You are on page 1of 2

Ikatlong Markahan Unang Lagumang Pagsusulit

AP5

Pangalan: _____________________________________________ Petsa: _____________


Baitang at Seksyon: _____________

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang titik ng pinakatumpak nasagot. Isulat sa sagutang
papel ang tamang sagot.

________1. Ang reduccion ay pamamaraan ng mga Espanyol upang gawing mabuting mamamayan at
masunurin angmg a Pilipino sa batas ng Espanyol. Sila ay sapilitang inilipat sa panahanang malapit sa
simbahan at sentro ng pamahalaan na tinawag na _____.

a. alcaldia b. corregimiento c. barangay d. pueblo o poblacion

______2. Ito ang pinakamaunlad na pueblo.

a. Cabeza de Barangay b. Cabecera c. Corregidor d. Alcaldia

______3. Ito ang tirahan ng mga mahihirap o karaniwang tao pamilya.

a. bahay kubo b. bahay na bato c. mataas na gusali d. bahay na dalawang palapag

______4. Ang lugar na ito ang naging pangunahing lungsod at sentro ng kalakalan.

a. Camarines Sur b. Cebu c. Ilo-Ilo d. Maynila

______5. Isinaayos ng mga paring misyonero ang mga pamayanan sa Pilipinas batay sa modelo ng _______.
a. isang lugar sa Paris b. isang lungsod sa Spain
c. mga tirahan sa Japan d. mga tirahan sa Maynila

______6.Saan nakatira ang nakaririwasang Pilipino?


a. bahay kubo b. bahay na bato c. mataas na gusali d. bahay na gawa sa marmol

_______7. Bakit maraming mamamayan ang nagpapatayo ng bahay na bato?

a. magandang tingnan ang bahay na bato b. mas marami ang makikitira rito
c. mainam na pananggalang sa bagyo d. naniniwala silang mas matibay at mas mmtatag ang
ganitong bahay

_______8. Alin sa mga sumusunod ang mga dahilan ng pagbabago sa pananahanan noong panahon ng
Espanyol?

a. Nahirapang makipagkalakalan ang mga Pilipino at Espanyol


b. Nagkaroon ng suliranin ang Espanyol pangungulekta ng buwis o paglikom ng buwis
c. Naging suliranin ng mga misyunero ang pagpapalaganap ng kristyanismo dahil sa layu-layong tirahan
d. Naging suliranin ng mga Espanyol ang kllima sa Pilipinas
_______9. Nagbago ang uri ng panahanan ng mga Pilipino nang pairalin ang _______ o programang
paglipat ng tirahan.

a. reduccion b. bandala c. tributo d. polo

_______10. Paano iniangkop ng mga Pilipino ang kanilang panahanan sa mga patakaran ng mga Espanyol?
a. Lumipat sila sa kabisera o kabayanan na isinasaayos ng mga Espanyol
b. Lumipat sila sa kabundukan dahil ayaw nilang manirahan sa kabisera.
c. Lumipat sila sa kagubatan at madawag na pook upangmanirahan.
d. Pansamantala lamang ang pagtira nila sa kabisera o Kabayanan

_______11.Alin ang naglalarawan ng pagpapahalaga sa kababaihan?

a. Pag-igib ng tubig b. Pagpaparusa sa kanyang kamalian


c. Nauunang lumakad ang babae sa lalaki d. Pagkukumpuni ng sirang kasangkapan sa bahay

_______12.Aling kaugalian ang naglalarawan sa pangangalaga sa mga kababaihan?

a. Sinasaktan kung nagkamali b. Ginagawang katulong at hindi maybahay


c. Itinatago sa bahay d. Pinauuna sa pagpasok sa pintuan ang babae
_______13.Alin sa mga sumusunod na kaugalian ang naglalarawan ng pagpapahalaga sa mga kababaihan
noong unang panahon?

a. Naglilingkod muna ang pamilya ng babae sa pamilya ng lalaki bago ikasal.


b. Maaari silang magmana ng ari-arian, makipagkalakalan at maging pinuno ng barangay kapag walang
lalaking kapalit.
c. Nagbibigay ng pera, ginto at ari-arian sa magulang ng lalaki ang mga magulang ng babae bago ikasal.
d. Sa mga babae nakaatang ang pagkukumpuni ng sirang kasangkapan sa bahay.

_____14 .Noong unang panahon, bakit nakaatang o nakasalalay sa mga kababaihan ang pagtatanim at
pag-aari sa mga palayan at bukirin?

a. Naniniwala silang matiyagang mag-alaga ang mga babae ng mga palay sa bukirin.
b. Naniniwala silang mas mas masisipag ang mga babae sa pagtatanim ng palay kaysa sa mga lalaki.
c. Mas matibay ang kanilang pangangatawan sapaggawa kaysa sa mga lalaki.
d. Ayon ito sa paniniwalang bilang mga ina, masmalamig ang kanilang kamay sa pagtatanim at higit na
darami ang ani ng kanilang sakahan.

_______15.Nakagisnan na ng mga kababaihan ang pagiging mahinhin, nasa bahay lamang at may
tsaperon kung lumalakad. Siya ay tinatawag na _________.

a. Tradisyunal b. Di-tradisyunal c. Liberated d. Makaluma

________16.Siya ang isang halimbawa ng di-tradisyunal na babae sa Panahon ng kolonyalismo.


Tinaguriang Ina ng Biak-na bato at nagsilbing nars ng mga sundalo sa Biak na Bato.

a. Melchora Aquino b. Gregoria de Jesus c. Trinidad Tecson d.Josefa Rizal

________17. Bakit Maria Clara ang taguri sa mga babae noong Panahon ng Kolonyalismo?

a. dahil sa magaganda nilang kasuotan


b. dahil simbolo ng pagiging mahinhin, mahinahon at maingat sa pagkilos
c. dahil mukha silang mayayaman
d. dahil sila’y nagmula sa angkan ng Espanyol

________18.Anong paaralang ang itinatag para sa magmamadre?

a. beaterio b. bokasyunal c. kolehiyo d. paaralang normal

________19.Ano ang ginawa ng pamahalaang Espanyol upang mapabuti ang katayuan ng mga kababaihan
sa lipunan?

a. Namumuno sa mga dasal at gawaing panrelihiyon


b. Sinanay sa mga gawaing bahay
c. Hinayaang dumalo sa pagdiriwang nang may tsaperon
d. Itinatag ang mga kolehiyo at beaterio para sa kababaihan

________20. Ang mga sumusunod ay katayuan ng mga kababaihan sa Sinaunang Pilipino maliban sa isa.
Alinang nagpapakita ng katayuan ng kababaihan sa Panahon ng Kolonyalismo?

a. Maaari silang magmana ng ari-arian.


b. Maaari silang makipagkalakalan.
c. Kadalasan ay nasa loob lamang sila ng bahay o kaya’y nasa paaralan.
d. Maaari silang maging pinuno ng barangay

You might also like