You are on page 1of 6

REVIEWER FOR THE 2ND PERIODICAL IN AP

S.Y 2022 – 2023

Pangalan:_________________________________________________________ Seksyon:_________________________

PANUTO: Basahing mabuti ang mga tanong . Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa mga malalayang tao at mga taong lumaya mula sa pagkaalipin?

A. alipin B. bagani C. maginoo D. timawa

2. Alin sa mga sumusunod ang pinakamataas na antas ng tao sa lipunang Tagalog at Bisaya?

A. bagani B. datu C. timawa D. tumataban

3. Saan naninirahan ang mga sinaunang Pilipino sa panahon ng Lumang Bato?

A. bahay kubo B. bahay na bato C. kuweba D. mansion

4. Ito ay sasakyang pandigma ng mga sinaunang Pilipino, sila ay naglalakbay at

nanakop sa mga lugar.

A. balangay B. barko C. karakoa D. roro

5. Ang tawag sa pagsamba sa lahat ng bagay na may espiritu ay __________.

A. Animismo C. Kristiyanismo

B. Budhismo D. Hinduismo

6. Ito ay isang yunit na pampolitika, panlipunan, at pangkabuhayan noong

sinaunang panahon sa Pilipinas.

A. bansa B. barangay C. lungsod D. sultanato

7 .Ano ang tawag sa relihiyon ng mga Muslim?

A. Iglesia B. Islam C. Katoliko D. Protestante

8. Sino ang itinuturing na kauna-unahang nagpakilala ng Islam sa Pilipinas?

A. Abu Bakr C. Rajah Baginda

B. Karim ul-Makhdum D. Tuan Masha’ika

9. Sino ang pinagkalooban ng bagong pangalan na Sharif ul-Hasim?

A. Abu Bakr C. Rajah Baginda

B. Karim ul-Makhdum D. Tuan Masha’ika

10. Ito ay uri ng pamahalaan na itinatag ng mga Muslim sa Mindanao at mas matatag

sa pamahalaang barangay.

A. barangay B. sentral C. sibil D. sultanato

11. Ano ang tawag sa sinaunang sistema ng pagsusulat ng mga Pilipino?

A. baybayin B. pandita C. barter D. alibata

12. Sino ang kauna-unahang nahirang na Gobernadora- Heneral ng Pilipinas?

A. Gobernador -Heneral Miguel Lopez de Legaspi

B. Gobernador- Heneral Sebastian Hurtado de Corcuera

C. Gobernador- Heneral Jose Basco Y Vargas

D. Gobernador- Heneral Fernando Primo de Rivera

13. Noong Hunyo 24, 1571, kinilala ang ________ bilang isang ciudad o lungsod ng Espanya.
A. Cebu B. Leyte C. Limasawa D. Maynila

14. Ito ay tumutukoy sa isang patakaran ng tuwirang pagkontrol ng malakas na bansa sa

isang mahinang bansa.

A. Imperyalismo B. Kolonyalismo C. Kristiyanismo D. Pederalismo

15 Ilang barko ang ginamit nina Magellan sa kanilang ekspedisyon?

A. apat B. lima C. sampu D. tatlo

16. Kailan nakarating ang ekspedisyon ni Magellan dito sa Pilipinas?

A. Marso 6, 1521 B. Marso 11, 1521 C. Marso 16, 1521 D. Marso 31, 1521

17. Saan pinaniniwalaang ginanap ang kauna-unahang misa sa Pilipinas?

A. Cebu B. Homonhon C. Limasawa D. Mactan

18. Ito ay itinakda ni Miguel Lopez de Legazpi bilang kauna-unahang pamayanang Espanyol

sa Pilipinas.

A. Bohol B. Cebu C. Limasawa D. Maynila

19. Ito ay itinuring na pinakamatandang kalye sa Pilipinas.

A. Colon B. EDSA C. Intramuros D. Osmeňa Blvd.

20. Sino ang opisyal ng Mexico na itinalaga ni Haring Felipe II upang pangunahan ang

ekspedisyon pabalik dito sa Pilipinas?

A. Miguel Lopez de Legazpi C. Ferdinand Magellan

B. Juan Garcia Jofre de Loaisa D. Ruy Lopez de Villalobos

21 .Siya ay isang Portuguese na naglilingkod sa hari ng Espanya sa pamamagitan ng

pamumuno sa maambisyong ekspedisyon?

A. Christopher Columbus C. Ruy Lopez de Villalobos

B. Ferdinand Magellan D. Vasco Nuňez de Balboa

22. Ito ang simbolo ng pananampalataya ng mga Kristiyano. .

A. kampana B. krus C. kutsara D. kutsilyo

23. Ang marahas na pamamalakad ng mga opisyal ng mga Espanyol ay isinisimbolo ng ___________.

A. eskoba B. eskwala C. espada D. estatwa

24. Ang nagbabantay sa kaayusan ng bansa ay ang pwersang ____________.

A. masa B. matanda C. milenyo D. militar

25. Ipinalaganap ng mga Espanyol ang pananampalatayang _____________.

A. Animismo B. Budhismo C. Kristiyanismo D. Paganismo

26. Ang Sinulog ay pagdiriwang na ginaganap sa ___________.

A. Cebu B. Dumaguete C. Ilo-ilo D. Negros

27. Ang namumuno sa mga par isa isang parokya ang ay tinatawag na _____________.

A. kura paroko B. ministro C. pastor D. prayle

28. Ang mga ninuno ay may relihiyon na bago dumating ang mga Espanyol. Alin dito ang

hindi kasama na sinasamba ng mga tao noon?

A. bato B. manika C. puno D.tubig


29. Anong grupo ng mga misyonerong prayle ang unang dumating sa Pilipinas?

A. Augustinian B. Dominican C. Jesuit D. Recollect

30. Ang _______ ay sistema ang kung saan binibigyang-karapatan ang mananakop na pamahalaan ang isang
teritoryo at mga mamamayan nito.

A. encomienda C. falla

B. kristiyanisasyon D. sistemang bandala

31. Ang _________ ay ang buwis na binabayaran ng mga taga-Zamboanga sa mga Espanyol para sa pagsupil
sa mga Moro.

A. bandala B. falua C. samboangan D. vinta

32. Ito ay ang sitema ng pagbubuwis na ipinapatupad ng mga Espanyol na maaring salapi o katumbas na
halaga nito sa produkto.

A. encomienda C. tributo

B. cedula personal D. sistemang bandala

33. Ang tawag sa mga pinunong Espanyol na nabigyan ng karapatang sakupin at pamunuan ang isang
teritoryo at mga mamamayan nito ay _______________.

A. encomendero C. cabeza de barangay

B. gobernadorcillo D. gobernador-heneral

34. Ang ________ ay ang patakaran na sapilitang pagbili ng pamahalaan ng ani ng mga magsasaka sa
mababang halaga.

A. encomienda C. tributo

B. cedula personal D. sistemang bandala

35. Anong programa ni Jose Basco na pinangangasiwaan ng pamahalaan ang pagtatanim ng tabako?

A. Obras Pias C. Real Compania

B. Kalakalang Galyon D. Monopolyo ng Tabako

36. Ang kalakalan sa pagitan ng Maynila at Acapulco ay ang Kalaka lang _____.

A. Galyon B. Mexico C. Spain D. Tabako

37. Sino ang kinatawan ng hari ng Espanya sa Pilipinas?

A. cabeza B. conquistador C. gobernador-heneral D. prayle

38. Ito ay tinatawag ding polo y servicio.

A. Kalakalang Galyon C. Royal Company

B . Monopolyo ng Tabako D. Sapilitang Paggawa

39. Sa anong edad dapat magtrabaho sa pamahalaan ang mga kwalipikadong

kalalakihan sa loob ng 40 na araw?

A. 12 – 25 B.16- 60 C. 21-40 D. 25-50

40. Kailan itinatag ang Royal Company?

A.1521 B.1626 C. 1785 D.1895

41. Anong uri ng pamahalaan mayroon ang sinaunang Pilipino bago dumating ang mga

Espanyol?

A. Barangay o Sultanato C. Diktadorya


B. Demokrasya D. Sentral
42. Sa kasalukuyang panahon, ano ang tawag sa taong namumuno sa ating bansa?

A. Hari B. Heneral C. Pangulo D. Sultan

43. Sa panahon ng kolonyalismo, sino ang kinatawan ng Hari ng Espanya at tagapamahala

sa buong kapuluan ng Pilipinas?

A. gobernador-heneral B. hari C. ministro D. pangulo

44. Kanino nanggagaling ang mga batas na ipinapatupad noong panahon ng sinaunang

Pilipino?

A. datu o sultan B. gobernador-heneral C. ministro D. pangulo

45 .Isang hukumang tagasiyasat sa mga gawain ng gobernadora- heneral sa pagtatapos ng

kaniyang panunungkulan.

A. Alguacil B. Escribano C. Residencia D. Visita

46. Ang pamahalaang local ay nahahati sa panlalawigan, panlungsod, pambayan, at _______.

A. alcaldia B.corrigimiento C. pambarangay D. pueblo

47. Ito ay ang pagpapadala ng Hari ng Espanya ng visitador-heneral sa kolonya.

A. Alguacil B. Escribano C. Residencia D. Visita

48 .Bakit marami ang dumanas ng matinding paghihirap sa kabila ng maraming

programang pangkabuhayan at pang-ekonomiya na ipinapatupad ng pamahalaan

sa pamamahala ng mga Espanyol? Dahil __________________.

A. pinagpuputol sila ng mga puno para gawing galyon


B. isinama sila sa mga ekspedisyon bilang tagasagwan
C. mahal ang mga produktong inangkat galing sa Espanya at ibang bansang Asyano
D. hindi naisaalang-alang ang kapakanan at pag-unlad ng mga karaniwang mamamayan

49 .Bakit kailangang sumailalim ang 4an ang4ora-heneral at iba pang opisyal sa pagsusuri ng

kanilang mga nagawa at hindi nagawa sa kolonya pagkatapos ng kanilang

panunungkulan? Ito ay upang _____________.

A. mabigyan ng karampatang parusa kung sila ay nagkasala


B. maimbestigahan ang pamamahala ng mga opisyal
C. matiyak ang maayos na panunungkulan
D. lahat ng nabanggit.

50 .Kung ikaw ay nabubuhay 4an ang ipinapatupad ang polo y servicio at dinala ka sa

malayong lugar. Ano ang iyong maramdaman?

A. Matutuwa, dahil makakarating ako sa ibang lugar.


B. Malulungkot, dahil mapalayo ako sa aking pamilya.
C. Eksayted, dahil panibagong karanasan ang naghihintay.
D. Magagalit, dahil labag ito sa patakaran ng programa batay sa Laws of the Indies.

GOODLUCK!!!!
ANSWER KEY IN AP 5

1.D 26. A

2.D 27. D

3.C 28. B

4. C 29. A

5. A 30. A

6. B 31. C
7. B 32. D

8. B 33. A

9. A 34. D

10.D 35. D

11. A 36. A

12. A 37. C

13. D 38. D

14. B 39. B

15. B 40. C

16. C 41. A

17. C 42. C

18. B 43. A

19. A 44. A

20. A 45. C

21. B 46. C

22. B 47. D

23. C 48. D

24. D 49. D

25. C 50. D

You might also like