You are on page 1of 53

PRE-TEST IN AP

6
(FIRST
QUARTER)
1. May iba‟t ibang imahinaryang guhit sa globo. Saang
imahinaryang guhit sa globo matatagpuan ang bansang
Pilipinas?

A. sa timog ng ekwador

B. sa tagiliran ng ekwador

C. sa itaas na bahagi ng ekwador

D. nasa ibabang bahagi ng ekwador


2. Upang malaman ang tiyak na kiaroroonan ng PIlipinas ay mahalagang
malaman ang tiyak na sukat nito. Ano ang tiyak na sukat o absolute na location
ng Pilipinas?

A. 6 ͦ at 26 ͦ timog latitud at 106 ͦ at 130 ͦ kanlurang longhitud

B. 4 ͦ at 21 ͦ hilagang latitud at 116 ͦ at 127 ͦ silangang longhitud

C. 6 ͦ at 26 ͦ hilagang latitud at 116 ͦ at 130 ͦ kanlurang


longhitud

D. 6 ͦ at 36 ͦ silangang latitud at 126 ͦ at 130 ͦ kanlurang


longhitud
3. Bakit naging mahalaga ang paggamit ng mapa at globo sa pagtukoy ng
hangganan at lawak ng teritoryong sakop ng bansa?
A. Dahil ito ang matibay na batayan upang tiyak na matukoy ang
hangganan ng teritoryo ng Pilipinas.
B. Dahil ito ang nagsasabing kaunti lamang ang sakop ng ating
teritoryo.
C. Dahil ito ay paraan upang maibahagi natin sa karatig bansa ang
ating teritoryo.
D. Dahil ito ay madaling gamitin
4. Kasunduang tinutukoy na noon lamang 1947 nagsimula ang
pangangasiwa ng pamahalaan ng Pilipinas sa Pulo ng Mangsee
at Turtle. Anong kasunduan ito?

A. Kasunduan sa Paris

B. Kasunduang Washington

C. Doktrinang Pangkapuluan

D. Kasunduang United States at Great Britain


5. Ang Sulu Sea at Celebes Sea ay mga dagat na matatagpuan sa
Pilipinas. Ito ba ay kasama sa teritoryo na ari ng Pilipinas? Bakit?
A. Oo, nasasaad sa Doktrinang Pangkapuluan ng Pilipinas
B. Oo, ang mga ito ay pag-aari ng Pilipinas batay sa Kasaysayan
C. Oo, kabilang ang mga ito sa teritoryong nasasaad sa Atas ng
Pangulo Blg. 1596
D. Oo, itinatadhana ng Saligang Batas na lahat ng ilalim ng lupa at
dagat na sakop ng Pilipinas ay kasama sa teritoryo nito.
6. Kailan naganap at pinagtibay ang Kasunduan sa
Paris?
A. Setyembre 7, 1900
B. Nobyembre 7, 1900
C. Nobyembre 17,1900
D. Nobyembre 27,1900
7. Bakit naging mahalaga ang paggamit ng mapa at globo sa
pagtukoy ng hangganan at lawak ng teritoryong sakop ng
bansa?
A. Dahil ito ay madaling gamitin
B. Dahil ito ang nagsasabing kaunti lamang ang sakop ng
ating teritoryo.
C. Dahil ito ay paraan upang maibahagi natin sa karatig
bansa ang ating teritoryo.
D. Dahil ito ang matibay na batayan upang tiyak na
matukoy ang hangganan ng teritoryo ng Pilipinas.
8. Ang dagat teritoryal, karagatang insular at kalawakang
panghimpapawid ay bumubuo sa teritoryo ng Pilipinas
ayon sa
A. Kasaysayan
B. Saligang Batas
C. Atas ng Pangulo
D. Doktrinang Kapuluan
9. Ang pagbubukas ng maraming bangko ay nagpapatunay
na maunlad ang isang bansa. Alin sa mga sumusunod na
bangko ang nabuksan noong 1876?
A. Monte de Piedad
B. Chartered Bank of India
C. Shanghai Banking Corporation
D. Banco Español-Filipino de Isabel II
10. Ang mga sumusunod ang nanguna sa kalakalan sa
Pilipinas, sino ito?
A. Ingles
B. Arabe
C. Intsek
D. Pranses
11. Matagal na kolonya ng Espanya ang Pilipinas.
Malayo ang pagitan ng dalawang bansa sa isa’t-isa. Sa
paanong paraan nakararating ang mga mangangalakal sa
Pilipinas sa panahong iyon?
A. Sa pamamagitan ng paglalakad
B. Sa pamamagitan ng pagsakay sa barko
C. Sa pamamagitan ng pagsakay sa kabayo D. Sa
pamamagitan ng pagsakay sa eroplano
12. Maraming dahilan kung kaya binuksan ang Suez Canal sa
pandaigdigang kalakalan noong ika-17 ng Nobyembre 1869.
Ano ang pangunahing dahilan kung kaya ito ay binuksan?
A. Upang mapadali ang pag-angkat ng produkto sa mga
kolonya ng Europa
B. Upang mapalawak ang ugnayan ng Europa sa ibang
bansa
C. Upang mapaunlad ang bansa sa larangan ng politika
D. Upang turuang mag-alsa ang mga Pilipino
13. Maaraming bagay tayo na maaring gamitin para maging
signal natin kung may mga panganib na darating. Anong bagay
ang ginamit na paraan ng komunikasyon noong unang panahon at
naging hudyat sa anomang kalamidad?
A. Batingaw
B. Kampana
C. Torotot
D. Trumpeta
14. Ano ang patunay na pinaunlad ng unang panahon ang
transportasyong pandagat?
A. Pinagawaan ng tulay sa gitna ng dagat.
B. Hindi pinayagang maglayag ang mga sasakyang dagat na
di de motor.
C. Hindi pinayagang maglayag ang mga maliliit na
sasakyang dagat.
D. Itinayo ang unang Parola para magsilbing gabay ng mga
naglalakbay sa dagat.
15. Paano tumugon ang mga Pilipino sa kolonyal na
edukasyon ng Espanya?
A. Hindi tinanggap ng nakararami ang mga patakarang pang
edukasyon ng Espanya.
B. Dahil sa lubos na kamangmangan, ang lahat at sumunod
na lamang
C. Dahil sa kakulangan ng kaalaman, marami ang sumunod
na lamang
D. Marami ang tumutol samantalang ang iba ay napilitang
sumunod
16. Bumubuo ng kilusang sekularisasyon ng mga
parokya ang mga paring secular upang ipaglaban
ang kanilang mga karapatan. Sino ang mestisong
paring Espanyol ang namuno dito?
A. Padre Jose Burgos
B. Padre Jacinto Gomez
C. Padre Pedro Pelaez
D. Padre Jacinto Zamora
17. May dalawang uri ng paring katoliko sa ating bansa
noon. Kabilang dito ang isang orden tulad ng Agustino,
Pransiskano, at iba pa na napapasailalim sa mga
alituntunin ng ordeng kanyang kinabibilangan. Ang
dalawang uri ng paring tinutukoy nito ay
A. Cardinal at Sekular
B. Popular at Sekular
C. Regular at Sekular
D. Sekular at Cardinal
18. Ang Asociacion Hispano-Filipina ay itinatag sa
Madrid, Espanya para sa reporma ng Pilipinas. Sino
ang namuno sa mga aktibong kasapi nito?
A. Dr. Jose Rizal
B. Andres Bonifacio
C. Don Miguel Morayta
D. Graciano Lopez Jaena
19. Ano ang pinakapangunahing dahilan at ang
Kilusang Propaganda ay hindi din ganap na
nagtagumpay?
A. Kakulangan ng mga lider.
B. Katamaran ng mga Pilipino.
C. Kakapusan sa katalinuhan at kahusayan sa pagsulat.
D. Kakulangan ng pagkakaisa ng mga Pilipino sa
pagsulong ng reporma.
20. Bakit nabunyag ang lihim na Kilusang Katipunan?
A. dahil sa kwento ng mga nagtatag
B. dahil sa away ng dalawang kasapi
C. dahil sa artikulong nakasulat sa pahayagan
D. dahil sa liham na nakumpiska ng mga Kastila
21. Nagalit si Andres Bonifacio kay Daniel Tirona
dahil sa paghamak sa kanyang kakayahan. Alin
ang nais ni Bonifacio na gawin ni Tirona sa ginawa
niyang pagtutol?
A. Ipagmalaki siya
B. Magmakaawa sa kanya
C. Humingi ng tawad sa kanya
D. Kilalanin ang kanyang kakayahan
22. Ang pagkahalal ni Andres Bonifacio bilang Direktor panloob na
itatayong pamahalaang rebolusyunaryo ay tinutulan ni Daniel
Tirona dahil sa kulang daw siya sa pinag-aralan at walang
kakayahan. Ano ang naging reaksyon ni Andres Bonifacio dito?
A. Nagalit dahil minaliit ang kanyang kakayahan
B. Binalewala niya ang naging reaksyon ni Daniel Tirona
C. Natuwa dahil wala siyang gagampanan sa samahan
D. Nalungkot dahil hindi siya nabigyan ng pagkakataon na
humawak ng tungkulin.
23. Hindi gaanong nagtagumpay ang mga reporma sa
mapayapang paraan ng Kilusang Propaganda at La Liga
Filipina, dahil dito nagpasya si Andres Bonifacio na itatag
ang isang samahan o kilusan, anong kilusan ito?
A. KKK
B. HUKBALAHAP
C. La Liga Filipina
D. Sigaw sa Pugad Lawin
24. Nagkaroon ng pagpupulong ang pagkat Magdalo
at Magdiwang upang pag -isahin at higit na lumakas
ang samahan laban sa mga Espanyol. Saan ginanap
ang pagpupulong?
A. San Juan Del Monte
B. Pugadlawin
C. Balintawak
D. Tejeros
25. Nang malaman ni Bonifacio na maraming katipunero
ang hinuli sa pagkatuklas sa KKK, nagkita-kita sila ng
iba sa Pugad Lawin at nagplanong ipagpatuloy ang
paghihimagsik at sabay –sabay nilang pinunit ang
kanilang __________.
A. damit
B. sedula
C. pantalon
D. sombrero
26. Natupad ba pareho ng mga Pilipino at Español ang
mga probisyon ng Kasunduan sa Biak-na-Bato?
A. mga Pilipino lamang ang tumupad ng Oo
B. Marahil
C. Hindi
D. Oo
27. Sa mga sumusunod na pahayag, alin ang tama tungkol sa
naging kinalabasan sng Kasunduan sa Biak-na-Bato?
A. Natigil ang labanan sa pagitan ng mga Pilipino at
Español sa Zambales at Ilocos Sur.
B. Pinatawad nang lubusan ng mga Español ang mga
rebolusyonaryong Pilipino.
C. Maraming kawal na Pilipino ang hindi nagsuko ng
kanilang mga sandata.
D. Ang lahat ng repormang hiningi ng mga Pilipino ay
natupad.
28. Alin sa mga sumusunod na probisyon ang hindi nakasaad
sa Kasunduan sa Biak-na-Bato?
A. Lubusang kapatawaran sa lahat ng rebolusyonaryo
at pagsusuko ng kanilang mga sandata.
B. Pagkakaloob ng Espanya sa mga rebolusyonaryong
Pilipino ng halagang P800, 000.
C. Ititigil ng mga pinunong rebolusyonaryo ang
labanan at maninirahan sila sa HongKong.
D. Pagkakaloob ng Espanya sa hinihinging kalayaan ng
mga Pilipino.
29. Nagkaroon ng halalan para sa itatayong pamahalaang
rebolusyunaryo ang dalawang pangkat ang Magdiwang at Magdalo.
Nahalal na pangulo si Emilio Aguinaldo at direktor na panloob si
Andres Bonifacio, subalit tinutulan ito ni Daniel Tirona kasapi
ng pangkat Magdalo. Alin sa mga sumusunod ang naging dahilan ni
Daniel Tirona sa pagtutol kay Andres Bonifacio?
A. Dahil mahinang lider
B. Dahil lumaki siyang mahirap
C. Dahil hindi siya kabilang sa pangkat ng Magdalo
D. Dahil wala siyang kakayahan humawak ng tungkulin at
kulang sa pinag-aralan
30. Alin ang ambag ni Andres Bonifacio na
nagpatunay na hindi hadlang ang kahirapan upang
maging pinuno?
A.pagiging supremo ng katipunan
B.ang kanyang mga sinulat na akda
C.pagiging lumpong utak ng himagsikan
D.ang kanyang pagiging pambansang bayani
31. Alin sa mga sumusunod ang layunin ng Kasunduan sa
Biak-na-Bato?
A. Itago sa lahat ang mga anomalya sa pamahalaan
B. Itigil ang labanan para sa ikatatahimik ng bansa
C. Ibigay na ang kalayaang hinihingi ng Pilipinas
D. Ituloy ang labanan kahit may kasunduan
32. Bakit mahalaga si Andres Bonifacio sa
kasaysayan ng kalayaan ng bansa?
A. Itinatag niya ang Katipunan
B. Ipinanalo niya ang himagsikan
C. Naging mabuti siyang katipunero
D. Naging inspirasyon siya sa mga Pilipino
33. Paano binago ni Andres Bonifacio ang pananaw ng
maraming Pilipino? Pinatunayan niyang_____.
A. Ang karunungan ng tao ay pantay-pantay lamang
B. Hindi hadlang ang kahirapan upang maging pinuno
C. Kayang maglingkod ng kababaihan sa pamahalaan
D. Ang pinakadakilang pag-ibig ay ang pag-ibig ng bayan
34. Alin ang ambag ni Andres Bonifacio na
nagpatunay na hindi hadlang ang kahirapan upang
maging pinuno?
A. Pagiging supremo ng katipunan
B. Ang kanyang mga sinulat na akda
C. Pagiging lumpong utak ng himagsikan
D. Ang kanyang pagiging pambansang bayani
35. Ano ang ginawang kahanga-hanga ni Trinidad Tecson
na hindi ginagawa ng mga kababaihang kasapi ng
Kilusan?
A. Naging nars
B. Ginamit ang kanyang dugo sa paglagda
C. Sumama sa pagkuha ng armas sa loob ng Korte

D. Nakasama ng nakipaglaban ni Tecson sina Hen.


Francisco Makabulos
36. Isa si Melchora Aquino sa mga kasapi ng katipunan.
Ano ang ginawa ng mga Kastila kay Aquino ng
malaman nila ang partisipasyon niya sa mga Katipunero?
A. Hinuli at ipinatapon sa Pulo ng Marianas
B. Ipinapatay ng mga Kastila
C. Ikinulong
D. Iginapos
37. Sinong babaeang pumunta sa kampo noong
sumiklab ang Digmaan sa pamumuno ni Heneral
Perfecto Poblador?
A. Gabriela Silang
B. Melchora Aquino
C. Trinidad Tecson
D. TeresaMagbanua
38. Anong katangian ang nagpatanyagkay Teresa
Magbanua?
A. Matapang
B. Maganda
C. Buo ang loob
D. Maasahan
39. Saang labanan kasama si Trinidad Tecson na kung
saan ay tinamaan siya sa hita na naging sanhi ng
kanilang pag-atras.
A. Kalookan
B. Navotas
C. Nueva Ecija
D. San Miguel
40. Mahalagang bahagi ang ginampanan ni Emilio
Aguinaldo sa pagdedeklara ng kasarinlan ng mga
Pilipino. Saan at kalian ito isinagawa?
A.Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite
B.Hunyo 28, 1898 sa Kawit, Cavite
C.Hulyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite
D.Hulyo 4, 1898 sa Kawit, Cavite
41. Sa pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas
iwinagayway ang Watawat ng Pilipinas, sinaliwan ng
tugtog. Sino naman ang sumulat at bumasa ng
pagpahayag ng kasarinlan ng Pilipinas?
A.Jose Palma
B.Emilio Aguinaldo
C.Apolinario Mabini
D.Ambrosio Rianzares Bautista
42. Ang bansang Pilipinas ay isang malayang bansa.
Kailan masasabi na ang isang bansa ay malaya?
A. pinamamahalaan ng mga dayuhan.
B. may kalayaang kinikilala ng ibang bansa
C. walang karapatang mamahala sa nasasakupan.
D. napapakialaman ng ibang bansa sa mga
desisyon nito.
43. Maraming karapatan at kalayaang tinatamasa ang
mamamayang Pilipino sa pagkakamit ng ating bansa ng
kasarinlan. Tayo ay may karapatang tanggapin ang respeto o
paggalang na nauukol sa isang tao. Ano ang dapat mong gawin
upang matamasa mo ito?
A. Mag-aaral akong mabuti.
B. Iiwasan kong makipag-away.
C. Susunod ako sa batas ng ating bansa.
D. Igagalang ko ang aking kapwa, matanda man o bata
44. Paano pinahahalagahan nating mga Pilipino ang Araw ng
Kasarinlan o Kalayaan?
A. sa pamamagitan ng pagtataas ng watawat ng Pilipinas kapag
flag ceremony.
B. sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan tuwing
ika-12 ng Hunyo taon-taon.
C. nagtutungo ang mga mag-aaral tuwing ika-12 ng Hunyo sa
bahay ni Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite.
D. hindi na ito pinagtutuunan pa ng pansin sapagkat napakatagal
na panahon na nang maganap ang ating kasarinlan.
45. Sa pagnanais ng mga Pilipinong maging malaya,
minarapat nilang tumawag ng kongresong bubuuin ng
mga kinatawang halal ng mga lalawigan. Anong
kongreso ang nabuo?
A. Kongreso ng Batangas
B. Kongreso ng Cavite
C. Kongreso ng Laguna
D. Kongreso ng Malolos
46. Marami sa ating mga dakilang bayani ang nagbuwis ng
kanilang buhay para sa ating bansa? Sa anong dahilan?
A. upang balang araw ay makilala sila ng mga kabataan.
B. upang mailathala ang kanilang pangalan sa mga aklat.
C. sapagkat tungkulin talaga nilang ipagtanggol ang ating
bansa.
D. upang matamo ng ating bansa ang kalayaan laban sa mga
dayuhang mapang-api.
47. Paano nakita ng mga Amerikano ang kinaroroonan ng
mga sundalong Pilipino?
A. Ipinagtanggol ng isang katutubo ang mga sundalong
Pilipino.
B. Itinuro ng isang katutubo ang kinaroroonan ng mga
sundalong Pilipino.
C. Itinago ng isang katutubo ang kinaroroonan ng mga
sundalong Pilipino.
D. Itinuro ng isang katutubo ang kinaroroonan ng mga
sundalong Amerikano.
48. Ano ang ipinakita ng tagumpay ng mga Pilipino sa
pakikipaglaban sa mga Amerikano sa Balangiga Eastern
Samar?
A. pagiging dalubhasa sa pakikipaglaban
B. kagitingan at kahusayan sa pakikipaglaban
C. kagitingan at lubos na pagmamahal sa ating kalayaan
at bayan
D. pagiging mahusay sa pakikipaglaban at pagmamahal
sa bayan
49. Bakit sa paningin ng mga Amerikano ang paglusob ng
mga Pilipino sa kanilang garison sa Balangiga, Eastern
Samar ay isang masaker?
A. Dahil nagapi ng mga Pilipino ang mga Amerikano
B. Dahil napatay ng mga Pilipino ang 48 sundalong
Amerikano
C. Dahil nagtagumpay ang mga Pilipino laban sa mga
Amerikano
D. Dahil walang takot na nakipaglaban ang mga Pilipino sa
mga Amerikano
50. Napag-aralan mo sa Araling Panlipunan ang mga
bayaning nagbuwis ng buhay para sa bayan. Paano mo
pahahalagahan ang kanilang nagawa sa ating bayan?
A. Hayaan na lamang na ituro sa klase.
B. Ipagmamalaki ito saan man makarating.
C. Babalewalain ang mga pangyayaring bahagi ng
kasaysayan.
D. Hindi papansinin dahil hindi mo naman naranasan ang
mga pangyayari.
KEY TO
CORRECTION
10.10.
A A 30. 30.
B B 50.
1. C1.1.CC 11.11.
B B 21.CC
21. C21. 31. 31.
B B 41.DD
41. D 41. 51.
2. B2.2.BB 12.12.
A A 22.AA
22. A22. 32. 32.
A A 42.BB
42. B 42. 52.
3.3.AA
3. A 13.13.
A A 23.AA
23. A23. 33. 33.
D D 43.DD
43. D 43. 53.
4.4.DD
4. D 14.14.
D D 24.DD
24. D24. 34. 34.
B B 44.BB
44. B 44. 54.

5.5.DD
5. D 15.15.
C C 25.BB
25. B25. 35. 35.
B B 45.DD
45. D 45. 55.
6. B6.6.BB 16.16.
C C 26.CC
26. C26. 36. 36.
A A 46.DD
46. D 46. 56.
7. D7.7.DD 17.17.
C C 27.BB
27. B27. 37.D
37.D 47.BB
47. B 47. 57.
8. B8.8.BB 18.18.
C C 28.DD
28. D28. 38. 38.
C C 48.CC
48. C 48. 58.
9. C9.9.CC 19.19.
D D 29.DD
29. D29. 39. 39.
D D 49.BB
49. B 49. 59.
A10.AA
10. 10. 20.20.
B B 30.BB
30. B30. 40. 40.
A A 50.BB
50. B 50. 60.
11. 11.
B11.BB 31. B31.
31.BB 51. D 51.
51.DD

You might also like