You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon

PANREHIYONG PAGTATASA PARA SA KALAGITNAANG TAON sa


ARALING PANLIPUNAN 6

Pangalan:________________________Petsa:________ Iskor______

Panuto: Basahin ang mga katanungan at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa mga Pilipinong nag-aral sa Europa at Espanya at


magaling sa wikang Espanyol?

A. Espanyol C. Indiyo
B. Ilustrado D. Mestiso

2. Alin sa sumusunod na artipisyal na daluyan ng tubig ang nakatulong sa


pagpapaiksi ng paglalayag upang makarating ang mga Pilipino sa Europa at
makapag-aral at kamtin ang kaisipang liberal na wala sa bansa?
A. Ilog Panama C. Kanal Ehipto
B. Ilog Mississippi D. Kanal Suez

3. Ano ang damdaming umiiral kapag iniisip mo ang kapakanan ng iyong


bayan laban sa mananakop?
A. Maka-Diyos C. Makabansa
B. Makakalikasan D. Makatao

4. Dito naganap ang pagpupulong sa pagitan ng Magdalo at Magdiwang na ang


layunin ay palakasin ang depensa sa Cavite.

A. Biak-na-Bato C. Pasong Tirad


B. Malolos D. Tejeros

5. Ang mga paring sekular ay hindi nabibilang sa kahit na anong religious


order. Bakit naglunsad ng isang kilusan ang mga paring sekular?

A. dahil lumakas ang kilusan ng mga Pilipino


B. upang protektahan nila ang mga parokya
C. nagtalaga sila ng mga prayleng Espanyol sa mga parokya
D. nagsagawa ng mga pagsasanay ang mga prayleng Espanyol

6. Ano ang naging layunin ng Kilusang Propaganda?


A. pakikipagdigmaan laban sa mga Espanyol
B. pakikipagtalo sa mga pari at mga encomiendero
C. pakikiramay sa mga nagdadalamhati at maysakit
D. pagsusulong ng hangaring reporma sa ilalim ng pamahalaang
Espanya

7. Alin dito ang naglalarawan sa isang bansa may sariling watawat at awit?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon

A. sakop ng malakas na lider


B. malaya at umiiral ang nasyonalismo
C. sakop ng ibang napakalakas na lahi
D. malaya sapagkat nasasakop ang maraming isla

8. Sa paanong paraan nakatulong ang La Solidaridad?

A. Humingi ng panlipunan at pampolitikang pagbabago


B. Ipinakilala ng mga repormista ang husay sa pagsulat
C. Napaunlad ang kabuhayan ng mga Pilipino sa Espanya
D. Hinimok ang mga Pilipino na maging prayle upang lumaya

9. Paano nabuo ang kaisipang liberal ng mga Pilipino? Ito ay nabuo sa


pamamagitan nang __________
A. pakikipagtalo sa mga Espanyol upang maging
B. pagdami ng mga mestizo sa Maynila at Cavite
C. pakikipagdigmaan sa Espanya upang itakwil ang panatisismo
D. malayang kaisipan mula sa Espanya at panulat ng mga ilustrado

10. Alin sa sumusunod ang positibong kinalabasan ng pagiging isang


malayang bansa?

I. Hindi, dahil naghihirap pa rin ang ating bansa.


II. Opo, dahil malaya sa kahit sinong mga dayuhan.
III. Hindi, dahil wala pa ring pagbabago sa ating bansa.
IV. Opo, dahil natatamasa natin ang tunay na kalayaan.
A.I at II B. II at III C. III at IV D. II at IV

11. Paano mo mailalarawan ang pagiging isang malaya?

A. may pulitikal na hidwaan


B. May kaanib na paninindigan at desisyon.
C. Nangangampanya para sa pagbabago ng pamamahala
D. Nagagawa ang kahit na anong gustong gawin na naaayon sa batas

12. Bakit tinaguriang pinakatanyag na labanan sa pagitan ng mga hukbong


Pilipino at Amerikano ang “Balangiga Massacre”?
A. dito namatay si Hen. Emilio Aguinaldo
B. puro mga Pilipino lamang ang namatay
C. ito ang unang pagkatalo ng mga Amerikano
D. ito ang tinaguriang “Mock Battle”sa kasaysayan ng Pilipinas

13. Saan at kailan naideklara ang kasarinlan ng Pilipinas?

A. Intramuros, Manila Hulyo 4, 1946


B. Kawit, Cavite Hunyo 12, 1898
C. Malolos, Bulacan Hulyo 4, 1946
D. Maynila, Hunyo 12, 1898
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon

14. Sino ang namuno sa labanan sa Pasong Tirad?


A. Hen. Antonio Luna C. Hen. Gregorio Del Pilar
B. Hen. Emilio Aguinaldo D. Hen. Marcelo H. del Pilar

15. Ano ang magandang naidulot ng pagbubukas ng mga daungan ng bansa sa


pandaigdigang kalakalan?
A. Naging madali ang pagpasok ng mga dayuhang mananakop.
B. Naging maikli ang paglalakbay mula Maynila patungo sa
ibang bansa.
C. Napadali ang komunikasyon ng mga Espanyol sa mga
katutubo.
D. Naging mapayapa ang pakikitungo ng mga Pilipino sa mga
dayuhan.

16. Ano ang dahilan ng pagpunit ni Andres Bonifacio at ng mga Katipunero ng


kanilang sedula?
A. Hindi na nila ito kailangan at dapat nang palitan.
B. Kasama ito sa mga dokumento ng Katipunan at ayaw
ipabasa sa iba.
C. Naglalaman ng listahan ng mga kalaban ng Katipunan.
D. Upang maipakita na sisimulan na ang pakikipaglaban.

17. Kailan nangyari ang “Sigaw sa Pugad Lawin”?


A. Agosto 19, 1896 C. Agosto 23, 1896
B. Agosto 22, 1896 D. Agosto 29, 1896

18. Bakit hindi nagtagumpay ang Himagsikang 1896?


A. Hindi malinaw ang layunin nito.
B. Kaunti ang bilang ng mga mamamayang Pilipino noon.
C. Kulang sa pagkakaisa ang mga Pilipino.
D. Wala itong mahusay na pinuno.

19. Ano ang isinasaad ng Kasunduan sa Biak-na-Bato tungkol sa mga


rebeldeng Pilipino?
A. papatawan ng parusa C. papaalisin lahat sa Pilipinas
B. papatawarin sa kasalanan D. pagtatrabahuhin sa Polo

20. Paano maipakikita ang pagpapahalaga sa mga nagawa ng mga


makabayang Pilipino sa pagkamit ng kalayaan?
A. Bumuo ng mga kilusan kagaya nila.
B. Hanapin ang lugar kung saan sila ipinanganak.
C. Pagkakaroon ng kaalaman sa kanilang mga nagawang kabayanihan.
D. Tumugon sa hamon ng kanilang mga kaanak.

21. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakamainam na gawin upang


maipapakita ang sadyang pagmamahal sa bayan?
A. Magtatag ng kilusan laban sa mga kaaway.
B. Sundin ang mga batas nang maayos.
C. Kumuha ng cedula tuwing buwan ng Enero.
D. Maghanda bilang parangal sa mga bayani.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon

22. Sino ang tinaguriang ‘Ama ng Katipunan’?


A. Andres Bonifacio C. Emilio Aguinaldo
B. Apolinario Mabini D. Emilio Jacinto

23. Alin ang nagpasimula ng labanan ng mga Pilipino at Amerikano?


A. Sinalakay ng mga Amerikano ang mga Pilipino
B. Iwinagayway ang bandila ng mga Pilipino sa mga liwasan.
C. Nabaril ng isang Pilipino ang isang Amerikano sa Pasong Tirad
D. Ipinag-utos ng pangulo ng Amerika na ipatupad ang Kasunduan sa
Paris.

24. Anong mahalagang kaganapan ang nakikita sa mga perang ito?


Ipinakikita dito ang mga bayaning _______.

A. naglitis kay Hen. Dewey


B. lumagda sa Kasunduan sa Paris
C. nagtayo sa Simbahan ng Barasoain
D. may malaking ambag sa pagkamit ng ating kalayaan

25. Paano tinulungan ni Tandang Sora ang mga Katipunero?

A. Ginamot ang mga sugatang Katipunero.


B. Nagsulat ng mga kasunduan ng Katipunan.
C. Nagtago ng lihim na dokumento ng Katipunan.
D. Nagpuslit ng mga rebolber sa bodega ng mga Espanyol.

26. Sino ang unang dalawang Residenteng Komisyonado na ipinadala sa


Estados Unidos na isinasaad ng Batas Cooper upang maging kinatawan ng
Pilipinas na makilahok sa mga debate at sesyon ng Mababang Kapulungan sa
Kongreso?

A. Jose Barlin at Gregorio Araneta


B. Jose Barlin at Pablo Ocampo
C. Benito Legarda at Pablo Ocampo
D. Benito Legarda at Gregorio Araneta

27. Alin sa sumusunod na pahayag ang pagkakatulad ng Batas Hare-Hawes-


Cutting at Batas Tydings-McDuffie?

A. pananatili ng Batas Komonwelt sa bansa


B. pagkakaroon ng makapangyarihang Komisyonado mula
sa Estados Unidos
C. paglagda ng Pangulo ng Estados Unidos sa nabuong
Saligang Batas ng Pilipinas
D.pagkakaroon ng hindi patas na kalakaran sa pagitan ng
Pilipinas at ng Estados Unidos
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon

28. Kung ang Pilipinas ay nasa ilalim pa rin ng Pamahalaang Commomwealth,


paano higit na mapapangalagaan ang suliraning pangkabuhayan ng bansa?
A. Magtayo ng livelihood programs at projects.
B.Magtayo ng mga tanģgapan para sa mga maysakit.
C. Magkaloob ng malaking pagawaan ng pananalapi.
D. Magkaloob ang pamahalaan ng ayuda buwan-buwan.

29. Bakit nabigo si Sergio Osmena, Sr. sa paghingi ng kalayaan ng Pilipinas sa


Estados Unidos noong 1926?
A. dahil hindi makabubuti sa Pilipinas ang humiwalay sa
Estados Unidos
B.dahil sa kawalan ng interes ng Estados Unidos sa kalayaan
ng Pilipinas
C.dahil tinanggihan ng mga Republikanong mambabatas sa
Kongreso ng Estados Unidos.
D. dahil sa kakulangan ng suporta sa mga mamamayan

30. Ano ang kabutihangdulot ng pagsuko ni Heneral Edward P. King sa mga


sundalong Hapones sa Bataan noong Ikalawang Digmaang pandaigdig? Bakit?

A.dahil huminto ang labanan at nasagip ang mga sundalong


Pilipino sa kamatayan
B.upang hindi maubos ang lahat ng kanyang tauhan sa
labanan
C.dahil lahat ng mga sundalong Pilipino at Amerikano ay
pinarusahan ng kamatayan
D.dahil lahat ng mga sumukong sundalo ay sapilitang
pinaglakad nang walang pahinga

31. Pagsunud - sunurin ang mga batas ayon sa kanilang pagkakagawa tungo
sa pagtamo ng Malasariling Pamahalaan.
1. Batas Hare-Hawes-Cutting
2. Batas Jones
3. Batas Tydings McDuffie
4. Batas Pilipinas ng 1902
A. 1, 2, 3, 4
B. 2, 4, 1, 3
C. 3, 1, 4, 2
D. 4, 2, 1, 3

32. Bakit pumayag ang kongreso ng Estados Unidos na palitan ang


Pamahalaang Militar at gawin itong Pamahalaang Sibil?
A. dahil nais nilang makuha ang kalooban ng mga Pilipino
B. dahil nais nilang maging mapayapa ang panahon
C. dahil nais nilang mapaunlad ang kabuhayan ng mga Pilipino
D. dahil nais nilang makasunod ang mga Pilipino

33. Paano nakuha ni William Howard Taft ang paggalang at paghanga ng mga
Pilipino?
A. sa pamamagitan ng pagkilala sa karapatan ng mga
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon

mamamayan
B. sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng patakarang “Ang
Pilipinas ay Para sa mga Pilipino.
C.sa pamamagitan ng pagtataguyod ng lubusang pagsasarili ng
mga Pilipino.
D.sa pamamagitan ng pagtatatag ng kumbensiyong gagawa ng
saligang batas.

34. Bakit naitatag sa Pilipinas ang Partido Federal noong Disyembre 3,1900?
A. upang makapagtatag ng isang pamahalaang katulad ng
Estados Unidos
B. upang makapagplano ang mga Amerikano ng pamamahala
sa Pilipinas.
C.upang maipakita ang pagsisimula ng pag-asa ng kasarinlan
mula sa mga amerikano.
D. upang payapain ang mga Pilipinong mag-alsa laban sa
Amerikano.

35. Alin sa sumusunod ang isang pagbabagong natamasa ng mga Pilipino sa


ilalim ng Batas Tydings-McDuffie?
A. pagkakaroon ng Pilipinong Bise-Presidente
B. pagkakaroon ng tinatawag na transition period
B. pagkakaroon ng kinatawan sa kumbensiyong konstitusyonal.
D. pagkakaroon ng kapangyarihang pang-ekonomiya at
pampulitikal.

36. Alin sa sumusunod ang isa sa mga kondisyon ng mga Amerikano para sa
pagpapatupad ng Batas Pilipinas?
A. pagtigil ng mga pag-aaklas sa lahat ng kapuluan ng bansa
B. Pagkakaroon ng mga guro sa lahat ng kanayunan
C. Paggawa ng mga impraistruktura para sa mga Amerikano
D. Pagbigay ng karapatan sa mga Amerikano na magsagawa ng
negosyo sa bansa
37. Bakit naging mahalaga para sa mga Pilipino na magkaroon ng posisyon sa
pamahalaan noong panahon ng Amerikano?
A. Ipinakilala nito ang Pilipinas sa ibang bansa.
B. Binigyan nito ang mga Pilipino ng kakayahang pumili.
C. Binigyan nito ang mga Pilipino na pamunuan ang sariling
bansa.
D. Ipinagkaloob nito ang kapangyarihang pang-ekonomiya sa mga
Pilipino.

38. Bakit itinuro ang “ pagpapanumbalik at pagpapaunlad sa sinaunang


kultura at kasaysayang Pilipino”sa sistemang pang-edukasyon noong panahon
ng Komonwelt?
A. upang magtanim ng galit ang mga Pilipino sa mga Amerikano
B. Upang madagdagan ng aralin na pag-aaralan ang mga
kabataang Pilipino.
C. Upang lumakas ang damdaming makabayan ng mga Pilipino.
D. Upang paigtingin ang edukasyong Pilipino kaysa edukasyong
Amerikano.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon

39. Bakit kailangang lisanin ang Maynila ng tropang USAFFE at magtungo sa


Bataan?
A. sapagkat naroon ang mga Hapon
B. Sapagkat mahirap nang ipagtanggol ito at labis na
mawawasak
C. Sapagkat marami na ang nananahang gerilya doon .
D. Sapagkat wala ng kalaban doon

40. Ang mga sumusunod na pahayag ay bunga ng pananakop ng mga Hapones


sa Pilipinas MALIBAN SA ISA.
A. Nawalan ng trabaho ang mga manggagawa.
B. Nagkaroon ng implasyon.
C. Nagsara ang maraming pagawaan.
D. Naipalaganap ang wikang Ingles sa mga paaralan.

41. Kung ikaw ang pangulo ng bansa, pagtutuunan mo rin ba ng pansin ang
pagbabago sa tranportasyon at komunikasyon tulad sa panahon ng mga
Amerikano.?
A. Hindi, dahil hindi kailangan, nararapat unahin ang pagkain.
B. Oo, isa sa mga ito ang kinakailangan sa pag-angat ng
ekonomiya ng bansa
C. Oo, dahil naayon ang pagtugon dito sa makabagong
teknolohiya
D. Hindi, dahil mas mahalagang matugunan ang pangangailangang
pangkalusugan.
42. Kapag nababanggit ang National Defense Act, Women’s Suffrage Act,
Pagtatatag ng Wikang Pambansa, anong kaisipan ang iyong mabubuo?
A. nagawa ng Pamahalaang Komonwelt
B. nagawa ng Pamahalaang Sibil
C. nagawa ng Pamahalaang Militar
D. nagawa ng Pamahalaang Kolonyal

43. Bakit tinawag na Republikang Papet ang Ikalawang Republika?


A.dahil pinamunuan ito ng mga Pilipino
B.dahil ang kagustuhan ng mga Pilipino ang nanaig
C.dahil sunud sunuran ang mga lider na Pilipino sa idinidikta
ng mga Hapones
D. dahil namumuno ang mga Pilipino ayon sa kanilang sariling
ideya at pagpapasiya.

44. Bakit hinangad ng mga Hapones na pag- isahin ang mga bansa sa
Silangang Asya?
A. dahil sa paniniwalang makakamit ang kaunlaran kung ang
mga Asyano ang maghahari sa mga asyanong bansa
B. dahil lalawak ang kanilang teritoryo para sa lumalaking
populasyon
C. dahil may mapagkukunan sila ng mga sangkap o produkto
D. dahil nais nilang mapag-isa ang mga bansang kabilang sa
Asya.

45. Ano ang naging hudyat ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?


A. Pagbomba sa Clark Air Field, Pampanga
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon

B. Pagbomba sa Nickols Air Base,Manila


C. Pagbomba sa Pearl Harbor, Hawaii
D. Pagbomba sa Davao, Baguio, Tarlac at Tuguegarao

46. Sino ang dakilang babaeng tagapagtatag ng Girl Scout of the Philippines
na nanguna sa pagtulong sa mga Pilipino noong ikalawang digmaang
pandaigdig?

A. Gabriela Silang
B. Theresa Magbanua
C. Melchora “Tandang Sora” Aquino
D. Josefa Llanes Escoda

47. Bakit nagdeklara si Hen. Douglas MacArthur na gawing “open city” ang
Maynila nang dumating ang mga Hapones sa lungsod?
A. upang umunlad ang turismo ng lungsod
B. Upang mahikayat ang ibang bansa na sakupin ang lungsod.
C. Upang umunlad ang ekonomiya at nang sumigla ang lungsod.
D. Upang maiwasan ang pagkasira ng lungsod at pagsalakay ng
mga Hapones.

48. Noong Mayo 6, 1942, ibinuhos ng mga sundalong Pilipino at Amerikano


ang lahat ng makakaya sa pagtatanggol sa Bataan at Corregidor. Ano ang
resulta ng pakikibaka nila sa mga Hapones?
A. Umurong sila sa labanan upang hindi mamatay.
B. Namundok sila at ipinagpatuloy ang pakikipaglaban ng
palihim.
C. Nagpatuloy sila sa madugong harapang pakikipaglaban .
D. Nagapi at napasuko nila ang mga Hapones.

49. Sa paanong paraan naipakita ng mga Pilipino ang kanilang pagmamahal sa


bayan sa panahon ng digmaan?
A. sa pamamagitan ng pagiging espiya ng mga Hapones upang
mapadali ang buhay.
B. Sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa mga nais ipatupad ng
mga banyagang mananakop .
C. Sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa kalayaan ng bansa
gamit ang armas
D. Sa pamamagitan ng pagsasawalang kibo sa mga kamaliang
nagaganap sa lipunan.

50. Anong batas ang nagtakda ng pagtatatag ng Asamblea ng Pilipinas bilang


Mababang Kapulungan na kakatawan sa mga Pilipino bilang tagapagbatas.
A. Batas Bilang 1870 C.Batas Gabaldon
B. Batas Cooper D. Batas Jones 1916
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon

You might also like