You are on page 1of 13

ILOG

PASIG:
NOON AT
NGAYON
Anak ng
Pasig
Ito ang larawan ng Ilog Pasig noon.
Sinasabing dati-rati, ito ay isang
mahalagang ruta ng transportasyon. Sa
habang 25 kilometro, malinis ang tubig na
dumadaloy sa ilog na ito noon. Kahit si Dr.
Jose Rizal sa kanyang ilang akda ay
nabighani sa kagandahan ng ilog na ito.
Kasingganda raw dati ng Grand Canal sa Venice
ang Ilog Pasig. Napalilibutan ito ng mga berde at
malalagong puno at halaman. Malinis ang tubig na
dumadaloy sa ilog na ito. Sagana ito sa iba’t ibang uri
ng isda at yamang-tubig. Ito rin ang nag-uugnay sa
Look ng Maynila sa Laguna de Bay. Ito rin ang
nagsasala ng mga sobrang tubig mula sa Laguna de
Bay at iba pang labintatlong ilog at estero ng Maynila
Mahabang
panahon na
naging
ganito ang
kalagayan ng
Ilog Pasig.
• Animo’y lupa ang inyong nakikita sa
larawan. Ngunit ang hindi maikukubling
katotohanan, ito ay pawang mga naipong
basura. Napakarumi, nakadidiring
tingnan, at nakasusulasok ang amoy na
nanggagaling sa ilog. Halos wala ka nang
makikitang buhay na isda sa ilog na iyan.
• Ano ang dahilan ng ganitong
kahihitnan ng Ilog Pasig? Nagsimula ito
nang mag-umpisang tirahan at tayuan ng
kung ano-anong estruktura ang gilid ng
ilog. Kahit na may batas na nagbabawal
sa ganitong gawain, maraming kompanya
at mamamayan ang hindi inalintana ang
batas na ito.
• Hindi naglaon, napabayaan at inabuso
na ang ilog. Naging tapunan ito ng mga
basura ng mga nakatira malapit dito.
Dahil dito, unti-unting umalis ang mga
hayop na naninirahan sa ilog na, ang iba
nga, sa kasamaang palad ay namatay.
Ilog Pasig
ngayon
Sa paglalarawan, ibinibigay mo
ang katangian ng tao, bagay, o
pangyayari na iyong binibigyan
ng deskripsyon.
Ito ay daluyan ng tubig.

Sobrang mabaho ang amoy na ito, na parang


maduduwal ka.
Tinutukoy nito ang iba’t ibang uri ng sasakyan,
mapahimpapawid, mapatubig, o mapalupa man.

Binubuo ito ng mga gusali o kabahayan

Ito ay alituntunin na dapat sundin ng bawat


mamamayan ng isang bansa
Karaniwan itong mga bagay na patapon na

Ito ay mga organisasyong nangangasiwa at nangangalaga sa


kapakanan ng ating bayan at ng mga mamamayan nito
Maaari itong mabaho o mabango, ginagamit natin ang
ating ilong upang matukoy ito

Nangangahulugan ito ng kanal

Ito ay may sukat na isanlibong metro

You might also like