You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Region V – Bicol
Department of Education
Division of Catanduanes
Virac South District
HAWAN ELEMENTARY
SCHOOL
Virac

TALAAN NG ISPESIPIKASYON
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 6
SY 2023 -2024

LEARNING COMPETENCIES CODE PERCENTAGE NO. OF TEST ITEM


ITEMS PLACEMENT
1. Nasusuri ang uri ng pamahalaan at
patakarang ipinatupad ng mga 50% 25 1-20
Amerikano. 41 -45

2. Naipaliliwanag ang mga


pagsusumikap ng mga Pilipino 20% 10 21 – 25
tungo sa pagtatatag ng nagsasariling 46 - 50
pamahalaan.

3. Nasusuri ang Pamahalaang


Komonwelt. 30% 15 26- 40

Prepared by:

MARICEL T. BAUTISTA
Subject Teacher

Noted:

SHIELA MARIE M. SAPANTA


School Principal I

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 6
I. Panuto: Sagutin ang bawat tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.

1. Sino sa sumusunod ang HINDI nanungkulan bilang Gobernador-Militar?


A. Elwell Otis C. Wesley Merritt
B. William Taft D. Arthur MacArthur

2. Alin sa sumusunod ang HINDI ipinatupad ng Pamahalaang Militar?


A. Pagtatag ng Korte Suprema
B. Pagbukas ng daungan ng Maynila
C. Pagtatag ng Pamahalaang Militar
D. Pagbukas ng paaralan na ang mga guro ay sundalong Amerikano

3. Anong batas ang pinagtibay ng Komisyon ng Pilipinas noong Agosto 23, 1907 sa
ilalim ng batas militar?
A. Flag Law ng 1907 C. Reconcentration Act noong 1903
B. Brigandage Act ng 1902 D. Army Appropriation Act

4. Sino ang kauna-unahang Pilipinong naging Punong Mahistrado ng Korte Suprema?


A. Pablo Ocampo C. Gregorio Araneta
B. Benito Legarda D. Cayetano Arellano

5. Ano ang pangunahing tungkulin ng Pamahalaang Militar?


A. Pagpapalaganap ng katahimikan at kaayusan ng bansa
B. Palaganapin ang diwang makabayan ng mga Pilipino
C. Hulihin ang mga Pilipino na hindi sumusunod sa patakaran ng Amerikano.
D. Parusahan ang mga Pilipino na ayaw sumuko sa mga Amerikano.

6. Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga Amerikano matapos ang Pamahalaang
Militar?
A. Pamahalaang Sibil C. Pamahalaang Demokrasya
B. Pamahalaang Militar D. Pamahalaang Monarkiya

7. Kung si Heneral Wesley Merritt ang kauna-unahang naging pangulo ng Pamahalaang


Militar, sino naman ang kauna-unahang namuno sa Pamahalaang Sibil?
A. Heneral Wesley Merritt C. Heneral William Howard Taft
B. Heneral Arthur MacArthur D. Heneral James F. Smith

8. Kailan itinatag ang pamahalaang Sibil sa panahon ng Amerikano?


A. Hulyo 14, 1902 C. Mayo 5, 1906
B. Hunyo 4, 1901 D. Hulyo 4, 1901
9. Sino ang isa sa mga naging Gobernador Heneral ng Pamahalaang Sibil noong 1904 –
1906?
A. Spooner C. Luke E. Wright
B. Gregorio Araneta D. Benito Legarda

10. Paano binigyan ng kapangyarihan ang Pangulo ng United States na magtatag ng isang
Pamahalaang Sibil?
A. Dahil sa Batas Pilipinas ng 1902
B. Dahil sa Susog Spooner
C. Dahil sa Pamahalaang Militar
D. Dahil sa Patakarang Pilipino Muna

11. Ano ang pangunahing layunin ng edukasyon sa panahon ng Amerikano?


A. Ituro ang wikang Ingles
B. Ang pagiging mabuting Kristiyano
C. Ipalaganap ang Kristiyanismo
D. Upang maging mabuting mamamayan

12. Ito ang sagisag ng sibilisasyong Amerikano?


A. Krus C. paaralan
B. Espada D. simbahan

13. Piliin ang pagkakaiba ng edukasyon sa panahon ng Amerikano at sa edukasyon sa


panahon ng Espanyol?
A. Ipinaturo ang Doctrina Cristiana
B. Mga paring misyonero ang unang guro
C. May naitatag na mga paaralang parokyal
D. Ipinaturo ang demokratikong paraan ng pamumuhay

14. Alin sa mga sumusunod ang HINDI ipinatupad sa panahon ng Amerikano?


A. Ipinaturo ang relihiyon at wikang Latin
B. Libre ang pagpasok sa mga paaralang pambayan
C. Ipinagamit ang wikang Ingles bilang wikang panturo
D. Ipinagamit ang mga aklat na isinulat sa Amerika

15. Bakit tinawag na Thomasites ang mga gurong Amerikano?


A. Dahil sila ang mga sundalo na lumaban sa mga Pilipino
B. Dahil nagturo sila sa Unibersidad ng Santo Tomas
C. Dahil marami sa kanila ang pangalan ay Thomas
D. Dahil sakay sila ng barkong S. S. Thomas nang sila’y dumating sa Pilipinas.

16. Anong Kagawaran ang nakakasakop sa pagbibigay ng panuntunan sa pagpapanatili ng


kalinisan sa kapaligiran at kalusugan?
A. Kagawarang Pangkalusugan
B. Kalusugang Pampamahalaan
C. Sanitasyon at Transportasyon
D. Transportasyon at Komunikasyon

17. Piliin ang uri ng sakit na lumaganap sa panahon ng Amerikano na nakaapekto sa


kalusugan ng maraming mamamayang Pilipino?
A. Tuberculosis o TB C. Epidemya ng Kolera
B. Covid – 19 D. Leprosy

18. Alin ang ospital na ipinatayo ng mga Amerikano kung saan hanggang ngayon ay
pinakikinabangan ng mga Pilipino?
A. UST Hospital C. Philippine General Hospital
B. Mother Seton Hospital D. St. Luke Hospital
19. Isa sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa ipinatupad ng Kagawaran ng
Sanitasyon at Transportasyon?
A. Paglilinis ng mga kalye at mga kanal
B. Tamang pagtatapon ng mga basura
C. Pangangalaga ng mga palengke at katayan ng mga hayop
D. Pagpapagawa ng mga pampublikong pagamutan

20. Bakit nakatulong ang pamahalaang Amerikano sa pagpapalaganap ng impormasyon


upang maiwasan ang pagkalat ng sakit?
A. Dahil sa pagpapalabas ng ng leaflet
B. Dahil sa paglalagay sa mga dyaryo
C. Sa paggamit ng radio
D. Pagdalaw sa mga bahay-bahay ng mga Amerikano

21. Ang Batas Tydings McDuffie ay isa sa mga batas ukol sa Pilipinas na may probisyong
______________________.
A. Pagkilala sa mga sagisag ng Estados Unidos tulad ng bandila.
B. Kontrolin ng Estados Unidos ang ekonomiya ng Pilipinas.
C. Magpadala ng kinatawan ng bansa sa kongreso ng Estados Unidos.
D. Ganap na kalayaan ng Pilipinas pagkatapos ng 10 taon.

22. Ang Misyong OSROX ay pinadala sa Estados Unidos sa kagustuhan ng mga Pilipino
na makapagsarili. Kilala ito sa ating kasaysayan bilang?
A. Batas Hare-Hawes Cutting
B. Pamahalaang Militar
C. Misyong Pangkalayaan
D. Batas Tydings-McDuffie

23. Itinadhana ng Batas Hare-Hawes Cutting at Batas Tydings-McDuffie ang


__________________________.
A. Pagpatupad ng pamahalaang sibil kapalit ng pamahaang militar
B. Pagbigay ng kalayaan pagkatapos ng 10 taong transisyon sa pamamahala
C. Mga pinunong Pilipino ang kapalit sa pamunuang Amerikano
D. Pagtatatag ng Pamahalaang Komonwelt kapalit ng Pamahalaang Militar

24. Anong batas ang nagtakda ng pagtatatag ng Asamblea ng Pilipinas bilang Mababang
Kapulungan na kakatawan sa mga Pilipino bilang tagapagbatas?
A. Batas Cooper C. Batas Gabaldon
B. Batas Jones 1916 D. Batas Bilang 1870

25. Ang pagbuo ng Asambleya Filipina ay isa sa paghahanda ng mga Pilipino sa


kalayaan. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpakita ng kakayahan ng
mga Pilipino sa pamumuno?
A. Paglinang ng likhang-kultural laban sa Amerikano
B. Pagpapaunlad ng impluwensiyang Amerikano sa pamahalaan
C. Pagsunod ng mga Pilipino sa patakarang pang-edukasyon ng mga Amerikano
D. Pinagbuti ng mga Pilipino ang pamamalakad sa pamahalaan

26. Kalian pinasinayaan ang Pamahalaang Komonwelt?


A. Marso 12, 1935 C. Nobyembre 15, 1935
B. Setyembre 17, 1935 D. Enero 10, 1936

27. Sino ang naging pangulo ng Pamahalaang Komonwelt?


A. Manuel L. Quezon C. George H. Dern
B. Douglas MacArthur D. Heneral James F. Smith

28. Piliin ang tatlong sangay ng Pamahalaang Komonwelt.


A. Senado, Mababang Kapulungan, Mataas na Kapulungan
B. Ehekutibo, Lehislatibo, Hudisyal
C. Pangulo, Pangalawang Pangulo, Senado
D. Korte Suprema, Senador, Asemblea

29. Sa iyong palagay, bakit nagkaroon ng Pamahalaang Komonwelt?


A. Ang Pilipino ay inihahanda sa pagsasarili
B. Ang Pilipino ay makapangyarihan
C. Ito ay nagtuturo sa mga mamamayan
D. Upang maging maunlad ang bawat Pilipino

30. Paano pinipili ang mga mamumuno sa Pamahalaang Komonwelt katulad ng pangulo,
pangalawang pangulo at iba pang posisyon?
A. Sa pamamagitan ng paligsahan
B. Sa pamamagitan ng halalan
C. Sa pamamagitan ng pagtatalaga ng pangulo
D. Sa pamamagitan ng karunungan at kasikatan

31. Aling programa ng Pamahalaang Komonwelt ang higit na nakatulong sa


paglutas ng suliranin sa pagmamay-ari ng lupa, manggagawa at magsasaka.
A. Katarungang Panlipunan C. Labor Law
B. Homestead Law D. Tenant Act

32. Kalian nagging batayan ang wikang Tagalog bilang Pambansang Wika ng ating
bansa?
A. Nobyembre 13, 1936 C. Enero 19, 1970
B. Hulyo 4, 1946 D. Abril 30, 1937

33. Ano ang Saligang Batas na nagkaloob na makaboto ang mga kababaihan sa panahon
ng Komonwelt?
A. Saligang Batas ng 1903 C. Batas Homestead
B. Saligang Batas ng 1935 D. Batas sa Paggawa

34. Anong programa ng Pamahalaang Komonwelt ang nagkaroon ng Minimum Wage Act
at walong oras sa paggawa?
A. Katarungang Panlipunan
B. Patakarang Homestead
C. Paglinang ng Pambansang Wika
D. Pagkilala sa mga kababaihan na makaboto

35. Ang sumusunod ay apat na mahalagang programa ng Pamahalaang Komonwelt


maliban sa isa?
A. Katarungang Panlipunan
B. Patakarang Homestead
C. Paglinang sa pambansang kasarinlan
D. Pagkilala sa mga kababaihan na makaboto

36. Paano pinaunlad ang pagsasaka sa ating bansa noon?


A. Sa pamamagitan ng paggawa ng patubig
B. Sa pamamagitan ng pagtulong ng kabayo
C. Sa pamamagitan ng paggamit ng makinarya
D. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng magsasaka

37. Bakit itinatag ang (NEC) National Economic Council?


A. Upang mapag-aralan ang kabuhayan at pananalapi ng bansa
B. Upang maayos ang pagmamay-ari ng lupa
C. Upang makapagtatag ng korporasyon
D. Upang makapagtayo ng mga pabrika

38. Ang mga sumusunod ay ang kalutasan para sa suliraning pangkabuhayan ng ating
bansa. Piliin ang hindi kabilang sa mga ito.
A. Pagpapabuti ng transportasyon at komunikasyon
B. Pagmamay-ari ng mga tingiang tindahan ng mga Pilipino.
C. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino
D. Tangkilikin natin ang mga produkto ng ibang bansa.

39. Siya ang pangulong naglunsad ng Proklamasyon Blg. 76 na tumutukoy sa Linggo ng


mga Produktong Pilipino, “Made in the Philippines Product Week”.
A. Manuel L. Quezon C. Sergio Osmeña
B. Heneral Douglas MacArthur D. Jaime de Veyra

40. Anong batas ang nagwakas sa malayang kalakalan sa pagitan ng Estados Unidos at
Pilipinas?
A. Batas Tydings-McDuffie C. Batas Pilipinas ng 1902
B. Batas 1935 D. Batas Jones

II. Suriin ang bawat pangungusap. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon.

Heneral William Howard Taft Pamahalaang Sibil


Hulyo 4, 1901 Luke E. Wright
Senador John Spooner Hulyo 4, 1908

41. Ang pamahalaang itinatag ng mga Amerikano


42. Itinatag ang Pamahalaang Sibil matapos itatag ang Pamahalaang Militar
43. Naging gobernador din siya ng Pamahalaang Sibil ng Pilipinas noong 1904 – 1906
44. Siya ang naging Gobernador-Heneral ng Pamahalaang Sibil
45. Siya ang nagpanukala ng Susuog Spooner na itinatag noong 1901

III. Basahin at suriing mabuti ang mga pangungusap at pillin ang tamang sagot na
tinutukoy sa bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel.

46. Sa ilalim ng batas na ito naitatag ang Unibersidad ng Pilipinas.


( Batas Jones, Batas Bilang 1870)
47. Nahalal bilang ispiker ng Mababang Kapulungan
( Manuel L. Quezon, Sergio Osmeña Sr.)

48. Ang batas na nagbigay ng pag-asa sa mga Pilipino na matamo ang kalayaan sa oras na
sila ay may kasanayan at kakayahan na sa pamamahala at pagsasarili
(Batas Jones, Batas Pilipinas ng 1902)
49. Ang Batas ng Pilipinas 1902 ay kilala rin sa tawag na __________
(Batas Cooper, Philippine Autonomy Act)
50. Ang unang dalawang komisyonadong ipinadala sa Estados Unidos
(Sergio Osmeña Sr at Manuel A. Roxas, Pablo Ocampo at Benito Legarda)

You might also like