You are on page 1of 7

FIRST QUARTER

ASSESSMENT TEST in ARALIN PANLIPUNAN 6

Name:______________________________________________________________ Score:_______

Suriin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang
sagot.

1. Bakit mahalaga ang pagbukas ng Suez Canal?

A. Dahil naging matagal ang paglalakbay mula Maynila patungong Spain

B. Dahil nakarating sa atin ang kaisipang liberal

C. Dahil naging mahal ang bilihin

D. Dahil naging mayaman ang Pilipinas

2. Kailan naganap ang pag-alsa sa Cavite?

A. 17 Nobyembre 1869

B. 20 Enero 1872

C. 17 Pebrero 1872

D. 19 Setyembre 1868

3. Alin ang hindi naging salik sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino?

A. Pagbukas ng Suez Canal

B. Pagdating ng liberal na kaisipan sa Pilipinas

C. Pagbayad ng buwis

D. Pag-alsa sa Cavite

4. Ano ang tawag sa paglagay ng mga Paring Sekular sa mga parokya?

A. Regular

B. Sekularisasyon

C. GOMBURZA

D. Principalia

5. Ano ang tawag sa mga paring hindi nabibilang sa anumang samahang relihiyoso?

A. Regular

B. Sekular

C. Ilustrados
D. GOMBURZA

6. Sino ang namuno sa kilusang itinatag ng mga Paring Pilipino?

A. Mariano Gomez

B. Jose Burgos

C. Jacinto Zamora

D. Pedro Pelaez

7. Kailan binitay ang GOMBURZA?

A. 17 Nobyembre 1869

B. 20 Enero 1872

C. 17 Pebrero 1872

D. 19 Setyembre 1868

8. Sino ang namuno sa pag-alsa sa Cavite?

A. Mariano Gomez

B. Pedro Pelaez

C. Fernando La Madrid

D. Jose Burgos

9. Anong samahan ang itinatag ng mga Pilipinong kabataan na naliwanagan o tinatawag na ilustrados?

A. Kilusang Propaganda

B. Katipunan

C. Sekularisasyon

D. Panggitnang-uri

10. Kailan nabuksan ang Suez Canal?

A. 17 Nobyembre 1869

B. 17 Pebrero 1872

C. 20 Enero 1872

D. 19 Setyembre 1868

Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

11. Ano ang layunin ng KKK?

A. mapatanyag sa buong daigdig


B. makipagkalakalan sa ibang bansa

C. magkaroon ng Kalayaan mula sa Espaňa

D. humihingi ng pagbabago sa pamahlaang Español

12. Kailan itinatag ang Katipunan?

A. Hulyo 7, 1892

B. Hulyo 7, 1982

C. Hunyo 7, 1892

D. Hunyo 7, 1982

13. Siya ang itinuring na Ama ng Katipunan.

A. Emilio Aguinlado

B. Emilio Jacinto

C. Andres Bonifacio

D. Jose Rizal

14. Ang Katipunerong nagbunyag ng lihim na samahan ng Katipunan.

A. Pedro Paterno

B. Teodoro Patiño

C. Mariano Gil

D. Andres Bonifacio

15. Kailan nadiskubre ang Katipunan?

A. Agosto 19, 1896

B. Hunyo 12, 1898

C. Agosto 19, 1886

D. Hulyo 4, 1946

16. Paano natuklasan ng mga Español ang lihim ng Katipunan?

A. Dumalo ang mga Español sa pagtitipon nito

B. May nagsiwalat sa mga gawain nito

C. Nag-alsa ang mga myembro nito

D. Namigay ito ng mga polyetos

17. Bakit napaaga ang pagsiklab ng himagsikan?


A. Namatay si Jose Rizal

B. Natuklasan ang lihim ng kilusan

C. Nagkasundo-sundo ang mga pinuno nito

D. Nakapaghanda ng Mabuti ang kasapi nito

18. Ano ang ginawa ng mga Español sa mga nahuli nilang Katipunero?

A. Pinalaya B. Ikinulong at pinatay C. Ipinadala sa Espaňa D. Tinuruan at pinag-aral

19. Bakit hindi naging matagumpay ang paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga Español?

A. Wala itong mahusay na pinuno

B. Hindi malinaw ang layunin nito

C. Kulang sa pagkakaisa ang mga Pilipino

D. Kaunti ang bilang ng mga Pilipino noon

20. Alin sa sumusunod ang hindi layunin ng Katipunan?

A. Makamit ang Kalayaan ng Pilipinas

B. Pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino

C. Pagpapatupad sa mga layunin ng Kilusang Propaganda

D. Pagtatanggol sa mga mahina at maralitang mamamayan

Basahin ang pangungusap at isulat ang Tama kung nagsasaad ng katotohanan ito at Mali kung hindi.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

21. Tumutol sa pagkahalal kay Bonifacio si Daniel Tirona.

22. Noong 22 Marso 1896, ipinahayag ang pagkatatag ng rebolusyonaryong pamahalaan.

23. Matapos ang insidenteng pagtutol, ipinalabas ni Aguinaldo ang Acta de Tejeros kung saan inisa-isa
niya ang mga dahilan upang ipawalang bisa ang halalan.

24. Mula sa San Francisco de Malabon, ipinalabas ni Andres Bonifacio ang ikalawang dokumento kung
saan ipinapahayag ang pagtatatag pa ng isang rebolusyonaryong pamahalaan.

25. Dahil sa pangambang maging mabigat ang epekto ng alitan sa panig ni Andres Bonifacio sa
pagtaguyod ng himagsikan nagpawalang kibo na lamang si Aguinaldo.

Isulat ang tsek ( /) kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at ekis (X) kung mali. Gawin ito sa
sagutang papel.

26. Nahalal bilang pangulo ng rebolusyonaryong pamahalaan si Andres Bonifacio.

27. Ang himagsikang 1896 ay ang pag alsa ng mga katipunero laban sa mapangaping Español.

28. Ang Sigaw sa Pugad Lawin ay ang hudyat ng himagsikan laban sa mga Español.
29. Ang nahalal na Direktor ng Digmaan sa Tejeros ay si Emilio Jacinto.

30. Nagdamdam at nainsulto si Bonifacio sa pagtutol ni Daniel Tirona.

Basahin at kilalanin kung sino ang tinutukoy sa bawat pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang
wastong sagot.

________ 31. Kilala bilang “Lakambini ng Katipunan.”

________ 32. Siya ang tumahi sa unang bandilang Pilipino na ginamit ng Pangulong Emilio Aguinaldo
noong Hunyo 12, 1898.

________ 33. Bayani ng Himagsikang Pilipino at kilala bilang “Ina ng Biak-naBato.”

________ 34. Siya ang natatanging babaeng heneral na lumaban sa Iloilo.

________ 35. Siya ang laging nangunguna sa pag-awit at pagsasayaw upang iligaw ng pansin ang paikut-
ikot na mga guwardiya sibil sa mga lihim na pulong ng Katipunan.

________ 36. Ipinanganak siya noong Mayo 9, 1875 at anak ng ulirang magasawang sina Nicolas de
Jesus at Baltazar Alvarez.

________ 37. Pinakain niya at ginamot ang mga katipunero at hindi tinangkang isiwalat ang lihim na
Katipunan.

________ 38. Siya ang naging kalihim ng mga lupon ng kababaihan.

________ 39. Hinangaan siya sa galing sa paghawak ng sandata.

________ 40. Naging pangulo sa lupon ng kababaihan.

Ayusin ang mga detalye at pangyayari ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga ito. Gamitin ang
mga bilang 1 hanggang 10.

_________ 41. Sa payo ni Apolinario Mabini, pinalitan ang Pamahalaang Diktatoryal ng Pamahalaang
Rebolusyonaryo.

_________ 42. Agad na pinulong ni Aguinaldo ang mga rebolusyonaryong Pilipino.

_________ 43. Nilisan ni Aguinaldo ang Pilipinas kasama ang 36 na rebolusyonaryo.

_________ 44. Magsisilbi lamang na tagapayo ang Kongreso ng Malolos at hindi gagawa ng batas.
_________ 45. Napag-isahan na ipatupad ang pagtatayo ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan tulad ng
lokal at kongreso.
_________ 46. Pinasinayaan sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan ang Kongreso ng Malolos.
_________ 47. Itinatag ni Aguinaldo ang isang Pamahalaang Diktatoryal na ang layunin ay muling
mapag-isa ang mga rebolusyonaryo sa ilalim ng isang pamahalaan.

_________ 48. Natigil ang himagsikan sa pagitan ng mga Pilipino at mga Español.

_________ 49. Naging pangulo si Aguinaldo sa ilalim ng Pamahalaang Rebolusyonaryo.

_________ 50. Bumalik si Aguinaldo sa Pilipinas mula sa Hong Kong.

Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

51. Sino ang pinunong heneral ng Estados Unidos na namuno sa labanan sa pagbagsak ng Malolos?

A. Heneral Arthur MacArthur B. Heneral Elwell Otis C. Heneral Frederick Funston

52. Kailan pinasinayaan ang Unang Republika sa Malolos, Bulacan?

A. Enero 23, 1897 B. Enero 23, 1898 C. Enero 23, 1899

53. Ano ang naging hudyat ng pagbabago ng pakikitungo ng mga Amerikano sa mga Pilipino?

A. Ang hindi pagkilala ng mga Estados Unidos sa Republikang itinatag. B. Ang hindi pag-sang-ayon ng
Estados Unidos sa Kasunduan sa Paris. C. Tama ang A at B.

54. Kailan naganap ang makasaysayang pangyayari sa panulukan ng Silencio at Sociego, Sta. Mesa na
naghudyat ng hindi pagkakaintindihan sa panig ng Amerikano kaya nilusob nila ang hukbong Pilipino?

A. Enero 22, 1898 B. Marso 5, 1899 C. Pebrero 4, 1899

55. Sino ang matapang na heneral sa hukbo ng mga pinuno sa Unang Republika ng Pilipinas na lumaban
sa panig ng Maynila pagkatapos idineklara ni Aguinaldo ang laban sa mga Amerikano?

A. Heneral Gregorio H. del Pilar C. Heneral Juanario Galut B. Heneral Antonio Luna

Pagsunud-sunurin ang mahahalagang pangyayari. Lagyan ng bilang 1 hanggang 5 sa patlang. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

_________ 56. Tumakas si Aguinaldo kasama ang kanyang gabinete at inilipat sa San Fernando,
Pampanga ang kabisera.

_________ 57. Dumating sa Lalawigang Bulubundukin si Aguinaldo at dito inutos niya sa kanyang mga
heneral na bumuo ng pangkat na gerilya.

_________ 58. Muling lumikas si Aguinaldo at nakarating sa Bayombong, Pangasinan.

_________ 59. Walang nagawa si Aguinaldo kundi tumakas at magpalipat-lipat ng lalawigan, kasunod ng
mga Amerikanong tumutugis sa kanya.

_________ 60. Nakarating sa Palanan, Isabela si Aguinaldo at dito niya itinayo ang kanyang punong
himpilan.

Basahin ng mabuti. Bilugan ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

61. Kailan natapos ang ginawang nobela na Noli Me Tangere ni Dr. Jose P. Rizal sa Madrid?
A. Pebrero 21, 1887 B. Hunyo 3, 1892 C. Pebrero 4, 1899 D. Hulyo 6, 1892

62. Sino ang manunulat at abogado na kasama ni Rizal sa samahang La Liga Filipina?

A. Graciano Lopez Jaena B. Marcelo H. del Pilar C. Juan Luna D. Andres Bonifacio

63. Kailan ang petsa ng pagbaril kay Dr. Jose P. Rizal sa Luneta?

A. Disyembre 27, 1896 B. Disyembre 15, 1896 C. Disyembre 30, 1896 D. Disyembre 29, 1896

64. Kailan itinatag ang Katipunan sa pangunguna ni Andres Bonifacio pagkatapos na mabuwag ang La
Liga Filipina at ipinatapon si Rizal sa Dapitan?

A. Hunyo 5, 1892 B. Hunyo 8, 1892 C. Hulyo 7, 1892 D. Hulyo 6, 1892

65. Ano ang dahilan ng kilusang KKK?

A. walang reporma na ipinatupad ang mga Español B. kawalan ng hustisya at kalupitan ng mga
guwardiya sibil C. limitado ang edukasyon D. lahat ng nabanggit ay tama

66. Si Melchora Aquino ay kilala sa tawag na _______________.

A. Ina ng Balintawak B. Ina ng Katipunan C. Tandang Sora D. lahat ng nabanggit ay tama

67. Kailan bumalik sa Pilipinas si Melchora Aquino noong ipinatapon siya sa Isla ng Marianas?

A. Pebrero 21, 1903 B. Pebrero 22, 1903 C. Pebrero 23, 1903 D. Pebrero 24, 1903

68. Anong hangarin ng Katipunan na palayain ang Pilipinas sa mga Español sa pagsasagawa ng isang
armadong himagsikan tungo sa pagbuo ng isang bansang malaya?

A. Layuning Pampulitika B. Layuning Pansibika C. Layuning Moral D. Layuning Agham

69. Ano ang naging importanteng lokasyon ng rebolusyon na dito nanalo ang Magdalo sa maraming
labanan kontra Español?

A. Bulacan B. Laguna C. Cavite D. Batangas

70. Sino ang tinawag na Supremo ng Katipunan?

A. Apolinario Mabini B. Emilio Jacinto C. Andres Bonifacio D. Emilio Aguinaldo

You might also like