You are on page 1of 21

ARALING PANLIPUNAN 5

4TH PERIODICAL TEST


1. Paano naging madali ang pag-aangkat ng kalakal mula Europe
patungo sa ibang panig ng
daigdig?
A. Dahil sa pagbubukas ng Suez Canal.
B. Dahil sa pagkakaroon ng ugnayan.
C. Dahil sa maayos na pakikipagkalakalan.
D. Dahil sa kagustuhan ng mga mangangalakal na kumite.

2. Bakit nakatulong ang pagbubukas ng Suez Canal sa pandaigdigang


kalakalan?
A. Upang hindi mahirapan sa paglalakbay.
B. Upang mapadali ang pag-aangkat ng kalakal.
C. Upang makarating ang mga Pilipino sa ibang bansa.
D. Upang magkaroon ng ugnayan ang mga dayuhan sa atin.
3. Ano ang kabutihang dulot ng pagbubukas ng Suez Canal sa mga
dayuhang naglakbay sa
Pilipinas?
A. Nadala nila ang kanilang mga kalakal.
B. Nakarating ang kanilang mga pinuno at opisyal.
C. Nadala nila ang kanilang mga kayamanan at pamilya.
D. Nadala nila ang kanilang sariling pananaw, kaisipan at kultura.

4. Paano nakamit ng mga “naliwanagang” kabataan o mga illustrados ang


liberal na
edukasyon?
A. Sila ay nakapaglakbay sa Spain.
B. Sila ang namuno sa mga pag-aalsa.
C. Sila ay nakapag-aral sa Maynila o Europe.
D. Sila ay nakipagkalakalan sa buong daigdig.
5. Ano ang magandang dulot ng pag-usbong ng panggitnang uri sa mga
Pilipino?
A. Natuto sila sa pagdedebate sa mga dayuhan.
B. Naging magigiting na pinuno ng mga kilusan.
C. Nagkaroon ng lider ang mga magsasaka, mangangalakal at propesyonal.
D. Nakamit ang liberal na edukasyong nagmulat sa tunay na kalagayan noon
ng Pilipinas.

6. Bakit madaling nakuha ni Carlos Maria de la Torre ang pagtitiwala ng mga


Filipino?
A. Siya ay nagpatupad ng iba’t ibang programa.
B. Siya ay nagpatupad ng liberal na pamumuno.
C. Siya ay nagpakita ng magagandang katangian.
D. Siya ay nagbigay ng puhunan sa mga mahihirap.
7. Paano ipinakita ni Carlos Maria de la Torre ang liberal na
pamamahala sa Pilipinas?
A. Sinusunod niya ang sariling pagpapasya.
B. Namigay ng mga puhunan sa bawat pamilya.
C. Nakinig sa mga suliranin ng mga tao at nakihalubilo.
D. Ipinakita niya ang kanyang magagandang katangian.

8. Bakit lalong sumidhi ang pagnanais ng mga Filipino para sa


pagbabago at kasarinlan?
A. Dahil sa liberal na pamumuno.
B. Dahil sa pagmamalabis ng mga Kastila.
C. Dahil sa naging pamumuno ni Carlos Maria de la Torre.
D. Dahil sa malupit na pamumuno ni ni Rafael de Isquierdo.
9. Alin dito ang nagpapaliwanag tungkol sa sekularisasyon?

A. Ito ay ang hinaing ng mga Filipinong pari na magmisa.


B. Ito ay mga pari na hindi maaaring mabilang sa alinmang
samahang relihiyoso.
C. Ito ay pagpapakilala sa mga katangian ng mga paring
sekular at paring regular.
D. Ito ay pagbibigay ng kapangyarihan sa mga paring
sekular na pamunuan ang mga
parokya.
10. Paano nagsimula ang pag-aalsa na sumiklab sa Cavite noong
1872 na kinabibilangan ng
mga sundalong Filipino?

A. dahil pinamunuan ni Padre Pedro Pelaez ang isang kilusan


B. nang nilitis ang Gomburza at isinakdal ng mga bayarang
testigo
C. nang tanggalin ang ilang pribelihiyo ng mga sundalong
Filipino
D. dahil sa pagtutol ng mga paring regular na pamunuan ng
paring sekular ang mga
Parokya.
11. Ang pag-aalsa ni Dagohoy ang tinaguriang pinakamahabang
pag-aalsa. Bakit
kaya nagtagal ito?
A. Marami siyang tauhan
B. Marami syang armas
C. Nahirapan ang mga Espanyol na tugisin
D. Hindi siya nawalan ng loob at pag-asa sa pakikipaglaban

12. Paano isinagawa ng mga Itneg ang kanilang pag-aalsa?


A. Malinis na paraan C. Pagpugot sa ulo ng mga pari
B. Hindi pagbayad ng buwis D. Pinatay ang Heneral
13. Ang sumusunod ay dahilan ng pagkakabigo ng mga unang pag-
aalsa ng mga Filipino laban sa mga Espanyol maliban sa isa___.
A. Topograpiya ng Pilipinas
B. Kakulangan sa pondo
C. Kakulangan sa kahandaan at kaalaman sa pakikidigma
D. Kakulangan sa pagkakaisa

14. Pinamumunuan niya ang Basi Revolt sa Ilocos dahil sa


paghihigpit ng mga Espanyol sa produksyon at pagbenta ng
pribadong sektor ng alak.
A. Pedro Alamzon C. Gabriela Silang
B. Pedro Ambaristo D. Hermano Pule
15. Ang mga sumusunod ay parte ng Pilipinas na nasakop ng mga
Espanyol. Maliban sa_____.
A. Cordillera C. Laguna
B. Mindanao D. Cebu

16. Pinagtatrabaho ng mga Espanyol ang mga katutubo tulad ng


paggawa sa sasakyang pantubig, walang pahinga at ipinadadala sa
malayong lugar. Kumukolekta sila ng buwis sa mga bata, matatanda
at sa mga alipin. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. pang-aabuso sa mga katutubo
B. pagpatupad ng tuntunin
C. pagbibigay laya sa mga katutubo
D. pagdidisiplina sa mga katutubo
17. Ang mga sumusunod ay dahilan ng pag-aalsa
maliban sa___
A. Hindi makatarungang polo y servicio
B. Tributo
C. Pamimigay ng mga lupain
D. Pagpatay

18. Ano ang kaparusahan sa mga pinunong hindi


nagtagumpay sa pag-aalsa?
A. Binitay C. Inalipin
B. Pinagsabihan D. Pinalayas
19. Ang pagkamatay ni Diego Silang ay hindi naging
sagabal upang matigil ang layunin na masugpo ang
pagmamalabis ng Espanyol. Ito ay pinagpatuloy ng
kanyang asawa na si _____
A. Gregoria Silang C. Marcela Agoncillo
B. Teresa Magbanua D. Gabriela Silang

20.Sino ang pinuno ng kauna-unahang naitalang Pilipino


na nagpakita ng pagtutol sa pananakop ng mga Espanyol?
A. Diego Silang C. Tamblot
B. Lapu-lapu D. Francisco Dagohoy
21. Siya ay tinaguriang “Lakambini ng Katipunan”?
A. Gregoria De Jesus
B. Gliceria Marella De Villavicencio
C. Josefa Rizal
D. Melchora Aquino

22. Sino ang tinaguriang “Ina ng Katipunan”?


A. Gregoria De Jesus
B. Gliceria Marella De Villavicencio
C. Josefa Rizal
D. Melchora Aquino
23. Siya ay galing sa mayamang pamilya na sumuporta sa mga katipunero
at
nagbigay ng Php18,000 kay Jose Rizal sa Hongkong.
A. Gregoria De Jesus
B. Gliceria Marella De Villavicencio
C. Patrocinio Gamboa
D. Melchora Aquino

24. Siya ang dahilan kung papaano nakarating ang watawat kay Heneral
Delgado sa
Sta. Barbara.
A. Gregoria De Jesus
B. Gliceria Marella De Villavicencio
C. Teresa Magbanua
D. Patrocinio Gamboa
25.Siya ay sumapi sa Katipunan matapos sumapi
dito ang kaniyang dalawang kapatid
na lalaki at namuno sa isang maliit na pangkat.
A. Gregoria De Jesus
B. Gliceria Marella De Villavicencio
C. Teresa Magbanua
D. Patrocinio Gamboa
Panuto: Isulat kung anong pandaigdigang pangyayari sa Pilipinas ang
tinutukoy sa pahayag. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

A. C.

B. D.

________26. Binigyang halaga dito ang mga ideyang


liberal.
________27. Ayon dito, ang kayamanan ng isang bansa ay
nasusukat sa dami ng mahahalagang metal na
pagmamay-ari nito tulad ng ginto at pilak.
A. C.

B. D.

________28. Ito ang tanging kalakalang nilahukan ng Pilipinas


mula ika-labing anim na siglo hanggang taong 1815.
________29. Ang konstitusyong nilikha bunga ng hangarin ng
Espanya na wakasan ang pangaabusong dala ng konserbatibong
sistema na umiiral sa kanilang bansa.
________30. Ito ay maituturing na mahalagang panahon ng
paghahanap ng katotohanan at pag-angat ng antas ng pag-iisip
at pamumuhay.
Panuto: Tama o Mali. Isulat ang salitang TAMA kung tama ang isinasaad
ng pangungusap. Kung mali, isulat ang MALI at ipaliwanag ang dahilan
kung bakit.
31. Ang araw-araw na pamumuhay ng mga Muslim ay umiikot sa
pagsamba kay Allah.

A. TAMA
B. MALI. Dahil umiikot sa relihiyong Islam ang pamumuhay ng mga
Muslim.

32. Ang Islam ay paraan ng pamumuhay ng mga Muslim.

C. MALI. Ang Islam ay isang relihiyon.


D. TAMA
33. Ang mga Muslim ay nagdarasal ng sampung beses sa isang araw.
A.TAMA
B.MALI. Ang mga Muslim ay limang beses lamang nagdarasal

34. Ang mga Muslim ay may matatag at malakas na Sultanato dahil


sila ay may magandang ugnayan mula sa Brunei at Indonesia.
C. MALI. Dahil hindi naman matatag at malaka ang Sultanato
D.TAMA

35. Ang Kolonyalismo ay naging mas katanggap-tanggap sa mga


Muslim.
E. TAMA
F. MALI. Dahil katanggap-tanggap ang Sultanato kaysa sa
Kolonyalismo
36. Masasayang lamang ang kaunlaran at katatagang
tinamasa ng isang Sultanato at ang kalayaan nila sa
paniniwala kung magpapasailalim sa mga Espanyol.
A. TAMA
B. MALI. Hindi masasayang ang katatagan ng Sultano
kung mapapasailalim sa mga Espanyol.

37. Sa Sultanato, ang mga Datu at Rajah ay sapilitang


napasailalim sa kapangyarihan ng Sultan.
C. MALI. Ang mga Datu at Rajah ay hindi sapilitang
napasailalim sa Sultan
D. TAMA
38. Ang mga Datu ang may kaalaman sa mga nangyayari sa mga
nagpasakop sa mga Espanyol.
A.TAMA
B.MALI. Ang Sultan ang may kaalaman.

39. Ang mga Sultan at mga Espanyol ang makapangyarihan sa bansa.


C.MALI. Tanging mga Espanyol lamang ang makapangyarihan noong
panahon ng pananakop sa bansa.
D.TAMA

40. Ang mga pangako sa mga pinuno sa ibang bansa na napasailalim


sa pamamahala ng Espanyol ay hindi natupad ayon sa
napagkasunduan.
E.MALI. Natupad ang mga pangako ng mga Espanyol sa mga Pilipino.
F. TAMA

You might also like