You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region ___
Schools Division of ___________
_____________ ELEMENTARY SCHOOL
PERIODICAL TEST IN ARALING PANLIPUNAN 5
QUARTER 2

Name: Date:
Teacher: Section:

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot
at isulat sa inyong sagutang papel.
1. Ano ang tawag sa pagkontrol ng isang malakas na bansa sa isang mahinang
bansa?
A. kapitalismo C. komunismo
B. kolonyalismo D. sosyalismo

2. Kailan naganap ang kauna-unahang misa sa Pilipinas?


A. Marso 2,1521 C. Marso 16,1521
B. Marso 6,1521 D. Marso 31,1521

3. Sino ang pinuno ng Cebu na bininyagan bilang tanda ng pagiging Kristiyano?


A. Lapu-Lapu C. Rajah Kolambu
B. Rajah Humabon D. Rajah Sulayman

4. Sino ang pinuno ng mga Espanyol na nagwagi sa labanan sa Cebu at Maynila?


A. Juan Garcia C. Ruy Lopez de Villalobos
B. Miguel Lopez de Legazpi D. Saavedra Ceron

5. Ang mga sumusunod ay ang mga lugar na napasailalim sa kapangyarihan ni


Legazpi maliban sa isa. Ano ang lugar na ito?
A. Albay C. Masbate
B. Cavite D. Mindoro

6. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag na ang kayamanan ay isa sa mga


layunin ng Espanya sa pagtuklas at pagsakop ng bagong lupain?
A. maipalaganap ang kristiyanismo
B. makamit ang katanyagan ng bansa
C. mapaunlad ang ekonomiya ng kolonya
D. maangkin ang mga likas na yaman ng bansa

7. Alin ang isa sa mga dahilan kung bakit nabigo ang mga katutubong Pilipino sa
pagpigil sa mga dayuhang Espanyol na sakupin ang kanilang mga pamayanan?
A. Hindi nagkakaisa ang mga katutubo.
B. Itinatag ng mga Espanyol bilang isang lungsod ang Maynila.
C. Muntik nang matalo ng mga katutubong Pilipino ang mga Espanyol.
D. Mas kakaunti ang bilang ng mga mandirigmang Pilipino laban sa
Espanyol

8. Alin dito ang pangunahing dahilan ng paglalakbay ng mga Europeo sa


Malayong Silangan?
A. Hanapin ang pulo ng Moluccas
B. Makipagkaibigan sa mga Pilipino
C. Maipalaganap ang Kristyanismo sa bansa
D. Ang pakikipagkalakalan ng mga Espanyol sa mga bansang Asyano
9. Alin sa mga sumusunod ang mahalagang nangyari sa ating pananampalataya
nang dumating si Magellan sa Pilipinas noong 1521?
A. Natakot ang mga Pilipino.
B. Narating ni Magellan ang Limasawa.
C. Nakilala ni Magellan ang mga katutubong pinuno ng mga isla.
D. Nagkaroon ng labanan ang grupo nina Magellan at Lapu-lapu sa
Mactan.

10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng pagtuklas at pananakop ng


mga Espanyol?
A. Maging tanyag at makapangyarihan
B. Maipalaganap ang Relihiyong Kristiyanismo
C. Upang palakasin ang mga mahihinang bansa
D. Makuha ang kayamanan ng mga masasakop na lupain

11. Ang mga sinaunang Pilipino ay sagana sa ibat-ibang .


A. espirito C. sulat
B. kaugalian D. wika

12. Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay taglay na ng mga
sinaunang Pilipino ang mga sumusunod na maipagmamalaki natin ngayon
maliban sa isa. Ano ito?
A. Awit at sayaw C. Kristiyanismo
B. Katapangan D. Paraan ng pagsulat

13. Ilan sa paniniwala ng mga Pilipino ngayon ay ang pag-alala at pagbibigay


halaga sa mga yumaong pamilya, ito ay isa sa mga ng ating mga ninuno o
sinaunang kabihasnansa ating lipunan.
A. Ala-ala C. Kontribusyon
B. Katuwaan D. Simbolo

14. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pinakamahalagang kontribusyon


ng ating mganinuno sa ating lipunan ngayon?
A. Uri ng pananamit
B. Sistema ng pagsulat
C. Paraan ng pakikipagdigma
D. Malalim na pagtitiwala sa Manlilikha

15. Bago pa dumating sa bansa ang mga mananakop, ang mga sinaunang Pilipino
ay may sariling kultura, paniniwala, wika, at pagsulat.
A. Tama C. Hindi ako sigurado
B. Mali D. Hindi ako naniniwala

16. Sa ilalim ng kapangyarihang panghukuman, ang prayle ay may


kapangyarihang .
A. magpasya kung sino ang ititiwalag sa simbahan
B. mamahala sa halalang lokal at gawaing pambayan
C. magtala ng bilang ng mga ipinanganganak at inililibing
D. mangasiwa sa sakramento tulad ng binyag, kumpil, at kasal

17. Ang mga sumusunod ay mga batas na dapat sundin sa pagpapabinyag


maliban sa isa.
A. dapat may pangalan na hango sa santo
B. dapat pormal na tinatanggap bilang kasapi ng relihiyon
C. dapat may dugong Espanyol ang pamilya ng nagpapabinyag
D. dapat may huling pangalan o apelyido ng Espanyol ang bibinyagan

18. Ang malaking papel sa pagpapatupad ng Kristiyanismo ay ginampanan ng ____


A. Gobernadorcillo
B. pamahalaan
C. simbahan
D. tahanan

19. Ano ang layunin ng mga Espanyol sa pananakop ng mga katutubo?


A. pagpapayaman ng mga katutubo
B. pagpapalaganap ng Kristiyanismo
C. pagtatag ng pamahalaang sultanato
D. paglalakbay sa mga magandang tanawin

20. Paano naakit ang mga Pilipino sa Kristiyanismo?


A. Binigyan ng sertipiko ang mga Pilipino.
B. Binigyan sila ng mga lupaing sasakahin.
C. May libreng pabahay ang mga dayuhan.
D. Gumawa ng paraan ang mga prayle para matanggap sila.

21. Paano ipinakita ni Magellan ang Pwersa Militar ng Espanya sa pagpasok nila
sa Pulo ng Mactan?
A. Sinalakay ng mga Espanyol ang Mactan.
B. Nagsanduguan sina Lapu-lapu at Magellan.
C. Nagdadala sila ng mga pagkain galing sa Cebu.
D. Nagdaraos ng pagpupulong si Magellan sa kanilang pinuno.

22. Sino ang unang itinalagang pinuno ng Pwersang Militar ng Espanya sa


Maynila?
A. Andres de Urdaneta C. Martin de Goiti
B. Ferdinand Magellan D. Rajah Matanda

23. Ano ang paraang ginamit ng mga Espanyol na nagdulot ng kahinaan


sa mga Pilipino dahil pinag-away nila ang mga kapwa Pilipino?
A. divide and rule C.merkantilismo
B. kolonyalismo D. sosyalismo

24. Ano ang naging mahalagang paraan na ginamit ng mga Espanyol para
magtagumpay ang kanilang pananakop sa bansa.
A. pakikigpagkaibigan sa mga katutubo
B. pagbili ng mga produktong gawa ng mga katutubo
C. pagpapalaganap ng Relihiyong Kristiyanismo sa mga katutubo
D. paglaban sa mga mananakop gamit ang mga sibat, bangkaw, at iba pa.

25. Alin sa mga gawaing nakatala sa ibaba ang hindi ginawa sa simbahan noon?
A. Pagmimisa sa pamumuno ng pari
B. Pagsasaulo ng mga dasal at rosary
C. Pag-aawit ng mga awiting pansimbahan
D. Pagsasagawa ng novena sa pamumuno ng ministro

26. Bakit kailangang pilitin ng mga Espanyol ang mga Pilipino sa bagong
paniniwala?
A. Para maging pari din ang mga Pilipino
B. Para sila ay makapunta sa mga bundok
C. Para ganap na maipapatupad ang kolonyalismo
D. Para makakuha sila ng mga agimat sa mga Pilipino

27. Ano ang tawag sa sapilitang pagpapalipat ng mga katutubo sa mga


pueblo o sentro ng populasyon?
A. Falla C. Reduccion
B. Polo Y Servicio D. Residencia
28. Sa pananakop ng mga Espanyol, ang simbolo ng hukbong
sandatahan ay
A. espada B. ginto C. krus D. pera

29. Sino ang pinuno ng Cebu nang sakupin ni Legaspi ang kanilang lugar?
A. Humabon C. Lapu-lapu
B. Kolambu D. Martin de Goite

30. Ano ang kadalasang nangyari sa mga lumaban sa mga Espanyol?


A. binibiyayaan C. nagiging opisyal
B. pinaparusahan D. nagiging sundalo

31. Ano ang ginagawa ng mga Espanyol kung hindi sila tinatanggap ng
mga katutubo sa kanilang lugar?
A. lumisan sila C. nagmamakaawa sila
B. nagpaalipin sila D. gumagamit sila ng puwersa

32. Bakit natalo ang mga Pilipino sa pakikipaglaban sa mga Espanyol?


A. duwag sila
B. kulang sa armas
C. maawain sila sa dayuhan
D. marunong silang gumamit ng baril

33. Ang relihiyong pinalaganap ng mga Espanyol ay _.


A. Animismo C. Kristiyanismo
B. Budismo D. Paganismo

34. Ito ay patakarang sapilitang ipinatupad ng mga Espanyol para lumipat ng


tirahan ang mga katutubo.
A. Doctrina Ekspedisyon C. Kristiyanisasyon
B. Ekspedisyon Reduccion D. Reduccion

35. Ano ang katibayang papel na pinanghahawakan ng mga Pilipino na


sila ay nagbabayad ng buwis sa Pamahalaang Espanyol?
A. bandala C. listahan
B. cedula personal D. resibo

36. Ang taunang quota ng mga produkto sa mga lalawigan na


kailangang ibenta ay tinatawag na .
A. bandala C. real situdo
B. encomienda D. tributo

37. Alin sa mga sumusunod ang negatibong epekto ng


sapilitang paggawa sa Pilipinong polista?
A. Naging mapagkumbaba sila.
B. Natuto silang magtipid ng pagkain.
C. Sila ay naging matiyaga sa pagtatrabaho.
D. Nawawalay sila sa kanilang pamilya nang matagal.

38. Ang pinakamapangyarihang opisyal sa bansa sa pamahalaang sentral ay .


A. Alcalde Mayor C. Corrigedor
B. Cabeza de Barangay D. Gobernador-Heneral

39. Ang tawag sa ibinayad na halaga ng isang polistang hindi makapagtatrabaho sa


sistemang polo.
A. encomienda C. reduccion
B. falla D. tribute

40. Bakit mahalaga ang tungkulin ng Royal Audiencia sa panahon ng Espanyol?


A. Ito ang nagsisilbing hukumang pambarangay noon.
B. Ito ang sumasaklolo sa mga Pilipinong nagkakasala
C. Ito ang pinakamataas na hukuman sa panahon ng Espanyol
D. Ito ang nagbibigay ng sweldo sa mga opisyal ng pamahalaan.

41. Sino-sino ang nagtatrabaho sa Polo Y Servicio?


A. babaeng walang asawa
B. mga hindi lumipat sa poblacion
C. mga lalaking walang asawa
D. mga lalaking 16 hanggang 60 taon

42. Alin sa mga sumusunod ang ginawa ng mga polista noon?


A. pagkakaingin
B. pagtitinda ng alahas
C. pagtatrabaho sa mga pamilihan
D. pangunguha ng mga ligaw na hayop at prutas

43. Tawag sa namamahala sa buong lalawigan. Tungkulin niya ang mangolekta ng


buwis sa kanyang nasasakupang lalawigan.
A. Gobernador Cillo C. Alcalde mayor
B. Cabeza De Barangay D. wala sa nabanggit

44. Sa pagpapatupad ng patakarang bandala, ang mga magsasaka ay


A. Binabayaran kaagad ang kanilang mga produkto.
B. Kinukumpiska ang mga produkto ng mga katutubo.
C. May kapalit na produkto rin galing sa mga Espanyol.
D. Binibigyan ng premyo ng mga Espanyol kung makukuha ang mga produkto.

45. Ang paglikom ng buwis ay napupunta sa tungkulin ng


A. pamahalaang lokal C. pamahalaang sentral
B. kataas-taasang hukuman D. pampublikong pamahalaan

46. Bakit kailangang pilitin ng mga Espanyol ang mga Pilipino sa bagong
paniniwala?
A. Para maging pari din ang mga Pilipino
B. Para sila ay makapunta sa mga bundok
C. Para ganap na maipatupad ang kolonyalismo
D. Para makakuha sila ng mga agimat sa mga Pilipino

47. Ano ang naging mahalagang paraan na ginamit ng mga Espanyol


para magtagumpay ang kanilang pananakop sa bansa?
A. pakikipagkaibigan sa mga katutubo
B. pagbili ng mga produktong gawa ng mga katutubo
C. pagpapalaganap ng Relihiyong Kristiyanismo sa mga katutubo
D. paglaban sa mga mananakop gamit ang mga sibat, bangkaw, at iba pa.

48. Ano ang paraang ginamit ng mga Espanyol na nagdulot ng kahinaan


sa mga Pilipino dahil pinag-away nila ang mga kapwa Pilipino?
A. divide and rule C. merkantilismo
B. kolonyalismo D. sosyalismo

49. Ikaw ay naatasang mag-imbestiga sa isang lider ng isang lugar tungkol sa mga
tiwaling gawain nito. Napatunayan mong siya ay responsable sa mga iligal na
gawain tulad ng pagbebenta ng droga at pagpapatakbo ng iligal na pasugalan.
Bilang isang visitador- heneral, alin sa mga sumusunod ang dapat mong gawin?
A. Magsumite ng ulat na ang lider ay maayos sa kanyang pamamalakad.
B. B. Sabihin sa ulat na ang lider ay magaling sa pagtago ng kanyang mga
tiwaling gawain.
C. Matapos kang bayaran ng lider, ipagsawalang bahala na lamang ang
kanyang masamang gawain.
D. Magsumite ng wastong ulat ayon sa imbestigasyon upang ang isang tiwali
ay maparusahan.

50. Alin sa mga gawaing nakatala sa ibaba ang hindi ginawa sa Simbahang
Katoliko noon?
A. Pagmimisa sa pamumuno ng pari
B. Pagsasaulo ng mga dasal at rosaryo
C. Pag-awit ng mga awiting pansimbahan
D. Pag-aayuno ng anim na buwan
Prepared by: HANNAH NUESCA
Prepared by: HANNAH NUESCA

Prepared by: HANNAH NUESCA

You might also like