You are on page 1of 1

Baha: No More!

Pagsulat ng Editoryal

Macanhan Carmen? Aba! Baha diyan, yan ang lagi nasa isip ng mga taxi driver o anumang uring
tsuper ang sasakyan mo kung ikaw ay isang residente sa barangay na iyan. Masakit at lubhang
nakababahala lagi ito kapag umuulan sa Macanhan, barangay ng Carmen. Halos nitanggap na ng
mga residente ang kapalaran nila.
Isang napakalaking hamon ito sa mga taong naninirahan lalong lalo na sa mga opisyal ng barangay
Carmen, kung ano nga ba ang dapat na solusyon sa laging pagbaha diyan sa Macanhan.
Nabansagan nga ang lugar na "waterworld" kasi nga kapag umulan ng mahina man o malakas ito'y
binabaha pa rin.
Napakarumaldumal din ang sinapit ng mga mag-aaral sa mababang paaralan ng Macanhan,
sapagkat sila ang lubos na naapektuhan sa baha. Madaling nagkakasakit, hindi pa sila nakakapasok
sa paaralan o ang ilan sa kanila ay huli na sa klasi kasi nga pumasok pa rin sila kahit bumabaha na.
Naapektuhan din lalo ang mga guro sapagkat ang ilan sa kanila ay malayo sa paaralan at kapag
pumasok na ay nahuli na rin dahil hindi pumapayag ang ibang sasakyan na ihatid sa lugar sapagkat
baha at ang iba ay hindi rin nakapasok sapagkat napasukan ng tubig ang bahay nila. Napakaawa ng
mga sinapit ng mga nasa residente.
Bago pa man ang eleksyon noong 2022, sinimulan na ang iba't ibang proyekto ng pagrekonstruktura
sa daan ng Macanhan Carmen, kasama na rin sa mga protekto ang pagpapakanal, paglagay ng
mataas na bahagi na daan para hindi na makagambala sa mga tao tuwing baha.
Isang pagsubok din ang paggawa ng daan sapagkat ito ay nakapagdulot ng trapiko sa lugar. Pero
lahat ay tiniis ng mga residente doon dahil alam nila na mayroon ding katapusan ang nararanasan
nilang problema. Umaasa ang lahat sa tulong ng mga opisyal na masusulosyonan ang problema ng
barangay.
Matapos nga ang mahigit dalawang taon ng paggawa sa road widening ay natapos din at sa awa ng
may kapal ay naibsan na ang pag-aalala ng mga residente tuwing umuulan. Nagawa na ang daan at
ito ay ikinatuwa ng mga residente sapagkat hindi na nga bumabaha kapag mahina ang ulan at kung
malakas man ang ulan ay di na gaano itong bumabaha. Hindi katulad ng dati na mahina ang ulan
nasa lampas tuhod na ang baha lalo na kung malakas ang ulan. Halos di na makadaan ang mga uri
ng sasakayan sa lalim ng tubig.
Naibsan ang kabalisahan at naging desiplinado din ang mga residente sa basura sa lugar dahil isa rin
ito sa naging dahilan ng baradong kanal kaya naman hindi makadaloy ng maayos ang tubig.
Ngayon ay masaya at may tuwa na sa mga bata, mga guro at lahat ng residente sapagkat naibsan
na ang baha sa Macanhan.

You might also like