You are on page 1of 6

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 6

Pangalan :_____________________________________________ Iskor: _____________________


Guro:___________________________________________ Petsa:_____________________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago
ang bilang.

____1. Ano ang pinakamahalagang pangyayari na nagpaigting sa galit ng mga Pilipino


sa mga Español?
A. Pag-aalsa sa Cavite C. Pagbabayad ng buwis
B. Pagbukas ng Suez Canal D. Paggarote sa tatlong paring martir

____2. Ano ang tawag sa kaisipang galing sa Europa na nagpapakita ng kalayaan sa


pagpapahayag ng damdamin at kaisipan?
A. Enlightenment C. Panahon ng Kalayaan
B. Kaisipang Liberal D. Panahon ng Kaigtingan

____3. Ano ang tawag kina Jose Burgos, Mariano Gomez, at Jacinto Zamora?
A. Hudyo C. Principalia
B. Ilustrados D. Ang tatlong paring martir

____4. Bakit binitay sina Padre Gomez, Burgos, at Zamora?


A. Napagbintangan sila na pinamunuan nila ang pag-aalsa sa Cavite.
B. Hinikayat nila ang mga paring Pilipinong mag-alsa laban sa pamahalaan
C. Nahuli silang nagpupulong at nagpaplanong pabagsakin ang pamahalaan
D. Napagbintangan silang nakipagsabwatan upang pabagsakin ang pamahalaang
Español

____5. Bakit mahalaga ang pagbukas ng Suez Canal?


A. Dahil naging mahal ang bilihin
B. Dahil naging mayaman ang Pilipinas
C. Dahil nakarating sa atin ang kaisipang liberal
D. Dahil naging matagal ang paglalakbay mula Maynila patungong Spanya

____6. Paano natin maipapakita ang damdaming nasyonalismo?


A. Pakikiisa at pagtataguyod ng mga pagbabago sa lipunan
B. Pag-alis sa bansa sa panahon ng krisis
C. Makiisa sa mga programa ng Espanyol
D. Makipag-away sa kapwa Pilipino

____7. Ano ang naging bunga ng pagkakaroon ng pandaigdigang kalakalan?


A. Maraming mga Pilipino ang umunlad ang pamumuhay.
B. Nagkaroon ng pagbabago sa pamahalaan.
C. Naging malupit ang mga Español
D. Maraming Pilipino ang naghirap.

____8. Sino ang namuno sa kilusang Propaganda?


A. Jose Rizal C. Emilio Aguinaldo
B. Emilio Jacinto D. Apolinario Mabini

____9. Anong samahan ang itinatag ng mga Pilipinong kabataan na naliwanagan o tinatawag
na ilustrados?
A. Katipunan C. Panggitnang-uri
B. Sekularisasyon D. Kilusang Propaganda

____10. Ano ang lihim na kilusan na naglalayong wakasan ang pananakop ng mga Español sa
pamamagitan ng puwersa o lakas?
A. La Liga Filipina C. Propaganda
B. Katipunan D. Sekularisasyon

____11. Ang Katipunan ay tinatawag din na Kilusang KKK. Ano ang kahulugan ng KKK?
A. Kabataan, Kasamahan, Katipunan ng mga taong bayan
B. Kataas-taasang, Kagitingang, Katipunan ng mga Anak ng Bayan
C. Kataas-taasang, Kagalang-galangang, Kalipunan ng mga Anak ng Bayan
D. Kataas-taasang, Kagalang-galangang, Katipunan ng mga Anak ng Bayan

____12. Alin sa sumusunod ang layunin ng Katipunan?


A. Makamit ang kalayaan sa pamamagitan ng eleksiyon
B. Makiisa ang mga Pilipino sa mga pagbabagong nais ng mga Español
C. Wakasan ang pananakop ng mga Español sa pamamamgitan ng lakas
D. Makamit ang pagbabago sa pamamahala sa bansa sa panulat na paraan

____13. Ano ang idinulot ng kawalang pagkakaisa ng mga lider sa himagsikan?


A. katiwalian B. tagumpay C. kabiguan D. kapangyarihan

____14. Kasama sa walong lalawigan na nag-alsa noong panahon ng himagsikan ang


Cavite, Laguna, Maynila, Bulacan, Tarlac, NuevaEcija, Pampanga, at______________.
A. Batangas B. Quezon C. Romblon D. Mindoro Oriental

____15. Paano nabunyag ang lihim ng Katipunan?


A. Nahanap ang sikretong dokumento.
B. Nadiskubre ng mga guwardiya sibil.
C. Ikinuwento ng isang miyembro ng Katipunan.
D. Nahuli sila ng mga Espanyol na naghahanda sa paglusob.

____16. Ano ang ginawa ng mga Katipunero matapos mabunyag ang lihim na kilusan sa mga
Espanyol?
A. Umalis at nagtungo sa ibang bansa.
B. Nagtago at naghanda para sa himagsikan.
C. Nagtago at humina ang loob para lumaban.
D. Nakipagtulungan sa mga Espanyol at nangakong magbabago.

____17. Sa Kumbensiyon sa Tejeros naihalal si Andres Bonifacio bilang _________.


A. pangulo C. direktor ng interyor
B. kapitan-heneral D. direktor ng digmaan

____18. Sino ang tumutol na bigyan ng puwesto si Andres Bonifacio sa Pamahalaang


Rebolusyonaryo?
A. Daniel Tirona C. Mariano Trias
B. Candido Tirona D. Emilio Aguinaldo

____19. Saan nagtungo si Aguinaldo at ilang pinuno ng kilusan pagkatapos mapairal ang
kasunduan na pansamantalang nagdulot ng kapayapaan?
A. Tsina B. Hapon C. Hong Kong D. Estados Unidos

____20. Magkano ang halaga na pinangako ng Espanya na ibigay sa Pilipinas upang mahinto
ang labanan?
A. Php1,500,000 B. Php1,600.000 C. Php1,700,000 D. Php1,800,000

____21. Magkano lamang ang ibinayad ng Espanya sa mga Pilipino na naging dahilan ng hindi
pagsunod ng mga Pilipino sa Kasunduan?
A. Php 200,000 B. Php 400,000 C. Php 600,000 D. Php 800,000
____22. Ano ang ginawa ng mga Pilipino sa hindi pagtupad sa kasunduan sa Espanya?
A. Nagpakumbaba na lamang
B. Hindi pagbayad ng Php1,500,000
C. Hindi pagbayad ng Php1,700,000
D. Hindi pagbalik ng mga armas sa Espanya

____23. Siya ay kilala sa tawag na “Tandang Sora”.


A. Trinidad Tecson C. Melchora Aquino
B. Marcela Agoncillo D. Gregoria de Jesus

____24. Sila ang mga nagtago ng mga mahahalagang dokumento ng samahan ng Katipunan.
A. Kastila C. Kababaihan
B. Kalalakihan D. Amerikano

____25. Siya ay isang katipunera na naging kabiyak o asawa na tinaguriang lakambini ng


katipunan.
A. Marcela Agoncillo C. Lorenza Agoncillo
B. Gregoria de Jesus D. Josefina Natividad

____26. Siya ay binansagang “Joan of Arc ng Kabisayaan”.


A. Gregoria de Jesus C. Marina Santiago
B. Melchora Aquino D. Teresa Magbanua

____27. Isa siya sa iilang kababaihan na humawak ng armas at nakipaglaban kasama ng


kalalakihan sa rebolusyon sa Bulacan.
A. Josefa Rizal C. Melchora Aquino
B. Gregoria de Jesus D. Trinidad Tecson

____28. Kailan ipinahayag ang kasarinlan ng Pilipinas?


A. Hunyo 4, 1898 C. Hulyo 4, 1898
B. Hunyo 12, 1898 D. Hulyo 12, 1898

____29. Sino ang hinirang bilang Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas?


A. Hen. Emilio Aguinaldo C. Apolinari Mabini
B. Hen. Emilio Jacinto D. Pedro Paterno

____30. Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ni Aguinaldo noong Mayo 24, 1898?
A. Pamahalaang Federal C. Pamahalaang Republika
B. Pamahalaang Diktatoryal D. Pamahalaang Rebolusyonaryo

____31. Itinatag ang HongKong Junta na ang mga kasapi ay kumakatawan sa iba’t ibang bansa.
Sino ang nahirang bilang kinatawan sa Australia?
A. Felipe Agoncillo C. Mariano Ponce
B. Antonio Regidor D. Edilberto Zarcal

____32. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nakasaad sa Saligang Batas ng Malolos?
A. Libreng edukasyon sa España.
B. Pagkilala sa karapatan ng bawat tao.
C. Paghihiwalay ng simbahan at estado.
D. Probisyon tungkol sa kapangyarihan ng ehekutibo, lehislatura, at hukuman.

____33. Sino ang nag-utos na patayin ang lahat ng mga lalaking nasa edad 10 pataas sa
Balangiga, Samar?
A. Hen. Jacob Smith C. Cap. Thomas Conwell
B. Maj. Littleton Walker D. Lt. Cl. Malcom Adams

____34. Sino ang Amerikanong unang nagpaputok sa panulukan ng Silencio at Sociego, Sta.
Mesa?
A. William Grayson C. Littleton Waller
B. Anastacio Felix D. Gregorio Del Pilar

____35. Kailan pinasinayaan ang Unang Republika sa Malolos, Bulacan?


A. Enero 23, 1897 C. Enero 23, 1899
B. Enero 23, 1898 D. Enero 23, 1900

____36. Kailan naganap ang makasaysayang pangyayari sa panulukan ng Silencio at Sociego,


Sta. Mesa na naghudyat ng hindi pagkakaintindihan sa panig ng Amerikano kaya
nilusob nila ang hukbong Pilipino?
A. Enero 22, 1898 B. Marso 5, 1899 C. Pebrero 4, 1899 D. Enero 21, 1899

____37. Sinong Igorot ang nagturo sa mga Amerikano ng isang lihim na daanan papunta sa itaas
ng bundok na kung saan nagtatago ang hukbo ni Gregorio Del Pilar?
A. Januario Galut C. Fermin Jaudenes
B. Felipe Calderon D. Vicente Lukban

____38. Ang pagpatay ng maraming gerilya, sibilyan, mga bata at pagsunog ng mga ari-arian ng
mga taga Balangiga ay napakasakit na pangyayari ng ating kasaysayan. Ano ang tawag
sa pangyayaring ito?
A. Pista ng Balangiga C. Yugto ng Balangiga
B. Labanan sa Balangiga D. Masaker sa Balangiga

____39. Sino ang matapang na heneral sa hukbo ng mga Pilipino sa Unang Republika ng Pilipinas
na lumaban sa panig ng Maynila pagkatapos idineklara ni Aguinaldo ang laban sa mga
Amerikano?
A. Heneral Juanario Galut C. Heneral Emilio Jacinto
B. Heneral Antonio Luna D. Heneral Gregorio H. del Pilar

____40. Bakit itinuring na bayani si Hen. Miguel Malvar sa panahon ng Digmaang-Pilipino-


Amerikano?
A. Kumakampi siya sa mga kaaway.
B. Ipinagkanulo niya ang mga kapwa Pilipino.
C. Tumakas siya ng palihim tuwing may kalaban.
D. Lumaban siya ng buong tapang sa mga kaaway.

____41. Bakit naging makasaysayan ang Balangiga Battle sa mga sundalong Pilipino?
A. Nakatakas ang maraming sundalong Pilipino sa labanang ito.
B. Nakatanggap ng malaking pabuya ang mga sundalong Pilipino
C. Nakatanggap ng ayuda ang mga sundalong Pilipino sa Amerika.
D. Natalo ang mga Amerikano sa nangyaring labanan sa Balangiga.

____42. Paano naghiganti ang mga Amerikano sa mga Pilipino sa naganap na Balangiga
Massacre?
A. Pinalayas lahat ng mga Pilipino sa bayan ng Balangiga.
B. Pinaputukan at sinunog ang buong bayan ng Balangiga.
C. Pinagtataga lahat ng mga lalaking Pilipino sa bayan ng Balangiga.
D. Pinapatay ang mga batang lalaking may gulang na sampung taon pataas at
pinasunog ang buong bayan.
____43. Anong pangyayari ang sumira sa relasyon ng Amerikano at Pilipino?
A. Ang hindi pagbabayad ng buwis ng mga Pilipino.
B. Ang pagbaril sa isa sa apat na Pilipinong sundalo.
C. Ang hindi pagsunod ng mga Pilipino sa kautusan ng Amerikano.
D. Ang pagwasak o pagkasira ng kuta ng mga sundalong Amerikano.

____44. Paano tinulungan ni Heneral Gregorio del Pilar si Pangulong Emilio Aguinaldo na
matakasan ang mga humahabol na Amerikanong sundalo para dakpin siya?
A. Itinago niya ang Pangulo sa isang sekretong yungib.
B. Isinakay niya ang pangulo sa isang eroplano patungong Australia.
C. Isinakay niya ang Pangulo sa isang submarino patungong Hongkong.
D. Matapang niyang hinarap at pinaputukan ang mga humahabol na sundalong
Amerikano.

____45. Anong katangian ang ipinakita ng mga taong bayan sa Balangiga sa tagumpay na
pakikibaka sa mga sundalong Amerikano?
A. Maayos na ang mga armas ng mga Pilipino.
B. Nagpakita ito ng pagkakaisa ng mga Pilipino.
C. Nagpakita ito ng kagitingan at lubos na pagmamahal ng mga Pilipino sa bayan.
D. Pinatunayan nito na ang kakulangan sa pagkakaisa at pagkawatak-watak ng mga
Amerikano.

____46. Siya ang may-akda ng kartilla ng Katipunan at tinaguriang Utak ng Katipunan.


A. Jose Rizal C. Emilio Aguinaldo
B. Emilio Jacinto D. Marcelo H. del Pilar

____47. Si Marcelo H. del Pilar na kilala sa tawag na Plaridel ay nakipaglaban din sa mga Español
upang makamit natin ang kalayaan. Paano niya ito isinagawa? Sa pamamagitan ng ____.
A. pamamahayag
B. armadong pakikipaglaban
C. pakikipagdayalogo sa mga Español
D. pagsasadula sa buhay ng mga Español

____48. Sina Dr. Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar at Graciano Lopez-Jaena ay ilan lamang samga
bayaning Pilipinong nagbuwis ng buhay para sa kalayaan ng ating bansa sa kamayng
mga Español. Ano ang kilusang binuo ng mga nabanggit?
A. KKK C. Kilusang Propaganda
B. Batas Militar D. La Liga Filipina

____49. Isang rebolusyonaryong Filipino, politiko at isang lider ng militar na kinikilala bilang opisyal
na Unang Pangulo ng Pilipinas.
A. Emilio Jacinto C. Emilio Aguinaldo
B. Graciano Lopez Jaena D. Marcelo H. del Pilar

____50. Ang dahilan ng pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Español?


A. Ang labis na pang-aapi at pagmamalabis ng mga Español.
B. Ang hindi pantay na pagtingin ng mga Español sa mga Pilipino.
C. Ang likas na pagnanais o mithiin ng mga Pilipino na maging malaya.
D. Lahat ng nabanggit
GOOD LUCK!

____________________________________ _______________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang Petsa

You might also like