boleta – tiket o papel na nagbibigay ng karapatan sa nagmamay-ari nito na
magkaroon ng bahagi o silid sa Manila Galleon na paglalagakan ng mga kargamento • cacique – may-ari ng malawak na lupain • cumplase – kapangyarihan ng gobernardor heneral na ipagpaliban o huwag ipatupad ang batas ng Spain o dekreto ng hari dahil hindi ito praktikal o hindi kayang isagawa sa panahong iyon • encomienda – pagkakatiwala ng mga lupain at ang mga nakatira rito sa ilang mga opisyal na Espanyol kung saan tutulong sila sa pagpapakalat ng kulturang Espanyol, pagpapalaganap ng Katolisismo, at pagbibigay-proteksiyon at pagsingil ng tributo sa mga katutubo • Patronato Real – kasunduan ng hari ng Spain at ng Santo Papa sa Rome na palaganapin ang Katolisismo sa mga lupaing sakop ng Spain; dito ay hinirang ang hari bilang Real Patron na may kapangyarihang magtalaga ng mga obispo sa mga kolonya • polista – isang manggagawa na naglilingkod sa polo • polos y servicios – tinawag ding prestation personal; pagtatrabaho para sa komunidad ng mga lalaking may edad 16 hanggang 60 taon ayon sa itinatakda ng pamahalaan sa loob ng 40 araw sa bawat taon • principales – mga nangungunang mama- mayan sa mga antas ng lipunang kinabibilangan ng mga dating datu ng mga sinaunang barangay • reduccion – sapilitang pagtitipon sa mga katutubo sa iisang pook upang madali silang mapamahalaan ng mga Espanyol • residencia – imbestigasyon tungkol sa mga natupad na tungkulin ng papaalis na gobernador heneral o opisyal ng pamahalaang kolonyal • Vice Real Patron – titulo rin ng gobernador heneral bilang pinakamataas na kinatawan ng hari ng Spain • Viceroy – itinalagang mamuno sa isang bansa, lalawigan, o kolonya bilang kinatawan ng pinuno na tulad ng hari • visitador – opisyal ng pamahalaan ng Spain na ipinadadala sa kolonya upang siyasatin ang paraan ng pamamahala rito Ang encomienda ay isang paraan ng pagbibiyaya o pagbibigay sa mga taong tumulong sa mga Espanyol upang masakop ang iba't ibang lugar sa kapuluan
Ang mga Buwis
sanctorum para sa suporta sa simbahan diezos prediales o “ikapu” o tithe na binabayaran ng isang real bandala o ang pagtatakda ng kota ng produktong kailangang ipagbili ng mga mamamayan sa pamahalaan Ang real situado ang salaping tinatanggap ng pamahalaang kolonyal sa Pilipinas mula sa Mexico Ang pondo ng Obras Pias ay galing sa mga donasyon ng mga mamamayan sa simbahan. Ang patronato real ay isang konsepto kung saan ang sistemang pulitikal ay nakabatay sa pagkontrol ng Simbahang Katolika. Pagpapakita rin ito ng pagtangkilik sa Simbahang Katolika sa pamamagitan ng pagtakda sa mga taong simbahan sa mga mahahalagang posisyon sa gobyerno, na siyang tumutuloy sa paghahalo ng simbahan, pulitika, at ekonomiya.