You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
Schools Division of CEBU PROVINCE
CONSOLACION DISTRICT 1
TUGBONGAN ELEMENTARY SCHOOL
THIRD QUARTER TEST IN ARALING PANLIPUNAN V
Pangalan: _______________________________________ Petsa: ___________________
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod. Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang iba pang katawagan sa monopolyo sa tabako?
A. bandala B. encomienda C. polo y servicio D. estanco
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa unang pag-aalsa laban sa mga Espanyol?
A. edukasyon B. politikal C. panrelihiyon D. ekonomiko
3. Ano ang nag-udyok ng mga Pilipino na gawin ang pag-aalsa laban sa mga Espanyol?
A. matinding pagmamahal sa bayan C. pagpapahirap sa mga Pilipino
B. pang-aabuso sa karapatang Pilipino D. lahat ng nabanggit
4. Ano ang hangarin ng mga Katagalugan sa kanilang pag-aalsa?
A. magkaroon ng sariling lupain C. mapaalis ang mga espanyol sa lugar
B. mabawi ang lupang pamana D. mabigyan ng sapat na lupang sakahan
5. Sino ang namuno sa pag-aalsa sa Ilocos na nagpatalsik sa mga namumunuang Espanyol?
A. Jose Basco C. Diego Silang
B. Miguel Rojo D. Samuel Cornish
6. Sino ang nakatalo kay Ferdinand Magellan sa Labanan ng Mactan?
A. Lapu-Lapu C. Miguel Lopez de Legazpi
B. Rajah Humabon D. Datu
7. Ano ang tinaguriang pinakamahabang pag-aalsa sa Pilipinas na nangyari sa Bohol?
A. Pag-aalsa ng mga Igorot C. Pag-aalsa ni Dagohoy
B. Pag-aalsa sa Cavite D. Pag-aalsa ni Sumuroy
8. Sino ang mag-asawang namuno sa pag-aalsa sa Ilocos ng dahil sa buwis at pagnanais na palayasin ang mga
Espanyol sa lalawigan?
A. Jose Rizal at Josephine Bracken C. Silang Carlos at Juana
B.Andres Bonifacio at Teresa Magbanua D. Diego at Gabriela
9. Ano ang sanhi ng pag-aalsa ni Dagohoy?
A. dahil sa pagtutol ng kura na bigyan ng marangal na libing ang kaniyang konstableng kapatid
B. dahil tinanggihan siyang maging pari at kilalanin ang mga samahang Confradia de San Jose
C. dahil kinukumpiska ng mga Espanyol ang kaniyang mga ari- arian
D. dahil nais niyang matawag na “Papa o ‘pope’
10. Anong pangunahing kadahilan ng pag-aalsa ang naganap kung saan ang mga datu, maharlika, babaylan, at
katalonan ay tinanggalan ng kapangyarihang mamuno?
A. Edukasyon C. Ekonomiko
B. Politikal D. Panrelihiyon
11. Anong pangunahing kadahilan ng pag-aalsa ang naganap kung saan natamasa ng mga Pilipino ang
pagmamalabis ng mga prayle at ng simbahan?
A. Edukasyon C. Ekonomiko
B. Politikal D. Panrelihiyon
12. Anong pangunahing kadahilan ng pag-aalsa ang naganap kung saan tinutulan ng mga katutubong Pilipino ang
mga patakarang pangkabuhayan na ipinatupad ng mga banyaga sa kanila gaya ng pagbubuwis, sa pilitang
paggawa, monopolyo, at kalakalang galyon?
A. Edukasyon C. Ekonomiko
B. Politikal D. Panrelihiyon
13. Bakit nabigo ang mga Pilipino sa kanilang pag-aalsa laban sa mga Espanyol?
A. kakulangan sa kahandaan at kaalaman sa pakikidigma
B. kawalan ng maayos na komunikasyon
C. pagbabayad ng mga Espanyol sa mersenaryong katutubo
D. lahat ng nabanggit

14. Ano ang pumupukaw sa damdamin ng mga Pilipino nang labanan ng ating mga katutubo ang mga Espanyol?
A. pagiging makatao C. pagiging maka-Diyos
B. pagiging makabayan D. pagiging makakalikasan
15. Ano ang serye ng digmaan sa pagitan ng Espanyol at Muslim?
A. Digmaang Moro B. Abu Sayaff C. Coup Deta’t D. Rebolusyon
16. Aling pangkat- etniko ang hindi naimpluwensyahan na maging Kristiyano?
A. Bisaya B. Igorot C. Tagalog D. Ilocano
17. Sino ang mga katutubong Pilipinong naninirahan sa kabundukan ng Cordillera?
A. Bisaya B. Igorot C. Tagalog D. Ilocano
18. Bakit hindi tuluyang nasakop ng mga Espanyol ang Mindanao?
A. Malawak ang lugar na ito.
B. Hindi interesado ang mga Espanyol dito.
C. Walang sasakyan ang mga Espanyol patungo rito.
D. Nagkaisa ang mga Muslim laban sa mga Espanyol.
19. Bakit iniwan ng mga Pilipino ang kinalakihang tahanan at nagpakalayo tungo sa lugar na hindi abot ng
kapangyarihan ng mga Espanyol?
A. dahil ayaw nilang mapasailalim sa kolonya ng Espanyol
B. dahil gusto nilang ligtas sa kabundukan
C. dahil may nagawang kasalanan ang kanilang mga pinuno sa Espanyol
D. dahil gusto nilang magpalipat-lipat ng tahanan
20. Ano ang ginawa ng mga Pilipino nang sila ay namulat sa masamang sistema ng pagpapalakad ng mga
Espanyol sa Pilipinas?
A. Nagsanay sa paggamit ng armas C. Nagsagawa sila ng mga rebolusyon
B. Nagtago dahil natatakot sa mga Espanyol D. Itinigil ang malayang kalakalan
21. Ano ang tawag sa isang tradisyon ng mga Igorot ng pakikidigma at pagpugot sa ulo sa kaaway?
A. pagsuway B. digmaan C. paglagda D. pangangayaw
22. Sino ang sultan na nagpasimula ng Ika-apat na Digmaang Moro?
A. Sikatuna B. Lapu-Lapu C. Sultan Kudarat D. Humabon
23. Alin sa mga sumusunod na kulturang Espanyol ang tinanggap ng mga katutubong Pilipino?
A. Pagbabago ng pananamit C. pagkakaroon ng fiesta at mga selebrasyon
B. Pagpapalit ng katutubong pangalan D. Lahat na nabanggit
24. Ano ang tawag sa ginawang pagtutol ng mga katutubong Pilipino laban sa patakaran ng mga Espanyol?
A. pag-aalsa B. pagtanggap C. pagtakas D. paglagda
25. Sino ang tinaguriang “Utak ng Katipunan” ?
A. Emilio Jacinto B. Andres Bonifacio C. Antonio Luna D. Jose Rizal
26. Sino ang gumamit ng pahayagang Kalayaan at Kartilya ng Katipunan?
A. Diego Silang B. Jose Rizal C. Andres Bonifacio D. Mabini
27. Ito ay isang samahang itinatag upang maganyak ang mga Pilipino na matamo ang pagbabago sa mapayapang
paraan.
A. Kartilya B. Kilusang Propaganda C. Biak na bato D. Himagsikan
28. Sino ang sumulat ng El Filibusterismo at Noli Me Tangere?
A. Emilio Jacinto C. Graciano Lopez Jaena
B. Jose P. Rizal D. Juan Luna
29. Sino ang tagapayo ni Andres Bonifacio?
A. Emilio Jacinto C. Graciano Lopez Jaena
B. Jose P. Rizal D. Juan Luna
30. Sa anong paraan pinatay ang tatlong pari na sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora?
A. binaril B. sinaksak C. pinapana D. ginarote
31. Ano ang isinigaw ng mga katipunero sa Pugad Lawin habang sabay-sabay na pinunit ang sedula?
A. Sulong mga kasama C. Mabuhay ang Pilipinas
B. Lalaban tayo para sa kapakanan ng ating Bayan D. Ako ay Pilipino
32. Paano natin mapapahalagahan ang pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol?
A. May ilang makabayan ang nagtatag ng isang samahan na ang layunin ay ang paglaya ng Pilipinas.
B. Ipagwalang bahala lang ang kalupitan ng mga Espanyol
C. Ipaglaban natin ang ating mga karapatan at pukawin ang damdaming Makabayan
D. Hayaan ang mga Espanyol na sakupin at pamunuan ang ating bansa

33. Sino ang pumalit kay Dela Torre bilang isang gobernador-heneral na kilalang pinakamalupit na namuno sa
Pilipinas?
A. Gabriela Silang B. Marcela Agoncillo C. Pedro Paterno D. Rafael Izquierdo
34. Ano ang pambansang kasuotan ng mga babae?
A. Barong tagalog B. Baro’t saya C. camisa chino D. bahag
35. Isa sa mga natutunan ng mga Pilipino mula sa mga Espanyol ay ang pagkakaroon ng pagdiriwang. Alin sa
mga sumusunod ang ipinagdiriwang sa lalawigan ng Cebu at itinapat sa kapistahan ng Mahal na Patron
Señor Santo Niño?
A. Ati-atihan B. Sinulog C. Pasko D. Santacruzan
36. Isang prusisyon tungkol sa pagsasadula at pagkakatuklas ni Reyna Elena sa tunay na Krus ni Hesus. Ito ay
ginaganap tuwing katapusan sa buwan ng Mayo.
A. Ati-atihan B. Sinulog C. Pasko D. Santacruzan
37. Ano ang tawag sa isang sayaw ng panunuyo o panliligaw kung saan ang mga babae ay animo nahihiyang
magpakita ng damdamin sa lalaki at itinatago ang mukha gamit ang panyo o pamaypay?
A. Itik-itik B. Pandanggo sa Ilaw C. Cariñosa D. Sinulog
38. Sa larangan ng panitikan, ano ang unang aklat na nalimbag sa Pilipinas na naglalaman ng mga dasal?
A. Noli Me Tangere C. Doctrina Christiana
B. El Filibusterismo D. La Liga Filipina
39. Ano ang tawag sa dula tungkol sa pagpapasakit at pagkamatay sa krus ni Hesus?
A. awit B. korido C. senakulo D. sarsuwela
40. Ito ay isang tulang may temang panrelihiyon.
A. awit B. korido C. senakulo D. sarsuwela

“Mag-aral nang mabuti upang buhay ay mapabuti.”

THIRD QUARTER TEST IN ARALING PANLIPUNAN V


ANSWER KEY

1. D
2. A
3. D
4. B
5. C
6. A
7. C
8. D
9. A
10. B
11. D
12. C
13. D
14. B
15. A
16. B
17. B
18. D
19. A
20. C
21. D
22. C
23. D
24. A
25. A
26. C
27. B
28. B
29. A
30. D
31. C
32. C
33. D
34. B
35. B
36. D
37. C
38. C
39. B
40. C
TABLE OF SPECIFICATIONS

OBJECTIVES NO. OF PERCENTAGE ITEM


ITEMS PLACEMENT
Nasusuri ang kaugnayan ng pakikipaglaban ng mga
Pilipino sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino 5 12.50% 1-5
(first week)

Nasusuri ang kaugnayan ng pakikipaglaban ng mga


9 22.50% 6-14
Pilipino sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino
(second week)
Naipaliliwanag ang mga paraan ng pagtugon ng
mga Pilipino sa kolonyalismong Espanyol
10 25% 15-24
(Hal. Pag -aalsa, pagtanggap sa kapangyarihang
kolonyal/ kooperasyon)
Napahahalagahan ang pagtatanggol ng mga
9 22.50% 25-33
Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol
Natatalakay ang impluwensya ng mga Espanyol sa
7 17.50% 34-40
kultura ng mga Pilipino

TOTAL 40 100% 40

Prepared by:

SARAH JENN CALANG


Teacher

You might also like