You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF CABANATUAN CITY
ACA ELEMENTARY SCHOOL
SAN JUAN ACCFA, CABANATUAN CITY, NUEVA ECIJA

Unang Panahunang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 6

A. Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Sinong liberalismo ang nagpakita ng demokratikong pananaw sa buhay ng mga Pilipino.
A.Gobernador Heneral Carlos de la Torre C. Heneral Emilio Aguinaldo
B. Supremo Andres Bonifacio D. Mariano Trias
2. Ano ang pinakamahalagang pangyayari na nagpaigting sa galit ng mga Pilipino sa mga Español?
A. Pagbukas ng Suez Canal C. Pagkabigo ng tatlong pari
B. Pagbitay sa tatlong paring martir D. Pagkahuli ng tatlong pari
3. Ano ang tawag sa kaisipang galing sa Europa na nagpapakita ng kalayaan sa pagpapahayag ng
damdamin at kaisipan?
A. Kaisipang Liberal C. Tapat
B. Enlightenment D. Liberalismo
4. Ano ang tawag kina Jose Burgos, Mariano Gomez, at Jacinto Zamora?
A. Ilustrados C. Supremo
B. Ang tatlong paring martir D. Katipunero
5. Paano natin maipakikita ang damdaming nasyonalismo?
A. Pakikiisa at pagtataguyod ng mga pagbabago sa lipunan
B. Pag-alis sa bansa sa panahon ng krisis
C. Pagtalikod sa sariling bayan
D. Pagbili ng produkto ng ibang bansa
6. Alin ang salik na nagpa-usbong sa damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino?
A. Pagpasok ng kaisipang liberal C. Pag-ibig sa bayan
B. Pag-alis ng parusang paghahagupit D. Pagdating ng mga dayuhan
7. Anong samahan ang nais wakasan ang pananakop ng mga Español sa
pamamagitan ng puwersa o lakas?
A. Kilusang Propaganda C. Propagandista
B. Katipunan D. Utak ng Himagsikan
8. Sino-sino ang nangunguna sa pagtatag ng Katipunan?
A. Valentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao Diwa, Deodato Arellano, at Jose Dizon
B. Jose Rizal, Andres Bonifacio
C. Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo
D. Emilio Jacinto

9. Ano ang layunin ng Kilusang Propaganda?


A. Matamo ang pantay-pantay na pagtrato sa mga Pilipino at Español
sa ilalim ng batas
B. Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas
C. A at B
D. wala sa nabanggit
10. Bakit hindi naging matagumpay ang paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga Español?
A. Wala itong mahusay na pinuno
B. Hindi malinaw ang layunin nito
C. Kulang sa pagkakaisa ang mga Pilipino
D. Kaunti ang bilang ng mga Pilipino noon
11. Ano ang kilusang propaganda?
A. isang mapayapang kampanya para sa mga reporma sa pamamagitan ng talumpati at pamamahayag.
B. isang grupo ng mga rebelde
C. ito ay samahan ng mga gerilya
D. wala sa nabanggit
12. Sino-sino ang kasapi ng kilusang propaganda?
A. Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena, Juan at Antonio Luna, Feliz Hidalgo, at Dr. Jose Rizal.
B. Andres Bonifacio, Graciano Lopez Jaena, Juan at Antonio Luna, Feliz Hidalgo, at Dr. Jose Rizal.
C. Emilio Aguinaldo, Graciano Lopez Jaena, Juan at Antonio Luna, Feliz Hidalgo, at Dr. Jose Rizal.
D. Emilio Jacinto, Graciano Lopez Jaena, Juan at Antonio Luna, Feliz Hidalgo, at Dr. Jose Rizal.
13. Ano ang layunin ng Katipunan?
A. Makamit ang pagbabago sa pamamahala sa bansa sa panulat na paraan
B. Wakasan ang pananakop ng mga Español sa pamamamgitan ng lakas
C. Makamit ang kalayaan sa pamamagitan ng eleksiyon
D. Makiisa ang mga Pilipino sa mga pagbabagong nais ng mga Español
14. Ang Katipunan ay mayroong opisyal na pahayagan. Ano ang tawag sa
pahayagang ito?
A. Diaryong Tagalog
B. Kalayaan
C. La Solidaridad
D. Doctrina Cristiana
15. Ang Sigaw sa Pugad Lawin ang naging hudyat ng?
A. Himagsikan 1896 C. Kasunduan sa Biak na Bato
B. Katipunan D. Kumbensyon sa Tejeros
16. Inilunsad ang mga pagsalakay sa iba’t ibang bahagi ng Kamaynilaan at karatig na lalawigan nito.
Alin ang hindi kasama sa walong lalawigan?
A. Cavite C. Romblon
B. Nueva Ecija D. Tarlac
17. Ang himagsikang 1896 ay ang pag alsa ng mga katipunero laban sa?
A. Espanyol C. Tsino
B. Amerikano D. Pilipino
18. Siya ang nahalal na Direktor ng Digmaan sa Tejeros.
A. Emilio Aguinaldo C. Jose P. Rizal
B. Emilio Jacinto D. Andres Bonifacio
19. Kailan ipinahayag ang pagkakatatag ng rebolusyunaryong pamahalaan sa pulong ng mga
rebolusyonaryo sa Tejeros, San Francisco de Malabon sa Cavite.
A. Marso 22, 1897 C. Marso 22, 1898
B. Agosto 22, 1897 D. Marso 2, 1898
20. Matapos mapagtibay at maipahayag ang Saligang Batas itinatag ang _____.
A. Pamahalaang Komonwelt C. Republika ng Biak-na-Bato
B. Pamahalaang Rebolusyonaryo D. Misyong Pangkalayaan
21. Saan nagtungo si Aguinaldo at ilang pinuno ng kilusan pagkatapos mapairal
ang kasunduan na pansamantalang nagdulot ng kapayapaan?
A. Tsina C. Estados Unidos
B. Hong Kong D. Hapon
22. Kilala bilang “Lakambini ng Katipunan.”
A. Gregoria De Jesus C. Melchora Aquino
B. Josefa Rizal D. Trinidad Tecson
23. Pinakain niya at ginamot ang mga katipunero at hindi tinangkang isiwalat ang lihim na
Katipunan.
A. Gregoria De Jesus C. Melchora Aquino
B. Josefa Rizal D. Trinidad Tecson
24. Siya ang asawa ni Andres Bonifacio at tagapag-ingat ng mga kasulatan at dokumento ng
katipunan at kilala sa tawag na Oryang.
A. Teresa Magbanua C. Melchora Aquino
B. Gregoria De Jesus D. Marcella Agoncillo
25. Naging pangulo sa lupon ng kababaihan.
A. Gregoria De Jesus C. Melchora Aquino
B. Josefa Rizal D. Trinidad Tecson
26. Siya ay kilala bilang “Ina ng Balintawak”.
A. Teresa Magbanua C. Melchora Aquino
B. Gregoria De Jesus D. Marcella Agoncillo
27. Siya ay kapatid ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal at naging pangulo ng lupon ng
kababaihan.
A. Gregoria De Jesus C. Melchora Aquino
B. Josefa Rizal D. Trinidad Tecson
28. Siya ay pangunahing tagahabi ng una at opisyal na watawat ng Pilipinas kaya siya ay tinaguriang
“Ina ng Watawat ng Pilipinas.”
A. Joefa Rizal C. Gregoria De Jesus
B. Melchora Aquino D. Marcela Mariño Agoncillo
29. Bakit mahalaga ang pagkakatatag ng Saligang Batas ng Malolos?
A. Itinatadhana ng Saligang Batas ng Malolos ang isang republikang tumatanggap, kumakatawan
at nananagutan sa mga mamamayan.
B. Upang makalaya sa mga Espanyol
C. Dahil ito ang nagbibigay pag-asa sa mga Pilipino
D. Mahalaga ang Saligang Batas ng Malolos upang magwakas ang himagsikan
30. Ano ang pinakamahalagang nagawa ng Kongreso ng Malolos?
A. KKK C. Himagsikan
B. Saligang Batas D. La Liga Filipina
31. Kailan ipinahayag ang kasarinlan ng Pilipinas?
A. Hunyo 12, 1898 C. Abril 1, 1898
B. Hulyo 12, 1898 D. Hunyo 2, 1898
32. Saan naganap ang deklarasyon ng kasarinlan ng Pilipinas?
A. General Trias Cavite C. Calamba, Laguna
B. Kawit, Cavite D. Malolos Bulacan
33. Sino ang nahalal na pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas?
A. Andres Bonifacio C. Emilio Aguinaldo
B. Rodrigo Duterte D. Ferdinand Marcos
34. Sino ang punong tagapayo ni Emilio Aguinaldo na tinaguriang “Dakilang Lumpo”
A. Andres Bonifacio C. Juan Luna
B. Pedro Paterno D. Apolinario Mabini
35. Ano ang ipinalit sa pamahalaang diktatoryal?
A. Pamahalaang Rebolusyonaryo C. Pamahalaan ng Espanyol
B. Pamahalaang Malaya D. Pamahalaan ng Amerikano
36. Sino ang pinunong heneral ng Estados Unidos na namuno sa labanan sa pagbagsak ng Malolos?
A. Heneral Arthur MacArthur C. Heneral Elwell Otis
B Heneral Frederick Funston D. Heneral Gregorio Del Pilar
37. Sino ang sundalomg Amerikano ang walang awang Bumaril kay Anastacio Felix?
A. William Grey C. William Grayson
B. John William D. William II
38. Ano ang naging hudyat ng pagbabago ng pakikitungo ng mga Amerikano sa mga Pilipino?
A. Ang hindi pagkilala ng mga Estados Unidos sa Republikang itinatag.
B. Ang hindi pag-sang-ayon ng Estados Unidos sa Kasunduan sa Paris.
C. Tama ang A at B.
39. Kailan naganap ang makasaysayang pangyayari sa panulukan ng Silencio at Sociego, Sta. Mesa
na naghudyat ng hindi pagkakaintindihan sa panig ng Amerikano kaya nilusob nila ang hukbong
Pilipino?
A. Enero 22, 1898 C. Pebrero 4, 1899
B. Marso 5, 1899 D. Pebrero 24, 1898
40. Sino ang matapang na heneral sa hukbo ng mga pinuno sa Unang Republika ng Pilipinas na lumaban
sa panig ng Maynila pagkatapos idineklara ni Aguinaldo ang laban sa mga Amerikano?
A. Heneral Gregorio H. del Pilar C. Heneral Juanario Galut
B. Heneral Antonio Luna D. Heneral Luna
41. Sino ang Igorot na nagturo sa mga Amerikano ng isang lihim na daanan papunta sa itaas ng bundok
kung saan nagtatago ang hukbo ni Gregorio H. Del Pilar?
A. Juanario Galut C. Fermin Jaudenes
B. Felipe Calderon D. Juana Galut
42. Ilang oras tumagal ang labanan sa pasong tirad?
A. isa C. anim
B. lima D. tatlo

Para sa bilang 43-50. (Pagsulat ng maikling sanaysay)


Panuto: Bilang isang Kabataang Pilipino, paano mo pahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga
natatanging Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan ng ating bansa?

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
ANSWER KEY
1. B
2. D
3. A
4. B
5. A
6. C
7. B
8. A
9. C
10. C
11. A
12. A
13. B
14. B
15. A
16. C
17. A
18. D
19. A
20. B
21. B
22. A
23. C
24. B
25. B
26. C
27. B
28. D
29. A
30. B
31. A
32. B
33. C
34. D
35. A
36. A
37. C
38. C
39. C
40. B
41. A
42. C

You might also like