You are on page 1of 6

Quezon City, Metro Manila

BALARA ELEMENTARY SCHOOL


School Disrict VIII
H. Ventura St. Balara Filters Brgy Pansol Quezon City

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


AP V
S.Y. 2023-2024
Pangalan: ___________________________________________Puntos: _______________
Seksyon: ___________________________________________ Petsa: _________________

Panuto: Piliin ang tamang titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel

1. Alin sa sumusunod ang pangunahing dahilan ng pag-aalsang ekonomiko?


A. Sekularisasyon, sapilitang paggawa at bandala
B. Labis na pagbubuwis, sapilitang paggawa at monopolyo ng tabako
C. Labis na pagbubuwis, sapilitang paggawa at sapilitang pagbibinyag
D. Pagpatay sa mga katutubo, pagkamkam ng mga lupain
2. Anong alak na mula sa tubo ang ipinagbabawal ng mga Espanyol sa mga Ilokano?
A. basi B. suka C. tapuy D. tuba
3. Kailan nagsimula ang pag-aalsa ni Diego Silang sa Ilocos?
A. Disyembre 4, 1762 B. Disyembre 14, 1762
C. Disyembre 24, 1762 D. Disyembre 24, 1672
4. Ano ang pangalan ng samahang panrelihiyong itinatag ni Hermano Pule na tinutulan
ng mga Espanyol?
A. Cofradia de San Jose B. Katipunan
C. La Liga Filipina D. Propagandista
5. Sinong Babaylan ang tumulong kay Bancao na nagtayo ng mga dambana para sa mga
Anito at hinikayat ang ilang bayan na sumapi at lumahok sa pag-aalsa?
A. Pagali B. Bayani C. Bagani D. Sagali
6. Ang grupong etniko ng Pilipinas na hindi napasailalim ng mga Espanyol?
A. Badjao B. Islam C. Igorot D. Tagalog
7. Ito ay katawagan sa isang katutubong pangkat na mula sa salitang Tagalog na “GOLOT”
at sa pagdagdag ng unlaping “I” ito ay nangangahulugang “Tagabulubundukin”.
A. Muslim B. Igorot C. Espanyol D. Tausug
8. Siya ang nakatuklas ng deposito ng ginto sa Cordillera. Sino ang tinutukoy dito?
A. Miguel Lopez de Legazpi C. Lapu-lapu
B. Ferdinand Magellan D. Lakandula
9. Saang kabundukan sa Pilipinas nakatira ang mga Igorot?
A. Sierra Madre B. Cordillera C. Zambales D. Banahaw
10. Ano ang tawag sa paniniwalang panrelihiyon ng mga katutubong na Igorot kung saan
tinitingnan ang kalikasan bilang tahanan ng mg espiritu?
A. animismo B. tribus Independientes
C. kristiyanismo D. Moro
11. Ang mga sumusunod ay mga Layunin ng Espanyol sa kanilang ginawang pananakop
sa katutubong pangkat na Igorot Maliban sa isa. Alin ito?
A. Nais nilang makuha ang deposito ng ginto sa mga Igorot.
B. Nais ng mga Espanyol na matutuhan ang pangangayaw.
C. Pinatupad nila ang Monopolyo ng Tabako.
D. Pagpapalaganap nila ng Kristiyanismo.

12. Bakit nagkakaroon ng labanan sa ibat ibang panig ng bansa sa pamamahala ng mga
Espanyol?
A. dahil sa sobrang higpit nito
B. dahil sa pang-aabuso at pagmamalabis
C. dahil sa sobrang pagmamahal ng mga kastila sa mga Pilipino
D. dahil sa katiwalian
13. Bakit hindi naging matagumpay ang mga naunang pag-aalsa ng mga katutubo sa mga
Espanyol?
A. Pagiging watak-watak ng Pilipinas
B. Kakulangan sa kahandaan at kaalaman sa pakikidigma
C. Kawalan ng maayos na komunikasyon
D. Lahat ng sagot sa A, B at C
14. Paano ipinakikita ng mga katutubongPilipino noon ang kanilang pagmamahal sa
bayang sinilangan?
A. Sa pagkupkop ng mga kanluranin
B. Sunod sunuran lamang sa mga kastila
C. Sa pamamagitan ng pakikipaglaban at pagtatanggol nito
D. Pagsasawalang-kibo ng lahat
15. Corregimiento ang tawag sa pamahalaang lokal para sa lalawigang hindi pa napayapa.
Ano ang tawag sa namumuno dito?
A. Alcalde Mayores B. Cabeza de Barangay
B. Corregidores D. Gobernadorcillo
16. Ano ang pinakamalawak na pagbabago sa Pilipinas ang naganap sa buhay ng mga
katutubong Pilipino dulot ng kolonyalismong Espanyol?
A. Pagtatatag ng pamhalaang kolonyal.
B. Pagyakap ng mga katutubo sa Kristiyanismo.
C. Pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino
D. Pagbibigay ng pangalan ng mga Pilipino sa kanilang mga anak.
17. Ano ang tawag sa sapilitang paglipat ng mga katutubong Pilipino sa kabayanan ?
A. reduccion B. endoctrina
C. pag-aalsa D. batas militar
18. Sa panahon ng kolonyalismo, ang mga Espanyol ang pinakamataas na uri, sumunod
ang mga mestizo. Ano naman ang tawag sa pinakamababang uri nito?
A. katutubong Pilipino B.Prayle C. Encomiendero D. Mestizo
19. Isang patakaran ng sapilitang pagbili ng pamahalaan ng ani ng mga magsasaka sa
mababang halaga ay tinatawag itong ___________.
A. bandala B. polista C. tributo D. vinta
20. Ito ay pagbubuwis o pagbayad sa pamahalaan ng kaukulang salapi o produkto na
nagiging pondo para sa paggawa ng mga impraestruktura.
A. polista B. tributo C. polo D. bandala
21. Alin sa mga sumusunod ang impluwensya ng mga Espanyol sa pananamit?
A. bahag at kanggan C. camisa chino, pantalon
B. mini skirt D. sombrero
22. Kung ang mga kalalakihan ay may sombrero sa ulo noong panahon ng mga Espanyol
na hanggang sa kasalukuyan, ano naman ang tawag sa ipinapatong ng mga kababaihan
sa kanilang balikat bilang palamuti sa katawan?
A. Balabal B. Panyeta C. Ropilla D. Panuelo
23. Alin sa mga sumusunod na lutuin ng mga Espanyol ang hindi kabilang sa grupo?
A. mechado B. sardinas
C. pochero D. menudo
24. Ano ang unang aklat na nalimbag sa Pilipinas noong 1593 na naglalaman ng mga
dasal?
A. Rosaryo C. La Solidaridad
B. Doctrina Christiana D. Noli Me Tangere
25. Saan yari ang mga simbahan ng mga katutubong Pilipino noon bago pa dumating ang
mga Espanyol?
A. kawayan at nipa C. semento at bato
B. rattan at narra D. metal
26. Ipinakilala ng Espanyol ang bahay na bato. Ito ay malaki at matibay, gawa ang unang
palapag sa bato at ang ikalawang palapag naman ay yari sa matigas na kahoy. Ano ang
tawag sa imbakan ng bigas at mga gamit sa pagsasaka na makikita sa unang palapag?
A. cuarto principal B. entresuelo C. comedor D. platera
27. Ano ang tawag sa pangkat na binuo siyang tagapangasiwa ng lupa ng mga panginoong
maylupa?
A. Pricipalia B. Inquilino C. Karaniwang tao D. Indio
28. Ilan ang kabuuang bilang ng mga apelyidong Espanyol ang maaring pagpilian ng mga
Pilipino noon?
A. 81,000 B. 61,000 C. 51,000 D. 41,000
29. Saan nakatala ang mga apelyidong Espanyol na binigay sa mga Pilipino na maaaring
gamitin sa kanilang pagpapangalan?
A. Catalogo alfabetico de apellidos C. Español de apellidos
B. Catalogo de Español D. Catalogo apellidos
30. Sinong Gobernador-Heneral ang nagbigay ng kautusan sa pagpapagamit ng mga
apelyidong Espanyol sa mga Pilipino?
A.Gobernador-Heneral Jose Y Basco
B. Gobernador-Heneral Miguel Lopez de Legazpi
C. Gocernador- Heneral Narciso Claveria Bautista
D. Gobernador-Heneral Luis Perez Dasmariña
30. Isang relihiyosong tradisyon kung saan ipinapakita ang pagbasa o pag-awit ng pasyon
A. salubong B. santakrusan C. pabasa D. panunuluyan
31. Pamahalaang militar na itinatag ng pamahalaang kolonyal upang masigurong
mapayapa ang partikular na teritoryo.
A. bandala B. comandancia C. polo y servicio D. galyon
32. Tawag sa banal na digmaang inilunsad ng mga Muslim upang ipagtanggol ang kanilang
relihiyon at paraan ng pamumuhay.
A. Jihad B. Moro C. Bandala D. Comandancia
33. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa dahilan ng pagsakop ng mga Espanyol
sa mga Igorot?
A. ginto B. kristiyanismo C. monopolyo ng tabako D. tributo
34. Tumutukoy sa teoryang ang kapangyarihan ng isang bansa ay batay sa kayamanan
nito. Ito ay ang
A. Kalakalang Galyon B. Ginto at pilak
C. Merkantilismo D. Sekularisasyon
35. Sila ang tatlong paring pinagbintangang namuno sa pag-aalsa sa Cavite na hinatulan
ng kamatayan at ginarote MALIBAN kay
A. Jose Burgos B. Mariano Gomez
C. Jacinto Zamora D. Pedro Pelaez
36. Ayon sa merkantilismo, ang tunay na sukatan ng kayamanan ng isang bansa ay ang
dami ng mahahalagang metal tulad ng ______ at ______ na pagmamay-ari nito.
A. ginto at pilak C. ginto at bakal
B. ginto at tanso D. pilak at tanso
37. Isa sa mga lugar na hindi napagtagumpayang sakupin ng mga Espanyol ay ang mga
bulubundukin ng Cordillera. Dito naninirahan ang mga Igorot. Alin sa mga sumusunod
ang HINDI kabilang sa kanilang hanapbuhay?
A. paghahabi B. pagsasaka C. pagnganganga D. pangingisda
38. Maituturing bang tagumpay ang mga Muslim sa kanilang pagtatangol sa kanilang
teritoryo laban sa Espanyol?
A. Oo, dahil napanatili nila ang kanilang sariling kultura.
B. Oo, dahil natakot ang mga Espanyol sa mga katutubo.
C. Hindi, dahil hindi naging maunlad ang kanilang pamumuhay.
D. Hindi, dahil hindi nabago ang kanilang kultura.
39. Ano ang dahilan kung bakit nag-alsa ang mga katutubong Pilipino sa mga Espanyol?
A. Labis na paniningil ng buwis at sa polo y servicio
B. Upang ipatigil ang kalakalang galyon
C. Upang makagawa ng isang konstitusyon
D. Upang hindi maging alipin
40. Paano tumugon ang mga Pilipino sa mga pangyayari at pagbabago sa loob ng bansa sa
panahon ng kolonyalismo?
A. Naging sunud-sunuran at alipin sa sariling bayan.
B. Nagkaisa sa pag-aaklas upang maibalik ang kanilang kalayaan.
C. Sumang-ayon sa mga bagong patakarang ipinatupad ng mga Espanyol.
D. Tumulong sila upang mapabilis ang pagpalaganap ng Kristiyanismo sa bansa.
41. Bakit hinuli sina Padre Gomez, Padre Burgos at Padre Zamora?
A. upang ikulong sila habang buhay
B. dahil hindi nila sinunod ang utos ng hari ng Espanya
C. upang tanggalan sila ng kapangyarihan na makapagmisa
D. dahil sila ang napagbintangang namuno sa pag-aalsa sa Cavite
42. Kailan hinatulan ng kamatayang garote ang tatlong paring Pilipino?
A. Pebrero 7, 1872 C. Pebrero 25, 1896
B. Pebrero 17, 1872 D. Pebrero 25, 1986
43. Ano ang isa sa mga dahilan ng pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mga Espanyol?
A. Pagyakap sa relihiyong Kristiyanismo.
B. Pagsingil ng tamang buwis sa mga katutubong Pilipino.
C. Mabuting pakitungo ng mga Espanyol sa mga katutubo.
D. Pangamkam ng mga lupain ng mga pinunong Espanyol.
44. Alin sa mga sumusunod na katangian ng mga katutubo ang higit na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa sariling kultura at paniniwala?
A. Tahimik na namuhay sa kabila ng mga pananakop.
B. Nag-alsa at nagbuwis ng buhay upang mapangalagaan ang ating bayan.
C. Tumakas at lumayo upang hindi marating ng mga dayuhan na mananakop.
D. Tinanggap ang mga pagbabagong dala ng mga mananakop na Espanyol.
45. Bakit nahirapan ang mga Espanyol na tuluyang sakupin ang mga katutubo?
A. Layo-layo ang kanilang mga tirahan.
B. Marami sa kanila ang lumaban at nag-alsa.
C. Iba’t iba ang lingguwahe o wika ng mga katutubo.
D. May iba’t ibang lingguwahe, layo-layong tirahan at palaban ang mga katutubo
46. Kung ikaw ay isang rebolusyunaryong nabuhay noong panahon ng kolonyalismo,
anong mga katangian ang dapat mong taglayin upang maipagpatuloy ang sinimulang
pakikibaka para sa kasarinlan ng bansa?
A. pagmamahal sa bayan C. pagkamaagap
B. pagmamahal sa sarili D. pagkamasipag
47. Paano nakatulong ang naging karanasan ng mga unang Pilipino na nag-aklas laban sa
mga Espanyol sa pagbuo ng damdaming makabayan?
A. Hindi ako apektado sa mga karanasan ng mga bayaning Pilipino.
B. Magiging daan ito upang ako ay makapagtapos ng aking pag-aaral.
C. Dahil dito, mananatiling tikom ang aking bibig sa katotohanan.
D. Ito ay magsisilbing inspirasyon upang lalo ko pang pahalagahan ang
tinatamasa kong kalayaan sa kasalukuyan.
48. Ibinuwis ng ating mga bayani ang kanilang buhay upang matamo ng ating bansa ang
kalayaang nararanasan natin sa kasalukuyan. Paano mo pahahalagahan ang mga
ginawang ito ng ating mga bayani?
A. Pagtaguyod sa gawain ng mga rebelde
B. Paglingkod nang tapat at pagsusunod sa batas
C. Pagsuporta sa mga adhikain ng mga terorista
D. Paghadlang sa mga proyektong magtataguyod ng pambansang seguridad
49. Alin sa mga sumusunod ang naging bunga sa paggarote ng Espanyol sa tatlong paring
martir na GOMBURZA ?
A. Naging mapanuri ang mga Espanyol.
B. Nagising ang diwang makabansa ng mga Pilipino.
C. Natuklasan na ng mga Pilipino ang plano ng mga Espanyol.
D. Nais maging tanyag ang mga Pilipino kung kaya’t pinili nilang lumaban.
50. Sa pagsulat sa pahayagan at aklat idinaan ng ating pambansang bayani ang tugon sa
mga pagpapahirap ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Kanino inihandog ni Jose Rizal
kanyang akda na EL FILIBUSTERISMO?
A. Sa mga Prayle
B. Sa mga Espanyol
C. Sa tatlong paring martir ang GOMBURZA
D. Sa mga Peninsulares
ANSWER KEY FOR AP 5

No. Answer No. Answer


1 B 26 B
2 B 27 B
3 D 28 A
4 B 29 D
5 B 30 C
6 B 31 B
7 A 32 C
8 B 33 A
9 D 34 C
10 B 35 D
11 B 36 D
12 B 37 A
13 C 38 B
14 C 39 C
15 C 40 D
16 B 41 C
17 C 42 C
18 A 43 B
19 A 44 D
20 D 45 B
21 C 46 C
22 B 47 B
23 D 48 D
24 B 49 A
25 A 50 D

You might also like