You are on page 1of 6

St. Vincent de Ferrer College of Camarin, Inc.

SECOND PERIODICAL EXAMINATIONS IN ARALING PANLIPUNAN 6

Name:_____________________________________________Subject Title: ARALING PANLIPUNAN 6


Gr. & Sec. ________________________________________Subject Teacher: Ms. Michelle G. Sibayan
1. Alin ang HINDI NAKASULAT na layunin ng mga Amerikano ayon sa Benevolent Assimilation
Proclamation?
A. Sasakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas.
B. Magtatagal ang pamumuno nila sa mga Pilipino.
C. Mapayapa nilang tinatanggap ang mga Pilipino
2. Ano ang kaagad na itinatag ng mga Amerikano pagkatapos ng Pekeng Labanan upang magkaroon ng
kapayapaan at kaayusan sa buong Pilipinas?
A. Pamahalaang Militar
B. Demokratikong Bansa
C. Pamahalaang Sibil
3. Bakit ipinatupad ng mga Amerikano ang Patakarang Pasipikasyon?
A. Upang matigil ang mga rebelyon at damdaming makabansa ng mga Pilipino
B. Upang maalis ang takot ng mga Pilipino sa mga Amerikano
C. Upang mapalakas ang puwersa ng mga rebeldeng Pilipino
4. Bakit gustong mawala ng mga Amerikano ang damdaming makabayan ng mga Pilipino?
A. Upang labanan sila ng mga Pilipino
B. Upang magkaisa ang mga Pilipino
C. Upang mapabilis ang pagsakop sa mga Pilipino
5. Kahit nagpangako ng pagkakaroon ng sariling pamahalaan para sa mga Pilipino, bakit patuloy pa ring
nilabanan ng mga Pilipino ang mga Amerikano hanggang 1913?
A. Gusto nilang makamit ang mga karapatang pinapangarap nila.
B. Gusto nilang magtayo ng pamahalaang ginawa ng kapwa Pilipino.
C. Lahat ng nabanggit
6. Aling pahayag ng mga Amerikano ang nagpapakita ng Patakarang Kooptasyon?
A. “To bestow a good and stable government”
B. “To those who resist…can accomplish no end other than their own ruin”
C. “To overcome all obstacles”
7. Bakit ipinadala ni Pangulong William McKinley ng US ang mga Komisyong Schurman at Taft?
A. Pinasuko nila ang mga Pilipinong rebolusyonaryo
B. Inalam nito ang kalagayan ng Pilipinas para sa pagtatayo ng pamahalaang Sibil.
C. Pinatawad nila ang mga Pilipinong patuloy na lumalaban sa mga Amerikano.
8. Paano ipinatupad ng mga Amerikano ang bagong sistema ng edukasyon ng mga Pilipino?
A. Libre ang pag-aaral sa pamahalaang pampubliko.
B. Nagbigay ng entrance exam sa mga bagong paaralan.
C. Ang mga mayayaman lamang ang pwedeng makapag-aral.
9. Pinarusahan bilang mga bandido ang mga Pilipinong sasali o magtatayo ng mga samahang makabayan
o makakalayaan.
A. Flag Law 1907
B. Sedition Law ng 1901
C. Brigandage Act 1902
10. Pinarusahan ng pagkakakulong o kamatayan ang mga Pilipinong mangangampanya (campaign) para sa
kalayaan ng Pilipinas.
A. Reconcentration Act 1903
B. Brigandage Act 1902
C. Sedition Law 1901
11. Ipinagbawal ang paggamit ng bandila, sagisag o anumang gingamit ng mga Pilipino para sa pagkamit
ng kalayaan.
A. Flag Law 1907
B. Brigandage Law 1902
C. Sedition Law 1901
12. Pinarusahan bilang mga ordinaryong magnanakaw o tulisan ang katulad ni Macario Sakay na lumaban
para sa kalayaan.
A. Reconcentration Act 1903
B. Sedition Law 1901
C. Brigandage Law 1902
13. Ituturing na paglaban sa mga Amerikano ang pagsusulat o pagsasadula ng mga mensahe tungkol sa
kalayaan ng mga Pilipino.
A. Brigandage Law 1902
B. Sedition Law 1901
C. Flag Law 1907
14. Bakit naging mahalaga para sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng Halalan o Eleksyon para sa mga
kinatawan ng Asembleya ng Pilipinas noong 1907?
A. Ipinakita sa Halalan na ang Pilipinas ay isa nang ganap na malayang bansa.
B. Pinatunayan sa Halalan ang kakayahan ng mga Pilipino na pamunuan ang kanilang sarili.
C. Ginising ng Halalan ang diwang makabansa ng mga Pilipino laban sa Amerika.
15. Sino ang mga napiling lider sa pagsisimula ng Asembleya ng Pilipinas noong Oktubre 1907?
A. Manuel Quezon at Sergio Osmeña
B. Manuel Quezon at Elpidio Quirino
C. Sergio Osmeña at Manuel Roxas
16. Bakit mahalaga para sa mga Pilipino ang Programang Pilipinisasyon ng mga Amerikano?
A. Unti-unting inilipat sa mga Pilipino ang pamumuno sa pamahalaan
B. Nagkaroon ng tatlong (3) sangay ang pamahalaan.
C. Naging malaya na ang Pilipinas mula sa Amerika.
17. Anong Misyong Pangkalayaan ang nakakuha ng Batas Hare-Hawes-Cutting na hindi naman tinanggap
ng Senado ng Pilipinas?
A. Misyong Harrison
B. Misyong Taft
C. Misyong Os-Rox
18. Ayon sa Batas Tydings-McDuffie, kailan idedeklara ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas mula sa
Estados Unidos (US)?
A. Agosto 24, 1946
B. Hulyo 1, 1946
C. Hulyo 4, 1946
19. Alin ang HINDI kasama sa Talaan (Listahan) ng mga Karapatan ng mga Pilipino ayon sa Saligang
Batas ng 1935?
A. Maging malaya sa mga Amerikano
B. Kalayaan sa pagsusulat
C. Pagpili ng sariling relihiyon
20. Paano kinikilala ngayon si Manuel L. Quezon?
A. Siya ang unang pangulo ng Komonwelt.
B. Siya ang pambansang bayani ng bansa.
C. Siya ang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas.
21. Anong wika ang napili ng Pamahalaang Komonwelt upang maging Wikang Pambansa ng Pilipinas?
A. Cebuano
B. Ingles
C. Tagalog
22. Ayon sa Batas Tydings-McDuffie, ilang taon magtatagal ang Pamahalaang Komonwelt bago maging
isang malayang bansa ang Pilipinas?
A. Sampu (10)
B. Pito (7)
C. Lima (5)
23. Ilang misyon ang ipinadala ng Pilipinas upang makipadnegosasyon sa Kongreso ng Amerika tungkol sa
Kalayaan?
A. Dalawa (2)
B. Tatlo (3)
C. Apat (4)
24. Ang Os-Rox Mission ay kinilala bilang tanging misyong pangkalayaang matagumpay. Bakit?
A. Ito ay naging daan upang maipatupad ang Pamahalaang Komonwelt.
B. Ito ay nagkamit ng kalayaan mula US.
C. Ito ay naging daan upang maisabatas ang Hare-Hawes-Cutting Act.
25. Alin sa mga sumusunod ang isinasaad ng Hare-Hawes-Cutting Act?
A. Babawiin ang teritoryo ng US sa Pilipinas kapag nagkaroon ng matatag na pamahalaan.
B. Magkakaroon ng kalayaan matapos ang sampung taong transisyon o pagsasanay ang Pilipinas.
C. Magkakaroon ng soberanya ng US sa Pilipinas.
26. Ito ay itinatag bilang pagtupad sa mga probisyon ng Tydings-McDuffie Act at pinasinayaan noong
Nobyembre 15, 1935.
A. Pamahalaang Sibil
B. Pamahalaang Komonwelt (Commonwealth)
C. Misyong Pangkalayaan
27. Sino ang nahalal na pangalawang pangulo ng Pamahalaang Komonwelt?
A. Sergio Osmena
B. Manuel Quezon
C. Manuel Roxas
28. Layunin ng batas na ito na makabuo ng regular na hukbo at reserbang hukbo sa bansa.
A. Batas Tanggulang Pambansa
B. Batas Gabaldon
C. Batas Militar
29. Sino ang nahirang na tagapayong militar ng Pilipinas?
A. Hen. Douglas MacArthur
B. Hen. Wesley Merit
C. Hen. Arthur MacArthur
30. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng katarungang panlipunan?
A. pagbabawal ng malayang pamamahayag ng mga mamamayan
B. pangangalaga at pangangasiwa sa ugnayan sa pagitan ng may-ari ng upa at kasama
C. pagpapatupad ng mga batas na mangangalaga sa karapatan ng kababaihan at kabataan
31. Kailan sumuko ang Bataan sa puwersa ng mga Hapones?
A. Marso 19, 1942
B. Abril 19, 1941
C. Abril 9, 1942
32. Kailan inatake ng mga Hapon ang Pearl Harbor at Clark Air Base?
A. Enero 7,1942
B. Disyembre 5, 1941
C. Disyembre 7, 1941
33. Sa anong mga lugar nagsimula at nagtapos ang Martsa ng Kamatayan?
A. Maynila hanggang Cavite
B. Mariveles,Bataan hanggang Batangas
C. Mariveles,Bataan at san Fernando,Pampangga
34.  Ilang taon namalagi ang mga Hapon sa Pilipinas?
A. Lima (5)
B. Apat (4)
C. Tatlo (3)
35. Ano ang tawag sa mga kinatatakutang pulis militar ng mga Hapones?
A. Hara-kiri
B. Takusa
C. Kempeitai
36. Ano ang tanging layunin ng Greater East Asia Co-prosperity?
A. mapalaganap ang kanilang relihiyon
B. Mapag-isa ang mga bansa sa Asya
C. maparami ang kanilang nasasakupan
37. Ano ang tawag sa mga sundalong Pilipino at Amerikano na nagsipagtakas sa kabundukan?
A. Katipuneros
B. Gerilya
C. HUKBALAHAP
38. Sinong heneral ang nagpasuko ng mga Pilipino at Amerikanong kawal sa Bataan noon Abril 9, 1942?
A. Hen. Yamashita
B. Hen. Manjaru
C. Hen. Wainwright
39. Alin ang halimbawa ng pagbabago sa edukasyon noong panahon ng Hapones?
A. Paggamit ng wikang tagalog at nihonggo bilang opisyal na wika
B. Pagpapalabas ng mga pelikula tungkol sa husay ng kanilang armas
C. Pagkakaroon ng curfew
40. Ano ang naganap noong Disyembre 7, 1941?
A. Pagbagsak ng Bataan
B. Pagbagsak ng Corregidor
C. Pagbomba sa Pearl Harbor
41. Ang mga sundalong Pilipino at Amerikano na sumuko ay sapilitang pinalakad mula Mariveles, Bataan
hanggang Camp O'Donnell ng ______________.
A. Capas, Tarlac
B. San Fernando, Pampanga
C. Malolos, Bulacan
42. Si Jose P. Laurel ang pangulo ng __________.
A. Unang Republika
B. Ikalawang Republika
C. Ikatlong Republika
43. Ito ang pinagbatayan ng Ikalawang Republika sa ilalim ng panahon ng mga Hapones.
A. Pambansang Asambleya
B. Philippine Commission
C. Saligang Batas ng 1943
44. Alin ang hindi kabilang sa AXIS Powers?
A. USA
B. Japan
C. Germany
45. Bakit tinawag na "Puppet Government" ang Ikalawang Republika ng Pilipinas noong panahon ni Jose
P. Laurel?
A. Dahil kinokontrol pa rin tayo ng mga Hapones
B. Dahil si Jose P. Laurel ang nasusunod sa bansa
C. Dahil ang mga Pilipino ay sunud-sunuran kay Jose P. Laurel
46. Ang kakulangan sa hanapbuhay ay isa sa mga pagbabagong _________.
A. panlipunan
B. pangkultura
C. pang ekonomiya
47. Sa pagkakasunud-sunod ng pagyayari, ano ang naunang nangyari?
A. Pagtatag ng Ikalawang Republika
B. Pagdeklara na "open city" ang Maynila
C. Pagbomba sa Pearl Harbor
48. Ano ang naganap pagkatapos bumagsak ang Bataan sa kamay ng mga Hapones?
A. Pagbagsak ng Corregidor
B. Death March
C. Pagtatag ng Kalibapi
49. Ano ang naranasan ng mga kababaihan noong panahon ng mga Hapones?
A. Inabuso ang kanilang pagkababae
B. Pinag-aral ng libre
C. Binigyan nang maayos na buhay.
50. Ano ang ibigsabihin ng KALIBAPI?
A. Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas
B. Kasamahn sa Paglilingkod ng Bagong Pilipino
C. Kasama sa Paglilingkos ng mga Bagong Pilipinas
ANSWER KEY
1. B 11. A 21. C 31. C 41. A
2. A 12. C 22. A 32. C 42. B
3. A 13. B 23. A 33. C 43. C
4. C 14. B 24. C 34. B 44. A
5. C 15. A 25. B 35. C 45. A
6. A 16. A 26. B 36. B 46. C
7. B 17. C 27. A 37. B 47. C
8. A 18. C 28. A 38. A 48. B
9. C 19. A 29. A 39. A 49. A
10. C 20. A 30. A 40. C 50. A

You might also like