You are on page 1of 1

Maikling Kasaysayan ng Dagatan

Ang Dagatan ay matatagpuan sa hilagang-silangang bahagi ng Poblacion


ng Amadeo na may layong 25 kilometro. Ito ay may tinatayang lawak na
350 ektarya; isang barangay na higit na malaki kaysa sa Banaybanay ngunit
mas maliit kaysa sa Maymangga.

Noong unang panahon, ayon sa sabi ng mga matatanda ang barangay


Dagatan ay nagkakaroon ng maliit na sapa tuwing sasapit ang tag-ulan. Ito
ay dahil sa ang kalupaan ng barangay ay naliligiran ng higit na matataas na
lupain ng mga karatig bayan.

Ang mga tubig ulan buhat sa iba’t-ibang bayan ay naiipon at dumadaloy


pauwi sa lugar na ito. Kaya naman ang mga bata noon ay masayang-
masayang naliligo at naglalaro sa munting sapa na tinatawag nilang “Dagat-
dagatan.” Muka kasi itong maliit na dagat kung pagmamasdan mula sa
malayo. At dahil doon naging Dagat-dagatan na ang tawag sa nayong ito.
Malaon ay napaikli ito at naging Dagatan na lamang ang bigkas ng mga tao.

Makalipas ang ilang taon, nagsimulang dumami ang mga taong


naninirahan dito. Ang karaniwang hanapbuhay ng mga tao ay pagsasaka.
Maraming iba’t-ibang produkto ang kanilang itinatanim tulad ng
kape,saging, mais, sari-saring gulay at prutas. Sa pagpalipas pa ng maraming
taon, hanggang sa kasalukuyan may mga dayuhang nagtayo rito ng iba’t-
ibang establisyemento na nakatutulong sa pamumuhay ng maraming
mamamayan ng Dagatan.

You might also like