You are on page 1of 1

Uri ng Panahanan

Upang maging mas sistematiko ang kontrol ng mga misyonero sa mga katutubo,
naisipan nilang paglapit-lapitin ang mga panahanan. Nagbigay ng panukala ang mga prayle na
tipunin ang mga katutubo sa isang lugar. Ang panukalang ito mas kilala sa tawag ng reduccion.
Higit nanging madali para sa mga Espanyol ang paglilipat ng mga katutubo sa pueblo.
Para sa ating ninuno, hindi tugma sa kanilang pamumuhay ang inihahaing bagong pamayanan.
Karamihan sa kanila ay ayaw umalis sa lupang sinilangan o di kaya’y ayaw malayo sa kanilang
ikinabubuhay.
Dahil sa pagtangi ng karamihan sa panukulang sama-samang panirahan
nagpasayahan na ang lugar na malapit sa ilog o dagat ay gawing cabisera.
Ang cabisera ang panahanang pinakasentro ng parokya. Ang parokya ay isang lugar
kung saan sama-samang naninirahan ang mga tao sa pamamahala ng isang pari.
Ang lugar na ito ay tinatawag na pueblo na kung saan ang mga paninirahan ay kailangan
sumunod sa mga patakarang kolonyal. Ang bawat pueblo ay may plaza complex na
matatagpuan sa mismong gitna o setro.
Sa pamamagitan nito, napadali an gang kanilang pamamahala at mas mabilis nilang na
palalaganap ang Krisitiyanismo.
Ang setro ng pamayanan ay napaliligiran ng mga bahay ng mga Espanyol. Susunod
naman ang mga bahay ng mga principalia (mga hacienderos, mga propesyunal at mga datung
pinunong katuutbo na ngayon ay bahagi ng pagpaptupad ng patakarang kolonyal).
Ang hanay ng tirahan ng mga principalia ay sinundan ng tirahan ng mga karaniwang
katutubo. Ang hanay ng mga bahay na ito ay papalayo na sa sentro.
Ang mga lugar na malayo rito ay ginagawang sitio at ang lalong malalayong lugar ay
rancheria.
Kung susuruin, ang anyo ng pagkakabuo ng bagong pamayanan ay nagpapahiwatig sa
intensidad ng kapanyarihan. Kung ikaw ay naninirahang malapit sa plaza. Ito ay
nagngunguhulugan na malaki ang iyong kapanyarihang pulitikal at ang inyong bahay ay
karaniwang gawa sa bato. Kun g ikaw naman ay malayo sa plasa, maliit o wala kang
kapangyarihang pulitikal.

You might also like