You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V – Bicol
Division of Camarines Norte
San Vicente – San Lorenzo Ruiz District
IMELDA ELEMENTARY SCHOOL

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 6


Ikalawang Markahan
Unang Linggo / Ikalawang Araw
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa pamamahala at mga
Pangnilalaman pagbabago sa lipunang Pilipino sa panahon ng kolonyalismong
Amerikano at ng pananakop ng mga Hapon at ang pagpupunyagi ng
mga Pilipino na makamtan ang kalayaan tungo sa pagkabuo ng
kamalayang pagsasarili at pagkakakilanlan ng malayang nasyon at
estado
B. Pamantayan sa Nakapagpapahayag ng kritikal na pagsusuri at pagpapahalaga sa
Pagganap konteksto, dahilan, epekto at pagbabago sa lipunan ng
kolonyalismong Amerikano at ng pananakop ng mga Hapon at ang
pagmamalaki sa kontribusyon ng pagpupunyagi ng mga Pilipino na
makamit ang ganap na kalayaan tungo sa pagkabuo ng kamalayang
pagsasarili at pagkakakilanlan ng malayang nasyon at estado
C. Mga Kasanayan sa Nasusuri ang uri ng pamahalaan at patakarang ipinatupad sa
Pagkatuto panahon ng mga Amerikano (MELCS – Week 1)

▪ Natatalakay ang kalagayang pangkalusugan ng mga Pilipino


sa panahon ng mga Amerikano(AP6KDP-IIa-1)
▪ Napapahalagahan ang kalinisan para sa pagkaroon ng
malusog na pangangatawan
▪ Nagagawa ang tamang pangangalaga sa kalusugan tungo sa
isang malusog na pangangatawan at bansa
II. NILALAMAN
Pagbabago sa Pampublikong Kalusugan na Ipinatupad sa
Panahon ng Amerikano
III. MGA KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
1. Mga Pahina sa MELCS, pahina 43
Gabay ng Guro Curriculum Guide, pahina 127
Self-Learning Module sa Araling Panlipunan 6, Ikalawang Markahan,
Modyul 1, pahina 23
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang
Mag – aaral
3. Mga Pahina sa
Kayamanan 6, pahina 84-94
Teksbuk
4. Karagdagang Aralin 2: Kalusugan ng mga Pilipino sa Panahon ng mga Amerikano
Kagamitan Mula sa
LR Portal
5. Iba Pang
Kagamitang larawan, tsart, video clip gawa sa canva, power point presentation
Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik – aral sa PANUTO: Isaayos ang mga gulong titik upang mabuo ang mga
Nakaraang Aralin hinihinging salita sa bawat bilang.
at/o Pagsisimula ng
Bagong Aralin 1. Tawag sa mga gurong Amerikano
T I H T O E M S A S (THOMASITES)
2. Relihiyon ng mga Amerikano
P R M O T N I S T A E T S O (PROTESTANTISMO)
3. Wikang panturo ng mga Amerikano
I E N L G S (INGLES)
4. Sagisag ng sibilisasyon ng mga Amerikano
D E Y M O S A R K A (DEMOKRASYA)
5. Pinakamahusay na manunulat sa Ingles
C R L A O S P. R M L U O O (CARLOS P. ROMULO)
B. Paghahabi sa PANUTO: Tama o Mali. Tumayo kung TAMA ang isinasaad ng bawat
Layunin ng Aralin pangungusap at manatiling nakaupo naman kung MALI.

1. Mula pa noong panahon ng mga Amerikano, marami ng sakit ang


lumaganap. (TAMA)
2. Sino mang tao ay pweding mahawa ng sakit. (TAMA)
3. Kung malusog ang mamamayan siguradong hindi uunlad ang
bayan. (MALI)
4. Sinasabing ang kalusugan ay tunay na yaman ng tao. (TAMA)
5. Sa kasalukuyan, ang Department of Health (DOH) ang namamahala
sa kalusugan ng mga mamamayan. (TAMA)
C. Pag – uugnay ng Pagsusuri ng larawan.
mga Halimbawa sa
Bagong Aralin

Mga Pilipinong may Sakit noong Panahon ng mga


Amerikano
Pinagkunan ng Larawan: www.google.com

PANUTO: Gamit ang talahanayan, isa-isahin ang mga sakit na alam


ninyo at kung paano ito malulunasan.

SAKIT LUNAS

D. Pagtatalakay ng Pagbabasa ng teksto o pagpapakita ng “video clip” tungkol sa aralin.


Bagong Konsepto
at Paglalahad ng Si Maj. Frank S. Burns na Chief Surgeon ng mga sundalong Amerikano
Bagong Kasanayan ang itinalaga bilang pinuno ng Board of Health sa bansa para siyasatin
#1 at bigyan-pansin ang kalagayang kalusugan ng mga sundalong
Amerikano at ng mga Pilipino.

Dahil sa paglaganap ng epidemyang bulutong-tubig sa bansa at sa


takot ng mga Amerikano na pati sila ay mahawa dahilan sa hindi sila
sanay sa tropikal na klima sa ating bansa, nagtalaga si Maj. Burns ng
mga Health Inspector sa mga munisipyo at lungsod para inspeksyunin
ang mga palengke, katayan ng mga hayop, at lahat ng pamilihang
establisyemento kung ang mga ito ay malinis.

Noong Nobyembre 1898, binakunahan ng grupo ang halos 13,000


Amerikanong sundalo at presong Kastila habang umiikot naman sa
mga lalawigan ang 12 Pilipinong vaccinator para bakunahan ang mga
mamamayan. Sa kabuuan, tinatayang umabot sa 80,000 katao ang
nabakunahan laban sa epidemya.

Maliban sa bulutong-tubig lumaganap din sa kamaynilaan ang tipus


at lagnat kaya nagpalabas ng sunod-sunod na utos o babala si Deputy
Surgeon-General Lippincott tungkol sa mga paraan kung paano
makaiwas sa sakit at isa rito ay ang panatilihing malinis ang katawan.

Tinanggal din nila ang mga basurang nakakalat at nilinis ang mga
kanal at mga kalat na nakapaligid sa Intramuros na siyang
pinamamahayan ng mga lamok gayundin ang mga tubong
dinadaanan ng tubig papasok ng Maynila. Kwenarantin ang mga
taong may nakakahawang
sakit upang hindi na makahawa
at para lubusang mapaunlad
ang kalagayang kalusugan ng
mga Pilipino.

Itinatag din ng mga


Amerikano ang Philippine
General Hospital (PGH) sa
Maynila at ang Culeon Leper
Colony (CLC) noong 1905 sa
islang Palawan na siyang
pagamutan ng may mga
ketong.

Gabay na tanong:

1. Ano ang mga sakit noon na dumapo sa mga Amerikanong


sundalo at sa mga Pilipino?
2. Kailan natin matatawag ang isang sakit na epidemya?
3. Ano ang mga hakbang na ginawa ng mga Amerikano para
malunasan ang epidemya?
4. Bakit importante sa isang bansa ang pagkakaroon ng malusog
na mamamayan?

E. Pagtatakay ng PANUTO: Magbigay ng mga hakbang upang malunasan ang mga


Bagong Konsepto sakit.
at Paglalahd ng
Bagong Kasanayan
MGA HAKBANG UPANG MALUNASAN
#2
ANG MGA SAKIT

F. Paglinang sa PANUTO: Itaas ang hawak na masayang mukha kung


Kabihasaan (Tungo nagpapahayag ng wastong pangangalaga sa kalusugan at
sa Formative
malungkot na mukha naman kung hindi.
Assessment)

1. Laging maghugas ng kamay bago humawak ng pagkain. ☺


2. Panatilihin na laging malinis ang katawan. ☺
3. Di kailangang maligo araw – araw. 
4. Magtakip ng ilong kapag may bumahing. ☺
5. Muling isuot ang “face mask” na ginamit kahapon. 
6. Kumain ng mga prutas na mayaman sa Bitamina C. ☺
7. Huwag magpakonsulta sa doktor kapag may sakit. 
8. Dapat sundin ang mga payo ng doktor at huwag mag self –
medication. ☺
9. Itapon ang lahat ng basura sa kanal. 
10. Gumamit ng mga proteksyon sa katawan tulad ng “insect
repellent” para hindi makagat ng lamok at gumamit ng bota kung
lulusong sa baha. ☺
G. Pangkatang Unang Pangkat: Gumawa ng isang TULA tungkol sa pagbabago sa
Gawain pampublikong kalusugan na ipinatupad sa panahon ng Amerikano.
Ikalawang Pangkat: Gumawa ng isang RAP tungkol sa pagbabago sa
pampublikong kalusugan na ipinatupad sa panahon ng Amerikano.

RUBRIKS SA PAGSULAT NG TULA/RAP


NAPAKAGALING MAGALING KATAMTAMAN NANGANGAILANGAN
(10) (8) (6) NG PAGSASANAY
(4)
Napakalalim at Malalim at makahulugan Bahagyang may lalim ang Mababaw at literal ang
makahulugan ang kabuuan ang kabuuan ng tula/rap. kabuuan ng tula/rap. kabuuan ng tula/rap.
ng tula/rap.
Gumamit ng Gumamit ng ilang Gumamit ng 1-2 Wala ni isang
simbolismo/pahiwatig na simbolismo/pahiwatig na simbolismo na nakalito sa pagtatangkang ginawa
nakapagpaisip sa mga bahagyang nagpaisip sa mga mambabasa. Ang mga upang makagamit ng
mambabasa. Piling-pili ang mga mambabasa. May salita ay di-gaanong pili. simbolismo.
mga salita at pariralang ilang piling salita at
ginamit. pariralang ginamit.
Gumamit ng napakahusay May mga sukat at tugma May pagtatangkang Walang sukat at tugma
at angkop na angkop na ngunit may bahagyang gumamit ng sukat at kung may naisulat man.
sukat at tugma, inkonsistensi. tugma ngunit halos
inkonsistent lahat.
H. Paglalahat ng Ano-ano ang mga pagbabago sa pampublikong kalusugan na
Aralin ipinatupad sa panahon ng mga Amerikano?

LAGOM:

▪ Maraming sakit ang lumaganap noong panahon ng mga


Amerikano tulad ng bulutong-tubig, tipus at lagnat.

▪ Pinamunuan ni Maj. Frank S. Burns, Chief Surgeon ang Board of


Health na nagsisiyasat sa kalagayang kalusugan ng mga
Pilipino.

▪ Sa tulong ng 12 Pilipinong vaccinator, umabot sa halos 80,000


katao ang nabakunahan para mapigilan ang pagkalat ng sakit.

▪ Nilinis ng mga Amerikano ang mga kanal, basurang nakakalat,


at pati ang mga daluyan ng tubig papasok ng Maynila.

▪ Kwenarantin ang may mga sakit upang mapigilan ang


pagkalat ng mga nakakahawang sakit.

▪ Nagpatayo ng mga hospital ang mga Amerikano tulad ng


Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila at Culeon Leper
Colony (CLC) sa Palawan para pagamutan ng may mga sakit
na ketong.

I. Paglalapat ng Sa panahon ngayon ng COVID-19 Pandemic at bilang isang bata,


Aralin sa Pang – paano mo mapangangalagaan ang iyong kalusugan?
araw-araw na
Buhay
J. Pagtataya ng Aralin A. Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong at piliin ang titik
ng tamang sagot.

1. Sino ang Chief Surgeon ng mga sundalong Amerikano na itinalaga


bilang pinuno ng Board of Health sa bansa?
A. General Lippincott C. Maj. Lincoln
B. General Franklin Burns D. Maj. Frank S. Burns

2. Anong epidemya ang lumaganap sa bansa na ikinatakot ng mga


Amerikano na pati sila ay mahawa dahil sa hindi sila sanay sa tropikal
na klima ng bansa?
A. COVID19 C. Leptospirosis
B. Bulutong-Tubig D. HIV (Human Immunodeficiency Virus)

3. Sa kabuuan, ilan ang bilang ng mga mamamayan na nabakunahan


laban sa epidemya?
A. 60, 000 C. 80, 000
B. 70, 000 D. 50, 000

4. Ano-ano pang mga sakit ang lumaganap sa kamaynilaan kung


kaya’t nagpalabas ng sunod-sunod na utos o babala kung paano
makaiwas sa sakit?
A. tipus at lagnat C. ubo at sipon
B. HIV at AIDS D. COVID19 at TB (tuberculosis)

5. Ano ang isa sa mga pagamutan na itinatag ng mga Amerikano


upang lubusang mapaunlad ang kalagayang kalusugan ng mga
Pilipino?
A. Philippine General Hospital C. Provincial Hospital
B. Leon Hernandez Hospital D. Manila Doctors Hospital

B. Gumawa ng isang pangungusap tungkol sa tamang pangangalaga


ng iyong kalusugan. (5 puntos)

V. TAKDANG – ARALIN / KARAGDAGANG GAWAIN


Gamit ang isang malinis na “bond paper”, gumawa ng isang collage
tungkol sa kasabihang “Health is Wealth”.

Prepared by:

ABEGAEL S. YUMO
Teacher 1
Ratee

Checked:

DIVINA B. OLIVAR
Master Teacher II
Rater

Noted:

IMELDA O. ENCINAS
Principal

You might also like