You are on page 1of 5

SEPTEMBER 10, 2019

TUESDAY
ARALING PANLIPUNAN 6
8:35-9:15 VI- AGUINALDO
1:50-2:30 VI-RIZAL

I. LAYUNIN
Pamantayang Pangnilalaman :
Naipapamalas ang mapanuring pag-unawa sa pamamahala at mga pagbabago sa lipunang Pilipino sa panahon ng
kolonyalismong Amerikano at ng pananakop ng mga Hapon at ang pagpupunyagi ng mga Pilipino na makamtan ang
kalayaan tungo sa pagkabuo ng kamalayang pagsasarili at pagkakakilanlang malayang nasyon at estado.

Pamantayan sa Pagganap :
Nakapagpapahayag ng kritikal na pagsusuri at pagpapahalaga sa konteksto, dahilan, epekto at pagbabago sa lipunan
ng kolonyalismong Amerikano at ng pananakop ng mga Hapon at ang pagpupunyagi ng mga Pilipino na makamit ang
ganap na kalayaan tungo sa pagkabuo ng kamalayang pagsasarili at pagkakakakilanlang malayang nasyon at estado.

Pamantayan sa Pagkatuto: 1. Natutukoy ang mga batas na may kinalaman sa pagsasarili: Philippine
Organic Act of 1902” (Batas Pilipinas ng 1902)
2. Napapahalagahan ang mga batas na ito
3. Nakikilahok sa pangkatang gawain nang buong sigla

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Mga Batas na may Kinalaman sa Pagsasarili
B. Sanggunian: AP6KDP-IIc- 3.1
Makabayan: Kasaysayang Pilipino p. 136
https://www.youtube.com/watch?v=msD67vhVfiU
https://historyangphil.wordpress.com/2012/12/07/batas-cooper-o-batas-ng-1902/
C. Kagamitan: video clip, larawan, fact sheet, aklat
D. Pagpapahalaga: Pagiging Mapanuri

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Ipapanood ang balita sa klase.
https://www.youtube.com/watch?v=msD67vhVfiU

Mga pamprosesong tanong:


 Tungkol saan ang balitang napanood?
 Anoong batas ang nais ipasa?
 Sa inyong palagay, ito ba ay nagpapakita ng pagiging demokratiko ng ating pamahalaan?

2. Balik-aral: Tukuyin ang inilalarawan sa mga pahayag. Bilugan ang iyong sagot.
1. Mga Amerikanong nagsilbing guro ng mga Pilipino noon. (Misyonero, Thomasites)
2. Layunin ng unang komisyong ito ang pakikipagmabutihan ng US sa ating bansa (Komisyong Schurman,
Komisyong Taft)
3. Epekto ng Malayang kalakan (Colonial Mentality, irreconcilables)
4. Panunumpa ng katapatan sa Amerikano (Pasipikasyon, Kooptasyon)
5. Walang sagabal na pagpasok ng produkto ng Amerikano sa Pilipinas
(Malayang Kalakalan, ilustrado)

3. Pagganyak: Gawain: Picture Analysis


Ipakita ang larawan ni Henry Allen Cooper

Mga pamprosesong tanong:

a. Sino si Henry Allen Cooper?


b. Ano ang naging kontribusyon niya sa Pilipinas?

b. Panlinang na Gawain
1. Gawain
(Integrasyon sa Filipino)
Pagyamanin ang kaalaman sa mga talasalitaan.
1. batas
a. mga dokumentong dapat sundin ng mamamayan
b. mga patakaran na isinasatupad ng mga kinauukulan para sundin ng mamamayan.
2. sedisyon
a. pagsasagawa ng isang pag-aalsa para hindi matuloy ang isang mahalagang pangyayari, gaya ng eleksiyon.
b. pagsasagawa ng pag-aalsa sa kagustuhan ng pangulo
3. kolonyalismo
a. tuwirang pananakop ng isang bansa sa iba pa upang mapagsamantalahan ang yaman nito
b. pag-angkin ng pangalan ng isang bansa
4. Base militar
a. pasilidad ng mga armas, sundalo, training ground at kung minsan ay paaralan ng mga sundalong
aktibo sa gawaing pang- seguridad ng bansa.
b. lugar kung saan nakatago ang lahat na armas pandigmaan

Pagbasa ng Teksto
Philippine Organic Act of 1902” (Batas Pilipinas ng 1902)
Philippine Bill of 1902
-Philippine Organic Act na ipinatupad sa Pilipinas
-Kilala rin sa Cooper Act
-Batas ng Pilipinas 1902
-Itinaguyod ni Henry Allen Cooper
Ipinaglaban niya ang batas sa Kongreso ng US sa pamamagitan ng pagbanggit ng ilang linya mula sa tula ni
Rizal na “Mi Ultimo Adios”. Sinabi niya na may karapatan ang lahi ni Rizal na pamunuan ang kanilang mga
sarili.
 Nagsilbing batayan ng orihinal na pundasyon ng pamahalaan
 Pinagtibay ng batas na ito ang pagkatatag ng Philippine Commission, Korte Suprema at iba pang
pagbabagong political.
 Makapagtayo ng mga negosyo sa Pilipinas at pamahalaan na iklasipika ang mga lupaing pampubliko
 Pagkakaroon ng halalan para sa mga kinatawan mula sa mga lalawigan sa Pilipinas
 1907, pinayagang makapaghalal ng mga kinatawan sa Philippine Assembly mula sa iba’t ibang lalawigan
Ilan sa itinadhana:
1. Talaan ng mga karapatan ng mga mamamayang Pilipino;
2. Pagtatatag ng Kagawaran o departamento ng Pamahalaan
3. Dalawa ang Komisyon o kinatawan ng Pilipinas sa Kongreso ng US
4. Pagtatatag ng Philippine Assembly na binubuo ng mga Pilipino
Pinagtibay ng Philippine Commission ang batas na pang-edukasyon
Gabaldon Act 1907
-naglaan ng isang milyong piso para sa pagpapatayo ng mga paaralan sa Pilipinas
Act No. 1870
-nagbigay daan sa pagkakatatag ng Unibersidad ng Pilipinas

MGA NILALAMAN NG BATAS


Karapatang Pantao ng mga Pilipino Batas na nagpapakita ng kasarinlan ng mga Pilipino
Paglikha ng kagawaran ng Pilipinas at asemblea sa Pilipinas
Mabuting pangangalaga ng mga likas na yaman
pagbibigay ng mga karapatan sa malayang pananalita at pagpapahayag
kalayaang huwag mabilango dahil sa pagkakautang
pagiging pantay-pantay sa harap ng batas 
kalayaan mula sa pagkaalipin.

2. Analysis
 Ano ang Batas Pilipinas ng 1902?
 Ano ang layunin ng pagpapatupad ng batas na ito?
 Ano ano ang mga itinatakda ng batas na ito?
 Nakabuti ba sa mga Pilipino ang pagtatalaga nito?

3. Abstraksyon/Paghahalaw
Ano ang Batas Pilipinas ng 1902?
Ang Batas Pilipinas ng 1902 ay higit pang nagpatibay sa mga pasya at aksiyon ng Pangulo ng United
States hinggil sa Pilipinas. Ito ang naging batayan ng pamahalaang demokratiko sa Pilipinas.

4. Aplikasyon / Paglalapat: Pamantayan sa Pagpapangkat


Pangkat 1: Ipaliwanag sa klase ang isa sa mga nilalaman ng Batas Cooper/Batas ng Pilipinas noong
1902
Karapatang Pantao ng mga Pilipino: Ang mga karapatang ito ay ating natatamasa sa kasalukuyang panahon.
Anu-ano ang mga ito? Magbigay ng mga halimbawa.
Batas na nagpapakita ng kasarinlan ng mga Pilipino
Paano mo nararamdaman ang kasarinlan nating Pilipino sa panahon ngayon?
Pangkat 2:
Paglikha ng kagawaran ng Pilipinas at asemblea sa Pilipinas
Magbigay ng mga halimbawang likha na kagawaran sa ating bansa.
Mabuting pangangalaga ng mga likas na yaman
Magbigay ng mga dahilan kung bakit pangalagaan ang mga likas yaman ng bansa
Pangkat 3:
pagbibigay ng mga karapatan sa malayang pananalita at pagpapahayag
Magbigay ng konkretong ebidensya na ang mga Pilipino ay malayang magsasalita at magpapahayag ng
kanyang salooboin.
kalayaang huwag mabilango dahil sa pagkakautang
Sa kasalukuyang panahon maraming mga Pilipino ang kapos kaya nangungutang ang mga ito. Kung hindi
makabayad sila ba au makukulong? Bakit?
Pangkat 4:
pagiging pantay-pantay sa harap ng batas 
Paano ipinapakita ang pagkakapantay sa batas ng nagkasala? Magbigay ng halimbawa.
kalayaan mula sa pagkaalipin.
Sa kasaluyang panahon nararamdaman nyo ba ang pagiging malaya? Bakit?

Repleksyon: (Integrasyon sa EsP)


• May mabuting naidulot ba ang pamamahala ng mga Amerikano sa Pilipinas? Ipaliwanag.

IV. Pagtataya
1. Sino ang nagtaguyod ng Batas Pilipinas ng 1902?
A. Henry Allen Cooper
B. Jacob Schurman
C. Wiiliam Howard Taft
D. William Mckinley
2. Ito ang unti-unting paglilipat ng kapangyarihang political mula sa mga Amerikano tungo sa mga Pilipino.
A. Ilustrado
B. Ireconcilables
C. Pilipinasyon
D. Thomasites

3. Ito ang nagsilbing batayan ng orihinal na pundasyon ng pamahalaan?


A. Cooper Act
B. Philippine Organic of 1902
C. Batas Pilipinas ng 1902
D. Lahat ng mga Nabanggit

4. Alin sa mga sumusunod ang probisyon ng Cooper Act?


A. Pagkakaroon ng halahan para sa mga kinatawan mula sa lalawigan sa Pilipinas
B. Pinayagan makapaghalal ng kinatawan sa Philippine Assembly.
C. Binigyang karapatan ang mga Amerikano na makapagpatayo ng negosyo sa Pilipinas
D. Lahat ng mga nabanggit

5. Batas na naglaan ng isang milyong piso para sa pagpapatayo ng mga paaralan sa Pilipinas
A. Act No. 1870
B. Copper Act
C. Gabaldon Act
D. Philippine Organic 1902
V. Takdang Aralin: Magtala ng mahahalagang aral na iyong natutunan.
P.L.
5x
4x
3x
2x
1x

You might also like