You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION II – CAGAYAN VALLEY
SCHOOLS DIVISION OF QUIRINO
MADDELA II DISTRICT
____________________________________________________________________________________

Ikalawang Markahang Pagsususlit Sa Araling Panlipunan 5

Pangalan:_______________________________ Petsa:__________________ Iskor:______________

Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang bawat tanong at sagutin ang mga ito ng mahusay. Bilugan ang titik
ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa pagkontrol ng isang malakas na bansa sa isang mahinang bansa?
A. kapitalismo B. Komunismo C.kolonyalismo D. sosyalismo
2. Aling mga bansa sa Europa ang naguna sa pagtuklas ng ibang lugar o bansa sa mundo?

A. Portugal at Amerika B. Espanya at India C. Portugal at Espanya D. India at Pilipinas

3. Anong kasunduan ang pinagtibay upang matukoy ang hangganan ng luag na pwedeng tuklasin ng Portugal at
Espanya?

A. Kasunduan sa Paris C. Kasunduan ng Tordesillas


B. Kasunduan sa Europa D. Kasunduan sa Amerika

4. Sa iyong palagay, ano ang naging dahilan kung bakit gusto ng Espanya na masakop ang Pilipinas?

A. Nagustuhan nila ang katangian ng mga Pilipino kaya sinakop nila ito
B. Gusto nilang maging mayaman ang mga Pilipino kaya sinakop nila ito
C. Gusto nilang agawin ang Pilipinas upang mapasakanila ang lahat ng likas yaman nito.
D. Mayaman sa likas na yaman ang Pilipinas kaya gusto nilang dito kumaha ng mga raw materials.
5. Ang Pilipinas ay tuwirang napasailalim sa Spain noong 1565. Ano ang tawag sa Pilipinas noon?
A. Bansa B. Kolonya C. Kolonyalismo D. kanluranin
6. Kailan naganap ang kauna-unahang misa sa Pilipinas?
A. Marso 2,1521 C. Marso 16,1521
B. Marso 6,1521 D. Marso 31,1521
7. Sino ang pinuno ng Cebu nabinyagan bilang tanda ng pagiging Kristiyano?
A. Lapu-Lapu C. Rajah Kolambu
B. Rajah Humabon D. Rajah Sulayman
8. Sino ang pinuno ng mga Espanyol nagwagi sa labanan sa Cebu at Maynila?
A. Juan Garcia C. Ruy Lopez de Villalobos
B. Miguel Lopez de Legazpi D. Saavedra Ceron
9. Alin dito ang pangunahing dahilan ng paglalakbay ng mga Europeo sa Malayong Silangan?
A. Hanapin ang pulo ng Moluccas
B. Makipagkaibigan sa mga Pilipino
C. Maipalaganap ang Kristyanismo sa bansa
D. Ang pakikipagkalakalan ng mga Espanyol sa mga bansang Asyano

10. Alin sa mga larawan ang sumisimbolo o nagpapakita na ang kayamanan ang isa sa mga layunin ng Spain sa
pagtuklas at pagsakop ng bagong lupain?
A. B. C. D.

11. Pagkatapos sumakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ay taglay na ng mga sinaunang Pilipino ang mga
sumusunod na maipagmamalaki natin ngayon maliban sa isa. Ano ito?
A. C. B. D.

12.Ano ang ibig sabihin ng pagsasanduguan nina Humabon at Magellan sa Cebu?


A. Naging magkaalyado sina Humabon at Magellan
B. Nais ni Humabon na magpabinyag sa Kristyanismo
C. Nagsabwatan sina Magellan at Humabon laban kay Lapu-lapu
D. Sinimulan ni Humabon ang Ritwal ng sanduguan kay Magellan

13. Ano ang ginagawa ng mga Espanyol kung hindi sila tinatanggap ng mga katutubo sa kanilang
lugar?
A. lumisan sila C. nagmamakaawa sila
B. nagpaalipin sila D. gumagamit sila ng puwersa

14. Alin sa mga larawan ang patunay na may mga katutubong Filipinong naging magiliw sa pagdating ng mga
Espanyol sa kanilang pamayanan?

A. B. C. D.

15. Bakit natalo ang mga Pilipino sa pakikipaglaban sa mga Espanyol?


A. duwag sila
B. kulang sa armas
C. maawain sila sa dayuhan
D. marunong silang gumamit ng baril

16.Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita o maituturing na pinakamahalagang kontribusyon ng


ating mga ninuno sa ating lipunan ngayon?
A. B. C. D.

17. Bago pa dumating sa bansa ang mga mananakop, ang mga sinaunang Pilipino ay may sariling kultura,
paniniwala, wika, at pagsulat.
A. Tama C. Hindi ako sigurado
B. Mali D. Hindi akonaniniwala
18. Alin sa sumusunod ang patuloy pa ring gampanin ng mga pari sa kasalukuyan?
A. Tagapaningil ng buwis sa mga mamamayan.
B. Tagapagturo ng mga aral at katuruan ng simbahan.
C. Maaaring maging kapalit sa mga opisyal ng pamahalaan.
D. Pagiging inspector sa aspektong pang-edukasyon at pangkalusugan.

19. Ang malaking papel sa pagpapatupad ng Kristiyanismo ay ginampanan ng ____


A. B. C. D.

20. Bakit naging madali sa maraming katutubo na tanggapin ang Kristiyanismo bilang bagong relihiyon?
A. Naging marahas ang mga misyonero sa pagpapalaganap ng bagong relihiyon.
B. Ibinilanggo ng mga Espanyol ang mga katutubong tumanggi sa Kristiyanismo.
C. Winakasan ng mga misyonero ang papel ng kababaihan sa pangunguna sa mga ritwal ng simbahan.
D. Pinili ng mga prayle na ipagpatuloy ang katutubong tradisyon at iniangkop ang mga ito sa
paniniwalang kristiyano.

21. Paano ipinakita ni Magellan ang Pwersa Militar ng Espanya sa pagpasok nila sa Pulong Mactan?
A. Sinalakay ng mga Espanyol ang Mactan.
B. Nagsanduguan sina Lapu-lapu at Magellan.
C. Nagdadala sila ng mga pagkain galing sa Cebu.
D. Nagdaraos ng pagpupulong si Magellan sa kanilang pinuno

22. Alin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?


1. Si Magellan sa Cebu
2. Labanan sa Mactan
3. Tagumpay ni Legazpi sa Maynila
4. Unang misa

A.4321 B. 4213 C. 4123 D. 4132

23. Ano ang paraang ginamit ng mga Espanyol na nagdulot ng kahinaan sa mga Pilipino dahil pinag-
away nila ang mga kapwa Pilipino?

A. divide and rule C.merkantilismo


B. kolonyalismo D. sosyalismo
24. Ano ang ginawang paraan ng mga Espanyol upang mas madali ang pagtuturo ng Kristiyanismo sa mga
Pilipino?
A. Inilipat sila sa mga bulubundukin.
A. Pinatay nila ang mga katutubong Pilipinong hindi sumunod sa kanila.
B. Sapilitan nilang itinuro ang Kristiyanismo sa mga Pilipino at pinarusahan ang hindi susunod dito.
C. Hinikayat nilang lumipat sa sentro ang mga Pilipino na kung saan mas maraming simbahan at
madali silang maabot ng mga prayle

25. Bakit kailangang pilitin ng mga Espanyol ang mga Pilipino sa bagong paniniwala?
A. Para maging pari din ang mga Pilipino
B. Para sila ay makapunta sa mga bundok
C. Para ganap na maipapatupad ang kolonyalismo
D. Para makakuha sila ng mga agimat sa mga Pilipino

26. Sa pananakop ng mga Espanyol,ang simbolo ng hukbong sandatahan ay

A. B. C. D.

27. Ito ay patakarang sapilitang ipinatupad ng mga Espanyol para lumipat ng tirahan ang mga katutubo.
A. Doctrina Ekspedisyon C. Kristiyanisasyon
B. Ekspedisyon Reduccion D. Reduccion

28. Ito ang unang hakbang ng mga Espanyol sa pagtatatag ng kolonya. Ito ay isang lugar na nangangahulugang
ipinagkatiwala. Ano ito?

A. Reduccion B. Doctrina C. Polo D. Tributo


29. Ano ang tungkulin ng isang encomendero?
A. Mangolekta ng buwis ayon sa itinakdang halaga
B. Panatalihin ang katahimikan at kaayusan ng kanyang lugar
C. A at b ang tamang sagot
D. Wala sa nabanggit

30. Ang lahat ng lalaki na may gulang na 16 hanggang 60 ay kailangang magtrabaho ng walang bayad sa ilalim
ng patakaran ng Espanya. Ano ang tawag nito?

A. Polo y Servicio B. Principalia C. Polista D. Falla

31. Ito ang tawag sa ibinabayad sa mga Espanyol upang makalibre sa sapilitang paggawa?
A. Polo y Servicio B. Principalia C. Polista D. Falla

32. Bakit nabigo ang mga katutubong Filipino sa pagpigil sa mga dayuhang Espanyol na sakupin ang kanilang
pamayanan?
A. Muntik nang matalo ng mga katutubo ang mga Espanyol.
B. Nagwagi ang mga Espanyol at itininatag ang lungsod ng maynila
C. Mas marami ang mga mandirigmang Espanyol kumpara sa mga katutubong Pilipino.
D. Hindi nagkakaisa ang mga katutubo at marami ang tumulong sa mga Espanyol upang sakupin
ang mga pamayanan.

33. Ano ang katibayang papel na pinanghahawakan ng mga Pilipino na sila ay nagbabayad ng
buwis sa Pamahalaang Espanyol?
A. B. C. D.

34. Bakit natalo ang mga Pilipino sa pakikipaglaban sa mga Espanyol?


A. duwag sila
B. kulang sa armas
C. maawain sila sa dayuhan
D. marunong silang gumamit ng baril

35. Ang taunang quota ng mga produkto sa mga lalawigan na kailangang ibenta ay tinatawag na
_____ .
A. bandala C. real situado B. encomienda D. tributo

36. Alin sa mga sumusunod ang negatibong epekto ng sapilitang paggawa sa Pilipinong
polista?
A. Naging mapagkumbaba sila.
B. Natuto silang magtipid ng pagkain.
C. Sila ay naging matiyaga sa pagtatrabaho.
D. Nawawalay sila sa kanilang pamilya nang matagal.

37. Alin sa mga sumusunod ang hindi ginawa ng mga polista noon?

A. B. C. D.

38.Sa pagpapatupad ng patakarang bandala,ang mga magsasaka ay


A. Binabayaran kaagad ang kanilang mga produkto.
B. Kinukumpiska ang mga produktong mga katutubo.
C. May kapalit na produkto rin galing sa mga Espanyol.
D. Binibigyan ng premyo ng mga Espanyol kung makukuha ang mga produkto

39. Bakit mahalaga ang tungkulin ng Royal Audiencia sa panahon ng Espanyol?


A. Ito ang nagsisilbi n ghukumang pambarangay noon.
B. Ito ang sumasaklolo sa mga Pilipinong nagkakasala
C. Ito ang pinakamataas na hukuman sa panahon ng Espanyol
D. Ito ang nagbibigay ng sweldo sa mga opisyal ng pamahalaan.

40.Sa iyong palagay,ano ang naging mahalagang paraan na ginamit ng mga Espanyol para
magtagumpay ang kanilang pananakop sa bansa?
A. pakikipagkaibigan sa mga katutubo
B. pagbili ng mga produktong gawa ng mga katutubo
C. pagpapalaganap ng Relihiyong Kristiyanismo sa mga katutubo
D. paglaban sa mga mananakop gamit ang mga sibat, bangkaw,at iba pa.

GOODLUCK!!!

Prepared by:

LIRIO L. ESTEVES
Teacher III

Checked by: Recommending Approval:

ANDREA M. BADONGEN RODELIA G. SALVADOR


Master Teacher III Principal II

Approved by:

LIWLIWA B. BARENG, PhD.


Public Schools District Supervisor

Ikalawang Markahang Pagsususlit Sa Araling Panlipunan 5


KEY TO CORRECTION
1. C
2. C
3. A
4.D
5.B
6.D
7.B
8.B
9.D
10.B
11.D
12.A
13.D
14.A
15.B
16.D
17.A
18.B
19.C
20.D
21.A
22.C
23.A
24.C
25.C
26.C
27.D
28.C
29.C
30.A
31.D
32.D
33.C
34.B
35.C
36.D
37.D
38.B
39.B
40.C

You might also like