You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Cebu, Philippines
DISTRICT I OF CONSOLACION
Cabangahan, Consolacion, Cebu

SUMMATIVE TEST in AP 5
Second Grading
S.Y. 2020-2021

Panuto: Piliin ang tamang sagot at bilugan ang titik lamang.


1. Ito ay tumutukoy sa isang patakaran ng tuwirang pagkontrol ng malakas na bansa sa isang
mahinang bansa.
a. Kolonyalismo b. Imperyalismo c. Animismo d. Panrelihiyon
2. Ano ang ginagamit ng mga manlalayag upang mas mapadali at matukoy ang direksyon ng kanilang
paroroonan?
a. Mapa b. Compass c. Globo d. wala sa nabanggit
3. Sino ang nakatuklas ng mga pulo sa West Indies sa North America?
a. Christopher Columbus c. Lapu-Lapu
b. Ferdinand Magellan d. Antonio Pegafetta
4. Sino ang tanyag na manlalayag ang nagpapatunay na bilog ang daigdig at siyang nakarating sa
Pilipinas noong 1521?
a. Christopher Columbus c. Lapu-Lapu
b. Ferdinand Magellan d. Antonio Pegafetta
5. Kailan nakarating sa Pilipinas ang ekspedisyon ni Magellan?
a. Marso 13, 1521 b. Marso 14, 1521 c. Marso 15, 1521 d. Marso 16, 1521
6. Saan naganap ang kauna-unahang misa noong Marso 31, 1521 sa pangunguna ni Padre Pedro de
Valderrama?
a. Espanya b. Guam c. Limasawa d. Cebu
7. Anong imahen ang ibinigay ni Magellan nina Rajah Humabon at Reyna Juana bilang tanda ng
pagiging Kristiyano?
a. Sto. Niño b. pagkain c. damit d. Bibliya
8. Anong barko ang sinasakyan ng mga Espanyol nang umalis sila sa Moluccas?
a. San Antonio b. Concepcion c. Victoria d. Trinidad
9. Saang lugar natagpuan ng mga Espanyol ang mga pampalasa?
a. Moluccas Island b. Limasawa c. Atlantic Ocean d. Mactan
10. Kailan sumalakay ang mga Espanyol sa Mactan?
a. Abril 25, 1521 b. Abril 26, 1521 c. Abril 27, 1521 d. Abril 28, 1521
11. Ano ang dahilan ng pagkasawi ni Magellan?
a. Nahulog siya sa dagat. c. Natamaan siya ng mga panang may lason.
b. Wala sa nabanggit. d. Nagkasakit siya ng sipon at lagnat.

12. Sino ang namumuno sa paglalayag nang umalis ang mga Espanyol sa Moluccas?
a. Padre Pedro de Valderrama c. Ferdinand Magellan
b. Juan Sebastian Elcano d. Rajah Kolambu
13. Sino ang manlalakbay at iskolar na nagtala ng mahahalagang detalye ng paglalayag?
a. Christopher Columbus c. Padre Pedro de Valderrama
b. Juan Sebastian Elcano d. Antonio Pegafetta
14. Kailan nagsimula ang ekspedisyon ni Villalobos?
a. 1527 b. 1572 c. 1528 d. 1542
15. Sino ang namumuno sa ekspedisyon sa taong 1527?
a. Ruy Lopez de Villalobos c. Christopher Columbus
b. Alvaro Saavedra Ceron d. Juan Garcia Jofre de Loaisa
16. Sa anong taon namumuno si Juan Garcia Jofre de Loaisa?
a. 1525 b. 1572 c. 1528 d. 1542
17. Saan nakarating ang ekspedisyon ni Villalobos pagkaraan ng tatlong buwang paglalayag?
a. Cebu b. Manila c. Argao d. Mindanao
18. Ito ay tumutukoy sa mga tao o dayuhan na naninirahan sa Europa.
a. Indio b. Pilipino c. Kanluranin d. Amerikano
19. Ano ang tawag sa lugar o bansang direktang kinontrol, pinamahalaan, at nilinang ng isang
makapangyarihang bansa?
a. Europeo b. Haring Carlos c. Kolonya d. Guam
20. Sino ang katutubong pinuno na nakipagkaibigan kay Magellan at bininyagan sa Kristiyanismo?
a. Zula b. Sikatuna c. Lapu-Lapu d. Humabon
21. Saan naninirahan ang mga katutubo sa panahon ng mga Espanyol?
a. tabing-plaza b. tabing-kalsada c. tabing-ilog d. tabing-simbahan
22. Sino ang itinalaga ni Haring Felipe II na pangunahan ang ekspedisyon pabalik ng Pilipinas?
a. Miguel Lopez de Legazpi c. Alvaro Saavedra Ceron
b. Ruy Lopez de Villalobos d. Andres de Urdaneta
23. Sino ang prayle na naging katuwang ni Legazpi sa ekspedisyon pabalik ng Pilipinas?
a. Padre Pedro de Valderrama c. Alvaro Saavedra Ceron
b. Andres de Urdaneta d. Ruy Lopez de Villalobos
24. Kanino nakipagsanduguan si Legazpi nang dumating siya sa Bohol noong ika-6 ng Marso?
a. Zula b. Sikatuna c. Lapu-Lapu d. Humabon
25. Kailan kinilala ang Maynila bilang isang ciudad o lungsod ng Espanya?
a. Hunyo 24, 1571 c. Agosto 24, 1571
b. Hulyo 24, 1571 d. Setyembre 24, 1571
26. Bakit pinili ng mga katutubo na manirahan sa tabing-ilog?
a. Dito sila kumukuha ng pagkain at tubig
b. Mas madali ang kalakalan at pagpunta sa kabilang pampang
c. Dito ginagawa ang mga ritwal na may kinalaman sa ilog
d. Lahat ng nabanggit
27. Anong patakaran ang ipinatupad ng mga Espanyol kung saan sapilitang pinapatira ang mga
katutubo sa bayan?
a. Reduccion b. Pueblo c. sibilisasyon d. buwis
28. Ano ang tawag sa tirahan kung saan naaabot ng tunog ng kamapana o nasa ilalim ng tunog ng
kampana?
a. Pueblo b. cabecera c. baryo d. visita
29. Ano ang tawag sa mga nayon na nakapaligid sa cabecera?
a. Pueblo b. cabecera c. baryo d. visita
30. Ano ang tawag sa mga taong hindi sumusunod sa patakarang Espanyol?
a. Taong-labas o tulisanes c. Kristiyano
b. Manggagawa d. bayani
31. Sa anong Samahang Relihiyoso nabibilang ang limang pari na kasama ni Legazpi sa Pilipinas?
a. Franciscan b. Jesuit c. Agustinian d. Dominican
32. Ang mga sumusunod ay mga Samahang Relihiyoso na naging aktibo sa pagpapalaganap ng
Kristiyanismo sa panahon ng mga Espanyol, maliban sa isa. Alin ang hindi kasali?
a. Franciscan b. Jesuit c. Agustinian d. Carmelites
33. Alin sa sumusunod ang isa sa pinakamatandang simbahan sa Pilipinas?
a. San Narciso Church c. San Fernando Rey Church
b. St. Augustine Church d. St. Joseph Church
34. Ano ang ginagamit ng mga katutubo sa paglilinis ng katawan at kaluluwa upang makamit ang
ginhawa?
a. Banal na tubig b. Banal na aklat c. batayang aklat d. bibliya
35. Ano ang tawag sa isang banal na espasyo kung saan sinasagawa ng mga Kristiyanong
mananampalataya ang pagsamba?
a. Malaking gusali b. paaralan c. santo d. simbahan
36. Ano ang tawag sa ginawang pagmimisyon ng mga prayle?
a. Kristiyanisasyon b. pamahalaan c. Kolonyalismo d. Imperyalismo
37. Bago dumating ang Kristiyanismo, sino ang may kapangyarihan sa pamumuno ng larangang
espiritwal?
a. Mga kabataan b. kalalakihan c. kababaihan d. mga hayop
38. Aling bansa sa Europa ang sumakop sa Pilipinas noong 1565?
a. Spain b. France c. Germany d. Italy
39. Si Ferdinand Magellan ay isang Portuguese na naglilingkod sa hari ng Espanya.
a. Tama b. Mali c. Siguro d. Hindi ko alam
40. Ito ay paniniwala ng mga katutubo kung saan binigyang pugay ang mga bagay sa kalikasan gaya
ng bato, puno, araw at mga tahanan ng esperito.
a. Kolonyalismo b. Animismo c. Imperyalismo d. Panrelihiyon

You might also like