros Convention.


_______22. Layunin ng Tejeros Convention na pag-isahin muli ang katipunan.
_______23. Pinatawan ng parusang kamatayan ang magkapatid na Bonifacio dahil pinaratangan silang nagtaksil sa
bayan.
_______24. Naibigay kay Aguinaldo ang kabuuang P400,000 na kabayaran pagkaalis nila patungong Hong Kong.
_______25. Tuluyang nakamit ang kapayapaan pagkatapos pinagtibay ang kasunduan sa Biak na Bato.
_______26. Umalis ang pangkat ni Aguinaldo patungong Hong Kong.
_______27. Ang ilan ay nagsanay sa paghawak ng armas na panlaban at natutong sumakay sa kabayo upang
makalaban kasabay ng kalalakihan sa rebolusyon.
_______28. Kumikilos ang kababaihan ayon sa kanilang pagnanais at sariling pagkukusa.
_______29. Nagkaroon ng sariling pangkat ang kababaihan noong panahon ng Katipunan.
_______30. Nanguna sa kontra-paniniktik o pagtatangkang matuklasan ng mga kalaban ang kanilang istratihiya sa
labanan.

Corrected by: Received by:

_____________________________________ ___________________________________
Date Checked: _____________________ Date Received: _____________________

You might also like