You are on page 1of 6

(HE5) ARALIN 18 :

Pagbuo ng Kagamitang Pambahay na maaring Pagkakitaan(Paggawa ng Apron)- 3 araw

I. NILALAMAN

Sa araling ito, ang paglinang ng kaalaman at kasanayan ng mag-aaral ay nakakatulong


upang mapaunlad ang pamumuhay ng mag-aaral sa pagkat maaari na silang makabuo ng mga
bagay na maaaring pagkakitaan sa simple o payak na paraan.

II.LAYUNIN
1. Nabubuo ang kagamitang pambahay na maaring pagkakitaan.
2. Nakalilikha ng isang malikhaing proyekto
3. Nakapipili at Nakapamimili ng materyales

III.PAKSANG-ARALIN
Paksa: Pagbuo ng Kagamitang Pambahay na maaring Pagkakitaan(Paggawa ng Apron)
Sanggunian: EPP 5 HE
Og-18
Kagamitan: Tela, sinulid, karayom, pardon, medina, gunting

IV.PANIMULANGPAGTATASA
Alam niyo ba na maaring pagkakitaan ng pamilya na maipakikita ang pagkamaparaan at
pagkamalikhain aat maisasagawa mula sa mura at matatagpuan sa pamayanan.

V.PAMAMARAAN
A.Pagganyak
Mga bata, anu-anong mga kagamitan sa bahay ang inyong makikita?
kapaki-pakinabang ba ito?
B.Paglalahad
Ipakita ang mga kagamitang pambahay. Ipasuri sa mga bata kung alin sa mga
ito ang pwedeng pagkakitaan;bakit ito pwedeng pagkakitaan at kalian pwedeng
pagkakitaan.
C.Pagpapalalim ng Kaalaman
Gabayan ang mga bata sa pagpili ng mga kagamitang pambahay na maaaring
pagkakitaan. Itala ang napiling kagamitan isulat ang paraan ng paggawa nito.
D. Paglalahat
Sa pagpili at pagbuo ng kagamitang pambahay kailangn isa alang-alang natin
ang mga bagay na matatagpuan sa pamayanan at tiyaking ito ay kapaki-pakinabang sa
loob at labas ng tahanan.

VI.PAGTATAYA
Sagutin ang mga tanong:
1.Anu-anong kagamitang pambahay ang nasa inyong tahanan?
2.Anu-anong kagamitang pambahay ang maaaring pagkakitaan?
3.Bakit mahalagang malaman ang gamit ng bawat isa?

VII.PANGWAKAS NA PAGTATASA
1.Ipahanda sa mga mag-aaral ang mga kagamitan at paraan ng pagsasagawa ng
napiling proyekto.
2.Ipagawa sa mag-aaral ang napiling kagamitan.
3.Subaybayan ang mga mag-aaral sa paggawa ng kagamitang pambahay.

VIII.PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN
Ipasaliksik sa mga bata ang iba’t-ibang uri ng kagamitang pambahay at ang paraan ng
paggamit nito.
(HE5) ARALIN 19:

Nasuri ang proyekto ayon sa sariling mungkahi at ng iba gamit ang rubrics (1araw)

I.NILALAMAN

Sa araling ito tatalakayin ang iba’t-ibang paraan ng pagpapahalaga, pagpapasiya ng


proyektong nabuo ng bawat mag-aaral. Ito’y nagsisilbing batayan kung pagbubutihin o
pagagandahin pa ng mga mag-aaral ang proyektong naisagawa sa pamamagitan ng iba’t-ibang
instrumento sa pagtataya tulad ng rubrics.

II.LAYUNIN

1. Nasuri ang proyekto ayon sa sariling mungkahi at ng iba gamit ang rubrics.

2. Napapahalagahan ang nabuong proyekto batay sa sariling pananaw at mungkahi ng


iba.

III.PAKSANG-ARALIN

Paksa: Pagsusuri/Pagpapahalaga sa Natapos na Proyekto

Sanggunian: EPP 5 HE

Og- 19

Kagamitan: lapis,typewriting, rubrics na nakasulat sa manila paper, tsart ng rubrics.

IV.PANIMULANG PAGTATASA

Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod na tanong:

1.Sinu-sino ang maaring magpahalaga sa natapos na proyekto?

2.Bakit mahalagang matutunan ang wastong pagpapahalaga sa sariling gawa?

V.PAMAMARAAN

A.Paggaganyak

1.Ipalabas sa mag-aaral ang isang natapos na aralin

2.Ipalahad sa mga mag-aaral kung ssila ay nasiyahan sa nabuong proyekto. Itanong


kung kanino humingi ng suhestiyon upang mapaganda ang proyekto.
3.Ipasuri sa mag-aaral ang isang halimbawa ng scorecard na nasa Alamin Natin sa LM.

B.Paglalahad

1.Talakayin ang iba’t-ibang uri ng instrumento sa pagtatayo na nasa Linangin Natin sa


Letrang A ng LM.

2Hayaan ang mag-aaral na paghambingin ang iba’t-ibang instrument ng pagtataya.

C.Pagpapalalim ng Kaalaman

Hayaan ang mga mag-aaral na pahalagahan ang kanilang nabuong proyekto ayon sa
scorecard na nasa Linangin Natin sa letrang B ng LM.

D.Pagsasanib

1.Itanong sa pagmamarka sa nabuong proyekto, bakit mahalaga na maging tapat ka sa


pagpapahalaga sa ginawang proyekto?

2.Paano mo dapat tanggapin ang mga mungkahi at puna ng iba tungkol sa natapos na
proyekto?(ESP)

E.Paglalahat

Itanong sa mga bata ang kahalagahan ng paggamit ng iba’t-ibang instrumento sa


pagtataya san g natapos na proyekto.

VI.PAGTATAYA

Ipasagot ang Gawin Natin sa LM.

VII. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN

Sabihin sa mga mag-aaral na ipakita sa kanilang mga magulang o kaibigan ang mga
natapos nilang proyekto.

Ipatala sa kwaderno ang kanilang mga nagging suhestiyon o mungkahi.

VIII.KARAGDAGANG SANGGUNIAN

Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuluhan


(HE5) ARALIN 20 :
NAISASAAYOS ANG NABUONG PROYEKTO KUNG KINAKAILANGAN (1 araw)

I.NILALAMAN

Matapos bigyan ng pagpapahalaga ang natapos na proyekto at hindi naging maganda


ang kinalabasan nito, oras na upang ito ay isaayos at bigayn ng tamang panahon at oras upang
mapaganda at maisaayos sa tulong ng tiyaga, tamang kagamitan at masusing pagbabago sa
proyekto.

II.LAYUNIN

1. Naisasagawa ang nabuong proyekto kung kinakailangan.

III.PAKSANG-ARALIN

Paksa: Pagasaayos ng Proyekto kung kinakailangan

Sanggunian: EPP 5 HE Og- 20

Kagamitan: tela, sinulid, karayom, padron, medida, gunting

IV.PANIMULANG PAGTATASA

Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod na tanong:

1.Naging matagumpay ba ang ginawa mong proyekto?

2.Naging maganda ba ang kinalabasan ng proyekto mong ginawa?

3. Kung hindi naging maganda o maayos ang kinalabasan, ano ang dapat mong gawin?

V.PAMAMARAAN

A.Paggaganyak

Buksan ang aralin sa pamamagitan ng laro. Tingnan sa LM p.____.

B.Paglalahad

1.Ipaskil sa pisara ang mga pamantayan sa proyekto. Timgan sa LM p.___


C.Pagpapalalim ng Kaalaman

Gabayan ang mga mag aaral sa pagtalakay sa wastong pagsasa ayos ng natapos na
proyekto.

Itanong : Bakit kailangan maisaayos ang natapos na proyekto?

D.Pagsasanib

1. Itanong sa mga mag aaral:

Bakit mahalagang isa ayos ang proyekto kung di naging maganda ang kinalabasan?

2. Bakit kailangang isaalang alang ang kagamitan, panahon, oras at salapi sa pag
aayos ng proyekto?

E.Paglalahat

Upang maisaayos ang natapos na proyekto kung kinakailangan, sundin ang


pamantayan sa pagsasaayos.

VI.PAGTATAYA

Ipasagot ang Gawin Natin sa LM.

VII. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN

Sagutin ang PAGYAMANIN NATIN sa LM p _____.

VIII.KARAGDAGANG SANGGUNIAN

Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuluhan 5

You might also like