You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN 6

Lagumang Pagsusulit Blg. 2


Unang Markahan
Iskor

Pangalan: ________________________________________________ Baitang at Sekyon: _______________

I. Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inilaang patlang sa bawat
bilang.

__________1) Anong samahan ng mga makabayang Pilipino sa Espanya ang humingi ng pagbabago sa pamamahala
ng mga Español sa pamamagitan ng talumpati at pamamahayag?
A. Katipunan
B. La Liga Filipina
C. Kilusang Propaganda
D. Sekularisasyon

__________2) Sino ang propesor ni Dr. Jose Rizal sa Unibersidad Central de Madrid at masugid na taga-suporta ng
mga propagandista?
A. Miguel Morayta
B. Lucas Padua
C. Jose Bech
D. Ferdinand Blumentritt

__________3) Sa anong sangay ng pamahalaan sa Espanya nais magkaroon ng mga repormista ng kinatawang
Pilipino?
A. Tribunal
B. Cortes
C. Hudisyal
D. Cabeza

__________4) Anong kilusan ang itinatag ni Dr. Jose P. Rizal sa Pilipinas na naglalayong magpatupad ng Reporma?
A. La Liga FIlipina
B. Katipunan
C. Kilusang Propaganda
D. Sekularisasyon

__________5) Alin sa mga sumusunod ang aklat na isinulat ni Rizal tungkol sa nararanasan ng mga Pilipino sa kamay
ng mga Español?
A. Urbana at Feliza
B. Barlaan at Josaphat
C. Doctrina Cristiana
D. El FIlibusterismo

__________6) Alin sa mga sumusunod na pahayag ang TAMA?


A. Nagtagumpay ang mga repormista na makamit ang hinihiling na pagbabago.
B. Walang naitulong ang Kilusang Propaganda sa pagsibol ng damdaming nasyonalismo ng mga
Pilipino.
C. Natupad ang kahilingan ng mga repormista na mailagay ang mga paring sekular sa mga parokya
D. Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas ang isa sa mga layunin ng Kilusang Propaganda.

__________7) Ano ang layunin ng KKK?


A. mapatanyag sa buong daigdig
B. makipagkalakalan sa ibang bansa
C. magkaroon ng Kalayaan mula sa Espanya
D. humingi ng pagbabago sa pamahalaang Espanyol
__________8) Kailan itinatag ang Katipunan?
A. Hulyo 7, 1892
B. Hulyo 7, 1982
C. Hunyo 7, 1892
D. Hunyo 7, 1982

__________9) Bakit kailangang maging lihim ang samahang Katipunan?


A. Para hindi malaman ng mga Espanyol.
B. Para gulatin ang mga Espanyol sa labanan.
C. Para dumami ang miyembro ng Katipunan.
D. Lahat ng sagot ay tama.

_________10) Alin sa mga sumusunod ang nabibilang sa pinakamataas ng antas ng Katipunan?


A. Katipon
B. Bayani
C. Anak ng Bayan
D. Kawal

_________11) Sino ang itinuring na “Ama ng Katipunan”?


A. Emilio Aguinaldo
B. Emilio Jacinto
C. Andres Bonifacio
D. Jose Rizal

_________12) Sino ang tagapayo ni Andres Bonifacio at kinilala bilang Utak ng Katipunan?
A. Jose Rizal
B. Antonio Luna
C. Graciano Lopez-Jaena
D. Emilio Jacinto

_________13) Anong bansag o sagisag ang ginamit ng mga kawal ng Katipunan?


A. Rizal
B. GomBurZa
C. Anak ng Bayan
D. Katipunero

_________14) Paano natuklasan ng mga Espanyol ang lihim ng Katipunan?


A. Nadiskubre ng mga guwardiya sibil.
B. May nagsiwalat sa mga gawain nito.
C. Nag-alsa ang mga myembro nito.
D. Nahanap ang mga sikretong dokumento nito.

_________15) Sino ang Katipunerong nagbunyag ng lihim na samahan ng Katipunan.


A. Pedro Paterno
B. Teodoro Patiño
C. Apolonio dela Cruz
D. Andres Bonifacio

_________16) Sino ang kura-paroko noon ng Tondo na pinagsabihan tungkol sa lihim ng Katipunan?
A. Padre Mariano Gil
B. Padre Jose Burgos
C. Padre Pedro Pelaez
D. Padre Juan dela Cruz

_________17) Sino ang gobernador-heneral na nag-utos para hulihin ang lahat ng mga katipunero matapos na
mabunyag ang lihim nito?
A. Carlos Maria dela Torre
B. Rafael Izquierdo
C. Ramon Blanco
D. Fernando Primo de Rivera

_________18) Bakit hindi naging matagumpay ang paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga Español?
A. Wala itong mahusay na pinuno
B. Hindi malinaw ang layunin nito
C. Kulang sa pagkakaisa ang mga Pilipino
D. Kaunti ang bilang ng mga Pilipino noon

_________19) Sino ang kabiyak ni Andres Bonifacio at tinaguriang “Lakambini ng Katipunan”?


A. Marcela Agoncillo
B. Marina Dizon
C. Honoria Patiño
D. Gregoria de Hesus

_________20) Sino ang tinawag na “Tandang Sora” na gumamot sa mga sugatang Katipunero?
A. Melchora Aquino
B. Josefa Rizal
C. Trinidad Tecson
D. Marina Santiago

_________21) Ano ang ginawa ng mga katipunero matapos na mabunyag ang lihim na kilusan sa mga Espanyol?
A. Nagtago at humina ang loob para lumaban.
B. Nakipagtulungan sa mga Espanyol at nangakong magbabago.
C. Sumuko at itunuro ang iba pang kasapi ng katipunan.
D. Nagtago at naghanda para sa himagsikan.

_________22) Nang mabunyag ang kilusang Katipunan, tinipon agad ni Andres Bonifacio ang mga katipunero sa
Pugad Lawin at nagkaisa silang punitin ang kanilang mga sedula. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Naghudyat nang simula ng himagsikan
B. Nagpahiwatig ng kanilang pagsasarili
C. Nagbadya ng kanilang pakikiisa sa mga Espanyol
D. Nagtakda ng pakikipag-usap sa mga Espanyol

_________23) Ano ang sinisimbolo ng 8 sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas.


A. Unang 8 bayaning Pilipino na lumaban sa mga Espanyol.
B. Unang 8 lalawigang lumaban sa mga Espanyol
C. Unang 8 babaeng kasapi ng Katipunan
D. Unang 8 repormista na nagsulat laban sa mga Espanyol.

_________24) Kailan naganap ang Unang Sigaw ng Himagsikan?


A. Agosto 21, 1896
B. Agosto 23, 1896
C. Agosto 25, 1896
D. Agosto 27, 1896

_________25) Ano ang Sigaw sa Pugad Lawin?


A. “Malaya na ang Pilipinas”
B. “Mabuhay ang Pilipinas”
C. “Lalaban na ang Pilipinas”
D. “Lumalakas ang Pilipinas”

_________26) Saan naganap ang unang sagupaan sa pagitan ng mga tropang Espanyol at Katipunan?
A. Tagaytay, Cavite
B. San Jose del Monte, Bulacan
C. Bangkusay, Maynila
D. Balintawak, Kalookan

_________27) Ano ang ipinamalas ng mga katipunero dahil buo na ang kanilang loob para isagawa ang himagsikan?
A. Pagkamaunawain at kaisipang liberal
B. Karunungan at kapayapaan
C. Pagkakaisa at pananalig sa Diyos
D. Katapangan at damdaming makabayan

_________28) Ano ang tawag sa rumurondang alagad ng batas noong panahon ng mga Espanyol para hulihin ang mga
pinaghihinalaang kriminal?
A. Gobernadorcillo
B. Guwardiya Sibil
C. Pulis
D. Militar

__________29) Ano ang tawag sa seremonya kung saan ginagamit ng mga Katipunero ang kanilang sariling dugo para
isulat ang kanilang lagda bilang miyembro ng kilusan?
A. Pagpirma
B. Paglagda
C. Sanduguan
D. Salamanka

__________30) Kasama sa walong lalawigan na nag-alsa noong panahon ng himagsikan ang Cavite, Laguna, Batangas,
Bulacan, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga at _______________.
A. Romblon
B. Maynila
C. Quezon
D. Mindoro Oriental

----GODBLESS and BE SAFE ALWAYS----

Inihanda ni:
Gng. Donna A. Salva
Asignaturang Guro

You might also like