You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA EPP (IA)

October 8, 2019

I. LAYUNIN

 Naisasagawa ang payak na pagkukumpuni ng sirang kagamitan at kasangkapan sa tahanan at


paaralan
 Naipaliliwanag ang mga hakbang sa pagkukumpuni sa Sirang Bukasan ng Bintana
 Natutukoy ang mga kasangkapan/kagamitan sa pagkukumpuni at wastong paraan ng
paggamit nito.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Payak na Pagkukumpuni
Sanggunian: EPPIA-0i-9
Karagdagang Sanggunian:
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5 pp.178-182

Kagamitan: Mga Kasangkapan sa pagkukumpuni, mga


Sirang kasangkapan, larawan, at iba pa.

III. PANIMULANG PAGTATASA


Ipasagot sa mag-aaral ang katanungan sa ibaba: Lahat ng sagot ay tatanggapin.

Ano ang kahalagahan ng kaalaman sa pagkukumpuni ng mga kasangkapan sa bahay man o


paaralan?

IV. PAMAMARAAN
A. Pagganyak
Isaayos ang mga salitang nasa ibaba.

PGAUKUKMUPIN AS SNARIG BKUAASN GN BNIATAN


B. Paglalahad
Magpakita ng larawan ng mga di-inaasahang pangyayari sa loob ng tahanan o paaralan tulad ng
sirang bukasan ng bintana

Ipakitang turo ang pagkukumpuni ng sirang paa ng upuan at ang mga materyales na
kakailanganin.

Talakayin ang mga kagamitang ginamit sa pagkukumpuni at ang gamit nito.

PAGKUKUMPUNI NG SIRANG BINTANA


Mga Kagamitan/ Materyales
 Martilyo, pako, lagari, katam, panukat, lapis, bisagra, pamlit na kahoy at table.
Mga Pamamaraan
1. Obserbahan ang laki ng sira na dapat ayusin at pag-isipan kung paano maiiwasan ang
lubusang pagbaklas sa kabuuan ng bintana.
2. Kunin ang tamang taas, lapad at kapal ng bahagin na kailangang palitan. Kung ang nasira ay
kalahating bukasan ng bintana, dapat itulad ang bahaging kukumpunihin sa bahaging maayos
pa.
3. Putulin ang mga kahoy batay sa mga sukat na nakuha. Kinisin gamit ang katam.
4. Unahing buuin ang mga haligi ng bukasan gamit ang pako at martilyo. Isunod ang
paglalapat ng tablang pantakip.
5. Matapos buuin ang nasirang bukasan, ilapat ito sa bintana. Ipako ang bisagra sa bukasan.
6. Suriin kung ang bintana ay maayos na nabubuksan at naisasara.
C. Pagpapalalim ng Gawain
Pangkatin ang klase sa lima at hayaang gawin ang itatalagang gawain ng guro sa bawat grupo na
nangangailangan ng pagkukumpuni batay sa wastong mga paraan ng pagkukumpuni.( Gamit ang
Activity Card)
Patnubayan at subaybayan ang bawat pangkat sa kanilang gawain.

D. Pagsasanib
Itala ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan ginamit upang maiwasan ang anumang
sakuna.( Integrasyon sa Health)

E. Paglalahat
Ang sapat na kaalaman sa pagkukumpuni ng mga payak na sira ng kasangkapan ay
makatutulong sa mga mag-aaral upang maisaayos ng may pagtitipid ang mga nasirang kasangkapan
sa tahanan o sa paaralan.

V. PAGTATAYA

Magbigay ng 5 kagamitan sa pagkukumpuni ng sirang bukasan ng bintana. Itala din kung saan ito
ginagamit.
1. __________________________________________________________________________________________________________
2. __________________________________________________________________________________________________________
3. __________________________________________________________________________________________________________
4. __________________________________________________________________________________________________________
5. __________________________________________________________________________________________________________

VI. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN


Kumpunihin ang mga sirang kasangkapan sa tahanan at gawing batayan ang mga tuntuning
natutunan sa araling ito.

VII. MGA TALA

VIII. REPLEKSYON

Malikhain
A. No. of learners who earned 80% in the evaluation

Malikhain
B. No. of learners who require additional activities for remediation

C. Did the remedial lessons work? No. of learners who have caught up with the
lesson
D. No. of learners who continue to require remediation
Strategies used that work well:
___ Group collaboration ___ Games
___ Power Point Presentation ___ Answering preliminary activities/exercises
___ Discussion ___ Role Playing/Drama
___ Discovery Method ___ Lecture Method
E. Which of my teaching strategies worked well? Why did these work?
Why?
___ Complete IMs
___ Availability of Materials
___ Pupils’ eagerness to learn
___ Group member’s Cooperation in doing their tasks
__ Bullying among pupils
__ Pupils’ behavior/attitude
__ Colorful IMs
__ Unavailable Technology
F. What difficulties did I encounter which my principal or supervisor can help me
Equipment (AVR/LCD)
solve?
__ Science/ Computer/ Internet Lab
__ Additional Clerical works
__Reading Readiness
__Lack of Interest of pupils
Planned Innovations:
__ Localized Videos
G. What innovation or localized materials did I use/discover which I wish to share __ Recycling of plastics to be used as Instructional Materials
with other teachers? __ local poetical composition
__Fashcards __Pictures

You might also like