You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA


ARALING PANLIPUNAN 5

Pangalan:_______________________________________________
Petsa:___________________ Baitang at
Pangkat:______________________________________

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag at bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. Nang binuksan ang pandaigdigang kalakalan, ang Suez Canal ang nagsilbing daan upang higit na
mapadali ang pag-angkat ng mga kalakal at paglalakbay mula sa Europa patungo sa ________.
A. Cebu C. Japan
B. China D. Maynila

2. Alin sa sumusunod ang katangian ng pamahalaang Sultanato?


A. Ang pamahalaang Sultanato ay pinamunuan ng isang Kapitan.
B. Higit itong malaki kaysa pamahalaang barangay.
C. Hindi ito organisado.
D. Ito ay pamahalaan ng mga Tagalog at Bisaya.

3. Ang hindi makatarungang pamumuno ng mga Espanyol ay humantong sa tahasang pagtutol ng


mga Pilipino. Alin sa mga sumusunod ang kauna-unahang pag-aalsa na naganap sa pagitan ng mga
Pilipino at Espanyol?
A. Pag-aalsa ni Lapu-Lapu C. Pag-aalsa ni Tamblot
B. Pag-aalsa ni Dagohoy D. Pag-aalsa ni Hermano Pule

4. Alin sa mga sumusunod ang ginawang dahilan ng mga Espanyol sa paghatol ng kamatayan kina
Padre Gomez, Padre Burgos at Padre Zamora?
A. Ibig ng mga Pilipino na pabagsakin ang kapangyarihan ng Espanya.
B. Inamin ng mga Pilipino na ayaw na nila ng relihiyon.
C. Nakipagsabwatan ang mga Pilipino sa mga dayuhan.
D. Ninais ng mga Pilipino na manatili sa kapangyarihan ng Espanya.

5. Ano ang tawag sa pamahalaan ng mga Pilipinong Muslim na nakipaglaban sa mga


Muslim? A. Alcaldia C. Raja
B. Barangay D. Sultanato

6. Bakit maituturing ang La Ilustracion o Age of Enlightenment na mahalagang panahon sa


pagbubukas ng kamalayang nasyonalismo ng mga Pilipino?
A. Dahil ito ang kamalayan na kung saan hinahanap ang katotohanan at iniaangat nito ang
pag-iisip ng pamumuhay sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng pamahalaan.
B. Dahil ito ay kaisipang nagpamulat na kailangang yakapin ng mga Pilipino ang
Kristiyanismo.
C. Dahil ito ay pag-aaklas na ginagamitan ng dahas at lakas.
D. Dahil ito ay pilosopiyang nagtuturo na dapat tayo ay pasakop sa pamamahala ng mga
Espanyol.
7. Paano ipinagtanggol ng mga Muslim ang kanilang nasasakupan sa pananakop ng mga
Espanyol? A. Pakikiisa C. Pakikipag-usap
B. Pakikipagdigma D. Pakikisalamuha
8. Ilan sa mga Muslim sa Bisayas at Mindanao ang niyakap ang Kristiyanismo, kaya ng sumiklab ang
labanang Kristiyano at Muslim.Ang mga Kristiyanong Pilipino ay tumulong sa mga Kastila laban sa
kanilang kapwa Pilipinong Muslim. Dahil dito tinawag na “Moro” ng mga Kastila ang mga Pilipinong
Muslim na ang ibig sabihin ay____________________?
A. Barbaro na galing sa bansang Afrika.
B. Mga pangkat na may relihiyong Islam.
C. Mga tulisang Pilipino.
D. Rebolusyonaryong Kristiyano.

9. Maraming pag-aalsa ang nangyari sa panahon ng mga Espanyol. Alin sa mga sumusunod ang
hindi dahilan ng pag-aalsa ng mga Pilipino?
A. Pagbawi ng pinagkait na Kalayaan C. Kahigpitan sa relihiyon
B. Sapilitang paggawa D. Kakulangan ng armas

10. Ito ay isang ideolohiyang politikal na lumaganap sa England noong ika-18 siglo kung saan ang
pagkakakilanlan ng isang tao ay kanyang idinikit o ibinahagi sa kanyang nasyon o lugar na
pinagmulan o kinabibilangan.
A. Despotismo C. Rebolusyonaryo
B. Pag-aaklas D. Nasyonalismo

11. Alin sa mga sumusunod ang hindi dahilan ng digmaang Espanyol at


Muslim? A. Gusto ng mga Espanyol na sakupin ang teritoryo ng mga Muslim
B. Gustong makuha ng mga Muslim ang mga makabagong armas ng mga Espanyol
C. Hindi kinilala ng mga Muslim ang kapangyarihan ng Espanya
D. Nagrebelde ang mga Muslim dahil sa kalupitan ng mga Espanyol

12. Ano ang ipinapahiwatig ng pag-aalsa na pumigil sa pagpapatuloy at pagtangkilik sa


Kristiyanismo?
A. Pag-aalsang Panrelihiyon C. Pag-aalsang Pang-ekonomiya
B. Pag-aalsang Politikal D. Pag-aalsang Pang Teknolohiya

13. Nahati ang mga pag-aalsang isinagawa ng mga Pilipino sa tatlong kadahilanan. Alin sa mga
sumusunod ang nabibilang sa pag-aalsang ekonomiko?
A. Pag-aalsang Dagohoy C. Pag-aalsang Magalat
B. Pag-aalsang Itneg D. Pag-aalsang Tamblot

14. Ang _______________ang isa sa mga pangunahing pagkakakilanlan ng mga Muslim, kaya hindi
naging madali sa mga Espanyol ang ipinalaganap ang Kristiyanismo sa gawing Mindanao. A. Baptist
C. Islam
B. Iglesia ni Kristo D. Relihiyong Protestantismo

15. Bakit isa sa mga itinuturing na salik ng pag-usbong ng kamalayang pambansa ang pagbubukas
ng Suez Canal?
A. Dahil napaunlad nito ang kalakalang pandaigdig.
B. Napabilis ang paglalakbay mula Europa patungong Pilipinas.
C. Umangat ang ekonomiya ng mundo.
D. Nagbigay daan ito para makarating sa Pilipinas ang mga pahayagan, libro at aklat na
naglalaman ng mga kaisipang liberal na may kaugnayan sa kalayaan, pagkakapantay
pantay at kapatiran.

16. Alin sa mga sumusunod ang hindi pag-aalsang panrelihiyon?


A. Pag-aalsang Bankaw C. Pag-aalsang Magalat
B. Pag-aalsang Tamblot D. Pag-aalsang Dagohoy
17. Ano ang ibig sabihin ng sekularisasyon?
A. Pagkakaroon ng isang wika at diyalekto.
B. Pagbibigay sa mga paring secular na pamunuan ang mga Parokya.
C. Pagkakaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na makapasok sa orden ng Dominican
sa Maynila.
D. Pagsamba sa mga anito.

18. Ang mga sumusunod na kaisipan ang nagmulat sa kamalayan ng mga Pilipino na makalaya mula
sa pananakop ng mga Espanyol.Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga ito? A. Baluktot
na Sistema ng monopolyo ng tabako.
B. Hindi pantay na pagtingin sa mga Pilipino sa ilalim ng rehiyon Kristiyanismo. C.
Pagpapatupad ng batas na naglalayon magkaroon ng edukasyon ang mga Pilipino.
D.Pang-aabuso at paniniil sa mga karapatang pantao ng mga Pilipino.

19. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi naglalarawan sa salitang


sultanato? A. Higit itong maliit kaysa sa pamahalaang barangay.
B. Ito ay organisadong pamahalaan na pinamumunuan ng mga sultan.
C. Ito ay pamahalaan ng mga Muslim sa Mindanao.
D. Sila ay may malaking pagmamahal sa kanilang pamahalaan at teritoryo.

20. Ano ang dahilan kung bakit nag-alsa ang mga Datu ng Tondo?
A. Dahil sa kalupitan ng mga Espanyol.
B. Dahil sa gusto nilang mabawing muli ang kanilang Kalayaan at karangalan.
C. Dahil sa hindi sila Kristiyano.
D. Dahil sa lupang sinasaka.

21. Bakit naging dahilan ng pagsiklab ng pag-aklas ang ipinatupad na monopolyo ng tabako noong
panahon ng mga Espanyol?
A.Dahil tinutugunan nito ang tumataas na pangangailangan ng tabako sa pandaigdigang
pamilihan.
B. Dahil napapadali ang pangangasiwa ng pamahalaan sa itinanim na mga halaman. C.
Dahil higit na mababa sa itinakdang kabayaran ang ibinibigay ng mga kolektor sa mga
magsasaka.
D. Dahil ibinalik ang direktang pangangasiwa ng pamahalaan ang monopolyo sa tabako.

22. Suriing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Alin sa mga ito ang nagpapakita ng pananaw at
paniniwala ng mga Muslim sa hindi pagpapasakop sa mga Espanyol?
A. Malaki ang pagpapahalaga nila sa Kalayaan.
B. Tinalikuran nila ang kanilang relihiyon at nagpabinyag sa Kristiyanismo.
C. Nakipagkasundo agad sila sa mga dayuhang mananakop.
D. Malaki ang paggalang nila sa pamahalaan ng Espanya.

23. Maraming dahilan kung bakit may pag-aalsang naganap sa panahon ng mga Espanyol na kung
saan maraming mga Pilipino ang nagbuwis ng buhay para ipagtanggol ang mga kapwa Pilipino. Ano
ang maaring mangyari kung hindi tayo nakipaglaban sa mga Espanyol?
A. Maaaring hanggang ngayon ay kolonya pa rin tayo ng mga Espanyol.
B. Marahil ay mga Amerikano ang unang nakasakop sa atin.
C. Marahil ay Espanyol ang ating pananalita.
D. Lahat ng nabanggit ay maaring Tama.

24. Ang mga Muslim ay tutol sa pagpasok ng mga dayuhang Espanyol sa kanilang teritoryo. Alin sa
mga sumusunod na relihiyon ang ipinaglalaban ng mga muslim?
A. Budismo C. Islam
B. Hindu D. Kristiyanismo
25. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging epekto ng Pag-aalsang Agraryo noong
1745? A. Naging madasalin ang mga Pilipino.
B. Maraming Pilipino ang naging magsasaka.
C. Binigyan ng pantay na karapatan ang mga kababaihan na makapasok sa mga paaralan.
D. Naging talamak ang nakawan sa mga kumbento at maraming kabukiran ang winasak at
sinunog ng mga katutubo.

26. Bakit medyo takot ang mga Espanyol na kalabanin ang mga katutubong
Muslim? A. Dahil hindi sila madaling linlangin.
B. Gumagamit sila ng makabagong armas pandigma.
C. Dahil sila ay nagtataglay ng mahika.
D. Dahil sila ay nagpapamalas ng hindi matatawarang katapangan sa pakikidigma.

27. Paano mo ilalarawan ang Digmaang Moro at Espanyol?


A. Naging madali ito dahil nasuhulan nila ang ilang mga katutubong muslim
B. Naging madali ito dahil kusang nagpasakop ang mga Muslim sa
Kristiyanismo C. Hindi ito naging madali dahil may matatag na sultanato ang
mga Muslim
D. Hindi ito naging madali dahil may bumabalot na salamangka sa buong Kamindanawan

28. Bakit tinawag na “Naliwanagan” ang mga kabataan o ilustrados sa panggitnang


uri? A. Dahil sila ay nagkaroon ng kapangyarihang mamuno sa pamahalaan.
B. Dahil sila ay propesyonal na umunlad sa pakikipagkalakalan.
C. Dahil sa edukasyong tinamasa sa ibang bansa namulat sila sa tunay na kalagayan ng
Pilipinas.
D. Dahil nakapag lakbay sila sa Europa.

29. Bakit sumiklab ang Labanan sa Maynila noong 1762?


A. Dahil sa pagmamanipula ng monopolyo sa tabako.
B. Dahil sa labis na pangongolekta ng buwis ng Espanya sa mga Pilipino.
C. Dahil sa tunggalian ng kapangyarihan ng Great Britain at France na tinawag na Seven Years
War.
D. Dahil hindi pinahihintulutan makipagkalakalan ang mga katutubo sa Pransya.

30. Ang pag-aalsa ni Puli o Apolinario Dela Cruz ang may pinaka-tanyag na pag-aalsang panrelihiyon
na nagbigay daan para maitatag ang “Confradia de San Jose” na may 4000 na miyembro. Alin sa
mga sumusunod na kaisipan ang pinaka-layunin ng kapatirang ito?
A. Paigtingin ang pagsasagawa ng mga mabubuting Gawain ng isang Kristiyano.
B. Mapalawak ang Kristiyanismo sa bansa.
C. Mabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na makapasok sa orden ng Dominican sa
Maynila
D. Mag-alsa laban sa mga Espanyol.

31. Bilang isang mamamayan, makikiisa ka ba sa mga demonstrasyon na magdadala ng


kapahamakan ng Pilipinas?
A. Hindi, dahil isang Pilipino may tungkuling makiisa sa mga bagay na makakatulong sa
bayan. B. Hindi, dahil hindi ito nagpapakita ng pagmamahal sa bayan.
C. Hindi, dahil kaming mga kabataan ang magiging pag-asa ng bayan.
D. Lahat ng nabanggit ay tama at nagsasabi ng pagmamahal sa bayan.

32. Paano nagwakas ang Seven Years War ng Great Britain at France?
A. Nagbigay ng maliit na kanyon ang mga British sa grupo ni Diego Silang bilang simbolo ng
kanilang pakikipagkaibigan.
B. Pakikipagkasundo ni Sultan Alimuddin sa mga British para maipasok ang East
India. Company sa Sultanato ng Sulu.
C. Pagsalakay sa Manila Bay para mapalawak ang opensiba ng Britanya.
D. Paglagda sa Treaty of Paris noong Pebrero 10, 1963.

33. Bilang isang mag-aaral ng Ikalimang Baitang, anong katangian ng mga Katutubong Muslim ang
dapat mong taglayin?
A. Pagmamahal sa sariling Relihiyon.
B. Pagpapahalaga sa Kalayaan.
C. Pagpapamalas ng katapangan sa pakikipaglaban sa kanilang teritoryo.
D. Lahat ng nabanggit.

34. Ang mga patakarang pangkabuhayan ng mga Espanyol gaya ng pagbubuwis, sapilitang paggawa,
monopolyo ng tabako at kalakalang galyon ay mahigpit na tinutulan ng mga katutubong Pilipino na
siyang nagbibigay daan sa anong klase ng pag-aalsa?
A. Pag-aalsang Agraryo C. Pag-aalsang Panrehiyon
B. Pag-aalsang Pangkabuhayan D. Pag-aalsang Politikal

35. Paano nakuha ni Gobernador-heneral Dela Torre ang tiwala ng mga


Pilipino? A. Sinuhulan niya ang mga ito.
B. Siniil niya ang kalayaan sa pamamahayag.
C. Pinatawan niya ng paghahagupit ang mga nagkakasalang katutubong Pilipino. D.
Nakinig siya sa mga suliranin ng mga mamamayan at nakihalubilo sa mga katutubong
Pilipino.

36.Paano nakabuti ang merkantilismo sa isang estado?


A. Pagtatatag ng malakas na hukbong military.
B Nawalan ng halaga ang pilak at ginto sa barter trade.
C. Nawalan ng saysay ang mga ekspedisyon.
D. Nagbigay daan ito para mapigilan ang pananakop ng mga Espanyol.

37. Ang “salat” o pagdarasal ng limang beses sa isang araw ay nagpapakita ng anong katangian ng
mga katutubong Muslim?
A. Pagmamahal sa sariling Relihiyon
B. Pagpapahalaga sa kalayaan
C. Pagpapamalas ng katapangan sa pakikipaglaban sa kanilang teritoryo
D. Pagiging matalino

38. Naganap ang rebelyong panrelihiyon ng ilang mga Pilipino, alin sa mga sumusunod na dahilan
ang layunin nila sa pag-aalsa?
A. Dahil nais nilang bumalik ang dating pananampalataya nila sa mga diyos ng kanilang
ninuno B. Dahil gusto nila sila ang mamuno sa mga simbahan
C. Dahil gusto nilang sila ang maging pinakamalakas
D. Dahil nais nilang masabing sila ang pinakamatapang sa bansa

39. Ang mga sumusunod na kamalayan ay nagpapahayag ng mga kadahilanan ng Digmaang Kastila
at Muslim.Alin sa mga ito ang hindi nabibilang sa pangkat?
A. Monopolyo sa Tabako
B. Pagmamahal ng mga Muslim sa Islam
C. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Mindanao
D. Pananakop ng mga Kastila sa mga teritoryo ng mga Muslim
.
40. Libo-libong mga Pilipino ang hindi nagdalawang-isip na humawak ng armas laban sa mga Paring
Espanyol. Ang mga sumusunod ay mga dahilan sa kanilang pag-aalsa maliban sa isa? A.
Pagbabawal na manguha ng mga bunga ng mga puno at pangingisda sa dagat. B. Pang-aagaw ng
mga lupang pagmamay-ari ng mga magsasaka.
C. Pagmamalabis ng mga kolektor ng buwis.
D. Pagtutol sa sapilitang paggawa ng mga galyon.
41. Paano tumugon ang mga Pilipino sa mga pangyayari at pagbabago sa loob ng bansa sa panahon
ng kolonyalismong Espanyol?
A. Tumalima ng walang reklamo ang mga Pilipino sa mga pagbabagong naganap sa
patakarang pangkabuhayan.
B. Malugod na niyakap ng lahat ng Pilipino ang Kristiyanismo.
C. Marami ang nag-aklas dahil sa baluktot na pamamalakad ng mga Espanyol. D.
Bukal sa loob ng mga Pilipino ang magpasakop sa pamamahala ng mga Espanyol.

42. Ang mga sumusunod na pangyayari ay mga kadahilanan ng pag-aalsang politikal. Alin ang hindi
nabibilang dito?
A. Pagnanais na mabawi ang kalayaan at karangalan ng mga datu.
B. Pagtatayo ng mga dambana ng mga anito.
C. Pinalitan ng mga Espanyol ang mga Datu at maharlika bilang pinakamataas na pinuno
ng pamayanan.
D. Hindi pagpapatupad sa ipinangako ng gobernador-heneral na malibre sa pagbabayad
ng buwis at polo ang kanilang mga kaanak.

43. Bilang isang Pilipino, paano mo maipapakita ang pagiging isang mabuting mamamayan?
A. Sa pamamagitan ng pagbuo ng organisasyon na magtaksil sa bayan.
B. Sa pamamagitan ng hindi pagbabayad ng buwis.
C. Sa pamamagitan ng pakikibahagi sa mga demonstrasyon.
D. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas at alituntunin.

44. Alin sa mga sumusunod ang hindi mo karapatan bilang isang Pilipino?
A. Karapatang pumili ng relihiyon.
B. Karapatang maglabas ng saloobin, siguraduhing walang taong
masasaktan. C. Karapatang makaalam ng impormasyon.
D. Karapatang makiisa sa mga gawaing magdadala ng kapahamakan sa bansa.

45. Paano nagsimula ang kilusan sa pamumuno ni Padre Pedro Pelaez?


A. Dahil sa pagtutol ng pareng regular na pamunuan ng mga paring sekular ang mga
Parokya.
B. Dahil sa korapsyon sa simbahan.
C. Dahil hindi nakakakuha ng donasyon ang mga paring regular.
D. Wala sa binanggit.

46. Anong katangian ang ipinamalas ng mga Pilipinong Muslim na nakipaglaban sa mga
Espanyol? A. galing sa komunikasyon C. katalinuhan
B. kasipagan D. katapangan

47. Marami sa mga Pilipino ang nag-alsa laban sa mga dayuhan. Alin sa mga sumusunod ang hindi
kasali sa dahilan ng kanilang pag-aalsa?
A. Pagmamahal sa bayan. C. Pagnanais na makalaya sa mga dayuhan. B. Pagmamalasakit
sa kapwa Pilipino. D. Pansariling tagumpay.

48. Sa kabuoan, nabigo ang mga naunang isinagawang pag-aalsa ng mga Pilipino bunsod ng iba’t
ibang kadahilanan. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat?
A. Pagiging watak-watak ng Pilipinas.
B. Pagkakaroon ng iisang wika at dayalekto.
C. Kakulangan sa kahandaan at kaalaman sa pakikidigma.
D. Dahil sa pananakot at panunulsol ng kayamanan at pribilehiyo sa mga ilang katutubo.
49. Ang mga muslim sa Mindanao ay hindi nag pabinyag sa Kristiyanismo. Anong katangian ang
kanilang ipinamalas?
A. kasipagan C. katapangan
B. katalinuhan D. pagmamahal sa Relihiyong Islam

50. Sa inyong palagay, ano ang dahilan kung bakit nag-alsa laban sa mga Espanyol si Francisco
Dagohoy?
A. Dahil gusto niyang ibalik ang dating relihiyon.
B. Dahil nais ng pari na magbigay sila ng abuloy sa simbahan.
C. Dahil tinanggihan siyang maging pari dahil isa siyang katutubo.
D. Dahil tinanggihan ng isang pari na ilibing sa Kristiyanong pamamaraan ang kanyang
kapatid.
Susi ng Pagwawasto
Araling Panlipunan 5
D 11. A 21. C 31. D 41. C

B 12. A 22. A 32. D 42. B


A 13. C 23. D 33. D 43. D
A 14. C 24. C 34. B 44. D
D 15. D 25. D 35. D 45. A
A 16. C 26. D 36. A 46. B
B 17. B 27. C 37. A 47. B
B 18. C 28. C 38. A 48. B
D 19. A 29. C 39. A 49. D
D 20. B 30. A 40. A 50. D
References:
1. https://cdn.fbsbx.com/v/t59.2708-
21/177493937_300540901524393_3446587015335695563_n.pdf/
scribd.vdownloaders.com_ap5- q4-w5-6-partisipasyon-ng-iba-x27-t-ibang-rehiyon-at-sektor-sa-
pakikibaka-sa-bayan v21.pdf?_nc_cat=110&ccb=1-
7&_nc_sid=0cab14&_nc_eui2=AeG5afL7SXPPNx_WQX_eVaLMjh_Of1FK7_OOH85_UUrv83Tt1oW
hrqy5WRUBhLaykPp2Mu8aFEVJHmRhy_8MIJ0r&_nc_ohc=rjRr5VHwko8AX8ElByF&_nc_ht=cdn.f
b sbx.com&oh=03_AdTvrkt8B-Gr9yHeMybPYvm-
PsgDHB8hiWh0Wce0joTwtQ&oe=649C93C7&dl=1

2. https://www.scribd.com/document/638277670/AP5-q4-w5-6-Partisipasyon-ng-Iba-t-ibang
Rehiyon-at-Sektor-sa-Pakikibaka-sa-Bayan-v21

You might also like