You are on page 1of 6

IKALAWANG MARKAHAN SA ARALING PANLIPUNAN VI

SY 2023-2024

PANGALAN_________________________________________ ISKOR___________

1. Aling uri ng pamahalaan ang unang itinatag ng mga Amerikano?


A. Pamahalaang Demokratiko B. Pamahalaang Militar
C. Pamahalaang Rebolusyonaryo D. Pamahalaang Sibil
2. Sino ang namuno sa Pamahalaang Sibil sa Pilipinas?
A. Harry Truman B. Jacob Schurman
C. William Howard Taft D. William McKinley
3. Ito ay tumutukoy sa batas ng nagbabawal sa paggamit ng bandila o anumang simbolong
makabansa na nagpapahayag ng pagtuligsa sa mga Amerikano tulad ng watawat ng Katipunan.
A. Batas sa Sedisyon B. Batas sa Bandila
C. Batas sa Sona D. Batas sa Brigansiya
4. Siya ang kauna-unahang itinalagang gobernador militar ng Pilipinas.
A. Elwell Otis B. William Howard Taft
C. Arthur MacArthur D. Wesley Merritt
5. Ang mga sumusunod ay ginawa ng mga Amerikano upang mapuksa ang diwang nasyonalismo ng
mga Pilipino MALIBAN sa?
A. Nangako silang tutulungan ang mga Pilipino sa pagpapatakbo ng sarilijng pamahalaan.
B. Hinayaan nilang magtatag ng mga partidong pulitikal ang mga Pilipino.
C. Binigyan ng posisyon sa pamahalaan ang ilan sa mga Pilipino.
D. Kinasuhan ang mga Pilipinong nag-alsa laban sa mga Amerikano.
6. Alin ang HINDI layunin o motibo ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas?
A. Kapootan ng mga Pilipino ang Pilipinas.
B. Pagpapalaganap ng demokrasya.
C. Pagtatayo ng mga base militar.
D.Pagtatag ng Pamahalaang Sibil
7. Ano ang batas na nagtadhana ng kalayaan para sa Pilipinas, subalit hindi ito tiniyak ang takdang
taon ng pagbibigay ng kalayaan?
A. Batas Cooper B. Batas Tydings-Mc Duffie
C. Batas Jones D. Batas Hare-Hawes Cutting
8. Batas na tumutukoy sa pagpapanatili ng base militar at pagkakaroon ng limitasyon sa pagpasok ng
mga Pilipino sa Estados Unidos.
A. Batas Cooper B. Batas Hare-Hawes Cutting
C. Batas Tydings-McDuffie D. Batas Jones
9. Ito ay ang Batas na nagkaloob ng karapatan sa mga Pilipino at nagsilbing Batas Organiko at
naglikha ng lehislatura ng Pilipinas.
A. Batas Hare-Hawes Cutting B. Batas Tydings-McDuffie
C. Batas Jones D. Batas Cooper
10. Batas na lalong nagpatibay na makapagsarili at maging Malaya na ang Pilipinas sa kadahilanan
na idinagdag ang salitang complete o ganap sa kasulatan.
A. Batas Jones B. Batas Tydings-McDuffie
C. Batas Hare-Hawes Cutting D. Batas Cooper
11. Bakit mahalaga ang Philippine Organic Act of 1902 o Batas Pilipinas 1902 sa mga Pilipino?
A. Dahil tiniyak nito ang kalayaan ng mga Pilipino.
B. Dahil dito nakasaad ang karapatan ng mamamayang Pilipino
C. Dahil dito nagpatibay ng batas na lumikha sa kasarinlan ng paggawa.
D. Wala sa nabanggit.
12. Paano nakatulong ang Misyong-OsRox na pinamunuan ni Osmena at Roxas sa Pilipinas?
A. Hilingin ang batas ng Pilipinas.
B. Hilingin ang kalayaan ng Pilipinas.
C. Magkaroon ng kinatawan ang Pilipinas
D. Magkaroon ng pagmamay-ari ang Pilipinas.
13. Programang nagbibigay ng pagkakataon sa mga magsasaka na walang sariling lupa na
makapagmay-ari ng lupang sasakahin ng hindi hihigit sa 24 na ektarya.
A. Programang Homestead B. Women’s Suffrage Bill
C. Code of Ethics D. Minimum Wage
14. Nagbibigay ito ng pantay na karapatan sa mga babae na bumoto at mahalal sa pampublikong
posisyon sa tanggapan ng pamahalaan.
A. Women’s League B. Women’s Parity Rights
C. Women’s Suffrage Bill D. Women’s Organization
15. Batas na nagtatakda ng pinakamababang pasahod na maaaring tanggapin ng isang
manggagawa. Walang manggagawa ang dapat sumusuweldo nang mas mababa kaysa sa minimum
wage.
A. Eight Hour Labor Law B. Minimum Wage Law
C. Patakarang Homestead D. Women’s Suffrage Bill
16. Pangulo ng Republika ng Pilipinas sa Pamahalaang Komonwelt?
A. Sergio Osmeňa B. Manuel L. Quezon
C. Manuel Roxas D. Emilio Aguinaldo
17. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng isang pambansang wika?
A. Upang maging maunlad ang pamumuhay ng bawat Pilipino.
B. Upang maging sikat ang mga Pilipino.
C. Upang magkaisa ang mga Pilipino.
D. Upang makilala ang Pilipinas sa buong mundo.
18. Bakit malaki ang suliraning pangkabuhayan ng mga Pilipino sa ilalim ng administrasyong
Quezon?
A. Dahil mas marami ang mga dayuhan kaysa Pilipinong mangangalakal.
B. Dahil naapektuhan ang Pilipinas ng pagbagsak ng ekonomiya sa Estados Unidos.
C. Dahil hindi pa gaanong bihasa sa paghahanapbuhay ang maraming Pilipino.
D. Dahil sa pagsasamantala ng mga dayuhang mananakop at pagkasalantang dulot ng
digmaan.
19. Ipinakilala ng mga Amerikano ang makabagong paraan ng transportasyon at komunikasyon.
A. Naging mas madali at mas maunlad ang buhay ng mga Pilipino.
B. Nalito at lalong naghirap ang buhay ng mga katutubo.
C. Ninais ng mga Pilipino ang simple at payak na uri ng pamumuhay.
D. Naging masalimuot ang buhay ng mga Pilipino
20.Sino ang mga gurong Amerikano na lulan o sakay ng barkong S.S. Thomas papuntang Pilipinas?
A. Thomasites B. Dominicans
C. Letranites C.Agustinians
21. Binigyang-pansin ng mga Amerikano ang kalusugan at sanitasyon ng mga Pilipino.
A. Maraming Pilipino ang nag-aral ng medisina upang matutong manggamot.
B. Nanatiling umasa ang maraming Pilipino sa mga magagawa ng mga albularyo.
C. Natutuhan ng mga Pilipino ang wastong pagpapanatili ng kalinisan ng sarili at pagkain.
D.Maraming Pilipino ang umaasa sa tulong medikal ng gobyerno.
22. Dumating ang anim na raang mga gurong Amerikano mula sa Estados Unidos.
A. Maraming Pilipino ang nagtungo sa kabundukan at mga liblilb na lugar.
B. Nagalit ang mga Pilipino dahil mas gusto nila matuto ng Espanyol kaysa Ingles.
C. Madaling natutuhan ng mga Pilipino ang kulturang Amerikano.
D.Nanatiling mangmang ang mga Pilipino.
23. Upang mailigtas ang Maynila sa ganap na pagkasira sa digmaan, idineklara ni Hen. MacArthur
ang Maynila bilang _________ noong Disyembre 26, 1941.
A. Open City B. Closed City
C. City Open D. Manila City
24. Kumander ng USAFFE na kusang sumuko makatapos ang pagbagsak ng Bataan sa kamay ng
mga Hapones, sa dahilang wala nang lakas lumaban ang mga sundalong Amerikano at Pilipino.
A. Hen. Douglas McArthur B. Hen. Edward P. King
C. Hen. Jonathan Wainwright D. Hen. Vicente Lim
25. Opisyal na wika ng mga Hapones na itinuro din sa mga Pilipino.
A. Niponggo o Nihonggo B. Espanyol
C. Ingles D. Arabe
26. Nabihag ng hukbong Hapones ang may 70,000 kawal na Amerikano at Pilipino. Pinuwersa ng
mga Hapones na pagmartsahin ang kanilang bihag mula Bataan hanggang Tarlac. Ano ang tawag
ditto?
A. Death March B. Martsang Nakamamatay
C. Pagbagsak ng Bataan C. Pagbagsak ng Corregidor
27. Alin sa mga dahilan ang naging sanhi ng pagkamatay ng mga kawal na Amerikano at Pilipino
habang nagmamartsa patungog San Fernando?
A. palagiang pahinga sa bawat bayan B. gutom, pagod at sakit
C. nasobraan ng kain D. sobrang tulog
28. Bakit itinuturing na makasaysayan ang Death March?
A. Natigil nito ang madugong labanan sa pagitan ng mga Pilipino at Hapones.
B. Nagpapatunay ito na metatag ang mga sundalong Pilipino at hindi basta mapapasuko.
C. Maraming Pilipino at Amerikano ang masayang makilahok sa martsa na pinamunuan ng
mga
sundalong Hapones
D. Maraming sundalong Pilipino at Amerikano ang namatay nang sila’y pinagmartsa ng mga
Hapones mula Bataan hanggang Tarlac.
29. Bakit itinawag na “Puppet Republic” ang pamahalaang itinatag ng mga Hapones?
A. Dahil magaling gumawa ng mga puppets ang mga Hapones.
B. Dahil kahit Pilipino ang Pangulo ng bansa, nagmumula pa rin sa mga Hapon ang
pagpapatupad ng batas.
C. Dahil si Jose P. Laurel ay nakapag-aral sa Tokyo, Japan.
D. Dahil gumawa ng salaping papel ang mga Hapones sa tinawag na “Mickey Mouse Money”
30. Sa loob ng tatlong taon na pamamahala ng mga Hapon sa Pilipinas marami ang ipinagbawal. Alin
sa mga ito ang hindi kasama?
A. pagpapatupad ng curfew
B. pagbabawal ng pag-awit ng pambansang awit ng Pilipinas
C. pagpapasara ng paaralan, tanggapan ng telegrapo at iba pa
D. naging masayahin ang mga Pilipino
31. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tungkol sa kalagayang pang-ekonomiya ng Pilipinas sa
panahon ng Hapon?
A. Naging masaya ang mga Pilipino dahil sa “Mickey Mouse Money” na ipinalabas ng mga
Hapon.
B. Ang mga patakarang ipinatupad ng mga Hapon ay nagdulot ng paghihirap sa mga Pilipino.
C. Hindi epektibo ang mga programa ng mga Hapones, bagkus ay naging kulang pa ang
pagkain
para sa mga Pilipino.
D. Lahat ay tama maliban sa titik A.
32. Paano sinolusyunan ng mga Pilipino ang kahirapang dinaranas nila?
A. Maraming Pilipino ang pumasok sa negosyong “buy and sell”
B. Nagtanim sila ng mga gulay sa mga lupang maaaring pagtaniman.
C. Nagmakaawa sila sa mga Hapon upang bigyan ng ayuda.
D. Lahat ay tama maliban sa titik C.
33. Sino ang heneral ng Amerika na bumallik kasama ang mga hukbong Amerikano na lulupig sa
mga Hapon?
A. Heneral Hideki Tojo B. Heneral Douglas MacArthur
C. Heneral Edward King D. Heneral Jonathan Wainwright
34. Kailan bumagsak ang Bataan at Corregidor sa kamay ng mga Hapon?
A. 5 Mayo 1942 B. 6 Mayo 1942
C. 7 Mayo 1942 D. 8 Mayo 1942
35. Sino ang pinuno sa kilusang HUKBALAHAP na itinatag laban sa mga Hapones.
A. Luis Taruc B. Jesus Lava
C. Jose Banal D. Lahat ng nabanggit ay tama
36. Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga Hapones?
A. Pamahalaang Parlyamentaryo B. Pamahalaang Demokratiko
C. Pamahalaang Totalitaryan D. Pamahalaang Komonwelt
37. Ano ang dahilan kung bakit binitay si Jose Abad Santos ng mga Hapones noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig?.
A. Dahil ayaw niyang makipagtulungan sa mga kaaaway.
B. Dahil ayaw niyang magbitiw sa kanyang tungkulin.
C. Dahil ayaw niyang magtungo sa bansang Hapon.
D. Dahil ayaw niyang magturo ng Niponggo.
38. Ano ang dahilan kung bakit itinuturing na bayani si Jose Abad Santos?
A. Dahil ninais niyang mamatay sa bayan kaysa makipagtulungan sa Hapon.
B. Dahil sa pagiging matapang na mahistrado ng mataas na kapulungan.
C. Dahil pakikipagkaibigan sa mga Hapones.
D. Dahil sa taglay niyang katalinuhan.
39. Sino ang nagtatag ng Babaeng Iskawt sa Pilipinas at tumulong sa mga sundalong Pilipinong
nasugatan sa digmaan sa pamamagitan ng pagibibigay ng mga damit,pagkain, inumin at gamut para
sa mga ito?
A. Josefa Llanes Escoda B. Elisa Ochoa
C. Carmen Planas D. Susan Anthony
40. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nakapagtapos sa US Military Academy at nagging
kumandernng hukbong nagtanggol upang hadlangan ang pagpasok ng mga Hapones sa Bataan.
A. Heneral Gregorio del Pilar B. Heneral Fidel V. Ramos
C.Heneral Antonio Luna D. Heneral Vicente Lim

ANSWER KEY:
1. B 11. B 21. C 31. D
2. B 12. B 22. C 32. D
3. C 13. A 23. A 33. B
4. D 14. C 24. B 34. B
5. B 15. B 25. A 35. A
6. A. 16. B 26. A 36. C
7. C 17. C 27. B 37. A
8. B 18. D 28. D 38. A
9. D 19. A 29. B 39. A
10. B 20. A 30. D 40. D

You might also like