Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
Region XII
Division of City Schools
District VII
MANGGA ELEMENTARY SCHOOL
Brgy Sarabia (Bo 8), City of Koronadal
SAPPHIRE/AMETHYS
Name of Teacher FE C. TULDA Section
T
Leaning Area MAPEH Time
Grade Level IV Date
YUNIT 3: PAGLILIMBAG
Aralin Bilang 1: Testura (Texture)
I. Layunin:
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Itanong: Ano ang ginamit mong mga elemento ng sining sa iginuhit mong
landscape?
2. Pagganyak
Ipasuri ang mga sumusunod na larawan/bagay at ipasagot ang mga
katanungan ukol sa mga ito. (Maaring gumamit ng mga tunay na bagay)
1. Anu-anong mga disenyo ang nakikita ninyo?
2. Ano ang masasabi mo sa testura na nasa mga larawan/ iyong harapan?
3. Saan mo kadalasang nakikita ang mga disenyong tulad nito?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
ITANONG:
a. Ang lahat ng mga bagay ay nagtataglay ng iba’t ibang testura. Ano ang
masasabi ninyo sa testura ng mga basket na yari sa yantok?
b. Ano ang masasabi ninyo testura ng mga pantalya (lampshades) na gawa
sa Pampanga? ; sa banig na yari sa abaka?; sa telang hinabi ng mga taga-
Mindanao?; sa mga bag na yari sa buri?
c. Masdan ang inyong paligid. Magbigay ng halimbawa ng mga bagay na
makikita sa paligid at sabihin kung anong testura nito.
d. Bakit nagkakaiba-iba ang testura ng mga bagay?
e. Paano natin malalaman ang testura ng isang bagay?
2. Gawaing Pansining
ITANONG:
a. Ano ang masasabi mo sa iyong obra? Saan mo maaaring gamitin ang
natapos mong border design?
b. Ilarawan ang testura ng mga kagamitang ginamit mo sa paglimbag ng
disenyo?
c. Ano ang kabutihang naidudulot ng paglagay ng disenyo sa mga bagay o
produkto?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
2. Repleksiyon
IV. Pagtataya
Magsaliksik ng mga halimbawa ng ethnic designs. Iguhit ito sa papel at ihanda para
sa susunod na aralin.