You are on page 1of 4

DOMINADOR GENSOLIN MEMORIAL ADVENTIST ELEMENTARY SCHOOL, INC.

Riverside Street, Brgy. Aguisan Himamaylan City , Negros Occidental, 6108, Philippines
Government Recognition No. ER-065, s.2011
Tin.No. 006-851-539-000
Sec. No. CN201125608
School I.D. 404050

Unang Pagsusulit sa Ika- Apat na Markahang


S.Y. 2023- 2024

Araling Panlipunan

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap at mga katanungan sa bawat bilang. Piliin anf
titik ng tamang sagot at itiman ito sa SAGUTANG PAPEL.

1. Alin sa mga sumusunod na gitnang guhit ang makikita sa eksaktong tapat ng Prime Meridian?
a. Ekwador c. Longhitude
b. Latitude d. International Date Line

2. Bakit nagkakaiba-iba ang klima ng iba’t ibang bansa?


a. Dahil magkakaiba ang hugis ng mga ito
b. Dahil hindi pantay ang kalupaan ng mga ito
c. Dahil sa lokasyon ng mga ito sa mundo
d. Ang lahat ng pagpipilian ay tama

3. Ano ang isinasaad sa teoryang continental drift?


a. Ito ay isang malaking nakausling bahagi ng kontinente ng Asya at bahagi nito ang Pilipinas.
b. Ang Pilipinas ay nabuo dahil sa mga lindol at pagsabog ng bulkan.
c. Ang lupain sa mundo ay bahagi ng kontinente na nagkakahiwalay.
d. May tulay ng lupa o makitid na lupang nag-uugnay sa mas malawak na lugar.

4. Paano pinatutunayan ng Bibliya na ang mundo ay gawa ng Panginoon?


a. Sa pamamagitan ng Genesis 6
b. Sa pamamagitan ng Genesis 3-4
c. Sa pamamagitan ng Genesis 5
d. Sa pamamagitan ng Genesis 1-2

5. Paano naiiba ang Homo erectus sa iba pang sinaunang Pilipino ayon sa teorya?
a. Nakatitindig siya nang matuwid.
b. Siya ang unang nakatuklas ng paggawa ng apoy.
c. Siya lamang ang gumagamit ng mga kagamitang yari sa bato.
d. Ang laki ng kanyang utak ay nasa pagitan ng chimpanzee at modernong tao.

6. Paano pinakikinabagan ng mga sinaunang Pilipino ang mga kagubatan noon?


a. Ginagawa nila itong tirahan ng mga mababangis na hayop na kanilang nahuli sa pangangaso.
b. Ditto sila nagpapatayo ng malaking gusaling pangkalakalan at mga pabrika.
c. Ditto sila nangangaso, nangunguha ng torso, halamang makakain, at kahoy na panggatong.
d. Kinakaingin nila iton para gawing tirahan.

7. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng tama tungkol sa paglaganap ng mga Muslim sa
Pilipinas?
a. Si Sayid Abu Bakr ang nagtatag sa unang sultanato sa sulo noong 1950.
b. Sila ay unang dumating sa Pilipinas gamit ang sasakyang pangdagat na kung tawagin ay balangay.
c. Magkamag-anak silang lahat kaya mabilis ang pagdami nila sa lugar.
d. Sila ang pinakamakapangyarihan at pinakamayamang pangkat na dumating sa Pilipinas.

8. Bakit sinakop ng Espanya and Pilipinas?


a. Dahil isang mayamang arkipelogo ang Pilipinas
b. Dahil madaling mapasunod ang mga katutubong Pilipino
c. Nais nitong matulungan ang mga mahihirap na katutubong Pilipino
d. Nais nitong palaawigin ang kanyang kapangyarihan at palaganapin ang kristiyanismo

9. Ito ang itinakda ng Papa na naghahati sa daigdig mula sa North Pole hanggang South Pole upang matigil
ang paligsahan ng Portugal at Spain.
a. Ekwador c. Demarcation Line
b. Imaginary Line d. International Date Line

10. Bakit sinalakay ng mga Espanyol ang Maynila?


a. Ayaw magpakasal ng anak ni Raha Sulayman, ang pinuno ng Maynila, sa isa sa mga kawal ni de
Goiti.
b. Si Raha Sulayman ay tumangging magbayad ng buwis sa Espanya.
c. Minasaker ng mga tauhan ni Raha Sulayman ang mga kawal na Espanyol.
d. Maraming likas na yaman ang matatagpuan sa Maynila.
11. Paano nakapagtatag ang mga Espanyol ng pamayanan sa Pilipinas?

a. Nakipagsanduguan ang mga pinunong Espanyol sa mga katutubong pinuno.


b. Naghandog sila ng regaling salapi sa iba’t ibang kalakal sa katutubong Pilipino.
c. Pinaniniwala nila ang mga Pilipinong mabuti ang kanilang hangarin para sa kanila.
d. Hinimok nila ang mga katutubong maging mamamayan ng Espanyol.

12. Paano ipinalaganap ng mga Espanyol ang reliihiyong kristiyanismo sa ating bansa?
a. Pinaghatian ng mga misyonero ang mga lugar sa ating bansa.
b. Nagpagawa sila ng malalaking simbahan na may iba’t ibang imehe at magarang altar.
c. Nagpatayo sila ng mga paaralan at pilit nilang iwinaksi ang dating paniniwala ng mga katutubo.
d. Ang lahat na pagpipilian ay tama.
13. Ano ang pangunahing responsibilidad ng mga encomiendero sa kanilang mga encomienda?
a. Magtaguyod ng ekonomiya ng kanilang lugar sa pamamagitan ng pagpapalakas ng argrikultural at
kalakalan.
b. Mangangasiwa sa mga nagtatrabaho sa polo.
c. Magbigay ng protekyon at pangangalaga sa mga katutubo sa kanilang lugar.
d. Itaguyod ang kristiyanismo sa pamamagitan ng misyonaryo sa kanilang teritoryo.

14. Ano ang patronato Real sa konteksto ng kolonisasyon ng Espanya sa mga teritoryo nito, kabilang ang
Pilipinas?
a. Isang Sistema ng pangangasiwa ng mga local na pamahalaan
b. Isang Sistema ng pangangasiwa ng ekonomiya ng kolonyang nasasakupan
c. Ito ang pagkakaisa ng simbahan at pamahalaan sa pagpalaganap ng kristiyanismo
d. Ito ay ang pangangasiwa sa mga serbisyo ng kalusugan sa mga teritoryo ng Espansya

15. Bakit madaling tinanggap ng mga Pilipino ang katolismo?


a. Sila ay dati nang kristiyano
b. Sila ay dating walang relihiyon
c. Sila ay binigyan ng mga salapi at regalo
d. Sila ay dati nang naniniwala sa mga diyos

16. Paano nagkaroon ng lupang mapagtaniman ang mga magsasaka noon?


a. Ipinagbili sa kanila ang mga lupang sakahan ng pamahalaan kolonya
b. Binigyan sila ng pamahalaang kolonya ng spain
c. Umupa sila ng lupang sakahan sa mga Inquilino
d. Namasukan sila bilang magsasaka sa mga prayle

17. Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga Espanyol sa Pilipinas?


a. Ito ay Demokratiko c. Ito ay Autroritaryanismo
b. Ito ay Sentralisado d. ito ay Parliamentaryo

18. Aling pahayag ang nagsasaad ng tama tungkol sa pamahalaang itinatag ng mga Espanyol sa Pilipinas
noon?
a. Pinamumunuan ng Gobernadorcillo ang pamahalaang itinatag ng Espanyol sa Pilipinas
b. Ang Hari ng Espanya ang humihirang at tumatanggal sa mga opisyal ng pamahalaan at sa mga pari
na nangangasiwa sa mga Parokya
c. Nahahati sa dalawang sangay ang pamahalaang itinatag ng mga Espanyol noon: ehekutibo at
hudisyal
d. Tatlong sangay ang pamahalaan ng Espanya sa Pilipinas noon: ehekutibo, hudisyal, at lehislatibo

19. Ang sistemang kasama ay isang uri ng pag-uugnayan ng may-ari ng lupa at ng magsasaka kung saan ang
hatian sa ani ay pantay-pantay o may 50-50 bahagi ang bawat isa sa kanila. Ano ang naging epekto ng
sistemang ito sa mga magsasakang Pilipino?
a. Naging matiwasay ang pamumuhay ng mga magsasakang Pilipino.
b. Ito ay lubos na nagpahirap sa mga magsasaka dahil hindi naging makatuwiran ang hatian sa
pagtatanim
c. Ito ang naging dahilan ng pagkabagsak ng ekonomiya ng Pilipinas hanggang ngayon
d. Palaging masagana ang ani dahil magkasamang nagtutulungan ang magsasaka at may-ari ng lupa

20. Ano ang wikang ginamit sa mga paaralan bilang wikang panturo at komunikasyon sa panahon ng
edukasyong kolonyal ng mga Espanyol?
a. Wikang Ingles c. Wikang Espanyol
b. Wikang Filipino d. Wikang Latin

21. Ang ama ni Alberto ay isang Espanyol at ang kanyang ina naman ay isang katutubong Pilipino. Sa aling
antas sa lipunan nabibilang si Alberto?
a. Peninsulares c. Mestizo
b. Insulares d. Prinsipalia

22. Ano ang pangunahing layunin ng pagtatag ng paaralang pambabae sa edukasyonog kolonyal?
a. Upang sanayin ang mga kababaihan sa aspeto ng politika
b. Upang sanayin ang mga kababaihan sa pagtuturo sa primaryang paaralan
c. Upang sanayin ang mga kababaihan sa pagiging mabuting asawa
d. Upang sanayin ang mga kababaihan sa pagmamadre

23. Paano tawagin ang bahay ng mga nakaririwasang Pilipino noon?


a. Naku, napakaganda ng bahay na marmol ni Luisito!
b. Nakakulong sa bahay nag into si Almara.
c. Aba, nakaririwasa tingnan ng bahay na baato ni Juanito!
d. Ang anak ba ni Angelito ang gumawa ng bahay na kawayang iyan?

24. Bakit limitado ang mga dokumentong naipreserba noong panahong kolonyal lalong-lalo na sa larangan
ng pagpipinta?
a. Dahil ayaw ng mga Espanyol na ito ay kumalat kaya ito’y kanilang sinunog
b. Dahil sa klase ng klima mayroon ang Pilipinas, mga sakuna, at kapabayaan
c. Dahil limitado rin ang mahilig sa pagpipinta noon
d. Dahil marami sa mga dokumentaryong ito ay napasakamay ng mga Espanyol, ito ay kanilang itinago
sa kanilang mga baol

25. Sa kabuuan, ano ang naging epekkto ng pananakop ng Espanya sa ating mga ninuno?
a. Sila ay natuo at umunlad
b. Sila ay naabuso at nahirapan
c. Sila ay nagkaisa at naging matiwasay
d. Sila ay naging relihiyoso mapagkawang-gawa

You might also like