You are on page 1of 5

Industrial

Arts
Aralin 9

PAYAK NA PAGKUKUMPUNI NG SIRANG KAGAMITAN AT


KASANGKAPAN SA TAHANAN AT PAARALAN

NILALAMAN
Sa araling ito tatalakayin kung ano ang kahalagahan ng pagkukumpuni at
kung paano ang isang mag-aaral ay makakatulong sa pagsasa-ayos ng mga
sirang kagamitan sa tahanan sa wastong pamamaraan.

LAYUNUN
Naisasagawa ang payak na pagkukumpuni ng sirang kagamitan
atnkasangkapan sa tahanan at paaralan
Natatalakay ang kahalagahan ng mga kaalaman at kasanayan sa mga
payak na pagkukumpuni sa tahanan at paaralan.

Naipaliliwanag ang mga hakbang sa pagkukumpuni ng mga sirang


kagamitan sa tahanan o paaralan.

Natutukoy ang mga kasangkapan/kagamitan sa pagkukumpuni at wastong


paraan ng paggamit nito.

ALAMIN NATIN

A. Anu-anong kagamitan at kasangkapang nakita mo sa palabas? Saan


ginagamit ang mga ito? Paano mo gagamitin ang mga ito?

B. Basahin at unawain ang nasa ibaba.

“Makatitipid ka ng malaki kung marunong kang magkumpuni.”

LINANGIN
NATIN

Ang mga kasangkapan sa tahanan man o sa paaralan ay pawang mga


bagay lang na nasisira din kahit gaano man ang pag iingat. Mayroong matibay
at mayroon ding marupok na nangangailangan ng panganaglaga.
A. Mahalaga na malaman natin kung paano mo ito maisasaayos muli kung anu-
ano ang mga kasangkapang gagamitin.

Mga Kasangkapan sa Pagkukumpuni at Gamit nito:

1. Martiyo -ginagamit ito na pambaluktot, pampukpok ng metal o pambaon at


pambunot ng pako. Ito ay yari sa matigas na bakal.
2. Lagari- pamutol at pangtistis ng kahoy
3. Ruler/ metro – ginagamit sa pagkuha ng sukat ng papalitang bahagi.
4. Lapis- ito ay karaniwang ginagamit na pang marka sa gagawaing proyekto.
5. Lyabe- ginagamit na pampaluwag o paghigpit sa mga gripo at dugtungan na
yari sa bakal.
6.Disturnilyador/ screw driver- ginagamit na pampahigpit at pampaluwag ng
turnilyo.
7. Tester- ito ay kasangkapang ginagamit sa pagsubok kung ang isang bagay
ay may dumadaloy na kuryente o wala. Ito ay ginagamit upang makaiwas sa
aksidenteng may kaugnayan sa kuryente.
8. Gwantes- ginagamit na proteksyon sa kamay sa anumang gawain.
9.Pliers/Plais- dinagamit sa pagpuputol ng kawad ng kuryente at pangpilipit ng
mga dugtungan ng kawag. Ito ay kinakailangang nababalutan ang hawakan ng
goma o anumang material na hindi tinatagusan ng kuryente o insulator upang
maiwasan ang aksidente o sakuna.
10. Lanseta- ginagamit na pambalat ng kawad ng kuryente

B. Makatitipid tayo ng malaki kung matututunan mo ang wastong paraan ng


pagkukumpuni ng mga nasirang kasangkapan sa tahanan at paaralan.
Isagawa ang gawain na nakasulat sa Activity Card.

Narito ang ilang pangyayari sa loob ng tahanan o paaralan at ang mga


pamamaraan kung paano kukumpunihin ang mga sira :

Sirang Silya at Mesa karaniwang sira ng silya at mesa ang umuugang paa at
sandalan. Ito ay sanhi ng maluluwag na pamakuan at turnilyo.
a. Alamin ang bahaging maluwag ang pamakuan o may nawawalang turnilyo sa
paa ng silya o mesa.
b. Palitan ang sirang bahagi o palitan ang lugar ng pamakuan. Palitan ang
nawawalang turnilyo
c. Maaaring lagyan ng brace ang paa ng silya o mesa ng pahaba o pahalang
upang maging matibay at hindi matuloy ang pagkasira nito.
Ang brace ang mag-dudugtong sa dalawang bahagi ng umuugang bahagi
ng mesa o silya at sandalan nito.

Sirang Sapatilya ng Tumutulong Gripo


a. Isara ang pangunahing tubo o ang check bulb sa tabi ng metro ng tubig sa
pamamagitan ng pagpihit ng balbula upang mapigilan ang pagdaloy ng tubig.
b. Alisin ang takip ng gripo sa pamamagitan ng liyabe de tubo.
c. Alisin ang turnilyong humahawak sa sapatilya at palitan ang sapatilya gamit
ang screw driver.
d. Higpitan ang turnilyo at ibalik muli ang takip na inalis.
e. Buksan ang isinaradong balbula sa tabi ng metro.
f. Subuking buksan-sarhan ang gripo upang matiyak kung naayos ito.

Sirang Extension Cord – ang extension cord ay ginagamit sa mga kagamitang


dekuryente na malayo sa saksakan. Karaniwang nababasag ang saket nito
kapag ito ay nabagsak at pagkaputol ng kawad ang nagiging sira.Ito ay dapat
kumpunihin upang maiwasan ang sakuna tulad ng short circuit o pagkasunog.
a. Palitan ang plug kung yupi na ito o kaya ay maluwag na ang mga tur-nilyo.
b. Ang saket na basag ay kailangan din palitan.
c. Alisin ang insulator -ang kawad na iikot sa terminat. Gumamit ng underwriter’s
knot upang makasiguro na matibay ang kapit ng kawad sa saket.
d. Suriin kung wasto ang pagkakabit ng mga koneksyon sa mga terminal at plug
at higpitan ang mga turnilyong umiipit dito/
e. Subukan kung dadaluyan ng kuryente ang kinimpuning extension cord.

Pagpapalit ng Sirang Switch


a. Patayin ang linya ng kuryente sa main switch or circuit breaker.
b. Alisin ang takip ng switch sa pamamagitan ng pag-aalis ng turnilyong pimipigil
ditto.
c. Tanggalin ang turnilyo sa loob ng switch.
d. Luwaganan ang turrnilyo na nakakonekta sa dalawang terminal upang maalis
ang sirang switch.
e. Palitan ng bagong switch. Tiyakin na tama at maayos ang koneksyo ng kawad
sa terminal.Higpitang mabuti ang pagkakaikot ng turnilyo.
f. Buksan ang linya ng kuryente gamit ang switch at subukang ibukas sara ang
bagong palit upang malaman kung ito ay gumagana na.

Pagpapalit ng Pundidong Ilaw


a. Alamin ang uri ng pundidong ilaw. Maaaring gumamit ng fluorescent, led light,
at bumbilya na karaniwan sa ating tahanan.
b. Alamin din ang kilowatts ng ilaw upang ganoon din ang ipapalit.
c. Kailangan tuyo ang kamay at may sapin sa paa upang hindi
d. Gumamit ng mataas na upuan upang maabot ang papalitang bombilya .
e. Maaari ring palitan ang receptacle kung ito ay nangingitim na. Palitan din upang
magtagal ang ipapalit na bombilya.

Pagpapalit ng Pumutok na Fuse


a. Patayin ang linya ng linya ng kuryente sa main switch.
b. Buksan ang takip ng main switch.
c. Suriin sa pamamagitan ng tester kung alin ang fuse na hindi na gumagana.
d. Alisin sa pamamagitan ng longnose na may insulator ang fuse na hindi na
gumagana at palitan ng bago.
e. Isara ang takip ng main switch at buksan ito upang malaman kung may
dumadaloy ng kurcircuityente.
Pagsasaayos ng Sirang Bisagra
a. Buksan ng husto ang pintuan upang makita ang sirang bisagra.
b. Lagyan ng kalang ang ilalim ng pintuan upang hindi mahirapan sa
pagkukumpuni ng sirang bisagra.
c. Suriing mabuti ang bisagra. Tingnan kung maluwag lamang sa
pinagkakapitang kahoy. Palitan ng mas malaking bisagra upang humigpit sa
pagkakakapit sa kahoy. Kung ang kahoy na pinagkakapitan ay marupok na
ilipat ang bisagra sa ibang bahagi na matibay. Sundin ang sumusunod:
1. Kalasin ang bisagrang luma sa pinagkakabitan gamit ang screw
driver sa pagtatanggal ng mga turnilyo.
2. Markahan ang bahaging paglilipatan ng bisagra. Ukitan ang kahoy
sa pamamagitan ng paet depende sa kapal at laki ng bisagra.
Markahan din ang bahaging pagkakapitan ng turnilyo.
3. Sa pamamagitan ng barena, butasan ng bahagya ang mga
minarkahang bahagi kung saan ang mga turnilyo ay ikakabit.
4. Ilapat ang bisagra sa bahaging inukit at isa-isang ikabit ang mga
turnilyo sa pamamagitan ng disturnilyador. Tiyaking mahigpit ang
mga turnilyo.
d. Kapag ang pintuan ay maingay sa pagbukas-sara, patakan ng langis ang
talasok ng bisagra. Kung maingay pa rin kalasin ang talasok ng bisagra at
linisin sa pamamagitan ng liha o steel brush.

C. Bumuo ng panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugang upang maiwasan


ang anumang sakuna habang nagkukumpuni.

TANDAAN
NATIN

Ang sapat na kaalaman sa pagkukumpuni ng mga payak na sira ng


kasangkapan ay makatutulong sa mga mag-aaral upang maisaayos ng may
pagtitipid ang mga nasirang kasangkapan sa tahanan o sa paaralan,

GAWIN NATIN

Piliin ang wastong sagot sa loob ng saknong.


____________1. Kapag umuuga ang sandalan o paa ng mesa o silya, dapat
lagyan ito ng (bisagra, brace, pako).
____________2. Ang (pliers/plais, disturnilyador, martilyo) ay pang ikot o
panghigpit ng turnilyo.
____________3. Gumamit ng angkop na switch upang maiwasan ang (fuse,
kilowatt, short circuit).
____________4. Alisan ng ( tape, insulator, plug) ang kawad na iiikot sa
terminal.
____________5. Ang (,insulator, extension cord, tester) ay ginagamit na
kagamitang dekuryente na malayo sa saksakan.

PAGYAMANIN NATIN

Kumpunihin ang mga sirang kasngkapan sa tahanan at gawing batayan


ang mga tuntuning natutunan sa araling ito.

You might also like