You are on page 1of 9

Depatment of Education

Region VI – Western Visayas


Department of Education
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Capiz

Paunang Pagsubok sa Araling Panlipunan 6

Panuto: Basahing mabuti ang mga isinasaad sa pangungusap at lagyan ng tamang sagot ang mga
patlang. Piliin ang tamang kasagutan sa mga sumusunod na pagpipilian.

1. Nang magbukas ang Suez Canal nagkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na umunlad ang
pamumuhay, napag-aral nila ang kanilang mga anak sa Maynila at Espanya. Isa sa mga bagong
ideya na nakuha nila ay ang kaisipang _____________________________.
A. literal C. liberal
B. federal D. demokratikal

2. Ang mga Pilipinong nakapag-aral sa Europa ay nakaranas ng malayang pamumuhay na hindi


nila naramdaman sa sariling bansa. Kasabay ng pagkamulat nila ay ang pag-usbong din nang
damdaming ____________________________________ upang makamit ang kalayaan.
A. demokratiko C. liberalism
B. Nasyonalismo D. federalism

3. Nang itinatag ng mga ilustrado ang kilusang Propaganda, ay ginamit nila ang talas ng talino at
tatag ng damdamin upang makamit ang kalayaan. Gumamit sila ng lapis, pluma, papel at
karunungan na ang tanging layunin ay __________________________________________.

A. maipaabot sa mga Espanyol na baguhin ang pamamahala ng mga ito sa Pilipinas sa


mapayapang paraan ng pagbabago.
B. bigyan sila ng mg Espanyol nang marangal na kabuhayan sa sariling bayan.
C. magkaroon sila ng karapatan na mag negosyo sa labas ng bansa.
D. hayaan sila na makalabas ng bansa anumang oras na gusto nila.

4. Kagaya ng Propaganda, ang katipunan ay naitatag din ng mga Pilipinong may iisang layunin
at iyan ay makamtan ang kalayaan. Ngunit salungat sa pamamaraan ng Propaganda ang
katipunan ay hangad makamit ang minimithing kalayaan sa pamamaraang _______________.
A. dayalogo C. pag-rally
B. himagsikan D. pagdebate

5. Dahil sa malagim na pagkatuklas ng mga Kastila sa katipunan noong Agosto 19, 1896,
nagkita-kita ng palihim ang mga kasapi nito na pinamunuan ni Andres Bonifacio sa isang tagong
lugar sa Caloocan. Pinangunahan ni Bonifacio ang pagpunit ng kanyang sedula bilang hudyat ng
_____________________.
A. pagsuko ng mga Pilipino sa mga kastila
B. pagsimula ng himagsikan
C. pagkakawatak-watak ng mga katipunero
D. pagtatago ng mga kasapi ng katipunan

6. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga pinuno ng samahan sa kanilang pagpupulong


sa Cavite, sa kumbensiyong pinamumunuan ni Bonifacio. Tinutulan ni Daniel Tirona ang
pagkakahalal kay Bonifacio bilang Direktor Panloob sa nangyaring halalan sa kumbensiyon,
kaya ang ginawa ni Bonifacio ay _____________________.

A. tinanggap na lamang ang resulta ng halalan sa kumbensiyon


B. hinayaan nalang na palitan siya sa puwesto
C. pinawalan niya ng saysay ang mga nangyari sa kumbensiyon at galit na nilisan kasama ang
mga kasapi nito.
D. naghanda na lamang sa pakikipaglaban

7. Upang mawakasan ang lumalaking hidwaan sa gitna ng mga Espanyol at Pilipino, nagkusang
loob si Pedro A. Paterno na mamagitan, at sinang ayunan ito ni Heneral Primo de Rivera. Nabuo
ang kasunduang Biak-na-Bato. Ngunit dahil sa kawalan ng tiwala ng bawat panig ang kasunduan
ay ________________________.

A. hindi nagtagumpay C. naging produktibo


B. pinawalang saysay D. naging matagumpay

8. Marami sa mga kabiyak ng mga katipunero ay naging kasapi rin ng katipunan. Malaki ang
naging partisipasyon nila sa samahan sa pakikipaglaban upang makamit ang kalayaan. Isang
halimbawa ang ____________________________.

A. pagsama sa pakikipaglaban sa mga kastila


B. pagtulong sa paggamot at pagpapakain sa mga sugatan at maysakit na kasapi ng samahan
C. pagtatago ng mga baril at mahahalagang dokumento ng samahan
D. lahat ng sagot na nabanggit ay tama

9. Ang Hunyo 12, 1898 ay isang napakahalagang petsa sa kasaysayan ng Pilipinas. Sa petsang ito
unang itinaas ang bandila ng Pilipinas. Una ring ipinatugtog ang musikang Marcha Filipina
Magdalo na ngayon ay kilala bilang Lupang Hinirang. Ito rin ang unang pagkakataon na isang
Pilipino ang namumuno sa sariling bansa. Ang makasaysayang kaganapan na ito ay __________.

A. deklarasyon ng kasarinlan ng Pilipinas


B. pagkapanalo ng mga katipunero sa digmaan
C. pagkalas ng Pilipinas sa kolonya ng Espanya
D. pagsuko ng mga rebolusyonaryong Pilipino sa mga kastila
10. Ang unang putok sa pagkakabaril at pagpatay ng sundalong Amerikano na si Private Robert
W. Grayson sa isa sa apat na Pilipinong sundalo na naglalakad sa Kalye Sociego, Sta. Mesa,
Maynila noong Pebrero 4, 1899, ang naging hudyat ng __________________________.

A. pagsanib puwersa ng Pilipino at Amerikano sa digmaang pandaigig


B. simula ng digmaang Pilipino –Amerikano
C. pagtatapos ng digmaang Amerikano at Pilipino
D. pagpapaubaya ng mga Pilipino sa Amerikano sa digmaan

11. Ang bata at magiting na heneral na si Gregorio M. del Pilar ay namatay sa Labanan sa Tirad
Pass kasama ang 54 na kawal na sundalong Pilipino. Ang dahilan ng pagkabaril at naging sanhi
ng maagang kamatayan ng magiting na Heneral ay ________________________________.

A. pagkawalang kakayahan ng mga sundalong Pilipino na makipagsabayan sa labanan


B. kawalan ng mga armas na gagamitin laban sa mga sundalong Amerikano
C. ang pagtatanggol kay Emilio Aguinaldo sa pamamagitan ng paghadlang sa mga sundalong
Amerikano na tumutugis sa pinuno ng Republika
D. walang tamang kasagutan

12. Isa sa pinakamalagim na pagkatalo na naranasan ng mga sundalong Amerikano laban sa mga
sundalong Pilipino ay ang nangyaring labanan sa Samar, kung saan ang pagtunog ng kampana ng
Balangiga ang siyang naging hudyat upang lumabas at lumaban ang mga Pilipino laban sa mga
Amerikano na matagumpay nilang nagapi. Dahil dito, isang manunulat na Amerikano ang
sumulat sa trahedyang ito at tinawag na ________________________________.

A. labanan sa Samar C. Balangiga Massacre


B. labanan sa Balangiga D. mga kampana ng Balangiga

13. Isa sa may pinakamalaking ambag sa ating kalayaan ay ang ating pambansang bayani na si
Jose Rizaal. Hindi siya gumamit ng dahas upang pukawin ang damdaming Makabayan ng mga
Pilipino, bagkos ginamit niya ang talino sa pamamagitan ng pagsulat ng dalawang aklat na
tumutuligsa sa pamamaraan ng pamamahala ng mga Espanyol noong panahon ng pananakop ng
Espanya sa Pilipinas. Ang mga aklat na ito ay ______________________________________.

A. Noli Me Tangere at El Filibusterismo C. Diariong Tagalog


D. El Pensamiento at La Solidaridad D.Florante at Laura

14. Isa rin sa propagandista at satiristang Pilipino ay si Marcelo H. Del Pilar. Dahil sa kanyang
pagkadalubhasa sa Tagalog nagawa niyang pukawin ang kamalayan ng masa para sa pagkakaisa
upang ipalaganap ang demokratikong liberal na ideya sa mga magsasaka at magbubukid. Itinatag
niya ang pahayagang _____________________________________.

A. La Solidaridad C. The Filipino Farmers


B. The Philippine Herald D. Diariong Tagalog
15. Si Andres Bonifacio ay bayaning Pilipino na kilala sa kanyang katapangan. Siya ay isang
Pilipinong rebolusyonaryo at bayani na nagtatag ng Kataas-taasang Kagalanggalangang
Katipunan ng mga anak ng bayan. Siya ay kinilalang ____________________________.

A. utak ng katipunan
B. utak ng himagsikan
C. “Ama ng Himagsikan at Rebolusyonaryong Pilipino”
D. Ama ng Wikang Pambansa

16. Galing sa mahirap na pamilya at hindi nakapag-aral, sa pamamagitan ng sariling sikap ay ay


tinulungan niya ang sarili na magbasa at magsulat. Sa edad na 84 taon naipakita niya ang
kanyang kabayanihan sa panahon ng rebolusyon noong 1896, sinikap niyang makatulong sa mga
Pilipinong nakipaglaban sa mga mapang-aping Espanyol. Siya ay si Melchora Aquino o mas
kilala sa tawag na ___________________________________.

A. Aling Sora C. Tandang Sora


B. Lola Sora D. Inang Sora

17. Isa siya sa bayaning nakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas laban sa mga Espanyol at
Amerikano. Siya rin ang isa sa pinakabatang Heneral na naging pangulo ng Republika ng
Pilipinas at siyang unang nagwagayway ng pinakaunang bandila na nagpapakita ng kalayaan ng
Pilipinas. Siya ay si _____________________.

A. Emilio Jacinto C. Evilio Javier


B. Emilio Aguinalo D. Andres Bonifacio

18. Sa pagdating ng mga Amerikano sa ating bansa ay nagwakas din ang mahigit tatlong daang
taong pagka alipin nito sa mga Espanyol. Maraming pagbabago ang nangyari. Isa rito ay
pagbabago ng uri ng Pamahalaan na may layuning kapayapaan, kaayusan at katahimikan ng
bansa. Ang pamahalaang ito na pina-iral ni Pangulong William McKinly ay ______________.

A. Pamahalaang Parlaimentaryo C. Pmahalaang Republika


B. Pamahalaang Demokratiko D. Pamahalaang Militar

19. Naniniwala ang pamahalaang Amerikano na sa pamamagitan ng Pamahalaang ipinatupad


nila ay makukuha nila ang tiwala ng mga Pilipino. Sa gayon ay mapaunlad ng mga Pilipino ang
kanilang pamumuhay at makapagtatag sila ng sariling pamahalaan. Ang patakarang ito ay
_______________.

A. Military Tribunal C. Treaty of Paris


B. Benevolent Assimilation D. Schurman Commission

20. Upang mapatunayan na handa na ang Pilipinas sa pagsasarili at pagiging malaya maraming
nagawang batas ang mga Pilipino sa itinatag na Asamblea. Una ay ang Batas Gabaldon tungkol
sa pagpatayo ng mga paaralan sa buong Pilipinas at Batas bilang 1820 na nagtatag ng
Universidad ng Pilipinas. Ang Asamblea na ito ay pinamunuan nina Sergio Osmena Sr. bilang
Ispiker at Manuel L. Quezon bilang lider ng Mayorya. Ito ay _____________________.

A. Asamblea ng Pilipinas C. Schurman Assembly


B. Asamblea ng Amerika D. Cooper Assembly

21. Ang matagal nang inaasam ng mga Pilipino na magkaroon ng karapatan na pamunuan ang
sariling pamahalaan ay nakamit ng itinatag ang Pamahalaang Komonwelt. Maraming
napatunayan ang mga namamahala rito sa pangunguna nina________________________.

A. Manuel Luis Quezon at Sergio Osmena


B. Manuel Colayco at Luis Malvar
C. Emilio Aguinaldo at Raymundo Melliza
D. Gregorio Aglipay at Norberto Nabong

22. Pagkatapos mailuklok sa puwesto si Pangulong Quezon sa Pamahalaang Komonwelt agad


niyang sinimulan ang kanyang mga tungkulin. Isa rito ay ang pagtatag ng “Surian ng wikang
Pambansa,”sa pamamagitan ng Batas Blg. 184 ay nagsagawa ng pag-aaral sa Pambansang Wika.
Naging batayan ang Tagalog sa pagbuo ng wikang Pilipino. Dahil dito itinuring na
_________________ si Pangulong Quezon.

A. Ama ng Komomwelt C. Ama ng Wikang Pambansa


B. Ama ng Tagalog D. Ama ng mga Wika

23. May malaking naiambag ang pagpapanatili ng mga Amerikano sa ating bansa. Halimbawa ay
ang pagbabago sa transportasyon at inprastraktura, sa kalusugan at marami pang iba. Ngunit ang
pinakamahalaga nilang nagawa sa bayan ay ang reporma sa edukasyon. Nagtakda ng libreng
pag-aaral sa mga paaralang bayan sa ilalim ng panukalang ______________________________.

A. Komisyong Komonwelt C. Komisyong Sibil


B. Komisyong Amerikano D. Komisyong Taft

24. Dahil sa naganap na tensiyon sa pagitan ng Estados Unidos at Japan nasangkot ang Pilipinas
dahil nasailalim pa ito ng mga Amerikano. Pagkatapos bombahin ng mga Hapones ang Pearl
Harbor sa Hawaii isinunod nila ang pagbomba sa ilang base militar sa Pilipinas. Dumating din
ang kanilang hukbong pandagat. Sa kagustuhang maipagtanggol ang bayan, ang mga sundalong
kabilang sa USAFFE ay ___________________________________________.

A. buong tapang na nakipaglaban sa mga Hapones kabalikat ang hukbong Amerikano


B. sumuko na lamang sila kasama ang mga Amerikanong sundalo
C. pinabayaan nilang lumaban ang mga Amirikanong sundalo
D. walang ginawa ang mga sundalong Pilipino

25. Maraming ulit na naipagtanggol ng USAFFE ang Bataan ngunit ang maraming pagkamatay
ng mga sundalo dahil sa sakit at gutom ang siyang nagbunsod upang tuluyang mapasok ang
______________________________.
A. “Rock of Bataan” C. Tirad Pass
B. Abucay Line D. Pamitinan Cave

26. Ang pagpapamartsa ng mga Hapones sa mga sundalong Amerikano at Pilipino ay nangyari
nang bumagsak ang Bataan. Pinalakad nila ang mga sundalo mula sa Mariveles hanggang San
Fernando, Pampanga ay nagresulta sa pagkapagod, pagkagutom at pagkakasakit ng maraming
sundalo na naging dahilan ng kanilang pagkamatay. Ang malupit na pagpapalakad sa mga
sundalo ay tinawag na ___________________________.

A. Bataan March C. La Marcha de Bataan


B. Pampanga March D. Death March

27. Noong Mayo 6, 1942 ay isinuko ng Amerikanong Heneral ang Corrigidor sa kamay ng mga
Hapones dahilan sa wala na silang magagawa pa upang ipagtanggol ang isla dahil nakubkob na
ito ng mga Hapones. Ang pangalan ng Amerikanong Heneral na siyang nagsuko sa Corrigidor ay
si ______________________.

A. Hen. William Taft C. Hen. Jonathan Wainwright


B. Hen. William Sharp Jr. D. Hen. Arthur McArthur

28. Isa sa mga patakaran na ipinatupad ng mga Hapones ay ang hangarin na gamitin ang
eukasyon upang burahin ang kaisipang maka-Amerikano ng mga Pilipino.Ngunit nagkaroon ng
mabuting epekto sa mga Pilipino ang patakarang ito dahil _______________________.

A. nalinang ang pagiging makabansa ng mga Pilipino


B. naging palaban ang mga Pilipino
C. naging aktibo sila sa klase
D. naging masunurin sila sa mga Hapones

29. Sa kabila ng maraming pagkatalo sa labanan hindi rin natigil ang mga Pilipino sa mithiin na
makamit ang kalayaan. Kaya’t namundok at nagtago sila sa kabundukan. Palihim na bumuo sila
ng kilusan laban sa mga Hapones. Isa sa mga ito ay ang kilusan na binubuo ng mga magsasaka
sa Gitna at Katimugang Luzon. Pinamunuan ni Luis Taruc ang pagtatag sa kilusang ito at
tinawag na __________________________.

A. Gerilya ng Luzon C. HukBaLaHap


B. Polisya ng mga Gerilya D. MakaPili

30. Maraming Pilipino ang nagbuwis ng buhay makamit lamang ang tinatamasa natin ngayong
kalayaan. Mayroong naghawak ng sandata, o di kaya’y ginamit ang katalinuhan,ang iba nama’y
nagsakripisyong magsilbi sa mga sugatang sundalo. Mayroon din na ginamit ang yaman upang
ipangtustus sa iisang adhikain na walang iba kundi ang makamit ang kalayaan. Nawala man sila
ngunit ang mga kontribusyong ginawa nila ay mananatili sa ating ala-ala at nararapat lamang na
pahalagahan natin sa pamamagitan ng ______________________________.
A. pag-aalay ng bulaklak sa kanilang monumento tuwing araw ng kagitingan
B. pagbibigay pugay kahit sa kanilang mga larawan man lamang
C. pagpapahalaga sa mga gawaing naiambag nila upang makamit ang kalayaan
D. lahat ng kasagutang nabanggit ay tama

31. Pagkatapos ng digmaan naging suliranin at malaking hamon ang kinaharap ng pamahalaan
lalo na ang pagbagsak ng ekonomiya ng bansa at kawalan ng hanapbuhay ng mga mamamayan.
Malaki rin ang kakulangan ng puhunan kaya nahirapan ang mga negosyante na ibangon ang
ekonomiya. Kaya’t bilang tugon sa kahirapan sinikap ng pamahalaan na matugunan ang
suliraning ito sa pamamagitan nang _______________________________________.

A. pagbigay ng pangangailangan ng mga Pilipino gaya nang pagkain, itlog,arina,keso at iba pa


na galing sa ibang bansa.
B. hinayaan na lamang silang mamuhay sa paraang kaya nila
C. pinabayaan silang magnakaw upang may ipangtustos sa araw-araw
D. pinagtrabaho sila upang may kapalit na sweldong makuha

32. Isa sa suliranin na hinarap ng administrasyong Quirino ay ang paglala ng kaayusan at


katahimikan na dala ng mga Huk. Napilitang gamitan ng dahas ng administrasyon ang mg Huk
upang matigil sa kanilang gawain. Sa tulong ng programang inilunsad ni Magsaysay napasuko
nila ang mga Huk. Ang tawag sa pogramang ito ay________________________________.

A. NARIC C. RFC
B. EDCOR D. NAFCO

33. Isa sa mga tungkulin ng pamahalaan ang pangalagaan at ipagtanggol ang teritoryo ng
Pilipinas. Kaya’t sinumang banyaga ang magkainteres nito ay kailangang mabantayan ng
ahensiyang kinauukulan at ito ay ang ahensiya ng _________________________________ .

A. DENR C. BIR
B. COMELEC D. DFA, at Sandatahang Lakas ng Pilipinas

34. Malaking hamon sa ilalim ng Batas Militar ang pagkakaroon ng katahimikan. Maraming
mamamayan ang nag-aalsa dahil sa ________________________________.

A. naging mabait ang mga sundalo sa mamamayan


B. tama ang ginagawa ng mga sundalo na maging mahigpit sa mamamayan
C. naging magiting ang mga sundalo
D. naging mapang abuso ang mga military o sundalo

35. Hindi lamang ang katagalan ng Batas Militar ang nag-udyok sa mga Pilipino na manumbalik
ang demokrasya kundi pati na ang pagwakas sa mga karahasang nagaganap gaya ng pagpatay
kay Ninoy Aquino, pagbagsak ng ekonomiya at marami pang iba. Dahil sa kaganapang ito nabuo
ang __________________.

A. Demokratikong Pag-rally
B. Pag-aalsa sa Mendiola
C. People Power 1
D. Pagbabarekada sa EDSA

36. Sa pamamagitan ng People Power sa EDSA naibalik ang Demokrasya sa Pilipinas. Kung
saan nalasap muli ng mga Pilipino ang kasarinlan at kalayaan lalo na sa pamamahayag. Maaari
nating mapanatili at mapahahalagahan ito sa pamamagitan ng _____________________.

A. pagbibigay ng prayoridad upang maiangat ang pamumuhay ng mga Pilipino sa


pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho at mapagkakakitaan nila upang may pangtustos sa araw-
araw na pangangailangan nila.
B. pagsasawalang kibo ng pamahalaan sa kanilang mamamayan
C. Hayaan na lamang na mamuhay ang mga mamamayan sa kahirapan
D. Huwag na lang pakinggan ang mga hinaing ng mamamayan

37. Sa mga suliraning kinakaharap ng Pamahalaan mula 1986 hanggang sa kasalukuyan ,


pinakamalubha at halos walang kasagutan na matugunan ay ang ___________________.

A. kawalan ng trabaho
B. terrorismo
C. pandemya
D. kahirapan at digmaan

38. Isa sa mga usaping kontemporaryong isyu ay tungkol sa West Philippine Sea. Ang isyung ito
ay tumutukoy sa usaping ______________________________.

A. Panlipunan C. Pampulitika
B. Pangkapaligiran D. Pangkabuhayan

39. Ang isyu naman na tungkol sa druga ay napapasailalim sa kontemporaryong isyu


na________________________________.

A. Panlipunan C. Pampolitika
B. Pangkapaligiran D. Pampolitika

40. Isa sa gampanin ng pamahalaan ang patatagin ang kabuhayan ng mga mamamayang Pilipino
at iyan ay mangyayari sa pamamagitan ng pagpapatupad ng iba’t-ibang hakbang at programa
tungkol sa _______________________________.

A. Pambansang Seguridad C. Katatagang Politikal


B. Katatagang Pang-ekonomiya D. Kapakanang Pansibiko

You might also like