You are on page 1of 1

Ilang lugar sa Zamboanga City

binaha dahil sa masamang panahon

ZAMBOANGA CITY - Binaha Lunes ng umaga ang ilang barangay sa siyudad dahil sa matinding
pagbuhos ng ulan.
Ilan sa mga barangay na apektado ng baha ay ang Barangay Talisayan, Patalon, at Ayala.
Ayon sa isang residente ng Barangay Talisayan na si Elza Ramos, nagising na lang sila kaninang
alas-2 ng madaling-araw na mataas na ang tubig.
Nagkataon na inaayos ang tulay sa kanilang barangay na naging dahilan para umapaw rin ang
tubig sa ilog.
Nagmistulang ilog din ang daan sa Barangay Patalon dahil sa baha.
Inaalam pa ng City Disaster Risk Reduction and Management Office kung ilang pamilya ang
apektado ng baha.
Sa weather advisory ng PAGASA na inilabas kaninang madaling-araw, pinag-iingat ang mga
residente ng Zamboanga Peninsula at ilang karatig probinsiya laban sa posibleng pagbaha at
landslide dahil sa low-pressure area at intertropical convergence zone. 
- Ulat ni Leizel Lacastesantos

You might also like