You are on page 1of 63

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 6

2nd QUARTER LEARNING COMPETENCIES

• Natutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo sa globo at mapa batay sa absolute location nito (longitude at
latitude) AP6PMK –Ia-1
• Nagagamit ang grid sa globo at mapang politikal sa pagpapaliwanag ng pagbabago ng hangganan at lawak ng
teritoryo ng Pilipinas batay sa kasaysayan AP6PMK—Ia-2
• Naipapaliwanag ang kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas sa ekonomiya at politika ng Asya at mundo AP6PMKIa-3
• Nasusuri ang konteksto ng pag-usbong ng liberal na ideya tungo sa pagbuo ng kamalayang nasyonalismo
AP6PMK-Ib-4
➢ Natatalakay ang epekto ng pagbubukas ng mga daungan ng bansa sa pandaigdigang kalakalan
➢ Naipapaliwanag ang ambag ng pag-usbong ng uring mestizo at pagpapatibay ng dekretong edukasyon ng
1863
• Nasusuri ang mga ginawa ng mga makabayang Pilipino sa pagkamit ng kalayaan AP6PMK- Ic-5
➢ Natatalakay ang kilusan para sa sekularisasyon ng mga parokya at ang Cavite Mutiny (1872)
➢ Naipapaliwanag ang ambag ng Kilusang Propaganda sa pagpukaw ng damdaming makabayan ng mga
Pilipino
➢ Natatalakay ang pagtatag at paglaganap ng Katipunan
➢ Nahihinuha ang implikasyon ng kawalan ng pagkakaisa sa himagsikan /kilusan at pagbubuo ng Pilipinas
bilang isang bansa
• Nasusuri ang mga pangyayari sa himagsikan laban sa kolonyalismong Espanyol AP6PMK- Id-6
➢ Sigaw sa Pugadlawin
➢ Tejeros Convention
➢ Kasunduan sa Biak-na-Bato
• Natatalakay ang mga ambag ni Andres Bonifacio , ang Katipunan at Himagsikan ng 1896 sa pagbubuo ng Pilipinas
bilang isang bansa AP6PMK- Ie-7
• Natatalakay ang partisipasyon ng mga kababaihan sa rebolusyon Pilipino AP6PMK-Ie-8
• Napapahalagahan ang pagkakatatag ng Kongreso ng Malolos at ang deklarasyon ng kasarinlan ng mga Pilipino
AP6PMK-If-9
• Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari sa pakikibaka ng mga Pilipino sa panahon ng Digmaang Pilipino-
Amerikano AP6PMK-Ig-10
➢ Natutukoy ang mga pangyayaring nagbigay daan sa digmaan ng mga Pilipino laban sa Estados Unidos
➢ Napapahalagahan ang pangyayari sa digmaang Pilipino-Amerikano
➢ Natatalakay ang Kasunduang Bates (1830-1901) at ang motibo ng pananakop ng Amerikano sa bansa sa
panahon ng paglawak ng kanyang political empire
• Nabibigyang halaga ang mga kontribusyon ng mga natatanging Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan AP6PMK-
Ih-11

Mga Paksa: (AP6-2nd Kwarter)

WEEK 1

1. Pagtukoy ng Kinalalagyan ng Pilipinas sa Mundo Gamit ang Mapa at Globo Batay sa Absolute Location
2. Paggamit ng Grid sa Globo at Mapang Politikal sa Pagpapaliwanag ng Pagbabago ng Hangganan at Lawak ng
Teritoryo ng Pilipinas batay sa Kasaysayan
3. Kahalagahan ng Lokasyon ng Pilipinas sa Ekonomiya at Politika ng Asya at ng Mundo

Week 2

1. Epekto ng Pagbubukas ng mga Daungan ng Bansa sa Pandaigdigang Kalakalan


2. Pag-usbong ng Uring Mestizo at Pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon 1863

Week 3

1. Kilusang Sekularisasyon at Cavite Mutiny


2. Ambag ng Kilusang Propaganda
3. Pagtatag at Paglaganap ng Katipunan
4. Implikasyon ng Kawalan ng Pagkakaisa sa Himagsikan/Kilusan

Week 4

1. Sigaw sa Pugadlawin
2. Tejeros Convention
3. Kasunduan sa Biak-na-Bato

Week 5

1. Ambag ni Andres Bonifacio, ang Katipunan at Himagsikan ng 1896


2. Partisipasyon ng mga Kababaihan sa Rebolusyon Pilipino

Week 6

1. Pagkakatatag ng Kongreso ng Malolos at ang Deklarasyon ng Kasarinlan ng mga Pilipino

Week 7

1. Ang Mga Pangyayaring Nagbigay Daan sa Digmaan ng mga Pilipino laban sa Estados Unidos
2. Napapahalagahan ang pangyayari sa digmaang Pilipino-Amerikano
3. Ang Kasunduang Bates (1830-1901) at ang Motibo ng Pananakop ng Amerikano sa bansa sa panahon ng paglawak
ng kanyang political empire

Week 8

1. Ang Mga Kontribusyon ng mga Natatanging Pilipinong Nakipaglaban para sa Kalayaan

ARALIN 1 Pagtukoy ng Kinalalagyan ng Pilipinas sa Mundo Gamit ang Mapa at Globo Batay sa Absolute Location

• Mga Likhang-isip na Guhit sa Globo


1. Prime Meridian – naghahati sa globo sa silangang hating-globo at kanlurang hating-globo
2. Guhit Longitude – sumusukat sa layong pasilangan o pakanluran ng isang lugar mula sa Prime Meridian.
Tinatawag din itong meridian.
3. Equator – naghahati sa globo sa hilagang hating-globo at timog hating-globo
4. Guhit latitude – sumusukat sa layong pahilaga o patimog ng isang lugar mula sa equator. Tinatawag din itong
parallel.
5. Grid – mga parisukat na espasyo sa ibabaw ng globo na binuo sa pagtatagpo ng mga parallel at meridian

Guhit Longitude
Guhit Latitude
Prime Meridian

Equator
Grid

Mga Bahagi ng Mapa


1. Parallel
2. Meridian
3. Compass rose – gamit sa pagtukoy ng direksiyon sa mapa
4. Degree – yunit ng panukat sa longitude at latitude. Ang bawat degree ay binubuo ng 60 minutes (‘).

Mapang Pampolitika – ito ay ang mapang nagpapakita ng mga hangganan ng mga lalawigan, rehiyon, at
bansa. Ang mapa sa ibaba ay isang halimbawa nito:

Lnmnm

• Ang Tiyak at Relatibong Lokasyon


Globo at mapa – ginagamit sa pagtukoy sa tiyak at relatibong lokasyon ng isang lugar/bansa tulad ng Pilipinas.

❖ Tiyak na Lokasyon (Absolute Location) – ay tumutukoy sa lokasyon ng isang lugar batay sa mga guhit
latitude at longitude.
❖ Relatibong Lokasyon - tumutukoy sa lokasyon ng isang lugar kaugnay sa mga nakapalibot na lugar dito.
Ito ay maaaring bisinal o insular.
➢ Lokasyong bisinal – tumutukoy sa kinalalagyan ng isang lugar kaugnay sa mga karatig na
kalupaan nito.
➢ Lokasyong insular- tumutukoy sa kinalalagyan ng isang lugar kaugnay sa mga karatig na
katubigan nito.

Gamit ang mga pangunahin at pangalawang direksiyon sa pagtukoy ng relatibong lokasyon. Ang mga pangunahing
direksiyon ay ang hilaga, silangan , kanluran at timog. Ang ikalawang direksiyon naman ay ang mga direksiyon sa
pagitan ng mga pangunahing direksiyon: hilagang-silangan, timog-silangan, timog-kanluran at hilagang-kanluran.
Matutukoy ito gamit ang compass rose.
Gawain 1
Gamit ang mapa o globo, ipatukoy sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:
1. Bansang nasa hilaga ng Pilipinas
2. Mga katubigang nasa Silangan
3. Bansa at katubigan na nasa timog
4. Bansang matatagpuan sa timog-kanluran ng Pilipinas
5. Katubigang makikita sa hilagang-kanluran

Pagtukoy sa Tiyak na Lokasyon ng Pilipinas

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa 40 23’ hanggang 210 25’, hilagang latitude at 1160 hanggang 1270 silangang
longitude.

Mga Hakbang sa Pagtukoy ng tiyak na lokasyon ng Pilipinas o ng Ano Mang Lugar sa Mundo

1. Hanapin ang latitude o degree pahilaga o patimog ng equator


2. Sa pagsulat ng degres ng latitude, unang isinusulat ang bilang, kasunod ng simbolo para sa degree ( 0), at ng
direksiyon pahilaga o patimog ng equator. Ang bawat degree ay nahahati sa 60 minuto na isinusulat gamit
ang kudlit (‘). Sa kaso ng Pilipinas:

40 23’ – 210 25’H

3. Hanapin ang longitude o degree pasilangan o pakanluran ng Prime Meridian.


4. Isulat ang longitude, simbolo para sa degree, at ang direksiyon pasilangan o pakanluran ng Prime Meridian.
Sa Pilipinas:

1160 – 1270 S

Sa pagtukoy ng tiyak na lokasyon, sakaling hindi tukoy ang tiyak na longitude at latitude ng isang
lugar maaaring gamitin ang tinatawag na map interpolation.

Map Interpolation – ito ay ang paraan ng pagtukoy sa pinakamalapit na parallel at meridian upang matantya
ang lokasyon ng isang lugar.
Gawain 2
Ipares ang mga mag-aaral. Bigyan ng tig-iisang bansa ang bawat pares at kanilang tutukuyin ang tiyak na
lokasyon nito.

Gawain 3
(Product Output) CLAY MAP
Hatiin sa limang grupo ang klase. Bawat pangkat ay gagawa ng mapang pampolitika ng Pilipinas na gawa sa
clay.
Mga Materyales na Kailangan:
Chipboard/cardboard clay (pula para sa luzon, asul para sa visayas, at dilaw para sa
mindanao)
Lapis at pambura marker
Ruler plastic cover at tape
Ganito dapat ang magiging kalalabasan: ( ang nasa larawan ay isang mapang pangklima itoy gabay lamang para sa
gagawing output)
Aralin 2 Paggamit ng Grid sa Globo at Mapang Politikal sa Pagpapaliwanag ng
Pagbabago ng Hangganan at Lawak ng Teritoryo ng Pilipinas batay sa Kasaysayan

Tatlong Batayan sa Pagtukoy ng Teritoryo at mga Hangganan ng Pilipinas


1. Karapatang Pangkasaysayan
2. Pandaigdigang Batas at Kasunduan (itinakda ng UNCLOS)
3. Saligang Batas ng 1987

A. Karapatang Pangkasaysayan

• Mahalagang batayan ang mga karapatang pangkasaysayan ng isang bansa sa pagtukoy ng teritoryong panlupa at
maritime nito. Sa kaso ng Pilipinas, inaangkin nito ang karapatan sa teritoryong maritime batay sa Philippine Treaty
Limits.
• Tatlong kasunduan na bumubuo sa Philippine Treaty Limits
1. Treaty of Paris of 1898 (US at Spain)
➢ Nilagdaan ito noong Disyembre 10, 1898
➢ Sa bisa ng kasunduang ito, isinalin ng Spain sa US ang karapatan nito sa Pilipinas. Itinakda na ang
teritoryo ng Pilipinas ay hugis parihaba na may lapad na 965.61 kilometro; habang 1931.21 kilometro;
at kinapapalooban ng 7101 pulo.
➢ Ito ang unang dokumento na nagtatakda at naglalarawan ng hangganan at lawak ng teritoryo ng
Pilipinas.
2. Cession Treaty of 1900 (US at Spain)
➢ Cession – pormal na pagsuko at paglilipat ng karapatan ng isang estado ng teritoryo ➢ Ito ay
nilagdaan sa Washington noong 1900.
➢ Sa kasunduang ito, nagkaroon ng bahagyang pagbabago ang kasunduang nilagdaan sa Paris noong
1898. Idinagdag ang mga pulo ng Sibutu at Cagayan, na bahagi ng Sulu archipelago, sa teritoryong
inilipat ng Spain sa US. Kapalit ito ng karagdagang $100,000 para sa dalawang pulo na bayad sa Spain,
para sa dalawang nabanggit na pulo.
3. Boundaries Treaty of 1930 (UK at US)
➢ Nilagdaan noong Enero 2, 1930
➢ Dinelimitahan sa kasunduan ang mga hangganan sa pagitan ng North Borneo (kasalukuyang Sabah),
na protektado ng mga British; at ng Pilipinas, na noon ay sakop ng mga Amerikano.
➢ Partikular na tinukoy sa kasunduan ang katayuan ng Turtle Islands at Mangsee Islands.

B. Teritoryo ng Pilipinas Ayon sa Pandaigdigang Batas at Kasunduan


• Napagkasunduan sa pagpupulong ng Samahan ng Mga Nagkakaisang Bansa (United Nations) sa
United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na pinirmahan ng 130 bansa sa Jamaica
noong Disyembre 10, 1982 ang mga sumusunod:
1. Pagkilala sa Doktrinang Pangkapuluan o Archipelagic Doctrine.
➢ Ayon sa Doktrinang Pangkapuluan (Archipelagic Doctrine), ang karapatan ng isang
bansang archipelagic (kapuluan) ay nakapaloob sa mga batayang guhit na nagdurugtong
sa mga pinakalabas o pinakadulong bahagi ng mga pulo na sakop ng kapuluang iyon.
Lahat ng bahaging tubig sa loob ng batayang guhit ay nasasakupan at nasa
kapangyarihan ng pamahalaan ng bansa o kapuluang iyon. Ang kasunduang ito ay
isinagawa ng mga mambabatas na Pilipino na pinangunahan ni Senador Arturo M.
Tolentino noong 1956.
➢ Disyembre 10, 1982 nilagdaan ng Pilipinas ang Law of the Sea Treaty ng UNCLOS.
Mahalagang salik sa paglagdang ito ang itinatadhana sa Archipelagic Doctrine.
2. Ang teritoryo ng tubig ay hanggang 23 milya sa palibot ng kapuluan.
3. Ang Eksklusibong Sonang Pang-ekonomiya o Exclusive Economic Zone (EEZ) ay milyang lawak
ng karagatan sa palibot ng kapuluan.
➢ Ang teritoryo ng tubig ng Pilipinas ay may lawak na 12 milya sa palibot ng bansa.
➢ Ang EEZ ay nagbibigay ng 200 milyang lawak ng karagatan sa palibot ng kapuluan.
➢ Sa loob ng sonang ito, ang bansa ay may karapatang magsaliksik, magpaunlad, mangalaga,
at makinabang sa likas na yamang narito.

C. Teritoryo ng Pilipinas ayon sa mga Saligang Batas

❖ Saligang Batas ng 1935


➢ Ginamit nito ang Philippine Treaty Limits kung saan tuwiran itong tinukoy bilang batayan ng
pambansang teritoryo ng Pilipinas.
➢ Naging bahagi ng Pilipinas ang mga Pulo ng Batanes dahil sa paninirahan at pagmamay-ari ng
mga mamamayang Pilipino sa mga pulong ito.

❖ Saligang Batas ng 1973 at 1987


➢ Nakalahad dito na ang pambansang teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng kapuluan ng
Pilipinas kasama ang lahat ng mga pulo at tubig na saklaw nito, ang mga tubig na nakapaligid
sa pagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan maging anuman ang lapad at laki ng mga
ito.
Ayon sa Saligang-Batas 1987, Artikulo I;

“ Ang pambansang teritoryo ay binubuo ng kapuluang Pilipinas kasama ang lahat ng mga pulo at
mga karagatan na nakapaloob dito, at lahat ng iba pang teritoryo na nasa ganap na
kapangyarihan o hurisdiksiyon, na binubuo ng mga kapuluan, katubigan, at himpapawirin nito
kasama ang dagat teritoryal, ang ilalim ng dagat, ang kailaliman ng lupa, ang mga
kalapagang insular, at ang iba pang mga pook submarina nito. Ang mga karagatang
nakapaligid, nakapagitan, at nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan, maging anuman ang lawak at
mga dimension ay bahagi ng panloob na karagatang ng Pilipinas.”

Dagat-teritoryal – bahagi ito ng dagat na umaabot hanggang sa 12


milya kilometro ang layo mula sa pinakamababaw na bahagi ng
baybaying dagat.
Ilalim ng dagat – ito ang lupain sa ilalim ng dagat kabilang na ang mga
mineral at likas na yaman dito
Kailaliman ng lupa – kabilang dito ang lahat ng bagay sa ilalim ng lupa
kasama na ang mga mineral at likas na yaman
Mga kalatagang insular – ang mga ito ang nalakubog na bahagi ng
kontinente o pulo na umaabot hanggang sa malalim na bahagi ng
karagatan
Iba pang pook submarine – ang mga ito ay mga bahaging nasa dagat-teritoryal tulad ng trintsera,
kalaliman, aplaya, buhanginan at batuhan
Panloob na karagatan – ito ang bahagi ng dagat na nasa loob ng pagitan ng teritoryo ng
lupain.Kabilang dito ang ilog, kanal, o lawa na nasa lupain ng estado
Ang himpapawirin – ito ang nasa itaas ng mga teritoryal na lupain at dagat.

❖ Republic Act 9522 o Archipelagic Baselines Law – nilagdaan noong Marso 10, 2009, nagtatakda sa
teritoryong maritime ng Pilipinas sang-ayon sa UNCLOS Nagtatakda sa sumusunod:
a. Inihayag ng Pilipinas ang sarili bilang isang bansang kapuluan
b. Inangkin ng Pilipinas ang mga katubigan sang-ayon sa archipelagic baselines
c. Ipinahiwatig ng Pilipinas ang intensiyong tukuyin ang mga maritime zone nito.

Ang Pambansang Teritoryo ng Pilipinas ayon sa Kasaysayan


Disyembre 10 1898 Paglagda ng Treaty of Paris
Nobyembre 7 1900 Paglagda ng Cession Treaty of 1900
Enero 2 1930 Paglagda ng Boundaries Treaty of 1930
1935 Pagpapatupad ng Saligang Batas ng 1935
1973 Pagpapatupad ng Saligang Batas ng 1935
Disyembre 10 1982 Paglagda ng Pilipinas sa Law of the Sea Treaty
1987 Pagpapatupad ng Saligang Batas ng 1987
Marso 10 2009 Paglagda ng Philippine Archipelagic Baseline Law
Gawain 1
Laro: HANAP SA MAP
Gamit ang world map at Philippine map.

Ipahanap sa mga bata ang mga sumusunod na lugar.


1. Spain
2. US
3. UK
4. Sibutu
5. Cagayan
6. Magsee Islands
7. Turtle Islands
8. Jamaica
9. Paris
10. Sulu Sea

Gawain 2
Product output: Mapa-diagram o Mapa-timeline
Bumuo ng pangkat na may apat na kasapi. Gumawa ng diagram o timeline kung saan maipapakita ang
pagbabago sa itinakdang pambansang teritoryo ng Pilipinas ayon sa kasaysayan.

Gawain 3

Hanggang Saan?

Tukuyin ang mga pagbabago sa hangganan ng Pilipinas sa kasaysayan gamit ang diagram.
Aralin 3 Kahalagahan ng Lokasyon ng Pilipinas sa Ekonomiya at Politika ng Asya at ng Mundo

mababang
latitude bansang
kapuluan

Timog Lokasyong
Pacific Ring
silangang Pangheograpiya
ng Pilipinas of Fire
Asya

Katangiang
Pangheograpiya
ng Pilipinas
Coral
Triangle

bansang bansang
maritimo tropikal

Pilipinas , Bahagi ng Asya at Mundo

❖ Ang lokasyon ng Pilipinas sa mababang latitude sa ibabaw ng equator, ang nagbibigay rito ng tropikal
na klima.
❖ Kahit bansang tropikal ay nakakaranas din ito ng iba’t-ibang temperature at dami ng ulan sa iba’tibang
panig nito,
❖ Nakakaranas din ang Pilipinas ng malimit na pag-ulan at pagbagyo.
❖ Matatagpuan ang Pilipinas sa puso ng Timog-silangang Asya at pinalilibutan ng tatlong mahahalagang
katubigan – ang Pacific Ocean sa silangan, West Philippine Sea sa kanluran, at Celebes Sea sa timog.
❖ Bahagi rin ang Pilipinas ng Pacific Ring of Fire. Sa 40 000 kilometrong rehiyong ito matatagpuan ang
karamihan ng aktibong bulkan sa mundo. Maraming paglindol ang nagaganap dito. Dulot ito ng
pagbabanggaan, pagkikiskisan at paghihiwalay ng mga tectonic plate.
❖ Matatagpuan din ang Pilipinas sa tinaguriang Coral Triangle. Ito ay ang lokasyong maritime sa
kanlurang Pacific Ocean na katatagpuan ng may 600 species ng korales at mahigit 2000 species ng isda.
Ito ay kinabibilangan ng mga katubigang nasa hurisdiksiyon ng Indonesia, Malaysia, Papua New Guinea,
Timor-Leste, Solomon Islands at Pilipinas.

Pilipinas , Bansang Kapuluan at Maritimo

❖ Ang Pilipinas ay isang bansang kapuluan na may tatlong pangunahing pangkat ng pulo – ang Luzon ,
Visayas at Mindanao.
❖ Nagtataglay ito ng 34 000 kilometro ng baybayin na pinakamahaba sa mundo.
❖ Ang kabuoang sukat ng Pilipinas na 300 000 kilometro kuwadrado , 298 170 kilometro kuwadrado nito
ay binubuo ng kalupaan.
❖ 65% ng kalupaan ng bansa ay maituturing na kabundukan.
❖ Ang malaking bahagi ng kapatagan naman ay karaniwang matatagpuan sa malalaking pulo ng
Pilipinas.
❖ 55% ng kalupaan ay binubuo ng kagubatan.

Epekto ng Heograpiya sa Politika at Ekonomiya ng Pilipinas

1. Angkop ang pagiging bansang tropikal nito sa mga gawaing pang-agrikultura tulad ng pagsasaka at
paghahayupan.
2. Isa pang pangunahing gawaing pangkabuhayan sa Pilipinas ang pangingisda. Ang Pilipinas ay isa sa mga
pangunahing tagaluwas ng isda.
3. Dahil sa pagkakaroon ng watak-watak ng teritoryo ng Pilipinas, ipinatupad ang desentralisadong
pamahalaan. Isinakatuparan ito sa bisa ng R.A7161 o Philippine Local Government Code of 1991 kung
saan pinagkalooban ang mga lokal nay unit ng pamahalaan ng kapangyarihan pamunuan ang kanilang
nasasakupan sa ilalim ng pangkalahatang pangangasiwa ng pamahalaang sentral ng bansa.
4. Dahil rin sa pagiging watak-watak ng teritoryo at pagkakaroon nito ng iba’t-ibang katangiang
pangheograpiya, may mga serbisyo ang pamahalaan na hindi naipapadala nang mabilis at maayos at
ligtas sa mga Pilipino sa iba’t-ibang panig ng kapuluan. Halimbawa ng mga serbisyong ito ang
edukasyon, kalusugan, koryente, at tubig.
5. Dahil sa tropikal na klima sa bansa at taglay nitong iba’t-ibang anyong lupa at anyong tubig ay dinarayo
ang Pilipinas ng mga dayuhang turista.
6. Ang lokasyon ng Pilipinas sa Pacific Ring of Fire at sa hilagang –kanlurang Pacific basin ay dahilan upang
ituring ang bansa bilang isa sa hot spot ng mga natural hazard sa mundo. Ang bansa ay malimit na
nakakaranas ng mga lindol.
7. Ang kahabaan at pagiging bansang kapuluan ng Pilipinas ay maaaring gamitin sa pagpuslit paloob o
palabas ng bansa ng mga illegal at mapanganib na tao at kagamitan.

Gawain 1

Selfie and Geography

Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Gamitin ang inyong camera, kuhanan ang mga tagpo sa inyong
kapaligiran na nagpapakita ng konkretong halimbawa ng epekto ng katangiang pangheograpiya ng
Pilipinas sa mga Pilipinong naninirahan dito. Isamang kuhanan ang mga kasapi ng pangkat bilang patunay
na ang pangkat ang kumuha ng larawan. Lagyan ng caption ang inyong mga larawan at itanghal sa isang
photo gallery.

Gawain 2

Dayo-rama
Kilalanin ang isang lugar sa PIlipinas na may taglay na pambihirang katangiang pangheograpiya.
Gumawa ng diorama kung saan maipapakita rin ang kabuhayan ng mga tao sa napiling lugar.

Gawain 3

Slogan Making

Gumawa ng slogan na magpapahayag ng iyong pagpapahalaga sa mga katangiang


pangheograpiya ng Pilipinas. Sumulat din ng maikling mensahe sa mga kapuwa Pilipino kaugnay sa
pagpapahalaga at pangangalaga ng sariling bansa.
Aralin 4 Epekto ng Pagbubukas ng mga Daungan ng Bansa sa Pandaigdigang Kalakalan

❖ 1834 – pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdig na kalakalan

❖ Epekto ng Pagbubukas ng mga Daungan ng Bansa sa Pandaigdigang Kalakalan

1. Naging masagana ang pamumuhay ng mga katutubo at sumulpot ang panggitnang lipunang (middle class)
Pilipino dahil sa ipinasok na capital sa bansa ng mga mangangalakal na Ingles, Amerikano at Tsino.
2. Marami ang nagsiyaman at sila ay nakapag-ari ng mga lupain, mga kalakalang panlabas, at nalinang ang mga
pinagkukunang yaman ng Pilipinas.
3. Napag-aral nila ang kanilang mga anak, lumawak ang kanilang kaalaman, at nagkaroon sila ng pagkakataong
makihalubilo sa mga matataas na kinatatayuan sa lipunan. Naiba ang kanilang pananaw at naghangad silang
maiba ang kanilang kalagayan. Napuna nila ang mga maling gawain ng mga Espanyol at nag-isip kung paano
nila mapabubuti ang katayuan ng mga Pilipino.
Ilan sa mga magigiting na mamamayang Pilipinong ito ay sina:
➢ Dr. Jose P.Rizal
➢ Padre Pedro Pelaez
➢ Padre Jose Burgos
➢ Marcelo H. del Pilar
➢ Juan at Antonio Luna
➢ Jose Ma.Panganiban
➢ Mariano Ponce
➢ Graciano Lopez Jaena
➢ Dr. Pedro Paterno
Aralin 5 Pag-usbong ng Uring Mestizo at Pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon 1863

Pag-usbong ng Uring Mestizo


❖ Nabago ang batayan ng pag-uuri ng antas ng katayuan ng tao sa lipunan. Nabatay ito sa kayamanan at
pinag-aralan nila. Nanatiling pinakamataas na uri ang mga kolonyalistang Espanyol. Sila ang mga
tinatawag na peninsulares at insulares.
➢ Peninsulares – ang mga Espanyol na ipinanganak sa Espanya
➢ Insulares – ang mga Espanyol na ipinanganak sa bansang kolonya ng Espanya tulad ng Pilipinas
➢ Mestizo – anak ng mga Pilipino na nahaluan ng dugong Espanyol o Tsino.
➢ Principalia – ang mga mayayamang mamamayang Pilipino
➢ Indio – itinuring na pinakamababang antas o uri ng katayuan sa lipunan/mga katutubong Indio

Pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon ng 1863


❖ Ipinag-utos ng Hari ng Espanya ang pagtatatag ng paaralang primary para sa mga lalaki at babae sa bawat
lalawigan noong 1863.
❖ Ipinag-utos din ang pagpapatayo ng paaralang normal para sa mga guro sa ilalim ng pamamahala ng mga
Heswita. Sapilitan at walang bayad ng pag-aaral sa primary. Wikang Espanyol ang ginamit sa pagtuturo.
❖ Nagbukas ng mga paaralang pambayan. Naging inspector at tagasuri nito ang mga Kura Paroko.
❖ Maraming kaalaman ang itinuro sa mga kalalakihan tulad ng heograpiya, pagsasaka, kasaysayang
Espanyol, aritmetika, pagsulat, Doctrina Christiana, kagandahang asal, at pag-awit.
❖ Ang mga itinuro sa kababaihan ay aritmetika, pagsulat, Doctrina Christiana, kagandahang –asal, pagawit,
pagbuburda, paggagantsilyo at pagluluto.
❖ Karamihan sa mga nakapag-aral na Pilipino ay iyong mga mayayaman lamang. Kahit na ipinag-utos ng Hari
ng Espanya na ituro ang wikang Espanyol sa mga Pilipino, ito ay hindi nasunod dahil sa pangamba ng mga
Espanyol na magkaroon ng isang wikang pambansa ang mga katutubo. Ito ay maaaring magbuklod sa
kanila at maaaring magamit upang humingi ng pagbabago o magamit para labanan sila.
❖ Dahil sa pagbubukas ng mga paaralan sa mga Pilipino, nakita ng mga Pilipino ang halaga ng edukasyon
para sa kaunlaran ng bansa. Namulat ang kanilang kaisipan at pananaw sa buhay at sa bayan.

Gawain 1 Isahang Gawain

Isiping isa kang lider ng isang barangay. Nais mong gisingin ang taong-bayan at ipakita ang kanilang tunay
na pagkamakabayan. Gumawa ng isang poster at hikayatin ang iba pang Pilipino na ipakita ang
pagmamahal sa bansa.

Gawain 2 Isahang Gawain

Isa kang ordinaryong mag-aaral. Ibig mong iparating sa mga kawani ng pamahalaan ang kahalagahan ng
pagpapakita ng pagmamahal sa bansa. Sumulat ng isang anonymous open letter.

Gawain 3 Pangkatang Gawain


Isa kang manunulat ng kasaysayan. Nais mong magising ang diwang makabayan sa iyong mga
kasamahang Pilipino. Umisip ka ng paraan kung paano mo sila magaganyak na ipakita ang pagmamahal
sa bansa.

Aralin 6 Kilusang Sekularisasyon at Cavite Mutiny

Dalawang Uri ng mga Paring Katoliko


1. Paring Regular – kabilang sa isang order tulad ng Agustino, Pransiskano, at iba pa.
2. Paring Sekular – hindi nabibilang sa kahit anong order at sila ay sinanay lamang sa seminary upang
mangasiwa ng parokya.

Sa pangkalahatan, ang sekularisasyón ay pagpapalawig ng mga gawaing hindi pansimbahan o labas sa impluwensiya ng
relihiyon. Dahil sa layunin ng pananakop ng mga Español na gawing “sibilisado at Kristiyano” ang mga dinatnang
katutubo sa Filipinas, napangatwiranan ang pakikialam ng mga fraile sa mga gawain ng pamahalaan. Sa kasaysayan ng
Filipinas noong panahon ng kolonyalismong Español, nangahulugan ang sekularisasyon ng paggigiit ng kapangyarihan ng
mga paring sekular kapantay ng sa mga paring regular.

Kabílang sa isang ordeng panrelihiyon ang mga tinatawag na “paring regular”––tulad ng mga Dominiko, Agustino,
Pransiskano, at Rekoleto––na may pangunahing layunin ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Samantala, hindi kabílang
sa anumang ordeng panrelihiyon ang mga “paring sekular,” nása ilalim ng pangangasiwa ng mga obispo, at sinanay
upang humawak at mangasiwa ng mga parokya. Nagsimula ang sigalot nang igiit ng mga obispo na pangasiwaan ang mga
parokyang hawak ng mga paring regular; iginiit ng mga naturang pari na hindi silá nasasaklaw ng kapangyarihan ng mga
obispo.

Iginiit ni Arsobispo Basilio Santa Justo noong 1774 ang kapangyarihan ng mga diyosesis sa mga parokya at tinanggap ang
bantang pagbibitiw ng mga paring regular. Itinalaga ang mga paring sekular sa posisyon ng mga pinagbitiw na pari. Isang
dekreto ng hari noong 9 Nobyembre 1774 ang nagkaloob ng sekularisasyon ng mga parokya at pagsasalin ng
pangangasiwa ng mga ito sa mga paring sekular.

Sabihin pa, hindi nagustuhan ng mga paring regular ang sekularisasyon. Gayumman, pumanig sa mga Filipino si
Monsinyor Pedro Pelaez, na nagmula sa Pagsanjan sa Laguna, at gobernador na eklesiyastiko ng simbahan. Subalit
namatay siya sa lindol noong 1863 na nagwasak ang Katedral ng Maynila. Ipinagpatuloy ng mga paring tulad nina
Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora ang pakikipaglaban ni Pelaez para sa sekularisasyon. Humantong ito sa
pagsasangkot sa naturang mga lider ng paring sekular sa pag-aalsa sa Cavite noong 1972 at ng pagbitay sa kanila.
Itinuturing na isang usapin ang sekularisasyon na gumising sa diwang makabayan ng mga Filipino, lalo na ng mga
pamilyang nadamay sa isinagawang persekusyon sa mga aktibista para sa sekularisasyon. (ECS)

Cite this article as: Sekularisasyon. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol
1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from
https://philippineculturaleducation.com.ph/sekularisasyon/
Pag-aalsá sa Cavite

Ang Pag-aalsá sa Cavite (o Cavite Mutiny sa Ingles) ay isang pag-aalsa noong 1872 ng umaabot sa 200 Filipinong
sundalo at obrero sa arsenal sa Cavite. Madaliang nasugpo ng pamahalaang kolonyal ang pag-aaklas ngunit
naging makabuluhan ito sa kasaysayan dahil ginamit itong dahilan upang supilin ang mga Filipinong makabayan at
humihingi ng reporma sa pamahalaan. Ang pag-aalsa ang ginamit na batayan upang isakdal at bitayin ang tatlong
paring Filipino na sina José Burgos, Jacinto Zamora, at Mariano Gómez—o mas kilala bilang Gomburza—at ang
kanilang pagkamartir ang higit na nagpaalab sa nasyonalismo ng mga Filipino at magdudulot, sa huli, ng
Himagsikang1896.
Pinaniniwalaang nag-ugat ang pag-aalsa sa pagpapataw ni Gobernador- Heneral Rafael de Izquierdo ng personal
na buwis sa mga kawal at manggagawa, samantalang dati na siláng hindi saklaw nitó. Isinaad ng buwis ang
pagbabayad ng salapi at pagbibigay ng polo y servicio, o sapilitang trabaho. Nang natanggap ng mga manggagawa
ang kanilang sahod, binawasan na ito ng buwis. Sa pamumunò ni Fernando La Madrid, isang mestisong sarhento,
nag-alsa silá noong 20 Enero 1872. Nakubkob nilá ang Fuerza San Felipe at pinaslang ang 11 Español na opisyal.
Inakala ng mga nag-aklas na sasamahan silá ng mga sundalo sa Maynila. Hudyat dapat ng simula ng labanan ang
mga paputok mula sa Intramuros noong gabing iyon. Sa kasamaang palad, ang hudyat na kanilang nakita at
sinunod ay isa lamang pagpapaputok para sa pagdiriwang ng pista ng Birhen ng Loreto, ang patron ng Sampaloc.
Sa pangambang simula ito ng mas malawakang rebolusyon, isang pulutong ng mga sundalo sa pamumunò ni
Heneral Felipe Ginoves ang lumusob sa moog ng San Felipe. Sumuko ang mga nag-aklas, kabilang si La Madrid, at
pinaputukan sila sa utos ni Ginoves.
Pagkatapos ng pag-aalsa, dinesarmahan ang lahat ng sundalo sa arsenal at ipinatapon sa Mindanao. Dinakip at
binitay o ipinatápon ang mga pinaghinalaang sumuporta sa pag-aaklas. Maraming mariwasa at ilustrado ang nadawit
sa pag-aalsa. Ginamit itong dahilan ng pamahalaang kolonyal at mga fraileng Español upang idawit ang tatlong paring
tinagurian ngayon bilang Gomburza. Pagkatapos ng maigsi at kahina-hinalang paglilitis, binitay ang tatlong pari sa
harap ng publiko sa pamamagitan ng garote. Sa halip ikatákot, tinandaan ito ng mga patriyota na pruweba ng
kalupitan ng mga mananakop. (PKJ)

Cite this article as: Pag-aalsa sa Cavite. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag
Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved
from https://philippineculturaleducation.com.ph/pag-aalsa-sa-cavite/

❖ Ang Pagbitay sa GomBurZa


➢ Dahil sa pag-aalsa sa Cavite, ipinalaki ng mga paring Espanyol ang isyu at sinabi nila kay Gobernador
Izquierdo na may balak ang mga Pilipinong pabagsakin ang kapangyarihan ng Espanya sa bansa. Taliwas
ito sa mithiin ng kilusang reporma noon na nagnanais magkaroon ng pagbabago sa pamahalaan upang
bumuti ang kanilang kalagayan sa buhay.
➢ Nadamay ang mga makabayang pari at ang kanilang mga tagasunod. Napagbintangan sina Padre
Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto Zamora na kasama sa pag-aalsa. Galit ang ilang
paring Espanyol sa kanila dahil masugid nilang itinutulak ang sekularisasyon. Sila ang isinuplong ng mga
lider ng pag-aalsa. Sila ay nilitis at pinatay sa pamamagitan ng garote noong Pebrero 17, 1872.
➢ Ang pagbitay sa tatlong pari ang isa sa gumising sa damdaming makabansa ng mga Pilipino. Nagalit ang
mga Pilipino sa pananalig na ang mga Espanyol ay malulupit, mapang-abuso, at di-makatarungan. Mula
noon, itinuring na mga martir ang tatlong pari dahil namatay sila sa pagtatanggol ng karapatan ng mga
Pilipino. Sumibol ang diwang makabayan. Gawain 1

Ipaliwanag:

1. Bakit naglunsad ng isang kilusan ang mga paring sekular?


2. Ano ang naging epekto nito?
3. Bakit nagkaroon ng Cavite Mutiny?
4. Makatarungan ba ang ginawang parusa ng mga Espanyol sa Gomburza?

Gawain 2

Isadula ang mga sumusunod:

1. Pag-aalsa sa Cavite
2. Pagbitay sa GomBurza

Aralin 7 Ambag ng Kilusang Propaganda

❖ Ang Kilusáng Propagánda ay isang kilusang itinatag sa Espanya noong 1872–1892 ng mga Filipinong ilustrado sa
Europa.
❖ Ilan sa mga kasapi nitó ang mga ilustradong sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. del Pilar, Mariano
Ponce, at magkapatid na Juan at Antonio Luna
❖ Mga Pangunahing Layunin ng Kilusan
1. pagkakaroon ng pantay na pagtingin at karapatan sa mga Español at mga Filipino,
2. pagkakaroon ng representasyon ng Filipinas sa Cortes (ang kongreso ng España),
3. sekularisasyon ng mga parokya, pagbubuo ng sistema ng edukasyon na labas sa impluwensiya ng mga fraile,
4. paglansag ng polo (sapilitang paggawa) at vandala (sapilitang pag-bibili ng mga produkto sa pamahalaan),
5. pagkakaroon ng batayang kalayaan sa pagpapahayag
❖ Pahayagan para sa Reporma
▪ La Solidaridad
➢ unang inilimbag sa Barcelona noong 15 Pebrero 1889
➢ Unang editor nitó si Graciano Lopez Jaena at hinalinhan ni M.H. del Pilar ➢ Ito ay isang pahayagan
ng mga Pilipino sa Espanya.
➢ Ito ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda.
➢ Dito inilathala ang mga tuligsa nilá sa katiwalian sa kolonya ng Filipinas.
➢ Español ang wika ng diyaryo dahil higit na target na mambabasá ng mga Propagandista ang mga
taga-España at upang maimulat ang mga ito sa mga abuso at korupsiyong nagaganap sa
Filipinas.
➢ Palihim na iniluluwas sa bansa mula sa Europa ang mga isyu ng pahayagan, at palihim ding
binabása ng mga edukadong kababayan ng mga Propagandista.
▪ Lumabas ang huling isyu ng pahayagan noong 1895. Samantala, nanamlay at tuluyang namatay ang
kilusan matapos ang pagkakahuli kay Rizal at nang mabuwag ang La Liga Filipina. Sinundan ito ng
Katipunan ngunit tungo sa higit na rebolusyonaryong layunin—ang ganap na kalayaan ng bansa at
pagpapatalsik sa mga kolonyalistang Español
(Cite this article as: Kilusang Propaganda. (2015). In V. Almario
(Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the
Arts. Retrieved from
https://philippineculturaleducation.com.ph/kilusangpropaganda/)

▪ Mga Layunin ng La solidaridad


1. Iparating sa mga kinauukulan ang mga katiwaliang nagaganap sa Pilipinas
2. Ipaglaban ang katarungan at kaunlaran
3. Humingi ng panlipunan at pampulitikang pagbabago
4. Maipalaganap ang diwa ng demokrasya

▪ Sa pagsulat ng mga repormista sa La Solidaridad, gumagamit sila ng mga sagisag.


➢ Marcelo del Pilar – Plaridel
➢ Jose Rizal – Laong Laan at Dimasalang
➢ Mariano Ponce – Naning, Tikbalang o Kalipulako ➢ Antonio Luna – Taga-ilog

Mga Karagdadang Impormasyon

La Solidaridád
Isang diyaryo sa wikang Español ang La Solidaridád at naging pangunahing tinig ng Kilusang Propaganda para sa mga
kailangang reporma sa Filipinas noong panahon ng kolonyalismong Español. Itinayô ito ng isang samahan ng mga
repormista na La Solidaridad din ang pangalan. Isa itong quincenario, na nangangahulugang lumalabas tuwing dalawang
linggo, at unang ini- limbag sa Barcelona, España. Lumabas ang unang isyu nitó noong 15 Pebrero 1889 sa
pamamatnugot ni Graciano Lopez Jaena. Inilipat ang pasulatan nito sa Madrid at ipinasa ni Lopez Jaena ang pagiging
patnugot kay Marcelo H. del Pilar sa isyung lumabas noong 15 Nobyembre 1889. Nagtagal ang diyaryo hanggang 15
Nobyembre 1895.
Nilayon ng diyaryo na iparinig sa gobyernong España ang masaklap na kalagayan ng mga mamamayan sa Filipinas at
ibunyag ang kalupitan ng mga fraile. Sa pamamatnugot ni Del Pilar, lalong matatapang na reporma ang hiningi ng mga
repormista: Filipinisasyon ng mga parokya; kalayaan sa pamamahayag, pagsasalitâ, at pagtitipon-tipon; pag-asimila sa
Filipinas bilang probinsiya ng España, at kaugnay nitó, representasyon sa Cortes ng España at aktibong pakikilahok ng
mga Filipino sa pamamahala ng gobyerno.

Sa loob ng halos pitóng taón, naging tinig ang La Solidaridád sa payapang paghingi ng reporma. Wala mang nakamit na
reporma, mahalaga ang pahayagang ito dahil matutunton dito ang pagyabong ng pampolitikang kaisipan ng mga
Filipino; pinatunayang rebolusyon lámang ang landas sa paglaya; bukod pa sa naglabas ito ng katangi-tanging mga
artikulo na sinulat nina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce, Antonio Luna, Jose Ma.
Panganiban, at iba pa. (AEB)

Jose Rizal

(19 Hunyo 1861–30 Disyembre 1896)

Pambansang bayani at itinuturing na pinakadakilang Filipino si Jose Rizal (Ho·se Ri·zál). Sa buong buhay niyá, sinikap
niyáng maging huwaran ng mga kababayan. Ginawa niyá ang pinakamagalíng na maaari niyáng gawin sa iba’t ibang
larangan ng Filipinolohiya, sining, agham, at teknolohiya. Kakikitahan ng pinakamataas na antas ng kasiningan ang
kaniyang mga tula, nobela, dula, sanaysay, pintura at eskultura. Isang doktor, dinayo ng mga pasyente mula sa iba’t
ibang bansa ang kaniyang mga klinika sa Hong Kong at sa Dapitan, Zamboanga del Norte. Ipinamalas niyá sa Dapitan ang
pagiging arkitekto, inhenyero, magsasaka, at imbentor. Mahusay siyáng atleta lalo na sa eskrima. Nag-aral siyáng
magsalitâ at magsulat sa iba’t ibang wika.
Isinilang si Jose Rizal noong 19 Hunyo 1861 sa Calamba, Laguna. Pampitó siyá sa 11 anak nina Francisco Mercado at
Teodora Alonso. Dahil pinaghihinalaang filibustero ang Mercado, ginamit niyá ang apelyidong Rizal nang mag-aral siyá sa
Maynila. Batà pa’y kinakitahan na siyá ng katalinuhan. Sa Ateneo Municipal sa Maynila, tumanggap siyá ng mga medalya ng
karangalan sa pag-aaral at pagsusulat. Pinakamataas na marka ang natanggap niyá nang magtapos noong 1876 ng batsilyer
sa sining (katumbas ng mataas na paaralan). Kumuha siyá ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas hábang nag-aaral ng
pagiging agrimensor sa Ateneo. Huminto siyá sa mga kursong ito nang sa gulang na 21 ay lihim siyáng magpunta sa
Europa.Tinapos niyá ang medisina at pilosopiya sa Universidad Central de Madrid sa España noong 1885.

Itinuring siyáng gabay ng Kilusang Propaganda at aktibong nagsulat sa diyaryong La Solidaridad. Noong 1889, ipinalathala
niyáng muli nang may anotasyon sa London, England ang bihira nang matagpuang librong Sucesos de las Islas Filipinas ni
Dr. Antonio de Morga na unang nalathala sa Mexico noong 1609. Bago iyon, nalathala na ang kaniyang nobelang Noli me
tangere (1887) sa Berlin, Germany. Sinundan ito ng nobelang El filibusterismo(1891) na ipinalimbag sa Gent, Belgium.
Isiniwalat ng kaniyang mga nobela ang kabulukan ng pamamahalang Español sa Filipinas at ang mga kahinaan ng
simbahang Katoliko hábang naglalatag ng mga kaisipang pampolitika ukol sa pagpapalakas ng diwang
makabayan. Pagbalik sa Filipinas noong 1892, dinakip siyá at ipinatapon sa Dapitan. Upang matapos ang destiyero,
nagboluntaryo siyáng maglingkod bilang manggagamot sa Cuba noong 1896, taón ng pagsiklab ng Himagsikang Filipino.
Muli siyáng dinakip sa kalagitnaan ng paglalakbay, kinasuhan ng panghihikayat ng rebelyon, at binitay noong umaga ng
30 Disyembre 1896. Ang kamatayan ni Jose Rizal ay lalong nagsilbing liwanag sa mga kababayan na ipagpatuloy ang
rebolusyon tungo sa pambansang kasarinlan at pagbubuo ng nasyon. (MIM)

Cite this article as: Rizal, Jose. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1).
Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from
https://philippineculturaleducation.com.ph/rizal-jose/

Marcelo H. del Pilar


(30 Agosto 1850–4 Hulyo 1896)

Pangunahing lider ng Kilusang Propaganda, dakilang makata’t manunulat, si Marcelo H. del Pilar (Mar·sé·lo Eyts del
Pi·lár) ay tagapagtatag at editor ng Diariong Tagalog at naging ikalawang editor ng La Solidaridad. Bantog din siyá sa
sagisag-panulat na Plaridel. Sa bantayog ng pagkilos para sa pambansang kalayaan, nása unang hanay si Plaridel sa piling

nina Rizal at Bonifacio.


Isinilang siyá noong 30 Agosto 1850 sa Cupang, Bulacan, Bulacan sa isang mariwasang pamilya nina Don Julian Hilario at

Blasa Gatmaitan. Idinagdag niya sa pangalan ang apelyidong “del Pilar” ng kaniyang lola bilang pagsunod sa Batas
Claveria noong 1849. Kapatid niya si Padre Toribio na pinarusahan at ipinatapon sa Marianas dahil sa hinalang kasabwat
sa motin sa arsenal ng Cavite noong 1872. Nag-aral siyá sa Colegio de San Jose at nagtapos ng abogasya sa Unibersidad
ng Santo Tomas (UST) noong 1880. Noong Pebrero 1878, pinakasalan niya ang pinsang si Marciana del Pilar at
nagkaanak silá ng pito bagaman sina Sofia at Anita lámang ang lumaki.

Estudyante pa lámang ay aktibo na siyá sa mga usaping pampolitika. Naging puspusan ang kaniyang pagkilos bilang
repormista noong 1882. Itinatag niya kasáma ang isang Español ang bilingguwal na Diariong Tagalog. Ginamit niya ang
husay sa pagtula at pagtatalumpati para batikusin ang gobyernong kolonyal sa pamamagitan ng duplo at pagsasalitâ sa
sabungan at pista. Naglathala siyá ng satirikong polyetong Dasalan at Toksohan na ipinamumudmod sa simbahan kung
Linggo. Noong 1888, nag-organisa siyá kasáma nina Doroteo Cortes, Jose Ramos, at Juan Zulueta ng mga demostrasyong
kontra-fraile at nagrurok sa petisyon noong 1 Marso para sa pagpapatalsik ng mga fraile sa Filipinas. Bago siyá ipahúli,
lihim siyáng umalis patungong España noong 28 Setyembre 1888.

Pagdating sa Barcelona, agad siyáng nagtrabaho para sa pagtatatag ng samahang repormista, ang La Solidaridad, na
naglathala noong 15 Pebrero 1889 ng diyary- ong La Solidaridad. Sa isyung 15 Nobyembre, pinalitan niya si Graciano
Lopez Jaena bilang editor ng peryodiko at inilipat niya ang lathalaan sa Madrid. Dumanas ng lubhang hirap ang kaniyang
pamilya dahil sa kaniyang gawain. Dumanas din siyá ng hirap sa paghawak ng La Solidaridad. Sinasabing may panahong
namumulot lámang siyá ng upos sa bangketa bilang pampalipas ng gútom. Naipalabas niya ang hulíng isyu ng diyaryo
noong 15 Nobyembre 1895 at namatay ng tuberkulosis noong 4 Hulyo 1896. Inilibing siyá sa sementeryo ng mga pulubi
sa Barcelona. (VDN)
Cite this article as: Del Pilar, Marcelo H.. (2015). In V. Almario
Sagisag
(Ed.),Kultura
(Vol 1). Manila:
National Commission for
Culture and the Arts. Retr
ieved fromhttps://philippineculturaleducation.com.ph/de
l
pilar-marcelo-h/

Graciano Lopez Jaena

(18 Disyembre1856–20 Enero1896)

Kinikilala siGraciano Lopez Jaena


(Gras·yá·no Ló·pez Háy·na) bilang isang lider ng kilusang repormista, manunulat,
peryodista, at orador. Maraming historyador ang kumikilala sa kaniya bilang isa sa “tungkong kalan” o triumvirate ng
Kilusang Propaganda, kasama sina Jose Rizal at Marcelo H. del Pilar.

Isinilang siyá sa Jaro, Iloilo noong 18 Disyembre 1856 kina Placido Lopez at Maria Jacobo Jaena. (Kayâ dapat na
“Graciano Jaena Lopez” o “Graciano Lopez y Jaena” ang pagsulat sa buong pangalan niya.) Pumasok siyá sa seminaryo ng
Iloilo at nag-ambisyong maging doktor. Sinubukan niyang pumasok sa Unibersidad ng Santo Tomas ngunit hindi
pinahintulan sapagkat walang handog na Bachiller en Artes ang kaniyang seminaryo. Nabigyan siyá ng pagkakataóng
matuto sa ospital ng San Juan de Dios, ngunit kinailangang bumalik sa Iloilo dahil sa kagipitang pinansiyal.

Sa mga akdang Fray Botod (na isinulat niya sa edad 18) at La Hija del Fraile ay isiniwalat niya ang mga pagmamalabis ng
fraileng Español. Nagalit ang mga fraile at ipinadakip siyá. Tumakas siyá patungong España noong 1879 at naging
masigasig sa Kilusang Propaganda. Dito siyá sumikat bilang isa mga nangungunang orador,manunulat, at tagapagsalita
ng mga repormistang Filipino. Sinubukan niyang ipagpatuloy ang pag-aaral ng medisina sa Unibersidad ng Valencia
ngunit hindi rin ito tinapos.

Isa siya sa nanguna sa pag-tatatag ng La Solidaridad noong 1889 at naging unang editor nitó. Tinipon niya noong 1891
ang kaniyang mga akda at nilimbag bilang Discursos y Articulos Varios (Mga Talumpati at iba pang Lathalain). Namatay
siyá sa Barcelona, España noong 20 Enero 1896 sa sakit na tisis. Hindi na naibalik sa Filipinas ang kaniyang mga labí. (PKJ)

Cite this article as: Lopez Jaena, Graciano. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for
Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/lopez-jaena-graciano/

Mariano Ponce
(23 Marso 1863–23 Mayo 1918)

Si Mariano Ponce (Mar·yá·no Pón·se) ay isa sa mga lider ng Kilusang Propaganda at kaibigang matalik si Rizal. Isinilang
siyá noong 23 Marso 1863 sa Baliuag, Bulacan kina Mariano Ponce Sr at Maria Collantes. Nakapagtapos siyá ng
bachiller en artes sa Colegio de San Juan de Letran noong 1885 at kumuha ng medisina sa Universidad de Santo Tomas.
Naging kalihim siyá ng Asociacion Hispano-Filipino, ang organisasyon ng mga liberal na Español at Filipino at ng
kanilang kilusang repormista. Isa siyá sa tagapagtatag ng La Solidaridad sa Barcelona, España noong Pebrero 1889. Siyá
ang humawak ng seksiyong pampanitikan ng diyaryo nitó. Nakapaglathala siya ng halos 40 artikulo sa La
Solidaridad tungkol sa kasaysaysan, politika, sosyolohiya at paglalakbay. Gumamit siyá ng mga sagisag-panulat na
Naning, Kalipulako, at Tigbalang.
Nang sumiklab ang Himagsikang1896, ikinulong siyá sa Barcelona. Lumipat siyá sa Pransiya nang makalaya, pagkaraan ay
nagtungo sa Hong Kong, at doon ay naging kalihim ng junta revolucionaria ni Emilio Aguinaldo. Noong 1898, hábang
nása Japan bilang kinatawan ng pamahalaan ni Aguinaldo, naging kaibigan niya si Dr. Sun Yat-Sen. Nagpakasal din siya
kay Okiyo Udanwara, anak ng isang samurai. Nagawa niyang humingi sa mga Japanese ng karagdagang armas para sa
rebolusyon, ngunit hindi ito nakarating sa Filipinas dahil nasira ang barkong pinagkargahan ng mga ito.
Bumalik siyá sa bansa noong 1908. Naging patnugot siya ng El Renacimiento at tumulong sa pagtatatag ng El Ideal, ang
pahayagan ng Partido Nacionalista. Nahalal siyá bilang kinatawan ng Bulacan sa Philippine Assembly.
Tumulong siyáng mailabas ang Filipino celebres, isang serye ng mga talambuhay ng mga kilalang Filipino
Nakipagtulungan din siyá kay Jaime C. de Veyra noong1914 para sa Efemerides Filipinas, isang kalipunan ng mga artikulo
hinggil sa makasaysayang pangyayari at personalidad sa Filipinas. Ang ilan sa mga akda niya ay: “El Folklore Bulaqueño”
(1887); “Una excursion” (1889); “Pandaypira”; “Villanueva y Gettru” (1890); “Jose Maria Panganiban” (1890),
talambuhay ng propagandistang si Jomapa; “Sandwit” (1893); “Siam” (1893); “America en el descubrimiento de
Filipinas” (1892); “Cronologia de los ministros de Ultramar Cuestion Filipina” (1900); at “Sun Yat-Sen” (1912). (KLL)

Cite this article as: Ponce, Mariano. (2015).


V. In
Almario (Ed.),
Sagisag Kultura
(Vol
1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved
from https://philippineculturaleducation.com.ph/ponc
e-mariano/

Juan Luna
(24 Oktubre1857–7 Disyembre1899)

Dakilang pintor sa huling bahagi ng siglo Juan


19 si Luna(Hu·wán Lú·na
) at isang sagisag ng pambihirang talinong Filipino
sa panahon ng Kilusang Propaganda. Nagwagi ng medalyang ginto ang kaniyang obra maestrang Spoliarium sa
Exposicion General de Bellas Artes sa Madrid noong 1884. Sa pagpupugay nit Rizal, sinabi niyang patunay ang pintura ni
Rizal na ang “henyo ay walang lupain” at nangangahulugang may kakayahan ang mga Filipino na kapantay o hihigit pa sa
mga Europeo.
Isinilang si Juan noong 24 Oktubre 1857 sa Badoc, Ilocos Norte, anak nina Joaquin Luna de San Pedro at Laureana
Novicio. Nakababatà niyang kapatid si Antonio Luna. Lumipat sa Maynila ang pamilya Luna noong 1861 kayâ
nakapagtapos siyá sa Ateneo de Manila. Nag-aaral siyá sa Escuela Nautica at natamo ang sertipikong piloto de altos
mares tercer clase (magdaragat, ikatlong antas). Hábang naghihintay ng pagsakay sa barko, nag-aral muna si Luna sa
Academia de Dibujo y Pintura sa ilalim ni Lorenzo Guerrero. Napansin ang kaniyang husay at hinikayat ng guro ang mga
magulang na pag-aralin pa ng sining ang binata. Ipinadala siyá sa España. Nagtungo din siyá sa Italya at sa Pransiya.
Napangasawa niya si Paz Pardo de Tavera at nagkaroon silá ng dalawang anak, sina Andres Luna at Maria de la Paz. Sa
Madrid Art Exposition noong 1881, nagwagi ng medalyang pilak ang kaniyang obrang Cleopatra. Noong 1883, sinimulan
niyang gawin ang Spoliarium. Nang sumunod na taon, nilikha niya ang El pacto de sangre (Sandugo) at Miguel Lopez de
Legazpi, na dinalá sa Maynila bilang proyekto para sa natamo niyang scholarship.
Nagpahayag siyá ng pagkasawà sa estilong pang-akademya (na mahilig sa mga historiko at klasikong paksa) sa sining
noong 1889. Sa yugtong ito ay nalikha niya ang Le Chifonier (Tagapulot ng basahan) na nagpapakita ng matandang
lalaking gulanit ang suot at may daláng basket ng basahan. Noong 1892, natapos niya ang Peuple et Rois (Taumbayan at
Mga Hari) na balak niyang ilahok sa Chicago Universal Exposition sa taóng iyon. Ngunit hindi ito nangyari dahil sa
personal na trahedya. Binaril niya ang sariling asawa at biyenan. Napawalang sala siyá at nagbalik sa Maynila noong
1894. Noong Agosto 1896, dinakip siyá at ang kaniyang mga kapatid sa hinalang kasapi ng Katipunan. Napawalang sala
siyá at nagtungo sa España para ayusin ang pagpapatawad sa kaniyang kapatid na si Antonio. Pumanaw siyá sa Hong
Kong noong 7 Disyembre 1899 hábang pabalik na sana sa Filipinas. (RPB)
Cite this article as: Luna, Juan. (2015). In V. Almario),(Ed.
Sagisag Kultura(Vol 1).
Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved
from https://philippineculturaleducation.com.ph/lun
a-juan/

Antonio Luna
(29 Oktubre1866–5 Hunyo 1899)

Si Antonio Luna(An·tón·yo Lú·na) ang Filipinong heneral na namunò sa hukbong


sandatahan ng Himagsikang Filipino at
pangalawang kalihim ng digma sa Republikang Malolos. Kinikilala siya bilang pinakamahusay na Filipinong heneral sa
kaniyang panahon. Siyá rin ang nagtatag ng unang akademya militar ng bansa. Kapatid niya ang pintor na si Juan Luna.
Isinilang siyá noong 29 Oktubre 1866 sa Urbiztondo, Binondo, Maynila, at bunso sa pitong anak nina Joaquin Luna de
San Pedro at Laureana Novicio-Ancheta.Nakamit niya ang batsilyer ng artes sa Ateneo Municipal de Manila at nag-aral
ng panitikan at kemistri sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nag-aral siyá sa España ng parmasyutika. Hinangaan siyá ng
mga Europeo sa kada- lubhasaan sa mga sakit sa tropiko gaya ng dilaw na lagnat. Bilang isa sa mga Filipinong na- glunsad
ng Kilusang Propaganda, sumulat siya mga sanaysay at kuwento sa La Solidaridad sa ilalim ng sagisag na “Taga-ilog.”
Nagbalik siyá sa Filipinas at tahimik na namuhay bilang parmasyutiko. Dinakip siyá noong 19 Agosto 1896 at ipinatapon
sa España dahil napaghinalaang tagapagtaguyod ng Katipunan. Habang nása ibang bayan, pinag-aralan niya ang sining
ng pakikidigma sa Belgium. Muli siyáng nagbalik sa Filipinas nang Digmaang Filipino-Americano at hinirang ni Heneral
Emilio Aguinaldo bilang heneral Itinatag din niya ang diyaryong La Independencia. Disiplina ang pangunahing itinuro niya
sa hukbong Filipino. Itinatag niya sa Malolos ang Academia Militar, ang binhi ng kasalukuyang Philippine Military
Academy. Pinarusahan niya ang bawat sumuway sa batas militar. Dahil sa kaniyang kapusukan, kahigpitan, at tagumpay
sa mga labanan ay marami ang nainggit sa kaniya.
Noong 5 Hunyo 1899, nagpunta siyá sa Cabanatuan, Nueva Ecija dahil sa mensaheng ipinatawag siyá ni Aguinaldo.
Pinaslang siyá ng mga sundalo sa pamu-munò ni Kapitan Pedro Janolino na minsang sumuway sa utos niya at
inirekomendang alisin sa hukbo. Sa kaniyang kamatayan, tuluyang huminà at dumanas ng sunod-sunod na pagkatalo ang
hukbong Filipino. Isang pinunòng Americano si Heneral Hughes ang nagsabing “Isa lámang ang heneral ng mga Filipino,
at siyá’y pinaslang nilá.” (PKJ)

Cite this article as: Luna, Antonio. (2015). In V. Almario (Ed.),Sagisag Kultura (Vol
1). Manila: National Commission for Culture andthe Arts. Retrieved
from https://philippineculturaleducation.com.ph/lun
a-antonio/

Jose Maria Panganiban


(1 Pebrero 1863–19 Agosto 1890)

Si Jose Ma. Panganiban (Ho·sé Ma·rí·ya Pa·nga·ní·ban) ay manunulat at aktibong kalahok sa Kilusang
Propaganda. Gumamit siya ng sagisag panulat na Jomapa at J.M.P. sa pahayagang La Solidaridad.
Isinilang siyá noong 1 Pebrero 1863 sa Mambulao, Camarines Norte kina Vicente Panganiban at Juana Enverga. Ang
kaniyang ina ang nagturo sa kaniya ng kartilya, katon, at katekismo. Nang mamatay ang kaniyang ina, pinag-aral siyá ng
kaniyang ama sa isang seminaryo sa Naga, Camarines Sur at nakatapos ng kursong Pilosopiya noong 1882. Sa tulong ng
direktor ng kaniyang pinasukang seminaryo, nakapag-aral siyá sa Colegio de San Juan de Letran. Pagkaraan ay kumuha
siyá ng medisina sa Universidad de Santo Tomas. Noong 1887, isinulat niya ang Anatomia de Regines na kinilála bilang
isa sa mahusay niyang katha. Ang mga isinulat niya tungkol sa general pathology, therapeutics at surgical anatomy ay
pinarangalan din. Ang isang antolohiya ng kaniyang mga akda ay tinipon ni Padre Gregorio Echevarria, rektor ng
Universidad de Santo Tomas, at ipinadalá sa Exposicion General de Filipinas sa Madrid noong 1887.
Ipinagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral sa Universidad de Barcelona sa España noong 1888. Hábang nása España,
nabása niya ang mga isinulat ng mga Filipinong propagandista. Naging dahilan ito upang sumapi siyá sa grupong
Asociacion Hispano-Filipina at La Solidaridad. Naging sagisag- panulat niya ang Jomapa at J.M.P. Sumulat siyá tungkol sa
malîng sistema ng edukasyon sa Filipinas at ang hangarin ng malayang pagpapahayag ng saloobin ng mga Filipino.
Kinilála mismo ni Jose Rizal ang kaniyang husay sa pagsulat at dakilang adhika para sa bansa. Ang ilan sa mga artikulong
isinulat niya ay “El Pensamiento,” “La Universidad de Manila: Su Plan de Estudio,” at “Los Nuevos Ayuntamientos de
Filipinas.” Sumulat din siyá ng tula at maikling kuwento gaya ng “Ang Lupang Tinubuan,” “Noches en Mambulao,” “Sa
Aking Buhay,” “Bahia de Mambulao,” “La Mejerde Oro,” “Amor mio,” “Clarita Perez,” at “Kandeng.”
Nang magkaroon ng tuberkulosis, humingi siya ng tawad kay Rizal na hindi na siya makatutulong pa sa kilusan. Namatay
siya sa Barcelona noong 19 Agosto 1890 sa kaniyang tinitirahan sa Rambla de Canaletas 2. Noong 1 Disyembre1934, sa
pamamagitan ng Act No. 4155 ay ipinangalan sa kaniya ang bayan ng Mambulao, Camarines Norte. Sa tulong ng
historyador na si Domingo Abella ay naibalik sa Filipinas ang kaniyang mga labí mula sa Barcelona. (KLL)

Cite this article as: Panganiban, Jose Maria. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag
Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved
from https://philippineculturaleducation.com.ph/panganiban-jose-maria/

Ang La Liga Filipina


➢ Itinatag ni Jose Rizal noong Hulyo 3 , 1892 sa Ilaya, Tondo upang maging daan sa pagkakaisa ng mga
Pilipino.
➢ Ang sawikain o motto ng Liga ay “ Unus instar omnium” o isa tulad ng lahat.
➢ Ang lahat ng Pilipinong may malasakit at pagmamahal sa bayan ay maaaring maging kasapi sa kilusang
ito.
➢ Mga Layunin ng Kilusan
1. Pagbubuklod ng buong kapuluan ng Pilipinas, upang magkaroon ng pagkakaisa
2. Proteksiyon para sa lahat kung kinakailangan
3. Pagtatanggol laban sa mga kalupitan at kawalan ng katarungan
4. Pagpapaunlad ng edukasyon, agrikultura at komersiyo
➢ Nang maghinala ang mga Espanyol na ang Liga ay isang kilusang pangrebolusyon, dinakip nila si Rizal at
ikinulong sa Fort Santiago. Ipinatapon siya sa Dapitan noong 1892.
➢ Diyembre 30, 1896 – binaril si Rizal ng mga Espanyol sa Bagumbayan (Luneta). Ito ay nagpasiklab sa
damdaming makabayan ng mga Pilipino. Ang pakikipaglaban ay ipinagpatuloy ng mga Katipunero dahil
naniwala silang magkaroon lamang ng reporma sa pamamagitan ng tahasang paghihimagsik.
Gawain 1 Search Word Puzzle

Hanapin ang mga sumusunod na salita:


1. Repormista 6. Antonio Luna
2. La Solidaridad 7. Luneta
3. Jose Rizal 8. Cortes
4. Sekularisasyon 9. Mariano Ponce
5. Polo y servicio 10. Reporma

Gawain 2 Crossword Puzzle


Gawain 3 Maghinuha

1. Ano ang ambag ng Kilusang Propaganda sa Pagpukaw ng damdaming makabayan ng mga Pilipino?
2. Nakatulong ba ang La Solidaridad sa mga Pilipino? Sa paanong paraan?
3. Nagtagumpay ba ang Kilusang Propganda at La Solidaridad sa kanilang mga layunin?
4. Bakit ipinapatay ng mga Espanyol si Rizal?
5. Ano ang naging epekto nito sa mga Pilipino?

Aralin 8 Pagtatag at Paglaganap ng Katipunan

❖ Katipúnan ang mas maikli at mas nakilalang pangalan ng samahang Kataas-taasan Kagalang-galangang
Katipunan ng mga Anak ng Bayan.
➢ Isang lihim na samahan ito na itinatag nina Andres Bonifacio, Valentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao
Diwa, Deodato Arellano, at iba pa sa isang bahay sa Kalye Azcarraga (ngayo’y C.M. Recto), Maynila. ➢
Nabuo ito noong Hulyo 7, 1892, mismong araw na ipinatapon si Dr. Jose Rizal sa Dapitan.
❖ Kabilang sa mga layunin ng Katipunan ang,
✓ una, makamtan ng Filipinas ang kalayaan sa España sa pamamagitan ng paghihimagsik;
✓ ikalawa, maipalagananap ang kagandaang-loob, kabutihang asal, katapatan, katapangan at ang
paglaban sa bulag na pagsunod sa relihiyon; at,
✓ ikatlo, tulungan at ipagtanggol ang mahihirap at inaapi.
❖ Ang Katipunan ang natatanging samahan na nakapaglunsad ng isang organisado at malawakang
paghihimagsik laban sa pamahalaang Español.
❖ Tatlong lupon ang namamahala sa Katipunan—
1. ang Kataas-taasang Sanggunian na pinamumunuan ng Pangulo;
2. ang Sangguniang Bayan at Balangay na kumakatawan sa mga lalawigan at bayang may presensiya ang
samahan; at
3. ang Sangguniang Hukuman na lumilitis sa mga kasaping naakusahang lumalabag sa mga patakaran ng
Katipunan.
❖ Nang lumaki ang samahan kasunod ng paglalathala ng pahayagang Kalayaan, nagkaroon ng tatlong antas ng
kasapi ang samahan:
1. Bayani na siyang pinakamataas na antas. Pulang talukbong at sintas sa baywang na may guhit na luntian o
berde ang suot nila sa mga pagpupulong. Ang senyas nila ay “ Rizal”.
2. Katipon - Ang Katipon ay maaaring maging Kawal kapag nakapagdala siya ng bagong kasapi sa samahan.
Itim ang kanilang panakip o talukbong na may trianggulong binubuo ng puting laso tuwing may
pagpupulong. Baril o itak ang kanilang sandata at “Anak ng Bayan” ang kanilang senyas (password).
3. Kawal - ang Kawal ay nagiging Bayani kapag nahalal sa pamunuan ng Katipunan.
Bago maging kasapi, nagdadaan sa pagsubok ang isang tao at kapag nakapasa, kailangan niyang hiwain ang
sariling bisig upang ipirma ang pangalan sa sariling dugo. Isinusuot nila ang talukbong na kulay luntian at
mayroon silang sintas sa baywang. Nakasabit sa lee gang kuwintas o medalyon na may nakasulat na titik na
K sa alpabetong malay. Ang kanilang senyas ay “ Gom-Bur-Za”.
❖ Nang madiskubre ang Katipunan ng mga Español, sinasabing may mga kasapi itong 30,000 hanggang 100,000 sa
Maynila at mga karatig lalawigan. Mga balangay ng Katipunan ang nagsimula ng Himagsikang 1896 na kumalat
mula sa Maynila hanggang hilaga at timog ng Luzon at hanggang Kabisayaan at Mindanao. (MBL)

(Cite this article as: Katipunan. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission
for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/katipunan/)

❖ Paglaganap ng Katipunan
➢ Noong una, maliit lamang ang bilang ng mga miyembro ng Katipunan dahil mahirap at
mapanganib ang pagpapalaganap nito at pagkalap ng mga kasapi.
➢ Ang nagnanais na sumali sa Katipunan ay binibigyan ng pagsubok upang mapatunayan ang
kanilang tapang, katapatan at pagkamakabayan. Ang mga kasapi ay tinatanggap sa
pamamagitan ng paraang triyanggulo o triangle system. Sa paraang ito, ang isa nang kasapi ay
kukuha ng dalawang bagong kasapi na hindi magkakilala. Nguni’t naging mabagal ang pagkuha
nito ng mga kasapi kung kaya’t binago nila ang pamamaraan ng pagsapi.
➢ Ang ipinairal na sistema ng pagsapi sa Katipunan ay hango sa sistema ng Mason na kasama ng
isang tagapagtaguyod ang isang baguhan at ito ay papapasukin sa isang silid na madilim.
Pinipiringan siya at pagdating doon ay may makikitang mga pangungusap.
➢ Ang nagnanais pang sumali ay pinapapasok sa silid na kung saan ay makikita samaliit na mesa
ang isang rebolber, isang gulok, isang bungo, at mga nakasulat na tatlong katanungan.
➢ Matapos sagutin ang tatlong katanungan ay paaalalahanan ang sarili na kung hindi niya kaya
ang seremonyang pagdaraanan ay umurong siya.
➢ Kung malalampasan niya ang pagsubok na ito ay dadalhin siya sa isa pang silid. Lalagda na siya
sa isang kasunduan na nagsasaad ng kanyang panunumpa ng katapatan sa samahan. Ito ang
pinakamahalaga sa lahat at tinatawag itong sanduguan.
➢ Pagkatapos ng paglagda ay papipiliin siya ng sagisag na gagamitin bilang katipunero tulad ng
“May pag-asa” ni Bonifacio, “Pingkian” ni Jacinto, “Magdalo” ni Aguinaldo at iba pa.
➢ Isang maikling parangal ang babasahin at pagkatapos ay kakamayan at yayakapin ng mga
naroroon ang bagong kasapi.

❖ Mga Karagdagang Impormasyon

Andres Bonifacio
(30 Nobyembre 1863–10 Mayo 1897)

Si Andres Bonifacio (An·drés Bo·ni·fás·yo) ang tagapagtatag ng Katipunan at itinuturing na “Ama ng Himagsikang
Filipino.” Tinatawag siyáng “Supremo ng Katipunan” at “Haring Tagalog” dahil naging pangulo ng kapisanang
mapanghimagsik.
Isinilang siyá noong 30 Nobyembre 1863 sa Tondo, Maynila at panganay sa anim na anak nina Santiago Bonifacio, isang
sastre, at Catalina de Castro. Mga kapatid niyang lalaki sina Ciriaco, Procopio, at Troadio at mga kapatid na babae sina
Espiridiona at Maxima. Naulila siláng lubos noong 14 taon si Andres kayâ binúhay niya ang mga kapa- tid sa pagtitinda
ng bastong kawayan at papel na abaniko at pagtatrabaho bilang mensahero at bodegero. Una niyang malaking trabaho
ang klerk- mensahero sa kompanyang Ingles na Fleming and Company. Lumipat siyá pagkuwan sa Alemang Fresell and
Company.

Isa siyáng alagad ng sining. Bukod sa pagguhit ng poster ay mahilig din siyáng mag-artista at naging kasapi ng sama- hang
pandulaan sa Palomar, Tondo. Noong 1887, kasáma ang ibang kaibigan ay itinayô nilá ang El Teatro Porvenir. Isa siyáng
mahusay na makata at manunulat. Isinalin niya sa tula ang sanaysay na El Amor Patrio ni Rizal at siyá ang unang nagsalin
sa tagalog tulang Ultimo Adios ni Rizal.
Ang sanaysay niyang “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog” ay isang napakaikli ngunit matalim na kasaysayan ng Filipinas
at tigib sa nag-aalab na damdaming makabayan. Ang hilig niyang mag-aral ng wika ay natumbasan ng hilig niyang
magbasá.

Una niyang asawa si Monica na namatay sa ketong. Sa isang pakikipamista sa Kalookan ay nakilála niya at niligawan si
Gregoria de Jesus. Ikinasal silá noong 1893 at muling ikinasal sa loob ng Katipunan. Itinatag niya ang mapanghimagsik na
Kataas-taasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK noong 7 Hulyo 1892. Bunga ito ng kabiguan
ng mapayapang kampanya para sa reporma ng La Solidaridad at ng naganap na pag- dakip at pagpapatapon kay Rizal sa
Dapitan. Ang lihim na kapisanan ay lumago na sa Kamaynilaan at ibang mga lalawigan bago natuklasan at sumiklab ang
Himagsikang Filipino noong Agosto 1896.

Dahil sa hidwaan ng dalawang pangkat ng Katipunero, ang Magdiwang at ang Magdalo, sa Cavite ay inanyaya- han siyá
doon upang mamagitan. Nauwi ang lahat sa pag-tatayô ng isang bagong pamahalaan ng manghihimagsik noong 22
Marso 1897. Nahalal ditong pangulo si Heneral Emilio Aguinaldo at ministrong panloob si Andres. Hindi minabuti ni
Andres ang pagmaliit sa kaniyang kakayahan ng isang Magdalo kayâ pinawalang-bisa niya ang halalan sa isang
dokumento noong 24 Marso. Kasáma ang dala- wang kapatid, asawa, at ilang tauhan ay sinikap niyang bumalik ng
Maynila. Sinundan ng mga Magdalo ang pan- gkat niya at dinakip. Sa labanan ay namatay si Ciriaco at nasugatan si
Andres. Dinala silá sa Maragondon, Cavite at nilitis. Nahatulan siyáng nagkasala ng sedisyon at pinarusahan ng
kamatayan. Noong 10 Mayo 1897, dinalá siyá at kapatid na Procopio sa Bundok Buntis at pinatay. (VSA)

(Cite this article as: Bonifacio, Andres. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved

from https://philippineculturaleducation.com.ph/bonifacio-andres/)

Emilio Jacinto
(15 Disyembre 1875–16 Abril 1899)
Tinagurian si Emilio Jacinto (E·míl·yo Ha·sín·to) na “Utak ng Katipunan” dahil sa mga sinulat niya para
sa Katipunan, kabílang na ang “Mga Aral ng Katipunan ng mga A.N.B.” at higit na kilalang Kartilya ng Katipunan. May
ganito ring akda si Andres Bonifacio, ang “Katungkulang Gagawin ng mga Z.LL.B., ” ngunit ipinasiya ng Supremo na ang
hinahangaan niyang sinulat ni Jacinto ang opisyal na ikabit sa dokumento ng panunumpa ng sinumang sasapi sa lihimna
kilusan. Gayunman, higit na popular at hinahangaan ang estilo ng pagsulat at matalinghagang nilalaman ng Liwanag at
Dilim, isang koleksiyon ng mga sanaysay na tumatalakay sa mga diwaing demokratiko’t kontra-kolonyalista at nag
tatanghal sa pilosopiko’t moral na sandigan ng isang rebolusyonaryong kapisanan.
Si Jacinto ang editor ng Kalayaan, ang diyaryo ng Katipunan, at sa pamamagitan lámang ng unang labas ay umakit ng
libo-libong kasapi. Ginamit niyang alyas sa kilusanang “Pingkian.” Sa Kalayaan, ginamit din niyang sagisag-panulat ang
“Dimasilaw.” Sa mga sagisag lámang ay mahihiwatigan ang pambihirang hilig ni Jacinto sa liwanag, kung bagá, sa
pagdudulot ng totoong liwanag sa kapuwa, at sa pagsalungat sa huwad at mag-darayang “liwanag.”
Napakataas ng paggálang ni Bonifacio at ng ibang punda- dor ng Katipunan kay Jacinto, kayâ kahit napakabatà, 20 anyos
lámang siya nang sumapi, ay nahalal siyang kalihim ng kataas-taasang sanggunian. Hinirang din siyang tagapayo ni
Bonifacio at itinuring na bunsong kapatid.

Isinilang siya noong 15 Disyembre 1875 sa Tondo, Maynila at anak nina Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Namatay ang
kaniyang ama noong sanggol pa siya kayâ ipinampon siya ng ina sa nakaririwasang kapatid na si Don Jose Dizon. Nag-aral
siya sa Colegio de San Juan de Letran at lumipat sa Unibersidad de Santo Tomas upang kumuha ng abogasya. Hindi niya
natapos ang kurso dahil sa tawag ng pag-ibig sa bayan. Nang pataksil na patayin si Bonifacio sa Cavite, ipinag-patuloy ni
Jacinto ang pakikibáka laban sa mga Español ngunit hindi siya sumama sa hukbo ni Heneral Emilio Aguinaldo. Nasugatan
siya sa isang labanan sa Laguna at nabihag. Ginamit niya ang talino upang makaligtas. Nag-kataóng hawak niya ang
sedula ng isang espiya ng mga Español at nagpanggap na siya ang espiya. Nang makalaya, bumalik siya sa Maynila at
doon nagpagalíng. Ngunit hindi niya matanggihan ang anyaya ng mga Katipunero sa Laguna, kayâ muli siyang lumabas sa
larangan. Dinapuan siya ng malarya at namatay sa Majayjay, Laguna noong 16 Abril 1899 sa gulang na 24—isang
huwaran ng mandirigmang intelektuwal para sa pambansang kalayaan.(VSA)

(Cite this article as: Jacinto, Emilio. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from
https://philippineculturaleducation.com.ph/jacinto-emilio/)

Kartilya ng Katipunan
“Kartílya ng Katipúnan” ang popular na tawag sa akda ni Emilio Jacinto na naglatag ng mga batas at prinsipyo ng
Katipunan at nagsilbing gabay para sa mga kasapi nitó. May katulad ding akda si Andres Bonifacio na pinamagatan
namang “Katungkulang Gagawin ng mga Z.Ll.B.” ngunit ipinasiya niyang ang isinulat ni Jacinto ang ikabit sa
sinusumpaang kasulatan ng magiging kasapi ng Katipunan. Ang orihinal na pamagat ng “Kartilya ng Katpunan” ay “Mga
Aral ng Katipunan Ng Mga Anak ng Bayan” at hinahangaan noon ar ngayon dahil sa matalinghaga ngunit eksaktong
pormulasyon ng mga tuntunin sa buhay na dapat sundin ng isang Katipunero. Ang unang pangungusap nitó: “Ang
kabuhayang hindi ginugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim kundi man damong
makamandag” ay tila isang kredo hinggil sa paglilingkod sa bayan at sa kapuwa tao.
Mapapansin sa “Kartilya ng Katipunan” ang tuntuning moral at etiko na nais pairalin sa Katipunan bilang tunay na
kapatirang Filipino. Idinidiin nitó ang pag-ibig sa kapuwa at pagtutulungan, ang paniniwala sa katwiran, at ang pag-iingat
sa dangal at puri bilang tao. Gayunman, taglay din nitó ang pangunahing mga simulaing demokratiko, gaya ng
pagkakapantay ng tao anuman ang kulay ng balát, antas ng kabuhayan, at pinag-aralan. Ipinangangaral din nitó ang
mataas na pagtingin sa kababaihan at ang mabigat na tungkulin ng lalaki na alagaan ang asawa at anak. Sa dulo, iginiit
ang pag-ibig sa kalayaan at ang kahandaan ng kasapi na ihandog ang sarili para sa bayan. Wika nga ni Jacinto, ang
“kamahalan ng tao” ay tinitimbang alinsunod sa “magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri” at lalo
na”y “di napaaapi’t di nakikiapi,” at “marunong magdamdam at marunong lumingap sa bayang tinubuan.” (KLL)

(Cite this article as: Kartilya ng Katipunan. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for
Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/kartilya-ng-katipunan/)

Deodato Arellano
(26 Hulyo 1844–7 Oktubre 1899)
Filipino patriot; one of the founders and the first president of the
Katipunan

Si Deodato Arellano (De·yo·dá·to A·rel·yá·no) ay isang patriyotang Filipino, isa sa mga tagapagtatag ng Katipunan, at
naging pangulo nitó.Ipinanganak siyá sa Bulacan kina Juan at Mamerta de la Cruz. Pinalitan ng pamilya ang kanilang
apelyido bílang Arellano nang ideklara ng pamahalaang Español noong 1849 na palitan ng mga katutubo ang kanilang
apelyido alinsunod sa mga nakalagay sa direktoryo ng Madrid. Nag-aral siyá ng bookkeeping sa Ateneo Municipal de
Manila at kalaunan ay nagtrabahong katulong na klerk sa Maynila. Ikinasal siyá kay Hilaria del Pilar, kapatid ni Marcelo
H. del Pilar.
Kasáma ng mga del Pilar, siyá ay naging aktibong Mason. Naging tagakalap siyá ng salapi para sa mga Filipino sa España
nang kinailangan ni Marcelo H.del Pilar na tumakas patungong España dahil sa pinaghihinalaang mga subersibong
artikulo na lumabas sa Diariong Tagalog.
Noong 1892, sumáma siyá sa La Liga Filipina, na itinatag ni Jose Rizal at naging kalihim siyá ng samahan. Noong 7 Hulyo
1892, nang ideklara ang pagpapatápon kay Rizal sa Dapitan, itinatag niya kasáma sina Andres Bonifacio, Ladislao Diwa,
Teodoro Plata, Valentin Diaz, at Jose Dizon ang Katipunan. Inihalal siyáng unang pangulo ng Katipunan. Nang sumiklab
ang Himagsikan noong Agosto 1896, nagpunta si Arellano sa Bulacan upang sumáma sa brigada ni Gregorio del Pilar.
Nakipaglaban din siyá sa Bulacan noong Digmaang Filipino-Americano. Nagkaroon siyá ng tuberkulosis hábang
nakikipagdigma sa Cordillera. Inilibing siyá sa La Trinidad, Benguet. (KLL)

(Cite this article as: Arellano, Deodato. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National
Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/arellano-

deodato/)
Gawain 1 Punan ang patlang ng tamang sagot.

1. _______________ ang mas maikli at mas nakilalang pangalan ng samahang Kataas-taasan Kagalang-galangang
Katipunan ng mga Anak ng Bayan.
2. Nabuo ang KKK noong _____________, mismong araw na ipinatapon si Dr. Jose Rizal sa Dapitan.
3. Ang mga kasapi ng Katipunan ay tinatanggap sa pamamagitan ng paraang _______________.
4. Malaking tulong ang nagawa ng mga _______. Sila ang nagtago ng mga mahahalagang lihim na dokumento ng
Katipunan.
5. Upang makaiwas sa pagtugis ng mga Espanyol, nagtungo ang mga Katipunero sa bahay ni ________.

Gawain 2 Tukuyin ang tinutukoy sa bawat pangungusap.

1. Siya ang unang pangulo ng KKK o Katipunan.


2. Nakilala siya bilang “Ama ng Katipunan” at “ Ang Supremo.”
3. Kinilala bilang Utak ng Katipunan
4. Kasalukuyang pangalan ng Azcarraga
5. Ayon sa paraang ito, ang isa nang kasapi ay kukuha ng dalawang bagong kasapi na hindi magkakilala.
6. Kasapi ng Katipunan na kung saan itim ang kanilang talukbong na may trianggulong binubuo ng putting laso
tuwing may pagpupulong.
7. May senyas na Gom-Bur-Za
8. May pulang talukbong at sintas sa baywang na may guhit na luntian o berde ang suot nila sa mga pagpupulong.
9. Siya ang Lakambini ng Katipunan.
10. Siya ang tinaguriang Ina ng Katipunan.

Gawain 3 Sagutan ang mga sumusunod na tanong:


1. Bakit itinatag ang KKK?
2. Paano lumaganap ang Katipunan?
3. Ano-ano ang nagawa ng mga kababaihan para sa pagkamit ng kalayaan sa bansa?

Gawain 4 Performance Task (Pangkatang Gawain)

1. Mala-MMK - Sumulat ng isang liham kung saan ikukuwento kung paano ito naitatag. Pumili ng isang miyembro
na magbabasa nito (ala Charo Santos-Concio) sa harap ng klase.
2. Sine Mo ‘To - Ang ipinairal na sistema ng pagsapi sa Katipunan ay hango sa sistema ng Mason. Isadula kung
paano ito isinagawa.
3. Iguhit Mo– Gumawa ng isang poster at ipakita kung paano mapahahalagahan ang mga ginawa ng mga
makabayang Pilipino sa pagkamit ng kalayaan at hikayatin ang iba pang Pilipino na ipakita ang pagmamahal sa
bansa.

Aralin 9 Sigaw sa Pugadlawin

❖ Pagkakabunyag ng Lihim na Samahan


➢ Napag-alaman ng mga Espanyol ang planong pag-aalsa habang puspusan ang paghahanda ng mga
Katipunero sa ilulunsad na rebolusyon.
➢ Gabi ng ika-19 ng Agosto, 1896 nang isiwalat ni Teodoro Patiño, isang Katipunero, ang lihim sa kanyang
kapatid na si Honoria na nagtatrabaho sa bahay-ampunan. Nag-ugat ito dahil sa hindi nila
pagkakaunawaan ng kapwa Katipunerong si Apolonio dela Cruz.
➢ Sinabi ito ni Honoria sa isang madre, si Sor Teresa, ang tungkol sa samahan. Sinabi ni Sor Teresa ang
natuklasan kay Padre Mariano Gil na siyang nagsumbong sa mga opisyal na Kastila.
➢ Itinuro ni Patiño ang impremta ng mga Katipunero. Natuklasan dito ang ilang polyeto at dokumento ng
Katipunan.
➢ Hinuli at ikinulong sa Fort Santiago ang mga pinaghihinalaang Pilipino na kasapi sa Katipunan.

❖ Sigaw sa Pugadlawin
➢ Ang pagkakatuklas ng Katipunan ay nagbunsod kay Andres Bonifacio na tumawag ng pulong sa
Balintawak, Caloocan kasama sina Jacinto, Procopio Bonifacio, at iba pang Katipunero.
➢ Napagkasunduan nilang simulan ang pakikipaglaban sa mga Espanyol.
➢ Ang panyayaring ito ay naganap noong Agosto 23, 1896 kung saan inilabas ni Bonifacio ang kanyang
sedula at sinabi ang: “ Ilabas ang inyong sedula at pagpunit-punitin upang ipakilalang nakatalaga tayong
maghimagsik.”
➢ Sumunod ang lahat at pinagpunit-punit nila ang kanilang sedula.
➢ Pagkatapos ay sabay-sabay silang humiyaw ng : “ Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Katipunan!” ➢
Ang pangyayaring ito ang naging hudyat ng rebolusyong Pilipino laban sa mga Espanyol.
❖ Ang Paglaganap ng Himagsikang 1896/ Rebolusyong 1896

➢ Noong Agosto 28, nagpalabas ng manipesto si Bonifacio na gumaganyak sa sambayanan na lumahok sa


himagsikan.
➢ Agosto 23, 1896 – naganap ang Labanan sa San Juan del Monte. Naganap ang unang labanan ng Himagsikang
Pilipino nang salakayin ng may 800 Katipunero sa pamumuno ni Andres Bonifacio ang arsenal ng mga Espanyol
sa San Juan del Monte.
➢ Ang unang malaking labanan ay naganap noong Agosto 30 sa San Juan del Monte. Samantala, nagsipag-alsa din
ang mga Katipunero sa mga karatig lalawigan.
➢ Sa gayon, noon ding Agosto 30 ay nagdeklara ng batas militar si Gobernador-Heneral Ramon Blanco sa unang
walong probinsiyang naghimagsik—ang Cavite, Maynila, Laguna, Batangas, Bulacan, Pampanga, Tarlac, at
Nueva Ecija. ( Ang walong lalawigang ito ang kumakatawan saw along sinag ng araw ng kasalukuyang badila ng
Pilipino.) Nagpatuloy ang maramihang pagdakip sa mga Filipino. Malimit na pinaparusahan ng kamatayan ang
mga bilanggo nang walang paglilitis.
➢ Noong 4 Setyembre, apat na Katipunero ang binaril sa Bagumbayan. Walong araw matapos iyon (Setyembre 12,
1896), binitay sa Cavite ang 13 bilanggong tinatawag ngayong “Trece Martires.”
➢ Noong Enero 1897, 12 patriyotang Bikolano ang binitay at 19 pa ang binitay sa Kalibo.
➢ Binitay din si Rizal noong 30 Disyembre 1896 sa hinalang tagapagsulong ng rebolusyon. Ngunit sa halip matakot
ay sumapi ang marami sa himagsikan.
➢ Napakaraming bilang ng mga Pilipino ang pinatay ng mga Espanyol. Marami rin ang namatay sa mga nabilanggo
sa Fort Santiago nang pasukin ito ng tubig dahil nasa ilalim ito ng lupa. Ang ian ay namatay dahil hindi na
makahinga sa dami ng mga bilanggong inilagak dito.
Cite this article as: Himagsikang 1896. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the
Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/himagsikang-1896/

Gawain 1 Tama o Mali

1. Ang Sigaw sa Pugadlawin ay naganap noong Agosto 23, 1896.


2. Natuklasan ang Katipunan dahil sa pagsiwalat ni Apolonio dela Cruz.
3. Ang pagkatuklas sa Katipunan ay nagbunsod kay Bonifacio na tumawag ng pulong sa Balintawak, Caloocan.
4. Inilagay ng mga Espanyol sa ilalim ng Batas Militar o Martial Law ang mga lalawigan ng Bulacan, Pampanga,
Nueva Ecija, Laguna, Maynila, Albay, Cavite at Sorsogon.
5. Napakaraming bilang ng mga Pilipino ang pinatay ng mga Espanyol.

Gawain 2 Gawin Mo

Sundin ang panuto.

1. Kumuha ng isang buong papel


2. Sa inyong papel, gumuhit ng isang malaking araw na mayroong walong sinag.
3. Sa loob ng araw, isulat ang “ ANG WALONG LALAWIGANG NANGUNANG MAGHIMAGSIK LABAN SA MGA
ESPANYOL”.
4. Pagkatapos, isulat ang mga lalawigan sa bawat sinag ng araw.
5. Sa ibaba ng araw , ipaliwanag kung makatarungan bang daanin ng mga Katipunero sa rebolusyon ang
kanilang paghangad ng kalayaan.

Gawain 3 Pagsasadula

Hatiin sa tatlong (3) pangkat ang klase. Bawat pangkat ay bibigyan ng isang pangyayari na kanilang
isasadula.

Unang Pangkat – Pagsiwalat ni Teodoro Patiño ng Lihim na Samahan

Ikalawang Pangkat – Sigaw sa Pugadlawin

Ikatlong Pangkat - Labanan sa San Juan Del Monte

Aralin 10 Kumbensiyon sa Tejeros

➢ Ang Katipunan ay nagkaroon ng dalawang magkaribal na konseho sa Cavite : ang Magdiwang na


pinamunuan ng tiyo sa asawa ni Bonifacio na si Mariano Alvarez at ang Magdalo na pinamunuan ni
Baldomero Aguinaldo, pinsan ni Emilio Aguinaldo.
➢ Noong Oktubre 31, 1896, dalawang manipesto ang inilabas ni Emilio Aguinaldo na nagpapatunay na
nagbalak ang Magdalo na magtatag ng bagong pamunuan at ng gobyerno na papalit sa Katipunan.
Nagpahayag ito ng layunin ng rebolusyon na maging malaya ang Pilipinas at naghihikayat sa lahat ng
mga Pilipino na makipaglaban tungo sa kalayaan.
➢ Ayon sa unang manipesto, ang Magdalo ay nagtatag nan g gobyernong probisyonal sa mga bayan na
kanilang nasakop. Ang ikalawang manipesto ay bumuo sa kumiteng sentral ng rebolusyon at nagtalaga
ng mga hukbo.
➢ Sa pamamagitan ng dalawang manipestong ito, naunahan ni Aguinaldo si Bonifacio na pamunuan ang
rebolusyon.
➢ Disyembre 31, 1896 – nagkaroon ng pagpupulong sa Imus, Cavite upang tapusin na ang alitan sa
pamunuan. Ngunit walang nakapagbigay ng solusyon bagkus ay pinag-usapan kung nararapat pa bang
pamunuan ng Katipunan ang rebolusyon o palitan na ito ng bagong rebolusyonaryong gobyerno. Nahati
ang asembliya at lalong lumalim ang alitan nina Bonifacio at Aguinaldo.
➢ Marso 22, 1897 – muling nagpulong ang Magdalo at Magdiwang sa Tejeros, Cavite.Napagkaisahan nila
na bumuo ng pamahalaang rebolusyonaryo na hahalili sa Katipunan.
➢ Sa oras ng pagtitipon (Kumbensiyon sa Tejeros) ay wala si Aguinaldo dahil kasalukuyan siyang
nakikipagaban sa mga Espanyol. Si Bonifacio ang namuno ng kumbensiyon.
➢ Ang mga napiling pinuno ay sina:
Pangulo – Emilio Aguinaldo
Pangalawang Pangulo – Mariano Trias
Kapitan Heneral – Artemio Ricarte
Direktor na Pandigma – Emiliano Riego de Dios
Direktor na Panloob – Andres Bonifacio
➢ Tumutol si Daniel Tirona sa pagkakahalal kay Bonifacio bilang Direktor na Panloob dahil hindi siya
abogado at mas mataas daw ang pinag-aralan at may kaya si Jose del Rosario kaysa sa nahalal sa
tungkuling hahawakan.
➢ Ikinagalit ito ni Bonifacio at bilang Supremo ng Katipunan, pinawalan niya ng saysay ang mga nangyari sa
kumbensiyon. Nilisan niya ang kumbensiyon kasama ng kanyang mga tagasunod.
➢ Bunga nito, ipinadakip siya kasama ang kapatid na si Procopio ni Emilio Aguinaldo at nilitis sa kasong
pagtataksil sa bayan at sedisyon.
➢ Mayo 10, 1897 – nahatulan ang magkapatid ng kamatayan , binaril sila sa may Bundok Buntis na malapit
sa Maragondon , Cavite. Hanggang ngayon, hindi pa rin natatagpuan ang mga bangkay o ang
pinaglibingan sa magkapatid na Bonifacio.

Gawain 1 Paggawa ng Timeline

Ibigay ang mga mahahalagang pangyayari sa sumusunod na petsa at gawan ito ng timeline.

1. Agosto 19, 1896


2. Agosto 23, 1896
3. Oktubre 31, 1896
4. Disyembre 31, 1896
5. Marso 22, 1897
6. Mayo 10, 1897

Gawain 2 Ilarawan Mo

Magbigay ng dalawang salita na maglalarawan sa mga sumusunod na tao batay sa mga pangyayari
matapos ang kaganapan sa Tejeros.

1. Daniel Tirona
2. Andres Bonifacio
3. Emilio Aguinaldo

Gawain 3 Anong Say Mo?


Ano ang masasabi mo o reaksiyon mo sa sumusunod na pangyayari?

1. Pagkakaroon ng dalawang pangkat ng Katipunero


2. Pagtutol ni Daniel Tirona sa pagkahalal kay Bonifacio bilang Direktor na Panloob
3. Pagpapawalang saysay ni Bonifacio sa mga nangyari sa kumbensiyon sa Tejeros 4. Pagpahuli at pagpatay sa
magkapatid na Bonifacio

Aralin 11 Kasunduan sa Biak-na-Bato

Pedro A. Paterno – isang Pilipinong nag-aaral sa Espanya na namagitan sa dalawang panig upang isulong ang
pagkakasundo para sa kapayapaan. Siya ay lumapit sa Gobernador-Heneral at nagkusang-loob na mamagitan sa
lumalaking hidwaan.
Sumang-ayon si Gobernador-Heneral Primo de Rivera na isulong ang pagkakasundo para sa kapayapaan
kaya’t nabuo ang Kasunduan sa Biak-na-Bato.
Disyembre 14 at 15, 1897 – nilagdaan nina Heneral Aguinaldo at Gobernador-Heneral Primo de Rivera ang
kasunduang pangkapayapaan.
➢ Nilalaman ng Kasunduan sa Biak-na-Bato
Panig ng mga Pilipino (Emilio Aguinaldo) Panig ng mga Espanyol (Gobernador-heneral)
Mga Hinihinging Pagbabago Mga Hinihingi at Ibibigay

➢ Sekularisasyon ng mga parokya at ➢ Maninirahan sina Aguinaldo at mga


pagtatanggal sa mga organisasyon kasama nito sa ibang bansa
ng mga paring Espanyol ➢ Babayaran ng halagang P800,000.00
➢ Pagtatalaga ng mga Pilipinong sina Aguinaldo kapag umalis, isusuko
kinatawan sa pamahalaan ang 700 sandata, at uutusan ang ibang
➢ Pantay na pagtingin sa mga Pilipino mga manghihimagsik na sumuko rin
at Espanyol sa harap ng batas ➢ Magbabayad ng P900,000.00 sa mga
➢ Kalayaan sa pagsasalita, pamilyang napinsala ng labanan
pagpapahayag at pagpupulong

Ang Pagkabigo ng Kasunduan


➢ Hindi nagtagumpay ang Kasunduan sa Biak-na-Bato na nagtatadhana sana ng pagwawakas ng
himagsikan. Bigo ang kasunduan dahil walang tiwala ang dalawang panig sa isa’t-isa.
1. Bilang pagtugon sa kasunduan, nagtungo sina Aguinaldo at ilang piling kasamahan sa Hong Kong
bilang mga exile noong Disyembre 27, 1897 dala ang tsekeng nagkakahalaga ng P400, 000.00 bilang
kabayaran sa pag-alis nila. Ito ay idineposito ng gobyernong Espanyol sa bangko sa Hong Kong sa
pangalan ni Aguinaldo. Balak ni Aguinaldo na gamitin ang salapi sa pagbili ng mga sandata at ibang
kagamitan para sa pakikidigma upang magamit sa pagpapatuloy ng himagsikan.
2. Ang pamahalaang Espanyol ay hindi tumupad sa pangakong magbabayad ng halagang P 1,
700 ,000.00 Ang ibinigay lamang ay P600,000.00 (P400,000.00 ang ibinigay kay Aguinaldo at
P200,000.00 sa mga pinunong rebolusyonaryo sa Pilipinas).
3. Hindi binayaran ng mga Espanyol ang mga Pilipinong napinsala ng digmaan.
4. Ang mga mamamayang nagsuko ng mga sandata at ibang pinaghihinalaang rebolusyonaryo ay
pinaghuhuli.
Hindi nagkaroon ng katahimikan sa Pilipinas matapos malagdaan ang kasunduan. Bagkus lalo pang
naging marahas ang mga labanan.

Gawain 1 Sa Palagay Mo

1. Bakit nabigo ang Kasunduan sa Biak-na Bato?Ano ang iyong naramdaman sa pangyayaring
ito?
2. Sa iyong palagay mas naging matagumpay kaya kung si Andres Bonifacio ang namuno sa
rebolusyonaryong pamahalaan? Bakit? Bakit hindi?
3. Sa palagay mo kaya ay magagawa ni Andres Bonifacio ang makipagkasundo sa Kastila?

Gawain 2 Pumili ng makabagong lider sa ating lipunan at ikumpara ito kay Emilio Aguinaldo. Isulat
ito sa iyong kwaderno.

Makabagong Lider:_____________ Emilio Aguinaldo

Mga Ginawa: Mga Ginawa:

1.________________ 1._________________

2.________________ 2. _________________

3.________________ 3.__________________

Mga Dapat Pang Gawin: Mga Dapat Pang Ginawa:

1.________________ 1.__________________

2.________________ 2.__________________

3.________________ 3.__________________

Aralin 12 Mga Ambag ni Andres Bonifacio, ang Katipunan at Himagsikan ng 1896 sa


Pagbuo ng Pilipinas Bilang Isang Bansa

Learning by Viewing

Panoorin ang video sa link na ito:


1. Andres Bonifacio http://www.youtube.com/watch?v=NIgF4twsSXM

2. Ang Katipunan https://www.youtube.com/watch?v=cyM2TIHuLkE

3. Himagsikan https://www.youtube.com/watch?v=oCy6WcB2veI

Gawain 1: Pag-Usapan Natin

Bumuo ng tatlong pangkat.


Unang Pangkat – Magsulat ng mga mahalagang ambag ni Andres Bonifacio sa pagbuo ng Pilipinas
bilang isang bansa. Iulat ito sa klase.
Ikalawang Pangkat – Sumulat ng isang tula na nagpapahayag ng mahalagang ambag ng Katipunan sa
pagbuo ng Pilipinas bilang isang bansa. Basahin ito sa klase.

Ikatlong Pangkat – Gumawa ng isang kanta o jingle sa naging kontribusyon ng Himagsikan ng 1896 sa
pagbuo ng Pilipinas bilang isang bansa.

Gawain 2 : Anong SAY MO?

Malaki ang naging ambag ni Andres Bonifacio sa pagbuo ng Pilipinas bilang isang bansa. Para sa iyo,
karapat dapat ba siyang maging pambansang bayani ng Pilipinas? Bakit?Bakit hindi?

Aralin 13 Implikasyon ng Kawalan ng Pagkakaisa sa Himagsikan/Kilusan at Pagbubuo ng


Pilipinas Bilang Isang Bansa

Gawain 1 : Pag-usapan Natin!

Hatiin sa apat na pangkat ang klase. Pag-uusapan ng bawat pangkat ang mga pangyayaring
naganap sa paghihimasik ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol. Itala ang mga pangyayaring
nagpakita ng kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipino sa pakikipaghimagsik. Iulat ito sa harap
ng klase.

Gawain 2 : Think, Pair, & Share


Think – Ano ang implikasyon ng kawalan ng pagkakaisa sa panahon ng himagsikan? Bigyan ang bawat
mag-aaral ng 5 minuto para mag-isip.

Pair – Ipares ang mga mag-aaral.

Share – Hayaan ang bawat pares na ibahagi ang kanilang ideya sa bawat isa. Pagkatapos ng 5 minuto,
ibabahagi ng bawat pares ang kanilang kasagutan.

Gawain 3: Reaksiyon Mo, Isulat Mo!


Ano ang reaksiyon mo sa kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipino sa himagsikan/kilusan at
pagbuo ng Pilipinas bilang isang bansa? Kung ikaw ay nabubuhay noon, ano ang maaari mong
gawain upang pag-isahin ang mga Pilipino?

Aralin 13 Partisipasyon ng mga Kababaihan sa Rebolusyong Pilipino


❖ Ang Mga Babae sa Katipunan
➢ Sa simula, lalaki lamang ang mga kasapi sa Katipunan. Dahil sa paghihinala ng kanilang mga
asawa sa kanilang pag-alis-alis kung gabi at nababawasan ang kanilang sahod, napilitan silang
itatag ang isang samahan para lamang sa mga asawa, kapatid, at anak ng mga Katipunero. ➢
Kabilang dito si Gregoria de Jesus, ang kabiyak ni Bonifacio na tinaguriang Lakambini ng
Katipunan.
➢ Malaking tulong ang nagawa ng mga Katipunera. Sila ang nagtago ng mga mahahalagang lihim
na dokumento ng Katipunan.
➢ Kung may pagpupulong ang mga Katipunero, ang mga kababaihan ay nagsasayawan,
nagkakantahan at nagsasaya upang hindi mahalata ng mga guardia sibil at isipin lamang ng mga
ito na sila ay nagdiriwang.
➢ Upang makaiwas sa pagtugis ng mga Espanyol, nagtungo ang mga Katipunero sa bahay ni
Melchora Aquino. Kinalinga sila ng matanda (84 taong gulang), Sila ay kanyang pinakain at
pinamalagi sa kanyang bahay. Ang mga sugatan ay kanyang ginamot.

Gregoria de Jesus
(9 Mayo 1875-15 Marso
1943)

Tinaguriang “Lakambini ng Katipunan,” si Gregoria de Jesus (Gre·gór·ya de He·sús) ang ikalawang asawa ni Andres Boni-
facio at naging kasalo sa mapanganib na pagpa-palaganap ng Katipunan at mga hirap sa panahon ng Himagsikang 1896.
Hinangaan siyáng uliran sa katapatan at tatag ng paninindigan.
Isinilang siyá noong 9 Mayo 1875 sa Kalookan, at isa sa apat na anak nina Nicolas de Jesus, isang maestro karpintero at
dating gobernadorsilyo ng Kaloo- kan, at Baltazara Alvarez Francisco, isang tubong-Noveleta, Cavite at pamangkin ni
Heneral Mariano Alvarez. Naghinto agad siyá ng pag-aaral at tumulong sa pangan- gasiwa ng kanilang palayan. Si Oriang,
palayaw niya, ay lumaking maganda’t maraming manliligaw. Isa sa kanila at pinakamasugid si Andres Bonifacio. Nakasal
silá noong Marso 1893 sa Binondo at ninong si Restituto Javier. Labingwalong taón siyá at 29 si Andres. Ikinasal muli silá
alinsunod sa ritwal ng Katipunan makaraan ang isang linggo at nagpatawag sa pangalang “Lakambini.” Ang unang
watawat ng Katipunan ay tinahi niya at ng ninang ni-yang si Benita Rodriguez Javier. Makaraan ang isang taón,
nagkaanak siyá ng lalaki ngunit namatay sa bulutong.

Malaki ang papel ni Oriang sa pag-iingat ng mga lihim na papeles at dokumento ng Katipunan. Mabilis niya itong nalikom
at naitakas nang minsang magsiyasat ang mga pulis Veterana sa kanilang pook. Nag-aral siyáng bumaril at mangabayo
upang maging isang mahusay na mandirigma. Nang sumiklab ang Himagsikang 1896, kasáma siyá ng asawa sa
Balintawak at kabundukan. Nagkahiwalay silá sa Balara at muli lámang nagkita sa Naic, Cavite. Pagkatapos paslangin ang
Supremo, nasadlak siyá kung saan-saan hanggang nanirahan sa Pasig. Dito niya nakatagpo si Julio Nakpil, dáting kalihim
ng Supremo at pinunò ng mga manghihimagsik sa Montalban at San Mateo, Rizal. Iki- nasal silá sa Quiapo noong 10
Disyembre 1898. Nagka-roon silá ng walong anak ngunit anim lámang ang lumaki. Panahon ng
pananakop ng mga
Japanese nang mamatay si Oriang noong 15 Marso 1943 sa atake sa puso sa bahay ni Ariston Bautista sa Quiapo. (VSA)

(Cite this article as: De Jesus, Gregoria. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission
for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/de-jesus-gregoria/)
Melchora Aquino
(6 Enero 1812–2 Marso 1919)
Known as the “Mother of the Philippine Revolution”

Binansagang “Tandang Sora” si Melchora Aquino (Mel·tsó·ra A·kí·no) bílang pagkilála sa kaniyang paglilingkod at
pagkakanlong sa mga kababayan noong Himagsikang 1896 kahit na siyá ay nása katandaang gulang na. Itinuturing siyáng
“Ina ng Rebolusyong Filipino,” “Ina ng Katipunan,” at “Ina ng Balintawak.”
Isinilang siyá sa Balintawak noong 6 Enero 1812 sa bayan ng Kalookan (at ngayon ay matatagpuan sa Lungsod Quezon)
kina Juan at Valentina Aquino, pawang mga maralita. Sa kaniyang pagtigulang, ikinasal siyá kay Fulgencio Ramos, isang
cabeza del barrio. Nagsilang siyá ng anim na anak. Pumanaw si Ramos noong pitóng taón pa lámang ang kanilang bunso.
Kahit nag-iisang magulang, naging abalá si Aquino sa mga pista, binyag, at kasal bílang hermana mayor.

Nang sumiklab ang rebolusyon laban sa mga Español noong 1896 ay 84 taóng gulang na si Aquino. Ngunit hindi naging
sagabal ang kaniyang edad upang makapaglingkod sa mga Katipunero. Naging kanlungan ng mga hapo at sugatang
mandirigmang Filipino ang kaniyang tahanan at munting tindahan, na ginagamit ding lihim na pulungan ng mga ito.
Nangangalap din siyá ng mga damit at gamot para sa kanila. Nasaksihan niyá at ng kaniyang anak na si Juan Ramos ang
pagpunit ng mga sedula sa Unang Sigaw.

Dahil sa pagkakasangkot sa Himagsikan, hinúli siyá at ipinatápon ng mga Español sa Guam sa Islas Marianas. Nang
masakop ng mga Americano ang Filipinas noong 1898, kasáma si Aquino sa mga pinalaya at pinabalik sa bansa. Namatay
siyá noong 1919 dahil sa katandaan at inilibing sa sarili niyáng bakuran, na ngayon ay bahagi na ng Himlayang Pilipino
Memorial Park. Ipinangalan sa kaniya ang isang distrito, isang barangay, at isang pangunahing daan ng Lungsod Quezon.
Siyá ang kauna-unahang Filipina na mailagay sa salaping papel ng Bangko Sentral ng Pilipinas (100 pisong papel mula
1951 hanggang 1966); lumabas din siyá sa 5 sentimong barya mula 1967 hanggang 1992.

Ipinahayag ang taóng 2012 na “Taon ni Tandang Sora” bílang paggunita sa ikalawang sentenaryo ng kaniyang
kapanganakan. Inilipat ang mga labí ni Aquino mula sa Himlayang Pilipino patungo sa Pambansang Dambana ni Tandang
Sora sa Banlat Road, Barangay Tandang Sora, Lungsod Quezon. (PKJ)

(Cite this article as: Aquino, Melchora. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture
and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/melchora-aquino/)

Marína Dízon
(18 Hulyo 1875–25 Oktubre 1950)
Isa sa mga unang kasaping babae ng Katipunan si Marína Dízon. Mula siyá sa pamilyang lumahok halos lahat
sa Himagsikang 1896. Ang kaniyang ama, si Jose Dizon, ay isa sa Labintatlong Martir ng Cavite. Ang ama
niya ay aktibong kasáma ni Andres Bonifacio. Namatay ang kaniyang ina noong walong taóng gulang lámang
siyá kayâ lumaki siya sa kaniyang tiyang si Josefa Dizon, na ina ni Emilio Jacinto. Napangasawa niya si Jose
Turiano Santiago, isa ring Katipunero at dinakip din sa Maynila noong Agosto 1896.
Nag-aaral si Marina sa pribadong paaralan ni Maestro Timoteo Reyes nang makaeskuwela niya doon ang
napangasawang si Jose Turiano Santiago. Mahilig siyá sa musika at pagpipinta. Gitarista at biyonilista siya ng
Banda Trozo Comparza. Noong 1893, dinala siyá ni Emilio Jacinto sa bahay ni Don Restituto Javier at
nanumpang kasapi ng Katipunan. Naging tagpag-ingat siyá ng mga dokumento ng Katipunan, at sinunog niya
ang mga ito nang maganap ang mga pagdakip noong Agosto 1896. Ipinagbili niya ang ilang hiyas at
ariarian para pansuhol sa mga guwardiya sa piitan ng asawa, na pinawalan noong 11 Setyembre 1897.
Lumipat silá ng tirahan sa Meycauayan, Bulacan, at sakâ sa Tarlac. Nang tumahimik, bumalik si Jose sa
Maynila at nagtrabaho. Napagsospetsahan itong rebolusyonaryo sa panahon ng mga Americano kayâ para
makaiwas sa pagdakip ay tumakas patungong Hong Kong. Naiwan si Marina sa Filipinas. Nakabalik din si
Jose at namatay noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Namuhay mag-isa si Marina sa Kalookan kasama
ng isang anak na babae at namatay noong 25 Oktubre 1950. (VSA)

Cite this article as: Dizon, Marina. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for

Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/dizon-marina/

Teresa Magbanua
(4 Nobyembre 1871–Agosto
1947)

Si Teresa Ferraris Magbanua (Te·ré·sa Fe·rá·ris Mag·ban·wá) ang nag-iisang babae sa kasaysayan ng
Kabisayaan na namunò ng mga mandirigma laban sa mga sundalong Español at Americano. Dahil sa
kaniyang pakikisangkot sa digmaan sa Panay noong Himagsikang Filipino, binansagan siyang “Joan of Arc ng
Kabisayaan,” paalinsunod sa bayaning Pranses na namunò sa pakikibaka laban sa mga Ingles sa Orleans,
France noong 1492.
Isinilang si Magbanua noong1871 sa Pototan, Iloilo sa isang malaki at maykayang pamilya. Sina Juan
Magbanua at Alejandra Ferraris ang kaniyang mga magulang, at may apat ang kapatid na babae at apat din
ang kapatid na lalaki. Nag-aral muna siyá sa Colegio de San Jose sa Jaro, Iloilo bago nagtapos bilang guro sa
Colegio de Santa Catalina sa Maynila. Nagturo siyá sa iba’t ibang bayan sa Iloilo hanggang madestino sa
bayan ng Sara at mapangasawa si Alejandro Balderas, isang magsasaka.
Nang mag-alsa noong 1896 ang mga taga-Panay sa pamumunò ni Heneral Martin Delgado, agad sumapi sa
hukbong rebolusyonaryo si Magbanua. May pag-aalinlangan siyáng tinanggap ng kaniyang amaing si Heneral
Perfecto Poblador na pinunò noon ng hilagang sona sa Panay. Malakas kasi ang paniwala noon na hindi
bagay o nararapat ang babae sa digmaan. Ngunit naging masugid si Magbanua at hindi naglaon ay ipinakita
ang kakayahan sa labanan, lalo sa pagiging asintado sa baril at sa husay sa pangangabayo. Pinamunuan niya
ang isang pangkat ng kalalakihan sa Labanang Baryo Yoting, Capiz noong Disyembre 1898 at sumabak din sa
Labanang mga Burol Sapong malapit sa Sara, Iloilo. Namatay ang kaniyang mga kapatid na sina Heneral
Pascual at Elias Magbanua sa Himagsikan.
Sa Digmaang Filipino-Americano, napasáma muli si Magbanua sa maraming labanan at gawaing gerilya. Nang
isuko ang Panay noong 1900, nilansag niya ang kaniyang pangkat at tahimik na namuhay sa bukid kasáma
ang asawa. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagbigay siyá ng tulong pinansiyal sa kilusang gerilya sa
Iloilo. Nanirahan si Magbanua sa Pagadian, Zamboanga del Sur pagkatapos ng digmaan. Dito pumanaw ang
tinatawag ng kaniyang mga kababayan na “Nay Isa” noong Agosto1947. (PKJ)
Cite this article as: Magbanua, Teresa. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for

Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/magbanua-teresa/

Trinidad Tecson
(18 Nobyembre 1848-28 Enero 1928)
Si Trinidad Perez Tecson (Tri·ni·dád Pé·rez Tek·són) ay babaeng bayani ng Himagsikang Filipino at kilala
bilang“Ina ng Biyak-na-Bato.” Isa siyá sa iilang kababaihan na humawak ng armas at nakipaglaban kasáma ng mga
kalalakihan sa rebolusyon. Binansagan din siyáng ina ng Red Cross sa Filipinas para sa kaniyang paglilingkod sa
mga kasámang Katipunero.
Isinilang siyá noong 18 Nobyembre 1848 sa isang mariwasang angkan sa San Miguel de Mayumo, Bulacan. Mga
magulang niyá sina Rafael Tecson at Monica S. Perez. Bukod sa maganda, hinangaan siyá ng kalalakihan sa
tapang at paghawak ng sandata. Nag-aral siyá ng eskrima at sinasabing minsang pasukin ang kaniyang bahay ng
mga guwardiya sibil para mag- inspeksiyon ay nilabanan niyá ang mga ito. Ilan sa mga sundalo ang kaniyang
nasugatan at nahabla siyá. Labinsiyam na taóng gulang siyá nang mapangasawa ni Sinforoso Desiderio. Hindi
nagtagal ang buhay ng kaniyang unang asawa pati ang kanilang dalawang anak.
Pagsiklab ng Himagsikan, sinasabing kasáma siyá sa hukbo ni Heneral Mariano Llanera sa pagpapalaya ng San
Miguel. Nang magtayo ng isang bahay para sa mga maysakit at sugatan sa Biyak-na-Bato ay siyá ang nangasiwa
nitó. Dahil dito kayâ tinawag siyáng Ina ng Biyak-na- Bato. Nang lusubin ng mga Español ang Biyak-na-Bato ay
matagumpay niyá itong ipinagtanggol kasáma ng pangalawang asawang si Julian Alcantara at ilang katulong.
Muntik na siyáng mamatay sa isang madugong labanan sa San Miguel; nasugatan siyá sa kanang hita sa labanan
sa Zaragoza, Nueva Ecija.
Sa ikalawang yugto ng Himagsikan, sumáma siyá sa pangkat ni Heneral Gregorio del Pilar sa pagkuha sa bayan ng
Bulacan at sa pangkat ni Heneral Isidoro Torres sa pagpasok sa Calumpit. Nakarating siyá hanggang Zambales sa
pakikipaglaban sa mga Americano hanggang magkasakit sa págod at ipagamot sa Maynila. Pagkatapos ng
digmaan, namatay ang kaniyang ikalawang asawa at itinuon niyá ang atensiyon sa negosyo sa Nueva Ecija.
Namatay siyá noong 28 Enero 1928 sa Philippine General Hospital. Nakahimlay ang kaniyang mga labí sa
Cementerio del Norte. (PKJ) (ed VSA)

Cite this article as: Tecson, Trinidad. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for

Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/tecson-trinidad/

Marcela M. Agoncillo
(24 Hunyo 1860–30 Mayo 1946)
Seamstress of the Philippine Flag; known as
the “Mother of the Philippine Flag”

Si Marcela Mariño de Agoncillo, o mas kilalá bílang Marcela Agoncillo (Mar·sé·la A·gon·síl·yo) ang pangunahing
tagahabi ng una at opisyal na watawat ng Filipinas. Dahil dito, binansagan siyáng “Ina ng Watawat ng Filipinas.” Sa
gulang na 30, ikinasal siyá kay Felipe Agoncillo, ang abogadong kakatawan sa Filipinas sa Kasunduang Paris
noong 1898. Nang nadestiyero si Felipe sa Hong Kong pagsiklab ng Himagsikang Filipino, sumáma sa kaniya si
Marcela at kanilang mga anak. Hábang naroon, pinakiusapan ni Heneral Emilio Aguinaldo si Marcela na humabi ng
watawat na sasagisag sa bansang Filipinas at ayon sa disenyo ni Aguinaldo. Gamit ang sedang binili niya sa Hong
Kong, hinabi ni Marcela, ng anak na si Lorenzana, at kaibigang si Delfina Herbosa de Natividad (na pamangkin ni
Jose Rizal sa kapatid niyang si Lucia) ang watawat sa loob ng limang araw. Noong Mayo 1898, inihatid ni Agoncillo
ang watawat kay Aguinaldo, na siyá namang nagdalá nitó pabalik ng Maynila. Ito ang bandilang iwinagayway mula
sa kaniyang bahay sa Kawit, Cavite sa pagpapahayag ng kasarinlan ng Filipinas noong 12 Hunyo 1898 sa saliw ng
Pambansang Awit. Hindi nga lamang ito nasaksihan ni Agoncillo, na nanatili sa Hong Kong
kasáma ang kabiyak.
Isinilang siyá noong 24 Hunyo 1860 sa Taal, Batangas kina Francisco Mariño at Eugenia
Coronel. Nag-aral siyá sa Colegio de Sta. Catalina, isang ekslusibong paaralan para sa mga
babae, sa Intramuros, Maynila. Nagkaroon siyá ng anim na anak, pawang mga babae,
kay Felipe Agoncillo. Pumanaw siyá noong 30 Mayo 1946 at inilagak kasáma ang mga labi
ng kaniyang asawa sa Sementeryong La Loma sa Maynila. Sang-ayon sa kaniyang hulíng hiling, ginawang museo
ang kanilang bahay sa Taal, na ngayon ay nakapangalan sa kaniya. (PKJ)

Cite this article as: Agoncillo, Marcela. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for

Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/agoncillo-marcela/

Nazaria Lagos

(28 Agosto 1851–27 Enero 1945)

Tinawag na “Florence Nightingale ng Panay,” ipinanganak ang patriyotang si Nazaria Lagos (Na·zár·ya Lá·gos) sa
Burongan (Jaguimit ngayon), Dueñas, Iloilo noong 28 Agosto 1851 kina Juan de la Cruz Lagos at Saturnina Labrilloso. Sa
ina siyá nag-aral ng katon at kartilya at 12 taónng gu- lang lámang siyá nang ikasal kay Segundo Lagos, anak ni Bartolome
Lagos na nagtatag sa bayan ng Dueñas.

Noong 27 Oktubre 1898, hinirang ni Heneral Martin Delgado na presidente ng bayan ang asawa ni Nazaria. Nang itatag
ang Cruz Roja (Red Cross) sa Iloilo, si Nazaria ang nahirang na presidenta sa Dueñas. Naging pook pulungan ng mga
manghihimagsik ang tahanan ng mga Lagos.

Sa isang miting, nahirang si Nazaria na direktora ng panukalang ospital sa Jaguimit at ng imbakan ng pagkain sa bukirin
ng mga Lagos. Kaagad niyang nilapitan ang ama na tumulong magpatayô ng ospital at nangampanya sa mga donasyong
kasangkapan, gamot, damit, at ibang kailangan. Nangolekta din siyá ng halamang-gamot para magamit kung kulangin sa
medisina. Naging malaking tulong ang ospital sa mga nasugatan sa mga labanan sa linyang Tacas-Tucud-
SambogBalantang noong Pebrero 1899. Pinangunahan mismo ni Nazaria ang kababaihang Cruz Rojas a pangangalaga sa
mga sugatan at maysakit.

Noong 12 Hunyo 1899 at ipagdiwang sa Panay ang anibersaryo ng proklamasyon ng kalayaan, si Nazaria ang tumahi at
nagborda sa watawat na itinaas sa plasa ng Dueñas. Katulong niya sina Gorgonia Somera, Lorenza Calatan, at mga anak
na sina Pomposa at Caridad.

Nang sakupin ng mga Americano ang ospital at tahanan ng mga Lagos, nagkawatak ang kaniyang pamilya sa pagtakas.
Nagkasáma-sáma muli silá nang magbalik ang kapayapaan sa lalawigan. Nagtrabaho sa bukid si Nazaria at halos isang
bulág nang mamatay noong 27 Enero 1945. Pitó ang kaniyang anak at pawang naging matagumpay sa kanilang
propesyon. Inialay sa kaniya ang isang marker ng National Historical Institute na itinayô sa kaniyang bayang sinilangan
noong 1973. (GVS)

Cite this article as: Lagos, Nazaria. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from
https://philippineculturaleducation.com.ph/lagos-nazaria/

Agueda Kahabagan

Si Agueda Iniquinto Kahabagan ay kilala bilang si "Henerala Agueda". Siya ay nagmula sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna.
Kinikilala si Henerala sa kanyang katangi-tanging katapangan.Siya ay nakikitang nakadamit ng puti at may dalang Gulok
at Riple sa magkabilang kamay habang nakikipaglaban. Si Henerala ay kinomisyon ni Heneral Miguel Malvar upang
pamunuan ang isang kawan ng mga sundalo noong Mayo 1897. Siya ay isa sa mga nanguna kasama si Heneral Artemio
Ricarte sa pagsalakay ng Garrison ng mga Espanyol sa San Pablo, Laguna noong Oktubre 1897. Pinaniniwalaan na si
Heneral Pio del Pilar ang nagrekomenda na mabigyang Titulo bilang Honoraryang Henerala si Henerala Agueda. Siya ang
nag-iisang naitalang Henerala sa listahan ng mga Heneral ng Republika ng Pilipinas. Natamo niya ang ranggo noong
Enero 4, 1899.

https://biograpiya.blogspot.com/2012/11/agueda-kahabagan.html?m=1
Josefa Rizal

Patrocinio Gamboa
(30 Abril 1865–24 Nobyembre 1953)

Tinawag na “Bayani ng Jaro,” ipinanganak si Patrocinio Gamboa (Pat·ro·sín·yo Gam·bó·a) sa Jaro, Iloilo noong
30 Abril 1865 kina Fermin Gamboa at Leonila Villareal. Dahil anak na babae ng isang mariwasang pamilya, nag-aral
siyá sa mga priba- dong guro, kinikilálang reli- hiyosa ngunit may malayàng pag-iisip. “Tiya Patron” ang palayaw
sa kaniya. Sinundan niya ang mga sinusulat ng mga Propagandista at binása ang mga nobela ni Rizal.
Nang sumiklab ang Himagsikang 1896 ay 31 taóng gu- lang na siyá. Sumáma si Tiya Patron sa mga lider mang-
hihimagsik sa kaniyang lalawigan. Naging aktibo siyá sa Comite Conspirador na itinatag sa Molo, Iloilo noong Marso
1898 at pinalaki bílang Comite Central Revolu- cionario de Visayas sa pamumunò ni Roque Lopez. Si Tiya Patron at
ilang kababaihan ang tumahi ng watawat ng Filipinas na iwinagayway sa pasinaya ng pamahalaang
rebolusyonaryo sa Visayas noong 17 Nobyembre 1898. Isinunod niya ang mga simbolo ng watawat sa tinahi ni
Marcela Agoncillo.
Bukod sa mapanganib na pagdadalá ng watawat mu- lang Molo hanggang Santa Barbara, tinupad ni Tiya Pa- tron
ang maraming tungkulin bílang espiya at tagahatid mensahe ng rebolusyon. Malaking tulong ang kaniyang
reputasyon bílang anak mayaman. Nangolekta din siyá ng salapi, pagkain, gamot, at armas. Alam ng mga lider
rebolusyonaryo ang mga naturang serbisyo. Kayâ noong 1901, pagkatapos ng digma, may resolusyong bigyan siyá
ng pensiyon ng gobyerno ngunit magalang niyang tinang- gihan. “Naglingkod ako,” wika niya, “dahil mahal ko ang
aking bayan. Hindi ako naghihintay ng kabayaran sa ak- ing paglilingkod.”
Hitik sa mga memorabilyang Filipino ang kaniyang ba- hay. Kapag Araw ni Rizal, Araw ng Kasarinlan, at iba pang
makabayang pista, siyá ang unang nagtatanghal ng wa- tawat sa kaniyang harap ng bahay. Namatay siyáng soltera
noong 24 Nobyembre 1953. (GVS)

Cite this article as: Gamboa, Patrocinio. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National

Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/gamboapatrocinio/


Gliceria Marella de Villavicencio

Si Doñ a Gliceria Legaspi Marella de


Villavicencio (Mayo 13, 1852 - Septiyembre 28, 1929)
ay kilala rin bilang si Aling Eriang, ay kinilala bilang
isa sa mga bantog na Pilipino na nagbigay ng
kanyang sariling kayamanan, oras, kaalaman at pagsisikap upang tulungan ang mga Rebolusyonaryo sa
panahon ng himagsikan. Kinikilala rin siya bilang isang magiting na babae ng rebolusyon, isang masigasig na
nakikiramay at sumusuporta sa pakikibaka ng Pilipino para sa kalayaan mula sa kolonyal ng imperyalismo.
Sa panahon ng pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898, si Gliceria Marella Villavicencio
ay binigyan ng pagpupugay at kinilala bilang "godmother of the revolutionary forces."
Si Aling Eriang ay isinilang noong Mayo 13, 1852 sa Taal, Batangas. Ikatlo siya sa pitong mga anak nina
Vicente Marella at Gertrudis Legaspi, sila ay isang mayamang pamilya. Sa edad na 12 pumasok siya sa Santa
Catalina College sa Intramuros. Nang mamatay ang nakatatandang kapatid, kinailangan niyang pangasiwaan
ang ari-arian ng pamilya.
Noong Oktubre 1871, nagpakasal si Gliceria kay Eulalio Villavicencio, isang mayamang may-ari ng
barko. Kapwa sila Eulalio at Gliceria ay may malaking ambag ng kanilang kayamanan at pagtulong upang
mapalakas ang rebolusyong Pilipino. Ang Casa Villavicencio, isang bahay sa ibabaw ng burol, regalo sa kanya
ni Eulalio noong sila ay ikinasal. Ang bahay ay ginagamit bilang kanlungan at lugar para sa mga lihim na
pagpupulong ng mga pinuno ng rebolusyon. Nang malaman ng mga Espanyol ang tungkol sa mga aktibidad ng
mag-asawa, ang kanilang bahay ay madalas na ginagalugad ng mga guardia civil, kung saan kinalaunan ay
inaresto si Eulalio dahil sa sedisyon at pag-uudyok ng paghihimagsik. Nagsumamo si Gliceria sa Maynila para
palayain ang kanyang asawa. Binigyan ng alok si Gliceria ng mga Kastila, upang mapalaya ang kanyang asawa
sa bilangguan ay kapalit ang pagsisiwalat ng mga lihim. Gayunpaman, tinanggihan niya ang alok sa kabila ng
pagmamahal niya sa kanyang asawa. Si Eulalio ay pinalaya rin noong 1898, ngunit namatay pagkaraan ng 3
buwan dahil sa malubhang karamdaman noong Pebrero 1898. Ang pagkamatay ng kanyang asawa ang
nagpaalab ng kanyang kagustuhan na tumulong sa rebolusyon laban sa mga Espanyol.
Ginamit ni Aling Eriang ang marami sa kanyang kayamanan upang palawakin ang materyales na kailangan sa
himagsikan. Sa lahat ng kanyang naibigay, ang pinaka-tanyag ay ang kanyang barko, ang SS Bulusan, na
ginamit upang maghatid ng mga sundalong Pilipino, mga sandata, bala, at panustos na pagkain para sa
pagpapanatili ng sandatahang rebolusyon. Ito ang unang barkong pandigma na naibigay sa mga
rebolusyonaryo.
Siya ang nagtatag ng Batallon Maluya, nagbigay ng pinansiyal at moral na suporta sa mga
rebolusyonaryo at patuloy na nag-pamahagi ng pagkain, damit at bala sa mga sundalo. Ang kanyang bahay ang
naging lugar ng mga lihim na pagpupulong ng mga rebolusyonaryong pinuno kabilang sina Supremo Andres
Bonifacio, Heneral Miguel Malvar at Heneral Marasigan.
Si Gliceria Marella Villavicencio ay namatay noong Septiyembre 28, 1929. Mayroon siyang anim na anak.

Gregoria Montoya y Patricio

Si Gregoria Montoya ay ipinanganak noong ika-28 ng Nobyembre, 1863 sa Kawit, Cavite sa isang mag-
asawang magsasakang sina Atanacio Montoya at Jacoba Patricio. Dahil sa kaniyang kinasanayan,
naging masipag at malakas na babae si Montoya – sa pisikal man at emosyonal na estado.
Di nagtagal, nagpakasal si Montoya sa isang mestisong Tsinong nagngangalang Cirilo Ayson. Sadyang
malupit ang kapalaran nila. Namatay si Cirilo matapos ang anim na taon nilang pagsasama. Naiwan
kay Montoya ang apat na anak nilang anak na sila Pedro, Patricio, Marino at Francisco.

Matapos ang limang taon, napangasawa niya si Pedro Cacpal at nagkaanak sila noong 1894. Naging
masaya ang kanilang relasyon kahit hindi sila kasal. Hindi nila alam na mabilis na matatapos ang
kanilang kuwento.

Nang sumiklab ang rebolusyon noong 1896, sumapi sa paksyon ng Magdalo si Montoya.
Pinangunahan niya ang Magdalo sa Labanan sa Imus kung saan nakakuha sila ng 13 armas mula sa
kalaban. Dahil sa katapangang ipinakita, bumilib sa kanya si Emilio Aguinaldo. Dahil dito, binigyan siya
ng isang trabaho. Inutusan siya ni Aguinaldo na gibain ang isang tulay sa Ilog Mabolo na humuhiwalay
sa Binakayan at Kawit mula sa Bacoor. May pinadala kasing napakalaking puwersa sa Bacoor si
Gobernador Heneral Ramon Blanco para matapos na ang rebolusyon. Kailangan nilang masira ang
tulay.

Una, natanggal na nila ang mga kahoy na bumubuo sa tulay. Ang natira na lang ay mga malalaking
beams na halos 40 talampakan ang haba. Nag-ala-wonderwoman itong si Montoya! Siya ang nagbuhat
sa isang banda ng beam samantalang napakaraming lalaki ang bumuhat sa kabilang dulo. Tinapon nila
ito sa ilog.

Noong Nobyembre 10, 1896, kasama ang tatlumpong Katipunero (kasama na rin dun ang isang
bandidong si Hermogenes Saguilayan) nagtungo sila sa Noveleta. Pinadala sila roon upang tulungan
ang isang batalyong pinamumunuan ni Koronel Luciano San Miguel upang kalabanin ang tropa ni
Heneral Diego de los Rios (si De los Rios rin ang huling gobernador heneral ng Pilipinas).

Sa isang malawak na palayan sa Calero, Noveleta, malapit sa pangpang ng Dalahican, tumayo si


Montoya habang hawak hawak ang bandila ng Katipunan at hawak sa kabilang kamay ang isang bolo.
Kaso, natamaan siya ng bala ng kanyon sa kanyang puson. Sa parehas na labanan rin namatay ang
kaniyang kabiyak na si Cacpal.

Dahil sa kaniyang kabayanihan, sinasabi ng ilan na prinomote ni Aguinaldo si Montoya bilang heneral
at naging tanging babaeng heneral ng rebolusyon. Ngunit ayon naman sa iba, naging henerala rin
diumano si Agueda Kahabagan ng Laguna. Kung siya man ang nag-iisang henerala o hindi, itinayo
niya ang bandera ng kababaihang nagpakita ng katapangan sa larangan ng digmaan. Ipinangalan sa
kaniyang ang isang daan sa lugar na kanyang kinalakihan.

Sources:

Batungbakal, Luisito. 6 Badass Filipina Warriors You’ve Never Heard Of. Retrieved from https://goo.gl/OtTc51.

Saulo, A.B. Gregoria Montoya: Only Woman General of the Revolution. Philippine Free Press October 9, 1971.

Soriano, Rafaelita. Women in the Revolution. Quezon City: Printon Press, 1995.

Featured Image: An Image of General Gregoria Montoya. Photo taken by Prof. Michael Charleston “Xiao” Chua.

Gawain 1 : Sumulat ng dalawang pangungusap na maglalarawan sa sumusunod na kababaihan.


1. Gregoria de Jesus
2. Melchora Aquino
3. Trinidad Tecson
4. Agueda Kahabagan
5. Nazaria Lagos

Gawain 2 : Sino siya?

Tukuyin kung sino ang inilalarawan sa bawat pangungusap.

1. Tinaguriang Lakambini ng Katipunan


2. Itinuturing siyá ng “Ina ng Rebolusyong Filipino,” “Ina ng Katipunan,” at “Ina ng Balintawak.
3. Naging tagpag-ingat siyá ng mga dokumento ng Katipunan, at sinunog niya ang mga ito nang
maganap ang mga pagdakip noong Agosto 1896.
4. Ang pangunahing tagahabi ng una at opisyal na watawat ng Filipinas.
5. Tinawag na “Florence Nightingale ng Panay
6. Siya ay nakikitang nakadamit ng puti at may dalang Gulok at Riple sa magkabilang kamay habang
nakikipaglaban.
7. Nahalal bilang pangulo ng mga babae sa Katipunan
8. Tinawag na Bayani ng Jaro
9. Kinilala bilang isa sa mga bantog na Pilipino na nagbigay ng kanyang sariling kayamanan,
oras, kaalaman at pagsisikap upang tulungan ang mga Rebolusyonaryo sa panahon ng
himagsikan.
10. Naging tanyag sa pangunguna sa tatlumpung kalalakihan.

Aralin 14 Pagkakatatag ng Kongreso ng Malolos at ang Deklarasyon ng Kasarinlan ng mga Pilipino

Digmaang Amerikano-Espanyol

▪ Nagsimula ito ng pasabugin ang barkong Maine ng US sa baybayin ng Havana sa Cuba noong
Pebrero 15, 1898. Ikinamatay ito ng 246 katao.
▪ Isinisi ng US sa Spain ang insidente at naghudyat sa pormal na nagpapahayag ng pakikidigma ng
US sa Spain noong Abril 25, 1898.
▪ Sa utos ni Kalihim John D. Long ng US, naglayag ang hukbo ni Commodore George Dewey, mula
Mirs Bay malapit sa Hong Kong, patungong Pilipinas. Gamit ang battlecry na “ Remember the
Maine!”, nagapi ng mga ito ang hukbong pandagat ng mga Espanyol sa ilalim ni Admiral Patricio
Montojo sa Manila Bay noong Mayo 1, 1898. Ang pangyayaring ito ang tinaguriang Battle of
Manila Bay.
▪ Matapos mapagwagian ni Dewey ang Battle of Manila Bay, bumalik si Aguinaldo sa Pilipinas
noong Mayo 19 upang pamunuan ang himagsikan laban sa mga Espanyol. Mainit ang naging
suporta ng mga Pilipino sa pagbabalik niya.
▪ Mayo 24, 1898 – itinatag ni Aguinaldo ang isang pamahalaang diktaturyal upang pamunuan ang
mga Pilipinong rebolusyunaryo. Nilayon niyang maging pansamantala lamang ang pamahalaang
ito hanggang sa makamit ng Pilipinas ang Kalayaan mula sa Spain.
▪ Sa katapusan ng Hunyo 1898, nadakip ng pangkat ni Aguinaldo ang higit 5, 000 Espanyol at
nabawi ang halos kabuoan ng Luzon maliban ang daungan ng Cavite at ang Maynila.
▪ Sinalakay rin ng pangkat ni Aguinaldo ang Intramuros kung saan nagkuta ang mga Espanyol.
Naging estratehiya ng kaniyang pangkat na harangan ang mga lagusan na maaaring daanan ng
tubig at pagkain papasok ng lungsod.
▪ Sa kabilang banda, patuloy na naghihintay si Dewey sa pagdating ng mga karagdagang hukbong
Amerikano sa halip na suportahan ang pangkat ni Aguinaldo sa pagkubkob sa Maynila. Ito ay sa kabila ng
pagiging lamang ng pangkat ni Aguinaldo sa pagkubkob sa Intramuros. Sa puntong ito, nagsimula nang
magduda ang mga pinunong rebolusyonaryo, kabilang na si Aguinaldo, sa tunay na intensiyon ng mga
Amerikano sa Pilipinas.
▪ Lingid sa kaalaman ni Aguinaldo, nagkaroon ng lihim na pakikipagkasunduan sina Dewey at
Heneral Wesley Meritt kay Fermin Jaudenes(Gobernador-heneral) . Sa halip na sumuko ang mga
Espanyol sa US, napagpasiyahan ng dalawang panig na magkaroon ng kunwang labanan.
Humantong ito sa tinaguriang Mock Battle of Manila noong Agosto 18, 1898. Dito nagwakas ang
mahigit 300 taong pananakop ng Spain sa Pilipinas.

Deklarasyon ng Kalayaan

▪ Hunyo 12, 1898 – inihayag ng mga pinuno ng himagsikan ang kasarinlan ng Pilipinas sa Kawit,
Cavite.
▪ Ambrosio Rianzares Bautista – may-akda ng dokumentong nagpahayag ng Kalayaan ng Pilipinas
at nilagdaan ito ng 98 katao kabilang ang kinatawan ni Commodore Dewey na si Colonel L.M
Johnson.
▪ Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo at Delfina Herboza de Natividad – tumahi ng pambansang
bandila(mula Hong Kong) na iwinagayway sa deklarasyon ng Kalayaan.
▪ Pinatugtog din ang “ Marcha Nacional Filipina”, na kasalukuyang “ Lupang Hinirang” at
pambansang awit ng Pilipinas. Nilikha ang himig nito ni Julian Felipe.
▪ Taong 1899 nang iniangkop ang tulang “Filipinas” ni Jose Palma sa “Marcha Nacional Filipina”.
Saligang Batas ng Malolos
▪ Isang buwan matapos ideklara ang Kalayaan ng Pilipinas, itinatag ni Aguinaldo ang isang
pamahalaang rebolusyonaryo.
▪ Binuo rin ang ang Kongreso ng Malolos na pinasinayaan noong Setyembre 15, 1898 sa Simbahan
ng Barasoain.
▪ Setyembre 29, 1898, pinagtibay ng Kongreso ng Malolos ang kalayaang ipinahayag sa Kawit,
Cavite. Sa pamumuno ni Felipe Calderon, naging pangunahing tungkulin din ng Kongreso, ang
pagbalangkas ng isang Saligang Batas.
▪ Enero 21, 1899 nang pagtibayin ang Saligang Batas ng Malolos. Batay ito sa mga saligang batas
ng Brazil, France, Mexico at iba pang bansa ng Europe.
▪ Kabilang sa mga itinadhana ng Saligang Batas ang sumusunod na probisyon:
1. Pagtatalaga ng kapangyarihang tagapagpaganap sa pangulo
2. Pagtatatag ng isang malakas na sangay tagapagbatas na binuo ng isang kapulungan
3. Pagtatatag ng isang asamblea na magsisilbing lupong tagapagbatas sa tuwing walang sesyon
ang Kongreso.
▪ Makabuluhan ang Saligang Batas ng Malolos sapagkat ito ang kauna-unahang dokumentong
inakda ng mga kinatawan ng mga Pilipino.

Republika ng Malolos
➢ Enero 23, 1899 – pinasanayaan ang Unang Republika ng Pilipinas sa Simbahan ng Barasoain. Dito
nanumpa si Aguinaldo bilang pangulo; binasa ang Saligang Batas ng Malolos sa mga nagsipadalo ; at
nanumpa ang hukbong sandatahan kay Aguinaldo.
➢ Sinikap ng republikang ito na kilalanin ang kasarinlan ng Pilipinas sa loob at labas ng kapuluan.
➢ El Heraldo de la Revolucion – opisyal na pahayagan ng pamahalaan
➢ Iba pang pahayagan na sumusuporta sa layuning pagkakaisa ng mga Pilipino at pagkilala sa kasarinlan ng
Pilipinas:
1. La Independencia (sa pamamatnugot ni Juan Luna)
2. La Republica Filipina (ni Pedro Paterno)
3. La Libertad (ni Clemente Jose Zulueta)
➢ Nagpadala rin ang administrasyong Aguinaldo ng mga kinatawan sa iba’t-ibang bansa. Ito’y upang
kilalanin ng mga dayuhang bansa ang kasarinan ng Pilipinas.
➢ Mga Tumatayong Kinatawan:
1. Mariano Ponce at Faustino Lichauco – sa Japan
2. Felipe Agoncillo – sa US
3. Antonio Ma. Regidor – sa England
4. Juan Luna at Pedro Roxas – sa France
5. Eriberto Zacal – para sa Australia
➢ Subalit sa kabila ng mga hakbang na ito ng Unang Republika , hindi rito nagwakas ang pagpupunyagi
ng mga Pilipino para sa tunay na Kalayaan ng Pilipinas.

Gawain 1 Punan ang Patlang


Punan ng wastong sagot ang mga patlang.

___________________1. Sumulat ng titik para sa “ MArcha Nacional Filipina”

___________________2. Nag-akda ng deklarasyon ng kalayaan ng PIlipinas.

___________________3. Lugar kung saan pinasinayaan ang Kongreso ng Malolos

___________________4. Kumatha ng himig ng “ Marcha Nacional Filipina”

___________________5. Opisyal na pahayagan ng Republika ng Malolos

___________________6. Pinunong Amerikano na nagwagi sa Battle of Manila Bay

___________________7. Gobernador-heneral ng Pilipinas nang maganap ang Mock Battle of Manila

___________________8. Amerikanong heneral na nakipagkasundo para sa pagsuko ng mga Espanyol sa US

___________________9. Kinatawan ng US noong deklarasyon ng Kalayaan ng Pilipinas.

___________________10. Namuno sa pagbalamgkas ng Saligang Batas ng Malolos.

Gawain 2 Lights…Camera…I-Address Mo!

Pangkatin ang klase na may tatlong miyembro. Isa sa mga miyembro ang magiging camera man, ang isa
naman ay tagahawak ng manila paper kung saan nakasulat ang mensahe ni Pang. Aguinaldo, at ang isa pa ay siyang
magiging si Pang.Aguinaldo na magbabasa ng speech. Bigyan ang bawat pangkat ng lugar na hindi sila magkakarinigan.
Panoorin ang kanilang output sa klase.

Narito ang bahagi ng Excerpts from the Inaugural Address ni Pangulong Aguinaldo noong January 23, 1899.
Inaugural Address of General Emilio Aguinaldo President of the Philippines

( Delivered at Barasoain Church, Malolos, Bulacan, on January 23, 1899)

Honorable Representatives:

I congratulate you upon having concluded your constitutional work. From this date, the Philippines will have a
National Code to the just and wise precepts of which we, each and everyone of us, owe blind obedience, and whose
liberal and democratic guarantees also extend to all.

Hereafter, the Philippines will have a fundamental law, which will unite our people with other nations by the
strongest of solidarities; that is the solidarity of justice, of law, and of right, eternal truths, which are the basis of human
dignity.
I congratulate myself also on seeing my constant efforts crowned; efforts which I continued from the time I
entered the battlefield with my brave countrymen of Cavite, as did our brothers in other provinces with no arms, but
bolos, to secure our liberty and independence.

And finally, I congratulate our beloved people, who from this date will cease to be anonymous and will be able with
legitimate pride to proclaim to the universe the long coveted name of Philippine Republic… Gawain 3 May Palagay
Ako

1. Tama bang tinanggap ni Aguinaldo ang alok na tulong ng US laban sa mga Espanyol?
2. Sa iyong palagay, bakit inilihim kay Aguinaldo ang Mock Battle of Manila? Ano ang ipinahihiwatig nito hinggil
sa intensiyon ng US sa Pilipinas?
3. Bakit dapat nating pahalagahan ang pagkakatatag ng Unang Republika ng Pilipinas?

Aralin 15 Mga Mahahalagang Pangyayari sa Pakikibaka ng mga Pilipino sa Panahon ng


Digmaang Pilipino-Amerikano

Simula ng Tensiyon ng Pilipinas at US


• Upang pormal na wakasan ang Digmaang-Amerikano-Espanyol, nilagdaan ang Treaty of Paris noong
Disyembre 10, 1898.
• Treaty of Paris -kasunduan na pormal na nagwakas sa Digmaang Amerikano-Espanyol - Isinuko
ng Spain sa US ang Karapatan sa Pilipinas sa halagang $20 milyon o katumbas umano ng $2 bawat
Pilipino.
- Binigyan karapatan din nito ang Spain na mag-angkat sa Pilipinas sa loob ng
sampung taon.
- Pinatibay ng Kongreso ng US ang kasunduan noong Pebrero 6,1899 sa kabila ng
mariing pagtutol ng administrasyong Aguinaldo.
• Mga Motibo ng US sa Pananakop ng Pilipinas
1. Pagpapatupad ng pang-ekonomiyang interes nito sa Asya bilang mapagkukunan ng hilaw na sangkap
at bilang mapaglalagakan ng mga gawang produkto o naprosesong kalakal;
2. Paglalagay ng base militar ng US sa Pilipinas
3. Pagpapalaganap ng relihiyong Protestatismo

• Benevolent Assimilation Proclamation


- Inilabas ni Heneral Elwell Otis ang proklamasyong ito ni Pangulong William McKinley
ng US noong Enero 4, 1899.
- Sa proklamasyong ito, isinasaad ni McKinley ang pagsasailalim ng PIlipinas sa
pamamahala ng US.
- Ipatutupad rin sa Pilipinas ang mapagkandiling pamamahala kung saan itataguyod
ng US ang mga Karapatan at kagalingang panlahat ng mga Pilipino. Ito ang unang
nagpapatunay sa intensiyong pananakop ng US sa Pilipinas. (mapagkandili
mapagkalinga; mapagkaibigan)

• Naglabas si Aguinaldo ng dalawang proklamasyon bilang tugon sa proklamasyong Benevolent


Assimilation ni McKinley. Kinondena niya ang US sa pagtukoy sa sarili bilang kampeon ng mga naaapi
gayong ito ang agresibo at marahas na nananakop sa Pilipinas.
• Sa kabila ng bantang pananakop ng US sa Pilipinas sinikap iwasan ni Aguinaldo ang pagsiklab ng
panibagong digmaan. Dahil wala sa kondisyong muling makidigma ang mga Pilipino laban sa malakas na
sandatahan ng US.
• Bumuo si Aguinaldo ng isang delegasyon upang lumahok sa serye ng kumperensiya, na nilayong
pagkasunduan ang magkakaibang interes pampolitika ng dalawang panig. Subalit sa halip na makatulong
ginamit lamang umano ng mga Amerikano ang kumperensiya upang paghandaan ang napipintong
sagupaan ng Pilipinas at US.

Mitsa ng Digmaan
• Mga Insidenteng Nagbigay-Daan sa Pagsiklab ng Digmaang Pilipino-Amerikano
1. Pagdakip ng mga Pilipinong sundalo sa pangkat ng mga Amerikanong enhinyero noong Pebrero
1,1899.
2. Ang pagpasok ng mga sundalo ni Heneral Luciano San Miguel sa teritoryo ni Heneral Arthur
MacArthur.
3. Ang engkuwentro sa Sta. Mesa, Maynila, na nagsilbing mitsa sa pagsiklab ng Digmaang
PilipinoAmerikano.
▪ Pebrero 4, 1899 – pinaputukan ng mga sundalong Amerikano sa pamumuno ni Private William
W. Grayson ang mga Pilipinong sundalo sa panulukan ng Kalye Sociego at Silencio sa Sta. Mesa,
Maynila. Nagpapatrol ang pangkat ni Grayson nang makaharap nila ang mga armadong Pilipino.
Bunsod marahil ng hindi pagkakaintindihan ay agad na nagpaputok si Grayson.
▪ Pebrero 5, 1899 – nang hindi sinisiyasat ang tunay na nangyari, ipinag-utos ni MacArthur na
salakayin ang mga sundalong Pilipino.
▪ Sa pamamagitan ng isang emisaryo, ipinarating ni Aguinaldo kay Otis na hindi niya ipinag-utos
ang nagyaring barilan.Ipinarating din niya ang pagnanais na tuldukan ang sagupaan.
▪ Subalit hindi tinanggap ni Otis ang alok na kapayapaan ni Aguinaldo. Bagkus ay ipinahayag niya
ang simula ng digmaan at ang balak na ipagpatuloy ito hanggang sa malagim na katapusan.
▪ Samantala, sa imbestigasyon ni Felipe Buencamino Sr., napag-alamang pinagplanuhan ng mga
Amerikano ang naganap na insidente.

• Digmaang Pilipino-Amerikano
▪ Lumaganap ang digmaan mula Maynila sa iba’t-ibang bahagi ng Luzon.
▪ Si Otis ang nanguna sa Hilaga samantalang si Hen. Henry Lawton ang namuno sa Timog Luzon.
▪ Umurong ang mga Pilipinong rebolusyonaryo patungong Bulacan na tinutugis ng mga sundalong
Amerikano sa pamumuno ni MacArthur.
▪ Nakalipat ang mga rebolusyonaryong Pilipino sa San Fernando Pampanga at nailipat ni
Aguinaldo ang kabisera ng pamahalaan sa San Isidro, Nueva Ecija.
▪ Nakubkob ng mga Amerikano ang Zapote, Bacoor at Dasmarińas sa Cavite sa pamumuno ni
MacArthur.
▪ Nakubkon naman ang Las Pińas at Parańaque sa Morong, at Santa Cruz, Paete at iba pang
bayan sa Laguna sa pamumuno ni Heneral Loyd Wheaton.
▪ Tagumpay naman ang mga Pilipino sa pamumuno ni Heneral Licerio Geronimo sa pagpaslang
kay Lawton ng US sa San Mateo Rizal.
▪ Sa Albay at Sorsogon, hinarap nina Vito Belarmino at Jose Ignacio Pawa si Heneral Marcus Miller
ng US.
▪ Ang Iloilo naman ay buong tapang na ipinagtanggol ni Martin Delgado.
▪ Pinangunahan naman nina Arcadio Maxilom at Leandro Fullon ang pakikipaglaban sa Cebu.
▪ Madaling nakubkob ng US ang Negros dahil nakisimpatya ang mga taga-Negros sa mga
Amerikano. Gumawa rin ang mga prominenteng mamamayan ng Negros ng tinaguriang Negros
Constitution. Isinumite ito sa pangulo ng US at naging batayan sa pangangasiwa sa pulo.
▪ Malaking tagumpay ang paglusob na naganap sa Balangiga, Silangang Samar. Nilusob ng mga
Pilipino ang garrison ng mga Amerikano na siyang kumitil sa buhay ng 48 sundalong Amerikano.
Ang Balangiga Massacre ay binalangkas nina Valeriano Abanador at Eugenio Daza.
• Resulta ng Digmaang Pilipino-Amerikano
1. Maraming Pilipino at Amerikano ang nasawi o namatayan ng kamag-anak.
2. Napinsala ang mga kabuhayan at ari-arian na nagdulot na kahirapan.
3. Nanlumo ang mga kawal na Pilipino at napilitan silang sumuko.
4. Marami rin sa mga Pilipino ang pumanig sa mga Amerikano dahil sa personal na dahilan.
5. Ang ilan ay namundok at doon ipinagpatuloy ang laban. Kabilang dito sina Macario Sakay, Miguel
Malvar at Simeon Ola

Aralin 15 Ang Kasunduang Bates (1830-1901)

• Mayo 19, 1899 – batalyong sundalong Amerikano ang dumating sa Jolo, hindi sila gumamit ng pwersa sa
pakikitungo sa mga Muslim
• Mapayapang nakipagkasundo ang kinatawan ng US na si Heneral John C. Bates sa mga kinatawan ng Jolo
na sina Sultan Jamalul Kiram II, Rajah Muda, Datu Calbi, Datu Attik, at Datu Joakanain. • Agosto 20,
1898 – nilagdaan ang Bates Treaty o Kasunduang Bates
• Mga Nilalamang Probisyon ng Kasunduan Bates:
1. Pagkilala sa soberanya ng US sa Sulu archipelago;
2. Paggalang sa mga Karapatan at karangalan ng sultan at kaniyang mga datu;
3. Paggalang sa relihiyon at mga tradisyong Muslim; at
4. Pagbibigay ng buwanang sahod ng US sa sultan at mga pangunahin niyang tauhan sa Mexican dollar.
• Sa paraang ito, napagtuonan ng mga Amerikano ang paggapi sa mga Pilipinong Kristiyano.

Aralin 16 Ang Mga Kontribusyon ng mga Natatanging Pilipinong Nakipaglaban para sa Kalayaan

❖ Agueda Kahabagan
▪ Tinaguriang “ Henerala Brigada’’ at “Henerala Agueda”, siya ang tanging babaeng
heneral noong Himagsikang Pilipino.
▪ Pinamunuan niya ang isang brigada na gumamit ng ripple at ang mga sandatahanes-
mga rebolusyonaryong nagtangan ng armas na itak o bolo -sa labanan sa Laguna.
❖ Antonio Luna
▪ Mahusay, matapang at mahigpit na heneral, siya ay nakapag-aral sa Europe ng taktikang
military at maituturing na isa sa mga heneral ni Aguinaldo na pinakahanda para sa labanan.
▪ Pinaslang siya ng mga nakaalitang rebolusyonaryo sa Cabanatuan sa edad na 31.

❖ Apolinario Mabini
▪ Tinaguriang “Dakilang Lumpo” at “Utak ng Rebolusyon” nagsilbi si Mabini sa gabinete ni
Aguinaldo bilang pangulo ng Konseho ng mga Kalihim at kalihim ng Ugnayang Panlabas.
▪ Siya ang tagapayo ni Aguinaldo na mahigpit na sumuporta sa paghihimagsik laban sa
pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas.

❖ Gregorio del Pilar


▪ Tinaguriang “ Batang Heneral” at “ Bayani ng Pasong Tirad”, nagboluntaryo siya na antalain ang
mga Amerikano upang makatakas si Aguinaldo pahilaga ng Luzon.
▪ Nasawi siya sa Battle of Tirad Pass noong Disyembre 2, 1899 sa edad na 24.

❖ Macario Sakay
▪ Itinatag niya ang Republika ng Katagalugan , isang samahang naglalayong makamit ang
kasarinlan mula sa mga Amerikano.
▪ Isa sa mga huling Pilipinong heneral na sumuko sa mga Amerikano sa pangakong
pagkakalooban siya at ang kaniyang mga tauhan ng amnestiya. Sa kanyang pagsuko,
inakusahan siyang bandido sa bisa ng Brigandage Act at pinarusahan ng kamatayan noong
Setyembre 13, 1907.
❖ Miguel Malvar
▪ Kauna-unahang Batangueńo na nakilahok sa Himagsikang Pilipino, pinagunahan niya ang mga
sundalong Pilipino sa Batangas, Laguna, at Tayabas.
▪ Matapos ang Digmaang Pilipino-Amerikano, patuloy siyang nakipaglaban bilang gerilya.
▪ Isa rin siya sa mga huling heneral na Pilipino na sumuko sa mga Amerikano noong 1902.

❖ Trinidad Tecson
▪ Kinilala noong unang yugto ng Himagsikang Pilipino bilang “ina ng Biak-na-Bato”, kinalinga niya
ang mga sugatan at maysakit na mga rebolusyonaryo sa kabundukan, dahilan upang tagurian
din siyang “ Ina ng Philippine Red Cross.”
▪ Tinaguriang “babaeng lalaki,” hindi matatawaran ang katapangan ni Tecson na nakilahok rin sa
mga labanan sa Bulacan at Zambales.

Mga Sangguniang Aklat:

Isang Bansa Isang Lahi


Irene C. de Robles & Godfrey T. Dancel pp.7-59

Kayamanan 6
Eleanor D. Antonio, Emilia L. Banlaygas & Evangeline M. Dallo pp.3-72

https://philippineculturaleducation.com.ph

You might also like