You are on page 1of 2

Division of City Schools Pasay City

Summative Test 2
Araling Panlipunan 6
S.Y. 2020-2021

Pangalan: ____________________________________________ Iskor: ____________


Baitang at Pangkat: ____________________________________ Petsa: ____________

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Pumili ng tamang sagot at isulat ang titik sa patlang.

______1. Ang mga kababaihan ay may malaking ginampanan sa Rebolusyon. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang
sa kanilang mga ginampanan?
A. Nagtago ng mga mahahalagang dokumento.
B. Iniiwan ang lahat ng babae sa bahay tuwing may labanan
C. Gumagamot at nagpapakain sa mga sugatang rebolusyonaryo.
D. Nangunguna siya sa pag-awit at pagsasayaw sa tahanan kung saan ginaganap ang
mga pulong upang lansihin ang mga nagrorondang kawal.

______2. Tinaguriang “Ina ng Katipunan” si Melchora Aquino o mas kilala bilang Tandang Sora dahil _______________.
A. siya ang nag-iisang babaeng rebolusyonaryo mula sa Iloilo laban sa Espanyol
B. ginamot niya ang mga sugatang Rebolusyonaryo
C. siya ang tumahi ng watawat ng Pilipinas
D. siya ang tagatago ng mga dokumento

______3. Itinatag nya Noong taong 1899 ang "Hijas dela Revolucion" na kinalaunan ay nakilala sa pangalang "Asociacion
de la Cruz Roja" na naging Philippine Red Cross
A. Marcela Marcelo B. Matea Rodriguez C. Hilaria Aguinaldo D. Agueda Kahabagan

______4. Si __________________ na binansagang "Selang Bagsik," ang bayaning nagmula sa Malibay, Pasay City. Siya
ay nakipaglaban sa "Battle of Pasong Santol" sa Imus noong Marso 1897.
A. Marcela Marcelo B. Matea Rodriguez C. Hilaria Aguinaldo D. Agueda Kahabagan

______5. Bakit tinaguriang “Joan of Arc ng Kabisayaan” si Teresa Magbanua?


A. Dahil siya ang nag-iisang babaeng rebolusyonaryo mula sa Iloilo laban sa Espanyol
B. Dahil ginamot niya ang mga sugatang Rebolusyonaryo.
C. Dahil siya ang tumahi ng watawat ng Pilipinas.
D. Dahil siya ang tagatago ng mga dokumento.

______6. Si _____________________ ay nakipaglaban kasama ang mga rebolusyonaryo noong panahon ng mga
Espanyol. Kinilala din siya bilang “Ina ng Philippine National Red Cross” at “Ina ng Biak-na-Bato”.
A. Trinidad Tecson B. Teresa Magbanua C. Melchora Aquino D. Gregoria de Jesus

______7. Sa pagnanais ng mga Pilipino na maging malaya, minarapat nilang tumawag ng kongresong bubuuin ng mga
kinatawang halal ng mga bansa. Ang Kongreso ng Malolos ay pinasinayaan sa Simbahan ng Barasoain,
Malolos Bulacan.noong ___________________.
A. Setyembre 15, 1988  C. Setyembre 15, 1889 
B. Setyembre 15, 1898  D. Setyembre 15, 1888 

______8. Itinatag ng Saligang Batas ng Malolos ang isang demokratikong republika na nahahati sa tatlong sangay: Alin
sa mga sumusunod ang hindi naging sangay ng Unang Republika ng Pilipinas? 
A. Tagapagpaganap  C. Tagapagbatas 
B. Tagapaghukom  D. Pangalawang Pangulo 

______9. Inatasan ni Hen. Emilio Aguinaldo na tumahi ng watawat ng Pilipinas na ginamit sa pagdeklara ng Kalayaan ng
Pilipinas noong ika-12 ng Hunyo, 1898.
A. Delfina Herbosa B. Lorenza Agoncillo C. Marcela Agoncillo D. Lahat ng nabanggit

______10. Siya ang sumulat ng liriko ng pambansang awit ng Pilipinas na mula sa tulang “Filipinas”.
A. Ambrosio Rianzares Bautista C. Jose Palma
B. Emilio Aguinaldo D. Julian Felipe

______11. Ito ang nagbigay ng kauna-unahang pagkakataon na makapagpatakbo ng sariling pamahalaan ang mga
Pilipino. Itinuturing na pinakatugatog ng tagumpay sa pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga dayuhan ang
panahon ng ______________________.
A. Repubilika ng Biak na Rato C. Republika ng Malolos
B. Republika ng Malabon D. Republika ng Pugadlawin

______12. Ang mga sumusunod ay mga nagawa ng Unang Republika ng Pilipinas MALIBAN sa isa.
A. Nagbukas ng mga paaralan
B. Nagtatag ng opisyal na pahayagan.
C. Nilagdaan ang konstitusyon ng Biak na Bato.
D. Pagsasaayos ng mga gawaing propaganda at pandiplomatiko.
______13. Ito ang naging hudyat ng Digmaang Pilipino-Amerikano kung saan ay binaril ni William Walter Grayson ang
isang Pilipino noong ika-4 ng Pebrero, 1899 at nagsimula ng palitan ng putukan sa pagitan ng mga Pilipino at
Amerikano.
A. Unang Putok sa Silencio at Sociego C. Labanan sa Balangiga
B. Labanan sa Look ng Maynila D. Labanan sa Pasong Tirad

______14. Ito ay nilagdaan noong Disyembre 10, 1898 na nagtapos sa Digmaang Espanyol-Amerikano. Nakasaad sa
kasunduang ito ang pagbili sa Pilipinas mula sa Espanya sa halagang $20,000,000 ng Estados Unidos.
A. Kasunduang Bates C. Kasunduan sa Naic
B. Kasunduan sa Biak-na-Bato D. Kasunduan sa Paris

______15. Sa labanang ito nakilala si Hen. Gregorio del Pilar habang kaniyang pinatatakas si Hen. Emilio Aguinaldo mula
sa mga tumutugis na mga Amerikano.
A. Labanan sa Balangiga C. Labanan sa Pasong Tirad
B. Labanan sa Bud Bagsak D. Labanan sa Look ng Maynila

______16. Isa ito sa pinakatanyag na labanan sa pagitan ng mga Amerikano at mga Pilipino na nangyari noong
Setyembre 28, 1901 sa pamumuno ni Hen. Vicente Lukban sa isla ng Samar.
A. Labanan sa Balangiga C. Labanan sa Pasong Tirad
B. Labanan sa Bud Bagsak D. Labanan sa Look ng Maynila

______17. Maraming nakilalang Pilipinong nagpakita ng katapangan sa pakikipaglaban sa Digmaang Pilipino-Amerikano.


Tumagal ang labanang ito ng ____________ taon.
A. apat B. dalawa C. lima D. tatlo

______18. Ang kasunduang ito ay nilagdaan ni Hen. John C. Bates Sultan Hadji Mohammed Jamalul Kiram II ng
Sultanate of Sulu noong Agosto 20,1899.
A. Kasunduang Bates C. Kasunduan sa Naic
B. Kasunduan sa Biak-na-Bato D. Kasunduan sa Paris

______19. Si _____________________ay kinikilala bilang pinakamahusay na Pilipinong heneral sa kaniyang panahon at


namuno sa Hukbong Sandatahan ng Himagsikang Pilipino.
A. Antonio Luna B. Gregorio del Pilar C. Miguel Malvar D. Macario Sakay

______20. Nahirang na brigadyer heneral si __________________ nang sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano. Isa
rin siya sa mga huling heneral na sumuko sa mga Amerikano.
A. Antonio Luna B. Gregorio del Pilar C. Miguel Malvar D. Macario Sakay

______21. Alin sa mga sumusunod ang naging ambag ni Hen. Miguel Malvar sa Digmaang Pilipino-Amerikano?
A. Nagtanggol sa sa Pasong Tirad.
B. Itinatag niya ang Academia-Militar.
C. Naging kinatawan sa Philippine Assembly
D. Inako ang responsibilidad ng pamumuno ng hukbong Pilipino.

______22. Kilala bilang “Matang Lawin” naging mahusay na pinuno at estratego ng mga rebolusyonaryo. Naging
kinatawan sa Philippine Assembly.
A. Apolinario Mabini B. Gregorio del Pilar C. Isidoro Torres D. Emilio Aguinaldo

______23. Itinuring siyang “Utak ng Himagsikang Pilipino.” Siya ang naging tagapayo ni Aguinaldo sa panahon ng
rebolusyon kung kaya’t siya ay nakilala bilang “Dakilang Lumpo”.
A. Apolinario Mabini B. Gregorio del Pilar C. Isidoro Torres D. Emilio Aguinaldo

______24. Ang mga sumusunod ay mga nagawa ni Hen. Antonio Luna para sa Pilipinas. MALIBAN SA ISA.
A. Pinamunuan niya ang pakikipaglaban sa mga Espanyol sa pamamagitan ng pagtatatag ng Kilusang Katipunan
B. Sumapi sa Kilusang Propaganda na humihingi ng pagbabago sa mapayapang pamamaraan
C. Pinamunuan niya ang Jukbong Sandatahan ng Himagsikang Pilipino.
D. Itinatag niya ang Academia Militar.

______25. Alin sa mga sumusunod ang HINDI ginawa ni Isidoro Torres?


A. Bumuo ng pangkat ng Katipunan sa Bulacan.
B. Hinarang ang mga Espanyol sa Ilog ng Masukol
C. Lumaban sa Maynila sa ilalim ng pamumuno ni Antonio Luna.
D. Nakipagkasundo sa mga Espanyol para sa kalayaan ng bansa.

You might also like