You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Division of City Schools
Koronadal District VII
MANGGA ELEMENTARY SCHOOL
Barangay Saravia (Bo. 8), Lungsod ng Koronadal

IKALAWANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5

NAME: ________________________________________ GRADE:___________ SCORE:________


SCHOOL: ________________________________________________ DATE:_________________

Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang bawat bilang at sagutin ang mga ito ng
mahusay. Isulat ang titik sa inyong sagutang papel.

1. Ano ang kolonisasyon?


A. Ito ay pananakop ng mga bansa sa Europa sa malalayong lupain upang gawing
teritoryo.
B. Ito ay ang pagpapalaganap ng kristianismo sa mga ibang bansa.
C. Ito ay ang pagtuklas sa ibang lugar upang maging mayaman ang mga bansa sa
Europa
D. Ito ay ang pagdating ng mga Espanyol sa kapuluan ng Pilipinas.

2. Aling mga bansa sa Europa ang nanguna sa pagtuklas ng ibang lugar o bansa sa
mundo?
A. Portugal at Amerika C. Portugal at Espanya
B. Espanya at India D. Espanya at Amerika

3. Anong kasunduan ang pinagtibay upang matukoy ang hangganan ng lugar na


pwedeng tuklasin ng Portugal at Espanya?
A. Kasunduan sa Paris C. Kasunduan sa Europa
B. Kasunduan ng Tordesillas D. Kasunduan sa Limasawa

4. Sino ang nagbigay ng pahintulot sa bansang Portugal at Espanya na tumuklas ng


ibang lugar o bansa upang mapalaganap ang Kristiyanismo?
A.Papa Juan Pablo C. Papa Alexander VI
B. Papa Alexander the Great D. Papa Pedro de Valderrama

5. Ano ang naging dahilan kung bakit gusto ng Espanya na masakop ang Pilipinas?
A. Mayaman sa likas na yaman ang Pilipinas kaya gusto nilang dito kumaha ng
mga raw materials.
B. Nagustuhan nila ang katangian ng mga Pilipino kaya sinakop nila ito
C. Gusto nilang maging mayaman ang mga Pilipino kaya sinakop nila ito
D. Gusto nilang pangunahan ang pamahalaan ng Pilipinas.
6. Bukod sa yamang likas na taglay ng Pilipinas, ano pa ang ibang dahilan ng
pagsakop ng Espanya dito?
A. Ninais nilang maging kaibigan ang mga Pilipino
B. Nais nilang ipalaganap ang Kristiyanismo sa bansa at sa mga Pilipino
C. Gusto nilang makilala ang Pilipinas bilang sentro ng industriya
D. Kaibiganin ang mga katutubong Pilipino.

7. Ano ang naging hindi magandang epekto ng kolonisasyon sa bansa?


A. Nalinang ng husto ang likas na yaman ng Pilipinas
B. Ang mga Espanyol ang higit na nakinabang sa likas na yaman ng kolonya
C. Ang mga Pilipino ay natuto sa mga gawaing pang industriya.
D. Naging rebelde ang mga katutubong Pilipino

8. Sa teknolohiya at kalusugan, ano ang naging epekto ng kolonisasyon sa bansa?


A. Natuto ang mga Pilipino sa paggamit ng bagong makinarya
B. Natuto ang mga Pilipino sa panggagamot at paraan ng paggamot at pagpuksa
sa mga sakit.
C. Ang watak-watak na teritoryo ay naging isang estado.
D. Nakagawa ang mga Pilipino ng iba’t ibang sandata
9. Sino ang namuno sa paglalayag ng Espanya upang tumuklas ng ibang lupain?
A. Ferdinand Marcos C. Ferdinand Vallejo
B. Ferdinand Magellan D. Ferdinand Bautista

10. Isa sa mga dahilang dala ni Magellan sa kanyang ekspedisyon ay ang


paghahanap ng Spice Island. Ano ang makukuha nila dito?
A. Mga kagamitan sa paggawa ng Bangka
B. Mga pampalasa ng pagkain
C. Mga kagamitan o materyales sa paggawa ng alak
D. Mga palamuti at pampaganda
11. Ito ay kapirasong papel na tinatanggap mula sa pamahalaan bilang
katibayan ng pagbabayad ng buwis.
A. Cedula Personal C. Reales
B. Falla D. Tributo
12. Siya ang kauna-unahang Gobernador-Heneral sa Pilipinas.
A. Ferdinand Magellan C. Martin de Goiti
B. Juan de Salcedo D. Miguel Lopez de Legaspi
13. Siya ang may karapatang maningil ng buwis sa mga mamamayang sakop ng
encomienda.
A. Cabeza de Barangay C. Encomienda
B. Encomendero D. Tributo
14. Itinuturing na administratibong yunit para sa koleksyon ng buwis.
A. Cabeza de Barangay C. Encomienda
B. Encomendero D. Tributo
15. Taga-singil ng buwis na kadalasan ay dating Datu na sa ilalim ng
pamahalaang Espanyol.
A. Cabeza de Barangay C. Encomienda
B. Encomendero D. Tributo

16. Ito ay isang mahalagang nagawa ng mga Espanyol upang turuang maging
Kristiyano ang mga Pilipino, ang katesismong Katoliko.Ano ito?
A. Reduccion B. doctrina C. polo D. Qur’an
17. Ito ang unang hakbang ng mga Espanyol sa pagtatatag ng kolonya. Ito ay
isang luag na nangangahulugang ipinagkatiwala. Ano ito?
A. Polo B. encomienda C. reduccion D. tributo
18. Ano ang tungkulin ng isang encomendero?
A. Panatalihin ang katahimikan at kaayusan ng kanyang lugar
B. Mangolekta ng buwis ayon sa itinakdang halaga
C. Palaganapin ang Kristiyanismo
D. Pangunahan ang unang misa
19. Ang lahat ng lalaki na may gulang na 16 hanggang 60 ay kailangang
magtrabaho ng walang bayad sa ilalim ng patakaran ng Espanya. Ano ang tawag
dito?
A. Tributo B. falla C. sapilitang paggawa D. reduccion
20. Maaaring malibre ang mga lalaking sasailalim sa sapilitang paggawa kung
sila ay makakabayad sa tinatawag na _______
A. Tributo B. falla C. sapilitang paggawa D. Reduccion
21. Ano ang kaugnayan ng reduccion sa Kristianisasyon ng mga Pilipino?
A. Ang mga Pilipino ay sapilitang inilipat sa iisang lugar upang
turuan sila ng Kristiyanismo.
B. Inilipat sila sa sentro upang mamuhay ng Masaya
C. Sapilitan silang inilipat sa sentro upang Makita ang pueblo
D. Turuan sila sa pagsasaka, pangangaso at pangingisda
22. Anong mga lugar ang ipinatayo ng mga Espanyol upang lalong maging
malapit ang mga Pilipino sa Kristiyanismo?
A. Mga parke at palaruan C. convento at simbahan
B. palengke at paaralan D. parke at paaralan
23. Ilang reales ang tributo o buwis noong unang panahon?
A. 18 reales B. 12 reales C. 10 reales D. 16 reales
24. Maliban sa salapi , ano pa ang maaaring ibigay bilang tributo?
A. Ginto B. palay C. mga produkto D.mga libro
25. Ano ang naging reaksiyon ng mga Pilipino sa sapilitang paggawa?
A. Nagustuhan nila ito dahil natututo silang magtrabaho
B. Tinutulan nila ito dahil itoy sapilitan at walang bayad
C. Marami sa mga Pilipino ang tumulong sa pagpapatupad ng sapilitang
paggawa
D. Marami sa kanila ang naging rebelde dahil sa walang sapat na trabaho
26. Ano ang naging masamang epekto ng sapilitang paggawa sa mga Pilipino?
A. Nahiwalay ang mga kalalakihan sa kanilang pamilya
B. Lumaki ang kita ng bawat pamilya dahil sa paggawa
C. Mas naging masipag ang mga Pilipino dahil sapilitan ang kanilang pagggawa
D. Lumaban ang mga Pilipino sa mga Espanyol
27. Ilang araw nagtatrabaho ang sapilitang paggawa sa loob ng isang taon?
A. 10 B. 20 C. 30 D. 40
28. Anu-anu ang kadalasang ginagawa ng mga sapilitang paggawa?
A. Parke, paaralan, munisipyo, bahay
B. Mall, palengke, parke, galyon
C. Munisipyo, paaralan, pamahalaan, simbahan
D. Simbahan, Munisipyo, bahay na bato, at galyon
29. Anu ang tawag sa mga taong nagtatrabaho sa sapilitang paggawa?
A. Falla C. Polista
B. Tributo D. Gobernador
30. Ito ay kalipunan ng mga batas na mula sa mga mananakop na Espanyol at
ipinaiiral sa mga kolonya.
A. Laws of the Indies C. Laws of the Philippines
B. Laws of the Polistas D. Laws of the Justice
31. Siya ang nagpapatupad ng batas mula sa Spain
A. Cabeza de Barangay C. Polista
B. Gobernador- Heneral D. Royal Audiencia
32. Siya ang katas-taasang hukuman ng Pilipinas noong panahon ng kolonya.
A. Cabeza de Barangay C. Polista
B. Gobernador- Heneral D. Royal Audiencia
33. Ito ay itinatag ng Hari ng Espanya para gumawa ng hayag na pagsisiyasat
sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan sa pagtatapos ng kanilang
panunungkulan.
A. Cabeza de Barangay C. Polista
B. Residencia D. Visita
34. Ito ay pagpapadala ng isang opisyal na tinatawag na Visitador-Heneral para
gumawa ng lihim na pagsisiyasat tungkol sa mga Gawain at gawi ng mga
nanunungkulan sa pamahalaan.
A. Cabeza de Barangay C. Polista
B. Residencia D. Visita
35. Ito ay katumbas ng Mayor ng isang munisipyo o lungsod.
A. Alcalde-Mayor
B. Cabeza de Barangay
C. Gobernadorcillo
D. Gobernador-Heneral
36. Ito naman ay katumbas ng Punong Barangay ngayon.
A. Alcalde-Mayor
B. Cabeza de Barangay
C. Gobernadorcillo
D. Gobernador-Heneral
37. Ito ay katumbas naman ng Gobernador ng isang lalawigan.
A. Alcalde-Mayor
B. Cabeza de Barangay
C. Gobernadorcillo
D. Gobernador-Heneral
38. Ito ay ang pinakamaliit nay unit ng pamahalaang local
A. Gobernador-Heneral
B. Alcalde-Mayor
C. Gobernadorcillo
D. Cabeza de Barangay
39. Ginagampanan nila ang tungkulin bilang gobernador, hukom, at ingat-
yaman sa kani- kanilang lalawigang pinangangasiwan.
A. Alcalde Mayor at Corregidor
B. Gobernador-Heneral
C. Gobernadorcillo
D. Cabeza de Barangay
40. Pinapangasiwaan ito ng isang konseho o ayuntamiento o cabildo.
A. Alcalde
B. Gobernador-Heneral
C. Gobernadorcillo
D. Cabeza de Barangay
TABLE OF SPECIFICATION (ARALING PANLIPUNAN V) SECOND QUARTER

Competencies No. of Item

Remembering
Items Placemen

Understanding

Evaluating
t

Analyzing
Applying

Creating
Naipapaliwanag ang mga dahilan ng 10 1-10
kolonyalismong Espanyol
Nasusuri ang mga paraan ng 10 11-20
pagsasailalim ng katutubong populasyon
sa kapangyarihan ng Espanyol
a.Pwersang military/divide and rule
b.Kristiyanisasyon
Nasusuri ang epekto ng mga patakarang 10 21-30
kolonya na ipinatupad ng Espanya sa
bansa
 Patakarang pang-ekonomiya

Nasusuri ang epekto ng mga patakarang 10 31-40


kolonya na ipinatupad ng Espanya sa
bansa

 Patakarang Pampolitika
(Pamahalaang kolonyal)

You might also like