You are on page 1of 8

SCHOOLS DIVISION OFFICE

CALOOCAN CITY

Sample Exercises for Grade 6

Panuto: Tukuyin ang inilalarawan ng bawat pahayag. Piliin ang titik ng


tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ano ang ginamit na paraan ng mga Amerikano upang makuha ang tiwala ng
mga Pilipino?
A. Makataong Asimilasyon C. Pamahalaang Sibil
B. Pamahalaang Militar D. Asamblea ng Pilipinas

2. Ano ang uri ng pamahalaang itinatag upang mapigilan ang pag-alsa ng mga
Pilipino?
A. Pamahalaang Sibil C. Pamahalaang Schurman
B. Pamahalaang Merritt D. Pamahalaang Militar

3. Maraming Pilipino ang lumahok sa pamahalaan sa ilalim ng pamahalaang


sibil sa bisa ng patakarang ______________.
A. Pilipino Muna C. Pilipinas ay para sa mga Pilipino
B. Pilipinisasyon ng Pilipinas D. Makataong Asimilasyon

4. Sino ang kauna-unahang gobernador militar ng Pilipinas sa ilalim ng


Estados Unidos?
A. William H. Taft C. William Mckinley
B. Wesley Merritt D. Jacob Schurman

5. Sino ang namuno sa Partido Federal sa Pilipinas?


A. Gregorio Araneta C. Benito Legarda
B. Trinidad H. Pardo de Tavera D. Jose Ruiz de Luzuriaga

6. Bakit pwersahang pinapatira ang mga Pilipino sa mga kabayanan ayon sa


Reconcentration Act? Ito ay para .
A. mabigyan ng negosyo ang lahat ng mga Pilipino
B. mapaunlad ang transportasyon at komunikasyon
C. makatulong ang mga Pilipino sa pagpapatayo ng mga gusali
D.maputol ang tulong na pagkain at suporta ng mga gerilya
na nasa kanayunan

7. Ano ang uri ng pamahalaan na ipinalit sa Pamahalaang Militar?


A. Pamahalaang Sibil C. Pamahalaang Militar
B. Pamahalaang Taft D. Pamahalaang Schurman

8. Ano ang tawag sa ipinanukala ni Senador John Spooner noong 1901?


A. Susog John C. Batas John
B. Susog Spooner D. Batas Spooner

9. Sino ang nagsilbing kumakatawan sa pangulo ng Estados Unidos sa


pamahalaang military na itinatag sa pilipinas?
A. Gobernador Sibil C. Gobernador Militar
B. Pangalawang Pangulo D. Pangulo

10. Alin sa sumusunod ang ipinangako ng Pamahalang Sibil sa pamumuno ni


Gobernador William Howard Taft?
A. Pagpapahalaga ng mga karapatang sibil at pagsasanay sa malayang
pamamahala sa sarili.
B. Pagpaparami ng magsasaka at pagpapaunlad ng agrikultura
C. Pagpapadami ng sundalong Pilipino sa ilalim ng mga amerikano
D. Pagbibigay ng libreng pabahay, edukasyon at pagpapagamot.

11. Ang Asamblea ang nagbigay ng pagkakataon sa mga Pilipinong makasali sa


pamamalakad sa pamahalaan. Ano ang tawag sa asamblea sa panahon ng
amerikano?
A. Asamblea ng Pilipinas C. Mababang Asamblea
B. Asamblea ng Estados Unidos D. Mataas na kapulungan

12. Bakit ninais ng mga Amerikano na sakupin ang Pilipinas? Sa dahilan


.
A. masanay ang mga Pilipino sa pagsasarili.
B. mapatunayan sa mundo na sila ang pinakamakapangyarihan
C. pagpapalakas ng pwersang military sa buong mundo
D. ang Pilipinas ay may magandang lokasyong istratihiko sa Pasipiko.

13. Sa panahon ng transisyon ng pamahalaan sa mga Pilipino ,Sino ang


nahalal na Ispiker ng Mababang Kapulungan sa panahon ng pamamalakad
ng mga Amerikano?
A. Manuel L. Quezon C. Manuel Roxas
B. Sergio Osmeña, Sr. D. Juan Luna

14. Nagtakda ng pagtatag ng Asamblea ng Pilipinas bilang Mababang


Kapulungan na kakatawan sa mga Pilipino bilang tagapagbatas.
A. Batas Jones C. Batas 1945
B. Batas Cooper D. Batas 1870
15. Bakit masasabing mahalaga ang pagkatatag ng Pamahalaang Komonwelt?
Dahil _
A. naging madali ang pamumuhay ng mga Pilipino
B. nabigyan ang mga Pilipino ng pagkakataong maglakbay
C. nabigyan tayo ng karapatang makilahok sa usapang stateside
D. nalinang at sumubok ito sa kakayahan ng mga Pilipino tungo sa
malayang pamahalaan

16. Alin sa sumusunod ang pinakamagandang pagbabagong naganap sa


larangan ng politika sa panahon ng Komonwelt?
A. libreng pag-aaral at kagamitan sa paaralan sa pampublikong paaralan
B. makapag-aari ng sariling negosyo at kabuhayan ang mga Pilipino
C. paglaganap ng kaisipang kolonyal at kulturang amerikano sa bansa.
D. pagkakaroon ng karapatang makaboto at maiboto ang mga kababaihan

17. Matapos mapagtibay ang Saligang-Batas ng 1935 ang mga Pilipino ay


pumili ng mga delegado na uupo sa pamahalaan. Ipinakita ng mga Pilipino
na sila ay may:
A. kalayaan sa pagsapi sa Estados Unidos bilang opisyal na teritoryo
B. karapatang mahalal at maghalal ng pinuno sa pamahalaan
C. karapatang makapag-aral ang bawat Pilipino sa publikong paaralan.
D. pantay na karapatan sa pakikipagkalakalan sa mga dayuhang bansa

18. Ano ang pinakamahalagang likhang–kultural na nagpaunlad sa layuning


kasarinlan?
A. Pagdami ng banyagang produkto sa lokal na pamilihan
B. Paggamit ng Wikang Ingles sa mga pampublikong paaralan
C. Pagpapamalas ng kagalingan ng mga Pilipino sa pamumuno ng
pamahalaan
D. Pagsapi ng mga Pilipino sa Sandatahang Lakas ng Estados Unidos

19. Anong batas ang nagtadhana ng pagtatatag ng pamahalaang Komonwelt?


A. Batas Tydings-Mc Duffie C. Batas Pilipinas 1902
B. Saligang Batas ng 1935 D. Batas Hare Hawes Cutting

20. Sa panahon ng mga Amerikano binigyang kalayaan ang mga Pilipino na


magkaruon ng malayang pagpili sa mamumuno sa pamahalaang
Commonwelt. Saang partido nabibilang sina Quezon at Osmeña Sr.?
A. Partido Liberal C. Partido Nacionalista
B. Partido Demokratiko D. Partido Federal

21. Ano ang pangunahing layunin ng edukasyon sa panahon ng Amerikano?


A. Maging bihasa sa wikang Ingles
B. Maipalaganap ang relihiyong Protestanismo
C. Mapalaganap ang kulturang amerikano sa bansa
D. Magkaruon ng kamalayan ang mga Pilipino sa pagiging mabuting
mamamayan.

22. Isa sa magandang naiwan ng mga Amerikano sa Pilipinas ay ang


edukasyon . Ano ang tawag sa mga amerikanong nagsilbing guro sa
Pilipinas ?
A. Maestro/ Maestra C. Teacher
B. Professor D. Thomasites

23. Ang sumusunod ay ipinapatupad sa panahon ng Amerikano maliban sa isa.


A. Itinuro ang relihiyon at wikang tagalog.
B. Libre ang pag-aaral sa mga paaralang pambayan.
C. Ipinagamit ang mga aklat na isinulat sa Amerika.
D. Ipinagamit ang wikang Ingles bilang wikang panturo.

24. Anong wika ang ipinagamit sa mga Pilipino noong panahon ng mga
Hapones?
A. Ingles C. mandarin
B.Niponggo D. Tagalog

25. Ano ang mabubuting resulta ng pananakop ng mga Hapones sa bansa?


A. Pag-aalaga at pagpaparami ng mga isda, hipon at mga bibe.
B. Pagkatuto ng sining na Origami at Ikebana.
C. Pagkahilig sa mga pagkain tulad ng noodles, tempura at sushi.
D. Lahat ay tama.

26. Paano pinigilan ng mga Hapones ang pagkanasyonalismo ng mga Pilipino


noong panahon ng pananakop?
A. Pinapagamit ang wikang Ingles kahit saan.
B. Binibigyan ang mga Pilipino ng mga pagkain.
C. Pinakulong ang mga kumakalaban na Pilipino sa mga batas.
D. Pinigilan ang pag-awit at pagtugtog sa publiko ng pambansang awit ng
Pilipinas.

27. Ano ang pinakamalaking suliranin ang dinanas ng mga Pilipino noong
panahon ng mga Hapones?
A. kawalan ng mga Karapatan C. kakulangan sa pagkain
B. kawalan ng trabaho D. kawalan ng disiplina
28. Ang sumusunod ay mga masasamang epekto ng pananakop ng mga
Hapones sa bansa, maliban sa isa.
A. Nagdulot ng takot at paghihirap sa maraming Pilipino.
B. Nawala ang kalayaan pagsasalita at pagpapahayag ng damdamin.
C. Natuto ang mga Pilipino ng mga pamamaraan sa agrikultura.
D. Nagkaroon ng pagbabago sa sistema ng edukasyon at hanap-buhay.

29. Paano napatunayan ang nasabi ng isang bayaning sundalo na ang “tunay
na kalaban ng ating bansa ay hindi ang mga dayuhan kundi ang ating
sarili” sa panahon ng mga hapones?
A. Tumaas ang mga miyembro ng HUKBALAHAP
B. Maraming nagsilbing Pilipinong MAKAPILI
C. Nagsilbing sundalo ng mga hapones ang mga Pilipino.
D. Sumapi ang mga Pilipino ang sumang ayon sa Co Prosperity Sphere.

30. Ang sumusunod ay mga patakaran na inilunsad ng mga Hapones, maliban


sa isa.
A. Pagputol ng ugnayan ng Pilipinas sa Estados Unidos.
B. Pag-alis ng kalayaang makapagsalita at makapagpahayag.
C. Pagpaparusa sa mga taong kumakalaban sa mga Hapones.
D. Pagbibigay kalayaan sa mga kababaihan na magpatakbo ng gobyerno.

31. Ang mga kababaihan ay hindi nailigtas sa pagmamalupit ng mga


mananakkop na hapones. Ano ang tawag sa mga kababaihan na nakaranas
ng pang aabusong sekswal sa panahon ng mga Hapones?
A. Comfort Women C. Women’s Abused
B. Womens’ Day D.Womens’ anxiliary

32. Lumaganap ang ikalawang digmaang pandaigdig at ang Pilipinas


ay hindi nakaligtas sa mga mananakop.Kailan dumating ang mga
Hapones sa Pilipinas?
A. 1942 B. 1944 C. 1966 D. 1972

33. Sa ilalim ng Batas Tydings Mc Duffie ang Pilipinas ay


sasailalim sa sampung taong transisyon patungo sa
demokratikong pamahalaan. Ang pamahalaan ay
pinamunuan ng mga Pilipino sa ilalim ng pamamatnubay
ng mga amerikano. Sino ang Pangulo ng Pilipinas sa
panahong Commonwelt?
A. Jose P. Laurel C. Manuel L. Quezon
B. Manuel A. Roxas D. Sergio Osmena

34.Sino ang naging pangulo ng Japanese – sponsored


Philippine Republic o tinawag na Republikang Papet?
A. Jose Abad Santos C. Manuel L. Quezon
B. Jose P. Laurel D. Manuel A. Roxas

35.Ang kagitingan ng mga Pilipino sa pakikipaglaban sa


kalayaan ay hindi tumigil sa kabila ng pamumuno ng mga
hapones.Ano ang tawag sa mga rebeldeng pangkat na
patuloy na lumalaban sa mga Hapones ?
A. Gerilya C. Moro Islamic Liberation Front
B. HUKBALAHAP D. New Peoples’ Army

36.Sinong Amerikanong Heneral ang natira upang


ipagtranggol ang Corregidor?
A. Manuel L. Quezon C. Jonathan w. Wright
B. Jose P. Laurel D. Hideki Tojo

37. Ang digmaan ay tumagal ng halos tatlong taon at magiting na lumaban


ang mga Pilipino laban sa mga hapon. Sino ang heneral ng Amerika ang
nangakong siya ay magbabalik upang makasama ng mga Pilipino sa
paglupig sa mga Hapon?
A. Heneral Douglas Mac Arthur C. Heneral William Taft
B. Heneral F. B. Harisson D. Heneral Jonathan Wainwright

38. Ang Pilipinas ang isa sa mga huling bansa na sumuko sa mga hapon noong
ikalawang digmaang pandaigdig.Kailan bumagsak ang Corregidor sa kamay
ng mga Hapon?
A. Mayo 5, 1942 C. Mayo 7, 1942
B. Mayo 6, 1942 D. Mayo 8, 1942

39. Lider ng samahang gerilya sa Luzon.


A. Koronel Ruperto Kangleon C. Tomas Confessor
B. Tomas Cabili D. Wenceslao Q. Vinzons

40. Isang kilusang may katulad na simulain ng mga gerilya na binuklod ng


mga magsasakang labis na pinahirapan.
A. KKK C. HUKBALAHAP
B. Gerilya D. USAFFE

41 Ang pinuno sa kilusang HUKBALAHAP na itinatag laban sa mga


Hapones.
A. Luis Taruc C. Jose Banal
B. Jesus Lava D. Jose P. Laurel
42. Ang mga sundalo o sibilyang namundok at patuloy na
nakipaglaban sa mga Hapones.
A. HUKBALAHAP C. KALIBAPI
B. Gerilya D. Makapili

43.Ang pulis militar ng Hapones ay tinatawag na .


A. director –heneral B. Heneral C.kempei-tai D. Makapili

44.Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga Hapones?


A. Pamahalaang Demokratiko
B. Pamahalaang Komonwelt
C. Pamahalaang Parlamentaryo
D. Pamahalaang Totalitaryan

You might also like