You are on page 1of 7

IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN V

SY 2017-2018
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Pilliin ang titik
ng wastong sagot.
1. Bakit nais ng mga misyonerong pari na paglapit-lapitin ang mga tahanan ng mga
Pilipino?
A. Upang gumanda sa paningin ang mga tahanan
B. Upang madaling mapalaganap ang Katolisismo.
C. Dahil utos ng hari ng Espanya.
D. upang maging sika tang mga paring misyonero
2. Paano mo ilalarawan ang mga yari ng bahay sa panahon ng Espanyol?
A. Yari sa sasa ang bubong ng mga bahay.
B. Maliliit ang mga silid.
C. Yari sa semento, at malalaking kahoy ang mga bahay
D. May malaking silid at maliit na sala.
3. Ano ang tawag sa panahanan na ang pinaka sentro o gitna ay isang parokya at
pinamamahalaan ng mga pari?
A. kabisera C. asotea
B. residencia D. audiencia
4. Ano ang tawag sa sapilitang paglilipat ng tirahan ng mga katutubo upang maging
madali ang pamamahala sa kanila?
A. encomienda C. cumplase
B. Reduccion D. desmonte
5. Hindi naging maayos ang paglilipat ng tirahan. Dahil dito may mga katutubong
nagrebelde sa pagbabago ng panahanan. Sino ang mga ito?
A. mga katutubo sa Cordillera C. mga datu
B. mga kababaihan sa Ilocos D. mga babaylan
6. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa tradisyunal na bahaging ginampanan ng
mga babae sa panahon ng Espanyol?
A. gumagawa ng mga gawaing bahay
B. gumagawa sa bukid
C. isang pinuno
D. nagsisibak ng kahoy
7. Ang mga sumusunod ay mga di-tradisyunal na bahaging ginampanan ng mga
bababe sa panahon ng mga Espanyol. Alin sa mga susmusunod ang hindi kabilang sa
pangkat?
A. nagtuturo ng katesismo C. namamasukan bilang katulong
B. lumalaban sa digmaan D. nangunguna sa pagdadasal
8. Ano ang naging papel ng mga kababaihan sa panahon ng mga Espanyol?
A. ang mga kababaihan ay tinuruang makidigma
B. ang mga kababaihan ay tumutulong sa mga katipunero
C. ang mga kababaihan ay pantahanan lamang.
D. ang mga babae ay pang opisina lamang
9. Bakit tinaguriang Maria Clara ang mga kababaihan sa panahon ng Espanyol?
A. dahil sila ay simbolo ni Maria na Ina ni Jesus
B. dahil ang mga babae ay nagsilang sa sanggol
C. dahil sumisimbolo ito sa pagiging mahinhin, mahinahon, mapagtimpi at
maingat sa pagkilos
D. dahil simbolo ito ng pagiging ilaw ng tahanan
10. Sa panahon ng Espanyol ay nagkaroon ng bahagi ng para sa kalayaan ang mga
kababaihan. Sino ang naging tagapag ingat ng lahat ng mahahalagang kasulatan ng
Katipunan at Himagsikan?
A. Trinidad Tecson C. Gregoria De Jesus
B. Teresa Magbanua D. Melchora Aquino
11. Sino ang Tinaguriang “Ina ng Biak na Bato”?
A. Trinidad Tecson C. Josephine Bracken
B. Melchora Aquino D. Teresa Magbanua
12. Paano nakatulong sa Samahang Katiounan si Marina Dizon Santiago?
A. Siya ang nanguna sa proyektong pinansyal ng mga Katipunero.
B. Siya ang nagpatuloy sa ipinaglalaban ni Diego Silang.
C. Siya ang gumamot sa mga sugatang Katipunero.
D. Siya ang nag-ingat ng mga kasulatan ng mga Katipunero.
13. Paano ipinakita ng mga kababaihan na sila ay hindi pantahanan lamang sa
panahon ng Kastila?
A. Ipinamalas nila ang kanilang galing sa pakikipagtagisan ng talino.
B. Ipinamalas nila ang katapangan sa kalayaan.
C. Ipinakita nilang kayang nilang talunin ang mga lalaki sa paggamit ng armas.
D. Ipinakita nila na sila ay mahusay tumaktika sa pakikipaglaban.
14. Bakit sa palagay ninyo nagising ang kamalayan ng mga kababaihan sa pakikibaka
laban sa mga Espanyol?
A. Nakita nila na mas mahina ang mga dayuhan.
B. Napatunayan nilang ang mga Espanyol ay may sariling hangarin sa Pilipinas
C. Naranasan nila ang kalupitan at pag-alis ng karapatan ng mga Pilipino.
D. Nagising sila na ang Pilipinas ay para sa mga Pilipino lamang.
15. Dahil sa kahusayan ni Teresa Magbanua sa taktikang military at tagumpay laban sa
mga Espanyol, tinagurian siyang ______________.
A. Joan of Arc ng Kabisayaan C. Mega Star
B. Monaliza D. Lakambini ng Katipunan
16. Ano ang unang aklat na nailimbag sa panahon ng Espanyol na nilikha ni Padre
Domingo de Nieva?
A. Biag ni Lam-ang C. Fray Botod
B. Doctrina Christiana D. La Hija del Frayle
17. Kung si Francisco Baltazar ang sumulat ng bantog na “Florante at Laura”, ano
naman ang aklat na isinulat ni Padre Modesto De Castro?
A. Kalayaan C. Ang Mananakop
B. Urbana at Felisa D. El Felibusterismo
18. Ano ang ipininta ni Juan Luna na ipinanalo nya ng medalayang ginto sa
Pambansang Paligsahan ng Pagpipinta sa Espanya?
A. Spolarium C. Mater Dolorosa
B. Oyang Dampuan D. Higante ng Ina
19. Bakit hindi nakarating sa Pilipinas ang pinaka bagong disenyo ng simbahan?
A. dahil ayaw gumaya sa istilo ang mga Pilipino
B. dahil mas malikhain ang mga Pilipino
C. dahil sa kalayuan ng Pilipinas sa Espanya
D. dahil sa mas mahuhusay ang mga Pilipinong arkitekto sa Espanyol
20. Paano ipinamalas ng mga Pilipino ang pagkamalikhain sa sa larangan ng
Arkitektura sa panahon ng Espanyol?
A. Gumamit sila ng mamahaling sangkap sa arkitektura
B. Humanap sila ng mahuhusay na tagapagturo sa larangan ng arkitektura.
C. Gumamit sila ng mga kagamitang nakukuha sa paligid
D. Gumamit sila ng kanluraning kaalaman sa larangan ng arkitektura.
21. Ang Gobernador Heneral ang pinakamataas na pinuno ng Pamahalaang Sentral at
kumakatawan sa hari ng Espanya. Alin sa sumusunod ng hindi kabilang sa mga
tungkulin ng Gobernador Heneral?
A. taga gawa ng batas
B. tagapagpatupad ng batas
C. Nag-aalis ng pinunong hinirang nya
D. gumagamit ng kapangyarihang “cumplase”
22. Sa pagdating ng Espanyol sa bansa nabago ang pamamahala. Nagkaroon ng
Pamahalaang Sentral at Pamahalaang Lokal. Sino ang sunod na pinaka mataas na
pinuno ng Pamahalaang Sentral?
A. Alcalde C. Royal Audiencia
B. cabeza de barangay D. alcalde-mayor
23. Bakit sinasabing sentralisado ang uri ng pamahalaan ng mga Espanyol?
A. Dahil iisa ang pinanggagalingan ng kapangyarihan
B. dahil may sistemang encomienda
C. dahil may tatlong sangay ito
D. dahil pinamumunuan ng Gobernador Heneral
24. Sino ang kauna-unahang Gobernadoe Heneral sa Pilipinas?
A. Haring Carlos I C. Miguel Lopez de Legaspi
B. Jose Rizal D. Antonio Luna
25. Ano ang tawag sa pamahalaang piunamahalaan ng opisyal na namamahala sa
kanyang sariling lugar o isang komunidad?
A. Pamahalaang Sentral C. Pamahalaang Lokal
B. Pamahalaang Barangay D. Pamahalaang Bayan
26. Sa panahaon ng Espanyol, iba’t-ibang patakarang pangkabuhayan ang ipinatupad
ng mga dayuhan. Itinatag ang monopoly sa tabako ni Jose Basco at ang Kalakalang
Galyon. Alin ang hindi mabuting epekto ng mga patakarang pangkabuhayang ito?
A. Nakilala ang mga Pilipino sa masining na paggawa ng mga barko
B. Nagkaroon ng maraming ani ng tabako
C. Nagpahirap sa mga magsasaka
D. Lumaki ang kita ng pamahalaan
27. Ano ang nagsilbing komersya na bangko ng sa panahon ng Kalakalang Galyon at
kompanyang panseguruhan?
A. Obras Pias C. Bangko Royal
B. Bangko Filipino D. Compania de Felipinas
28. Bakit nakaranas ng kaunlarang ng bansa nang dumating si Go. Hen. Jose Basco Y
Vargas noong 1778?
A. sapagkat mapagbigay sa mga Pilipino ang gobernadoe heneral
B. sapagkat naging patakaran ng pamahalaan ang paglinang sa mga likas na
yaman .
C. sapagkat maraming Pilipino ang masisipag
D. sapagkat nagpapautang ang mga bangko
29. Alin sa mga sumusunod ang mabuting epekto ng monopoly sa tabako?
A. pagkilala sa Pilipinas
B. pagmumulta ng mga magsasaka
C. pagbaba ng produksyon ng bigas
D. hindi pagbabayad sa mga magsasaka sa pananim na binili ng pamahalaan
30. Sino ang nagtatag ng monopoly sa tabako?
A. Jose Basco C. Hortado Corcuera
B. Jose Raon D. Miguel de Benevides
31. Ano ang dahlia ng pagpapadala ng Espanya kay Alvaro De Saavedra sa Pilipinas
Noong Oktubre 31, 1527?
A. upang ipatupad ang Kalakalang Galyon
B. pangunahan ang monopoly sa tabako
C. upang humingi ng paumanhin sa pinuno ng Cebu
D. upang magdala ng relihiyong Katoliko
32. Sino ang pinuno ng pangkat ng Espanyol na ipinadala sa Maynila mula sa Panay?
A. Miguel Lopez De Legaspi C. Juan De Salcedo
B. Martin De Goiti D. Jose Basco
33. Bakit hindi naging madugo ang ginawang pananakop sa Maynila sa Pangunguna ni
Miguel Lopez de Legaspi?
A. dahil napakiusapan ni Lakandula si Sulayman na tanggapin ang mga
espanyol
B. dahil matapang ang Gobernadoe Heneral
C. kulang sa armas ang mananakop
D. madaling napaamo ang mga Pilipino
34. Sino ang itinuturing na Unang bayaning Pilipino na lumaban sa mga Espanyol?
A. Lakandula C. Martin Pangan
B. Lapu-lapu D. Felipe Salonga
35. Bakit hindi nagtagumpay ang mga mananakop na sakupin ang Mindanao?
A. dahil matatapang ang mga Muslim
B. dahil may pagkakaisa ang mga Muslim
C. dahil maraming armas ang mga ito
D. titk A at B ang tamang sagot
36. Bakit nag-alsa laban sa mga Espanyol ang mga taga Gaddang sa Lambak ng
Cagayan?
A. dahil sa sapilitang paggawa
B. dahil sa pagmamalupit ng mga Espanyol
C. Dahil sa hindi pagtupad sa hinihiling nilang pagbabago
D. dahil sa kahigpitan ng mga Prayle
37. Ano ang naging dahilan ng pag-aalsa ni Francisco Dagohoy laban sa mga
Espanyol?
A. dahil sa polo y servicios
B. dahil hindi binigyan ng mga paring Espanyol ng huling basbas ang namatay
niyang kapatid.
C. dahil nagalit ito sa mga paring mapang-abuso
D. dahil sa ayaw syang paying magpari.
38. anong samahang pang relihiyon ang itinatag ni Apolinario Dela Cruz na kilala bilang
“Hermano Pule”?
A. La Liga Filipina C. Kalayaan
B. Cofradia de San Jose D. Himagsikan
39. Ano ang naging bunga ng ginawang pag-aalsa ni Diego Silang sa Ilocos?
A. Naipatigil niya ang pagpapataw ng tributo at pag-iral ng polo
B. Natakot niya ang mga prayle
C. Napahinto ang pagpapatupad ng monopoly
D. Nabigyang katarungan ang mga kababaihan
40. Sino ang pinunong nag-alsa sa mananakop sa Maynila?
A. Gabriela Silang C. Raha Sulayman
B. Raja Tupas D. Felipe Salonga
41. Isa sa dahilan ng pag-aalsa ng mga Pilipino sa mga Espanyol ay dahil sa nais ng
mga Espanyol na baguhin ang pamumuhay ng mga katutubong Pilipino. Nais nilang
pababain sa bundok ang mga ito at baguhin ang kanilang pamumuhay ayon sa
pamantayang Espanyol. Alin sa mga sumusunod na katutubong Pilipino ang tinutukoy
sa sitwasyon?
A. Badjao C. T’boli
B. Igorot D. Tausug
42. Ang paniniwalang animanismo ng mga Igorot ay itinuturing ng mga Espanyol na
isang uri ng pagsamba sa demonyo. Ayon sa mga Espanyol, upang mailigtas ang
kaluluwa ng mga Igorot, kailangnag yakapin nila ang relihiyong ____________.
A. Kristiyanismo C. Islam
B. Iglesia NI Cristo D. Paganismo
43. Ang pangangayaw o head hunting ay isang tradisyon ng mga Igorot sa
pakikidigma at pagpugot ng ulo ng kaway. Ano ang naging reaksyon ng mga Espanyol
sa paraang ito?
A. Hindi nila ito kinatakutan
B. Tinawanan lamang ng mga Espanyol ang paraang ito.
C. Natakot ang mga Espanyol kaya nilisan nila ang Cordillera
D. Hindi nila pinansin ang katutubong Pilipino.
44. May pangkat ng mga Pilipino na lumaban at hindi napasuko ng mga Espanyol dahil
sa matibay na paniniwala sa relihiyong Islam. Anong pangkat ito?
A. Igorot C. Tausug
B. Muslim D. Mangyan
45. Naging mapang-abuso, malupit at mapaniil ang mga Espanyol sa mga Pilipino. Ano
kaya ang naramdaman ng mga Pilipino sa ginawang ito ng mga Espanyol?
A. nagalit C. nagpuyos ang damdamin
B. hindi sumag-ayon sa mga Espanyol D. lahat nang nabanggit
46. Hindi nagtagumpay ang mga Espanyol sa misyong binyagan sa Kristiyanismo ang
mga Igorot. Ang mga sumusunod ay mga tamang dahilan maliban sa isa. Alin kaya ang
hindi kabilang dito?
A. Naging mahirap sa mga misyonero ang puntahan ang mataas na kabundukan
B. Nagkaroon ng kakulangan ng mga misyonerong maaaring ipadala sa mga
lalawigan
C. Naging mahirap sa mga sundalong Espanyol na talunin an gang
mandirigmang Igorot sa bulubundukin na kabisado nila ang pasikot-sikot
D. Mas mabilis tumakbo ang mga sundalong Igorot kesa sa mga Espanyol
47. Ang mga Muslim ay may dugong matatapang at hindi papatalo lalo na sa mga
Espanyol. Upang ipagtanggol ang kanilang lahi at relihiyon, inilunsad ni Sultan Kudarat
ang ang pang-apat na digmaang Moro. Ano ang tawag sa banal na digmaan laban sa
mga Espanyol?
A. adat C. jihad
B. sakat D. salat
48. Sa labanan ng mga Muslim at Espanyol, anong magandang katangian ang
ipinamalas ng mga Muslim kaya hindi sila nagapi o natalo ng mga Espanyol?
A. pagkakaisa C. pagmamahal sa relihiyon
B. katapangan D. lahat nang nabanggit
49. Ang mga Igorot ay tinangka ding sakupin ng mga Espanyol dahil sa monopoly sa
tabako. Ngunit hindi rin nagtagumpay ang mga Espanyol. Ang mga sumusunod ay mga
dahilan maliban sa isa. Alin ang hindi tamang kasagutan?
A. patuloy pa din ang pagbebenta ng mga Igorot nang patago
B. hindi nagtagumpay ang mga espanyol na pasunurin ang mga Igorot
C. ayaw nila magtanim ng tabako
D. ayaw nilang palaging sundin ang mga Espanyol
50. Ipinakita ng mga Muslim ang kanilang pagtanggi sa kolonyalismong Espanyol sa
anim na digmaang tinatawag na ____________.
A. Digmaang Moro
B. Digmaang Sultan
C. Digmaang Igorot
D. Digmaang Pilipino

Inihanda nina:

SIMPLICIA D. HAYNO
Balete Elementary School

MELANIE Q. KALALO
JAPMES
IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5
Key to Correction

1. B 31. C
2. C 32. B
3. A 33. C
4. B 34. B
5. C 35. D
6. A 36. A
7. B 37. B
8. C 38. B
9. C 39. A
10. C 40. C
11. A 41. B
12. A 42. A
13. B 43. C
14. C 44. B
15. A 45. D
16. B 46. D
17. B 47. C
18. A 48. D
19. A 49. C
20. D 50. A
21. A
22. C
23. A
24. C
25. C
26. C
27. A
28. B
29. A
30. A

You might also like