You are on page 1of 6

Department of Education

Region X
Division of Cagayan de Oro City
Fr. William Masterson Road
Upper Balulang, Cagayan de Oro City

ARALING PANLIPUNAN 6
DIAGNOSTIC

Panuto: Basahin ang pangungusap, piliin ang tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ano ang tiyak o relatibong lokasyon ng Pilipinas?


A. Malapit sa Taiwan, Brunei, Cambodia, at Karagatang Pasipiko
B. Malapit sa Vietnam, Micronesia, Taiwan, at Karagatang Pasipiko
C. Sa pagitan ng 4023’ at 21025’ Hilagang Latitud sa pagitan ng 1160 at 1270 Silangan Latitud
D. Sa pagitan ng 5023’ at 31025’ Hilagang Latitud at sa pagitan ng 120 0 at 1470 Silangang
Longhitud

2. Bakit mahalaga ang mga likhang-isip na guhit sa globo? Upang ____.


A. Makapunta sa iba’t ibang lugar.
B. Makilala ang malalaking bansa sa buong mundo.
C. Gabay sa paglalakbay sa mga lugar sa bawat bansa.
D. Matukoy ang kinalalagyan ng mga bansa sa buong mundo.

3. Anong guhit ang nasa 00 kung saan hinahati nito sa dalawang bahagi ang globo: Hilaga at
Timog.
A. Ekwador C. Prime Meridian
B. Kabilugang Antarktiko D. Tropiko ng Kanser

4. Alin sa mga sumusunod ang ang wastong paglalarawan tungkol sa globo? Ito ay__.
A. Ginagamit sa pagtukoy ng klima at panahon sa isang lugar.
B. Isang kagamitan sa pagtukoy ng direksyon ng isang lugar.
C. Patag na larawan na naglalahad ng mga impormasyon sa lokasyon ng bansa.
D. Isang modelo ng mundo na naglalahad ng mga impormasyon tungkol sa lokasyon ng mga
bansa sa mundo

5. Paano nakakatulong ang lokasyon ng Pilipinas sa pag-usbong ng ekonomiya sa Asya o ng


mundo?
A. Masaganang namumuhay ang iba’t ibang uri ng hayop dito sa Pilipinas.
B. May iba’t ibang kultura sa Pilipinas na nagiging ugat sa pagkakaroon ng iba’t ibang
rehiliyon sa mundo.
C. May pagkakaisa ang mga Pilipino sa pagsulong ng mga programang nangangalaga sa
mga flora at fauna ng bansa.
D. Sagana sa likas na yaman ang Pilipinas na siyang naging dahilan upang matugunan ang
pangangailangan nito at ng ibang bansa.

6. Anong canal ang binuksan noong 1868 na nagdugtong sa Mediterranean Sea at Red Sea na
naging dahilan upang mapausbong ang kalakalan at makapasok ang kaisipang liberal sa
Pilipinas?
A. El Canal B. Hangzhou Canal
C. Grand Canal D. Suez Canal

7. Alin ang naging pangunahing bunga ng malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa
Kanluran at Silangan ng Pilipinas?
A. Nakilala ang Pilipinas bilang isang maunlad na bansa.
B. Pumasok sa Pilipinas ang iba’t ibang paniniwala at ideya mula sa Europa.
B. Naging malawak ang impluwensiya ng Pilipinas sa buong mundo pagdating sa larangan
ng kalakalan.
D. Naging malaking hamon sa ibang mga lahi ang pagiging bihasa ng mga Pilipino sa iba’t
ibang larangan.

Diagnostic Test AP 1
8. Ano ang magandang naidulot ng pagbubukas ng mga daungan ng bansa sa pandaigdigang
kalakalan?
A. Napadali ang pakikipagkalakalan.
B. Naging madali ang pagpasok ng ibang mga dayuhang mananakop.
C. Naging maikli ang paglalakbay mula sa Maynila patungo sa ibang bansa.
D. Napadali ang komunikasyon ng mga Espanyol sa iba’t ibang dako ng bansa.

9. Alin sa mga sumusunod ang naging epekto ng pagbubukas ng Suez Canal sa mga Pilipino?
A. Naging mabilis ang paglalakbay at nakapasok ang mga kaisipang liberal sa bansa.
B. Malayang nakapasok ang mga dayuhang mananakop sa Pilipinas upang sakupin ang
bansa.
C. Mabilis na nakahingi ng tulong ang mga Pilipino sa mga Amerikano upang kalabanin ang
mga Espanyol.
D. Nagkaroon ng maraming kaibigang bansa ang Pilipinas upang matulungan mapalayo ang
mga mananakop sa bansa

10. Ano ang tawag sa mga Espanyol na nanirahan sa Pilipinas subalit ipinanganak sa
Espnaya?
A. Encomendero C. Insulares
B. Indio D. Peninsulares

11. Sino ang kauna-unahang gobernador-militar na nanungkulan sa Pilipinas, sa panahong


Amerikano?
A. Bernard Anderson C. William Jones
B. Jorge Vargas D. Wesley Merritt

12. Bakit itinatag ang National Economic Council? Upang___


A. Mapag-aralan ang kabuhayan sa Pilipinas
B. Maiayos ang pagmamay-ari ng mga lupa
C. Makapagtatag ng mga korporasyon
D. Makapagtayo ng mga pabrika

13. Bakit ipinatupad ang Homestead Law? Upang____


A. Malinang ang lupain sa bansa
B. Mabigyan ng tahanan ang mga tao
C. Makapagtinda ng lupa sa mga bansa
D. Makapagtatag ng pamayanan sa malalayong lugar

14. Paano pinaunlad ang pagsasaka sa ating bansa noong panahon ng mga Amerikano?
Sa pamamagitan ng ____
A. Paggawa ng patubig C. Pagbibigay ng mga kalabaw
B. Paggamit ng makinarya D. Pag-aaral ng mga magsasaka

15. Paano nabigyan ng lupang pag-aari ang mga Pilipino sa panahon ng mga Amerikano?
A. Binigyan sila ng mga Amerikano.
B. Nagrebelde sila laban sa mga Amerikano.
C. Binili ng mga Pilipino ang mga lupa mula sa mga Espanyol.
D. Binili ng mga Amerikano ang mga lupa at ipinagbili sa mga Pilipino.

16. Bakit hindi gaanong nakinabang ang mga Pilipino sa pakikipagkalakalan sa mga
Amerikano? Dahil ____
A. Hindi naibigan ng mga Amerikano ang produkto ng mga Pilipino
B. Tumanggi ang mga Pilipino sa pakikipagkalakalan sa mga Amerikano
C. Mataas ang buwis na ipinataw ng Amerikano sa kalakal ng mga Pilipino
D. Kontrolado ng mga Amerikano ang pamamalakad sa ekonomiya ng Pilipinas

17. Sa anong taon itinatag ng mga Amerikano ang pamahalaang sibil sa Pilipinas?
A. 1901 C. 1906
B. 1904 D. 1909

18. Anong ospital ang pinatayo ng mga Amerikano sa Pilipinas?


A. Chinese General Hospital C. Philippine General Hospital

Diagnostic Test AP 2
B. Makati Medical Center D. St. Luke Medical Center
19. Alin sa mga sumusunod ang hindi wastong paglalarawan hinggil sa sistema ng
transportasyon at komunikasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga Amerikano?
A. Nagkaroon ng awtomibil, trak, bus, tren at eroplano.
B. Nagkaroon ng tanggapang pangkoreo sa bawat komunidad.
C. Naisaayos ang mga daan at tulay sa iba’t ibang panig ng bansa.
D. Lalong bumagal ang sistema ng transportasyon at komunikasyon sa Pilipinas.

20. Anong panukalang batas ang naglalayong palayain ang Pilipinas matapos ang sampong
taong pamamahala ng Komonwelt?
A. Hare - Hawes - Cutting Act C. Os-Rox Mission
B. Jones Law D. Tydings-McDuffie

21. Bakit tinawag na Puppet Government ang Ikalawang Republika sa ilalim ni Pangulong
Laurel? Dahil ito ay__________.
A. Nasa ilalim ng pagsubaybay ng mga Amerikano
B. Sumunod at naibalik ang kabisera ng Komonwelt sa Pilipinas
C. Mapagkunwaring pamahalaan na sa katunayan ay nasa ilalim ng mga hapones
D. Naging sunod-sunuran kay Heneral MacArthur na siyang nakapagtatag muli ng
Pamahalaang Komonwelt sa Pilipinas.

22. Bakit naging mabigat ang tungkulin ni Pangulong Osmeña? Dahil______.


A. Ito ay nasa ilalim ng pananakop ng mga Hapon.
B. Sa napakaraming pinsala na idinulot ng digmaan.
C. Inalis na ng mga Amerikano ang kanilang tulong sa bansa.
D. Kinakailanagan niya na muling itatag ang mga pamahalaang panlalawigan.

23. Alin ang hindi naging pamamaraan ni Pangulong Osmeña sa pagtaguyod ng bansa?
A. Pagbalik sa mga kawani sa mga tanggapan ng pamahalaan.
B. Pagtatag muli ng gabinete, Council of state, katas-taasang Hukuman.
C. Pagpapaayos ng mga gusali, daan at imprastructurang nasira ng digmaan.
D. Pagtanggap ng tulong mula kina Pangulong Franklin Roosevelt at Heneral
MacArthur.

24. Bakit hindi kinilala ng Amerikano ang kalayaan na idiniklara ni Emilio Aguinaldo? Dahil__
A. Kasalukuyan pang pinagtibay sa kongreso
B. Walang batayan ang pagdiklara nito sa Cavite.
C. Sakop pa ng Amerikano ang bansang Pilipinas.
D. Ito ay binigyang diin sa karapatan ng Amerikano

25. Sino ang naging unang pangulo ng pamahalaang komonwelt?


A. Pang. Hen. Emilio Aguinaldo C. Pang. Manuel L. Quezon
B. Pang. Manuel Roxas D. Pang. Segio Osmeña

26. Ano ang layunin ng pamahalaang komonwelt? Upang sanayin _____


A. Ang mga Pilipino sa kulturang kanluranin
B. Ang mga Pilipino sa pamamahala sa kanilang sarili
C. Ang mga Pilipino na linangin ang kanilang sariling kultura
D. Ang mga Pilipino para umangat ang kanilang pamumuhay

27. Bakit sinabing may colonial mentality ang mga Pilipino?


A. Naging katoliko ang karamihan sa atin?
B. Sinusunod nila ang gawain at kaugalian ng mga katutubong Pilipino
C. Nasanay sila sa paggamit ng mga kagamitan ng mga sinaunang Pilipino.
D. Naging ugali ng mga Pilipino ang pagtangkilik sa mga produkto gawa sa Amerika.

28. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng colonial mentality ng mga Pilipino?
A. Ang pagpunta sa ibang bansa
B. Ang pagkakilig nito sa sikat ng mga Artista ng Amerika.
C. Ang pagkawalang-bahala sa mga bakas sa mga bakas ng ating kaugalian.
D. Ang paggamit ng Amerikana, sapatos na mataas na takong, kurbata, at paggamit sa
mga pangalan ng Charles, Mary at John.

Diagnostic Test AP 3
29. Paano naiiba ang ugali ng mga Pilipino ng magkaroon ng colonial mentality sa
nakagisnang ugali noon?
A. Naiiba ito dahil nawala ang kaugalian sa paggamit ng po at Opo sa mga nakakatanda
at napalitan ito hi!.
B. Maganda ang ugaling ipinakita ng Amerikano kaya ginaya ng mga Pilipino.
C. Mas nakakabuti ang paggamit ng hi! Kaysa po at opo.
D. Medaling sabihin para sa pagbati nito sa kapwa.

30. Bakit itinadhana ang Bell Trade Ralation Act?


A. Para mag-angkat ng mga produkto sa Estados Unidos
B. Para magpadala ng mga manggaga sa Estados Unidos
C. Para makabili ang mga Amerikano ng mga Produkto sa ating bansa
D. Para makakolekta ng buwis sa mga produktong nagmula sa Pilipinas

31. Ano ang dahilan kung bakit naging malapit ang Pilipinas sa Estados Unidos noong
panunungkulan ni Pangulong Roxas?
A. Hindi kaya ng ating bansa maging Malaya.
B. Upang mapabilang sa mga nagkakaisang bansa.
C. Naniwala si Pangulong Roxas na ang katatagan ng bansang Pilipinas ay nakasalalay
sa pakikipagkaibigan sa Estados Unidos.
D. Napatunayan ni Pang. Roxas na tanging Estados Unidos lamang ang may sapat na
salapi at kapangyarihan upang tulungan tayo.

32. Alin sa mga sumusunod ang ginawa ni Pang. Roxas upang masulusyonan ang problema
ng mga magsasaka?
A. Itinatag ni Pang. Roxas ang PNB.
B. Itinayo niya ang bandila sa mga magsasaka
C. Nag pataw siya ng karagdagang buwis sa malaking korporasyon
D. Itinatag niya ang Rehabilitation Finance Corporation (RFC) upang makautang ang
maliliit na mangangalakal.

33. Aling elemento ang taglay ng ating bansa bilang isang estado?
A. Kalayaan C. Serbisyo
B. Likas na yaman D. Soberanya

34. Bilang isang bansang malaya at may soberanya, kanino nakasalalay ang kapangyarihan
ng Pamahalaan?
A. Mga kinatawan C. Mga mamamayan
B. Mga mangagagawa D. Mga senador

35. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng isang soberanyang bansa?
A. May awtonomiya C. Komprehensibo
B. May hangganan D. Permanente

36. Sino ang nagkaroon ng malawak na kapangyarihan sa ilalim ng Batas Militar?


A. Kongreso C. Pangulo
B. Mamamayan D. Senado

37. Alin ang pangyayaring naganap nang ideklara ang Batas Militar ni Pangulong Marcos?
A. Lumaki ang gastos at katiwalian sa pamahalaan na nagdulot ng paglaki ng utang ng
Pilipinas sa ibang bansa.
B. Naging magulo ang kalagayan ng politika sa ating bansa dahil sa pagsibol ng iba’t
ibang idolohiya at paniniwala.
C. Naging madalas ang mga pagpupulong, pagrarali, at demonstrasyon ng mga
estudyante at mga manggagawa.
D. Pinaghuhuli ang mga lider ng mga samahang nagsisipagrali, pati na ang mga
politikong lumaban o sumalungat sa pamamahala ni Pangulong Marcos.

Diagnostic Test AP 4
38. Paano naapektuhan ng Batas Militar ang ating bansa?
A. Sumuko ang mga rebelde
B. Lumala ang kahirapan sa bansa
C. Lumaki ang pondo ng pamahalaan
D. Naging malinis at matapat ang pamahalaan

39. Alin sa mga sumusunod ang hindi naging epekto ng Batas Militar?
A. Dumami ang mga rebelding namundok at naghasik ng kaguluhan.
B. Marami ang mga nakulong, nawala, at namatay
C. Nawala ang kalayaan ng mga tao sa pagsasalita at pagsulat.
D. Nakapagbayad ng utang sa ibang bansa ang Pilipinas

40. Anong aral ang naiwan ng pagkakaroon ng Batas Militar?


A. Dapat masunod ang mga patakarang nais ipatupad ng pangulo
B. Dapat maiwasan ang paglabag sa mga karapatan ng mga mamamayan.
C. Dapat makisa ang mga taong-bayan sa pamamalakad ng pangulo ng ating bansa
D. Dapat lumahok ang mga mamamayan sa mga paraan ng pamamahala ng pangulo

41. Bakit nahirapan ang mga taong-bayan sa ilalim ng Batas Militar ni Pangulong Marcos?
A. Pinairal ang Expanded-VAT
B. Tumaas ang presyo ng mga bilihin
C. Tumaas ang kriminalidad sa bansa
D. Nabawasan ang kanilang kalayaan at karapatan

42. Paano nagsimula ang EDSA rebolusyon o People Power?


A. Nanawagan si Corazon Aquino sa mga taong-bayan.
B. Pinunit ng mga sundalo ang kanilang mga sedula
C. Nagtipon-tipon ang napakaraming tao sa EDSA
D. Pinatay si Senador Benigno Aquino

43. Bakit nagkaroon ng EDSA revolution?


A. Pinaalis si Pangulong Marcos sa Panunungkulan.
B. Humingi ng mataas na sahod ang mga manggagawa.
C. Nag-aalsa ang mga sundalo laban kay Pangulong Marcos
D. Humingi ng hustisya ang taon-bayan sa pagkamatay ni Senador Benigno Aquino.

44. Ano ang malaking suliranin ng ikalimang Republika sa pamamahala ni Pangulong


Corazon Aquino?
A. Paglaki ng populasyon sa bansa
B. Malaking pagkakautang ng bansa
C. Kakulangan sa pagkain ng mga Pilipino
D. Pagdagsa ng mga dayuhang mangangalakal sa bansa

45. Bakit mahalagang magkaroon ng karapatan ang bawat mamamayan? Upang_____


A. Mapangalagaan ang kapaligiran
B. Magkaroon ng maraming kaibigan
C. Maipagmalaki ang kulturang kinagisnan
D. Mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan

46. Ano ang tawag sa kalayaan o prebilihiyong tinatamasa ng mga mamamayan sa


pakikisangkot sa gawaing panlipunan?
A. Kalayaan C. Responsibilidad
B. Karapatan D. Tungkulin

47. Anong Konstitusyong ang kasalukuyang ginagamit ng Republika ng Pilipinas?


A.1945 C. 1986
B. 1973 D. 1999

Diagnostic Test AP 5
48. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng matinding pagbabago sa aspeto ng
edukasyon sa Pilipinas?
A. Pagpapatupad ng K – 12 Program.
B. Paggamit ng Wikang Ingles sa pagtuturo.
C. Pagpapatayo ng mga pribadong paaralan.
D.Pamimigay ng aklat sa lahat ng antas sa mababang paaralan.

49. Sa kabuuan, naging matagumpay ang pamumuno ni Pangulong Arroyo?


A. Oo, naipatupad niya ang Liberation at Privatization.
B. Hindi, naakusahan siya ng pandaraya at korapsiyon.
C. Oo, namalagi siya sa kanyang tungkulin ng siyam na taon.
D. Hindi, nagkasakit siya sa panahon ng kanyang panunungkulan.

50. Kaninong administrasyon ang nagpasikat ng mga katagang “Daang Matuwid?”


A. Benigno Simeo C. Aquino III
B. Gloria Macapagal Arroyo
C. Joseph Ejercito Estrada
D. Rodrigo Roa Duterte

Diagnostic Test AP 6

You might also like