You are on page 1of 3

Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Matapos mapagwagian ng mga Amerikano ang Mock Battle of Manila, tuluyang nang nasakop
ng mga Amerikano ang Pilipinas. Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga Amerikano
upang mapigilan ang pag-alsa ng mga Pilipino?
A. Pamahalaang Sibil C. Pamahalaang Militar
B. Pamahalaang Merrit D. Pamahalaang Schurman
2. Ang pamahalaang militar ay pinamunuan ng isang gobernador militar. Sino ang kauna-unahang
gobernador militar ng Pilipinas sa ilalim ng Estados Unidos?
A. William H. Taft C. William McKinley
B. Wesley Merritt D. Jacob Schurman
3. Sa bisa ng Spooner Amendments binuwag ang pamahalaang militar. Anong uri ng
pamahalaan ang ipinalit sa Pamahalaang militar?
A. Pamahalaang Sibil C. Pamahalaang MIlitar
B. Pamahalaang Taft D. Pamahalaang Schurman
4. Anong Batas ang nagtakda ng pagtatag ng Asamblea ng Pilipinas bilang Mababang
Kapulungan na kakatawan sa mga Pilipino bilang tagapagbatas?
A. Batas Cooper C. Batas Gabaldon
B. Batas Jones D. Batas Bilang 1870
5. Sa panahon ng kolonyalismong Amerikano sa Pilipinas, patuloy na nag-aalab ang mithiin ng
mga Pilipino para sa pagkamit ng Pilipinas ng kasarinlan sa lalong madaling panahon. Paano
ipinarating ng mga Pilipino ang kanilang mithiin para sa nagsasariling pamahalaan at bansa?
A. sa pamamagitan ng dahas C. sa pamamagitan ng pagprotesta
B. sa pamamagitan ng digmaan D. sa pamamagitan ng diplomatikong paraan
6. Nagkaroon ang mga Pilipino ng ibayong pakikilahok sa mga usapin at gawaing pangangasiwa
sa pamahalaan. Binansagan ang patakarang ito na ________.
A.Jones Law C. Philippine Organic Act
B. Pilipinisasyon D. Philippine Autonomy Act
7. Isa pang mahalagang pagbabago naganap sa panhon ng Komonwelt ang pagbibigay-
karapatan sa kababaihan upang bumoto at mahalal. Ano ang tawag sa batas na ito?
A. Human Rights C. Maternity Bill
B. Women’s Right D. Women’s Suffrage Bill
8. Sa Pamahalaang Komonwelt, itinalaga siya bilang military adviser ni Pangulong Quezon.
A. Gen Antonio Luna C. Gen. Emilio Aguinaldo
B. Gen. Westly Merrit D. Gen. Douglas MacArthur
9. Ano ang itinatag ng Tydings-McDuffie Act upang ito ay babalangkas ng saligang batas para
sa Pamahalaang Komonwelt?
A. PNP Convention C. Educators Convention
B. Institutional Convention D. Constitutional Convention
10. Sa unang pagdating pa lamang ng mga Amerikano sa Pilipinas ay nagturo na sa mga pam-
publikong paaralan ang mga sundalo na mabilis na pinalitan naman ng mga unang guro
na nag mula sa Amerika. Kilala ang grupo ng mga gurong ito bilang _________________ dahil
nakarating sila sa bansa lulan ng barkong SS Thomas.
A. Armamites C. Parasites
B. Thomasites D. Paralized
11. Alin sa mga sumusunod ang naranasan ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Amerikano
sa larangan ng Edukasyon?
A. Nagkaroon ng kalayaang bumuto C. Nagkaroon ng kalayaang makapag-aral
B. Nagkaroon ng kalayaang magbyahi D. Nagkaroon ng kalayaang maghanapbuhay
12. Kung ang simbahang Katoliko ang simbolo ng pananakop ng Espanya, ang ____________
naman ang simbolo ng pananakop ng Amerikano.
A. simbahan B. Hayop C. paaralan D. mall
13. Isa sa mga naituturo ng mga Amerikano sa mga Pilipino ay ang pagpapahalaga sa kalusugan.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita nito sa panahaon ng mga Amerikano?
A. Nagpatayo ng simbahan
B. Nagpatayo ng mga paaralan.
C. Itinuro ang pagbasa at pagsulat
D. Itinuro ang kahalagahan ng pagiging malinis sa katawan.
14. Ang mga sundalong Pilipino at Amerikano ang naging biktima ng Death March. Paano sila
pinahirapan ng mga Hapones?
A. pinasakay ng bus C. pinatakbo ng mabilis
B. pinakain ng marami D. pinalakad ng 100 kilometro
15. Alin dito ang naging resulta sa mga patakaran at pang-aabuso ng mga Hapones sa mga Pilipino?
A. Pinalayas ng mga Pilipino ang mga Hapones
B. Naghimagsik ang mga Pilipino laban sa mga Hapones
C. Naging mas malapit ang relasyon ng Hapones at Pilipino
D. Tinanggap at sinunod ng lahat ng Pilipino ang Hapones ng buong kagalakan
16. Ang kilusang _______________ ay mas lalong nagpahirap sa kapwa Pilipino.
A. Makapili B. Kempeitai C. HukBaLaHap D. Pulisya
17. Anong uri ng mamamayang Pilipino ang mga naging kasapi ng HukBaLaHap?
A. sundalo B. rebelde C. magsasaka D. karpentero
18. Lumaban ang mga Pilipino sa mga dayuhang naglapastangan sa kasarinlan ng bayan
at karapatang pantao ng mga mamamayan. Ano ang naghimok sa kanila na lumaban
sa mapang-aping kamay ng mga dayuhan?
A. Kagitingan B. Katalinuhan C. Katamaran D. Kabaitan
19. Ang Pilipinas ay may sariling bandila na tinahi ni Marcela Agoncillo pero nang masakop ang
bansa ng mga Amerikano, ipinagbawal ang paggamit ng ano mang simbolong makabansa.
Sa ilalim ng anong batas o patakarang pasipikasyon ang pinagbabatayan nito?
A. Flag Law of 1907 C. Brigandage Act of 1902
B. Sedition law of 1901 D. Reconcentration Act of 1903
20. Sa ilalim ng Sedition Law ng Patakarang Pasipikasyon, ipinagbabawal ang pangangampanya
ng kalayaan laban sa mga Amerikano. Anong parusa ang ipinapataw sa lumabag nito?
A. Pinaalis ng bansa C. Pinalinis ng bilangguan
B. Pinaluto para sa mga bilanggo D. Kamatayan o panghabang-buhay na pagkabilanggo
21. Alin sa mga sumusunod ang nagsasabi ng katotohanan tungkol sa probisyong pangkalayaan
ng Pilipinas sa ilalim ng Batas Tydings McDuffie?
A. ganap na Kalayaan ng Pilipinas pagkatapos ng 10 taon
B. kontrolin ng Estados Unidos ang ekonomiya ng Pilipinas.
C. pagkilala sa mga sagisag ng Estados Unidos tulad ng bandila
D. magpadala ng kinatawan ng bansa sa kongreso ng Estados Unidos
22. Ang Batas Jones 1916 ay nagbigay ng pag-asa sa mga Pilipino na makamit ang Kalayaan
ng Pilipinas kapag mayroon na itong matatag na pamahalaan. Alin sa mga sumusunod ang
nagpakita ng kakayahan ng mga Pilipino sa pamumuno?
A. Nagkaroon sila ng eleksiyon
B. Nagpatupad sila ng mga batas
C. Nagdepende sila sa mga Amerikano.
D. Pinagbuti ng mga Pilipino ang pamamalakad sa pamahalaan
23. Alin sa mga sumusunod ang naging hudyat ng Ikalawang Digmaang pandaigdig?
A. Pagbomba sa Paliparan C. Pagbomba sa simbahan
B. Pagbomba sa paaralan D Pagbomba sa Pearl Harbor
24. Bakit nasangkot ang mga Pilipino sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. dahil nasa ilalim tayo ng US noon.
B. dahil nasa bansa tayo ng Asya.
C. dahil sa pag-ayaw nila ng pagsali sa Greater East Asia Co-prosperity Sphere
D. Lahat ng nabanggit
25. Ang Ikalawang Republika ay tinawag na Puppet Republic dahil sa _______.
A. Pilipino lamang ang namumuno.
B. Laruang Puppet ang paborito nilang laro.
C. Pinamamahalaan ng mga hapones ang buong bansa.
D. Ang pangulo ay napasailalim ng kapangyarihan ng mga Hapones.
26. Itinatag ito upang maipagpatuloy ang paglaban sa mga Hapones. Naging marahas ang
kanilang pagsugpo sa mg Hapones. Daang-daang Hapones ang kanilang pinatay. Naging
dahilan ito upang higit silang katakutan ng mga Hapones kaysa sa mga sundalo.
A. Makapili B. Kempeitai C. HukBaLaHap D. Pulisya
27. Walang alinlangang ibinuwis ng mga Pilipino ang kanilang buhay upang ipaglaban ang
ating kasarinlan. Nanatili sa kanila ang pagmamahal sa bayan kapalit man nito ay ang kanilang buhay. Ano ang
ipinakita sa sitwasyong ito?
A. Kaapihan B. Kaayusan C. Kalinisan D. Kabayanihan
28. Anong kaugalian ang dapat mong ipakita sa mga Hapones sa kasalukuyang panahon?
A. Pag may nakita kang Hapon/Hapones, huwag itong pansinin.
B. Huwag tanggapin ang mga Hapones sa Pilipinas sa kasalukuyan.
C. Magalit sa mga Hapones dahil kalahi nila ang sumakop at nang-aabuso sa mga ninuno natin.
D. Magpakita ng magandang ugali sa mga Hapones dahil wala naman silang kinalaman sa mga
pang-aabuso na naganap noon.
(29-30.) Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging matapat sa bansang Pilipinas?
Pumili ng dalawa. Isulat ang titik ng tamang sagot.

29._________
30._________

A. Tatalikuran ang responsibilidad sa bansa sa panahon ng digmaan.


B. Iaalay ang buhay laban sa mapang-aping dayuhan.
C. Sasapi sa mga dayuhan upang kalabanin ang Pilipinas.
D. Patuloy na susunod sa batas ng Pilipinas para sa ikakaunlad nito.

Araling Panlipunan 6
Quarter 2
S.Y. 2023-2024
Mga Sagot

1.C 11.C 21.A


2.B 12.C 22.D
3.A 13.D 23.D
4.A 14.D 24.D
5.D 15.B 25.D
6.B 16.A 26.C
7.D 17.C 27.D
8.D 18.A 28.D
9.D 19.A 29.B
10.B 20.D 30.D

You might also like